120th anniversary ng la liga at katipunan-ebook project

4
Panawagan para sa mga KONTRIBUSYON “Daan Pa-Libertad Via Tondo-RectoIsang Antolohiya ng mga Sanaysay Para Gunitain ang ika-120 Anibersaryo ng La Liga Filipina at ng Katipunan/KKK sa pamumuno ng Backpackers Media Group, Inc. at Institute of Nationalist Education and Republican Democracy (INERD) DEADLINE: Hunyo 22, 2012 (Biyernes) Iemail ang kontribusyon sa: [email protected] PARA SA DETALYE, BASAHIN ANG MGA SUSUNOD NA PAHINA

Upload: david-michael-san-juan

Post on 27-Oct-2014

242 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

120th Anniversary ng La Liga at Katipunan-Ebook Project

TRANSCRIPT

Page 1: 120th Anniversary ng La Liga at Katipunan-Ebook Project

Panawagan para sa mga

KONTRIBUSYON

“Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto”

Isang Antolohiya ng mga Sanaysay

Para Gunitain ang ika-120 Anibersaryo ng

La Liga Filipina at ng Katipunan/KKK

sa pamumuno ng Backpackers Media Group, Inc. at

Institute of Nationalist Education and Republican Democracy (INERD)

DEADLINE: Hunyo 22, 2012 (Biyernes)

Iemail ang kontribusyon sa: [email protected]

PARA SA DETALYE,

BASAHIN ANG MGA SUSUNOD NA PAHINA

Page 2: 120th Anniversary ng La Liga at Katipunan-Ebook Project

Panawagan para sa mga KONTRIBUSYON

“Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto”

Isang Antolohiya ng mga Sanaysay

Para Gunitain ang ika-120 Anibersaryo ng

La Liga Filipina at ng Katipunan/KKK

KONSEPTO: Sandaa’t dalawampung (120) taon ang nakararaan, itinatag ang “La Liga Filipina” at ang “Katipunan” ng mga mamamayang naghangad hanapin ang lan-das ng kalayaan o libertad ng bayan sa larangan ng ekonomya, edukasyon, kultura at politika. Sa kasamaang-palad, hindi pa rin ganap na nakakamit ang minimithing kalayaan. Gutom, alipin, busabos at aping-api pa rin ang sambayanan ni Rizal at Bonifacio. Gayunman, nananatiling inspirasyon ng sambayanang Pilipino ang La Li-ga Filipina na itinatag sa Tondo, at ang Katipunan na itinatag sa kalyeng ngayo’y Recto, sa pagtuklas ng daan tungo sa ganap na libertad. Layunin ng antolohiyang ito na magtipon ng mga bagong sanaysay/essay hinggil sa La Liga Filipina at Kati-punan bilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng mga ito. Anu-mang may kaugnayan sa La Liga at sa Katipunan ay maaaring isama sa antolo-hiyang ito. Gayunman, hinihikayat ang mga magpapasa na ikonekta sa mga kon-temporaryong problema ng Pilipinas ang kanilang sanaysay/essay.

FORMAT ng Pagpapasa: Short bond paper, 12 font size, Arial, 1” margin sa lahat ng gilid, 1.5 spaced, 2-10 pahina; lagyan ng maikling bionote 2-10 sentences; isama ang contact number at iemail sa [email protected]

WIKA: Filipino o Ingles (pasimplehin ang wika, hangga’t maaari)

DEADLINE ng Pagpapasa: Hunyo 22, 2012 (Biyernes)

PROSESO ng Editing: Gramatika, linaw ng pahayag at spelling lamang ang pokus ng editing. Garantisado ang pagtanggap basta’t makabuluhan ang nilalaman at wa-lang gaanong problema sa gramatika.

PETSA at FORMAT ng Release: Hulyo 2, 2012 bilang ebook/.pdf file (may posi-bilidad din ang print publication pero libreng release bilang ebook ang

pangunahing target).

PARA SA MGA MUNGKAHING PAKSA

BASAHIN ANG SUSUNOD NA PAHINA.

Page 3: 120th Anniversary ng La Liga at Katipunan-Ebook Project

Mga Mungkahing Paksa para sa

“Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto”

(hindi kumpleto ito; anumang may kaugnayan sa

La Liga Filipina at Katipunan ay maaaring ipasa)

* Magagandang programa/plataporma ng La Liga at/o Katipunan na pwedeng ipatu-pad/iimplement sa Pilipinas ngayon

* What-if essays (eksplorasyon/ispekulasyon sa kung ano ang nangyari sa kasaysa-yan kung nagtagumpay ang La Liga at/o nagtagumpay ang Katipunan sa mga orihi-nal nitong layunin)

* La Liga Filipina at/o Katipunan sa kulturang popular (halimbawa, mga pangalan ng kalsada atbp. na may kaugnayan sa La Liga at Katipunan at ang mga problema ng Pilipinas na makikita sa mga kalsadang iyon)

* Mga traydor na miyembro ng La Liga at Katipunan

* Impluwensya ng La Liga at/o Katipunan sa mga kilusang sosyalista at/o radikal at/o komunista at/o mga unyon/labor organization sa Pilipinas

* La Liga at/o Katipunan sa panitikan (allusions atbp.)

* Ang La Liga at/o Katipunan at ang Iglesia Filipina Independiente

* Mga miyembro ng La Liga at/o Katipunan na nanatiling tapat sa bayan

* Nasyonalismo ng elite at petiburgesya noon at ngayon (o kung mayroon pa nga ba silang “nasyonalismo” ngayon)

*Malasosyalista/socialistic na programa ng La Liga at/o Katipunan

*Krisis-Pandaigdig at ang programa ng La Liga at/o Katipunan

*La Liga at/o Katipunan dapat bang buhayin ngayon?

*What-would-Rizal/Bonifacio-do essays (ispekulasyon sa kung ano ang gagawin ni-na Rizal at Bonifacio kung minalas sila na kasama natin ngayon)

*Alam pa ba ng kabataan ngayon kung ano ang La Liga at/o Katipunan? Malalim pa ba ang pag-unawa nila sa ideolohiya ng mga ito? Bakit o bakit hindi?

*Iba pang paksang may kaugnayan sa La Liga at/o Katipunan

Para sa mga online source kaugnay ng La Liga at/o Katipunan,

BASAHIN ANG SUSUNOD NA PAHINA.

Page 4: 120th Anniversary ng La Liga at Katipunan-Ebook Project

Online Sources Kaugnay ng La Liga at/o Katipunan

http://en.wikisource.org/wiki/Constitution_of_La_Liga_Filipina_%281892%29

http://www.mb.com.ph/articles/325167/the-reformists-la-liga-filipina

http://www.philippine-history.org/la-solidaridad.htm

http://www.philippine-history.org/katipunan.htm

http://www.elaput.org/pinskbnt.htm

http://kartilya-katipunan.blogspot.com/

http://www.filipiniana.net/

http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/katipunan.html