58351074-trip

48
`prologue Pinagtripan ko siya noon, pero dati yun, hindi ngayon. “mga `tol, tingin sa kaliwa” sumunod naman kaming lahat sa sinabi ni Ash at sabay-sabay tumingin sa kaliwa. “tugsh! Sexy!” halos naglalaway na si Lee sa babaeng naglalakad na nakashorts na super iksi at nakasando na puti—at pink na bra. “ganda legs!” nangingintab naman ang mga mata nitong si Jin habang sinusundan niya ng tingin yung babae. “puro ka na lang legs Jin, bakit di mo bigyang pansin yung—” tumigil sa pagsasalita si Sandy. Lahat kami tumingin sa kanya at hinawakan niya yung dibdib niya. “ang lake! Pink pa yung hold-upper” “gag0. eh kung yung pwet kaya tignan mo” biglang salita ni Tristan. “parang watermelon, na tumatalbog!” tumawa kaming lahat habang tinitignan pa din yung babaeng naglalakad. “miss, miss! Number mo naman!” sigaw ni Chris sabay tawanan naming lahat. `yan ang trip ng barkada namin. Ang mga babaeng sexy, kita na kaluluwa, `yung laging nakashorts, nakasando, `yung mga malalaki `yung—mga kinabukasan nila. `yung goddess itsura ng katawan ang mga trip namin. `yung mga maarte at mga flirt. Kasi sila, nakikijoin. Hindi tulad ng mga babaeng mahinhin, papahirapan ka na—babastedin ka pa. “Rain” tumingin naman ako kay Chris, tinawag niya ako e. “bakit?” “ang tanga mo! Bakit kasi hindi mo tignan yung tinitignan ni Chris” natanga pa talaga ako, malay ko ba? Tinignan ko naman yung tinitignan ni Chris at parang huminto `yung oras. parang nawala lahat ng tao dahil sa nakita ko siya ulit. “`tol si D oh, nagbabalik!” tumawa naman silang lahat. Dianne talaga ang tunay niyang pangalan, pero dito sa subdivision namin, D tawag sa kanya. Ilang weeks ko na din siyang hindi nakikita paano nagbakasyon daw siya dun sa lola niya sa probinsya dahil aalis daw lola niya papuntang ibang bansa. Pero may pagdududa ako dun sa dahilan e, parang alam ko kung bakit siya umalis ng ilang weeks. Ang akala ko hindi ako mahuhulog sa isang babae na hindi mo malaman kung lalake ba siya na natrap sa katawan ng isang babae o babae talaga siya na lalake ang ugali. Ang gulo ng pagkatao niya, pero sa nakikita ko, tanggap na tanggap siya ng pamilya niya sa ganyang kilos niya—parang lalake. Trip lang naman namin `yun nung una e, trip ng magbabarkada at siya ang napagtripan namin—o napagtripan ko. pero nang dahil sa trip na `yun, di ko sukat akalain na pwede akong mabaliw ng dahil sa babaeng yan—babae nga ba? “`tol, tignan niyo si Rain, inlove na ata kay D” tinignan ko naman sila na nakatingin sa akin sabay tawa. “yan pala mga trip mo, mas lalake pa sa`yo” pinalo ako ni Ash sa balikat at tumawa ulit sila na parang walang bukas. Ang saya ko na sana ng makita ko ulit si D. pero bakit nga ba ako nadismaya? Kasi tumingin siya sa mga mata ko na may halong galit, ngumiti sabay alis habang nakaakbay sa isang—babae na sexy. Ang lakas talaga ng trip ng panahon. Parang `yung ginawa ko dati kay D. `1 Bakit hindi tayo mag time warp para malaman natin ang lahat ng nangyari? Ang nakaraan. Naglakad sa harap namin `yung tomboy na playboy, naghiyawan naman kaming lahat kasi kaholding hands niya yung pinaka magandang babae sa kanto nila. “Ang ganda!” sigaw ni Chris habang kami naman ay tawa ng tawa. “panalo! Sana may may ganyan din akong nagayuma” tumingin sa amin `yung tomboy pati na din yung babae. ang sama ng tingin. Hininto muna namin `yung tawanan namin para makalakad na sila palayo. “hanep sa chicks `yung tomboy na `yun ah. parang last week magandang babae kasama niya, ngayon ibang babae na naman ulit, na maganda ulit” sabi ni Tristan na parang manghang mangha dun sa tomboy na `yun. “pagtripan kaya natin siya” sabi ni Lee na parang may iniisip na naman. “mahirap pagtripan yung girlfriend nun, baka bugbugin tayo nung tibo” sabay tawa ni Sandy. “gag0. sino nagsabing yung babae pagtitripan natin?” ngiting demonyo naman si Lee. “`tol, `yung tibo pagtitripan natin?” tanong naman ni Tristan. “ungas” sabay batok ni Lee kay Tristan. “ano gusto mo? `yung aso pagtripan natin?” tumawa naman kami except kay Tristan na mukhang sumakit yung ulo sa batok ni Lee. “ta3na e nu. nagtanong lang inungas na, binatukan pa ng napaka sakit” sabi na nga ba nasaktan e. “tumigil na nga kayo, parang mga bata ah” tumingin naman si Ash kay Lee. “ano balak mo?” Ngumiti naman si Lee. “eh di pagtitripan” binatukan naman ni Ash si Lee. “isa ka pang ungas e. paano nga?” “teka nga. ako na nga nag iisip ng trip ako pa 1 | TRiP

Upload: mizhabelle-tirol

Post on 30-Jul-2015

60 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 58351074-Trip

`prologue

Pinagtripan ko siya noon, pero dati yun, hindi ngayon.

“mga `tol, tingin sa kaliwa” sumunod naman kaming lahat sa sinabi ni Ash at sabay-sabay tumingin sa kaliwa.

“tugsh! Sexy!” halos naglalaway na si Lee sa babaeng naglalakad na nakashorts na super iksi at nakasando na puti—at pink na bra.

“ganda legs!” nangingintab naman ang mga mata nitong si Jin habang sinusundan niya ng tingin yung babae.

“puro ka na lang legs Jin, bakit di mo bigyang pansin yung—” tumigil sa pagsasalita si Sandy. Lahat kami tumingin sa kanya at hinawakan niya yung dibdib niya. “ang lake! Pink pa yung hold-upper”

“gag0. eh kung yung pwet kaya tignan mo” biglang salita ni Tristan. “parang watermelon, na tumatalbog!” tumawa kaming lahat habang tinitignan pa din yung babaeng naglalakad.

“miss, miss! Number mo naman!” sigaw ni Chris sabay tawanan naming lahat.

`yan ang trip ng barkada namin. Ang mga babaeng sexy, kita na kaluluwa, `yung laging nakashorts, nakasando, `yung mga malalaki `yung—mga kinabukasan nila. `yung goddess itsura ng katawan ang mga trip namin. `yung mga maarte at mga flirt. Kasi sila, nakikijoin. Hindi tulad ng mga babaeng mahinhin, papahirapan ka na—babastedin ka pa.

“Rain” tumingin naman ako kay Chris, tinawag niya ako e.

“bakit?”

“ang tanga mo! Bakit kasi hindi mo tignan yung tinitignan ni Chris” natanga pa talaga ako, malay ko ba?

Tinignan ko naman yung tinitignan ni Chris at parang huminto `yung oras. parang nawala lahat ng tao dahil sa nakita ko siya ulit.

“`tol si D oh, nagbabalik!” tumawa naman silang lahat.

Dianne talaga ang tunay niyang pangalan, pero dito sa subdivision namin, D tawag sa kanya. Ilang weeks ko na din siyang hindi nakikita paano nagbakasyon daw siya dun sa lola niya sa probinsya dahil aalis daw lola niya papuntang ibang bansa. Pero may pagdududa ako dun sa dahilan e, parang alam ko kung bakit siya umalis ng ilang weeks.

Ang akala ko hindi ako mahuhulog sa isang babae na hindi mo malaman kung lalake ba siya na natrap sa katawan ng isang babae o babae talaga siya na lalake ang ugali. Ang gulo ng pagkatao niya, pero sa nakikita ko, tanggap na tanggap siya ng pamilya niya sa ganyang kilos niya—parang lalake.

Trip lang naman namin `yun nung una e, trip ng magbabarkada at siya ang napagtripan namin—o napagtripan ko. pero nang dahil sa trip na

`yun, di ko sukat akalain na pwede akong mabaliw ng dahil sa babaeng yan—babae nga ba?

“`tol, tignan niyo si Rain, inlove na ata kay D” tinignan ko naman sila na nakatingin sa akin sabay tawa.

“yan pala mga trip mo, mas lalake pa sa`yo” pinalo ako ni Ash sa balikat at tumawa ulit sila na parang walang bukas.

Ang saya ko na sana ng makita ko ulit si D. pero bakit nga ba ako nadismaya? Kasi tumingin siya sa mga mata ko na may halong galit, ngumiti sabay alis habang nakaakbay sa isang—babae na sexy.

Ang lakas talaga ng trip ng panahon.

Parang `yung ginawa ko dati kay D.

`1

Bakit hindi tayo mag time warp para malaman natin ang lahat ng nangyari?

Ang nakaraan.

Naglakad sa harap namin `yung tomboy na playboy, naghiyawan naman kaming lahat kasi kaholding hands niya yung pinaka magandang babae sa kanto nila.

“Ang ganda!” sigaw ni Chris habang kami naman ay tawa ng tawa.

“panalo! Sana may may ganyan din akong nagayuma” tumingin sa amin `yung tomboy pati na din yung babae. ang sama ng tingin. Hininto muna namin `yung tawanan namin para makalakad na sila palayo.

“hanep sa chicks `yung tomboy na `yun ah. parang last week magandang babae kasama niya, ngayon ibang babae na naman ulit, na maganda ulit” sabi ni Tristan na parang manghang mangha dun sa tomboy na `yun.

“pagtripan kaya natin siya” sabi ni Lee na parang may iniisip na naman.

“mahirap pagtripan yung girlfriend nun, baka bugbugin tayo nung tibo” sabay tawa ni Sandy.

“gag0. sino nagsabing yung babae pagtitripan natin?” ngiting demonyo naman si Lee.

“`tol, `yung tibo pagtitripan natin?” tanong naman ni Tristan.

“ungas” sabay batok ni Lee kay Tristan. “ano gusto mo? `yung aso pagtripan natin?” tumawa naman kami except kay Tristan na mukhang sumakit yung ulo sa batok ni Lee.

“ta3na e nu. nagtanong lang inungas na, binatukan pa ng napaka sakit” sabi na nga ba nasaktan e.

“tumigil na nga kayo, parang mga bata ah” tumingin naman si Ash kay Lee. “ano balak mo?”

Ngumiti naman si Lee. “eh di pagtitripan” binatukan naman ni Ash si Lee. “isa ka pang ungas e. paano nga?”

“teka nga. ako na nga nag iisip ng trip ako pa binatukan. Chill” yabang talaga nitong lalakeng to e nu. “pagtitripan lang naman naten. Liligawan, pa-iibigin! Try lang natin gawing babae. so sino gagawa?”

“Go Rain! Kaya mo yan!” napatingin naman ako kay Sandy. “tae”

“oo nga Rain. Ikaw na lang gumawa” isa pa tong si Tristan.

Hinawakan ni Jin yung balikat ko. “`tol, ibang record `yun. for the first time, magkakagirlfriend ka ng tomboy! Bali sa mga ex-girlfriends mong mga flirt, siya lang hindi flirt! Astig `yun `tol” parang wala akong nagets sa sinabi ni Jin. Ako lang ba `yun o talagang ang gulo ng statement ni Jin?

“oo nga `tol! Bilis na” sabi naman ni Chris. Ah ako nga lang siguro ang hindi nakagets o silang dalawa lang talaga nagkakaintindihan. Grabe moral support nitong mga `to. Nakakatouch.

“ayoko”

“ano!?!” ano `to? Speech choir?

“wala akong makukuha d`yan sa trip na `yan. `di naman ako yayaman d`yan e”

“`tol, lilibre ka namin ng pagkain everyday habang kayo nang tibong `yan!” napawow naman ako sa sinabi nitong ni Lee. Libre—pagkain—everyday—habang kami nung tibo? SOLVE!

“namin?” pagtatakang tanong ni Ash.

“gag0. oo, natin. `wag ka nang sumabat”

“sige!” ayos yun! libre ng pagkain everyday habang kami nung tibo! Eh paano kung 1 year kami! Wooh! Ayos na ayos talaga yun!

“o bilis, magstart ka na ngayon!”

“huh?”

Tinulak naman ako ni Sandy. “goodluck” tumawa naman silang lahat. Bakit?

Kasi nakatingin sa amin yung tibo na pagtitripan ko.

`2

Huminga ako ng malalim bago lumapit. Grabe, tomboy na tomboy `yung itsura niya. nakamaluwag na t-shirt. Cargo pants. Tsinelas. Nakacap siya

1 | TRiP

Page 2: 58351074-Trip

na may design na star sa gilid—hindi na nga Makita buhok niya e. kalbo kaya `to? `di ko masyadong kita mukha niya, madilim na kasi e pero sa ngalan ng pagkain, kakayanin ko `to!

“hi” sumama `yung tingin sa akin nitong tomboy na kaharap ko. nagpatuloy lang siya sa paglalakad pero hinawakan ko `yung braso niya para tumigil siya.

“ui teka” nginitian ko siya ng killer smile ko na nakakamatay talaga dahil sa kagwapuhan ko. “ako nga pala si Rain, ikaw?” tinignan lang niya ako ulit, lalong sumama `yung tingin. Katakot.

Snobbish naman nitong tibong to! Kung babae ka lang nako! Baka lumuhod ka pa sa harap ko e! “pwede ko bang malaman `yung pangalan mo?” inakbayan ko siya. Hindi naman siya kumibo kaya parang ok naman na nakaakbay ako sa kanya.

“p***** i**ng `yan!” bigla siyang tumakbo. fcuk! Ang sakit ng suntok niya sa mukha ko! taena! Hinawakan ko `yung sumasakit kong ilong. Putek! Ang saket! “argh!”

“`tol! Grabe. Talo pa niya si Pacquiao manuntok! Straight to the face!” tumawa sila na parang tanga. Taena. Ang saket ng ilong ko!

“ok lang ba yang mukha mo? Mukhang nadislocate ata yung ibang parts ah”

“tanga. Ganyan talaga mukha niyan” tawa silang lahat.

Tumayo naman ako habang hawak hawak `yung ilong ko. napaluhod kasi ako sa sakit e.

“e kung kayo kaya suntukin ko!? grabe full force!” ang sakit! Kawawa naman gwapo kong mukha! `yung ilong ko!

Tumawa lang sila ng tumawa habang naglalakad kami pauwi. “`tol, gagaling `yan overnight. May pasok ka pa bukas oh” tinapik tapik naman ako sa balikat ni Ash.

“I’ll miss you Rain!!” niyakap naman ako ni Chris.

“yuck! Bitawan mo ako!” tinulak ko naman `yung mukha niya. Nababakla na naman kasi sa kagwapuhan ko e.

“si Chris nababakla na naman” tumawa kaming lahat. lakas ng trip namin `no?

Ako nga lang pala may pasok bukas. `di na kasi sila nag-aaral eh. bakit? Kasi—

si Ash, mayaman naman sila kaya lang lumayas sa kanila kasi `yung tatay daw niya  mukhang monster. kaya tumira dito sa subdivision namin, `di naman siya pwedeng pag aralin ng mga kabarkada niya `di ba?

Si Lee, matalino at talented kaya lang tamad tska yung talino niya ginagamit sa kalokohan. Ayaw niya kumuha ng scholarship para

makapag-aral, tamad e.

Si Jin every year na lang lumilipat ng school paano laging kick out, ang daming kaaway parang talo pa niya yung tbs sa sobrang war freak, kaya hindi na siya pinag-aral ng tatay niya.

Si Sandy naman parang wala nang pumapasok sa kokote niya, puro babae babae babae at nasabi ko ba `yung babae? yun kinaaadikan niya e. halos namaster na ata niya `yung basic algebra at general science, pwede na siyang magteacher ng 1st year. Ikaw ba naman 4 years ka nang 1st year e, `di mo pa ba mamamaster `yun?

Si Tristan, sa apat na school na nilipatan niya, laging may iniiwan na souvenir sa mga babae niya. Maraming tinataguan kaya `di na nag-aral.

Si Chris naman tamad, ayan, sa sobrang katamaran hindi na nag aral.

Ako na nga lang pinakamatino sa barkada namin e, pero `wag kayo mang husga. Kahit na mga gag0 `yang mga `yan. Kaibigan ko pa din sila, tska `di naman kami nagdudrugs e, `di ba?

Mag isa lang ako dito sa bahay, `yung ate ko kasi nag asawa kaagad, `yung nanay ko namatay na tapos `yung tatay ko may iba nang pamilya. Pero kahit na may ibang pamilya tatay ko, hindi naman niya ako pinapabayaan. Binibigyan niya ako ng 2o,ooo pesos every month tapos hindi ko pa gastos `yung kuryente tska tubig. Astig `di ba?

Papasok ako sa bagong school ngayong 4th year. Ayaw na kasi akong ipag enroll nung principal ng school ko dati e, masyado daw akong war freak kahit hindi naman talaga. Mabait kaya ako.

1st day, maaga ako. hindi late, nakakahiya naman kapag late pa ako ngayong 1st day e. pumasok ako sa loob, ayos. Walang pumapansin sa akin ah, invisible ba ako? umupo ako `dun sa 3rd row, pinaka dulo. Pumasok na `yung teacher namin.

“may bagong estudyante ba tayo ngayon?” parang napatingin sa akin `yung mga kaklase ko. dyahe. Pag nagtaas ako ng kamay magpapakilala ako at kapag napahiya ako, bawas pogi points `yun sa mga girls!

Pero wala akong nagawa kundi ang magtaas ng kamay. “can you introduce yourself to everybody?” lagi namang ganyan e. tumayo ako at pumunta sa harap.

“I’m Andrei Jan Montez. But everybody call me rain” bago pa man ako umupo e biglang may nagbukas ng pintuan sa tabi ko. (may aircon kasi classroom namin kaya kulob at sarado lahat ng pwedeng isarado)

Napatingin naman ako `dun sa tao na nagbukas ng pintuan. “well, Dianne. you`re my student, again.” Dianne ang pangalan ng babaeng nasa harap ko.

`3

Nakatingin sa akin `yung babae. Ang angas ng itsura niya. pero ang ganda ng mata niya tapos ang puti pa. sexy din kasi kitang kita yung figure niya dun sa uniform na parang nadisarrange. Mukhang bad girl `yung look niya paano may nginunguya pang chewing gum. ang haba ng buhok, hanggang bewang tapos nakasumbrero pa. maganda siya, simple itsura pero mukhang tomboy, at familiar itsura niya, `di ko lang alam kung saan ko siya nakita e.

“mukhang ang aga mo ata pumasok ngayon Dianne” napatingin naman ako sa teacher namin. Magkakilala sila? Malamang.

“maaga ba? ano gusto mo? Umuwi ulit ako?” sabi nung babae habang nginunguya `yung chewing gum.

Parang napakunot noo `yung teacher namin. “masyado ka kasing maaga para sa break time e. ganun ka naman laging pumapasok `di ba?”

“whatever piolo” natawa naman `yung mga kaklase ko habang naglalakad `yung babae sa loob ng room. “err-I mean pascual” umupo siya dun sa upuan na katabi ng upuan ko. “I mean—SIR pascual” ngumiti siya ng parang nang aasar.

“Jan” napatingin naman ako sa teacher ko. ayokong tinatawag akong Jan!

“sir, rain na lang” tumango naman siya.

“Rain, welcome to my world. Maupo ka na” ang weird nitong teacher na `to. Welcome to my world daw o, parang tanga lang e. umupo naman ako dun sa upuan ko na katabi nang inupuan nung babae.

Familiar talaga `yung mukha nitong babaeng `to e. pero saan ko ba siya nakita? Argh! Nakalimutan ko pa!

Buong umaga ko lang tinitignan `yung babaeng katabi ko na hindi naman ako tinitignan. Familiar kasi talaga mukha niya. tinignan ko din `yung cap niya, mukha kasing mamahalin, big time siguro `tong babaeng `to. Tska kung paano niya sagutin `yung adviser namin, parang mas mababa pa sa estudyante `yung trato, ang lakas siguro ng hatak nito dito sa school.

“ano ba tinitignan mo?” nagulat naman ako nang magsalita siya at nakatingin sa akin. Parang naiirita. “sagot!”

Ang yabang naman nitong babaeng `to! “wala. Ganda kasi ng cap mo e” kunwari na lang interesado ako sa sumbrero niya. pero ang ganda kasi ng itsura e. “pwedeng patingin?” tumingin lang siya sa akin na parang nagtataka habang nginunguya `yung chewing gum niya.

Binigay naman niya sa akin `yung sumbrero niya at nagulat ako nang Makita ko `yung star na katulad dun sa cap nung tibo kagabi. Shet! `wag mo sabihing—“ikaw yung tibo kagabi!?” nakatingin ako sa kanya na gulat na gulat. Kaya pala familiar `yung mukha niya e!

“tae. Ikaw `yung umakbay sa akin na panget!?” awts. Sakit naman nun, panget daw oh. kinuha niya `yung cap niya sa kamay ko.

“ikaw `yung sumuntok sa gwapo kong mukha!”

2 | TRiP

Page 3: 58351074-Trip

“taena. Baket ka umakbay!? Mabuti lang sa`yo `yun!” tumayo siya na parang inaakma niyang suntukin ako.

“Dianne!” napatigil naman kaming dalawa nang tawagin ni sir pangalan nitong tibong `to. “hindi ka na nga nakikinig, tatayo ka pa. lumabas ka na nga dito”

Tumingin sa akin `tong tibong `to. “mabuti naman. Kanina pa ako inip na inip tska ayokong Makita mukha nitong lalakeng `to” sabay turo sa akin bago umalis. Buti naman wala na siya. Grabe. Pahirapan ata `to. Paano ko mapagtitripan ang isang tomboy?

“You too Rain” nabigla naman ako nang sabihin ni sir pangalan ko. “out!” lakas ng boses. “NOW!” nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. badtrip `tong teacher na `to ah. lumabas naman ako ng classroom namin at nakita ko si tibo na nakaupo sa upuan sa labas.

Tumingin lang siya sa akin tapos tumingin ulit sa harap na parang walang tinitignan. Itsura pa lang nang pag upo niya, malalaman mong tomboy siya. Pero ang galing din ng itsura niya e, ang haba ng buhok, ang sexy pero nakasumbrero tska ang angas niya tignan. Para siyang cool chick.

Umupo ako sa tabi niya. “loko `yung teacher na `yun nu?” hindi siya sumagot. `di nga din siya tumingin sa akin eh. “ako nga pala si Rain”

“alam ko” ah oo nga pala. Sinabi ko na sa kanya `yun kagabi.

“ikaw pala `yung kagabi. `di mo kamukha” `di talaga niya kamukha. Kasi mas mukha siyang maganda sa buhok niyang mahaba, tapos and sexy pa niya, ganda pa ng mata niya basta, ang angas nga lang ng aura niya. pero maganda siya ngayon.

“tahimik ka ba talaga?” tanong ko. para kasing may bayad bawat words niya e.

“bakit mo ba ako kinakausap?!” parang iritang irita siya sa akin ah. inakbayan lang para namang may germs `yun. sasabihin ko na ba? oo! Kelangan ko ng libreng pagkain nu!

“`cause I want you to be my girlfriend” lumaki `yung magaganda niyang mata tapos parang gulat na gulat. Na shock ba?

Ok, papayag ata `to!

`4

Kanina pa ako nagpapahinga sa clinic. Ikaw ba naman suntukin ng tomboy sa panga mo e. grabe! Nakakahilo! Kamag anak ba nun si Pacquiao!? At dahil sa tamad ako, natulog lang ako buong araw, pwede naman daw kasing matulog e.

Pag uwi ko, nakita ko sila Lee na nakatambay sa tambayan namin. “Oi Rain! I missed you!” sigaw ni Chris sabay kaway.

“`tol! Ang galing! Nag English ka!” malayo pa ako sa lagay nito pero rinig na rinig ko boses ni Sandy.

“bakit? Nagets mo ba sabi ni Chris?” tanong ni Jin. nandito na ako sa tambayan namin. Dito kasi, lagi akong masaya.

Parang nag isip pa si Sandy sa lagay na `yan. “hindi e” tawa naman kaming lahat. Tanga talaga e.

“musta nga pala 1st day mo?” napaka caring naman ni Ash.

“1st day pa lang malas na. pero ok lang kasi natulog ako sa clinic” umupo ako sa tabi ni Lee.

“bakit? Pwedeng matulog sa clinic?” inusente talaga mga taong hindi nag aaral. haha

“hindi. Pwede ka kapag sinuntok ka” nanlaki mga mata nila.

“`tol, sinuntok ka na naman? Lapitin ka ba ng mga suntok? O may kaugali si tibo sa bago mong school?”

“hindi. Paano si tibo talaga `yung sumuntok ulit sa akin! Grabe. Kakahilo `yun ah” nagtawanan naman silang lahat.

“magkaschoolmate kayo nung tibo?” tanong sa akin ni Lee.

“hindi lang schoolmate. Magkaklase pa kami. Magkatabi pa!” lalo silang nagtawanan.

“swerte mo naman! Eh `di mas madali mong magagawa `yung trip natin?” nakangiti sila na parang ewan sa akin.

“sinabi ko lang na gusto ko siyang maging girlfriend ang sakit na ng suntok niya e. katakot `yung tibong `yun. pero sa totoo lang—” kapag sinabi kong maganda si tibo, baka tuksuhin pa nila ako. wag na. “ang angas talaga niya!”

“kaya mo `yan. Konting tsaga lang `yan” tinapik tapik ni Sandy balikat ko.

“bakit hindi na lang ikaw gumawa?”

“ayoko nga! nakakatakot `yun nu. tska magkaklase na kayo”

“oo nga Rain. Kaya mo `yan”

“isa ka pa e”

“sayang `yun. libreng pagkain” moral support talaga e nu.

“paano ba? ang hirap kaya! Kawawa naman mukha ko oh. wala na akong maaakit niyan!” tumawa naman sila sa sinabi ko. anong nakakatawa?

“kelan pa nangyari `yun?” ang yabang!

“ewan ko sa`yo. Bakit `di mo balikan mga naiwan mong souvenirs sa mga

babae mo dati?”

“`tol wala namang personalan” tumawa naman kami. Mga happy-go-lucky talaga e.

“Lee. Plano naman d`yan. Tulungan mo ako” parang nag isip naman talaga si Lee. Maaasahan talaga `tong si Lee. Ang talino e!

“bakit si Lee hinihingan mo ng plano?” tanong ni Sandy. Ano gusto niya? sakanya?

“bakit? May plano ka ba?” tumingin kaming lahat kay Sandy. Para kasing world record kapag nakapag isip siya ng matino e.   “wala. Bakit? Sinabi ko bang sa akin ka magtanong?” tumawa naman kami. Papansin din `tong si Sandy e nu.

“alam ko na!” napatingin kaming lahat kay Jin. “o bakit kayo nakatingin sa akin?”

“anong alam mo na?”

“alam ko na kung paano reresbakan `yung nang gugulo kanina!” ang layo naman ng iniisip nitong kumag na `to!

“grabe Jin. You’re a big help!” sarcastic na sabi ni Ash.

“ako pa” sabay batok sa kanya ni Lee. “aray naman!”

“tumigil ka nga. nag iisip kami dito e” tumingin naman si Sandy kay Lee.

“anong kami?”

“kami? Ai mali. Ako lang pala” tumawa kami ulit. Ang saya talaga dito sa barkada ko.

“teka, kung kaklase mo si tibo. Ano pangalan niya?” bigla namang nacurious `tong si Tristan.

“Dianne” para namang gulat na gulat sila sa sinabi ko. “bakit?”

“`tol. Babaeng babae `yung pangalan! Tapos `yung itsura niya lalakeng lalake!” sabay tawanan. Pero kapag nasa school siya, ang ganda niya. maangas nga lang. pero ang ganda niya talaga. Gets niyo ba ako?

“alam ko na!” tumingin kaming lahat kay Lee. Ayos! May naisip na siya! “pustahan!”

“bakit pustahan?”

“bakit ba? gusto ko e” tumawa si Lee sabay tingin sa akin. “kapag natalo mo sa isang pustahan si tibo, sure akong magiging kayo nun!”

“paano?”

Nagtinginan sila tapos tumayo. “goodluck sa`yo, tara na mga `tol” at

3 | TRiP

Page 4: 58351074-Trip

nagsialisan naman silang lahat.

“hoi `di niyo ba ako tutulungan mag-isip?!” sigaw ko at nagtawanan lang sila. Grabe. Ang bait nila `di ba?

Umuwi ako at nag ayos na. ano nga ba magandang pustahan na sigurado akong panalo ako?

`5

Nakaisip na ako ng pwedeng pustahan namin. Pero hindi ko alam kung papayag siya, tska mamaya mas matalino pala siya sa akin?! Kapag natalo ako baka mamaya suntukin na naman niya ako kawawa naman gwapo kong mukha.

“oi” may nagbato sa akin ng bato sa ulo. At naramdaman kong masakit talaga ito.

“ta3na. bakit kailangang bato pa ibato!?” napatingin ako sa likod at nakita ko si tibo na parang natatawa.

“`yun una kong nahawakan e” tuluyan na siyang tumawa, sadista ata `tong tibong `to e.

Umupo siya sa tabi ko. nasa field kasi ako e, nakakatamad sa classroom. “cutting ka ah” cutting nga ako. nakakatamad kasi magturo `yung isa kong teacher e. pamatay, marinig mo lang boses tulog ka kaagad.

“bakit ka nandito?” tanong ko habang nakatingin sa kanya na kumakain ng hotdog on stick.

Ganun pa din itsura niya, mahaba ang buhok tapos nakasumbrero, pero iba sumbrero niya ngayon, paiba iba na nga siya ng sumbrero e. parang may 1 year supply siya ng mga sumbrero. Tapos `yung uniform niya, improper uniform siya. Longs sleeves kasi `yung uniform ng mga babae tapos may necktie, nakapalda na maiksi—3 inches above the knees kaya ang daming pwedeng silipan.:D Pero siya, nakabukas `yung butones ng long sleeves niya kaya medyo nakikita ko cleavage niya, nakataas `yung sleeves niya—ginawang ¾, `yung necktie hindi nakatali. Bad girl na bad girl `yung dating. Tapos `yung mga mata niya—ang ganda pa din.

ilang weeks na din kaming magkaklase. Ngayon pa lang ako nakaisip ng pwedeng pustahan e. at ang naisip ko, pataasan kami ng score sa quiz namin sa physics. Magaling kasi ako `dun kaya pwede akong manalo tska hindi naman nag aaral `tong si tibo e.

“nakakatamad si tanghal e, kesa naman matulog ako, kumain na lang ako” sabi niya habang nginungaya `yung hotdog on stick niya.

“`di ba may quiz tayo sa physics bukas?” tanong ko habang nakatingin sa langit. Ayokong tinitignan siya e, parang nakakalimutan kong tibo siya.

“o? `di ko alam `yun ah” sabi sa inyo wala siyang pakielam e.

“basta kasi may quiz tayo, gusto ko sanang makipag pustahan sa`yo”

parang kinakabahan ako, ewan ko kung bakit. Baka kasi suntukin na naman ako. ayoko na. masakit kaya suntok niya.

“pustahan? Paano pustahan natin?” tinignan ko siya. Parang natuwa pa siya. Interesado!

“pataasan tayo ng score. Tapos kung sino mas mataas, syempre panalo. Kahit ano pwedeng pagawa except lang `yung pakamatay ah” alam niyo naman. Sadista `yan, baka pag siya nanalo sabihin niya magbigti ako kawawa naman kayo, wala nang bida.

“game! Paano pag nanalo ako?”

“ikaw bahala. Ano ba gusto mo?” parang nag isip siya. Sineseryoso niya? pero ako pa din mananalo! Kailangan ko ng libre pagkain.

“gagawin mo lahat ng school activities ko sa isang taon” nagulat naman ako sa sinabi nitong si tibo. Grabe naman papagawa niya! obvious na tamad ah!

“grabe namang kundisyon na `yan!” grabe talaga. Kailagan ko talagang manalo.

“walang ayawan `yan” tumawa siya. “`pag ikaw nanalo?” sasabihin ko na ba sa kanya? Baka mag back out siya kapag sinabi ko?

“sasabihin ko sa`yo kapag nanalo na ako” tumayo ako at bumalik na sa classroom. Ayos! Umoo na siya. Walang ayawan. Mananalo ako dito!

Dahil sa excited ako, natulog ako ng maaga at pumasok ng maaga. Magaling ako sa physics kaya sure ako na panalo. Hindi naman nag aaral si tibo e.

Nagsimula na `yung morning classes namin. Physics class kasi namin before uwian. Pero wala si tibo ngayong umaga. `wag mo sabihing back out na siya?

Dumating ang recess. Wala pa din siya. Dumating ang lunch. Wala pa din siya. takte. Hindi na dumating `yung tibong `yun ah.

“class, get ready for our quiz” putek. Hindi na nga siya dumating. Ang lakas ng trip nung bab—“Ms. Garcia, ang aga mo naman sa dismissal time” napatingin ako sa may pintuan. Si tibo, nakatingin sa akin na nakangiting nang aasar.

“maaga ba? sorry ah” umupo na siya sa tabi ko. “kala mo mawawala ako no?” tumawa siya na parang nang aasar. Binigay na sa amin `yung papel para sagutan.

“get ready class, your timer starts, now”

Natapos ako sa quiz na walang kahirap hirap, may dalawa akong hindi sure pero alam kong matataasan ko si tibo. Next week pa namin malalaman `yung scores namin, si Jacinto kasi nagchecheck ng papel namin eh. excited na ako next week!

Ang bilis ng araw, Monday ulit. At dahil excited ako sa score, pumasok na lang ako ng physics time, bago mag uwian.

“akala ko natakot ka nang matatalo ka e” tumawa si tibo. Akala naman niya!

"hindi, ginaya ko lang style mo. dramatic entrance" tumawa ako pagkaupo ko. haha

“class, I’ll announce your scores in your quiz last week” isa isang sinabi ni jacinto `yung mga scores namin.

“Montez, 48 over 5o” ayos! 2 lang mali ko! dapat maka 49 o 5o si tibo para matalo niya ako. HAHAHA. Nalalasap ko na ang mga libreng pagkain!

Tumingin siya sa akin ng masama at nginitian ko lang siya. Alam na niyang talo siya. Ang hinihintay na lang namin, score ni tibo na mababa para sasabihin ko na sa kanya.

“Garcia” ayan na ayan na!

`6

“Garcia, 5o over 5o”

Napanganga naman ako ng wala sa oras sa narinig ko. tinignan ko si tibo, tuwang tuwa `yung malademonyo niyang mukha.

Hindi pwede `yun. hindi naman nag aaral si tibo e! paano mangyayari `yun?! binayaran niya si Jacinto? Malakas hatak nito sa school e.

“paano ba `yan?” ngumiti siya na parang nakakairita.

“sir! Sino pong Garcia? Tatlo kaming Garcia dito e!” napatingin ako kay Jacinto. Oo tama, sinong Garcia? Tatlo Garcia namin eh.

“ah oo nga pala, teka.” Parang pilit niyang binasa `yung nasa papel. “Garcia, Miguel 5o ka” parang natuwa naman ako sa narinig ko. parang musikang napaka ganda na ang sarap pakinggan.

Tumingin ako kay tibo na mukhang nalugi `yung mukha. Ang sarap pagtawan!

“Dianne Garcia” napatingin ako kay Jacinto ng tawagin ni Jacinto si tibo. Sasabihin na score niya! sure akong mababa `yan! “pinapatawag ka nang principal, pumunta ka daw sa principal’s office ngayon” TAENA! Ang laki nang problema ng school na `to ah!? bakit ayaw pa sabihin score ni tibo!?

Umalis si tibo, hindi pa din sinasabi score niya. agh! Nakakainip na ah! bumalik ulit si tibo. “ano? Talo ka na ba?” tanong niya sa akin.

“hindi ka pa talo, wag kang mag alala” nginitian ko lang siya na nang aasar.

4 | TRiP

Page 5: 58351074-Trip

“Garcia, Dianne—” AYAN NA! “forty—” shet!? Forty plus din score niya! tinignan ko siya, attentive siya. “over 5o”

“AYOS!” napatayo naman ako sa tuwa nang marinig `yun. ayos! Panalo ako! panalo ako!

“Mr. Montez?” napatigil ako nang tawagin ako ni Jacinto na nakatingin sa akin at nakita kong nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. “I’ll be happy if you sit down” umupo naman ako at tumingin kay tibo na parang naaasar.

“I win” nginitian ko siya. Bwahaha. Panalo ako. ang saya! Libreng pagkain, here I come!

Umalis na si sir at nag aayos na mga kaklase ko para umuwi. Nakaupo lang si tibo na parang dismayang dismaya `yung mukha. “oh ano na?” tumutupad pala talaga siya sa usapan.

Huminga ako ng malalim. Baka suntukin ako ulit nito! “be my girlfriend” nanlaki `yung mata niya. Nakakatawa.

“nang iinsulto ka ba? hindi tayo talo?!” woah. Hot blooded si tibo ah.

“walang ayawan. Ako ang nanalo” nginitian ko ulit siya na nang iinis.

“akala ko ba walang utos na pakamatay!?”

“pakamatay ba `yu-”

“oo! Ayoko sa mga lalaki. Obvious bang babae ang gusto ko!?” lumapit mukha niya sa mukha ko na parang nang hahamon. Tumawa lang ako.

“ano pakielam ko!? pustahan `yun. pumayag ka at walang ayawan!”

“may girlfriend ako, pwede ba?” anu ba `yan, ako walang girlfriend pero siya may girlfriend, tinalo pa niya ako ah.

“makipag break ka sa kanya, wala akong pakielam. Basta simula ngayong araw na `to. GIRLFRIEND NA KITA” tinulak niya ako ng full force kaya napaupo ako sa sahig, tinamaan ko pa `yung ibang upuan. putek! Ang sakit.

“ewan. Uuwi na ako” naglakad na siya paalis ng room.

“oi teka bhe! Girlfriend ko!” ewan ko pero natutuwa ako. siguro dahil `yun sa libreng pagkain? Ayos, ang saya pala ng trip namin!

`7

“ang galing mo `tol! Naging kayo na ni tibo!” tawa ng tawa si Sandy sa kinuwento ko e. tuwang tuwa.

Binatukan ni Jin si Sandy. “ungas! Anong magaling `dun!?” hinawakan ni Sandy `yung ulo niya.

“bakit?”

“ililibre natin si Rain ng pagkain araw araw! Bakit Sandy, may pera ka!?” yamot sila e. ang saya pala nang ganito.

“ow” parang inaabsorb pa niya `yung mga sinabi ni Tristan. “p***** i**! Magbreak na nga kayo ni tibo!!”

“asa pa. araw araw `yun ah” nginitian ko sila na nang aasar.

“teka” napatingin kaming lahat kay Lee na may iniisip na naman.

“bakit?”

“paano kami makakasiguro na kayo nga ni tibo?” tumingin silang lahat sa akin. Spotlight ah!

“oo nga naman Rain!” aba! Pinagtutulungan ako ng mga `to ah.

“tanong niyo sa mga kaklase ko” parang hindi pa din sila convince o talagang ayaw lang nila ako ilibre ng pagkain araw araw?

“hindi pwede kaklase”

“tama, baka mamaya bayaran mo kaklase mo e” tumango tango naman sila.

“ano gagawin ko?” ngumiti si Sandy.

“kiss him!” napatingin kaming lahat kay Sandy.

“`tol, nag English ka!”

“oo nga! astig!” For the first time kasi nag English e. haha

“teka, parang mali. Him? Her dapat!”

“gag0. ang tanga mo. Tibo nga e”

“kahit na. babae pa din `yun”

“ewan ko sa’yo!” nag away ba naman sila e nu. sarap pag untugin.

“pero tama si Sandy, halikan mo siya” halikan!?

“ano!? Virgin pa lips ko! ayoko!”

“ha?!?!” tumingin naman silang lahat sa akin ng masama. Parang protesta ah.

“ano ba? virgin pa nga lang `yung lips ko. sa halik ng tibo!” tumawa naman sila. “`wag niyo kasi akong pangunahan e” tumawa kami. Pero sa totoo lang—ayoko talagang halikan `yung tibong `yun! natatakot ako mamaya may ahas na lumabas dun sa labi niya e!

“pero `tol seriously” tumahimik kaming lahat. Nakakagulat e, nag eenglish talaga si Sandy!

“ano?”

“kiss it” natawa naman kaming lahat. Taena. Patawa e.

“kiss IT!?”

“oo bakit? Neutral e”

“gag0. it bagay `yun. bagay ba si tibo?!” tumawa kaming lahat except kay Sandy. Pahiya e.

“ayaw niyo kasi ng him e, hindi naman pwede `yung she. Eh di it na lang!”

“ewan ko sa’yo” tawa kami ng tawa. Ang sakit na nga ng tyan ko e.

“ungas”

“pero `tol, siguro `yun nga” tumingin ako kay Lee. Seryoso na mukha niya. “halikan mo siya sa harap namin para malaman naming kayo nga talaga”

Hahalikan ko!? si tibo!? Hindi naman papayag `yun e!

`8

Paano ko hahalikan ang tibo? Tell me. Alam ko madaling halikan ang isang babae. Kasi bibigay din `yun sa kagwapuhan ko. Pero kung kay tibo, parang parang. Ang labo!

“ui girlfriend ko!” tinatakbuhan kasi ako ni tibo e.

Humarap siya sa akin, hinawakan yung collar ng uniform ko. “`wag mo akong tawaging girlfriend” hindi siya sumigaw pero parang galit siya. Cool pa din dating niya.

“eh ano gusto mo?” parang nagtaka siya, tinignan lang niya ako sa mata. “bhe!” tumawa ako pero tinulak niya ako kaya napaupo na naman ako sa sa ground.

Ano ba `yan! Ang dumidumi, dito pa ako tinulak. Lunch break kasi namin ngayon e. namin, naming dalawa. Haha. Kaya nasa ground kami. Tumayo ako at lalapit sana sa kanya ng Makita ng dalawa kong mata na hinalikan ng babae sa pisngi si tibo.

“D! I missed you so much!” sabay halik naman sa lips. Putek! Aggressive ba `tong babaeng `to na sa tingin ko girlfriend ni tibo?

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nakaka—ewan. “who’s that guy?” tinuro naman ako ng babaeng `to. Ano ba `yan, feeling ah. Mas maganda pa ata ako dito kapag naging babae ako e!

“`di ko siya kilala” awts naman! Ang bitter naman sa akin ni tibo! Tsk tsk.

Tinignan ako nung babae na parang ang taray taray. “can we have some privacy? and don’t stare at me like a maniac” parang gusto kong masuka

5 | TRiP

Page 6: 58351074-Trip

sa sinabi niya. don’t stare at her!? Asa pa! mas gugustuhin ko pang maging bulag kesa tignan siya, kadiri!

Umalis na lang ako sa harap nila. Ayoko naman Makita silang maglampungan dun `no. virgin pa mata ko para makanood ng ganun.

Bumalik na lang ako ng classroom, naglelesson si Gomez, kakatamad makinig. Ewan ko ah. pero bakit `yung babaeng `yun napiling girlfriend ni tibo? Marami siyang chicks pero `yun girlfriend niya. ang gaganda at ang sesexy ng chicks niya pero `yung girlfriend niya, grabe. Parang pinaghalong gorilla, kabayo, giraffe, tarsier, at isda `yung mukha. POUTY lips ang putek, parang pinasabugan ng dinamita e. HAHA.

“Montez, anong nakakatawa sa tinuturo ko?” grabe, natawa na pala ako. “wala po” at nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

Uwian, sabi ko sabay kami ni tibo. Syempre para mapaibig ang babae, kailangan ng konting lambing, sweetness, konting pagiging gentleman at dahil sa charm ko na din kaya konting effort lang. Mas may effort nga lang ngayon kasi tibo `tong kaharap ko—I mean kinakalaban ko.

“girlfriend, tara na” hahawakan ko sana `yung kamay niya pero tumayo siya.

“`wag mo nga akong tawaging girlfriend! tska anong tara na? aalis kami ng girlfriend ko” tinulak na naman niya ako at buti na lang napaupo ako sa upuan. BUTI NAMAN! Ayoko na mapaupo sa lapag, mahirap maglaba!

Tinignan ko lang siyang umalis ng classroom at kiniss `yung girlfriend niya sa lips. Teka! Tama ba nakita ko? kinindatan ako nung babae!?

“BADTRIP!!” nakakabadtrip naman kasi talaga e. buti na lang mag isa na lang ako dito sa classroom.

Paano ko mapapaibig ang isang tibo kung may girlfriend siya!? Ai grabe naman. Ang daming problema! Ang hirap pala nitong pinasok k—

Napatingin ako sa may pintuan. Nakita ko `yung girlfriend ni tibo na mukhang, mukhang—hayop.

Lumapit siya sa akin. Bakit ganun? nakikita ko `yung bra niya? oo bra lang, wala namang cleavage e. HAHA.

Nagulat naman ako ng bigla siyang umupo sa dalawang hita ko. ano `to, RAPE?! “so you’re the Rain everyone was talking about” hinawakan niya dibdib ko, taena. pinout pa niya `yung POUTY LIPS niya. mukha siyang askal!

“teka nga, bakit hindi ka tumayo, alis” ginagalaw ko `yung hita ko para malaglag siya pero ang lakas naman ng kapit ng hita niya sa akin! “bakit ka ba nandito?”

Hinawakan niya `yung hita ko. potek! Manyak na babae ah! “pwede?” tinanggal ko `yung kamay niya sa hita ko. “ang bigat mo kasi e” medyo tinutulak ko na siya nun pero hinatak niya ako patayo sabay tulak naman. Putek! Pati polo ko nadumihan na!

Lumapit siya sa akin tapos bigla niya akong hinalikan sa labi ko! ANG LABI KO!! germs!

“ta3na” napatingin naman ako sa may pintuan, si tibo!

Tumingin sa akin na parang gulat na gulat `tong manyak na babae na `to, hawak niya `yung polo ko sabay tulak sa akin! Ang ulo ko! ang sakit! Tumakbo siya papunta kay tibo.

“pupunta na sana ako ng CR kaya lang bigla niya akong hinablot. Gusto niya akong rape-in D!” nanlaki naman ang mata ko. “ANO!?”

“mind your own girlfriend ah!” sabay suntok sa mukha ko! putek, nakahiga na nga ako sinuntok pa ako.

“pero siya `yun! ano ba!? nakita mo namang nakapatong siya sa akin e!”

Tinignan lang niya ako ng masama sabay iyak iyakan `yung girlfriend niya. “D, gusto niya akong rape-in”

“t*** i**! Mag tigil ka d`yan sa mga kaartehan mo ah!” hinawakan ako ni tibo sa collar ko at tinayo. Ang sakit!

“ikaw ang tumigil! Isa pang galaw sa girlfriend ko, mapapatay na kita” binitawan niya collar ko, inakbayan `yung girlfriend niya sabay alis.

TAENA! Ano magagawa ko kung nahumaling siya sa charms ko?! tska! aggressive girlfriend niya e!

`9

1 week na akong hindi pinapansin ni tibo. At 1 week na din ako kinikindatan nung girlfriend niyang mukhang bakulaw. Nakakadiri.

“`tol, rarape-in ka ng isang babae? asa naman”

“oo, asa nga naman” kinuwento ko kasi sa kanila `yung nangyari sa akin pero tawa lang sila ng tawa.

“gaano ba kapangit `yung babae?”

“kapangit?” hindi ko pa sinasabi sa kanila itsura nung girlfriend ni tibo.

“kasi, kung hindi naman panget `yung babae, hindi `yun sasabihin ni Rain na rape. Baka nga siya pa tumuklaw dun sa babae e” tumawa sila, pero may point naman si Jin.

“baka mukhang bakulaw!”

“Baka mukhang dinosaur”

“hindi mga `tol, mas malala pa dun!” tumawa kaming lahat.

“I can feel your pain” tinapik tapik ni Chris `yung balikat ko.

“nakakatakot, nung hinalikan niya ako parang black hole. Akala ko nga hindi ako makakaligtas e” pero nakakatakot talaga. Para akong nirarape ng isang hayop.

“grabe. Ok ka lang? baka na trauma ka na`t `di ka na humalik sa mga babae” tumawa si Jin.

“gago. Asa naman”

“e paano `yan, LQ kayo ni tibo. `di mo pa din siya mahahalikan, `di ka pa din namin malilibre” ngumiti ng parang nakakaloko si Lee.

“excuses niyo e nu? mukhang ayaw niyo talaga akong ilibre!”

“pero sige Rain, kaya mo yan”

“cheer ka namin!”

“Go Rain, Go Rain” supportive talaga `tong mga kaibigan ko `no? kakatouch.

Pasukan ulit bukas. Nakakatamad, parang wala ako sa mood pero kailangan e. si tibo kasi e! paano na libreng pagkain ko!?

Pumasok naman ako kinabukasan pero lunch na nun. Andito lang ako sa library, syempre para magmalamig, ang init kasi ng panahon ngayon e. pwedeng tumambay kasi wala namang bantay tska konti lang `yung tao.

May pumasok sa library, argh! `yung girlfriend ni tibo! Nakita kong tumingin siya sa akin, ngumiti ba naman! Yuck talaga! Ang sarap sukahan ng mukha e.

Umupo siya sa tabi ko sa may pader, nakasandal kasi ako sa pader e. “problema mo?”

Parang sumandal naman siya sa dibdib ko na parang tanga. Tumayo na lang ako kaya nalaglag siya. “ano ba problema mo?!” hah! Ako pa tinanong nito!

“nandidiri kasi ako sa pinag gagagawa mo, matinong babae ka pa ba?” tumayo siya sabay hatak sa collar ko at ayun! Nalagyan na naman ng germs niya labi ko! ang labi ko! ang kawawa kong labi!

“P***** babaeng ka!” tinulak ko siya kaya napasandal siya sa pader. Hawak hawak ko leeg niya pero hindi masyadong mahigpit. “kahit na babae ka, hindi ako mag aalinlangang suntukin ka ah!”

Nabigla naman ako ng may humawak sa balikat ko. paglingon ko, si tibo!! Binitawan ko naman `yung girlfriend niya.

“sinabi nang `wag ka nang lumapit e!” nanlaki mga mata ko nang—SUNTUKIN NIYA GIRLFRIEND NIYA! akala ko ako susuntukin niya e.

6 | TRiP

Page 7: 58351074-Trip

“ul0l ka! Ang panget panget mo nanlalandi ka! Ta3na” inalis na niya kamao niya sa mukha nung babae. at sa totoo lang, I was shocked. Napaupo sa lapag `yung babae sabay alis ni tibo sa library.

Tumingin ako sa paligid at parang nashock din sila sa mga nangyari. Ano ba irereact ko?

“HAHAHAHAHA! TA3NA. BUTI NGA SA`YO `YAN! ANG PANGET PANGET NANLALANDI. HAHAHAHAHAHA”

Sabay exit sa library. Natatawa ako sa mukha nung babae. bagay lang sa kanya `yun nu! parang ngayon, natutuwa na ako sa panununtok ni tibo.

Magccr na muna sana ako ng makarinig ako ng hikbi sa girl’s cr. Pumasok ako, ok lang, masaya `yun pag maganda nasa loob `di ba?

Pagkita ko `dun sa babae, parang kinabahan ako sa nakita ko.

`1o

Tumingin siya sa akin pero hindi niya ako pinansin at umiyak na lang. lumapit ako sa kanya, dapat hahawakan ko likod niya nang bigla siyang nagsalita.

“hindi mo ba nakikita, girl’s cr `to” sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin.

“gag0. kung girl’s cr `to e bakit nandito ka?” tumawa ako, pero umiiyak lang siya. “oi, ano ba problema?” umupo ako sa may lababo.

“ang landi kasi nung babaeng `yun e!” sinuntok niya `yung pader. Awts. Ang sakit nun. Kawawa `yung pader. “ang panget panget naman!”

“bakit ka umiiyak?”

Tumingin na siya sa akin, sa mga mata ko. kahit na umiiyak siya, ang ganda pa din niya. “kasi, minahal ko `yung ta3nang malanding babae na `yun. putek” natawa naman ako, ewan ko kung bakit. Masyado kasi siyang seryoso e.

“ang dami mong chicks sa subdivision natin pero `yun minahal mo?” tumawa ulit ako kahit na hindi naman `yun nakakatawa.

Sinuntok niya ng mahina `yung dibdib ko tapos umupo sa tabi ko. “gag0. di ko `yun mga chicks. Mga pinsan ko `yun” nagulat naman ako. mga pinsan? Eh di parang, parang, ang swerte naman!

“mga pinsan? Bakit holding hands? Bakit akbay pa?” curious ako e.

“close kami e, ganun talaga kaming mag pipinsan” ow. Ganun pala `yun? sana may mga pinsan din akong magaganda tska sexy! “teka, bakit ka ba nandito?” oo nga pala.

“dapat kasi iihi ako e, narinig kasi kitang nag iinarte dito. Grabe, `di bagay sa`yo” tumawa naman ako. hindi naman kasi talaga bagay e.

“eh di dito ka na lang umihi” good idea. Dito na nga lang ako iihi. Humarap ako sa lababo tapos medyo tumingkayad, ang taas kasi nung lababo.

“ano ginagawa mo?” tinignan ko siya.

“iihi” bubuksan ko na sana `yung zipper ng pants ko nang may nafeel akong may bumatok sa akin.

“ungas! Bakit d`yan ka iihi sa lababo!?”

“sabi mo e”

“ang b0bo mo. `dun ka sa loob ng cubicle!” tinulak niya ako tapos sinipa pa ako papuntang cubicle. “bubuksan mo pa zipper mo, makita ko pa palawit mo d`yan” patuloy niyang sinabi habang umiihi ako.

Nang matapos na ako, inayos ko na ang lahat ng aayusin tapos bumalik ako kay tibo na nakaupo pa din sa may lababo. Hahawakan ko sana siya sa braso nang batukan na naman niya ako.

“ta3na mo. Mandiri ka nga. hugasan mo kamay mo! Hinawakan `yung ano, hahawakan ako” binuksan niya `yung gripo. “maghugas ka!” eh di naghugas naman ako ng kamay. Masunurin ako e.

Sabay kaming lumabas ng cr. “oi girlfriend” ngumiti naman ako na nang aasar. Tinignan niya ako ng masama.

“`wag mo nga akong tawaging girlfriend!” huminto siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Parang nag isip pa nga siya e. “call me D”

“ok, D” and that was the first time I called him/her D.

`11

Weekend na naman ngayon, pero hanggang ngayon. hindi pa din ako nalilibre ng pagkain, paano kasi hindi ko mahalikan `yung tibong `yun. badtrip!

“ang tamad naman nung tibong `yun”

“bakit?”

“paano D lang? tamad”

“bakit nga?

“pwede naman niyang lagyan ng arte pangalan niya e”

“tama”

“anu naman?”

“pwede namang Dii”

“o kaya dhie”

“pwede din Dy”

“ddie, pwede din!”

“e ano gusto niyo sabihin ko? ‘`oi D, sabi ng barkada ko ibahin mo daw `yung spelling ng nickname mo para mas mahaba’ ganun?!” tumawa si Sandy. Siya lang.

“pwede din!”

“para kayong mga sira”

“anong ‘kayo’? si Sandy lang sira dito” tumawa kaming lahat, except kay Sandy.

“teka `tol, kelan mo ba siya hahalikan?”

“oo nga, picturan mo ah!” ngumiti sila nang nakakaloko.

“ano iniisip niyo?”

“wala” sabay sabay. May binabalak nga `tong mga `to.

“goodluck na lang sa`yo `tol” pinalo ni Ash ng mahina `yung balikat ko at nagsialisan na sila sa bahay. Sabi ko nga sa inyo, mag isa lang ako dito sa bahay. Alone na alone.

May nagdoorbell, sinilip ko muna kung sino `yun at laking gulat ko kung sino ang bisita ko. binuksan ko kaagad `yung pintuan at biglang sumandal sa akin si D.

“oi, ano nangyari?” inamoy ko siya, lasing `tong si D. hiniga ko siya sa sofa, kumuha ako ng tubig para punasan siya.

Lumapit ako ulit sa kanya, tulog. Naknock out, ayos! May isang lose na din siya sa wakas. Haha.

Umupo ako sa may tabi niya, kapag tulog pala siya mukha siyang anghel e. mukhang babaeng anghel na nakamaluwang na t-shirt, nakacap at cargo shorts. Oo tama, babae nga.

Inalis ko na muna `yung cap niya at nilagay sa lamesa. Pinunasan ko `yung noo niya at inayos buhok niya. ang ganda naman ng mukha nito, `di mo akalaing tibo e.

Hinayaan ko na lang siyang matulog `dun sa sofa at nagshower na lang ako. Ang init init kasi e!! gabi na pero nafifeel ko `yung araw! Grabe. Pagkatapos ko magshower, kinuha ko `yung isang twalya at binalot sa may bewang ko at `yung isang twalya naman para patuyuin `yung buhok ko. mamaya kasi matutulog na din ako.

Paglabas ko nang banyo, tulog pa din si D. mukhang anghel talaga e. parang hindi nanununtok. Astig. Looks can be deceiving nga.

7 | TRiP

Page 8: 58351074-Trip

Lumapit ako sa kanya. Wala lang, minsan na lang ako makatitig sa kanya na hindi niya ako binabatukan, sinusuntok o tinutulak e.

Ang ganda tignan, ang payapa ng mukha e, `yung ilong medyo matangos, `yung pisngi niya ang cute tignan, `yung mga labi niya parang—ang sarap—halikan.

Teka. Kinuha ko `yung digicam ko sa cabinet at lumapit ulit kay D. kapag hinalikan ko siya ngayon at pinicturan ko, malilibre na ako ng pagkain. Ayos `yun!

Lumapit ako sa kanya dala dala `yung digicam. Ilang seconds lang `to, promise!

Umupo ako sa may tabi niya at tinungkod `yung kamay ko sa tabi ng bewang niya, para naman hindi ko siya daganan di ba? Hinanda ko na `yung digicam, ilang seconds lang `to. Nilapit ko `yung mukha ko sa kanya. Grabe! Ganda niya!

Unti-unti kong nilapit `yung labi ko sa labi niya, nagdikit naman. Ikiclick ko na sana `yung capture pero—dumilat mata niya!

Parang nashock ako at `di ako makagalaw, nakahalik pa din ako sa kanya.

1 second, 2 seconds,3 seconds, 4 seconds, 5 seconds—

“ta3na! anong ginagawa mo!?” tinulak niya ako tapos umupo siya bigla. TA3NA! hindi ko napicturan! “bakit mo ako hinalikan!?”

Bigla akong kinabahan, ewan ko kung bakit. Natatakot ako.

`12

Parang natulala ako at nakatingin lang sa kanya. “sh3t ka” nasa magkabilang dulo kami nung sofa, tinago ko `yung camera sa ilalim ng unan, baka Makita pa niya.

Napatingin ako sa pintuan, para kasing may nagsara e. pero wala naman kaya tumingin ulit ako kay D na parang gulat na gulat.

“b-b-bakit nakatwalya ka lang!?” tinignan ko sarili ko. hindi pa pala ako nagbibihis! Tanga ko.

“uh.. sorry” bakit ako nagsosorry?

“l-lumayo ka sa a-akin tae ka!” para siyang bata na nilalayo sarili niya sa akin na wala naman nang ilalayo kasi nasa dulo na siya.

“ui D” tumayo ako para lapitan siya.

“`wag ka sa-sabing lumapit e!” binato niya sa akin `yung unan na hawak niya pero nasalo ko naman. “g-gag0 ka ah!”

Tumingin siya sa paligid. Para siyang bata na nawawala. “asan ako? bakit

nandito ako? bakit nandito ka?!” ano `to? May amnesia?

“ewan ko kung bakit nandito ka. Bahay ko `to kaya nandito ako” parang nagulat naman siya sa sinabi ko.

“walangya! Kinidnap mo ako no!?” kapal naman ng mukha nito!

“ewan ko sa`yo. Magbibihis lang ako” pumasok ako sa loob ng kwarto ko para magbihis. Pagkatapos magbihis, pumunta ulit ako sa sala, parang ngayon lang natauhan si D e.

“oi” tinignan lang niya ako tapos tumingin ulit dun sa unan. “magdadrama ka na naman?” umupo ako dun sa isa pang dulo ng sofa. Medyo malayo kasi `yung magkabilang dulo kaya safe ako sa suntok ni D.

“e kasi naman e” parang iiyak na naman siya. `yung boses niya parang nagiging babae na. hindi na pang tibo. Parang malumanay na.

“bakit?”

“kasi—” parang nag aalinlangan siya kung sasabihin ba niya `yun o hindi. “ano?!”

“kasi naman e, first `yun”

“first?”

“first kiss ko” natawa naman ako ng sobra sobra. Nakatingin lang siya sa akin with a ‘huh’ look. Matapos mahimasmasan sa pagtawa nagsalita ako.

“gag0. first kiss ka d`yan? Ilang babae na ba nahalikan mo!?”

“ungas. Unang halik ko `yun. sa lalake” ano naman kung first kiss niya ako sa lalake. Parang wala lang `yun e, kaya tinawanan ko na lang siya ulit.

“eh di sorry na”

“anong sorry?! Wala na. hindi mo na pwedeng mabalik `yun gag0”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. “eh di ibabalik ko” ewan ko kung ano nagtulak sa akin, pumikit ako. Pero ngayon, wala na akong nafeel na pagtulak, pagsuntok o pagbatok kaya—hinalikan ko siya ulit

`13

Holiday ngayon kaya walang pasok. Pagpunta ko sa tambayan, wala dun si Lee, Jin tska Chris.

“asan `yung tatlo?” nagbabaraha lang sila dun at tumingin sa akin pagkasalita ko.

“ewan” Sabay tingin ni Sandy sa baraha niya.

“alam ko” tumingin si Ash sa baraha niya tapos may nilagay sa lamesa. “may ginawa silang importante”

“tara Rain, Sali ka sa amin. Talo na si Sandy e” tumawa sila ni Ash sabay batok ni Sandy sa kanya.

“yabang mo!”

“bakit? Totoo naman e”

“AND SO!?” ayos ah. nag English!

Umupo ako sa tabi ni Tristan habang nagbabalasa siya. “ano ba laro niyo?”

“tong its”

“may pustahan?”

“wala! Taghirap e” tumawa si Tristan habang pinapamigay `yung mga baraha sa amin.

“tska kung may pustahan, mayaman na kami ni Tristan. Kanina pa talo `tong si Sandy e” tumawa silang dalawa ni Tristan. Mukhang napagtutulungan si Sandy ah.

“o bilis magtapon ka na ng baraha! Ilang minutes ka na d`yan ah!” kanina pa kasi si Sandy parang naghahanap ng baraha. Ang bagal. `di ata marunong magtong its `to e.

“o sino na panalo?” napatingin kami sa may pintuan at nakita namin si Jin tska si Chris.

“wala pang panalo. Pero may talo na” tumingin kami nila Tristan, Ash at ako kay Sandy.

“ta3na ah. pinagtutulungan ako. ewan ko sa inyo! Matutulog na lang ako!” binaba niya lahat ng baraha niya sabay higa sa sofa at tumalikod sa amin.

“mukhang badtrip na badtrip ah?” lumapit sa amin sila Jin.

“si Lee?”

“nasa comp shop” umupo silang dalawa sa kabilang sofa.

“bakit nandun?”

“eh di nagcomputer! Ano gusto mo? Maglaba siya dun?”

“gag0. bakit siya nagcocomputer?”

“masama na ba magcomputer ngayon?”

Tinaasan ko lang si Jin ng kilay. May tinatago ah. after ilang minutes, dumating na si Lee.

8 | TRiP

Page 9: 58351074-Trip

“ayos na mga `tol” ngumiti siya na parang demonyo. Masama ang naayos nito.

“ano `yung ayos na?” tumingin silang lahat sa akin kasama na din si Sandy kasi nagising na siya.

Hinila ako ni Chris patayo at nagsitayuan na din sila. “tara” ewan ko kung saan kami pupunta pero sumama na lang din ako.

Sa nasa comp shop kami. “kuya, number 3”

Tumingin sa amin si Kuya pagpasok namin ng shop. “ang dami dami niyo #3 lang irerent niyo?”

Lumapit si Jin kay Kuya. “ano ba pakielam mo? buksan mo na. satsat pa ng satsat e” eh di binuksan na niya `yung computer. Si Lee nakaupo kami nakatayo lang.

“ano ba `yun?”

“ai teka lang ah. magtatype lang” may tinype siya dun sa address box. www.kissdinthelips.multiply.com [wag niyong puntahan kasi wala naman talagang ganyan. Haha]

Nagload `yung website at nagulat naman ako nang Makita ko sarili ko at si D. ako, nakahalik, kay D. eto `yung nangyari nung sabado!

“ta3na” nanlaki mata ko sa nakita ko. 31 pictures. Parang video, bawat galaw ko nakikita dun sa picture. Pati `yung dapat kukunan ko. tapos natapos `yun sa pagtulak sa akin ni D. napicturan nila!?

Pinalo ako ni Sandy sa likod. “ayos `tol, binata ka na” tumawa naman siya.

“ang galing mo Lee, ilang hours mo nagawa `yan?”

Tumingin sa amin si Lee na parang nakangiti. “30 minutes lang `yan `tol” napanganga silang lima, ako nanlalaki pa din `yung mata. Ta3na. nakatwalya pa din ako dito e!

Ano itsura ng website? `yung parang banner, picture ko at ni D, nakahalik na ako sa kanya nun at nakasara pa `yung mata niya. Tapos nakalagay, ‘I kissed a lesbian!’ tapos yung background `yung nakahalik pa din ako pero nakadilat na si D. ai grabe.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. nakangiti lang sila sa akin e.

`14

Hindi ko alam pero parang nadismaya ako pag uwi ko sa bahay. Ok naman kasi nilibre na nila ako ng pagkain, masaya pero bakit parang—nakokonsensya ako?

Pero multiply `yun. sure naman akong wala masyadong nakakita nun e. baka nga walang makakita nun, ayos lang `yan.

Pagpasok na pagpasok ko ng school, biglang may lumapit sa akin na kayear ko din. “ayos `tol, paautograph!” binigyan niya ako ng papel tska ballpen, kahit na hindi ko alam kung bakit, pinirmahan ko naman. Sikat na ata ako.

Naglakad ako at lahat ng tao nakatingin sa akin na parang nakangiti. Nakakapagtaka naman, bigla na ba akong sumikat? Nasa reality show ba ako? asan ang cameras?

“kaya pala ayaw mo sa akin” napatigil naman ako ng nagsalita si ex-girlfriend ni D sa may gilid. Tinignan ko siya. Problema nito?

“ha? Kausap mo ba ako?” tinuro ko sarili ko. “o kausap mo `yung aso?” pero wala naman talagang aso. Wala lang ako masabi. Haha.

“kaya pala hindi mo gustong halikan kita” lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit.

“ano na naman ba problema mo?”

“kaya pala, kasi ang gusto mo. `yung ex-boyfriend ko” gusto ko sana siya bugahan kaya lang wala akong kinakain or iniinom ngayon. sayang naman `yung laway ko e.

“pinag sasasabi mo? Aanhin ko ex-boyfriend mo?” ano ako? bading? “di ko nga kilala kung sino ex mo e” hinawakan niya `yung collar ng polo ko.

“hindi mo kilala?! Si D. siya ex-boyfriend ko!” para namang gusto ko tawanan `tong babaeng `to. Haha.

“ha?”

“you don’t want my kiss” malamang! Sino ba may gusto sa halik niya, pouty lips kasi e. HAHA. “`cause you want D’s kiss” napa‘huh’ naman ako sa sinabi niya.

“ano?” hindi naman sa hindi ako nakakaintindi ng english, kaya lang kasi hindi ko magets `yung sinasabi niya.

“nagpapaka inosente ka pa” inosente talaga ako! “why don`t you look in the bulletin for yourself” sabay alis. Aba. Walk out!? Hindi ko siya pinansin at `di ako pumunta sa may bulletin, nakakatamad, ang layo nun tska ayaw kong maniwala sa mga babaeng pouty lips. Haha.

Pagpasok ko sa loob ng classroom, nakatingin sa akin lahat. `yung mga babae parang disgusted look habang `yung mga lalake naman, parang ngiti ni Lee, malademonyo. Problema nila?

Pagkaupo na pagkaupo ko, may kumausap sa akin. “men!” sabay apir. Wala akong ideya kung sino siya. “kamusta naman `yun?” at wala din akong ideya sa sinasabi niya.

“ha?” at wala akong ideya kung bakit niya ako kinakausap.

Ngumiti siya na parang nang aasar. Ang sarap suntukin e. “how’s ‘D’ kiss?”

“ano? How’s the kiss?” biglang nagflashback sa akin `yung paghalik ko kay D pero imposible.

“tanga” aba! Hindi ko siya kilala pero pwede ko siyang suntukin. “how’s D kiss” tumawa siya. Baliw ba `to?

“pinag sasasabi mo?”

“ewan” tumawa siya lalo. “sige” umalis na siya sa harap ko. ano ba `yun? imposibleng nalaman nila `yung nangyari nung sabado. Imposible talaga.

“Andrei Jan Montez and Dianne Garcia of 4-goodness, please go to the guidance councilor office, now. I repeat Andrei Jan Montez and Dianne Garcia of 4-goodness, please proceed to the Guidance Councilor office now” napatingin ako sa speaker at napatingin ako sa mga kaklase kong nakatingin sa akin. Ano na naman ba ginawa ko!?

Lumabas ako ng classroom na nakatingin sa akin mga kaklase ko. Pamatay. kung nakakamatay lang `yung mga tingin siguro ilang beses na akong namatay.

Habang naglalakad, nakatingin sa akin lahat ng estudyanteng nadadaanan ko. ewan ko pero parang pinag uusapan nila ako. ewan, gwapo ba ako kaya nila ako pinag uusapan o gwapo ako kaya nila ako pinagtitinginan.

Pagpasok ko sa Guidance office, nakita ko si D na tumingin sa akin na nakaupo sa harap ng Guidance Councilor namin. Nakatingin siya sa akin na parang galit na galit. Ngumiti naman ako sa kanila. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa upuan kaharap ni D.

“ano po ba `yun ma’am?” tumingin siya kay D tapos tumingin sa akin.

“Mr. Montez, have you read the handbook of our school?”

“yes ma’am”

“have you read the bulletin rules?” `yun `yung rules bago ka magpost sa school bulletin.

“yes ma’am”

“if you know, then why did you posted THIS” may nilapit sa aking papel na may picture si ma’am sa mukha ko at nagulat ako sa nakita ko.

I KISSED A LESBIAN*imagine niyo na lang, may picture dito na nakahalik si Rain kay D :]*

Photography by: peopleStars of the pictures: Andrei Jan “Rain” Montez & Dianne “D” GarciaFor more pictures visit: www.kissdinthelips.multiply.comComments and suggestions are very much appreciated.

9 | TRiP

Page 10: 58351074-Trip

`15

“a-ano `to?!” kinuha ko `yung papel sa kamay ni ma’am at tinitigan ko ng mabuti. Bakit? Sino gumawa nito?”

“can you explain THAT?” napatingin ako kay ma’am tapos sa papel tapos kay D tapos sa papel.

“h-hindi ako nagpost nito!” tinaasan ako ng kilay ni ma’am.

“oh, if Ms. Garcia didn’t posted it, you didn’t posted it. Who else? A ghost?!” naalala ko. kahapon, wala sila Chris, Jin at Lee. Baka sila may gawa nito! Sh3t talaga `yung tatlong `yun!

“so what will we do!?” bakit ba siya galit?

“ha?”

“nakita na `yan ng buong school body. `YANG kalokohan na ginawa niyong dalawa!!” kalokohan. Ginawa naming dalawa? Hindi. Kalokohan ko lang `to. Ako lang dapat may kasalanan.

Tumingin ako kay D na nakatingin sa table ni ma’am. `yung dalawa niyang kamay nakasarado na parang manununtok na any moment. “but ma’a-”

“magtigil ka Mr. Montez. Suspension”

“suspension!?”

“both of you”

“kaming dalawa?” pero ako lang dapat.

“ma’am!” napatingin ako kay D na ngayon lang nagreact.

“kayong dalawa. Suspension”

“kami?”

“1 month!”

“1 month!?” tumingin ako kay D na parang inis na inis na.

“pero ma’am!”

“walang pero. Walang buts! 1 month!”

Tumayo si D. parang inis na inis na siya. “p***** i** mo!” ARAY KO PO!

“Ms. Garcia!! 2 months, suspension!”

“are you ok?” sinuntok na naman niya ako sa mukha! Sh3t. ito pinaka masakit! May narinig akong malakas na pagsara ng pituan, umalis na ata siya. “wala talagang manners `yung babaeng `yun. want to go to the clinic?”

“opo ma’am!” tinulungan niya akong tumayo at naglakad kami papuntang clinic. Ang sakit ng mukha ko!

Pagpasok namin ng clinic, umalis na si ma’am. “oh iho, ano nangyari sa’yo?” hawak hawak ko kasi `yung mukha ko. parang nagdudugo na lahat ng pwedeng magdugo sa akin ah!

“sinuntok po kasi ako e. ang sakit sakit” pinapagaling naman ako ng nurse na sexy. Nagdudugo nga `yung ilong ko. grabe `yung tibo na `yun! pamatay e.

“ikaw pala `yung Rain” parang tumawa ng bahagya `yung nurse. “nakita ko `yung nasa bulletin e” ngumiti naman siya.

“pinost mo `yun dun?”

“hindi po!”

“really?” ngumiti na naman siya. “to tell you the truth—bagay kayo ni Dianne” ngumiti siya ulit.

“kilala mo?”

“well, kind of. Ex ko siya” at nanlaki naman `yung mata ko.

Ang dami namang ex nung tibong `yun!!

`16

Nagsimula na `yung suspension namin ni D. 1 week na. ang boring dito sa bahay, walang magawa. Hindi ko na din nakikita si D e. Buti na lang talaga hindi pumapasok sila Lee.

“`tol good news”

“bakit?”

“may bago ka na namang souvenir?” tumawa kaming lahat.

“gag0” tumingin siya sa akin. “sikat ka na `tol!” ano pinag sasasabi nito?

“ako?”

“ai hindi! `yung daga!” sarcastic e nu.

“bakit?” hinila naman niya ako patayo. “comp shop tayo”

“kuya #1” siguro dapat aangal pa siya kaya lang nakita ata niya si Jin, ayun. Binuksan na lang.

“Lee, buksan mo `yung multiply”

“bakit?”

“basta” umupo naman si Lee dun sa upuan tapos binuksan `yung multiply.

18,713 invitations

“pamatay na invitations `yan!” nanlaki mga mata namin e. “hanep!”

“sikat na `yung multiply!” nag appear si Sandy tska Tristan.

“pero mga `tol, tignan niyo `yung reply sa post” tinignan naman namin `yung reply dun sa post.

“ta3na! 310,817 replies!?” kagulat gulat, bakit ganyan kadami `yung replies?!

“ano, basahin natin?” tumango lang sila, ako nakatingin lang. clinick ni Lee `yung replies tapos lumabas `yung sandamukal na replies. Iba-ibang tao. Iba-ibang comments. Grabe.

Reply#7:From Rayne.wow naman. . . Ang hot! ! haha. . .

Reply#32:From Milo31lomi.o.O these pictures are hawt men!

Reply#49:From mysterybaby143Nakakapawis! :))

Reply#63:From biancaxchq.`Kaloka!

Reply#85:From 07izabelle.,babae na c D?!,shocking!? YOU KNOW?!!

Reply#143:From eriinLabbs28.oh.em.ghee!

-bananaPOT

Reply#199:From patrickstar_05chancing!? HAHAHA.I lurv this one! :3

Reply#237:From JALERIE.Omgomgomgomg,. is this for real!?

Reply#237:From princessgraxxie.

10 | TRiP

Page 11: 58351074-Trip

… huli nab a aco sa balita?! ahehe

Reply#538:From alena_04.Nagsign up ako sa multiply para lang magcomment dito.PAMATAY TO! Laptrep!I’ll check this site every now and then.Baka mag update kayo e.I won’t miss a thing!Keep this site updated! HAHAHAHAHAHA.

Reply#1,888:From dianne518.Ka-name ko si girl. Is she really a lesbian? Ganda e.

Reply#3,746:From ohcmon.?wafu rain! iinLurv me!?

Reply#5,904:From angel67.*kunti nmn pu pix, damihan pa! ahehek

Reply#7,001:From pxltxttcddll.Do u kno meeeee!? :D

Reply#13,036:From katez09.Now q lng 2 ndiscover..haha

Reply#17,911:From zyeanne23.22o pla 2, kla qu nglo2ko lng aqu nan pren qu,ahaha

Reply#28,778:From shun91.LOL! I can’t do anything but to laugh.

Reply#45,900:From grx_25.Hot! Topless! :]]

Reply#62,638:From shawty24.Naaliw naman ako here. hahaha

Reply#74,232:From prettychq18.Haha..wala ako masay.. Speechless sa nkikita.. Haha..

Reply#100,000:From sh1tfEz.I cAn’T bLv dS!! sHocKneZs mE!

Reply#102,434:

From miivena.Wow nman po 2. 4th yrs db?

Reply#123,345:From princesita07.O__O

Reply#131,352:From thecagedDOLL.HAHAHAH. gusto kong agawin si Rain kay D. HAHAHAHA

Reply#134,861:From bratty_japanesegurl.Hnd aq mkarcover. shocks

Reply#146,720:From xiobara_garnet.. .. .la masay. .. .naka2shock. .. .kaya pla close cla. .. .astig ng site na `to! !! !i’l tell pipol abawt this site. .. .ang cool!

Reply#187,871:From fukyuu7mitsukai.Censored! RATED M ata `to. WAHAHA.Hanep! Kilala ko si Rain. Kilala ko si D. ayos!Sikat!

Reply#217,000:From candy_lovin_galWord of the day: hot HAHAHA

Reply#223,093:From Bluish AceWoah?

Reply#239,152:From nkeith_4everNakakatuwaaaaaa :))

Reply#287,336:From vampireprincez_flicka,,.,:Rawr,., Ganda view aaaah.,.

Reply#310,816:From rhiann3<3him...tH3S3 piCtur3s iSn’T riGht, rAin...whO’s d GirL?..m0m will fr3ak 0uT kApaG buhAy pA siYa...aS a biG siSt3r, 3rAs3 tH3s3 n0ns3Ns3...lov3, at3 rHiaNn3. :]

Reply#310,817:From DhatesUeffYOU!.EffYOU! Ano ba problema!?!@&# %$@! Hindi kita inaano kaya pwede ba?!Burahin mo tong kata***t*du*ha* na `to!P***** i**! Mamatay ka na.

PAKAMATAY KA NA!PAPATAYIN KITA! EFF!

Ayos lang `yung ibang comments e, `yung iba nga patawa pa e. nadisturb lang ako sa comment ni D, kung siya man talaga `yun. She hates me. She really hates me. She really hates me NOW. Ano gagawin ko?

`17

Pumasok na ako sa school pero wala pa din si D. 2 months nga siyang suspended di ba? tapos hindi ko siya nakikita sa subdivision namin, grabe. Parang ang gulo e. parang—namimiss ko si D.

“`tol, ok ka lang?”

“kanina ka pa hindi nagsasalita d`yan oh” parang nalulungkot lang ako.

“`tol. Galaw naman d`yan”

“RAIN!”

“argh!” potek! Sinigawan ba naman ako sa tenga ko. ta3na. “problema mo!?”

“di ka kasi nagsasalita e”

“oo nga”

“ok ka lang ba?”

“mukha ba akong ok!?” nababadtrip ako. pero hindi ko alam kung bakit.

Tumawa naman ng parang tanga si Sandy. “hindi. Mukha kang tanga” tumawa lang siya. Siya lang tumatawa. Parang tanga.

Tumingin lang kaming lahat sa kanya. “matutulog na nga lang ako!”

“alis na ako mga `tol. Maaga pa pasok ko bukas e”

“sige”

Umuwi ako sa bahay. Parang ang lungkot ng aura ko ngayon e. hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ko na lang matulog buong araw.

Kinabukasan, hindi nga ako pumasok. Natulog lang ako, kumain nanood at nanood ng tv. Hindi ako sumama kanila Lee ngayon sa SM, nakakatamad kasi talaga e.

Pumunta ako sa comp shop. “kuya #7 po” binuksan niya `yung computer. Viniew ko `yung multiply site na may picture namin ni D.

Parang namimiss ko naman pang aasar ko sa kanya. Namimiss ko `yung pambabatok niya sa akin, `yung pagtulak niya at lalo na `yung lagi niyang pagsuntok sa gwapo kong mukha.

11 | TRiP

Page 12: 58351074-Trip

Tinitigan ko nang mabuti `yung picture na magkahalikan kami.

“naview ko na `yang multiply na `yan” napatingin naman ako sa likod ko at si kuya bantay lang pala `yun.

“oh?”

“at alam ko pinagtitripan niyo lang siya” tinignan ko ulit siya. Bakit ba niya ako kinakausap?

“kung ako siguro `yung babae, magagalit ako” hindi ko alam kung bakit pa din siya nagsasalita.

“hindi po siya babae”

“ah yea, tibo siya. Pero tandaan mo. Ang tibo ay babae na nagmamatigas lang” ewan ko, pero bakit ba niya sinasabi sa akin `yun?

“wala ka bang comp shop na babantayan kuya?” parang natauhan naman siya at bumalik na dun sa may pintuan.

Pero tama si kuya. Babae pa din siya. At obvious na nagalit siya dun sa pictures. Ano gagawin ko? hindi ko naman pwedeng burahin `to, si Lee lang may alam ng password. Pero bakit ganun? sobra akong nakokonsensya sa trip na `to?

Tinignan ko `yung picture na nakadilat na `yung mata ni D pero nakahalik pa din ako. `yung magaganda niyang mata. Namimiss ko.

“men, hot ba kaya mo hinahawakan `yung labi mo?” napatingin naman ako sa tabi ko. epal e. pero teka, nakahawak nga ako sa labi. Bakit?

“ui hanep! Ikaw pala si lalake d`yan!” parang tuwang tuwa pa siya e. “namimiss mo na siguro `yung halik ni D nu?” tumawa siya na parang si Sandy. Parang tanga.

“ewan, kilala ba kita?” tumayo ako sa kinauupuan ko.

“yabang mo ah!” tumayo din siya pero di ko siya pinansin. Binayaran ko na lang `yung computer rent sabay alis na.

Namimiss `yung halik ni D? ewan ko. namimiss ko lahat ng tungkol sa kanya. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang Makita! Gustong gusto ko na siya Makita.

“ASAN KA BA D!?!!” nakahiga na lang ako sa kama ko. naisip ko `yung time na hinalikan ko siya pero hindi niya ako sinuntok, binatukan o tinulak. Bakit kaya pinabayaan niya lang ako halikan siya?

`18

Last last week, 4 days akong pumasok, last week 2 days na lang akong pumasok at ngayong week, hindi ako pumasok ni isang araw. Nakakatamad talaga. Parang wala na akong gana mag aral e. ang weird

pero papasok na talaga ako next week. Parang masama lang talaga yung pakiramdam ko this week, last week at last week ng last week.

“`tol, wala ka bang balak pumasok?” wala kami sa tambayan, hindi kasi ako lumalabas e. kaya sila na pumunta dito sa bahay ko.

“oo nga, baka mapariwara ka”

“mapariwara?”

“alam mo yun? parang tayo. Hindi na nag aaral”

“sayang future mo `tol” seryoso silang lahat pati ako. wala kasi ako sa mood makipag lokohan. Nakahiga nga lang ako dito e.

“ano ba nangyayari sa`yo `tol?” tinignan nila akong lima. Ewan ko. hindi ko alam nangyayari sa akin. Ano nga ba nangyayari sa akin!? Peste.

“kain na tayo!” sigaw ni Ash habang papalapit sa amin na may dalang tray.

“wow `tol, pwede ka nang mag nanay!”

“oo nga, gusto mo ikaw na lang nanay ng mga anak ko?” napatingin kaming lahat kay Tristan.

“`tol, pati ba naman ako gusto mo anakan, bata pa ako. bukas na lang” tumawa sila pero nangiti lang ako.

“ang laki talaga ng problema nitong si Rain oh”

“parang nung dati lang e”

“oo nga” ngumiti sila ng Lee smile. Malademonyo.

“ok, zip it” ayoko na kasing hukayin yung dati.

“nako ah!” tumawa sila na parang sandy. Parang tanga. Kakainis.

“tumigil na nga kayo. Palayasin ko kayo sa bahay ko e”

“wag ka namang hot Rain”

“oo nga. past is past” nag apir si Jin tska Chris. Sila lang talaga nakakaintindi sa isa’t isa e.

“tahimik nga” tumingin ako sa dalawa ng masama.

“tumigil na nga kayo”

“kita namang badtrip na e”

“si Sandy kasi nagpasimula”

“ano?! Ako na naman?”

“oo ikaw!” tumawa si Jin tska Chris.

Tumingin sa akin si Ash. “mga `tol, alis na tayo”

“bakit?”

“tara na!” hinila niya si Sandy at sumunod naman yung iba.

“geh `tol, pagaling ka” tumawa silang lahat.

“may sakit ba si Rain?” tanong ni sandy sa kanila.

“malamang. Labnat e” tumawa sila.

“mga gag0 kayo!”

Ano ba kasi nangyayari sa akin? Dahil na naman kay D? oo, dahil nga sa kanya. Namimiss ko na talaga siya. Gusto ko na siyang Makita. Gusto ko na siya makausap. Miss ko na talaga siya. Badtrip ako. badtrip na badtrip ako kasi—

Nagsisimula na ang pagkabaliw ko sa kanya.

`19

Dun nagsimula ang lahat. Ngayong alam niyo na, pumunta na tayo sa present. Pumasok ako ng yamot na yamot. Kahit na tinatamad ako, kailangan ko nang pumasok. Halos 1 month na ata akong di masyadong nag aaral pagkatapos ng suspension ko e.

Natuwa ako kasi dumating na din si D. pero alam ko, galit siya sa akin. Galit na galit.

Umupo ako sa upuan ko. matagal ding nabakante to ah. lalo na `yung sa tabi ko. `yung upuan ni D. 2 months and a half na atang `di siya pumapasok e. buti na lang, bumalik na siya kahapon.

Patuloy lang ang routine namin. Paulit ulit. Walang thrill. Kapag kasi nandito si D. may kasabay akong mag cutting. Lagi kaming nag aasaran. Lagi kaming naglolokohan. Masaya naman kasi siya kasama, maloko at parang lalaki din kaya hindi ako naiilang. Iba lang talaga nangyari nung dati.

Umuwi ako pagod na pagod. `di na ako kumain at diretso tulog na. kinabukasan, hindi ako pumasok. Tinatamad lang ulit. Kinabukasan ng kinabukasan, pumasok na ulit ako. boring, napaka boring talaga. Kahit na nandito na si D, wala pa din siya sa school.

“welcome back Rain” ngumiti sa akin si Pascual, wala nga pala siya kahapon ng kahapon kaya di niya ako nakita. “I’m happy to see you” umupo na ako sa upuan ko. kinuha ko yung notebook ko at nagsulat.

12 | TRiP

Page 13: 58351074-Trip

“Dianne” napatingin naman ako sa pintuan at nakita ko si D, na nakatayo dun sa may pintuan. Parang natuwa naman ako sa nakita ko. bumalik na si D sa school.

“you’re here too” ngumiti si Pascual na parang naiirita. Ngumiti din si D, namiss ko yung ngiting pang asar niya ah. “and I’m not really happy to see you” naglakad papunta sa upuan si D at umupo, sa tabi ko.

“really Pascual? Me too, I’m disgusted to see you again” ngumiti na naman ng nang aasar si D. namiss ko din yan.

Gusto ko mag sorry sa kanya. Gusto ko magbati ulit kami. pero ano sasabihin ko? “Jan?” bigla akong kinabahan at tinignan ko si D na nakatingin sa akin at tumingin sa likod ko. “pwede hiramin notes mo?” napatingin ako sa likod ko. hindi naman siya Jan ah.

“hindi ako si Jan” napa ‘ow’ si D. “ako si Mark” napa ‘ow’ na naman si D.

“malay ko ba. o bilis, pahiram ng notes” tinignan ko si D. namimiss ko talaga mukha niya.

“eto na” binigay ni Mark `yung notes niya at kinuha ni D, tumalikod naman siya sa akin. Badtrip! Galit talaga e.

Lagi na siyang pumapasok kaya lagi na din akong pumapasok. Pero hindi na niya ako pinapansin. Nakakabuset. Para akong hangin na katabi niya, kahit na may pinapasabi sa akin isa kong kaklase ipapasa niya sa iba para hindi niya ako makausap. Ayaw nga niya akong tignan sa mukha e. BUSET!

“D” hinawakan ko `yung braso niya. sabay tingin sa akin ng masama.

“do I know you?” tinggal niya pagkakahawak ko sa braso niya. “germs” naglakad na siya palayo sa akin.

Ayoko na, ayokong nagagalit siya sa akin. Ayoko na. Lumuhod ako at nagtinginan lahat ng tao. Hindi ko alam kung bakit ako lumuhod pero sumigaw ako nang—

“SORRY NA D!”

Tinignan ko siya na lumingon sa akin. Naglakad siya papunta sa akin. Nung nasa harap ko na siya, ngumiti siya. Papatawarin na kaya niya ako?

“ASA KA PA! uLOL!” tinulak niya ako kaya napahiga na naman ako sa lapag. Atleast kinausap na niya ako. ok na sa akin yun. masaya na ako dun.

`2o

Intramurals week namin ngayon. parang sports fest. Hindi pa din ako pinapansin ni D pero ok lang, atleast, nakikita ko pa din siya.

Pagod na pagod siya nitong nakaraang araw kasi captain ball siya sa volleyball girls. Magaling siya, nakakatuwa siya maglaro. Parang

napapasunod niya `yung bola sa kanya. Kung saan niya gustong magpunta `yung bola, dun pumupunta `yung bola. Ang galing di ba?

“oh bilis guys! Last practice!” nanonood kasi ako ng practice nila. bukas, championship na kaya sobra practice sila.

Nakakatuwa. Ang galing galing talaga ni D mag laro. Expert na siya.

Ilang minuto nakaraan, natapos din sila. Hindi lang naman sa panonood ang habol ko. gusto ko kausapin si D. hindi ako titigil hangga`t hindi niya ako napapatawad.

“Galingan natin bukas, ok?” nagsigawan sila at nagsialisan sa gym.

Hinintay kong lumabas si D bago pa man ako tumayo at pinuntahan siya.

“d” hindi siya kumibo, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

“D” medyo nilakasan ko na pero hindi pa din siya lumilingon.

“D!” sumigaw na ako, pero wa epek pa din.

“taena naman oh, tumingin ka sa akin D!” hinawakan ko `yung braso niya.

Tinignan lang niya ako sa mukha pababa hanggang sa paa ko tapos tumingin ulit sa mukha ko. “michelle, may tumatawag ba sa akin?”

Tumingin sa akin si michelle na kasama niya. “si—si…Rai—”

“ok, shut up. Tara na. ang init dito” naglakad pa ulit siya pero hawak ko pa din braso niya.

“D, please” tumingin siya kay michelle.

“TA3NA naman michelle. Wala kang karapatan hawakan braso ko, OK!?” parang nagulat naman si michelle sa sinabi ni D.

“Tae. Ewan ko sa inyo. Alis na ako” umalis na si michelle at kaming dalawa na lang ni D magkasama.

“please naman oh”

Tinignan lang niya ako tapos umalis na. grabe naman! Kelan ba ako mapapatawad ni D! argh.

Kinabukasan, championship na ng volleyball girls. Nanood kaming mga magkakaklase. Si D na `yung magseserve, for the win na `yun. Tinignan ko siya ng mabuti, seryosong seryoso. Nung binayo na niya `yung bola.

“SHET!” argh!

“rain! Ok ka lang?” nahihilo ako taenes!

“oops! May tao ba? wala akong nakita e!” rinig kong sinigaw ni D. wala na akong masyadong nakikita. Nagbublurr na `yung paligid ko. may naririnig akong malalakas na hiyawan.

“dalin niyo si Rain sa clinic!!” black out. Takte. Nagbrown out ba?

`21

Ang sakit ng ulo ko tae. Dinilat ko mata ko. sabi na nga ba e, nasa clinic ako.

Ano nga ba nangyari sa akin? Nagserve si D. sa ulo ko tumama `yung bola. Bayo pa `yun. tae! Ang sakit!

May tumawang babae. tumingin ako, si ex nurse pala. Ex ni D na nurse. Ex nurse for short. “buti naman gising ka na” lumapit siya sa akin tapos may dala siyang tela na nilagay sa noo ko. yelo `yung nakalagay.

“kanina ka pa knock out d`yan e” tumawa siya ng mahinhin.

“tapo-”

“kanina pa natapos `yung laro. As usual, sila D nanalo. Ang galing kaya” tinignan ko siya.

“paanong magaling?”

Tumawa na naman siya. Ang hinhin niya e nu. “nung tumama `yung bola sa ulo mo. Tumalbog tapos hindi inakala nung kalaban na makakapasok `yung bola. Nawala `yung guard at nanalo `yung class niyo” ngumiti siya sa akin. “I think planado lahat `yun para manalo kayo. Ang galing talaga niya” para siyang inusente e.

“ganun?” ang gara e. parang inlove pa din siya kay D.

“mukhang lagi ka naming magiging suki ni doc” tumawa siya ng kaunti. “ako nga pala si Eliza, You can call me Elle” nagshakehands naman kami, init ng palad ah.

“uhm” tumingin siya sa akin. “naging kayo ni D di ba?” tanong ko lang. curious ako e.

“oo” hinawakan niya `yung noo ko tapos nilagay ulit `yung tela na may yelo.

“paano?”

“classmates kami dati nung grade 3. pero naaccelerate ako kaya college na ako ngayon. but I’m still young. Scholar ako, kapalit ng pag aaral ko ng nursing `yung pagiging nurse ko dito” parang ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.

“una kong nakita siya dito sa clinic. Nakipagbugbugan kasi siya sa isang lalake. Weird but true. Dun nagsimula. She courted me and then naging kami” weird.

“bakit kayo nagbreak?”

13 | TRiP

Page 14: 58351074-Trip

Tumawa siya. “I was too kind for her daw. Ewan ko ba kay D. but she once stole my heart” ngumiti siya. “sige na, ok na `yang ulo mo” tumayo siya.

“thanks elle”

Ngumiti siya sa akin. “welcome” umalis na siya sa kwarto.

Natulog muna ako bago pa man ako umalis, syempre, sayang naman ang aircon di ba? isang oras at kalahati din akong nakatulog. Pagkaalis ko ng kwarto, nakita ko si D na kausap nung doctor.

“D” tumingin siya sa akin tapos tumingin ulit sa doctor. Nginitian lang ako ni Elle nun.

“sorry na” naglakad na siya at binuksan `yung pintuan. Lumapit ako sa kanya pero bigla niyang sinarado `yung pintuan. ANG ILONG KO!!

“need some ice Rain?” binigyan ako ni Elle ng ice na nakabalot sa tela. Nilagay ko `yung tela sa may ilong ko. shet ah. ang sakit.

Umupo siya sa tabi ko. “she really is mad at you”

`22

“bakit ka ba nagsosorry sa kanya?”

“oo nga”

“pinagtripan nga natin tapos magsosorry ka” kailangan kong magsorry.

“ayoko na mantrip” tumingin silang lahat sa akin.

“ok ka lang?” hinawakan ni Jin balikat ko. tumango lang ako.

“gag0. baliw ka ba?” baliw ako? oo nga siguro.

“baliw `yan mga `tol” tumawa sila pero hindi ako tumawa. Ang lakas talaga ng impact sa akin ni D.

“alam ko na” tumingin kaming lahat kay Sandy.

“ano?”

“Her loves he!” ewan ko ah. pero sa tingin ko, hindi na dapat mag English si Sandy simula ngayon.

“D loves Rain?” kung ako si Tristan, hindi ko na aalamin ibig sabihin nun.

“tanga. Rain loves D”

“what’s the difference Sandy?” tumawa sila kasi napahinto si Sandy.

“ano nga ba?”

“secret”

“secret `yung difference?” tumawa ulit sila. Napangiti naman ako dun. Kahit na badtrip ako, natatawa ako sa katangahan ni Sandy.

“oo `tol. `yun `yung difference”

“ang galing!” tuwang tuwa naman siya.

“galing no?” nang uuto talaga e.

“maiba ako ah, `yung trip ba natin na `to” tumingin kaming lahat kay Lee. “mukhang ikaw ata ang natamaan” ako ang natamaan. Lalaki ang natamaan. At sa isang tibo pa.

“ano ba meron kay D?”

“oo nga, share naman d`yan `tol” tumingin silang lahat sa akin na parang naghihintay nang sasabihin ko.

“tibo siya. Pero maganda siya. Masaya siya kasama tska maloko. Hindi siya mahirap pakisamahan kasi may pagkalalake siya. Tapos ang sarap niyang pagtripan kasi medyo pikon. Nakakatuwa din `yung pagsuntok, pagtulak at pagbatok niya sa akin. Maganda lahat sa kanya. Tska `yung halik niya—” lumapit `yung mga mukha nila sa akin. Attentive talaga.

“—hindi ko makalimutan” parang nasa cloud nine. nagtawanan silang lahat. Ano nakakatawa?

“in”

“love”

“na”

“naman”

“si”

“Rain”

“magtigil nga kayo” nagkantyawan silang anim. Ganyan naman lagi e.

“support ka namin Rain!”

“tama!”

“go Rain”

“go Rain”

“asa pa ako” oo asa pa ako. hindi `to tulad nung dati na babae talaga, ngayon, tibo na kinababaliwan ko.

`23

Ang totoo niyan, marami na talaga akong naging girlfriend. Ang alam ko nga, grade 2 ata may first kiss na ako e. pero hindi ko gusto `yung babaeng `yun. Sa pagkakaalam ko, ang pangalan nung first kiss ko is paula.

Eto kasi nangyari nun, may project na pinapagawa teacher namin sa arts. Eh wala akong dinala ni isang materials, kaya sabi ng teacher ko, manghiram daw ako ng materials.

Kinalabit ko si Paula, sabi kasi nila, crush daw ako nito.

“paula paula!” tinignan niya ako na parang ang saya saya habang hawak hawak `yung gunting tska `yung art paper. Natatawa nga ako kasi nakatingin lang siya sa akin nun at nakangiti.

Kiniss ko siya sa lips tapos parang `di siya gumalaw. “penge materials ah!” ayun. Kinuha ko yung hawak niyang gunting tska `yung mga art paper pati `yung glue.

Nung pasahan na ng project, umiyak siya kasi nawala daw `yung mga gamit niya. Di daw niya alam kung sino kumuha. Tawa ako ng tawa nun e, ang tanga. Nabulag na ata sa sobrang kinang ko. Haha.

`yung 1st girlfriend ko naman, grade 3 ata `yun. Hindi ako nanligaw nun, siya pa ang nanligaw sa akin. Tska taking advantage kaya siya, inaantok ako nung time na `yun e!

Kasi nung grade 3 kami, may teacher kaming sobrang nakakaantok, Christian school kasi `yung school ko nun at CL subject pa `yun. Kapag nagsasalita `yung teacher namin na `yun, parang tulog ka kagad.

Nagsasalita kasi si teacher ng kung anu ano na hindi ko naman magets kasi nga inaantok na ako. Lumapit sa akin `yung kaklase kong si Shane.

“Rain, may girlfriend ka ba??” Tinanong niya sa akin habang ako tinignan ko lang siya na parang tinatanong ko na ‘sino ka?’ na hindi nagsasalita. Antok kasi ako nun e.

“tayo na lang ha?!” kiniss ba naman niya ako sa lips kaya parang nagising ako. Pumayag naman ako na maging kami kasi siya lahat gumagawa ng school activities ko nung grade 3.

Pero nung last day na namin, nakipagbreak na ako sa kanya. Abuso siya nu! Nakailang months na kaya kami. Kawawa naman ako. Inaabuso na niya ako. Haha.

First year, sa ibang school na ako. Pagpasok na pagpasok ko palang nun sa classroom, nakakita ako ng napaka gandang babae na ngayon ko lang nakita. Nasa pintuan pa lang ako nun, nakatitig na ako sa kanya. Umupo na lang ako ng tinulak ako ng isa ko pang kaklase, harang daw kasi ako sa pintuan.

Umupo ako sa likod nung babaeng nagandahan ako. Naka apple green siyang fitted na sleeveless. Naka short na hanggang tuhod tapos nakahavaianas na slippers.

14 | TRiP

Page 15: 58351074-Trip

Kahit na nasa likod ako, parang kitang kita ko `yung kagandahan niya. Hinintay ko `yung introduction at hinintay na magsalita siya.

“I’m Aya Kalix Moraga but you can call me Ayx for short” ngumiti siya na parang anghel. Anghel ng buhay ko. para siyang drugs at nahigh ako.

Simula nung araw na `yun, natagpuan ko na ang first love ko, namely—AYX.

`24May picture pa rin ako ni Ayx ngayon kahit na nagbreak na kami. Nakaframe pa nga e, pero dahil sa nagmomove on ako, tinago ko na lang `yun sa isa sa mga cabinet dito sa bahay.

First love ko si Ayx, siya pinaka unang niligawan ko at siya ang pinaka unang girlfriend ko na minahal ko—ng sobra.

`nung 2nd anniversary namin, 3rd year na kami dinala ko siya sa laguna, enchanted kingdom. Masaya ako kasama ko pa din siya hanggang nung time na `yun. pero nawala lahat `yun nung last day ng 3rd year namin.

“uhm, Rain, I think we need to talk” kahit `yan pa lang sinasabi niya, kinabahan na ako. parang natatakot ako sa pwedeng sabihin niya.

“I`m sorry” tumingin siya sa mata ko, pero parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Natatakot ako.

“b-bakit?” nauutal na ako sa sobrang takot. Bakit siya nagsosorry?

Hinalikan niya ako sa lips. Tapos tumingin sa mga mata ko. “may—” hinawakan niya `yung kamay ko, nanlalamig ako pero ang init ng palad niya. “mahal na akong iba” yumuko siya. “I`m sorry” tumakbo siya habang ako nakaupo lang dun sa upuan.

State of shock. Nakatulala lang ako habang nakatingin kay Ayx na tumatakbo papalayo sa akin. Mahal ko siya, wala akong pagkukulang sa kanya, kaya bakit nagkaganun?

Lunch time, lumabas kaagad si Ayx ng classroom habang ako, yamot na yamot na nakadungaw sa may bintana.

“oi Rain, break na kayo ni Ayx?” alam kasi ng buong school na kami ni Ayx. Tinignan ko lang siya ng masama.

“kaya pala bad mood ka. Nakita ko kasi siya, lumapit kay Yuan tapos nagkiss” nagkiss? Nagkiss? Tinulak ko kaklase ko tapos lumabas ako ng classroom.

Hinanap ko si Ayx at nakita ko sila sa medyo tagong lugar kasama si Yuan. Magkasama sila. Silang dalawa lang. umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at parang lahat ng chakra ko nasa kamao ko na.

“TA3NA KA!!!!” tumakbo ako at sinuntok ko ng malakas si Yuan kaya napahiga siya sa ground.

“ano ba rain!!” tinignan ko si Ayx. Lumapit siya kay Yuan na duguan `yung mukha.

“`yang lalakeng `yan? `yan pinalit mo sa akin!?” tinignan ako ng masama ni Ayx. Nakakainis. Nagagalit siya dahil d`yan sa lalakeng `yan. Walang kwenta. Mahal ko siya. Mahal niya si Yuan. Walang kwenta si Yuan!

“oh c`mon Rain. We`re over! I hate you!” parang nanghina ako sa sinabi sa akin ni Ayx. I hate you. Dati dati, I love you sinasabi niya sa akin, ngayon I hate you. Nag iba na talaga, nag iba na lahat.

Mahal ko si Ayx, mahal na mahal ko siya. Pero bakit niya ako pinagpalit sa ibang lalake?

“Mr. Montez! To the principal’s office, NOW!”

At sa sandaling `yon, natapos lahat lahat sa amin ni Ayx. `yung babaeng pinaka mamahal ko.

`25

kaya lumipat ako ng school dahil dun sa pagsuntok ko kay Yuan. Ok lang, masaya ako at nasuntok ko mukha nun, masaya ako dahil lumipat ako ng school, at masaya ako dahil sa paglipat ko na `yun, nakilala ko si D.

“aw. Nagdadrama si Rain oh” tinignan ko sila na tinititigan ako na parang natatawa.

“naaalala na naman siguro si ms. Byutipul” nagbeautiful eyes pa `tong gag0.

“sino `yun?” binatukan siya ni Tristan. “aray!”

“sino pa ba? tanga mo!” tumawa kami except kay Sandy.

“sino ba kasi?!” parang naaasar na siya. “si D?” lalo silang tumawa.

“tanga talaga oh. Si AYX!”

“ah!!” alam na niya. buti naman. “sino `yun?” binatukan ko naman si Sandy. Ang tanga e.

“`tol, `wag mo nang panindigan pagiging tanga mo”

“para kang gag0”

“`tol, hindi lang parang, gag0 talaga” tumawa kami. asar na naman si Sandy nito. Pinagtutulungan na naman namin e.

“what you away away us!” nag inarte pa, tumawa kaming lahat.

“`tol, `wag ka nang mag English”

“bakit?”

“wala ka nang future d`yan kaya tigilan mo na `yan!” tawa kami ng tawa. Ang sakit na nga ng tyan ko e.

“bakit ba naging kaibigan ko pa kayo?” umiiyak siya. Kunwari. Hindi siya magaling na artista. “buti ka pa Rain!” niyakap niya ako na nag iinarte pa din.

“shocks Sandy, sino ba kauri mo?” nagsalitang bakla si Jin.

“sisteeeerr” nag apir si Jin tska Chris.

“Rain oh!” nakayakap pa din sa akin si Sandy.

“alam mo `tol” tinignan ako ni Sandy.

“hindi pa ano `yun?”

“malamang! Walang alam e” tumawa kami except syempre kay Sandy.

“patapusin niyo nga si Rain!”

“alam mo `tol, tatamaan ka sa akin kapag `di mo ako binitawan” binitawan naman niya ako kaagad. “good boy” pinat ko `yung ulo niya.

“`tol ano `yan aso?”

“trained ba?” tumawa kami.

“nga pala, `tol” tinignan namin si Tristan. “nakita ko si D, umiiyak” nanlaki mata ko.

“saan?”

“ewan, nalimutan ko na e. basta nakita ko umiiyak siya. Rinig na rinig `yung pag iyak e”

“umiiyak ba `yun?” oo. Umiiyak `yun. at hindi bagay sa kanya.

“sure ka bang si D `yun?”

“ewan ko ah” parang nag isip si Tristan. “siya ba `yung laging nakasumbrero na naka malaking t-shirt na nakacargo shorts na naka tsinelas? Ah, baka nga hindi siya `yun. nakamini skirt kasi lagi si D di ba?” sarcastic niyang sabi.

“teka, mini skirt, si D? hind naman siya nag susuot ng ganun ah?” uniform, mini skirt, everyday ko siyang nakikitang nakaminiskirt.

“that’s the point pre!”

“anong point?”

“ai hindi! That’s the DOT! Tae” tumawa kaming lahat. Pero napaisip ako. bakit umiiyak na naman si D? dahil dun sa ex niya? o ibang dahilan?

15 | TRiP

Page 16: 58351074-Trip

`26

Pauwi na ako sa bahay ko galing tambayan, gabing gabi na e. may pasok pa kami bukas. Nakakapagtaka lang, si D? umiiyak? Na naman? Bakit kay—

“s-sorry” aray ah! Di naman masyadong malakas ang force at napa upo ako sa lapag. Tumingin ako sa sa harap ko, napaupo din kasi siya.

Nagulat ako sa nakita ko. “D?” medyo lumapit ako sa kanya pero tinulak niya ako at nagmadali siyang tumayo. Agad agad din ako tumayo at bago pa man siya makalayo, hinawakan ko na `yung braso niya.

“D…” mahina kong sabi. Pinunasan niya ng kaliwang kamay niya `yung mukha niya tapos tumingin sa akin. Madilim pero nakikita kong nangingintab mata niya, umiiyak siya.

“u-umiiyak ka ba?” humarap siya sa akin.

“ano pa ba kailangan mo?! Internet star na tayo! Dahil d`yan sa kalokohan mo!” tinanggal niya pagkakahawak ko sa braso niya, tumingin siya sa mga mata ko.

“s—”

“T*NG!N* MO!” sinuntok niya ako sa mukha pero hinayaan ko siya. Kasalanan ko din naman `yun e. “gag0 ka!” tumulo luha niya sa kaliwang mata niya.

“i-i`m sorry” hinawakan niya ng mahigpit `yung t-shirt ko.

“nagagawa ba lahat sa sorry!? HINDI MO NA MABABALIK `YUN! walangya!” binitawan niya t-shirt ko. tinulak niya ako palayo at nilagpasan ako. nang makalayo na siya—

“TAE!!!!”

“chill lang `tol” lumingon ako at nakita ko si Lee kasama si Ash.

“ok ka lang?” hinawakan ni Ash balikat ko. “tara, punta tayo bahay niyo”

Sinamahan nga nila ako sa bahay ko. dahil sa walang magawa, nag inuman na lang kami. malapit lang naman tindahan sa bahay ko kaya mabilis makabili ng beer.

Kailangan ko uminom, kelangan ko makalimot. Kailangan ko muna magpahinga. NAHIHIRAPAN NA AKO.

Naubos ko `yung isang bote at iniinom ang pangalawang bote.

“`tol, `wag masyadong maglasing, may pasok ka pa bukas” hindi ko siya pinansin. Wala akong pakielam kung may pasok ako o wala, ang pakielam ko lang. galit sa akin si D. TAE.

“Rain, si D lang `yan” parang naasar ako sa sinabi niya.

“HA?! Anong si D LANG `YAN!?” tinignan ko siya ng masama. “hindi mo kasi siya kilala kaya nilalang mo lang siya!” susuntukin ko na sana siya nang—

“`tol, wag kayo mag away” pinaghiwalay kami ni Lee. Buti na lang andito si Ash.

Tumingin ako kay Lee. “Lee” tumingin siya sa akin. “sorry ah, init lang ng ulo”

Ngumiti lang siya. “naiintindihan naman kita e” sabay inom ng beer.

Buong gabi kami nag inumang tatlo. Seryoso, wala masyadong nagkukulitan, naghaharutan. Wala kasi `yung apat na may topak sa ulo. Wala ako sa mood. Walang wala. Kelan ba matatapos `to?

`27

Pumasok ako ng lunch. Ang sakit pa nga ng ulo ko e. pagpasok ko, una kong hinanap si D, pero hindi ko siya nakita. Nagtanong ako sa mga kaklase ko pero sabi pumasok naman daw.

Hinanap ko siya sa buong campus. Nagtanong tanong kung may nakakita sa kanya. Gusto ko siyang Makita. Kailangan ko siya makausap. Kailangan kong magsorry sa kanya.

“nasa clinic siya men” agad akong tumakbo papuntang clinic. Pagbukas ko, wala si elle pati `yung doctor. Naglakad ako at nakita ko si Elle na papalapit sa akin na naka smile.

“as-”

“nandun siya sa girl’s room. Nagpapagaling” ngumiti siya at nilagpasan ako.

“thank..you” nagpapagaling?

Binuksan ko `yung pintuan ng girl’s room at nakita ko `yung doctor at isang babae na nakaupo.

“sh3t. ANG SAKIT!” si D? tumingin sa akin `yung dalawa. `yung doctor at si D.

“bawal ang lalak-” lumapit ako sa kanila at nanlaki mata ko sa nakita ko. punong puno ng pasa sa katawan si D. meron din siyang sugat sa may noo. Ang dami niyang sugat, ang dami niyang pasa.

“ano nangyari sa`yo?!” tinignan niya ako ng masama.

“doc, maya na lang po” tumayo siya at nilagpasan na naman ako. tumingin ako sa doctor, alam na niya siguro kung ano itatanong ko kaya umiling siya kaagad. Ano nangyari kay D?

Hinabol ko si D. “D, teka” naglakad siya ng mabilis. “TEKA!” hinawakan ko siya sa braso.

“ARAY!” napabitaw ako sa kanya.

“sorry!” ang TANGA KO!! nakalimutan kong may pasa nga pala siya. Tanga ko. ANG TANGA KO!

“ano na naman ba?!” tumingin siya sa akin habang hawak hawak `yung braso niya na hinawakan ko. “ang sakit, tae”

“sorry, pero… ano nangyari sa`yo?” tinignan ko buong itsura niya. ang dami niyang pasa. Ang dami niyang sugat. Hindi na makinis `yung legs niya, hindi na ganun kaputi `yung braso niya. ang gara ng itsura, may dugo dugo pa, para siyang napalaban sa gang war.

“PAKIELAM MO!?”

“pakielam ko? kasi GIRLFRIEND KITA!” tinaasan niya ako ng kilay.

“kailan pa? pinapatawa mo ba ako?” tumalikod siya sa akin at naglakad.

“natalo kita sa pustahan, tandaan mo `yan” humarap siya sa akin. Nag smile, at—namakyu!?

“wow pare, pakyu daw oh, tanong mo kung kelan” tinignan ko `yung nagsalita. Sino siya? Naglakad na lang ako palayo.

Kinabukasan, walang pasok. Papunta sana ako sa tambayan ng Makita ko si D, umiiyak na naman.

“oi” tumingin siya sa akin ng masama. Nahihirapan akong nakikita siyang ganyan. “sama ka sa akin” kinuha ko `yung kamay niya at tinayo siya.

“baket!?” hinila ko lang siya.

“inuman tayo”

“inuman?”

“oo, kasama barkada ko” gusto ko sumaya siya, baka kapag sumama siya sa amin ng barkada ko, sumaya naman siya. Kahit kaunti.

`28

“`tol—” parang napatigil sila sa nakita nila. kasama ko kasi si D. nagpalakihan sila ng mata eh.

Umupo ako at hinila si D para umupo sa tabi ko. Nagpapalakihan pa din silang anim ng mata.

16 | TRiP

Page 17: 58351074-Trip

“ano ba tinitignan niyo!?” parang naiirita na si D. sila naman, natakot. Haha.

“`y-y-yung k-ka-kamay n-niyo ka-kas-e e!” napatingin ako sa kamay ko, nakahawak pa din sa kamay niya.

“tae!”

“aray!” naramdaman ko na lang na sumasakit na ulo ko. tae, banatukan ako. argh.

Huminga ng malalim si Tristan. “ano ginagawa niyo dito?” tumingin silang anim sa akin.

“inuman tayo, ako taya” at um-ok naman silang lahat. Basta lang libre e, ok kaagad. Mga ungas talaga `to oh.

“ano ba mapapala ko dito!?” napatahimik sila at tumingin sa amin ni D. isip. Hmm...

“kung sino unang malasing, talo” nagtaka sila Chris. “kaming dalawa lang ni D” nag ow sila ng walang sound.

“so?”

“kapag natalo ka, susundin mo 3 wishes ko. kapag natalo ako—” labag man sa loob ko. “lalayuan na kita”

“sige”

Sabay kaming uminom na dalawa. `yung anim, nanonood lang. ilang minuto na din nakakaraan pero wala pa din sa amin ang nalalasing.

“Go rain”

“Go rain!” pati ba naman dito nagchicheer sila?

Naka 6 na bote na ako, ganun din si D. feel ko nalalasing na nga siya e.

“TAENA. Kelan ka ba malalasing!?” sabi na nga ba e, lasing na siya. Nagwawala na e. tumingin kaming pito kay D. parang wala na sa sarili e.

“tae. Baka bugbugin na naman ako ng tatay ko tska ng mga kuya ko” tumawa siya. Bubugbugin? “kailangan ko ng umuwi” nag aakma siyang tumayo pero bigla siyang naknock out. LASING NA SIYA.

Tinignan namin siya ng mabuti, tulog na. “wow, nanalo ka!”

“nakakatakot pala talaga si D”

Tumawa sila. “oo nga e!”

“pero `tol, ano wish mo sa kanya?”

“oo nga, ikaw nanalo ah”

Tinignan ko sila at ngumiti na parang Lee. Malademonyo. “ano `yang iniisip mo `tol?”

“sasabihin ko sa kanya pag gising niya” alam ko, matutuwa ako sa mga wish ko kay D. haha

`29

Nagising ako pero tulog pa din si D. Dinala ko nga pala siya sa bahay ko kagabi para magpahinga. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira e. Nasa kama ko siya, ako nasa sofa.

Naghilamos muna ako at lahat lahat. Nanood lang ako ng tv at hinintay magising si D. nakarinig ako ng sound sa may kama. Tinignan ko si D, gising na siya.

“shet” napaupo siya sa kama. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“kamusta na?” ngumiti ako ng ngiti ni Lee. Tinignan niya ako ng masama.

“sino ka?”

“weh?” umupo ako sa kama ko sa tabi ni D.

“paano ba `yan” tinignan lang niya ako. “panalo na naman ako” parang inis na inis siya ng sinabi ko na panalo ako. haha. Katawa mukha niya.

“taena naman oh” parang luging lugi `yung mukha niya e.

“unang wish ko” tinignan ko siya na nakatingin sa akin. “sabihin mo sa akin. Bakit ka nagkapasa at nagkasugat d`yan sa katawan mo?” huminga siya ng malalim.

“binugbog ako” sabi niya.

“bakit nga?”

“dahil dun sa pesteng multiply mo. Tae” tumayo siya at pumunta sa may lababo.

“bakit?”

“galit sa akin tatay ko pati mga kuya ko” binuksan niya `yung gripo at naghilamos siya.

“lalo silang nagalit sa akin nung nakita nila `yun” sinara niya `yung gripo tapos lumapit sa akin. Basang basa mukha niya.

“tumayo ka nga” nagtaka naman ako sa sinabi niya. hinila niya `yung damit ko patayo. Tinaas niya t-shirt ko.

“ui tae naman D. bata pa ako!” bigla akong kinabahan.

“gag0” pinunas niya `yung t-shirt ko sa mukha niyang basa. Tae, mukha bang pamunas ng mukha—at kamay ang damit ko?

Umupo siya sa sofa at kinuha `yung remote control para sa tv. “ano na pangalawa?” pinalipat lipat niya `yung channel.

Napaisip ako. 2 wishes from D. kahit ano gagawin niya. napangiti ako ng makaisip ako ng magandang wish.

“bakit ka ganyan makangiti?” tumingin siya sa akin. Nakangiti pa pala ako. grabe. Natatawa ako sa papagawa ko sa kanya.

“lahat ng wish ko, tutuparin mo di ba?” tumingin siya sa akin na parang naaasar.

“tae. Ano ako, genie?”

“bilis na kasi” umupo ako sa tabi niya. “umoo ka na” tumango lang siya.

“OO! Wag tango”

“OO NA! taena naman” parang naaasar na siya. “ano na?!”

Ngumiti muna ako. “kiss mo ako” nanlaki mata niya.

“HA?!”

“sa lips”

`3o

“`tol! What happen!?” nakatingin silang anim sa mukha ko.

“oh”

“my”

“gahd”

‘YOUR PRETTY FACE RAIN!”

“it’s ruined!”

“ang gwapo mo na!”

“sa wakas!” tumawa silang lahat. Potek. Pinagtawanan pa nila ako e nu.

“sino may gawa niyan?” pinipilit nilang itago `yung tawa nila. pero alam ko namang natatawa na sila e.

“si-”

“lemme guest” tinignan namin si Chris.

17 | TRiP

Page 18: 58351074-Trip

“si D!” biglang binatukan ni Chris si Sandy.

“aray!”

“ungas ka talaga. Ako nga magsasabi e”

“sorry ka, ako nauna”

“si D ba!?” nag akmang tumayo si Jin.

“oi gag0. ano gagawin mo?”

“wag mo siyang sugurin!”

“tange. Di ko sususgurin `yun”

”ano gagawin mo?”

”papasalamat. Gumwapo ka e” nagtawanan na naman sila. Ang sama talaga nila. grabe.

“ang bait niyo talaga”

“syempre”

“kami ay hulog ng langit, ulan”

“ulan ka d`yan”

“ayiee, gwapong ulan” tumawa na naman sila. Mga pahamak naman oh.

Wala na ba talagang makausap na matino? sila na lang ba talaga pwede kong makausap? Lord, bakit ba ganito mga kaibigan ko? ngayon ko lang narealize. Hindi sila mga matitinong tao.

Ano nga ba nangyari sa akin at bakit nila ako pinagtatawanan? Kasi, ganito `yan. Kilala niyo naman si D di ba? sadista. Pero hindi niya ako sinuntok, ano ginawa niya sa akin? SINIPA NIYA AKO! bakas pa nga ata foot print niya sa mukha ko e. nagkaroon ako ng pasa sa mukha kasi nabunggo pa ako kung saan saan. Putek. Malay ko bang malakas siya manipa!?

“hai nako” nagtatawanan pa din sila.

“grabe talaga ang love”

“bakit?”

“kasi”

“you know”

“it hurts”

“a lot”

“lalo na sa face” at nagtawanan na sila ng hindi na ata humihinga. Kainis ah. ang sakit kasi e. para lang kiss sa lips naninipa na. potek!

`31

Pumasok ako sa school na may mask. BAKIT BA!? alangan namang ipagmalaki ko sa buong school na ang panget ng mukha ko ngayon. taenes. Kelan kayo `to gagaling. Potek.

Pumunta ako sa clinic para ipagamot `yung mukha ko. “Elle?” napatingin siya sa akin at parang nagulat. Natawa siya ng kaunti.

“ano nangyari sa`yo? Bakit may maskara ka?”

“long story, gamutin mo naman oh” tumango lang siya sa akin tapos pumunta sa loob ng office nung doctor.

Tinanggal ko `yung maskara ko. oo na. weird na. ako na may maskara. Mind your own face na lang pwede ba?

Bumalik na si Elle at parang nagulat sa akin. “uhm, wait. Did you see rain? Parang nawawala ata”

“weh?”

Tumawa na naman siya. “joke lang. kaw naman” ngumiti siya sabay hawak sa mukha ko. “ano ba kasi nangyari d`yan?” ineexamine niya `yung mukha ko.

“para lang naman sa kiss sinipa na ako. nabunggo pa ako kung saan saan. Ang sakit kaya” tinignan ko siya sa mata kasi ineexamine pa din kasi niya mukha ko. ang kinis pala ng mukha niya. “uhm, gagaling pa ba ako?”

Lumayo siya sa akin. “I’m sorry sir. Napaka laking damage na ang nagawa sa mukha mo. I can’t recover it. Mag paplastic surgery ka na lang”

Nanlaki naman mata ko. “grabe ka naman! Pasa lang naman `yan paplastic surgery na kaagad?!”

“eh joke lang `yun” tumawa siya. Lakas mantrip nitong babae na `to ah? pumunta siya dun sa lalagyan ng mga gamot. “gagaling naman `yan e”

May kinuha siyang gamot tapos lumapit sa akin. “gamitin mo `to everyday. Ipahid mo sa pasa mong tinubuan ng mukha” tae. Mang asar `tong babaeng `to ah. “joke” ngumiti siya sabay bigay sa akin nung gamot.

“everyday dapat `yan ilagay. Siguro mga 1 year mawawala na `yan” tinignan ko siya ng masama. “joke, dipende, basta. kaya mo `yan” nice naman kausap nitong si Elle. Kala mo nung una isang anghel na naka nurse uniform, pinaghalo halong sandy, lee, chris, ash, tristan at jin pala. 6 in 1 na babae, grabe.

Sinuot ko ulit `yung maskara ko at umalis na ng clinic. Potek. Para akong tanga, tinititigan ako ng mga tao dito.

Pumasok ako ng classroom nang nakatingin silang lahat sa akin. Taena talaga. Sikat na ba ako? potek. Umupo ako ng tinititigan pa din ng mga kaklase ko. kahiya naman `to.

“`tol. What’s with the mask?” tinignan ko lang siya ng masama. Nagsimula ang klase at every teacher, tinatanong ako what’s with the mask. BAKIT BA NILA KELANGAN MAKIELAM?! BAKIT KELANGAN NILANG MALAMAN? Yayaman ba sila!? Tae.

Pumasok si D na parang natatawa nang Makita ako. “Joy” napatingin sa kanya si Joy.

“bakit?”

“sino `tong katabi ko?” tinanong niya na natatawa.

“si Rain” napa‘ow’ siya sabay upo at humarap sa akin.

“taenang mukha `yan. Ngayon ko lang nalaman” pinipigil niya tawa niya. “ang gwapo mo pala!” at tawa na siya ng tawa. Pati `yung iba kong kaklase natawa. Tae. Kahihiyan `to men, kahihiyan!

`32

Four days na akong pinagtatawanan ni D. pumapasok na nga siya ng maaga para lang pagtawanan ako. taenang tibo `yun. ang lakas ng trip.

“`di talaga nakakasawang tignan `yang mukha mo” tawa siya ng tawa. Peste.

“tigilan mo nga ako” kaasar na e.

“oh, so ngayon ako na pinapatigil mo?” tumawa siya na parang tanga. Buset.

Buset talaga. BUSET! Karma na ba tawag dito. Potek. Kabuset.

“`di ka makaimik d`yan. Panis!” tawa siya ng tawa. Tae. Kelan ba siya titigil!? Argh.

“gag0 ka. Tandaan mo, natalo ka na naman sa akin. May dalawa pa akong wish” napatigil siya. Panahon naman para ako na ang tumawa. HAHAHAHAHA.

“dalawa!? Isa na lang kaya!”

“gag0. kiss `yung isa. Hindi sipa kaya hindi `yun counted!” nanigas naman siya. Akala niya matatalo niya ako? asa pa! natahimik siya e. Pahiya.

18 | TRiP

Page 19: 58351074-Trip

Tumingin siya sa akin na parang naiinis. Wala nga palang teachers ngayon. may meeting kaya eto kami, nag iingay. Magkatabi kami ni D sa upuan, alam niyo naman `yun di ba?

Tumayo siya sa upuan sabay lapit sa akin. Hinawakan niya collar ko at tinayo. SHET! AYOKO NA MASUNTOK PAAAAAAAA~

Tinanggal niya `yung maskara ko. O SYETE. ANG PASA KO! sabay hatak sa collar ko at. . .hinalikan ako sa labi.

Napapikit naman ako sa ginawa niyang `yun. kinabahan at parang nanghihina `yung katawan ko.

“gag0. napasarap ka naman” tumawa siya at napadilat ako. tinignan ko `yung buong klase, nakatingin sa akin. Taena. Kakahiya.

“tae” napaupo ako sa upuan ko. “p*ta naman, ano ako?! artista!?” napaiwas sila ng tingin sa akin. tinignan ko ng masama si D.

“wow, nice face” nakita kong hawak pa din niya `yung maskara ko kaya kinuha ko sa kamay niya `yun at nilagay ulit sa mukha ko.

“masaya ka na?” kabuset e.

“pwede na” tawa siya ng tawa. Tae. Tibo talaga e. “pero hindi pa e” umupo siya sa tabi ko. hinawakan niya `yung braso ko. biglang bumilis tibok ng puso ko. tae. `di na ako makahinga.

hinawakan niya `yung maskara ko at aakmang aalisin na naman. TAE! `di na ako makahinga! Lumapit siya sa akin nang—

“may isa pa akong wish” napalayo naman siya sa akin. Ok, rain. HINGA.

“shet. Kala ko pa naman malilimutan mo na `yun. pak” natawa naman ako ng kaunti dun. Kala niya kahit maganda siya! Haha.

“ano na wish mo?” may naisip akong masayang wish. Wala lang.

“alagaan mo ako” nanlaki mata niya.

“ANO!? Baby ka ba!?”

“hanggang sa mawala na `yung pasang binigay mo sa akin”

“seryoso ka!?” napangiti naman ako kahit di niya kita.

“oo naman”

`33

“D!!!” uwian na kasi namin tapos paalis na si D. napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

“buhat mo akoooo” para akong bata na nagpapabuhat sa nanay niya. Nanlaki mata niya.

“ANO!?”

“buhatin mo ako! Bingi ka ba!?” natatawa ako sa reaction nila e. lalo na ni D.

“sira ka ba?”

”buo po. Buhatin mo na akoooo” lumapit siya sa akin tapos tinanggal maskara ko sabay—

“OI TEKA!” napatigil siya sa pagsuntok sa akin. Muntikan na ako dun ah.

“magkakapasa ulit ako n`yan. Aalagaan mo pa ako ng matagal!” ngumiti ako tapos binigay niya sa akin `yung maskara. Sinuot ko naman ulit `yun. Nakatingin lang siya sa akin.

“kaya buhatin mo na ako!” hinawakan niya `yung kamay ko. Ang lambot at ang init ng palad niya.

“tara na baby!”

“OI SHET! Ano ginagawa mo!?” ang saket! Kinaladkad niya ako pababa hanggang ground floor. Binitawan niya ako at napahiga ako sa sahig. Ang sakit ng katawan ko!

“ang sakit” parang `di na ata ako makakatayo. Shet.

Tumingin lang siya sa akin ng nakasmile. Tae. Ang ganda talaga nitong tibo na `to. Sinasayang niya mukha niya e.

Iniabot niya `yung kamay niya sa akin. Tinignan ko lang kamay niya tapos tinignan ko siya na parang sinasabi ang ‘need some help?’

Hahawakan ko na sana `yung kamay niya pero bigla siyang lumayo.

“ano ka? Swerte?” tumawa siya na parang nanbubuset. Napatingin naman ako sa baba. `yung legs niya. Shet. Kahit na bakas pa din mga pasa at sugat niya—ang puti pa din ng legs niya.

Kung titignan ng mabuti, ang kinis talaga niya. Alisin mo lang `yung bakas ng pasa at sugat niya. Wala lang. lalake ako, pwede ba? Ganito ako mag isip. Pesteee~

“D! maawa ka sa akin! Tama na!” kinakaladkad na naman niya ako. Huminto siya at nakita ko ang—shorts niya.

“ARGH!” tinapakan niya mukha ko!

“tang*na mo. Manyak” paano niya nakita `yung mata ko? e hindi naman masyadong kita mata ko sa maskara ko. Tae. Buti na lang may maskara ako kundi may bakas na ako ng sapatos ni D sa mukha ko.

“tandaan mo” medyo umupo siya at tinignan ako sa mata. Nakahiga pa din kasi ako e, sakit ng katawan ko, pati na ng mukha ko.

Tinanggal na naman niya `yung maskara ko. “ang pinaka ayoko sa lahat” ngumiti siya.

“mga manyak, na tulad mo!” tinulak niya mukha ko. Tae. Saket sa ulo ah.

Hindi naman ako manyak e! masama bang tignan legs niya? At tska siya din naman `yung may kasalanan kung bakit ko nakita shorts niya ee! Pero sa totoo lang, ang sexy niya, kung `di lang talaga siya tibo. tsk

`34

“at san ka pupunta?” hinawakan ko `yung binti ni D. woah. Ang kinis kinis talaga. Tae.

Tinignan niya ako ng masama. “`wag mo nga hawakan binti ko” inaalis alis niya `yung binti niya pero makapit akong tao e.

“HOI!” napatingin kami ni D `dun sa sumigaw na nakaharap sa amin. `yung janitor.

“nilinis ko `yang sahig na `yan para hindi higaan!” parang galit na galit ah. napatigil lang kami ni D.

“hala sige, sa bahay niyo kayo maglampungan! Nadudumihan ang sahig ko!” lumapit siya sa akin at hinawakan `yung braso ko.

“tayo, tayo! Nadudumihan ang sahig!” aba. Ang kapal din naman ng apog nitong janitor na `to. Una, binabayaran namin siya. Pangalawa, uniform ko nga nadumihan sa sahig niya e.

“LAYO!” tinulak pa niya ako pati si D. pamatay na Janitor yan.

Naglakad kami ni D palayo ng school. “tutal Friday naman ngayon” tinignan ko siya na nakatingin sa akin.

“ano na naman ba iniisip mo?!”

“alagaan mo ako this weekend” tinaasan lang niya ako ng kilay.

“tumira ka” nagsmile ako pero hindi niya kita, may maskara nga ako remember?

“sa bahay ko” nanlaki mata niya.

“gag0 ka ba!?”

“hindi, tao lang” tumawa ako.

“hindi mo ako alalay! Tska, ano gagawin ko sa bahay mo!?”

“aalagaan ako. kawawa naman ako oh”

19 | TRiP

Page 20: 58351074-Trip

“ewan ko sa`yo!” tinulak niya ako at naglakad ng mabilis.

“kakausapin ko na lang tatay mo!” napatigil siya sa paglalakad.

“magpakilala kaya ako sa kanya” tumungin siya sa akin.

“na ako `yung kahalikan mo `dun sa multiply” lumapit siya sa akin.

“ano kaya reaksyon niya?” inirapan niya ako. aba. Tibo ng iirap?

“sige!” naglakad ako ng mabilis. “kita na lang tayo sa bahay niyo!” lumingon ako sa kanya at nagwave.

Naglakad ako ng naglakad. Teka. Ang tanga ko talaga. Hindi ko alam kung saan `yung bahay nila D! paksyet. Pahiya ako. hindi ko nga pala alam kung saan siya dito!

May narinig akong tumatakbo palapit sa akin kaya napahinto ako at lumingon. Si D.

“gag0 ka talaga e nu” tinignan ko lang siya.

“oo na. taena. Weekend lang ah!” oha oha! Ang galing ko talaga! Pumayag siya kahit na hindi ko alam kung saan bahay nila! haha. Ang galing ko talaga!

`35

Hinawakan ko `yung braso niya at kinaladkad papuntang bahay ko. “gag0 ka. Wala pa akong damit!” tinignan ko siya.

“manghiram ka na lang sa akin” tinignan lang niya ako ng masama. Ai oo nga pala, babae nga pala `to. Asarin ko muna.

Tinanggal ko `yung maskara ko at nilagay dun sa may tv. “manghiram ka d`yan?”

“oo, `di ba lalaki ka? Kaya ok lang `yun” nginitian ko siya. Tapos parang naaasar siya. Nilapag ko `yung bag ko sa sofa at kinuha ko `yung t-shirt na susuotin ko at naupo muna sa sofa.

“ah…” tinignan niya ako. “ok” ano!? Umoo siya!? Sabagay, sanay naman siya na magsuot ng panglalakeng damit e. pero teka, paano `yung—`yung—`yung—alam niyo na. underwear niya?

Parang pinagmasdan niya ng mabuti `yung bahay ko. “takte, ang init” tinanggal niya `yung necktie niya at binuka—

“oi taena. Bakit ka nagbubukas ng butones sa harap ko!?” parang umiinit `yung buong mukha ko. hinawakan ko `yung tenga ko kasi sobrang nag iinit na.

“tae. Centralize aircon bahay ko kaya bakit ka naiinitan!?”

Patuloy lang siya sa pag bukas ng butones niya hanggang sa Makita ko `yung bra niya pati `yung—bigla kong hinagis `yung t-shirt na dapat susuotin ko sa kanya.

“p0ta. `dun ka sa cr magpalit. `yan `yung t-shirt. Maghanap ka ng shorts na kasya sa`yo dun” tumawa siya sabay punta ng cr.

Mang asar `yung babaeng `yun e. pamatay. Tae. Ang sexy e. oh Lord. Patnubayan niyo po ako. gabayan niyo po ako. ayoko pang magkasala. Bata pa po ako.

Habang nasa cr siya, nagbihis na lang muna ako ng pambahay at nahiga sa kama. Ang tagal naman niya sa cr. 1 hour na siya dun ah.

After so many long years, narinig kong nagbukas `yung pintuan. Napatingin ako sa cr pero nakasarado naman. Pagtingin ko sa pintuan palabas—

“`tol!” sila ash!?

“how’s you!”

“we’re here”

“party na!”

“b-bakit kayo nandito?!”

“inuman remember”

“b-bakit?”

“celebration”

“for what?”

“hindi mo ba naaalala?”

“hindi” magtatanong ba ako kung naalala ko.

“may bagong souvenir si Tristan!”

“sorry naman, `di mapigilan ang bugso ng damdamin”

“so ano guys? Ready?”

“ready for what?”

“mga babae!” nagsipasukan `yung mga babaeng ang sesexy na halos kita na lahat sa kanila at may dala dalang maraming beer. Hindi kita mga mukha nila kasi may parang maskara `yung mga mata nila.

Nagsikalat `yung mga babae sa bahay ko at sila Jin din, tig isang babae. may babaeng umupo sa hita ko, napatingin ako dun sa babae na

nakatingin sa akin. Umakbay siya sa akin at hahalikan na sana ako nang—

Bigla akong nakarinig ng pagpihit ng door knob. Napatingin ako sa pintuan ng banyo, unti-unting bumubukas. Tang*na! si D!

`36

“what the eff!” nanlaki mga mata ni D at napatingin kaming lahat sa kanya. Kinakabahan ako. kinakabahan ako. sinuot nga niya `yung t-shirt na binigay ko pero `yung shorts niya parang hindi ko ata shorts `yun. tama! `yun `yung nakita ko kaninang suot niya nung nasa school kami.

“anong kaguluhan `to?”

“anong ginagawa niya dito?” bulong sa akin ni Chris.

“a-ano.. kasi D—D..” taena. Ano sasabihin ko sa kanyaa~

“nagsisimula kayo ng wala ako!?” napanganga naman ako sa sinabi niya. tibo talaga. Tae. Umupo si D sa sofa at nagsilapitan `yung mga babae kay D. taenang view `to. Ang tibo ay nakikipaglandian sa mga babae. walangya.

Nagkakasiyahan silang lahat. Si Tristan? Ewan ko, baka magkasouvenir na naman, grabe sila nung babae e.

Si Lee nakikipag usap `dun sa isang babae habang nilalaro nung isang babae `yung dibdib niya.

Si Ash umiinom kasama nung isang babae.

Si Chris lahat ng babae kayakap na. walangya.

Si Sandy nakikipaghalikan tapos iinom tapos makikipaghalikan sa ibang babae.

Si Jin parang manyak, Tristan on the making na ata, gusto din atang magkasouvenir e.

At si D—nakikipag inuman sa dalawang babae. . .at. . .at—

“uhm..” napatingin ako sa babaeng nakaupo pa din sa hita ko. andyan pa din pala siya.

“rain right?” tumango lang ako. kumuha siya ng dalawang beer. “gusto mo?” binigay niya sa akin `yung isang beer na hawak niya. ininom ko naman `yun. napatingin ako kay D. bakit ko pa ba siya sinama sa bahay kung makikita ko din lang siya naman siya na nakikipaghalikan sa ibang babae!? takte.

“rain?” Kinuha niya `yung beer na iniinom ko.

20 | TRiP

Page 21: 58351074-Trip

“oi baket?” tumayo siya sa harap ko. katapat ko `yung tyan nung babae. nakabra lang kasi siya at mini shorts. May piercing pa nga siya e. kinuha niya dalawa kong kamay at nilagay sa bewang niya at sumayaw, ng dirty dancing, sa harap ko.

Parang wala akong gana ngayon, kung dati sabik na sabik ako sa mga ganito, ngayon. wala. Wala akong mafeel na kahit na ano. “Rain” tumingin sa mata ko `yung babae at hinalikan ako sa labi.

“ayaw mo ba sa akin?” sabi niya na parang nang aakit. Mukha naman siyang maganda, sexy. Pero bakit ba ako nagkakaganito.

Hinahalikan lang niya ako pero hindi ako nagrerespond. Napatingin ako kay D. natulak ko `yung babae kaya napaupo siya sa sahig.

“aray! what’s your problem!?” napatigil lahat sila Lee sa mga ginagawa nila at napatingin sa akin.

“ta3na ka D. kababae mong tao maghuhubad ka!!?” hinatak ko siya sa mga nakapalibot na babae sa kanya. Lasing na siya, obviously.

“babae `yung kahalikan mo!” kinaladkad ko siya palabas ng bahay ko. hayaan ko munang makipaglaro `yung mga barkada ko dun pero hindi ko hahayaang si D makipaglaro sa mga babae.

“problema mo!?”

“tumino ka naman oh!” please D. nasasaktan na ako. maging babae ka naman na…

`37

Nagrent muna ako ng kwarto sa isang motel. Pero wag nga kayong madumi ang isip. Matutulog lang naman kami dito. Maiwas lang siya dun sa mga babaeng `yun. ok na ako.

Pag gising ko, tulog pa din si D. magkatabi kaming natulog pero malaki naman `yun kama kaya hindi kami magkadikit.

Umupo ako at medyo sumasakit pa `yung ulo ko. si D knock out pa din dun. Grabe `to. Inom ng inom pero ang hina naman, lasing kaagad. Kukunin ko sana `yung tsinelas niya para itabi pero—wala pala siyang tsinelas na suot kagabi!?

Naghilamos na muna ako at nagmumog. Bumili ng pagkain sa labas para sa agahan naming dalawa. Pagbalik ko.

“D?!” nawawala na siya e. narinig kong nagsara `yung gripo sa banyo, nagbanyo lang pala siya.

“bakit ba tayo nandito?” tanong niya at umupo sa kama.

“agahan oh, binili ko. kain na tayo” hindi niya ako kinibo.

“may problema ba?”

tinignan niya ako ng masama. “OO”

“ano?”

”ikaw. Bakit ba masyado kang pakielamero!?” tumayo siya at lumapit sa akin.

“para naman tumino ka!”

“eh matino naman ako ah!”

“sa tingin mo ba matino ka sa lagay na `yan, HA?!” tinignan niya ako ng masama.

“bakit!? Wala naman akong ginagawa ah!?” hinakawan niya t-shirt ko.

“nagnanakaw ba ako!? nanghoholdap ba ako!? anong hindi matino sa akin!?”

“`yang pagkatao mo!” binitawan niya `yung pagkakahawak niya sa t-shirt ko.

“e gag0 ka pala e!” bigla niya akong sinuntok sa mukha.

“wala kang pakielam kung bakit ako ganito!” napahawak ako sa pisngi ko. pinaka masakit na suntok niya ata `to.

”Wala kang pakielam kasi wala ka namang alam! Kaya `wag kang magsalita na akala mo mali lahat ng ginagawa ko. feeling mo ba tama `yang mga ginagawa niyong mga lalake kayo!? Lahat kayo pareparehas, lahat kayo manloloko. Lahat kayo naninira ng babae. lahat kayo iisa lang hangarin! Kaya `wag mo akong sabihan ng hindi matino kasi mas hindi matitino mga lalake!” napaupo siya sa sahig at umiiyak.

“then why did you choose of becoming a lesbian if you hate guys?” when I speak in english, I’m already serious.

“kasi mga babae lang ang nakakaintindi sa akin. kasi gusto kong sabihin sa lahat nang lalaki. Na ako, Si Dianne Garcia, babaeng hindi maloloko nang mga lalaki, kahit kelan!”

“please, stop that nonsense, not all guys are the same” I sat in front of D which is crying.

“anong stop?!”

“be a girl, a normal girl”

“oh c’mon! para mapagtripan mo ulit ako!? ul0l!” napatigil ako sa sinabi niya. mapagtripan. Oo nga naman. Pinagtripan ko na nga pala siya. Pero sabi ko nga—

dati `yun. hindi ngayon.

`38

Niyakap ko siya. “I’m sorry” iyak lang siya ng iyak.

“alam ko, mali `yun. pero natuto na ko. D, please. Nahihirapan na ako” tinulak niya ako ng mahina at tumingin sa akin.

Nakita ko `yung mga mata niyang magaganda na umiiyak na naman. Pero hindi na `to dahil sa ex niya. dahil na `to sa mga lalake.

“ano bang alam mo ha?!” tumayo siya pero tumayo din ako kaagad.

“wala! Kaya sabihin mo sa akin para malaman ko!”

Huminga ng malalim si D. “sorry, I don’t wanna forc-”

“ang tatay at nanay ko” tinignan ko siya na parang humihinahon na. umupo siya sa kama. “naghiwalay sila because of dad”

“bakit?”

“kasi may iba siyang babae. hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi lima! At take note, sa limang `yun. wala pa mama ko. hindi kami ang pinaka legal na pamilya ng tatay ko pero kay mama siya sumama. I have many step brothers. Sa lahat ng anak ng tatay ko sa mga babae niya, ako lang ang babae. may mga kuya ako at may mga maliliit akong kapatid na lalake.” watta ama.

“ikaw lang babae?”

”oo. At malas daw ako sabi ng tatay ko. may malaki kasi siyang negosyo. Lalake lang ang pwedeng mamahala dun at hindi pwede ang babae. kaya naman ayaw ako ng tatay ko” tumingin siya sa bintana.

“nakakatawa nga e” tumawa siya, pero sarcastic na tawa.

“akalain mong muntikan na akong magalaw” nanlaki mata ko.

“ha? Magalaw?”

“oo, as in rape-in. at ang the best part pa ay `yung mga cast—lahat ng kuya ko”

“gang rape?” tumawa na naman siya.

“medyo”

“ilan ba kuya mo?”

“mga sampu, tapos limang batang kapatid” put*ng in*ng `yan!

“kelan `yan!?”

“matagal na. sobrang tagal na”

21 | TRiP

Page 22: 58351074-Trip

“p-paano—”

“dumating kaagad `yung mama ko. sira na damit ko pagdating ni mama” tumawa siya.

“tapos, nagbanta si mama sa tatay ko na kapag naulit `yun. papatayin ng mama ko lahat ng kuya ko”

“palaban na ina”

“umalis si mama at pumuntang japan. Pero simula nun natakot na mga kuya ko. hindi nga nila ako ginagalaw. Binubugbog naman”

“bakit ka pa tumitira dun?”

“wala akong pupuntahan na ibang lugar. Forbidden pag iibigan ng mama at tatay ko kaya galit lahat ng kamag anak ko sa mother side sa amin. Sa father side naman, wala akong kaalam-alam at kapag dun, makikita din ako ng tatay ko”

Lumapit ako sa kanya at niyakap ulit siya. “sa akin ka na lang tumira, aalagaan kita”

`39

Bumalik kami ng bahay ko nang nakatapak ako. si D na pinagamit ko ng tsinelas ko, sayang naman `yung maganda niyang paa baka magasgas.

“HOI MGA BUGNUTIN! MAGSIBANGON NA KAYO!!” mga tamad na `to. Hapon na oh! 3 o’clock na nang hapon!

Ang kalat kalat ng bahay ko! shet. Tapos kung saan saan sila natulog, para silang mga pulubi!

“grabe `tong mga `to matulog. Hindi na makarinig!” tumingin sa akin si D.

“ako bahala” nagtaka lang ako. paano kaya niya magigising `tong mga `to.

Lumapit siya kay Lee. “HOI!” sinipa sipa niya silang anim. “mga ungas!!!!!” sinipa sipa niya ulit. “mag sigising na nga kayo!”

“p0ta”

“rain, ano `yan?”

“bagong alarm clock?”

“mga ungas! Gising na!!!”

“aray ko naman! Tama na pagsipa!”

“ang sakit ng katawan ko”

“ano ba!”

Ayos, nagsalita na sila. “ang galing mo naman”

“syempre, alarm clock ako ng mga kuya ko e” ngumiti siya. Hay nako. Buti naman at ngumit na din siya sa wakas. Kanina iyak siya ng iyak, buti na lang masaya siya.

“anong oras na ba?” hawak ni Ash `yung ulo niya.

“hapon na! at ikaw naman Tristan! Ibalik mo `yung panty dun sa babaeng ginalaw mo! Sa kanya `yan!” pamatay e. nasa mukha pa niya `yung panty.

Si sandy naman, gumagapang papunta ng kama ko. “pahiga muna” at humiga siya sa kama ko.

“ano ba naman `tong mga barkada mo oh, ang kukupad! HOI GISING!”

“AH!!” sinigawan ni D si sandy sa tenga! “ang tenga ko!” natatawa ako. parang nasa batas militar eh.

“bakit ba `yan nandito?”

“pahamak na `yan”

“tulog muna”

Unang tumayo si Ash. “grabe. Kakahilo”

“ok na ba kayo? Anong oras kayo natapos?”

“`di ko alam e. basta alam ko sumikat na `yung araw” hawak pa din niya `yung ulo niya. “teka, pashower ah” tumango lang ako. sumunod na tumayo si Lee.

“oh, ok ka lang?” tumango lang siya.

“saan kayo nagpunta kagabi?” tinaasan niya ako ng kilay.

“uh—sa—”

“ZOMFHG! Is this a house!?” napadilat sila Jin, Chris, Tristan at Sandy, sabay sabay kaming napatingin kay—

“ate!?”

`4o

“what’s this mess?!” tinignan niya `yung buong bahay ko.

“a-a” I’m in big trouble.

“and that girl! Siya `yung sa multiply `di ba!? I mean, is she a girl?!” tinura niya si D, kumunot naman `yung noo ni D.

“And Lee, mukha kang bangag! Si Tristan, ASAN NA ANG MGA DAMIT MO!? why is sandy in your bed!? Bakit nakatihaya si Chris sa sofa!? Si Jin, bakit nakaunder wear na lang siya! And— where—”

“Oh, ate Rhianne” napatingin kaming lahat kay Ash. Kakatapos lang niya magshower.

“as usual, ikaw lang ang pinaka matino sa lahat” si Ash lang talaga ang nagpapawala ng init ng ulo ni ate.

“Tristan, magbihis ka na nga dun!” kinuha niya `yung mga damit niya at tumakbo papuntang cr.

“a-ate, bakit ka nandito?” inexamine ni ate `yung lapag, nanlaki mata niya sa nakita niya. OH SHET!

“BAKIT MAY PANTY NG BABAE DITO!?” Tristan talaga!!!! “kanino `yan!? Sa`yo ba!?” tinuro niya si D.

Nagulat naman si D. “a-ano?! Sa akin?! Hin—”

“OPO ATE! Sa kanya `yan!”

“a-ano!?”

Sumama `yung tingin ni ate sa akin. “WHAT HAPPEN RAIN!? TELL ME!! RIGHT NOW!” lumapit siya sa akin! Wah! Natatakot na ako!

“a-ate. Don’t be so hysterical” nakakatakot! Mas malala pa siya sa nanay e!

“HOI KAYO! Linisin niyo nga `yung mga kalat niyo!” nagkanya kanya sila sa pagpulot ng kalat.

“ate, upo ka” pinaupo ko siya sa nilinis kong sofa. Andun lang siya katabi si D. ano ba naman `yan oh.

Matapos ang ilang minuto, natapos din sila at nawala na lahat ng kalat sa bahay ko. umalis na muna `yung barkada ko at tinignan lang ako ni ate.

“omg. Nangangayayat ka! Look at you`re house. Look at yourself! Mukha ka nang tambay sa labas!” tinignan naman niya si D. “and you, bakit mo suot suot `yung t-shirt ni Rain!? Wala ka bang damit!? Omg rain. 1 year lang kitang hindi nakita and you became like this!?”

Tinignan ko si D na parang naasar na.

“ate naman. Malaki na ako”

“but you`re not responsible enough!”

“bakit ka nandito?” tanong ko.

“wala. Masama bang bisitahin ko younger brother ko!?” tinignan na naman niya si D.

22 | TRiP

Page 23: 58351074-Trip

“at ikaw, wala ka bang balak umuwi!?”

Nakita kong nagdikit na `yung dalawang kilay ni D. “WALA E, BAKIT BA?!” nanlaki mata ko.

“ano!?”

Nag‘D’ ako nang mahina lang. sana naman maintindihan niya na `wag mainitin ang ulo ngayon.

“joke!” patawa si D e. parang bata, nagjoke pa tapos peace sign. haha

`41Binigyan ko ng 7 thousand si D para makabili ng mga kailangan niya. hindi ko na siya sinamahan kasi kahit na linalaki siya, babae pa din siya. Ayun, kaya andito ako sa bahay mag isa.

Nakakatamad man at nakakaboring, ok lang kasi may buong araw ako para magpahinga. Grabe nangyari kahapon, parang ewan lang.

May kumatok sa pintuan ko. katok ng katok, tae. Mapilit naman `yan oh. hapon pa lang kaya impusibleng si D `yun! baka gabi na makauwi `yung D na `yun e. katok pa din ng katok.

“PESTE! Teka lang!” katok pa din ng katok. Ang kulit naman! Binuksan ko `yung pintuan.

“tae ka Lee, problema?”

“ako ba kumatok?”

”eh sino?” tinuro niya `yung nasa may gilid. Andito na naman sila.

“musta na!?”

“si D?”

“wow, linis ah”

“buti wala na ate mo” tumawa sila.

“mabait naman si ate rhianne ah?” tinignan naming lahat ng masama si Ash. “ano!?”

“paano sa`yo lang mabait” sinarado ko `yung pintuan.

“andito na naman kayo”

“paano kasi `tong si sandy”

“baket?”

“miss you rain!”

“tae, nababakla na sa`yo si sandy” tumawa kami. mga sira ulo talaga.

“where’s D?”

“binigyan ko ng pera para bilhin lahat ng kailangan niya”

“wow, sugar daddy”

“enge pera!”

“oo nga naman!”

“ul0l” tumawa kaming lahat. Buong araw kasama ko sila. Buong araw masaya kaya lang mga bandang 5, parang feeling ko magkakasakit ako kaya hindi na sila nagpumilit at umalis na sila.

May kumatok na naman. Tae talaga. Katok ng katok, ang kulit kulit! Binuksan ko `yung pintuan.

“ano na naman ba Sandy!?” nanlaki mata ko. hindi pala si sandy `yun kundi—si AYX!?

`42

Parang biglang nanghina katawan ko nang Makita ko ulit si ayx. Si ayx. Si ayx na minahal ko. unang babae na minahal. Paksyet.

“musta?” ngumiti siya. `yung ngiting `yan. `yan ang dahilan kung bakit ko siya minahal lalo, dahil sa ngiting `yan.

“rain?” tinignan ko lang siya na nakangiti sa akin. “Ayx `to, remember?”

“ah yes, pasok ka” pumasok siya ng bahay ko. sinara ko `yung pintuan.

“drinks?”

“sure, thanks” ngumiti na naman siya. Pumunta ako ng kusina at nagtimpla ng dalawang juice. Nanghihina pa din ako, parang nawawalan ako ng control sa katawan ko.

Nanginginig kong kinuha `yung tray. Nilagay ko `yung isang baso sa tray. Hinawakan ko `yung isang baso at uminom. Napatingin ako kay Ayx, naalala ko `yung nangyari dati at nabitawan ko `yung baso.

Napatayo si Ayx at lumapit sa akin. “are you ok?” napatingin ako sa mata niya. `yung maaamo niyang mata.

Bakit ba ganun? bumalik lang siya, nagkakaganito na naman ako. para na naman akong nahihigh. Para na namang bumabalik `yung kaadikan ko kay Ayx. I’m already moving on, but why is she here in front of me? Again.

Pinulot ko isa isa `yung mga basag na piraso nang baso. “`wag ka dito, baka masaktan ka lang”

Ngumiti na naman siya sa akin. “hindi ka pa din nagbabago Rain” tumayo siya at umupo ulit sa sofa.

Matapos kong linisin `yung nabasag na baso, naghugas ako ng kamay at binigay `yung isang baso na may juice kay Ayx. “thanks”

Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan siya. Hindi pa din siya nagbabago. Maganda pa din siya. Mukha pa din siyang anghel. Siya pa din `yung taong minahal ko dati.

“ilang months na tayong `di nagkikita” tumingin siya sa mata ko. “I missed you” biglang bumilis tibok ng puso ko. “a lot” ibinaba niya `yung baso sa lamesa malapit sa sofa.

Hinawakan niya `yung kamay ko, `yung palad niya. mainit pa din tulad ng dati, tulad nung time na nakipagbreak siya sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Did you missed me, Rain?” hinawakan niya `yung mukha ko at lalong lumapit sa akin hanggang sa. . .hinalikan niya ako.

tinulak ko siya ng kaunti. “Ayx, please stop”

“bakit?”

“I’m in the middle of moving on and loving another girl”

“oh please, Rain” tinignan ko siya ng masama.

“my unrequited love for you before already ended”

“but…” hinalikan niya ulit ako. “can we start again babe?”

`43

Can we start again. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. can we start again? Kaya ba namin? Kaya ko ba? matapos akong masaktan ng sobra? Kaya ko pa rin bang tanggapin si Ayx?

“Rain?”

Lumayo ako sa kanya at umupo sa may higaan ko. “I don`t…know”

“bakit?”

Tinignan ko siya ng masama. “tinatanong mo kung bakit!?” huminga ako ng malalim para hindi ko masyadong mataasan ng boses si Ayx.

“pinagpalit mo na ako. you chose Yuan over me before” mahinahon kong sabi. Tinignan lang niya ako sa mata. Parang mata ng isang maamong babae, parang `yung mata niya dati. `yung mata ng babaeng minahal ko dati.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya masyadong tinititigan.

23 | TRiP

Page 24: 58351074-Trip

“i`m sorry” yumuko siya,

“ok lang `yun” pero sa totoo lang. hindi talaga ok `yun. “matagal na `yun” tapos na `yun. ilang months na nakakaraan.

“can you please” tumingin siya sa mata ko. “give our relationship another chance” nagulat ako sa sinabi niya. pero hindi ko pinapahalatang nagulat nga ako.

“hindi ko alam Ayx”

“Rain, sorry” hinawakan niya `yung kamay ko. “narealize kong mahal talaga kita”

“i`m on the state of moving on Ayx. Ang hirap. Ang hirap ng lahat. Mahirap din tanggapin na naghiwalay tayo dahil sa nagmahal ka ng ibang lalake. Tapos ngayon, andito ka sa tabi ko para sabihin na mahal mo pa din ako? asan ba `yang Yuan na `yan!?” nagagalit ako. nalulungkot ako. natutuwa ako. mixed emotions. Ano ba dapat kong maramdaman ngayon?

“i`m so sorry. I`m really sorry” bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo.

Naisip ko `yung sinabi sa akin ni D. hindi lahat nagagawa sa sorry. Hindi na mababalik `yun. tapos na `yun.

“Sana malaman mo Ayx, hindi lahat ng bagay nagagawa sa sorry”

“mahal kita Rain” tumayo siya at niyakap ako. “mahal na mahal” hindi ko siya niyakap pabalik pero hinayaan ko lang siya na yakapin ako.

“pero kung mahal mo ako, bakit mo ako sinaktan? Nang sobra?”

Nararamdaman kong umiiyak na si Ayx. `yan. `yan ang kahinaan ko. ang pag iyak ng mga babae. lalo na ang pag iyak ng babaeng minahal ko. lalo na ang pag iyak ni Ayx.

“patawarin mo ako Rain” nanghihina na `yung tuhod ko. litong lito na ako. gulong gulo na ako. ano na ba gagawin ko.

Bumitaw si Ayx sa akin. Tumingin siya sa mga mata. `yung mga mata niya, kumikintab nang dahil sa mga luha niya.

“alam ko masakit ang ginawa ko sa`yo dati. Pero—kasi—Rain, I love you. But if you don’t want me anymore, maybe it’s time for me to let you go” naglakad siya papuntang pintuan. Tinignan ko lang siya buksan ang pintuan.

“wait” tumingin siya sa akin at lumapit ako sa kanya.

May parang hindi ko alam na tumulak na pwersa sa akin at hindi ko namalayan—hinalikan ko na si Ayx.

“ang gandang scenery naman nito” D?!

`44

Napatigil kami ni Ayx at napatingin kay D na ang daming dala na plastic bag.

“oh? bakit kayo huminto? Sige lang, have fun. Kunwari wala ako dito, sige. Pasok muna ako” pumasok sa loob si D at nag ayos ng gamit. Nakatingin lang kaming dalawa ni Ayx kay D.

“ano ba? tuloy niyo na `yan”

“pardon me, pero sino ka?” napatingin ako kay Ayx tapos kay D tapos kay Ayx.

Lumapit sa amin si D. “i`m D” ngumiti siya at iniabot `yung kamay niya habang si Ayx naman, tinignan lang `yung kamay niya.

“Rain, I have to go na. bye” inismack niya ako sa lips bago siya tuluyang umalis. Ako? speechless pa din hanggang sa sandaling ito. Nakatingin lang ako sa kamay ni D na parang nag aabang ng kamay na ishashake hands.

“Hi D, nice meeting you” ako na lang nakipag shake hands sa kanya. Para naman hindi siya mapahiya di ba?

“wow naman, ang bait niya” sarcastic niyang sabi. Bumalik na siya sa pagliligpit ng mga gamit niya.

“sorry ah, medyo suplada lang kasi talaga `yun”

“ok lang, I know girls” patuloy lang siya sa pag aayos.

“Si Ayx nga pala `yun” tumango lang siya.

“maganda siya ah” sinabi niya pero hindi pa din siya tumitingin sa akin. “suplada nga lang”

“pero mabait `yun. lalo na pag nakilala mo”

“oh? nice” parang wala lang `yung sinasabi ko sa kanya. Hindi ba siya nagseselos? Kahit kaunting selos lang? kahit konting konting selos lang? wala ba talaga.

“siguro dapat magbonding kayo kahit minsan”

“no thanks. Busy ako”

Parang nafifeel ko na nagseselos na siya? Don`t you think? Ayos!

“mahal ko `yun” ngumiti lang siya sa akin.

“girlfriend ko `yun” napatigil siya sa pagliligpit ng gamit niya sabay tingin sa akin. Nagselos na kaya siya? Naging seryoso `yung mukha niya tapos lumapit sa akin. Hinawakan niya `yung balikat ko.

“nagkagirlfriend ka pala?” parang nagulat `yung expression ng mukha niya. pati na din ako, nagulat.

“ASTIG!” nang aasar ba siya o ano? Kala ko pa naman nagseselos na siya. Hindi pa pala. Maasar nga.

“oo, nagkagirlfriend na ako. kilala mo kung sino?” tinignan lang niya ako ng nagtataka.

“si Ayx?”

“ENGK!” ngumiti ako ng nang aasar.

“ikaw kaya”

“l0l” sinuntok na naman niya ako sa mukha! Pamatay na `yan.

`45

May competition na naman silang anim sa palakihan ng mata.

“weh?”

“hindi nga?”

“really?”

“bumalik siya?”

“bakit?”

“matapos ka niyang saktan?”

“mahal daw niya ako e”

“naniwala ka naman?”

“niloko ka na nga niya”

“may D ka naman na ah?”

“tange. Tibo naman si D, atleast si Ayx babae”

“kahit na, si Ayx naman niloko si Rain. Mas malala pagiging manloloko kesa sa pagiging tibo nu. atleast ang tibo nagmamahal ng totoo, e `yung totoong babae, `yun naman nanloloko”

Napatingin kaming lahat kay Sandy.

“Sandy? Ikaw ba `yan?”

“kelan ka pa natuto niyan?”

“ano nakain mo?”

24 | TRiP

Page 25: 58351074-Trip

“ano nainom mo?”

“ano nangyayari sa`yo!?” inalog alog pa niya si Sandy na parang nasisiraan na.

Ngumiti lang si Sandy sabay sabi… “school to back na ako ngayon!”

“WEH?!”

“joke. Nabasa ko lang `yun sa cosmopolitan”

“`di ba ang cosmopolitan, English?”

“marunong naman ako mag English ah”

“WEH!?”

“joke, tagalog version na cosmo binasa ko”

“may tagalog version ba `yun?”

“oo naman”

“WEH!?”

“joke! Pinatagalog ka kay Lee! Happiness!?”

“coke everyday?” tumawa kami ng tumawa. Imbes na happy lang happiness pa sinabi ni Sandy. Patawa e.

“hard to say this pero, tama nga si Sandy” parang umakto pa siyang hindi talaga siya makapaniwalang tama nga si sandy. haha

“tama?”

“niloko ka na ni Ayx, posibleng pwede ka pa niyang lokohin ulit. Pero si D, totoo siya magmahal”

“pero tibo si D. totoo nga siya magmahal pero sa tingin mo magmamahal siya ng lalake?”

“`tol, bakit kasi hindi mo subukan”

“ayoko sumubok na alam ko namang walang mangyayari”

“sinubukan mo `yung trip naten kaya mo nagustuhan si D. titigil ka na lang ba `dun?”

“mahirap nga kasi”

“ano ba `yung mahirap?”

“lahat”

“sabihin mo nga `tol, mahal mo pa ba si Ayx?” napatigil ako sa tanong na `yan. Ano nga ba nararamdaman ko para kay Ayx. Ngayong bumalik na siya ulit at handang makipagbalikan sa akin.

“oo. Medyo. Ata. Siguro. Ewan. Hindi. Hindi ko alam. Naguguluhan ako!” nananakit na `yung ulo ko kakaisip. Brain bleed!

“bakit ka naguguluhan?”

“kasi—kasi—”

“dumating si D?” tumango ako. oo, mahal ko si Ayx but as I said. I`m moving on and loving another girl—err person. Hindi ko alam. Gulong gulo na ako. gulong gulo na.

`46

“I really had fun this night babe” kiniss ako ni Ayx sa lips.

“me too” sabi ko habang hinihintay pa namin si ate Yna para buksan `yung gate nilang punong puno ng kandado.

“sana maulit ulit `tong gabi na `to” niyakap niya braso ko.

“Rain, you`re back” nginitian ko si ate Yna, kilala na kasi ako sa pamilya nila at dahil sa matagal nang katulong si ate Yna kanila Ayx, nakilala ko din siya.

“lalo kang gumwapo ah” nahiya naman ako dun. “i`ll call you later” nag wink siya. Bago pa man siya makapasok sa bahay nila Ayx. “nga pala, bolera ako!”

”Ate Yna!”

“joke lang na bolera ako, pero seryoso, i`ll call you later pag wala na si Ayx” pumasok na siya sa loob ng bahay. “JOKE!” sigaw niya pero nasa loob na siya ng bahay ah.

Tumawa ako. laugh trip talaga si ate Yna e. 2o years old lang pala siya kaya meyo isip bata pa. haha. “`di pa din nagbabago si ate Yna e nu”

Tumawa si Ayx. “oo nga e”

“may pagnanasa pa din sa akin” pinalo naman ako ni Ayx sa braso.

“kapal nito, feeling”

“bakit? Totoo naman ah?” ngumiti ako. namiss ko `tong lambingan namin.

“kayo na ni Ate Yna” bumitaw siya sa pagkakayakap sa braso ko tapos tumalikod sa akin.

“Ayiee, selos si Ayx” tumawa ako kasi nung paglingon niya sa akin namula `yung mukha niya.

“ako? selos?” tinaasan niya ako ng kilay. “oo nga” napangiti ako sa sinabi niya. lumapit ako sa kanya tapos niyakap siya.

“o bakit?”

“I missed this”

“me too”

“me three”

“weh?”

“pero I really missed this. I missed us” napangiti ako sa mga sinasabi ko.

“I missed you Aya” once I called a person`s name by their real name, it means I really meant it at i`m serious.

“I missed you too Andrei Jan, so much” humigpit yakap niya sa akin. “sana `di na `to matapos. I`m really happy we`re back together”

“ako din”

“I love you”

“I love you too”

“ingat ka pauwi ah?” kiniss niya ako sa lips bago pumasok ng pintuan. “bye” pumasok siya sa loob at ako naman naglalakad na papuntang sakayan.

Pagsakay ko ng jeep, naisip ko. ang saya ko naman. Nakakatuwa, parang ok na nangyayari sa buhay ko.

Naglalakad na ako papuntang bahay ko nang I heard the rawr of the thunder. Wala lang, nag English lang. binilisan ko paglalakad ko para before umulan e nasa bahay na ako pero hindi ko inaasan na bigla na lang bumuhos `yung napaka lamig na mga patak ng ulan.

Basa kaagad ako kaya `di na ako nagmadaling tumakbo, pauwi naman na ako kaya ok na din `to. Kahit na malungkot ang panahon ngayon, masaya naman ako.

Nawala lang `yung saya ko nang nalaman ko ang dahilan kung bakit malungkot ang panahon. Bakit? Kasi nakisabay pala `yung panahon sa lungkot ni D, na basang basa na.

`47

Lumapit ako sa nakita kong lalake—este babaeng naka cap, nakamalaking t-shirt, nakacargo shorts at naka tsinelas na nagmumukmok sa isang tabi at inuulanan na.

25 | TRiP

Page 26: 58351074-Trip

“kamusta naman `yun, kaya pala umulan paano may nag eemo dito” tumawa ako.

Tumingin siya sa akin. Para siyang batang nawawala e. ang cute cute! “hindi ako nag eemo”

“bakit andyan ka? Nagmumukmok lang?”

“wala. I just love the rain” napangiti ako sa sinabi niya.

“oh? so you love me?”

“ul0l. asa ka pa. `yung ulan hindi ikaw”

“ang sakit naman nun” tumayo siya na basang basa siya. “ano ba `yan! Basang basa ka ah!”

“aba. Nagsalita ang tuyong tuyo” inirapan na naman niya ako. one of a kind talaga, maarte na tibo.

“uwi na tayo, magkasakit pa ako sa`yo” hinawakan ko `yung braso niya.

“eh `di umuwi ka. Wala akong pakielam”

“weh? nag aalala na nga ako sa health ko e. tara na” at kinaladkad ko na siya papuntang bahay ko—este namin ni D.

Pagkauwi namin, nagpalit kami ng damit at natulog na. kinabukasan, may pasok na naman kami.

1 month na ata `yung nakakaraan. walang nakakaalam sa mga kaklase or ka schoolmate ko na magkasama kami ni D sa iisang bahay.

Pag gising ko, tulog pa din si D. ginising ko na siya kasi may pasok pa kami. “oi D, papasok pa tayo”

Minulat niya mata niya tapos tinignan niya ako. “do I know you?”

“weh”

“hindi ako papasok. Ikaw na lang pumasok, BYE!” at tinulak pa niya ako paalis.

Lagi na lang kami hindi magkasama or magkasabay papasok, gusto ko naman siya makasabay kahit minsan nu. pero, hai nako.

Nag ayos na ako at pumasok sa school. Pumunta muna ako ng clinic, namiss ko din si Elle nu. ilang weeks ko na din siyang hindi nakikita at nakakausap.

Pagpasok ko sa clinic, wala akong nakita. “ELLE!!!!” sumigaw ako ng malakas, para naman marinig niya ako `di ba.

“ano ka ba naman Rain, ang aga aga nambubulabog ka. Bakit ba energetic ka d`yan?” ngumiti ako tapos lumapit ako sa kanya.

“ui baket?” nakangiti lang ako. “kelangan ko bang hulaan?” tumango ako.

“uh.. ano. Uhmm… UI NICE! Nawawala na `yung pasa mo sa face!” ai oo nga nu. nawawala na! yehey! “hindi `yun”

“ano. Uhm…” parang nag isip siya tapos tinignan niya ako. “aha! Bumango ka!”

“ha!? Baket mabaho ba ako?!” ngumti siya sa akin.

“oo, JOKE! Ano ba kasi `yun?” hinawakan ko kamay niya sabay smile.

“bati na kami ni D!!” nakangiti kong sabi.

“eh di masaya!” ngumiti siya.

“tska meron pa” tumaas `yung kanang kilay niya.

“ano?”

“namiss kita!”

“ai? Ganun?” tama ba nakita ko? parang namula ata pisngi niya? tama ba? o nag iilusyon lang ako?

`48

Hinintay kong pumasok si D buong araw pero mukhang hindi nga talaga siya papasok. Ang bait talaga nung tibong `yun. napaka sipag!

Pag uwi ko, nakita ko lang siyang nakahiga sa sofa habang nanonood ng tv.

“ang sipag mo talaga”

“bakit?” nakatutok pa din siya sa tv.

“hindi ka pumasok para lang manood niyan?”

“oo naman! Sinusubaybayan ko `to e”

Tinignan ko `yung tv screen. “ano ba `yan?”

“boys over flowers” `di ba koreanovela `yun?

“nanonood ka niyan?”

“oo, baket?”

“ikaw ba `yan?”

“ano ka ba. may crush kasi ako dito”

“sino?”

“secret”

“`yung jun pyo?”

“yuck!”

“ji hoo?”

“laki laki mata e. mukhang bakla!”

“si kim bum ba `yun?”

“ha? Sino `yun?” malay ko. naririnig ko lang `yun sa mga kaklase ko e. haha

“si woo bin?”

“retokado `yun”

“eh sino?” nag isip ako. ano nga ba pangalan nung babaeng bida? Gan da? Jan da? Han da? Ah! “si Jan di?”

“yuck. Pacute kaya `yun”

“e sino?”

“`yung nanay ni Jan Di”

“Hindi nga?!” tumawa siya.

“joke lang”

“gag0 ka e nu”

“si Gail `yung crush ko”

“sino `yun?” wala akong ideya e. sorry naman.

“ayan ayan! Tingin sa screen!” napatingin naman ako sa tv. “`yan si Gail!” ow, cute naman siya. “ganda no?”

“sige na, hayaan na kitang mag ilusyon. Kumain ka na ba?” pumunta ako sa kusina at naghugas ng kamay.

“D!” napatingin ako sa kanya. Walangya! Ano ginagawa nito!?

“HOI! `wag mo ngang halikan `yung tv ko! nadudumihan!” nilayo ko siya sa tv. Walangya. Hinahalikan `yung tv.

“masama ba!?”

“oo! Ako na lang halikan mo nang matuwa pa ako sa`yo”

“sapak?”

26 | TRiP

Page 27: 58351074-Trip

”kiss!” tumawa lang ako at nagsimula na magluto para sa hapunan namin. Masaya naman, sana wala nang problemang mangyari sa pagiging close namin ni D.

`49

“hindi ako papasok, sakit ng puson ko e” hindi na naman siya papasok. Ang sipag sipag na talaga niya. minsan pag may rewarding siya ang rerewardan ko ng pinaka masipag na taong nakilala ko.

“bakit? Buntis ka ba!?”

“gag0”

“eh bakit masakit puson mo?”

“kaya ayokong maging babae e, unfair” pinagsasabi nitong babaeng `to?

Pumasok ako sa school ng mag isa na naman. As usual, ganun pa din ang ginagawa. December na at malapit na mag Christmas at mag new year, excited na ako mag Christmas! Bakit? Kasi bibigyan ako ng pera ng tatay ko. haha.

Bago ako umuwi, bumisita ako kay Elle na sumasakit din ang puson.

“bakit ba sumasakit puson niyo? Pati si D sumasakit puson”

“paano mo nalaman na sumasakit puson ni D?”

“ah e…” sasabihin ko ba sa kanya na nakatira sa apartment? Pwede na, magkaibigan naman kami e.

“nakatira na siya ngayon sa apartment ko” nanlaki mata niya.

“really?”

“yes po!” parang tuwang tuwa naman ako na parang ewan. “o bakit nga ba sumasakit puson niyo?”

“wala ka ba talagang alam sa mga babae?”

“buntis kayo? Bakit sabay pa?”

“sira! Meron kasi ako ngayon”

“meron ng?”

“slow mo. Menstruation. Alam mo ba `yun?”

“ah! menstruation…” nakatingin lang ako sa kanya.

“hindi mo alam?” tumawa siya. “basta, `yun na `yun. maselang bagay `yun. ayokong magsalita”

Umuwi ako na may wonder pa din sa nangyayari. Ang gulo talaga ng mga babae! grabe! Naabutan ko si D na tulog at hawak ang remote at nakabukas ang tv. Sinasayang talaga niya kuryente e nu? paano kasi libre lahat ng bagay sa kanya e.

Nag cr muna ako kasi kanina pa akong ihing ihi. Parang may force na humatak sa akin para tignan `yung cr counter at nang Makita ko `yun—

“D!!!!!!!” agad kong hinatak patayo si D at pumunta ng cr.

“ano ba `yun?” nag unat unat pa siya habang sinasabi `yan.

“ANO `YAN!?” tinuro ko `yung bagay na—err.

“kaya ayoko maging babae e”

“ano `yun!?”

“kape”

“hindi nga!?

“dugo `yan”

“dugo!?” nanlaki mata ko.

“oo, sige `yan lang pala `yun” bumalik siya sa sofa.

“hoi ano gagawin dun!?”

“tapon mo”

“ANO!? Ako magtatapon!?!!” tumango lang siya at humiga ulit sa sofa.

Alam niyo, kahit na lalake ako. may karapatan pa din naman ako mandiri `di ba? tao pa din ako. kaya nandidiri ako dito!!

`5o

Tawa sila ng tawa nung kinwento ko `yung tungkol dun sa dugo.

“inusente ka ba talaga?”

“tanga?”

“o aanga anga” tawa sila ng tawa. Kainis ah.

“kainis naman kayo”

“based on my studies… menstruation and cycle of ovulation is the monthly process of ovulation and menstruation that occurs between puberty and menopause in women and female primates who are not pregnant” tinignan namin si Lee.

“wow. Based on your studies talaga `yan?”

“walangyaaa. Nose bloodening!!! Paki tagalog please!”

“Sandy, mens `yan. `yug dugo na lumalabas sa kanila, wala talaga kayong alam sa mga babae nu” tinignan lang namin si Tristan.

“alam mo ba lahat?”

“ako pa, madali lang alamin lahat ng mga babae” expert sa babae. sosyal.

“ah! `yan `yung dugo?”

“oo”

“YUUUUUUUUCCCCCCCCCCCCCCCCCK!!!” natawa kami kasi sobra kung maka-yuck si Sandy. Mas malala pa sa mga bakla.

“grabe ka naman makayuck”

“kadiri `yun e! `yung nanay ko naiwan `yung ano niya tapos nahawakan ko! kadiri!”

“`wag mo akong hahawakan kahit kelan”

“teka, may ganun si D?”

“oo”

“wow, babae pala talaga siya”

“kagulat ba?” tumawa lang kami. “ako nagulat”

“me too!”

“me fries!”

“me fries?”

“gugutom na ako e” natawa kami `dun. Pagkain ang inisip e nu.

“tara kain tayo!”

“libre ni Rain!”

“ha! Ako!?”

“yehey!”

“yehey!”

“yehey!!”

“yey!” pahamak na mga kaibigan `to oh. pero ang gulo talaga ng mga babae. hindi ko gets. Ang gulo ng mundo nila.

27 | TRiP

Page 28: 58351074-Trip

`51

Nagkabalikan nga talaga kami ni Ayx, masaya naman ako e. masayang masaya, kasi nafeel ko talaga na mahal niya ako, sobrang mahal.

Naligo kaagad ako pag gising ko. may Christmas shopping kasi kami ni Ayx mamaya. Bibilhan ko sila ng regalo. Sinong sila? Syempre, `yung mga kaibigan ko. sila Sandy, Jin, Lee, Chris, Tristan, Ash, Elle, D at syempre bibigyan ko din si Ayx.

“Rain! You`re back again! Did you miss me?” nginitian ko lang si ate Yna. Ganyan naman lagi `yan e.

“ui your smile ah. kinikilig si ako” kanina pa kasi niya tinatanggal `yung napaka daming kandado ng gate nila. pagkatapos ni ate Yna buksan.

“come, come in to my heart—este in their house pala” natawa naman ako dun. Pagpasok ko sa loob, may ibang changes lang ang nakita ko.

“sit in my lap Rain” umupo si ate Yna sa upuan tapos tinap `yung hita niya.

“ate Yna!” napatingin kaming dalawa ni ate Yna sa may hagdanan. Si Ayx pala `yun.

Aaminin ko, maganda pa din siya. Gusto ko `yung kasimplehan niya. kasi kahit na simple lang siya, sobrang ganda niya. pero parang may kakaiba sa itsura niya.

“may make up ka?” bumaba siya tapos kiniss niya ako sa lips.

“oo” ngumiti lang siya. Bakit siya nagmake up? Nagmukha siyang magtured.

“ang ikli naman ng skirt mo” tinignan ko `yung palda niya. parang mas maikli pa sa uniform ng mga babae sa school namin e.

“`yung bra mo, kita. Tapos bakit ka nakaspaghetti strap e sobrang lamig na?” tinignan lang niya ako habang sinasabi ko `yung mga `yan.

“ayaw mo ba?” paano kung sabihin kong AYAW KO!?

“ok lang” parang sumaya naman `yung facial expression niya. niyakap niya braso ko.

“ate Yna, alis muna kami ni Rain ah!”

“wait! Goodluck kiss kita~” tumakbo siya papunta sa akin tapos biglang tinulak ni Ayx `yung mukha ni ate Yna.

“Ayx naman, ang face ko!” tumawa ako.

“ok ka lang ate Yna?” nangiti naman siya.

“ayiee, kinikilig ako Rain. Nag aalala ka sa akin”

“ate Yna, child abuse ka kay Rain. Tigil na” hinila ako ni Ayx palabas ng bahay nila.

“BYE RAIN! Ayx, ingatan mo si Rain ko!”

“ate Yna talaga oh. ang kulet”

Naglakad kami at sumakay ng jeep. Papunta kami sa mga malls para bumili ng Christmas gifts. Actually, 1 week na lang bago mag Christmas.

Habang naglalakad, magkaholding hands kami ni Ayx. Tinitignan ko lang siya. She changed, a lot.

Nagmemake na siya ngayon. tapos `yung skirt niya sobrang ikli. Halos kita na kaluluwa niya sa damit niya ngayon. ang dami ngang nambabastos kay Ayx e. tae. Oo alam ko mahilig ako sa mga babaeng flirt, mga babaeng sexy pero ayokong magmahal ng ganung babae.

“bakit ba ganyan damit mo? Bakit ka nakamake up?” tinignan niya ako ng nakangiti.

“bakit? Ayaw mo?”

“hindi naman sa ganun, kaya lang kasi ang daming nambabastos sa`yo”

“pabayaan mo sila, inggit lang `yang mga `yan”

“kahit na”

“nagpapaganda lang naman ako para sa`yo ah?” medyo tumaas na boses niya.

“hindi mo naman kailangan magpaganda para sa akin e” mahinahon kong sabi.

“ayaw mo ba `yung efforts ko!?”

“gusto ko but not too much effort. Alam mo `yun? nagmumukha ka na kasing p0kp*k. I mean, look at yourself” tinignan niya sarili niya.

“what about it?” mataray niyang sagot.

“para kang nagtatrabaho sa mga bars”

“watta heck!?”

“namiss kita Ayx” nakataas lang `yung isang kilay niya.

“namiss kita. `yung dating simpleng ikaw”

`52

“nang dahil lang sa make up!?”

“`tol, may maikling palda pa”

“ah… nang dahil lang sa make up at maikling palda!?”

“teka, `yung kitang bra pa”

“ow… nang dahil lang sa make up, maikling palda at kitang bra!?”

“may isa pa! `yung spaghetti strap”

“err? NANG DAHIL LANG SA PESTENG MAKE UP, MAIKLING PALDA, KITANG BRA AT SPAGHETTI STRAP AT KUNG ANU-ANO PANG KALANDIAN NAG AWAY NA KAYO!?” nanlaki mata ni Chris sa kinuwento ko. ano magagawa ko? nakakaturn off kaya `yung ganun. lalo na kapag mahal mo.

“trip naman natin mga ganung babae ah”

“e kasi nga. iba si Ayx, iba siya manamit dati. Mas gusto ko `yung simpleng siya”

“buti nga nagpapaganda sa`yo e”

“kahit na! nababastos naman siya ng ibang lalake”

“and so?”

“bakit!? Sa tingin mo ba matutuwa ka kung `yung pinaka mamahal mong girlfriend e binabastos ng isang daang Tristan at jin? hindi ka ba maiinis!?” napatingin sa akin si Jin at Tristan.

“ano ba `yan!?”

“wala namang personalan `tol”

“halimbawa lang `yun”

“oo nga. halimbawa lang `yun” tumawa sila.

“bakit kasi”

“`yun lang e”

“hindi naman big deal”

“tama”

“pinapalaki mo lang `yung issue na hindi naman dapat maging issue”

“kung akin na lang si Ayx” tinitigan naming lahat si Tristan. “joke lang, peace tayo rain” ngumiti siya.

“pero hindi talaga `yun big deal”

“para sa inyo hindi, para sa akin oo”

28 | TRiP

Page 29: 58351074-Trip

“kahit na `tol”

“kahit na? anong kahit na!?”

“never the mind” napatingin kaming lahat kay Sandy.

“di ba dapat nevermind `yun?”

“paki mo!?” nanlaki mata ni Sandy.

“asus. pahiya ka lang e. bawi ka na lang bukas `tol” tumawa kami.

“`wag niyo nga problemahin si Sandy. Utak problema niyan e. si Rain tulungan natin” tinignan nila ako, na parang attentive students.

“I miss Ayx. The old Ayx. The simple Ayx”

“ANG DRAMA MO `TOL!” tumawa sila ng tumawa. Pero oo, namiss ko talaga `yung ayx. `yung dating simple na Ayx na minahal ko ng sobra. Bakit ba kasi kailangan magpaganda pa mga babae. `di naman na kailangan `yun. basta simple ka lang, ok na `yun!

`53

Wala na akong mapuntahan pang iba kung hindi ang babae kong kaibigan. Si D? hindi nu! sino pa ba? eh di si Elle. Siya lang naman siguro makakatulong sa akin e. di ba?

“oh? sarado clinic, bakit andito ka?” Christmas vacation kasi ng mga estudyante kaya sarado `yung clinic. Pero andito pa din siya kasi trabaho niya `to.

“kailangan ko ng kausap na matino e” umupo ako sa upuan na tapat ng nurse`s table na kinalalagyan ni Elle.

“so how can I help with your problem?” ngumiti siya. Teka—parang may napapansin ako sa kanya.

“may make up ka ba?” parang nagulat siya na hindi ko malaman.

“ako? m-m-ma-ake up?” tumango lang ako.

Tumayo ako tapos lumapit sa kanya. “o. r-rain. Ba-kit ka luma-ala-pit?”

“bakit ka nauutal?”

“w-wala”

Tinignan ko mukha niya. hindi siya makatingin sa akin. “bakit di ka tumingin sa akin?”

“may ginagawa ako oh” kinuha ko `yung mga papel na sinusulatan niya.

“oi a-ano ba rain. akin na `ya-n!” pilit niyang inaabot `yung mga papel kaya lang kasi mas matangkad ako sa kanya kaya hindi niya maabot.

“akin n-na `yan!” parang naout of balance siya pero nasalo ko naman, para tuloy nakayakap ako sa kanya.

“oh? ok ka lang?” bigla siyang lumayo sa akin.

“ok lang” tumingin siya sa akin. “akin na kasi. Ang dami ko pang gagawin e” binigay ko sa kanya `yung mga papel.

“tulungan na kita” ngumiti ako ng killer smile ko.

“b-bahala ka ng-a” bakit ba siya nauutal? Problema nitong babaeng `to?

Ilang oras din kami sa loob ng clinic. Hindi nga siya nagsasalita e. ano kaya problema nito? Hindi naman siya ganito dati? Ang weird niya ngayong araw ah.

“Elle?” tumingin siya sa akin kaya nagkatinginan kami sa mata.

“buti andito ka” biglang namula `yung mukha niya.

“may sakit ka ba? namumula ka oh”

“w-wala t-to nu! ano ba `y-yun? bakit ka andito?”

“may problema kasi ako” wala na akong mapagsabihan. Siya na lang ang pwedeng makatulong sa akin.

“a-ano?”

“it`s about Ayx. Nag iba na siya ngayon. parang—hindi na siya `yung simpleng Ayx na minahal ko dati”

“ow”

“tapos si D. parang iniiwasan niya ako. ano ba nangyayari Elle?”

“ewan”

“bakit ganun kayong mga babae?” tumingin ako sa kanya na nakatingin lang kung saan.

“Elle?”

“b-bakit?”

“bakit ganun?”

“ewan. Palibhasa ang dami mong babae sa buhay” tinignan ko lang siya na nag aayos ng gamit. “bakit kasi hindi mo bitawan na lang lahat. Masasaktan lang `yung mga tao sa paligid”

“masasaktan mga tao sa paligid?” tinignan ko siya na parang nagtataka. Ano konek nun?

“alis na ako. masama pakiramdam ko” umalis na siya ng clinic.

“ui tek-!” wala na. hindi ko na siya naabutan.

Anong problema nun? Sabe niya wala daw siyang sakit? HAI GRABE NAMAN OH! mga babae nga naman! Bakit ba hindi ko sila maintindihan!! Pamatay na `yan!

`54

“mga inutil!” napatingin kaming lahat ng masama kay Tristan na feeling perpekto.

“kapal ng mukha”

“feeling mo ba alam mo lahat?”

“oo nga? souvenir lang naman ang meron ka ah”

“kaya `wag mong ipagmalaki na marami kang alam sa mga babae kahit na wala naman talaga”

“yah yah, tama sabi nila”

“alam ko lahat ng tungkol sa babae. kayo kasi ang walang alam!” tumawa ng mayabang si Tristan.

“angas mo ah?” tinaasan ko siya ng mukha. Ang angas e. feeling alam lahat.

“sige nga. sabihin mo lahat ng tungkol sa babae”

“try me”

“ano daw?” napatingin si Sandy kay Lee.

“subukan daw natin siya” tumango lang si Sandy. Hanep. May interpreter pa si Sandy. Haha

“tungkol saan?”

“paano mo malalaman kung may gusto na sa`yo `yung babae?” tumawa si Tristan na parang ewan.

“`yun lang ba!?” may lang pa siya e nu. tinaasan ko lang siya ng kilay.

“ang dali naman nun!” tumawa siya.

“ang mga babae, nagbibigay lagi ng mga mixed signals. Pero eto ang mga proven na talaga” tinignan lang namin siya na parang nagsasabi na ‘come on, go on, we`re listening. Ang angas mong hayop ka sana mapahiya ka ul0l’ `yung ganun.

29 | TRiP

Page 30: 58351074-Trip

“una. Lagi siyang nauutal with no reason kapag kausap ka niya”

“baka malamig?”

“ungas. With no reason nga e. ibig sabihin hindi malamig or what ok?”

“sige, sunod?”

“pangalawa. Nagpapaganda siya sa`yo. `yung bang parang si Ayx na nagmamake up, nagmimini skirt. Para mapansin natin sila. Ganun”

“tapos?”

“pangatlo. Hindi siya makatingin sa mata mo ng diretso. Ni hindi na nga siya makatingin sa mukha mo e. she`s keeping herself busy para walang eye contact”

“Lee?” tumingin si Sandy kay Lee na nag buntong hininga.

“taena ka Sandy. Hindi ako translator” tumawa naman kami dun. Haha

“pang apat. Parang nawawala siya sa sarili niya once na magkadikit `yung mga balat niyo. Para siyang nakukuryente”

“wow. Thunder!”

“gag0. lighting `yun!”

“mga inutil! Electricity `yun!”

“ewan. Go on Tristan”

“pang lima. Namumula siya kapag may eye contact. Para siyang kamatis”

“then?”

“kapag nagsasabi ka sa kanila tungkol sa ibang babae mo. Parang bigla bigla na lang sila mawawalan sa mood. `yung parang ‘ok’ ‘ewan’ ‘sige’ ‘ha?’ ‘ow’ `yung mga sinasabi nila”

“walang kwenta kausap” tumawa kami. wala ngang kwentang kausap.

“at ang last na alam ko. SHE`S GIVING YOU A HINT NA PARANG SINASABI NIYA NA ‘gusto kita’ KAHIT NA HINDI EXACT WORDS. Gets niyo?”

“teka—” napatingin silang lahat sa akin.

Ang weird. Bakit ganun? “bakit `tol?”

Napatingin ako sa kanila. “parang—”

“parang?”

“you`re describing someone I know”

“sino?”

“si Elle. `yung nurse na dalaga sa school namin” weird.

`55

December 24 na ngayon. nasa bahay lang ako, nakahiga sa kama ko habang si D, nanonood ng boys over flowers. Potek `yung tibong `yun e. adik dun!

About kay Elle, sabi nila baka daw may gusto sa akin `yun. sa tingin ko naman. May gusto nga siya sa akin. JOKE. Feeling ko may problema lang `yun kaya nagkakaganun.

About kay Ayx, hindi pa rin niya ako kinakausap. Pumunta na nga ako sa bahay nila pero pinaghintay lang niya ako sa wala. Minanyak lang ako ni ate Yna dun.

About kay D? tinatanong pa ba `yan? Eh di ayan, D pa rin. Hindi nagbabago. Parang tibo, ay hindi. Tibo pa din pala.

“hindi ka ba talaga titigil sa pagnood niyan?” lumingon siya sa akin at tumingin sa mata ko.

“pakielam mo?”

“ang weird mo kasi e”

“so? Eh di manood ka na lang din” tumawa siya sabay tingin ulit sa tv screen. Adik talaga `tong D na `to.

Nag isip ako na pwedeng itopic. Nabobore na kasi ako ng sobra dito, walang magawa.

Umupo ako sa lapag katabi nung sofa, at katabi ni D. nakahiga kasi siya kaya wala akong mauupuan.

“punyet*! Tumabi ka nga! ang laki ng ulo mo!” tinulak tulak pa niya ulo ko.

“gwapo naman”

“ALIS!” para siyang monster na sumigaw ng ‘tabi’. Napatabi naman ako dun. Nakakatakot e. dun na lang ako umupo sa may paanan niya tapos tinignan siya na sobrang nakatutok sa tv screen.

Tinignan ko `yung orasan. 3 hours na lang bago mag Christmas. Pero eto ako, walang ginagawa. BORING!

“hoi D” tinignan lang niya ako tapos balik ulit sa panonood.

“alis tayo”

“bakit?” still, nakatitig pa din siya sa screen.

“malapit na mag Christmas e”

“so?”

“mag night shopping tayo. Bukas mga mall ngayon!!” masaya kaya mag night shopping. Kasi pag ganito, unahan. Ang sarap makipag suntukan kapag nakuha nung katabi mo `yung gusto mong bilhin para sa Christmas. Haha

“ayoko. Katamad” hinila ko siya para tumayo.

“ano ba!?”

“alis tayo. Gusto ko magsaya bago mag Christmas!” tinignan lang niya ako ng masama.

“mag isa ka” tinulak na naman niya ako. Pinatay ko nga `yung tv.

“ANO BA!?”

“alis tayo!”

“ayoko nga!”

“sige na!”

“`wag ka ngang makulit!”

“sige ka, paalisin kita dito”

“eh di aalis na ako!” nag akma siyang tumayo pero pinigilan ko siya.

“JOKE LANG! sige na kasi”

“oo na nga. pamatay ka” ang saya talaga nito. Nauuto ko si D kahit papaano. Ano kaya magandang gawin para magsaya kaming dalawa bago mag Christmas?

`56

Nakakabuset. Masyadong pahard to get si D. sasama din naman siya. Amp.

“taena. Bakit ka ba kasi namimilit?” nasa loob na kami ng mall ngayon. ang daming tao! Grabe sisikan. Hawak ko na nga lang braso niya para makaahon kami na magkasama e.

“put*ngin*! `yung paa ko!!” napatingin ako kay D na parang may sumasakit nga sa kanya. Pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa braso niya sabay takbo. Ako naman, eh di sinundan siya!

“hoi!” hinawakan niya `yung balikat nung isang lalake. Hinarap niya `yung lalake sa kanya with full force.

30 | TRiP

Page 31: 58351074-Trip

“baket?” tinignan nung lalake si D na parang nagtataka at naiirita.

“gag0 ka! Wala kang karapatan tapakan paa ko!” nang dahil lang sa natapakan siya ng paa super nagalit na siya?

“ha?”

“tae. Bingi ka ba!?” hinawakan ko si D sa balikat.

“tama na nga `yan”

“isa ka pa!” ay potek. Natameme naman ako dun. Kawawa naman si ako. pero kailangan maging mas matapang para mapasunod siya.

“EH T*NGIN* MO PALA E! TARA NA NGA!” hinawakan ko braso niya at kinaladkad na siya. Hindi na siya makaimik, mukhang nashock e. haha

Nung nasa malayo na kami sa sobrang daming tao kasi last minute shopping at mga sale, binitawan ko na pagkakahawak ko sa braso niya.

“tae. Ang sakit ng hawak mo ah”

“makinig ka kasi sa akin kahit minsan!” galit na ba ako? hindi naman di ba?

Tinignan ko lang siya na parang hindi makaimik. “saan gusto mo kumain?” tinignan lang niya ako na hawak hawak pa din `yung braso na hinawakan ko.

“bahala ka” so bahala nga ako. sa kfc kami kumain. Pagkatapos nun, inaya ko siyang mag time zone. Time crisis, silent hill, `yung may drum tapos guitar hero. Masaya din pala siya kasama `di tulad ng ibang babae. siya kasi nakakalaro mo sa mga ganitong arcade, e ang ibang babae hindi. Haha

Napatigil naman ako sa paglalakad ng napatigil din siya sa paglalakad at nakatingin lang dun sa kukuha ka ng mga stuff toy. `yung ganun, `yung mahirap makakuha. Gets niyo naman ako di ba?

Lumapit siya dun sa may glass para titigan `yung stuff toy, hindi ko alam kung anong stuff toy `yun kasi ang daming klase, basta ang alam ko, stuff toy tinitignan niya.

“cute ba?” napatingin siya sa akin.

“ha? Hindi ah” asus.

“deny pa. alin ba d`yan?”

“`yun oh! `yung blue na dolphin!” para siyang bata na tinuturo `yung stuff toy na gusto niyang ipabili. Parang hindi si D. haha. Tinignan ko lang siya na parang nakataas pa kilay ko.

“JOKE LANG!”

“weh? deny pa talaga. Sige tara. Kunin natin `yan”

“gag0 `wag na”

“gusto ko kunin e!” nagpaload ako sa card ng isa pang 1oo. 12 kasi isang laro dun.

1st try, wala. Talo. 2nd. Talo pa din. 3rd. MUNTIK NA. pero talo pa din. 4th. Ayun! Nakakuha! Pero pink dolphin nakuha ko. 5th try. Nagkasira. 6th try. Wala. 7th, 8th, 9th, 10th ayun. Wala pa din.

“tae ka. Sayang pera mo, tara na” pero hindi pa din ako umaalis sa tapat nung parang laro. Nawalan na ulit ng load `yung card ko kaya nagpaload ulit ako. 1ooo na pinaload ko para hindi ako pabalik balik.

Pagkadating ko dun sa laro, teka,

“NAWAWALA NA `YUNG BLUE DOLPHIN!!” nanlaki mata ko habang tinititigan `yung mga stuff toys na nasa loob. BAKET NAWAWALA `YUNG BLUE DOLPHIN!! Pakeningshet.

hinablot ko kaagad `yung lalake na parang salesman. “asan na `yung blue dolphin!?!”

“ha? Nakuha nung bata kanina” tinignan ko lahat ng bata sa loob ng timezone. AHA! Ayun!

Tumakbo ako at lumapit dun sa bata na may hawak hawak na blue dolphin. “bata!” hinawakan ko `yung balikat niya kaya napalingon siya sa akin.

“pwede bang akin na lang `yung blue dolphin mo?”

“ayoko”

“eto kapalit oh. pink version”

“yuck. Ayoko nga” parang nag iinit ulo ko dito sa batang `to ah.

“IBIGAY MO NA NGA SA AKIN `YUNG BLUE DOLPHIN! MAY KAPALIT NAMAN EH!”

“hoi bata pa `yan. Inaaway mo. Sira ka ba!?” bakit nga ba sobrang desperado ko?

`57

“ayoko nga kasi!” tinitigan ko `yung bata. Wala akong pakielam. Ang gusto ko lang, makuha ko `yung blue dolphin!

“bibigyan kita ng 1oo!”

“yuck. Ang cheap!”

“5oo!”

“eww. Ang baba naman”

“put*ng in* mong bata ka! Ang talino mo! 1ooo!”

“DEAL!” binigay niya sa akin `yung blue dolphin sabay tanggap ng 1k ko at tumakbo na siya palayo.

“taena ka. 1k para lang sa blue dolphin?” tinignan ko lang si D nun tapos naglakad ako at lumapit dun sa toy machine. Hinablot ko ulit `yung parang isa sa taga bantay.

“bakit sir?”

“lagay mo nga `tong blue dolphin sa loob” nanlaki mata nung lalake. At lalong nanlaki mata ni D.

“ano pinagsasasabi mo!?”

“ha!?”

“pakielam niyo! Ikaw” binigay ko `yung blue dolphin dun sa lalake. “lagay mo na!” at nilagay na nga niya `yung dolphin sa loob nung machine.

“ikaw naman” tinignan ko si D. “hawakan mo `tong pink” binigay ko sa kanya `yung pink dolphin.

“gag0 ka ba!?”

“baka…”

Nagsimula na naman akong maglaro. 27th try ko na. wala pa din, buti na lang. hindi pa ubos `yung load ng card ko. 28th. Wala. 29th. Asa pa. 30th. Bakit ba ang malas ko!? 31st…

“NAKUHA KO NA~!” kinuha ko `yung blue dolphin. Nakuha ko na din sa wakas! Tinignan ko si D na hawak pa din `yung pink dolphin at nakatingin sa orasan, na mukhang malungkot.

Ako naman, tinignan ko din `yung orasan, 12 na pala. Tamang tama!

“MERRY CHRISTMAS D!” nakangiti kong iniabot sa kanya `yung blue dolphin na pinaghirapan ko. nanlaki mata niya na parang nagsmirk pa siya.

Kinuha niya `yung blue dolphin tapos parang napangiti siya. Ayos! Buti napangiti siya! Atleast alam kong parang napasaya ko siya di ba!? haha

Bumili na muna kami ng kakainin namin bago pa kami umuwi. Masaya naman ang nangyari, napaka thrilling, at very very hard worker ang naging value ko dun sa toy machine na `yun. grabe.

“gag0 ka talaga e nu” parang natatawa pa siya niyan.

“buti nga binigyan kita e. nakakapawis `yun ah” tumawa kaming dalawa. First time talaga `to. First time na nag hard work ako para lang makuha ang isang bagay. At take note, hindi ko `yun gusto. Gusto `yun ni D.

31 | TRiP

Page 32: 58351074-Trip

“tumayo ka nga” hinatak niya `yung t-shirt ko. napagod kasi ako kaya napaupo na lang kaagad ako sa sofa.

“a-ano—”

“pinaka masayang birthday ko `to ngayon dahil sa`yo. Merry Christmas” niyakap niya ako. merry Christmas? Birthday?

BIRTHDAY NI D TUWING CHRISTMAS!?

`58

“birthday mo!?”

“good night!” walangya. Bastusin e. ayaw pa sagutin tapos tinulugan ako. walangya talaga.

Birthday pala ni D ngayon, hindi ko man lang alam. Ang tanga ko din e nu. pagtingin ko kay D, tulog na tulog. Mukhang prinsesa. Wala akong magawa kaya natulog na din ako.

Pag gising ko, tulog pa din si D. nag handa na lang muna ako ng kahit kaunti para sa birthday niya.

Biglang may nagdoorbell. Syempre, magugulat pa ba ako? kilala niyo naman kung sino `yung nagdoorbell.

Pagbukas ko ng pintuan. “merry chirstmas Sandy!” masaya kong bati at pagkatingin ko.

“merry Christmas din. At kelan pa ako naging sandy?” tumawa siya. Si ayx.

“b-bakit andito ka?” tuloy tuloy lang siya sa pagpasok sa loob habang ako ay may after shock pa.

“masama na bang puntahan ko ang boyfriend ko sa Christmas day?” lumapit siya sa akin then kissed me sa lips. `yung smack lang.

“pero akala ko—”

“wala na tayo?” napalunok lang ako dun, hindi ako kumibo. Malay ko ba. she didn`t even call me or anything. Akala ko talaga, wala na.

“ow, kaya pala andito pa din siya” nakatingin siya kay D na parang iritable.

“dito naman talaga siya nakatira e”

“SO?! Babae siya. Hindi mo ba naisip na nagseselos ako!?”

“si D `yan!”

“kahit na. bakit ba hindi mo intindihin feelings ko!” parang nag init ulo ko sa mga sinabi niya. hindi ba niya naaalala `yung ginawa niya sa akin dati!?

“baket!? Inintindi mo ba `yung feelings ko dati!?”

“wtf. Past is past rain!”

“so!? Nangyari pa din `yun kahit na nakaraan na `yun! kaya hindi mo pwedeng takasan `yun!”

“ano ba pinapahiwatig mo!?” hindi ako nagsalita. “you wanna break up with me!?”

“I don`t know”

“anong you don`t know!?”

“hindi ko alam!”

“alamin mo!”

“oo! Siguro nga! ayoko na. I wanna end this relationship NOW!”

“ANG INGAY NIYOO!” napatingin ako kay D na parang nabadtrip dahil sa nagising siya.

“Merry Christmas Rain!” napatingin ako sa pintuan ng may magbukas nun, sila Lee!

`59

Nagkatinginan lang kaming lahat. Andito barkada ko, nagising si D, nag aaway kami ni Ayx. ABA! Kulang na lang ata si Elle ah! reunion!?

“ALIS NA KAMI RAIN!” nagsitakbuhan naman sila palabas. Pamatay sila.

“you” tinaasan niya ako ng kilay. “wanna break up with me?” tinignan ko lang siya.

“but i`m aya kalix moraga!”

“ha?”

“ikaw lang ang lalakeng nakipag break sa akin!”

“history?” nagsmirk ako. para maasar siya.

“I won`t let that happen!”

“but it already happened”

“no! hindi ko tinatanggap `yang break up na `yan”

“TEKA NGA!” napatingin kaming dalawa kay D. “lumayas nga kayo d`yan. Harang kayo sa banyo e!” tinulak niya kaming dalawa at pumasok sa loob ng cr. Para talaga siyang walang pakielam e nu.

“dahil lang ba sa babaeng `yan!?”

“`wag mo masabihang lang si D” hinawakan ko `yung leeg niya pero hindi ko siya sinakal. Sinandal ko lang katawan niya sa pader. “dahil hindi siya LANG. si D siya!”

“ano ba! nasasaktan ako!” binitawan ko siya, mukhang hindi nga siya nakahinga ng maayos e.

“nang dahil lang dun sa tibong `yun makikipag break ka sa akin!?”

“maybe”

“bakit!?”

“I don`t know”

“really!?”

“pakielam mo ba!?”

“ako girlfriend mo!”

“not girlfriend. It`s ex-girlfriend”

“f*ck!” bigla niya akong hinalikan with full force pero mas malakas ako at tinulak ko siya ng bahagya.

“Aya, tama na”

“you called me by my name” nagkatinginan kami sa mga mata namin.

“yea”

“then you`re really serious…about her”

“of course” parang naluluha luha na siya.

“why?”

“kasi—mahal ko siya” napayuko siya sa sinabi ko.

“i`m sorry then, Merry Christmas” binuksan niya `yung pintuan at dadaan sana siya ng Makita namin ang mga mukha ng barkada ko. nakikinig sila!?

`6o

“aalis na talaga kami!” nagsitakbuhan na ulit silang lahat at naiwan na naman kami ni Ayx.

32 | TRiP

Page 33: 58351074-Trip

“i`m sorry Ayx” parang umiiyak na siya. Wala akong magawa. Wala na nga ata akong nararamdaman sa kanya.

“Merry Christmas din” tumakbo siya palabas ng bahay namin. Ako, nakatayo lang ako. parang nagsisink in pa din `yung mga pangyayari sa akin. Ang bilis naman, sobrang bilis. Hindi na ako makasunod.

“buti naman natapos na kayo” napatingin ako kay D na mukhang naligo.

Lumapit ako sa kanya. “happy birthday D” ngumiti ako sa kanya. Pero siya, blank look lang. “pinaghanda nga pala kita ng pagkain, para sa birthday mo at syempre sa Christmas” umupo lang siya sa upuan at kumain. Ano ba problema?

“kausapin mo naman ako D” tinignan lang niya ako tapos kumain siya ulit.

“galit ka ba?” umiling lang siya.

“eh ano?” huminga siya ng malalim sabay tingin sa akin.

“hindi tamang nakipag break ka kay Ayx”

“paanong hindi tama?”

“hindi tama na ako dahilan” tinignan ko lang siya sa mata niya, seryoso siya.

“b-bakit?”

“wala kang mapapala sa akin. Hindi ako magiging babae. sorry” hindi siya magiging babae?

“ha?”

“wala kang maaasahan sa akin. Ganito ako. siguro, mamamatay akong tomboy pa din” parang gusto kong matulog pero gising na gising ako. parang—nakakawalang gana mabuhay sa mundo.

“sorry” nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Ngumiti ako. fake smile. “gusto ko lang naman, maging magkaibigan tayo” nangiti din siya dun.

Tumayo ako. “punta muna ako sa tambayan namin ah, sige” tumango lang siya.

Binuksan ko `yung pintuan at parang nagulat ako sa nakita ko. isang babae na mukhang nasa age of 4o na ang nakatayo sa harap ko.

“ikaw ba si rain?” nagtaka naman ako. paano niya nalaman pangalan ko?

“o-opo?”

“andito ba baby ko?” baby niya? as far as I know, wala namang sanggol dito sa baha—

“ma!?” napalingon ako kay D na parang gulat na gulat.

“Dianne!”

Lumapit `yung matandang babae kay D at nagyakap sila. Sobrang Cheesy!

“tambayan lang ako ah” sinarado ko `yung pintuan para bigyan sila ng privacy na mag ina. Mukha ngang mag ina sila e.

`61

“Merry Christmas `tol!” sigaw ni Chris, obvious na lasing na. umupo ako sa isa sa mga upuan.

“o, inom muna. Alam kong problemado ka” kinuha ko `yung beer na binigay sa akin ni Jin. Oo nga, problemado ako. grabe.

“sana lagi na lang ganito, `yung masaya!” pangiting sabi ni Sandy. Kahit kelan talaga, happy-go-lucky siya.

Tinignan ko sila, masayang masaya. Pero teka, parang may kulang.

“asan si Tristan?”

“kasama bago niyang girlfriend”

“may bago na naman siya?”

“oo, Shei daw pangalan e” Shei?

“bibigyan naman ata niya ng souvenir `yung babae. kawawa naman”

“sabi niya seryoso na daw siya e”

“paano mo nalaman?”

“sabi niya”

“speaking of” napatingin kami sa may pintuan at nakakita kami ng Tristan na nakangiti abot langit.

“o, what`s with the smile abot sa heaven?”

“SABI NA NGA BA E! gumawa kayo ng souvenir no!”

“gag0”

“eh bakit kung makangiti ka para kang baliw na galing mental?”

“sinagot na niya ako!”

“nino?”

“ni Shei!”

“kala ko ba girlfriend mo na siya?”

“oo nga. kanikanina lang”

“hindi, I mean kahapon. Ganun”

“nililigawan ko lang `yun dati”

“baka nama—”

“kung iniisip niyo niloloko ko lang siya, pwes, mali kayo”

“mali?”

“magpapakatino na ako para sa kanya”

“hindi nga!?”

“mag aaral na ako next year para sabay kaming mag 4th year”

“HINDI NGA!?”

“oo nga”

“well Tristan, that`s nice”

“thanks, para lang kay Shei lahat ng `to” napangiti siya sa sinabi niyang `yun.

Umuwi na ako ng bahay dahil gabi na. pagbukas ko ng pintuan, nakita ko `yung mama ni D na nakaupo sa sofa habang si D ay nag—IIMPAKE?!

“D, anong ginagawa mo!?” lumabas `yung mama ni D at naiwan kaming dalawa.

“i`m going to Japan, kasama ang mama ko”

“p-pero!” parang nanghina ako sa sinabi niyang `yun.

“kailangan ko `to” patuloy lang siya sa pag iimpake.

“pero D, ano ba!?” inaalis ko `yung mga nililigpit niya sa maleta niya.

“`wag kang umalis” parang namumuo na `yung luha ko sa mga mata ko. AYOKONG UMIYAK.

“`wag mo akong iwan D” sobra na `yung lungkot na nararamdaman ko. tapos na siya mag impake.

“D…” hindi ko na napigilan `yung luha ko na tumulo.

“`wag kang umiyak, please?”

33 | TRiP

Page 34: 58351074-Trip

“mahal kita dianne” napayuko lang siya at naglakad papuntang pintuan.

“thanks, and i`m sorry…” pinunasan niya `yung mga luha ko sabay alis na ng bahay ko.

Tumigil `yung mundo ko. para akong nawawala.

P U T A N G I N A N G BUHAY `TO!!

`62

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. para akong nawawala, para akong tinapon sa kabilang planeta. Para akong—adik.

Hindi ako pumasok ng dalawang linggo pagkatapos ng Holiday break namin. Parang wala na akong pakielam, wala na akong magawa. Magpakamatay na lang kaya ako?

Ang lungkot ng buong aura ng bahay ko. wala na `yung D na laging sumisigaw. Wala na `yung D na adik na adik sa boys over flowers. Wala na `yung D na parang lalake. Wala na `yung D na—mahal ko.

Buset. Buset talaga. Ano ba gagawin ko? tinatamad na buong pagkatao ko mabuhay. Tinatamad na ako sa lahat ng bagay. Ayoko na mabuhay. Parang wala nang saysay. YAK. Ang emo naman nun, pero no joke. Wala ang buhay ko `pag wala si D.

“HOI!” ewan ko kung sino `yun. patuloy lang ako sa paglalakad.

“TAENA. Hindi ka ba titingin?!” may humawak ng balikat ko at hinarap sa kanya sabay suntok sa mukha ko. napaupo ako sa pwersa, pero parang wala akong nararamdaman.

“hindi ka ba iimik d`yan!?” hindi ko tinignan `yung nagsasalita. Nakatingin lang ako sa lapag.

“walang kwenta!” hinatak niya t-shirt ko sabay suntok ng maraming beses sa mukha ko. hindi masakit. Wala akong nararamdaman. Parang—parang—manhid. Manhid lahat.

“par, hindi man lang kumikibo oh!” tumawa sila. Marami sila e, marami sila. Maraming sumusuntok sa akin. Maraming mukha nakikita ko, pero wala. Wala akong makilala.

“HOY MGA DUWAG!” napatingin ako sa taong sumigaw, pero `di ko makilala kung sino `yun, o kung sino sila.

“kita niyong hindi lumalaban pinapatulan niyo pa!?” lumapit sila, madami din sila. Binitawan ako nung lalake kaya napaupo ako habang nagsusuntukan na sila.

“ano ba ginagawa mo Rain!?” napatingin ako dun sa sumigaw. Si Ash ba `yun?

“taenang lalake ka!” sabay kutos sa akin.

“ano ba gusto mo sa buhay?! Mamatay!?” si Lee?

“LEE! Takbo na tayoo~” si Sandy? Hinatak ako ni Lee at Ash sabay takbo, wala akong gana tumakbo kaya parang kinakaladkad na nila ako.

“`tol naman!” tinignan ko `yung parang tumapik sa akin. Si Jin.

“sa dinami dami ng pwedeng makaaway `yung kalaban ko pa! malakas `yung mga `yun e!” sabay upo.

“ano ba problema?” si Tristan. “ano ba nangyayari sa`yo?”

“tignan mo mukha mo, namamaga na. namumula. Nagdudugo!” si Chris?

“hindi ka ba nasasaktan!?” natauhan ako sa tanong na `yan. Ako? hindi? Nasasaktan? Ako pa tinanong na hindi nasasaktan!?

“SOBRA NA AKONG NASASAKTAN ALAM NIYO BA `YUN!?”

“eh bakit ka pa nagpabugbog!?”

“PARA MAWALA NA LAHAT NG SAKIT!”

“ungas ka pala e! paano mawawala `yung sakit kung nagpapabugbog ka nga!?”

“HINDI NIYO NAMAN KASI NARARAMDAMAN `YUNG NARARAMDAMAN KO EH!”

“gusto mo bang makatikim sa akin, HA?!”

“taena. Sige na! patayin mo na ako. NGAYON NA!”

“gag0”

“GUSTO KO NANG MAMATAY. PATAYIN NIYO NA NGA LANG AKO!” ayoko na.

`63

“ay shet!” nagulat at nanlaki mata ko sa naramdaman ko. hinawakan ko `yung humahapdi na kanang pisngi ko.

Napatingin ako dun sa taong may gawa ng paghapdi ng pisngi ko. pagtingin ko, nakakita ako ng galit na babae. galit na isang Elle.

“gusto mo nang mamatay!? Ha!?” nabigla ako sa pagsigaw niya. “sasayangin mo na lang `yung pera ng tatay mo!?” nakatingin lang ako sa kanya. Pati sila Jin natameme.

“alam mo bang halos mamatay na ako sa pag woworking student para lang makapag aral sa school tapos ikaw na binibigay na ang lahat, gusto nang mamatay!?” tinignan ko siya tapos tumayo ako.

“paano mo nalaman kung saan bahay ko?” hinawakan ko `yung braso niya. “hindi kita kailangan” hinatak ko siya papuntang pintuan. “alam mo bang hindi ka welcome dito!?” i`m sorry. “umalis ka na!” Hindi ko lang talaga gusto ang mga bisita ngayon.

“a-ano ba!?”

“alis na!” tinulak ko siya palabas ng bahay ko sabay sarado ng pintuan. “`wag ka nang babalik! Tae!” Uupo na sana ako nang tignan ako ng kakaiba ng mga kaibigan ko.

“`tol, babae `yun”

“ano gagawin ko?”

“she even asked me for your address” tinignan ko si Ash ng nagtataka. “nagkita kami kahapon, tapos nag aalala daw siya sa`yo kaya tinanong niya address mo. Para daw mabisita ka niya”

“ang harsh mo `tol”

“nag alala pa man din sa`yo `yung tao”

“at babae pa siya”

“I think you need to rest para makapag isip ka” nagsitayuan sila at nag labasan na ng bahay ko. humiga lang ako sa kama ko habang nag iisip.

Bakit ko ba nagawa kay Elle `yun? bakit ba nangyayari sa akin `to? Galit kaya sa akin si Elle? Natatakot ako. natatakot ako. naging mabait siya sa akin pero eto sinukli ko. kailangan kong magsorry sa kanya.

Natulog ako para pumasok bukas. Pag gising ko, nagmadali na akong pumasok para Makita ko siya sa clinic.

Bubuksan ko na sana `yung pintuan kaya lang bigla akong kinabahan. Shet. Baket naman ako kakabahan? Argh. Kumatok na lang ako. katok ako ng katok pero walang nagbubukas ng pintuan.

“Oh Rain, nabugbog ka na naman?” napalingon ako, `yung doctor ng school. Napakamot ako ng ulo.

“ah eh, doc, si Elle po?”

“ah, si Elle ba? nasa bahay nila, may sakit ata?”

“may sakit po?”

“oo”

“saan po ba siya nakatira?” binigay sa akin nung doctor `yung address ng bahay nila Elle. At sa kabutihang palad, hindi naman ako naligaw.

Kumatok ako sa pintuan ng bahay nila. pagbukas, si Elle kaagad ang nakita ko.

34 | TRiP

Page 35: 58351074-Trip

Parang naging statwa ako at nanigas. Ano nga ba gagawin ko? ah!

“i`m sorry” tinignan lang niya ako. “sorry, `di ko sinasadya `yung kagabi”

“`yun lang ba sasabihin mo?”

“uh…oo?” ngumiti siya.

“apology accepted” napangiti naman ako dun. Ang bait bait talaga nitong si Elle. “sa susunod kasi, `wag mainit ulo” pinapasok niya ako sa bahay nila. hindi naman sila mahirap e, may kaya `yung itsura ng bahay nila. simple lang.

“sorry, umalis kasi si D e, tapos parang naghalo halo `yung problema. Sorry talaga”

Hinawakan niya `yung kamay ko. “ok nga lang `yun. naiintindihan kita”

“thank you talaga Elle”

“no worries Rain, Just promise me you`ll love your life, ok?” ngumiti siya.

Gumaan loob ko sa pag ngiti niya. parang nawala ng kaunti `yung pagkabagot ko. parang nawala `yung problema ko. siguro kung wala si Elle, wala na ako ngayon.

so I owe her my life. :]

`64

7 years na nakakaraan simula nung umalis si D. wala akong balita sa kanya, walang akong ideya kung nasaan siya, siguro—nasa earth pa din siya.

Si Ash, bumalik na sa bahay nila. namatay na kasi `yung tatay niya e. naging matino na talaga siya at siya na ngayon nagmamanage ng maliit na negosyo nila. sa kanya pa nga pinaglihi `yung pamangkin ko. alam niyo naman si ate e, mahal na mahal si Ash. Kulang na lang gawin na niyang statwa si Ash.

Si Lee, medyo naging matino ng kaunti, nag aaral na din kasi siya ngayon. law course niya. ayos di ba?

SI Jin, gumawa ng sarili niyang frat. `yung mga taong frating gutom. Haha. Pero di nga, ngayon naman, siya na si Tristan Jr. sinusundan na niya ngayon ang mga yapak ni Tristan. haha

Si Sandy, hindi na siya nag aral. Basta. ganun pa din siya. Kamahal mahal pa din siya hanngang ngayon. kaya mahalin niyo pa din siya.

Si Tristan, sabay nga silang nagtapos ni Shei, hanggang college. 3 months na lang pala, ipapanganak na ni Shei `yung panganay nila ni Tristan.

Si Chris, ano pa ba magagawa niyo? Wala. Tamad e.

Si Elle, alam ko nurse na siya. Pero hindi ko alam kung saan. Wala na kaming communication pagkagraduate ko nung high school.

Si Ayx, naging sila ulit ni Yuan. Ewan ko ba kung masaya sila o hindi. Mag asawa nga sila baog naman si Yuan. HAHAHAHA.

At ako? eto, matinong tao. Wala pang nagiging seryosong relasyon simula nang iwan ako ni D. kapag nga naaalala ko `yung nangyari, nalulungkot ako. kalungkot nga naman.

May kumatok sa pintuan ko. eh tinatamad ako kasi nakahiga ako. pahinga ko naman ngayon nu. SUNDAY NGAYON. rest day! Kawawa naman ako, over fatigue na ako.

“pasok ka na lang!” lalong lumakas `yung pesteng katok.

“PUMASOK KA NGA!” puny3ta! Tumayo ako kaagad at binuksan `yung pintuan.

“PAG SINABI KONG PUMASOK KA, PUMASOK KA! HINDI `YUNG NANG IISTORBO KA SA PESTENG PAGKATOK MO!”

“sorry naman” ngumiti siya.

“wala na kasi akong susi ng bahay e” napahinto mundo ko sa nakita at narinig ko.

“kamusta?” tinignan ko siya.

“oh? what`s with the look?” nakatingin lang ako sa kanya. Totoo ba `to?

“hey?”

“D…”

“`yun naman pala e!” napangiti siya. “kala ko nabingi or napipi ka na” tumawa siya.

Wala nang sabi sabi, hinalikan ko na siya kaagad. I really missed her, so much.

`65

“P U T A N G I N A!!!” kanina pa ako natataranta habang tinutulak siya papuntang delivery room.

“ang sakit!!” ano gagawin ko!

Hinawakan ko ng mahigpit `yung kamay ni D. “kaya mo `yan!”

“ANG SAKIT! TAENA KA. ANONG KAYA KO `TO!? E KUNG IKAW KAYA SA LAGAY KO! PAKSHET!!”

“`yung waterbag niya!” nanlaki mata ko. ANO GAGAWIN KO!?

“SHET!!!”

“huminga ka lang D, hinga!”

“tae ka! Ikaw huminga! Pakinengshet!”

“ANO GAGAWIN KO!?!”

“kami bahala” parang familiar `yung boses na `yun. napatingin ako sa nurse na nagsalita.

“Elle?” napatingin sa akin `yung nurse.

“Hi rain”

“musta! Tagal na nating hindi nagkikita ah!”

“ok lang ako!” ngumiti siya. “ikaw?”

“ok lang din”

“so ano na gina-”

“WALA TALAGA KAYONG PAKIELAM SA AKIN E NU!? MANGANGANAK NA AKO NAG CHICHISMISAN PA RIN KAYO D`YAN!!”

“kaya mo `yan D, mahal kita”

“oo, alam ko Rain” pumasok na sila kasama si D sa delivery room. Alam ko namang bawal ako dun kaya bumitaw na ako sa kamay niya.

Kinakabahan ako. ganito pala talaga `to. Ano na mangyayari kay D niyan?! Ok pa rin kaya siya. NAIISTRESS AKO!

Biglang may lumabas galing delivery room. Si Elle.

“ano na nangyari?”

“hindi pa tapos, `wag kang magmadali”

“excited ako e”

“hindi ka pa din nagbabago” ngumiti siya.

“ikaw din kaya”

“pati si D, hindi pa din nagbabago”

“kaya nga mahal ko siya e” ngumiti ako. gumaan na naman `yung loob ko nang makausap siya. Grabe. Si Elle talaga dahilan kung bakit gumagaan

35 | TRiP

Page 36: 58351074-Trip

loob ko. thanks to her.

“NURSE ELLE! MAY PROBLEMA!”

“anong nangyari!?” kinabahan ako sa pagsigaw nung isang nurse.

“`wag ka mag alala Rain, ako bahala” tumakbo siya papasok sa DR. Teka, ANO `YUNG PROBLEMA!?

`epilogue

“ano na nangyari!” sabi nung binata sa kaibigan niya.

“p0ta. `wag ka kasing maexcite. Ililipat ko lang ng page” sabi naman ng babae. ata. Na kaibigan nung lalake.

Nilipat nung babae.ata. `yung page. “ano na nakasulat D.A.!” tumingin si D.A. dun sa lalake.

“tae ka. `wag ka ngang excited Hunter!”

“bilis na kasi!”

“kaugali mo talaga si tito Tristan e nu. bakit hindi ka na lang nagmana kay Tita Shei”

“BILIS NA!”

“PAKINENGSHET. WAIT!” binasa na muna ni D.A. `yung nakasulat `dun sa notebook na hawak hawak niya.

“ipinanganak ni D `yung anak namin. Isang malusog na baby girl. Pero isang bad news din ang sinabi sa akin ng doctor…”

“ANO SABI!?”

Tumawa si D.A. “`wag kang hot”

“pinuputol mo pa kasi e” sa mukha pa lang ni hunter, mukha siyang papatay ng tao any minute sa sobrang excited.

“sinabi sa akin ng doctor na hindi daw nakayanan ni D ang panganganak. May heart failure daw kasi siya, at ang tendency, isa sa kanila ang mamamatay, at sa kamalasan…”

“…si D ang binawian ng buhay”

“nakakalungkot naman `yung nangyari”

“oo nga” tinignan niya `yung notebook. “ai teka, mukhang may susunod pa!” nilipat ulit nila `yung page ng notebook.

“Nalungkot ako sa pagkawala ni D. mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Muntikan na nga akong mag pakamatay pero may isang babae na hindi ako iniwan sa kalungkutan ng buhay ko. at `yun ay si—”

“ATE!! Tawag ka na ni mama!” napatingin ang dalawang teenager dun sa batang sumigaw.

“aalis na ako!” tumayo si D.A. sa pagkakaupo niya.

“teka!” hinawakan ni hunter `yung braso ng kaibigan.

“bakit?” nagmamadaling tanong ni D.A.

“k-kasi—”

“ANO!?”

“gusto mo bang pagtripan din kita?” ngumiti na parang demonyo si Hunter pagkasabi niya ng mga salitang binitawan niya.

“uLOL!” sabay suntok ni D.A. sa mukha ni Hunter sabay takbo.

“teka D.A.! `YUNG NOTEBOOK!” kinuha ni Hunter `yung notebook na naiwan ng kaibigan.

`yun ay si Elle. Ang akala ko wala lang pero siya pala talaga ang babaeng para sa akin. Siya na ang tumayo na nanay nang anak namin ni D. naging mabait siya sa amin, nagpakasal kami at nagkaanak din ng isa pa.

Mahal ko pa din si D, minamahal ko ngayon si Elle, mahal ko dalawa kong anak.

Natutuwa nga ako pagnakikita ko `yung dalawang teenager.

Nakikita ko si Hunter nung kabataan ko at nakikita ko si Diana nung kabataan ni D.

Tama nga siguro ang sabi nila.HISTORY really REPEATS ITSELF.

Sa trip na `to. Natuto akong magmahal ng isang babae na nagpapanggap na lalake.Sa trip na `to. Marami akong natutunan.Sa trip na `to. Naloko ako, nabaliw at nawalan ng gana mabuhay.Sa trip na `to. Sumaya, nalungkot, nagalit ako.Sa trip na `to. Gumawa ako ng mga desisyon na sa tingin ko, hindi ko pagsisihan sa huli.

At dahil sa trip na `to. Nalaman ko na hindi lang tao ang malakas mantrip, buhay at panahon din pala…

`YAN ANG TRIP.MAGULO, MALOKO, NAKAKAGAGO.

At sana naman,NATUWA KA SA TRIP NG BUHAY KO.

:]

-ANDREI JAN “RAIN” MONTEZ

TRiP by .L.aka

RAYNELRM187

Ito ang pinaka unang story na natapos ko kaya hindi ako masyadong magaling sa ending. Sana nagustuhan niyo

`yung takbo ng storya, sana hindi kayo nabored at sana hindi ko kaya nabigo.

Thanks for reading and I hope you enjoyed the story I created. :]

*HINDI LANG TAO ANG MALAKAS MANTRIP,PANAHON AT BUHAY DIN*

-rayne :]

36 | TRiP