a r a l i n g p a n l i p u n a n 7 - m o d u l e 1 q u a
TRANSCRIPT
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 1
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Maituturing na ang tao ang isa sa mahahalagang
salik sa kaunlaran ng isang bansa. Ang mabilis na
paglaki ng populasyon ay mayroong matinding
implikasyon sa aspektong pangkabuhayan ng mga
bansa. Sa kasalukuyang panahon, tinatayang
mahigit pitong bilyon ang populasyon ng daigdig.
Hindi nakapagtatakang na sa Asya ang halos 60
posyento nito o mahigit sa apat na bilyon katao.
Kung ihahambing sa mga iba pang kontinente, ang
Asya rin ang may pinakamataas na antas ng paglaki
ng populasyon. Sa araling ito ay tatalakayin ang
yamang tao ng Asya at ang implikasyon nito sa
pag-unlad ng lipunang Asyano.
Sa araling ito, ang mga sumusunod na layunin ay inaasahang matamo ng mga mag-aaral. Gamit ang
emoticons bilang panukat, lagyan ng tsek (/) kung ano ang iyong nararamdaman sa mga layuning
nakahayag sa ibaba.
BAGO ANG
ARALIN MGA LAYUNIN
MATAPOS ANG
ARALIN
Magagawa kong:
1. Suriin ang kaugnayan ng populasyon ng mga bansa sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon batay sa komposisyon ayon sa
gulang, inaasahang haba ng buhay, at kasarian.
2. Suriin ang epekto ng paglaki ng populasyon at
makapagmungkahi ng mga maaaring maging
solusyon nito para sa pagpapaganda ng kalidad ng
pamumuhay sa Asya.
3. Pahalagahan ang yamang tao ng Asya sa
pamamagitan ng paggawa ng newspaper clippings.
4. Suriin ang kaugnayan ng populasyon ng mga bansa sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon batay sa komposisyon ayon sa
gulang, inaasahang haba ng buhay, at kasarian.
Aralin
4 YAMANG TAO NG ASYA
Pinagkunan: https://travelience.com/blog/why-tokyo/
I-tsek ang emoticon na:
kung sa iyong palagay ay kayang-kaya mo ang inihayag na layunin
kung sa iyong palagay ay wala kang ideya sa aralin na ito.
2 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Ang balangkas sa ibaba ay magiging gabay mo sa pag-aaral sa araling ito.
Ang yamang tao ang pinakamakapangyarihan at pinakamahalagang yaman ng
Asya at maging ng buong mundo. Ang mga Asyano ang tagapaglinang ng mga likas na
yaman ng rehiyon. Kung walang tao, wala ring lakas-paggawa (labor force) na
magtataguyod ng iba’t ibang gawain para sa pagsulong ng Asya. Mahigit kalahati ng
buong populasyon ng mundo ay nasa Asya. Ibig sabihin, ang Asya ang pinakamatao sa
lahat ng kontinente. Kalakasan o kahinaan ba ng Asya ang malaki nitong populasyon?
PICTO-ANALYSIS
Patuloy ang pagdami ng bilang ng tao sa Asya at sa
buong daigdig. Suriin mo ang larawan at sagutan ang mga
pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang larawan?
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
2. Batay sa iyong pagsusuri, anong katanungan ang nabuo sa iyong isipan sa pagsusuri mo sa
larawan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, saan maaaring makuha ang kasagutan sa mga nabuo mong katanungan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
YAMANG TAO
NG ASYA
• Populasyon
• Komposisyon ng Gulang
• Inaasahang Haba ng Buhay
• Kasarian
• Uri ng Hanapbuhay
• Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat
• Migrasyon
Hello Sebastinians! Masaya ako at ikaw ngayon ay nasa huling aralin na
ng modyul na ito.Kaya naman, muli kitang hinahamon na basahin ng maigi
ang mga teksto at sagutin ng maayos ang mga gawaing inilaan para sa iyo.
Simulan mo ito sa Gawain 1. Good luck! 😊
Gawain 4.1 For every 10 people in the
world, 6 are from Asia.
Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/p
in/1829656070495996/
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 3
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
YAMANG TAO NG ASYA Ang yamang tao ng Asya ay tumutukoy sa
talino, kasanayan, abilidad, at lakas ng mga Asyano sa
paglikha ng produkto at serbisyo para sa
kapakinabangan ng rehiyon at ng buong mundo. Sila
ang pangkat ng Asyano na may kasanayan at
kakayahang maghanapbuhay upang mapaunlad ang
sarili, gayundin ang kanilang lipunan.
Ang yamang tao ng Asya ay gumagamit ng
talino, kakayahan, kasanayan, abilidad, at lakas sa paglikha ng produkto at serbisyo. Sa kanila
nakasalalay ang inaasahang maayos na paggamit ng lahat ng likas na yaman upang makamit ang
kaunlaran ng Asya. Ang mga likas na yaman ng rehiyon, kung hindi lilinangin at idadaan sa prosesong
nauukol sa paglikha ng mga produkto at serbisyo, ay hindi magiging kapaki-pakinabang. Kaya naman,
madaling mahihinuha na nagiging mahalagang salik ng produksiyon ang yamang tao ng Asya sapagkat
sila ang gumagamit ng talino ng lakas upang lalo pang mapagyaman, mapaunlad at gawing kapaki-
pakinabang ang mga likas na yaman.
SURI-LARAWAN
Suriin ang mga larawan sa ibaba na bumubuo sa yamang tao ng Asya at pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong.
Mga Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipipakita ng mga larawan?
2. Base sa mga larawan, ano ang implikasyon ng tao sa pagpapaunlad ng isang bansa?
Pinagkunan: http://clinicatajy.com/web/dia-del-trabajador/
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa iyong Lampara
LMS at basahin ang teksto sa Aralin 4 (Yamang Tao ng Asya) o kaya
naman ay panuorin ang video tungkol sa Yamang Tao ng Asya gamit ang
link na https://youtu.be/r2urnSNZGnk Ito ay makatutulong sa iyo ng
malaki sa pagsagot ng mga susunod na gawain.
Gawain 4.2
Pinagkunan: http://clinicatajy.com/web/dia-del-
trabajador/
Pinagkunan: https://news.abs-
cbn.com/video/news/12/02/17/fishing-ban-sa-
tamban-ipinatupad-sa-zamboanga
Pinagkunan:
https://angelicagonzalezblanco.com/federal-
skilled-worker/?lang=en
4 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
3. Ano ang epekto sa ekonomiya ng isang bansa ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga
taong walang trabaho?
4. Ikaw bilang Asyano, paano mo lilinangin ang iyong kakayahan bilang mamamayan ng iyong
bansa upang makatulong sa kaunlaran ng iyong lipunan?
Para sa susunod na Gawain, suriing mabuti ang talahanayan na
nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng populasyon. Ang pagsusuri mo
rito ang siyang magiging batayan mo sa pagsagot sa susunod na Gawain.
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 5
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Talahanayan 1: Katangian ng Populasyon sa Asya
Bansa Populasyon
Gulang Life
Expectancy
Rate
Growth
Rate
Kasarian
0-14 15-65 65+ Babae Lalaki
Afghanistan 28,149,916 43.2 54.4 2.5 44.65 2.47 14,578,682 13,571,234
Armenia 3,082,951 17.4 72.7 9.9 72.96 0.02 1,436,966 1,645,985
Azerbaijan 8,832,172 22.7 71 6.3 76.01 0.81 4,316,716 4,515,456
Bahrain 791,473 20.2 77.2 2.6 75.40 1.24 454,152 337,321
Bangladesh 162,220,762 33.6 61.6 4.8 60.63 1.27 82,032,166 80,188,596
Bhutan 697,335 28.4 65.8 5.8 66.71 1.24 367,331 329,704
Brunei 399,687 25 71.3 3.7 75.96 1.73 206,305 193,382
Cambodia 14,805,358 31.9 64.3 3.8 65.52 1.78 7,244,747 7,560,611
China 1,345,750,973 17.4 73.5 9.1 74.51 0.49 698,405,850 647,345,123
Georgia 4,260,333 15.5 68.4 16.1 76.93 -0.33 2,003,918 2,256,415
India 1,198,003,272 29.3 65.2 5.6 66.46 1.38 618,942,535 579,060,737
Indonesia 229,964,723 27 66.6 6.4 71.05 1.10 114,807,198 115,157,525
Iran 74,195,741 23.9 71.7 5.1 71.43 0.94 37,729,913 36,467,828
Iraq 30,747,296 37.6 59.3 3.1 70.25 2.45 15,545,729 15,201,567
Israel 7,169,556 27.5 62.2 10.3 80.86 1.63 3,555,439 3,614,117
Japan 127,156,225 13.5 62.6 23.9 82.17 -0.24 61,939,779 65,216,446
Jordan 6,316,432 34.9 60.2 4.9 79.92 2.16 3,239,280 3,239,280
Kazakhstan 5,428,200 24.4 68.8 6.7 68.19 0.40 7,447,034 8,189,953
North Korea 6,320,429 22 68.7 9.3 64.13 0.39 11,804,293 12,101,777
South Korea 48,332,820 15.1 7.3 11.9 78.81 0.26 23,931,788 24,401,032
Kuwait 2,985,046 25.1 72.3 2.1 77.89 3.50 1,777,238 1,207,808
Kyrgyzstan 5,482,200 29.6 65.5 4.9 69.74 1.41 2,704,978 2,777,222
Laos 6,320,429 36.1 60.1 3.7 56.96 2.29 3,153,478 3,166,951
Malaysia 27,467,837 29.4 65.5 5.1 73.55 1.70 13,946,639 13,521,198
Maldives 309,430 21.2 65.5 5.1 73.55 1.70 156,260 153,170
Mongolia 2,670,966 27.1 68.9 4 67.98 1.50 1,320,984 1,349,982
Myanmar 50,019,775 27.1 67.8 5.1 64.9 1.75 24,433,683 25,586,092
Nepal 29,330,505 33.5 62 4.4 65.81 1.42 14,567,674 14,762,832
Oman 2,845,415 30.8 66 3.2 73.97 2.00 1,605,162 1,240,253
Pakistan 180,808,096 34.7 61 4.2 65.62 1.51 93,101,700 87,706,396
Philippines 91,983,102 34.3 61.3 4.3 71.38 1.93 46,327,763 45,655,339
Qatar 1,409,423 12.5 86.7 0.8 75.51 0.87 1,062,942 346,481
Singapore 4,736,878 14 78.3 7.8 82.06 0.86 2,380,071 2,356,807
Sri Lanka 20,237,730 24.9 67 8.1 75.30 0.86 9,965,629 10,272,101
Syria 21,906,156 34.6 61.6 3.8 74.46 1.95 11,056,330 10,849,826
Tajikistan 6,952,223 33.7 63 33 65.68 1.85 3,432,263 3,519,960
Thailand 67,764,033 19.5 71 9.5 73.36 0.60 33,327,947 34,436,086
Timor-Leste 1,133,594 43 53.5 3.5 67.61 2.00 577,044 556,550
Turkey 74,815,703 26.2 67.4 6.4 72.23 1.27 37,579,409 37,236294,
Turkmenistan 5,109,881 27.2 68.8 4.1 68.20 1.14 2,517,980 2,591,901
UAE 4,598,600 20.5 78.5 0.9 76.32 3.56 3,093,246 1,505,354
Uzbekistan 27,488,220 25.8 69.5 4.7 72.24 0.94 13,664,259 13,823,961
Vietnam 88,068,900 24.9 69.6 5.5 71.94 1.10 43,498,243 44,570,657
Yemen 23,580,220 42.5 54.9 2.6 63.36 2.71 11,922,786 11,657,434
en.worldstat.info/Asia/List_f_countries_by_Net_migration_rate UN Statistics Division Department of Economic and Social Affairs. “World Population Prospects: The 2008 Revision”
6 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Talahanayan 2: Katangian ng Populasyon sa Asya
Bansa
Bahagdan
ng
Marunong
Bumasa
Bahagdan
ng
MIgrasyon
Unemployment
Rate
GDP Per
Capita
Afghanistan 29.0 3.3 36.0 1,000
Armenia 96.6 -3.8 7.0 5,500
Azerbaijan 99.8 -1.1 6.0 10,300
Bahrain 94.6 16.1 15.0 27,900
Bangladesh 56.8 -1.6 5.0 735
Bhutan 47.0 0 4.0 6,200
Brunei 92.7 2.6 3.7 50,000
Cambodia 73.6 -0.3 1.68 2,200
China 92.2 -0.3 4.1 8,500
Georgia 99.7 -4.1 16.3 5,600
India 74.04 -0.1 3.8 3,700
Indonesia 90.4 -1.2 6.56 4,700
Iran 77.0 -0.1 11.5 13,200
Iraq 78.2 0 18 3,501
Israel 97.1 2.1 7.1 31,282
Japan 99.0 0 4.5 35,200
Jordan 92.6 -14.3 11.9 4,666
Kazakhstan 99.5 -3.3 6.1 13,200
North Korea 99 0 NA 1,800
South Korea 97.9 0 3.7 32,150
Kuwait 93.3 0.7 1.5 62,664
Kyrgyzstan 98.7 -2.6 8.2 2,400
Laos 73.8 -1.2 2.5 2,700
Malaysia 88.7 -0.4 3.0 15,800
Maldives 94.7 -12.6 14.5 6,405
Mongolia 94.6 0 11.7 3,056
Myanmar 89.9 -0.3 5.5 1,310
Nepal 60.3 0.6 NA 619
Oman 81.4 -0.5 24.4 25,221
Pakistan 54.9 -2.2 507 2,800
Philippines 92.6 -1.3 6.9 4,100
Qatar 96.3 -4.9 0.5 92,501
Singapore 92.5 4.6 1.9 60,500
Sri Lanka 90.6 -22 4.2 5,700
Syria 79.6 -11.2 9.2 5,100
Tajikistan 99.7 -1.2 60.0 2,100
Thailand 92.6 0 1.2 9,500
Turkey 94.1 0.5 8.0 10,498
Turkmenistan 98.8 -1.9 70 4,722
UAE 77.9 19.0 4.3 45,653
Uzbekistan 99.3 -2.7 8.0 3.300
Vietnam 94.0 -0.4 2.9 3,400
Yemen 63.91 0 35.0 1,361
data.world.bank.org/indicator/NY.CDP.PCAP.CD www.tradingseconomics.com/mongolia/unemployment
www.arabianbusiness.com/oman_economy_growin g
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 7
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
HIGHEST-LOWEST (DATA ANALYSYS)
Gamit ang dalawang talahanayan sa ibaba, tukuyin kung anong bansa ang may pinakamataas at
pinakamababang bilang pagdating sa iba’t ibang katangian ng populasyon ng Asya.
INDIKASYON HIGHEST LOWEST
Populasyon
Gulang
0-14
15-65
65+
Life Expectancy Rate
Growth Rate
Kasarian Babae
Lalaki
Literacy Rate
Bahagdan ng Migrasyon
Unemployment Rate
GDP Per Capita
PAGSUSURI NG KASO
Suriin ang teksto sa ibaba tungkol sa populasyon ng India at pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong.
Gawain 4.3
Gawain 4.4
Matapos mong suriin ang iba’t ibang indikasyon ng populasyon ng
Asya, subukan mo naman ngayon basahin ang isang kaso ng India tungkol sa
suliraning kinahaharap nito pagdating sa populasyon.Sa pagkakataong ito,
basahin at suriin mo ang kaso ng India.
POPULASYON NG INDIA
Ang India ang pangalawa sa mga bans sa daigdig na may pinakamalaking populasyon na
umaabot ng humigit kumulang na 1.22 bilyon. Pangalawa ito sa China na may humigit kumulang
na 1.35 bilyong populasyon. Sa bilang na ito tinataya na 17.31% nang kabuuang tao sa daigdig
ay naninirahan sa India.
Ilan sa mga pangunahing dahilan ng paglaki ng populasyon ng India ay kahirapan,
relihiyon at kulturam mataas na fertility rate, pagbaba ng mortality, at migrasyon. Ayon sa ABC
News humigit kumulang 33 bata ang isinisilang sa India kada minute, 2,000 bata kada oras, at
umaabot sa 48,000 kada araw. Ang patuloy na paglaki ng populasyon ng India ay nagdudulot ng
pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya nito.
Dahil sa pagdami ng tao mas marami ang naghahati-hati sa pinagkukunang yaman nito.
Ang dating para sa isang tao ngayon ay pinaghahatian na nang dalawa o higit pa. ang
pangyayaring ito ay nagdudulot ng kakapusan sa pagkain, damit, tirahan, gamut, at maging
hanapbuhay. Dahil kapos sa pagkain, maraming kabataan ang malnourish at nagkakasakit na
hindi rin kayang ipagamot dahil sa kakulangan ng gamot, doctor, at ospital sa bansa.
8 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dahilan ng patuloy na paglaki ng populasyon sa India?
2. Nakaaapekto ba ang populasyon sa pamumuhay ng mga tao sa India? Patunayan.
3. Paano nakaaapekto ang populasyon sa kapaligiran ng India?
4. Paano nakaaapekto ang patuloy na paglaki ng populasyon sap ag-unlad ng India?
5. Para sa iyo, ano kaya ang maaari maging solusyon ng problemang ito hindi lamang ng India kundi
pati na rin ang iba pang bansa sa Asya?
Ang India ay isa sa mga bansang papaunlad pa lamang, limitado ang hanapbuhay na
puwedeng pagkakitaan ng tao kaya mataas ang unemployment at underemployment. Dahil sa
kawalan ng hanapbuhay o pagkakaroon ng mababang kita ng mamamayan mas unang
tinutugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya ng pagkain, damit, at tirahan.
Karaniwang hindi napag-uukulan ng pansin ay ang edukasyon. Walang kakayahan ang magulang
na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Kadalasan ay pinatitigil na sap ag-aaral ang
mga anak upang makatulong sa paghahanapbuhay. Dahil konti ang kita ng mamamayan, maliit
din ang kita ng pamahalaan. Hindi ito sumasapat upang matugunan ang mga pangunahing
serbisyong kailangan ng mamamayan. Wala ring sapat na puhunan ang pamahalaan upang
makapagpatayo ng mga imprastraktura gaya ng mga daan, tulay, Paliparan, at iba pa upang
mahikayat ang mamumuhunan sa bansa.
Pinagmulan: https://www.jsk.gov.in/impactof_population_growth.asp https://www1bpt.bridgeport.edu/~darmri/population_explosion.html
Kamusta ang iyong paglalakbay sa aralin? Maligaya ako at nakarating ka sa
bahaging ito. Ngayon, para sa iyong huling misyon, upang subukin ang iyong
mga natutunan sa araling ito, hinahamon kita na sagutan ang mga sumusunod
na gawain at pagsasanay na siyang magpapalalim pa ng iyong pag-unawa.
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 9
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Pagpapalalim
Ngayong alam mo na ang mga dapat mong mabatid tungkol sa yamang tao ng Asya, sumulat ka naman ngayon
ng iyong repleksiyok ukol sa kahalagahan nito. Dugtungan lamang ang mga pangungusap sa loob ng kahon.
Paglalagom
1. Ang mga tao ay mahalaga sa pagtataguyod ng bansa dahil…
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ang aking mga kakayahan bilang tao ay makatutulong sa…
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Batay sa aralin, pinahahalagahan ko ang… dahil…
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Ang kalidad ng yamang tao ay napakahalagang salik sa pag-unlad ng bansa.
Malaki ang gampanin ng mga mamamayan sa paglinang ng kalikasan upang mapalago
ang ekonomiya. Karapat-dapat lamang pagyamanin ang yamang tao dahil sa malaking
papel nito sa kalagyan ng bawat bansa.
Mahalagang tandaan na…
• Ang yamang tao ang pinakamakapangyarihan at pinakamahalagang yaman ng Asya
at maging ng buong mundo.
•Ang yamang tao ay tumutukoy sa talino, kasanayan, abilidad, at lakas ng mga
Asyano sa paglikha ng produkto at serbisyo para sa kapakinabangan ng rehiyon at
ng buong mundo.
•Ginagamit sa pagtataya ng implikasyon ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan
ng isang lugar ang: gulang, kasarian, population growth rate, life expectancy,
literacy rate, unemployment rate, GDP Per capita, at migrasyon.
Sa bahaging ito, matapos mong lakbayin ang buong aralin, hinahamon
kita na muli mong balikan ang mga layunin sa simula at sagutin ang bahagi ng
“Pagkatapos ng Aralin”.
10 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Learning Competency: Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano.
Panuto: Gamit ang link sa ibaba, suriin ang video na pinamagatang “Prehistory”.
Video Link: https://youtu.be/rLFGra2TiTE
Tanong: Paano nakaaapekto ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang
Asyano?
CLAIM OR ANSWER:
EVIDENCE 1:
EVIDENCE 2:
REASONING: Ang mga napili kong ebidensiya ay sumusuporta sa aking pahayag (claim)
dahil…
CLAIM-EVIDENCE-REASONING
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 11
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Engaging Scenario
Maraming lugar pa rin sa Asya ang maituturing na mga isolated areas katulad nalang ng mga
lugar na malapit sa mga ilog, kagubatan, disyerto, isla, at kabundukan. Bilang mga young volunteer
scientist at researchers, ang inyong grupo ay naatasang magpunta sa mga lugar na nabanggit upang
pag-aralan ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Kayo ay magsasagawa ng isang
obserbasyon tungkol sa pamumuhay ng mga tao at kung paano sila umaangkop sa kanilang kapaligiran.
Inaasahan na kayo ay makabubuo ng term paper na nagpapakita ng mga pagkakasunod-sunod na
proseso ng obserbasyong ginawa. Ang inyong output ay isusumite sa mga expert scientist at historians
ng inyong bansa, at ito ay tatayain gamit ang mga pamantayan na: nilalaman, presentasyon,
organisasyon, pagsusuri ng mga datos, at pangangalap ng kaugnay na panitikan.
Gabay sa pagbuo ng Performance Task (Inaasahang Pagganap):
1. Ang inyong klase ay hahatiin sa limang grupo.
2. Ang bawat grupo ay bubunot kung anong uri ng kapaligiran ang kanilang gagawan ng
obserbasyon. Ang mga ito ay ang mga sumsunod:
a) Ilog
b) Kagubatan
c) Disyerto
d) Isla
e) Kabundukan
3. Dahil sa pandemyang ating kinahaharap, ipagpapalagay lamang na kayo ay pupunta sa mga
ganitong uri ng kapaligiran kung kaya’t kayo ay maaaring sumangguni sa internet upang
makakalap ng mga impormasyon na gagamitin sa paggawa ng term paper.
4. Gawan ng obserbasyon ang naitalagang lugar at sundin ang mga sumusunod na proseso:
a) Pahinang Pamagat
b) Maikling Panimula
c) Paglalarawan sa Napiling Uri ng Kapaligiran
d) Paglalarawan sa mga Maaaring Maging Epekto ng Pagbabago sa Kapaligiran
e) Mungkahing Solusyon sa mga Dulot ng Pagbabago sa Kapaligiran
f) Paglalagom at Repleksyon
5. Gawin ang term paper gamit ang mga pamatnubay na katanungan at panuntunan.
a) Paano inaangkop ng tao ang kanilang pamumuhay sa kapaligiran na mayroon sila?
Magbigay ng halimbawa ng mga uri ng pamumuhay na maaaring matagpuan sa uri ng
kapaligiran na naiatas sa inyo.
b) Anu-ano ang mga posibleng maging problema ng mga pamayanan na matatagpuan sa
mga ganitong uri ng kapaligiran?
c) Anu-ano ang mga mungkahing solusyon sa mga posibleng problema ng pamayanan na
may ganitong uri ng kapaligiran? Paano ito makatutulong sa pamumuhay ng mga tao?
d) Ano ang bahaging ginagampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng isang
kabihasnan?
PANAPOS NA GAWAIN
Layunin mo sa bahaging ito ang mailipat sa totoong sitwasyon ang
iyong mga natutunan. Sundan mo sa susunod na Gawain kung paano
maisasagawa ang pinakamahalagang Gawain sa araling ito.
12 | P a g e A R A L I N G P A N L I P U N A N 8 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r )
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
RUBRIC PARA SA OUTPUT
Pamantayan Napakahusay
(4)
Mahusay
(3)
Nalilinang
(2)
Nagsisimula
(1)
Nilalaman
Wasto ang lahat ng
impormasyon.
Nagdagdag ng mga
impormasyon na
makatutulong sa mga
mambabasa/manunuod
upang higit na lumawak
ang kanilang kaalaman.
Wasto ang lahat ng
impormasyon.
Naipahayag ang
mga kailangang
kaalaman tungkol
sa paksa.
May ilang maling
impormasyon.
Naipahayag ang
mga kailangang
kaalaman tungkol
sa paksa.
Maraming maling
impormasyon.
Hindi naipahayag
ang kailangang
kaalaman tungkol
sa paksa.
Presentasyon
Maayos ang presentasyon
ng mga nilalaman at mga
datos. Naipapakita ang
kahusayan at kaalaman
tungkol sa naturang
paksa.
Maayos ang
presentasyon ng
mga nilalaman at
mga datos.
Naipakita ang
kaugnayan sa
paksa.
Hindi gaanong
maayos ang
presentasyon ng
mga nilalaman at
mga datos. Hindi
gaanong naipakita
ang ugnayan nito
sa paksa.
Hindi maayos
ang presentasyon
ng mga nilalaman
at mga datos.
Hindi naipakita
ang ugnayan nito
sa paksa.
Organisasyon
May kaisahan at maayos
na nailahad ang mga
impormasyon nang
naaayon sa makatwirang
paraan.
Inilahad ang mga
impormasyon nang
naaayon sa
makatwirang
paraan.
Ang mga
impormasyon ay
pabago-bago ang
pamamaraan ng
paglalahad.
Walang malinaw
na ayos ang mga
nilahad na
impormasyon.
Pagsusuri ng
mga Datos
Naipapakita ang
kahusayan sa pagsusuri
ng mga nakalap na datos
sa pamamagitan ng pag-
uugnay-ugnay bawat isa.
Ang mga datos na
nakalap ay nasuri
nang maayos.
Inilahad ang mga
datos ngunit
walang
pagsusuring
ginawa.
Walang datos na
nakalap at walang
pagsusuring
ginawa.
Pangangalap
ng mga
Kaugnay na
Panitikan *para sa Science lamang
Binanggit ang mga may-
akda sa mga
pangungusap na ginamit
sa term paper.
Gumamit ang mga bata
ng isang batayang pormat
sa pagsusulat ng
sanggunian at mga sipi.
Nilista ang mga
sanggunian sa
tamang ayos.
Nilista ang mga
sanggunian ngunit
hindi sinunod ang
tamang ayos.
Hindi naglista ng
mga sanggunian
at mga sipi.
Mga Sanggunian
Abejo, R. G., Jose, M. d., Reguindin, J. S., Ong, J. A., & Mallari, A. T. (2017). Kasaysayan ng Asya.
(P. Camagay, Ed.) Quezon City, NCR, Philippines: Vibal Group, Inc.
Blando, R. C., Sebastian, A. A., Espiritu, A. C., Golveque, E. C., Jamora, A. M., Capua, R. R., . . .
Mariano, R. R. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Pasig City:
Enduresources Publishing, Inc.
Francisco, V. J. (2016). Araling Asyano. (R. R. Villamor, Ed.) Quezon City, NCR, Philippines: The
Library.
Trainers, P. E. (2016). Learning Module: Heograpiya ng Asya. Makati City: Private Education
Assisstance Committee (PEAC).
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 - M o d u l e 1 ( 1 s t Q u a r t e r ) P a g e | 13
San Sebastian School, Inc.
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Pangalan:____________________________ Date:________________
Baitang/Seksiyon:_____________________ Nakuha:______________
(Aralin 4)
A. Suriin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Kung tama, lagyan ng tsek (✓) ang patlang.
Kung mali, salungguhitan ang salita o pariralang nagpamali at isulat ang tamang sagot.
________________1. Ang batang populasyon ay binubuo ng mga Asyanong 0-14 na taong gulang na
umaasa sa iba para matugunan ang pangangailangan.
________________2. Ang Hapon ang may pinakamaraming bilang ng matandang populasyon sa
Asya.
________________3. Ayon sa World Health Organization, mas mahaba ang buhay ng kababaihan
kaysa kalalakihan.
________________4. Ang Korea, Singapore, Qatar, Bahrain, at United Arab Emirates ay may
mababang life expectancy dahil sa mauunlad na ekonomiya at mahuhusay na serbisyong medikal ng
mga ito.
________________5. Ang bansang may malaking bahagi ng gitnang populasyon ay maaaring
maging malakas at matatag ang yamang tao at lakas-paggawa.
B. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Sa kasalukuyang sitwasyon, maituturing bang kalakasan o kahinaan ng Asya ang mahigit sa 4.5 bilyong
Asyano?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Summative Assessment