1 mtb_tg tag q3 w28.doc

17
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Teacher’s Guide

Upload: mirinissaunabadtog

Post on 15-Dec-2015

60 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

Mother Tongue-BasedMultilingual Education (MTB-MLE)Teacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 28)

Page 2: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

1Mother Tongue - Based Multilingual Education

(MTB-MLE)

Teacher’s Guide

Tagalog(Unit 3 – Week 28)

Department of EducationRepublic of the Philippines

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by educators from public and private schools, colleges, and/or universities. We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the Department of Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Page 3: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 28)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 

Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things, impose as a condition the payment of royalties.

The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz

Printed in the Philippines ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600

Telefax : (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address :[email protected]

Development Team of the Teacher’s Guide

Consultant : Rosalina J. Villaneza

Author : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Grace U. Salvatus

Editor : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. Hinampas

Graphic Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno

Layout Artist : Anthony Gil Q. Versoza

Page 4: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-28 Linggo

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin

2. Nakababasa ng batayang salita sa unang kita3. Nakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong

intonasyon, damdamin, at bantas 4. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutunan5. Nakasusulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong

bantas, pasok ng salita, at kayarian6. Nakasusulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t

ibang dahilan7. Nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan 8. Nakakikilala ng gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw – baka’t

kalabaw). 9. Nakatutukoy ng katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinasabi10. Nakatutugon sa mga kuwento, alamat, pabula sa pamamagitan ng

pagtatalakayan, awit, at sining11. Nakapagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng

pagbuklat ng aklat na kanilang nabasa

II. Paksang Aralin

A. Tema:a. Talasalitaan:

Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw – baka’t kalabaw).

b. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas.

c. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

d. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.

e. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

f. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

g. Pagbaybay:Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutunan.

h. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talatagamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.

1

Page 5: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

i. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may ibat ibang dahilan.

j. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinasabi.

k. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.

B. Sanggunian:K – 12 Curriculum

C. Mga Kagamitan:Tsart ng mga larawan Illustration board.

D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga Anyong Lupa

E. Paksa: Pangangalaga sa Yamang Lupa

F. Integrasyon: Mga Anyong Lupa - Araling Panlipunan

III. Gawain sa Pagkatuto:

Unang Araw

A.Gawain bago bumasa

1. Paghahawan ng Balakid (Gamit ang ‘Contextual Clues’)

a. inaarugaAng mga batang mahihirap ay inaaruga ng mag-asawa. Binibigyan nila ang mga ito ng pagkain.

b. bantogSi Bernardo Carpio ay bantog sa pagiging malakas. Kilala siya sa buong bayan.

c. himagsikan Ang himagsikan ng mga Pilipino at Kastila ay nagdulot ng kaguluhan.

d. mandirigmaAng aking lolo ay isang matapang na mandirigma. Nakipaglaban siya laban sa mga Kastila.

e. engkantadoMay kapangyarihan ang engkantado na pagalawin ang dalawang malalaking bato.

2. Pagganyak:Itanong: Ano ang nangyayari kapag may lindol?

2

Page 6: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

Ano ang dapat nating gawin kapag may lindol?3. Pangganyak na tanong:

Ayon sa alamat, ano ang sanhing paglindol sa kabundukan ng San Mateo.

B. Gawain habang nagbabasa

Pagbasa ng kuwento:Basahin ng guro ang kuwento nang tuloy-tuloy.Muling basahin ng guro ang kuwento mula sa unahang pahina habang itinuturo ng pointer ang ilalim ng mga pangungusap.Magtanong ukol sa nilalaman ng bawat pahina. Magbigay ng nahihinuhang tanong para sa susunod na pahina. Hayaang magbigay ng sariling palagay o hinuha ang mga bata. Gawin ito hanggang sa huling pahina ng kuwento.

Ikalawang Araw

Gawain pagkatapos bumasa

1. Ugnayang Gawain

Pangkat I: Kilalanin Natin

Gamit ang ‘word map’, isulat ang mga katangian ni Bernardo Carpio.

Pangkat II: Iguhit Mo

Sa isang kartolina, iguhit ang bundok na tinitirahan ng mag-anak ni Bernardo Carpio. Isulat sa ibaba nito ang, ‘Bundok ng San Mateo’.

Pangkat III: Dalangin

Ang mag-asawa ay patuloy na nananalig na magkaroon ng anak. Kaya’t palagi silang nananalangin. Sumulat ng isang panalangin para sa mag-asawa.

Pangkat IV. Artista Ako

Pagdaan ni Bernardo sa magkaparis nanaglalakihang bato ay ginamit ngengkantado angkanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.

Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-untingsiyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakasupang pigilan ang

3

Bernardo Carpio

Bathala,____________________________________________________________________________________________________________________

Page 7: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.

Magdula-dulaan tungkol sa bahaging ito ng kuwento.

Talakayana. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Ano-ano ang kaniyang katangian? Tunghayan ang ulat ng Pangkat I.

b. Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio? Tingnan natin ang gawa ng Pangkat II.

c. Ano kaya ang panalangin ng mag-asawa kay Bathala? Pakinggan ang ulat ng Pangkat III.

d. Ano ang nangyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng engkantado? Ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo? Panoorin ang pagdudula-dulaan ng Pangkat IV.

e. Paano kaya natin pangangalagaan ang ating mga kabundukan?

Ikatlong Araw

1. Balik – aral:Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?Saan ito naganap?Ano-ano ang makikita sa bundok?Inaasahang tugon (Isusulat sa pisara)

aso at pusa baka at kalabawpuno at halaman

2. PaglalahadSabihin: Basahin ang mga salitang inyong binanggit. Tingnan kung paano ko ito isusulat nang maikli.

aso at pusa – aso’t pusabaka at kalabaw- baka’t kalabawpuno at halaman – puno’t halaman

3. Pagtalakay/PaglalahatPaano pinaiikli ang dalawang salita? Kailan ito pinaiikli? Anong bantas ang ginagamit?

4. Pinatnubayang PagsasanayIsulat nang paikli ang pangalan ng mga larawan.

______________________

______________________

4

Page 8: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

______________________

______________________

______________________

5. Malayang PagsasanayLumundag kung wasto ang bawat pinaikling salita.

a. eroplano’t barkob. bangka at bangkoc. ambulansya at kotsed. tren at motorsikloe. kotse’t motorsiklo

6. PaglalapatMagbigay ng mga salitang pinaikli at gamitin sa pangungusap.

7. Pagtataya: Isulat ang katumbas na pinaikling na salita.

mesa at silyakutsara at tinidortimba at taborelo at singsingbatya at tubig

Ikaapat na araw

Kasanayang Pangwika

1.Pagganyak:Ano-ano ang ginagawa ninyo araw-araw?( Isusulat sa pisara ang sagot ng mga bata.)Hal.

Ako ay naliligo tuwing umaga.Ako ay naghuhugas ng pinggan.Nagdidilig ako ng halaman sa hardin.Naglilinis ako ng aming bahay.Nag-aaral ako ng aking aralin.

5

Page 9: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

2. Paglalahad

Ipabasa ang mga sagot ng mga bata.Itanong:

Ano ang ginagawa ni Rico? ( naliligo)Ano ang ginagawa ni Tanya? (nag huhugas)(Magtanong pa tungkol sa sagot ng mga bata.)

3. Pagtatalakay:

Ano ang ipinapakita ng mga salita? Magpabigay pa ng ibang halimbawa.

4. Paglalahat:Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng kilos?

5. Pinatnubayang Pagsasanay

Sabihin Ko, Ikilos Ninyo’a. Babanggit ng mga salitang kilos ang guro.b. Isasagawa o isasakilos ito ng mga bata.

6. Malayang PagsasanayKilos Ko, Hulaan Ninyo’

a. Tatawag ng bata sa harapan ng klase.b. Gagawa siya ng kilos at huhulaan naman ng mga kamag-aral.

7. Pagsasanay:Panuto: Pagtambalin ng guhit ang salitang kilos sa larawan.

umaawit

nagbabasa

nanonood

pumapasok

naglalaba

6

Page 10: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

8. Pagtataya

Iguhit ang masayang mukha kung ito ay salitang kilos at malungkot na mukha kung hindi.

_____ 1. natulog _____ 4. aso_____ 2. umakyat _____ 5. umiiyak_____ 3. ate

Ikalimang araw

1. Balik – aral

Ihanay sa bawat kolum ang mga salitang kilos. Hayaang pumili ang mga bata ng isang salita na gagamitin sa pangungusap.

2. PaglalahadIpakita ang mga batayang talasalitaan na nasa kuwento at ipabasa ang mga ito.

3. Pinatnubayang PagsasanayLaro: “Up the Ladder”Pamamaraan: Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat. Ibigay sa pangkat ang set ng salita na gagamitin sa laro. Ipadala sa harapan ang salitang ito na sasabihin ng guro. Halimbawa:

inaaruga bantog himagsikan engkantado mandirigma

4. Malayang Pagsasanay

Kopyahin sa papel ang tamang salitang babanggitin ng guro.

a. inaaruga bantog bundok yungib

b. himagsikan ilog bulaklak kaibigan

c. bundok mandirigma bantog engkantado

d. yungib gubat bato bantoge. engkantado inaaruga yungib himagsikan

5. PaglalapatLaro: Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Isulat sa drillboard ang salitang maririnig sa guro.

1. inaaruga2. bantog3. himagsikan4. engkantado5. mandirigma

7

A B C

Page 11: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

6. Pagtataya

Bilugan ang markang / kung wasto ang baybay at ang x kung mali.

1. bantog x /

2. inaaruga x /

3. engkantado x /

4. mandirigma x /

5. himagsikan x /

8

Page 12: 1 MTB_TG Tag Q3 W28.doc

ISBN: 978-971-9981-69-5

For inquiries or feedback, please write or call:

DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected], [email protected]