4b. palasi ng pangangatwiran
TRANSCRIPT
Lohikal na Pangangatwiran
Dalawang panlahat na kategorya ng lohikal na pangangatwiran:
(a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay
nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga sumusunod:
Tiyakang Silohismo Pangunahing Premis: Lahat ng katoliko ay
Kristiyano Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating sa langit. Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Kongklusyon: Makakarating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim. Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim. Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay
isda. Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy. Kongklusyon: SI Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang
iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahilnagpapahina ang mga ito ng isang argumento .narito ang mga karaniwang palasi na madalas katisuran ng marami:
a. Argumentum ad Hominem -pag-atake sa personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento
Hal:
Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya ay binabae .
B. Argumentum ad Baculum Paggamit ng pwersa o awtoridad .
Hal: Gawin ninyo ang aking sinasabi , ako yata ang pinuno at ako ang dapat masunod .
c. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral
sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
d. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
e. Non sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise. Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag
magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
f. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan.
Halimbawa: Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa
katunaya’y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
g. Maling Paglalahat – pagbatay ng isang
kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
Halimbawa: Mahirap mabuhay sa Maynila kung
kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.
h. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Halimbawa: Magiging mabenta ang sorbetes kahit
tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit na tag-init.
i. Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon.
Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung
gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.
j. Maling Awtoridad – paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa.
Halimbawa: Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating
kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.
Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang
pumatay o kaya ay mamatay.l. Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng
tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?