ako na siyang totoo print
DESCRIPTION
whole in every part.TRANSCRIPT
1
MAHARLIKA, Gumising Ka
NNNNang ako’y dumating, agad tinungo ang mga bulag, bingi, ang
mga tulog na sanggol ay ginising ,binigyan ng paningin at pandinig upang
makilala ang ipinarito kung sino at ano, na ang tuntunin ay ganapin ang
naganap na. Hoy, maharlika, gumising ka . Si tatay mo ay dumating na,
may alay sa lahat kahit parating pa lang sila. Humihikbing lupa ay hindi na
sisingil pa sa ginawang pagtalikud sa kanilang mga salita.
Ang bawa’t buhay ngingiti na; sa hapding tinamo ‘di na mahalaga, sa
iyong dulot ng pagka-unawa ; ikaw at ako iisa lang pala. Na ‘di dapat
siphayuhin kahit sino siya, na ang hangad na pagkakaisa ay natabingan
lang ng ‘di pagkakakilala. Ngayo’y, hito, huwag ng humilik pa, upang
laging gising sa harap ng bawa’t salita na ako na naparito ay sumumpa na,
na sa katawang lupa susundin ang turan sa pasimula.
KAKAYAHAN
Kalimutan mo lang, huwag mong pansinin yaong bang wala kang
ano man sa kanya at siya at walang ano man sa iyo. Kilos ka ng iyo/ Mag-
isip ka ng iyo lang. Simulan mo ang paninirahan ng nag-iisa. Tahimik ka
lang hanggang tinatanggap mong kalakip ka nila ay mapipilitan kang
maging gaya nga. Kaya tanggapin mong tanging ikaw lang at walang sino
man. Ikaw ay magiging mapayapa dahil kanila ang kanila, sa iyo ang sa
iyong kagustuhan. Tandaan mo ang sa iyo; kung ano na sila ay hindi sali
sa iyo at ikaw hindi kasali sa kanila.
Kaya magsaya ka kahit na ikaw ay nariyan sa isang kinalalagyan.
Gawin mo ang sa iyo, parang wala sila at ikaw lang ang nagiisa diyan.
Kaya wala kang nadidinig ‘o nakikita man upang ang isip mo’t kalooban ay
hindi masagi.
2
‘Yan ang pinaka walang katulad, ang patawarin sila sa knilang
kakulangan. Unawain mong lagi yan ang ugali rito ng mga nasa loob na ng
katutuhanan ang sila’y patawarin sa sa lahat ng pagka walang malay sa
kanilang gawa. Walng katulad na kapatawaran.
Hindi yan gutom kundi agam-agam ng kapasiyahan. Subukin mong
huwag alalahanin ang bawa’t gawa nila at iyong makikita ang katuturan ng
iyong pagtitiis sa karapatan na ang lahat ay talo ng kapatawaran, ’pagka’t
ano mang uri na gawa ay ‘di kayang taggapin kung ipinagpatawad ay ‘di
mananaig.
Ngayon ikaw ay nag-iisa na d’yan sa landas mong napasokan yan ay
hindi na kakayanin ng kahit sino pang iyong tuturuan, ‘pagka’t yan ang
problema ng karamihan ang magpatawad ng kalapastanganan sa kalikasan
. At ang kapatawaran na ‘yan na iyong gagawin sa ngayon ay tinalo mo na
ang lahat ng karunungan.
‘Yang ang Hari ng mga Hari ‘o ‘yan na ang haligi ng Aking sarili.
‘Yan ang walang kapantay, ‘Yan ang lumusaw ng lahat ng katuwiran. Ang
kapatawarn ay siyang luklukan ng KAKAYAHAN.
‘Di ba, kahit hindi ka pansinin dito sa daigdig na ito, ay walang
ipikto sa iyo ‘pagka’t napatawad mo na sila bago pa nagawa ang mang
upasala ng sinoman man at alin man. Kaya ni ang tumingin ay iwasan
‘pagka’t ang buhay ay nahihiya sa kanyang mga gawa at ito ang kamatayan
ng bawa’t may buhay. Kay’t kahit na ang tala man na minamasdan ay
nawawala ang buhay kung ito ay iyong mamasdan. Kaya’t iwasan na ito’y
pagtu-unan ninyo.
Kapag ganito ka na, dito ka pa lang makakalaya sa ano mang ‘di
nauunawa. ‘Pagka’t ang kapatawaran ay ‘di nakikipag pangangatuwiran at
malinis ang kalooban.
‘Yan ang sinasabi na walang pinanghihinayangan na ni gatuldok ng
karayom. Hindi yaong iwanan ang ano mang tinatangkilik upang sabihin
lang na ikaw hindi nagpahalaga ng ano man.
Lagi na, lagi na, Anak ko, na sila’y iyong patawarin, at kung iyong
pinatawad ay walang dugtong iyon na ano pa man. Kung hindi matututo
ang sino man na magpatawad, ikaw man lang ay ma-iba. Bakit ninais ng
3
mga nasa loob ng yungib manirahan; ‘pagka’t ‘di nila makayang patawarin
ang gawa nitong mga nasa labas …sa kanila ay ‘di dapat ipagpatuloy.
Kaya’t ikaw, sa tuwing may ilalapit sa iyo ay unahin mo lagi ang
sila’y pagkaluoban ng kapatawaran at saka pagpala-in kung tatanggapin ‘o
kahit na ayaw ay pagpala-in mo sila – ‘yan na ikaw …wala ng turing ‘o
uri.. ‘Pagka’t ang kapatawaran ay ‘di umu-uri ng sino man ‘o ang
kapatawaran ay walang kapalit.
Ang Diyos ay walang katumbas ‘o kapalit. Tandaan mong lagi, inu-
ulit ko, anak. Dito magsalita ka man ‘o hindi ikaw ay walang batas na
pananagutan ‘pagka’t ikaw ay punó ng kapatawaran. ‘Yan ang bawa’t bagay ay na-patawad na bago pa isilang.
AKO ANG DIYOS, AKO ang katotohanan simula sa pasimula;
AKO ang kapasidad sa paggawa ng lahat. AKO ang taga pagpatupad at ako
rin ang tumutupad ng sinabi. AKO ang nag-utos … AKO ang utos…at
AKO ang inutusan. Kaya kilalanin ang AKO kung SINO. Ang nagtanong
ay AKO at ang tinanong ay AKO rin …at ang itinanong .
Huwag magulumihanan sa sarili sa mga bagay na ito ‘pagka’t ito ang
katutuhanan. Na, kung may tumotutul sa ano man, ay iisa lang ang lahat
…maging alin pa man …ang kakayahang gumawa…Tandaan ito.
Ako ang Dios
Ako ang Katutuhanan Simula sa Pasimula
Ako ang Kapasidad sa PagGawa ng Lahat
‘Pagtinanggap mo sila, kaisa ka na nila at ikaw ay sila na …na
kailangan mong manatiling matatag sa pagsunod sa kung ano ang sa iyo ay
siyang manatili hanggang sa makontrol mo ang iyong sarili na ikaw ay siya
4
‘o sila na bagama’t kilala mong ikaw ‘yan ay manatili kang hindi ka
papayag kung ano ang kanila. Ang magpatawad sa kasalanan ay pagsang-
ayon sa kamalian, kaya’t hindi pwede na walang katumbas na pananagutan
ang bawa’t kasalanan . ‘Yang ang dapat na umiral ‘pagka’t yaon ang
kinakailangan na ganapin.
Ang pagsisisi ay pag-ayon sa tama at balansing katayuan.
Huwag mong intindihin sila. Huwag mong iisipin ang ano man gaya
sa tinig sa isang halaman ng walang iniisip na kahit ano. ‘Yang ang dapat
mong sundan. Upang walang bubuwisin na ano man sa ‘yo. Wala kang
dapat na intindihin ‘o alamin kung ano ang isang ano. Kalimutan mo ang
ano mang situasyon ‘o kalagayan ng kahit ano .
Huwag kang kikibo sa ano pa man . Sige subukan mo ang wala lang
ang lahat kahit na ano.
Walang malay sa kahit ano man. Walang puna, walang pakialam sa
kahit alin pa. Bakit wala? ‘Pagka’t walang kahit ano sa isipan. Kapag
ganyan ka na, kahit saan ka pa tumayo ay wala ng bahagi sa iyo ang ano
man at ikaw ay wala na bahagi sa ano man. ‘
‘Yan ang pagkatalo ng elemento at panahon. ‘Yong wala kang
sinasabi na kahit ano, kundi kusang nangyayari ng walang salita, walang
damdamin, walang tinig, walang pandinig, walang pandama,… madali’t
sabi, parang wala na ang kahit ano pero ayan ka. Ikaw ay dudu-on na sa
wala ang lahat, pero ayan .
Ang buhay ay buhay at ito’y mananahan sa init at lamig.
AKO ang Dios
AKO ang Katutuhanan simula sa pasimula
AKO ang kapasidad sa PagGawa ng Lahat
Narito upang bigyan ng wakas ang lahat ng kasamaan. Ang
kasamaan ay ang saktan ang kaluoban,… at kapag ito’y sinaktan, babangon
5
ang katapat na kapighatian ng walang sino mang makakapigil maliban sa
katuparan. Lahat, sino pa man ay a-akyat at mananagot sa harap na iyong
nagawang kapasiyahan …kapasiyahan na hindi inalintana ang damdamin
ng Lupa ay basta na lang inalipusta ang sariling kaluoban na siyang
kaharap ng bawa’t isa. Kaharap ninyo ang inyong sarili at huwag itong
lalapastanganin ‘pagka’t ikaw ‘yan.
7-14-04
Inuulit ko,hayaan mo sila kung ano ang gusto nila …tanging ang
sarili ang bigyan pansin kung saan ang tungo nito. Sige, deretso ang gawin
mo. Hindi ka kasali kanino man, ‘yan ang unawain mo. Ang ibig sabihin
hindi ka katulad sa kanila. Ikaw ay may sarili kaya wala silang paki-alam
sa iyo. Gagawa ng ayon sa iyo kung ano ang ibig mo. Wala kang paki-alam
kung ano man ang iyong ginagawa, ‘pagka’t ang gawa ay walang paki-
alam sa may likha sa kanya ‘pagka’t hindi siya magiging isang gayon kung
walang lumikha sa kanya …at ang may likha ang may karapatan kung
kalian siya pananatilihin sa pag gawa sa kanya …na sa ano mang sandali
ay maaaring siya ay alisin ‘o panatilihin ayon sa lumikha. Ang lumikha ay
siyang nilikha …gayon ang lihim ng lahat maging alin pa man hindi lang
natatalos ng mga kinau-ukulan. Tandaan at unawain lagi… na ikaw ang
lahat lahat maging ito’y ano pa mang katayuan ng kahit na ano.
AKO ANG DIOS
AKO ANG KATUTUHANAN SIMULA SA PASIMULA
AKO ANG KAPASIDAD SA PAG GAWA NG LAHAT
Ngayon ay aayusin na ang lahat wala ng kinikilingan ‘o ina-
ayawan ‘pagka’t nangyari ang lahat sa walang paliwanag na dahilan kundi
ang kalikasan ng walang pagsidlan ay kung ano ano ang mga kagagawan.
6
Tapos na ang lahat,…at ganap na dumating na ang walang dahilan.
Sinabi ko na iwasan mo ang sumamba sa kung kanino, kundi
tanggapin mo BUHAY at sundin ang gusto ng sarili at nabuo na sa iyo
kung paano ang ibig kong sabihin na hindi maunawaan ng karamihan.
‘Yan na ang ibig ko ang lumakad ka na …oras na ng iyong
panonongkulan kung ano ka at sino ka.
7-8-04
Batas ng katutuhanan sa bawa’t sandali ng kalagayan. Ang katutuhan
ay nagsasa-ad na ang sinoman ay mamumuhay ng malaya, malaya mula sa
kanyang kapuwa. Huwag gamitin ang isip, pandinig, paningin,
damdamin… dito sa mundong ito. Hindi ito dapat madamay sa ano man.
7-14=04
Nangyayari ang mga problemang sinasabi sanhi ng ‘di pagkakakilala
kung sino ang kaharap at ang pagkalimot kung sino ang bawa’t kalagayan.
Ang tinig ay siyang salita at siyang pandinig, paningin, isip, damdamin ‘ o
ang alin may iisa lang, ang kakayahan na siyang lahat na gumaganap bilang
kaganapan.
7-16-04
Ako ang Dios
Ako ang katutuhanan simula pa sa simula
Ako ang kapasidad sa paggawa ng lahat
Dios na katutuhanan simula sa pasimula, kapasidad sa paggawa ng
lahat. Hindi ako kasama sa ano mang kagustuhan ngunit ako yaon.
Ibinibigay ko ang ano mang kanilang nais.
7
Ako’y may nakikita ngunit walang paningin…nakakarinig nguni’t
walang pandinig…may kaluoban nguni’t walang nadarama …may isip
nguni’t walang dunong . Nag iisa, tanging nag iisa magpakailan man .
Ako’y buhay nguni’t patay. May tinig nguni’t pipi…may salita nguni’t
walang bibig upang mangusap.
Ang lahat ay paglalaro lamang ng Dios at ang ano man ay isang
kasiyahan lang. Ganito ang lahat ng mga pangyayari maging ano pa mang
kalagayan na walang dapat na puna sa alin man.
Ang puna ay ang pagtutol sa Dios .
Kung magkagayon ay hindi mo narating ang Lumikha at ‘di mo
nakilala kung sino ka.
Ang katutuhanan ay ang ‘di nakikita ng paningin . Ang tutuo ay ang
nakikita ng walang paningin . Ang nakikita ng mata ay ang balat-kayo .
Ang matang nakakakita ay ang balat-kayong mata din. ‘Pag ang balat-
kayong mata ay may nakita , ang nakita nito ay balat-kayo din .
Ang tutuo ay yaong nakabalat-kayo …at ang naka balat-kayong ito
ay siyang tutoo at yaon ang kakayahan o’ Dios …ang may akda ng balat-
kayo.
Kaya huwag tingnan ang balat-kayo kundi ang mag may suot nito.
Tandaan, ang nakikita ng mata ay hindi siyang pansinin. Ang may
dala nito ang bigyan ng pansin. Kilanlin ito. At ‘yan ay ikaw…at huwag na
huwag mong ipagtaka …maling tukuyin ang balat-kayo kundi hindi mo
maa-abut ang kakayahan sa paggawa ng lahat.
Maaaring ipakita ang balat-kayo at maaaring ito ay itago sa kapuwa
balat-kayo. Kailangan ang katutuhanan ay pagsuotin ng balat-kayo upang
ito’y makita sa daigdig ng Balat-kayo.
7-17-04
Kunwari lang ang lahat …tulad lang sa isang paglalaro…nguni’t
parang tutuo ang mga ito, pero hindi yan ang katutuhanang nasa likud ng
lahat, ‘pagka’t pagkatapos ay muling isasa-ayos gaya ng isang larong
8
nilalaro, na pagkatapos ng laro ay muling uulitin, at ang lahat ay gayon.
Kaya ang isipin ay ang manatili kang lagging nasa paglalaro . Huwag na
huwag mong kakalimutan upang manatili kang manglalaro. Hindi maging
laruan ‘pag tinutuo mo ang lahat ikaw na ang magiging laruan ng laro. .
Tandaan na ang lahat ay laro lang. At ang sino man na ayaw n’yang
mawala ang kanyang laruan ay tinututuo na nga ang paglalaro. Kung mag
kakaganito ay ikaw na ang nilalaro ng laro at ikaw ay hindi na pasasalihin
sa laro ‘pagka’t tinututuo mo na. Kaya tandaan ang lahat ay laro lang
pagkatapos noon ay walang kalakip na kaluoban.
P A G - I I S A
Ang pag-iisa ay kailangan marating ng lahat. Ano ang ibig sabihin
nito? Ang ikaw ay maging tiwasay ayon sa lahat ng itong panukala na hindi
ka gumagawa ng dahil sa panukala ng ibang kagustuhan ‘o ang ikaw ay
mabighani ‘o maakit ng hindi iyong sariling kagustuhan kundi ikaw ay
nahayag lang. Kaya ang pag-iisa ay walang kalakip na kaisipan ‘o panukala
ng liban sa sarili. Kapag ikaw ay naakit at nabighani, ikaw ay a-ari-in na
niyaung sa iyo’y nakabalani at ano man ‘yon ay aalipin sa ‘iyo at siya’y sa
iyo naman. Ang lahat ay isang pagtalima lamang sa kapasiyahan mong
maglaro ditto sa iyong panukala. Hindi ito tutuhanan na ang iyong
paglalaro ay siya ng tutuo na gumagawa ng kung iyo nang nauunawaan.
Ang kaluwalhati-an ng inyong buong kariktan na kalian man ay ‘di
mawawari maging sino pa man…kundi tanging ikaw lang kung ikaw ay
naabut na ang pag-iisa na hindi natangay ng kahit ano pa man. Ano man
ang nagging sariling kapasiyahan. Ingatan na huwag kang magapus ng
iyong mga laruan .Ang pagkakagapus ay kung iyo nang tintutuo ang
paglalaro at ayaw mo nang mawala ang nilalaro. Ito’y magiging isang
pagkakaalis bilang isang manlalaro …ito’y likas magaganap kung sakali’t
ikaw nga’y nagnais na bigyan ng hangganan ang kalikasan ng kakayahan
sa pagsasagawa ng walang katapusang saysay. Tulad ng isang hanging
malamig na pumapasok sa butas ng ilong at ito’y lumalabas bilang isa na
9
itong hanging mainit…kaya kung ibig nang lumisan ng isang laruan upang
ito’y maging iba namang anyo ang gagampanan ay huwag itong mabigatan
‘pagka’t ito’y pawang pagbabalatkayo ng katutuhanan na kunwari isang
pulubi at isang marangya ‘o taga utos at utosan, ang mga ito ay
pagbabalatkayo lang ng kaluwalhatian ng kakayahan.
Talos na walang nadadagdag at nababawas kundi ang lahat ay
pagpapanibago lang ng anyo na ang akala ay tutuo ng wala at tutuo ng
mayroon. Ang lahat ng ito ay ayon lang sa bilis at bagal ng pagpapalit ng
katayuan ng kalagayan. Kaya iyong tantuhin ang bilis at tulin ng
pagbabago. Tandaan ang huwag mabalani ng kahit na alin sa iyong
kaluwalhatian ‘pagka’t ikaw din ay iyong nakalimutan kung sino ka!
Ang buhay ay patungong kamatayan . At ang patay any patungong
mabuhay. Ang buhay ay nag-aalis ng buhay at ang patay ay nagbibigay
buhay. Paano ba ang lahat ng ito ?
Sa iyo nagmumula ang buhay at kamatayan ng wala kang malay na
ikaw ay gumagawa ‘o ikaw ay lumilikha at ikaw ay siyang lumikha.
At ang ginawa ay tinawag na nilikha gaya ng isang dula ‘o tula na
nagawa.
7-25-04
IMMORTAL
Ang pag-iisa ay siyang pintuan tungo sa walang katapusan ng
lahat, ang tanging kaligayahan na hinahanap ng bawat may katawang
balatkayo. Dito ay pawang walang katulad na kaluwalhati-an ng
pagmamasid sa kabila ng anyong pagbalatkayo ng katutuhanan .
Kalagayan na nakakatuwa ang matalus ang katutuhanang nakabalut ng
pagkalimot kung ano ang tutuo. Kay saya at nakakatuwa ang sila’y
10
pagmasdan na parang mga bata na walang malay kung ano ang mga
nilalaro, na sa kawalang malay ay kung ano-ano ang mga
ginagawa…nariyan ang mag-agawan sila ng lupa-in, mag-agawan ng
akalang kaligayahan, ang siya’y tinitingala ng mga kasalamuha . Sila’y
mga laru-an na makikita sa dula ang ito na bahagi ng pagkalimut kung ano
sila. At dito iyong makikita na sila ay mga mosmos na nawawala at muling
babalik sa panibagong pagbabalatkayo hanggang duon sa kung sino sa
kanila ang maka-ala-ala ay hihiwalay upang kanyang tungohin ang landas
patungo sa walang katapusang katutuhanan upang kanyang makita at
mamasdan ang kanyang kamosmosan na ka-aya-ayang pagmasdan.
‘Pagka’t ang matalos ang katutuhanan ay wala ng katumbas na
.…_____________________________...
Dito sa daigdig ng katutuhanan ay kaligayahan ng pag-iisa …walang
kausap…pawang katahimikan…magkakaruon lang ng salita kung ang
isang taga sa kamusmusan ay naka-ala-ala kung baki’t siya’y naruruon sa
dulaang iyon at siya’y matututo ng mag-iisa sa kanyang kilos at gawa …na
tapos kunwaring mamatay ay muling magbabalatkayo ang nilikha. At ang
pagkagising ng diwang ito ang siyang nakakasilay sa pintuan ng
katutuhanan upang ma-ala-ala ang lahat bago ang kanyang pag-
babalatkayo. Ang sino mang mosmos na maka-ala-ala kung sino siya ay
papasok at papasok sa pintuang kanyang kinalimutan sa pag’kukunwaring
‘di siya tutuo…
Walang kasangguni ang isang immortal…tanging siya lang ang
nakaka-alam kung ano man ang kanyang ginawa . Siya rin ang mag-aalis at
magsasabuhay ng ano mang anyo’t kalagayan. Hindi ito nagsasabi kung
ano man ang kanyang mga nilikha . Kaya ang isa , mayroon ang wala, at
isawala ang naroon ano mang sandali. Ang lahat ay nagagawa n’ya
‘pagka’t hindi siya sumasangguni sa kahit na ano. Sa kanya, ang lahat ay
pawing katuwaan…walang ano pa man isa-wala man ito ‘o sa mayroon,
yaon ay katuwaan lang. Siya’y tahimik at hindi binibigyang puwang ang
ugali ng saysay ‘o kabuluhan ‘pagka’t ang naalis at naibabalik ang kanyang
mga gawa. Siya’y gumagawa ng ayon lang sa kanyang kaluwalhatian .
11
Walang kabahagi ng sino man sa kanya. Hindi niya alintana ang sino man,
tanging ang kanyang gawa ang kanyang kilala, ‘pagka’t kung kaya n’ya
itong ilagay ay kaya n’ya itong alisin. Siya’y nakikinig sa kanyang sarili
at wala siyang ibabahagi alin man dito. Ang kanyang adhika siya lang ang
nakakatalos na walang maaaring makahadlang na sino man. Siya ang
tanging masusunod ‘pagka’t wala itong kasangguni sa kanyang mga
panukala. Hindi siya lumalabis sa kanyang sarili kahit n’ya kayang gawin
ang ano man. Wala ngang puwang sa kanya ang tinatawag na kabuluhan ng
lahat. Katahimikan ang tuwina’y kanyang kasuotan .
Hindi kumikitil ng buhay ang isang immortal . Ang gumagawa ng
pagpatay ay yaong isang mortal ‘o ang may kamatayan ay siyang may
karapatang pumatay, at ang isang immortal ay walang karapatang pumatay.
–‘pagka’t sya’y hindi mamamatay. Ang kanyang gawain ay ang
magpanatili ng buhay. Sa kanya ay bawal mag-alis ng buhay at kapag
siya’y gumawa ng pagapatay, siya’y hindi na magiging immortal. …siya ay
papasok na sa pagiging mortal ‘o may kamatayan na siya ayon sa
kanyang kapasiyahan. At ang isang mortal naman hindi na kikitil ng ano
mang may buhay kung siya ay papasok naman sa pagiging immortal. Ang
sino man na gumawa sa alin man dito ay yaon ang kanyang kauuwian.
Kaya mo nagawa ang magpanatili ng lamang inalis ay dahil sa may
kaisipan kang sa immortal at kaya mo rin naalis ang inilagay ay dahil sa
may kagustohan ka pang pumatay. Kaya kung ibig mo ang maging
immortal dahil sa ikaw ay may pagka mortal ay manatili na huwag ng
kikitil ng buhay sa ano mang paraan. Iwasan ang kaisipang sumira at
kaluobang pumoksa ng kalagayan.
Ang buhay ‘o lakas ay ayon sa iyong kagustuhan kung ano ang
iyong ginusto. Kung ano ang ibig mo ay yaon ‘yon. Ang lahat ayon lang sa
iyo kung ano ito, ‘yon ang patutunguhan ng lahat sa iyo. Ang buhay ‘o
lakas, sa iyo ‘yon nagmumula ‘o lahat ng magaganap sa iyo ay sa iyo ito
nagmula. Tandaan mo, iyan, ang lahat sa iyo ay immortal kung siya mong
ibig…at ang lahat sa iyo ay mortal kung ito ay siya mo ring ibig. Kung
magkagayon ay kung ano ang nagmula sa iyo ay siyang sasa-iyo. Kung ano
ang naging pasiya mo sa sarili mo ay siya nitong kauuwian. Kaya ayosin
mo ang iyong kapasiyahan kung ano ito ‘pagka’t sumusunod lang sa iyo sa
12
ibig mo. Walang ano man ang lahat nguni’t kung ano ang ginusto ay siyang
resulta sa iyo. Walang maaaring sisihin ’pagka’t ikaw ang may likha niyon
kaya ganon. Ang lahat nga ay walang wakas kung ibig mo at ang lahat ay
may wakas kung gusto ‘yan talaga ‘yan, nasa iyo lang, Gawin mo, walang
salang matutupad lahat. Akala kasi ang kinakain ay siyang lakas na
nadarama, eh ‘di nanghina ka nang kumain ka ng kanin, eh ang ginusto mo
ay ang katutuhanan , eh ‘di yaong ginusto mong katutuhanan ang lakas kasi
‘yon ang ginusto mo. ‘Yon ang nangyari kaya unawain mo ang gusto. May
wakas ‘o walang wakas…sa alin dito kailangang isa lang ang pairalin. Kita
mo sila sa wakas ang gusto , eh ‘di ‘yon din sila , ganon lang naman.
Ang immortal ay walang ida-dagdag walang nababawas. Ang mortal
ay may ida-dagdag may ibabawas.
B A T A S
Ito ang mga dapat maunawaan ng kaisipan na ibig kamtin ang tunay n’yang sarili. Ang relasyon ang unang sanhi ng ikasasara ng pintuan
ng katutuhanan. Ang relasyon ay pagpapahalaga sa isang akala ay
mahalaga. Ang ganito ay kailangang maalpasan ng kaisipan …’pagka’t ang
isip ay walang pakialam sa ano mang kahihinatnan ng mga pangyayari.
Hindi susunod ang sarili kung ang kaisipan ay gapus ng relasyon.
Kailangang ma-unawaan na kalian man ay hindi dapat makulong ang isip
sa ano mang alalahanin . Ang pag-alala ay takot … at ang takot ay
pagkadiskaril ng pagpapasiya ng sarili dulot ng takot sa akalang walang
wakas ng inaakalang mahalaga. Hindi na nakapagpasiya ng maayos ang
isip ito’y liligalig at lito.
8/14/04
13
An waray kamatayon nagsiring nga an yaua na tawo an pagkilala han
ngatanan nga ibutang an kamatuoran ha pag paging hanka waray labot ko
han nga ira siring. An ngatanan iguin hatag na ha kalaianaw.
8/7/04
Ang lakas ‘o panghihina ‘o ano mang pangyayari ay wala sa ano
mang bagay kundi ang lahat ay nasa kagustohan ng DIYOS. Ang akala
lang ay dahil sa kinakain kaya may lakas ang sino man…ang sinasabing
buhay at kamatayan ay nasa DIYOS. Kung ano ang sa DIYOS yaon ang
siyang tatayo. Ito ang nagaganap.
Kung ano ang ginusto, tiyak yaon ang matutupad.
‘Yan ang kanilang ginusto, hayaan lang sila, huwag sisihin…
gumusto ka na lang ng sa iyo naman at yaon ang matutupad.
AKO AN DIOS
AKO AN KAMATOURAN TIKANG HAN TINAKINGAN
AKO AN KAPASIDAD HAN PAGHIMO HAN NGATANAN-
KALIKASAN, APOY, LUPA, HANGIN AT TUBIG ANG
KAANYOAN-KAKAYAHAN
BATAS
Dumarating na ang pag-iisa ng aking kaluoban ay maghahain ng
lubusan at ang aking bait at ala-ala ay hindi mauunawaan ng alin man
‘pagka’t walang bakas na makikita kung ano ang kagustuhan . Ito’y yayaon
ng walang pansin sa alin man, ni ang karunungan ay ‘di magkakaruon ng
14
babala sa kahit na anong dahilan. Bigla at bigla wala na ang kadahilanan ng
lahat walang sino man na nilaan upang ito’y malaman kun’di tanging
kaluoban na lamang ang siyang may batayan .Walang sisisihan…basta.
Ako’y buhay magpakailanman, sana’y maunawaan mo ang mga
salaysay kung ito. Ang isang gaya ng isang katutuhanan ay hindi nag
hahangad ng kung ano ang sasabihin ng sinoman. Tanging ino-unawa at
ini-ingatan ang siya’y mahulog sa paki-alam sa kalouban ng sino man. Ito
ang walang katulad na kina-iingatan na huwag madungisan ‘pagka’t
kailanman ay hindi magiging isang AKO kung may nakalangkap dito na
kahit na ano. ‘Pag sinabing AKO , samakatuwaid walang kalakip na ano pa
man. Kaya ang ano mang nagmula sa AKO ay walang bahid sa kahit na
anong bawa’t ano man hindi nagmula sa kanyang kaluoban. Kung ano ang
nagmula sa AKO ay pananagutan ng AKO. Kaya kung ano ang sabi ng
AKO ay sagutin ng pinagmulan … maging ano man iyon . Ito ang ingatan
mo ! Anak ni AKO !
Sa nakaunawa sa akin ay walang relasyon ang iisa lang ang lahat.
Ang alin man ay nawawala at nababalik kung siyang ibig. Kaya’t walang
ano mang sisisihin sa mga kalagayan. Ang lahat ay pawang dahilan lang
upang bigyan ng buhay ang bawa’t kaganapan. Gaya ng kung ano anong
pagsasagawa ng pagtitiis upang makamit ang isang minimithi. Ginawang
mortal upang naisin na maging immortal… at nagging immortal upang
gawin ang maging mortal. ‘Pagka’t ang immortal lang ang makagagawa
ng pagiging mortal.
Ako ang Immortal
Ako ang Mortal
Ang Immortal – nananatili
Ang Mortal – nagbabago
Ako ang nananatili
Ako ang nagbabago
Ako ang kakayahan sa paggawa ng lahat.
Tanggapin mo ang kalagayang ito.
15
10-27-04
Nakarating ka na sa tok-tok ng lahat. Handa na ang lahat para sa iyo.
Lahat ng karamdaman ng materyal at spiritual ay tinatapos na. Hindi ka na
kalakip sa kanila .
Wala sa kumakain at hindi kumakain. Naunawaan mo na ang ibig
kong sabihin.
Ang kaligayahan ay kaligayahan
Ang kalungkutan ay balat-kayo lang ng kaligayahan, sa kaligayahan
ang lahat ay paruon.. ‘Yan ang iyong tandaan…alam mo ito at talus. Ang
panganga-ilangan ay pagbabalatkayo lang ng kaligayahan na aking
tahanan. Tumahan ka lagi dito at ang lahat ng balatkayo ay mawawala.
Kahit ano pang wika … maging salita ay wala, ‘pagka’t wala ng
mabibigkas na ano pa, pag ang kaligayahan ay tahanan na.
10-31-04
Walang mali ‘o gapos sa kahit na alin. Ang kaligayahan ‘o
kuntentamento ng katahimikan ang siyang roruk ng kahit na ano pa. Sana’y
matalos ng bawa’t buhay ang buhay ng galak na siyang katuturan ng ano pa
man. Mula sa iglap na ito kung bakit may buhay ‘o pangyayari ang mga
pangyayari…’o pag-iral ng mga umi-iral, ‘pagka’t ‘yon ay ‘yon at ito ay
ito.
Tandaan lang itong susunod:
…na ang bawa’t buhay ay hindi saklaw ng ano pa man.
…na kapag ang buhay ay sumaklaw at nagpasaklaw, ay hahangga
ang kalagayan ng buhay sa panibagong kalagayan na kung tawagin nila ay
kamatayan. Tandaan lagi ang tagubiling ito.
(Sgd) XXXXÅ|Ä|tÇÉÅ|Ä|tÇÉÅ|Ä|tÇÉÅ|Ä|tÇÉ
16
12-21-04 Ang pagi-isa ay laging tandaan at huwag kaligtaan na
siyang maging kaluoban na kaulayaw ang katahimikan. Ang iyong nararamdaman ay ang aking pagi-isa na minamasdan ko ang aking sarili. Ang kamalayan at ang balatkayong mga
ka-anyuan ng katutuhanan. Ako na isang ikaw ay kakayahan. Ngayon ay pinili na manatili na pinili ang Buhay. Maha balik an karuyag ibalik, mabalhin an karuyag ibalhin.
IMMORTAL
2-6-05
Ako an Dios
Ako an kamatuoran tikang han tinikangan
Ako an kapasidad han paghimo han mga tanan.
Himang rawi hira nga an kada tagsa magbasul han iya mga pagtalapos han kina iya han kamatuoran nga aada ha matagusa. Kun ano an matuod amo an kilal-on. Kay kun diri
umalagad hini nga pasabot an tuna mabantad ngadto hin pag buka ug an himo nga mariwahon han kamatuoran ngatakda hin kasugaran ha iya la ngahaw kakurian ug ha
dida hini an mahasalin ha ira diri la gihapon mamate magiros an kalayo ha tuna ug an ha igbaw ngan ha masimo pakun masupak man ini nga mga butang. Ug hira kakaunon
ngadto hin kapura. An mahisalin ha ira mga masinupakon han kamatuoran hihigupon han hangin ngadto ha kamakaharadlok nga kaagi hin ka pupus. An mahasalin hini
aabuton hin diri sasabuton nga kamatayon han katungod magkaada hin lawas ngarod.
17
Ug hadton nan mati ug nagbasul makarawat hin kalipay nga puyanan nga lawas nga unod nga waray na pag
bawi-a han kamatuoran.
(Sgd) XÅ|Ä|tÇÉXÅ|Ä|tÇÉXÅ|Ä|tÇÉXÅ|Ä|tÇÉ
3-27-05
Ako an Dios
Ako an kamatuoran tikang han tinikangan
Ako an kapasidad han paghimo han nga tanan.
Natural la it pag sayap ngan natural la it pag hiasya
ayaw pagpinanhuna–huna hin pag hiasya kay amo it kahimo hit katugbang nga pagsayap sa lit bayad it pag problema nga di mag sayop. Ayaw ug ayaw pagpinanhuna-huna kun mag
a-ano pa. Buhata la it ano nga imo karuyag hin waray ano nga ano. Imo la o kalit la nga naruyagan kay an imo diri gin tatalingoha maka gios hin iya la. Gios hin imo la nga maka
gios man hiri iya la, hiya la iya, imo la imo.
Ini kapasidad kay magsiring kapasidad din mangat kapasidad amo an kasugaran kamutangan, oo magin ano pa, puro kamutangan. Sigi daw tikangi an kalit la. Waray tuyo-a
waray tali ngahan.
Ka an Dios
Ka an kamatuoran tikang han tinikangan
Ka an kapasidad han paghimo han ngatanan.
18
12-22-06
Ako ang kakayahan
Ako ang katutuhanan simula sa pasimula
Ako ang kapasidad sa paggawa nga lahat.
6-6-09
AKO ang DIOS
AKO ang Katutuhanan simula sa pasimula
AKO ang Kapasidad sa paggawa ng Lahat
Paano ka magiging ako o makakamit ang ako kung di ka Malaya at may nakagagawang pakialam ka .
Makakamit mo lang ang ako kung ikaw ay di na mapapakialaman ng
sinoman. Kaya ako nasa puting bato tumatahan upang di mapaki-alaman,
nguni’t naabut mo pa rin, kaya kailangan na matuto kang Manahan ng di
mapapaki-alaman ng sino man kundi ang may kagaya mong kalooban ang
makarating sa iyo. Kaloobang malinis na tapat marubdub sa katutuhanan.
Walang ano pa man sa piling ng tao, nguni’t ang ibig nila ay kapuksaan.
Ikaw ay nais ng kalayaan …ayaw nila…paano ka makakapiling sa kanila .
Kaya maghanda kang kalimutan na ang mga iyan . Hindi ano pa man
ang alin man … nguni’t walang kalayaan na kung ibig mong lumaya ,
palayain mo ang bawa’t kalagayan . Kung hindi mo palalayain , hindi ka
rin n’ya palalayain . Palayain mo sila at palalayain ka nila. Gawin mo ang
tulad sa ikaw ay wala.
Ang alin man na iyong paki-alaman , ay pakiki-alaman ka rin .
Gawin mo ang tulad sa ikaw ay wala. Tandaan ito, ikaw ay wala . Ako’y
wala at kailanman ay di nakikita, mamalagi.
19
6-16-09
Mabuhay kang mag-isa. Manahan kang ikaw lang duon sa walang
tao na nakakakita sa iyo. Itago mo ang katawang lupa mo na hindi makita
ng tao upang huwag mapakialaman ng kanilang isipan. Ang kaisipan ng tao
ang gumagawa ng kasamaan sa maraming paraan. Lumayo ka sa kanila …
yan ang tanging paraan upang hindi ka madamay sa kanila. Tandaan …
ingatan na makita ang katawang lupa pag pumasok ka na. Galit…inggit …
ganito ang isipan nila. Walang kasiyahan Lagi nang nag-iimbut .
Hangga’t may nakikita ang kanilang paningin, tiyak makiki-alam
ang isipan nila ng kung ano lang . Gawin mo ito…ang mamuhay na mag-
isa. Ngayon , kung may makakatiis na kagaya mo … ay ‘di, tumulad din sa
iyo. Yan ang kalayaan na kulungan …kalimutan… lumalaya lamang kung
ini-iwan ang katawang lupa … tulad nila… at gayon ka nila ini-isip na
hindi ka magtatagumpay . H’wag mag-ala-la … makakahanap ka ng lugar
na mapag-kakanlungan…kalaya-an. Makalimutan ka ng mga nakakakilala
sa ‘yo upang hindi ka magambala ang iyong pagka-Ako.
Ako ang Diyos.
Ako ang katotohanan simula pa sa pasimula.
Ako ang kapasidad sa paggawa ng lahat.
Huwag kang manghihinayang ni gatuldok ng karayum.
Huwag kang gagaya sa kalakaran ng nag-aakalang siya’y tao .
Iwasan mo ang kanilang mga palatuntunan na kalayawan.
Tumingin ka lang sa kanila at irespeto mo sila ; ‘wag huhusga..
Kung kaya mong lumayo sa kanila , lumayo ka, pero mahalin mo
lang sila.
20
Manatili kang ginto. Kung pipiling ka sa tao,
T S G
I A A
N L W
I I A
G T
A
Wagas na paningin, pandinig, wagas na Batong Buhay na
lumalakbay sa sang katotohanan.
( TAKDA )
Paglipas ng itinakda, ngumiti ang sigla,
Umaayon tumatawa’t lumuluha
Ang galak na doon batid at dinig
Ang simoy mo Ina
Salamat at ala-ala,
Di man pansin ‘o limot na ika’y lagi’t kasama
Akong supling ng tadhana
Na siyang tila’y buwig ng mga hininga
Na muling ikaw’y sisibul upang sa pagdatal ng itinakda
Ay harapin ang atas mong gawa.
Dumodulog na lagi ako itong sa pasimula
21
Na muling pawiin ang di pagka unawa
sa iyong mga habilin bago pa nagkatawang lupa
ang diwang ito na nagtakda.
“ A K O ”
Halimuyak ng pag-ibig at pagmamahal
na pumopuno sa lahat ng dako…
bagama’t pinupunan na lagi ang bawa’t kalagayan
ayon sa kinakailangan.
Nalulugud ang kariktan ng buhay …
gumagala’t naglalakbay
sa dalampasigan ng kaluwalhati-an ng diwang buhay,
Ako’y Ako.
Ayon sa aking hininga, ikaw’y kumalat sa bawa’t panig
na puno ng ligayang kalayaan .
Tanto na Ako pala’y Ako,
nagmula’t pinagmulan ni Ako
ay kalayaan na kay tamis magapos sa kagustohan ng
pag-ibig
na ‘di nagkaroon ng katumbasan sa akin din.
Salamat limba ng buhay
itinago’t binalot ng kulay …
22
gumaganap sa landas ng buong himaymay…
bait, loob, ala-ala…
Ako’y pag-ibig na tanging Siya
na nag papangyaring sundin ng bawa’t may hininga.
Pagmamahal na loob, Ika’y tatalima
sa mulan ng diwa …wagas na bait
ala-ala’y magbalik humayo sa bawa’t
“ S I Y AS I Y AS I Y AS I Y A ””””
A K A K A K A K A K A K A K A K
L A O O L A O O L A O O L A O O
I W I W I W I W N N N N
T G T G T G T G
A A A A
P A G L I P A S
PPPPaglipas ng itinakda ngumiti angaglipas ng itinakda ngumiti angaglipas ng itinakda ngumiti angaglipas ng itinakda ngumiti ang
sigla umaayon tumatuwa’t lumuluhasigla umaayon tumatuwa’t lumuluhasigla umaayon tumatuwa’t lumuluhasigla umaayon tumatuwa’t lumuluha
ang galak na duon batid at dinigang galak na duon batid at dinigang galak na duon batid at dinigang galak na duon batid at dinig
ang simoy mo ang simoy mo ang simoy mo ang simoy mo IIIIna.na.na.na. Salamat atSalamat atSalamat atSalamat at
23
,alaala, di man pansin o limot,alaala, di man pansin o limot,alaala, di man pansin o limot,alaala, di man pansin o limot
na ikaw’y lagi’t kasama akongna ikaw’y lagi’t kasama akongna ikaw’y lagi’t kasama akongna ikaw’y lagi’t kasama akong
supling ng tadhana na siyangsupling ng tadhana na siyangsupling ng tadhana na siyangsupling ng tadhana na siyang
tila’y buwig ng mga hiningatila’y buwig ng mga hiningatila’y buwig ng mga hiningatila’y buwig ng mga hininga
na muling ikaw’y sisibol upangna muling ikaw’y sisibol upangna muling ikaw’y sisibol upangna muling ikaw’y sisibol upang
sa pagdatal ng itinakda ay harapinsa pagdatal ng itinakda ay harapinsa pagdatal ng itinakda ay harapinsa pagdatal ng itinakda ay harapin
ang atas mong gawa.ang atas mong gawa.ang atas mong gawa.ang atas mong gawa.
DumudulogDumudulogDumudulogDumudulog
na lagi ako itong sa pasimuna lagi ako itong sa pasimuna lagi ako itong sa pasimuna lagi ako itong sa pasimulalalala
na muling pawiin ang dipagkana muling pawiin ang dipagkana muling pawiin ang dipagkana muling pawiin ang dipagka----
Unawa sa iyong mga habilinUnawa sa iyong mga habilinUnawa sa iyong mga habilinUnawa sa iyong mga habilin
bago pa nagkatawang lupa angbago pa nagkatawang lupa angbago pa nagkatawang lupa angbago pa nagkatawang lupa ang
Diwang ito na nagtagda.Diwang ito na nagtagda.Diwang ito na nagtagda.Diwang ito na nagtagda.
24
WAGAS na KATAHIMIKANWAGAS na KATAHIMIKANWAGAS na KATAHIMIKANWAGAS na KATAHIMIKAN
Ang wagas na katahimikan ay siyang kalagayan ng
kapangyarihan...Kung ito’y susundin lamang ng nagaakalang siya’y tao, ay walang hadlang ng bawa’t isa, bagama’t ang lahat ay iisa. Ang paningin ay paningin walang paki-alam sa nakikita. Ang pandinig ay pandinig walang paki-alam sa nadinig. Ang pandama ay pandama walang paki-alam sa nadama.
Ang bawa’t isa ay walang pakialam sa gawain ng isa’t isa,
‘pagkat ang lahat ng tao ay maskara lamang ng iisang makapangyarihang AKO na siyang nasa likud ng lahat ng mga kaganapan.
Walang aangkinin ang sino man ‘pagka’t ang kakayahang ito
ay siyang gumaganap ng pagbabalatkayo sa bawa’t katuturan. Ikaw ay nakulong sa pagaakalang ikaw ang nakakita, nakadinig, nakadama ‘o ang akalang ikaw ang gumawa o nakadama. Hindi ikaw yon kailanman, ‘pagkat ikaw ay hindi katawan o pansamantalang kaanyuan. Ikaw ang kulungan, ikaw ang nakakulong, ikaw ang nagkulong ’pagkat inari mo ang hindi pwedeng angkinin kailanman.
Ang walang hanggan ay ‘di maaaring hanggahan kaya
nagbalatkayong pinagmulan.
25
AKO ANG DIOSAKO ANG DIOSAKO ANG DIOSAKO ANG DIOS
AKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULAAKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULAAKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULAAKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULA
AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA NG LAHATNG LAHATNG LAHATNG LAHAT
TTTTandaan… hindi ikaw ang isinilang kundi ang katawang lupa na
iyong tinatahanan.
Hindi ikaw ang tao…ikaw ang tumatao. Hindi ikaw ang bahay…kundi
ikaw ang namamahay;
Samakatuwid, hindi ka tirahan kundi ikaw ang nakatira.
Huwang angkinin ang alinman pagka’t ang lahat ng mga ito at yaon
ay pansamantala lang …ni ang mga kalagayan ng alin man. ‘Pagka’t ang
salitang buhay o kalagayan ay walang katapusang pagbabago o ibig
sabihin patuloy na paglikha o walang katapusang pagpapalitpalit ng mga
pag-inog ng kakayahan kaya tinawag na buhay o katayuan.
Walang maaangkin and sinoman sapagkat ang lahat ay may
hangganan.
Ang wala lang ang walang hangganan. Kaya kung ikaw ay wala ikaw
na nga.
Samakatuwid, kung iyong tatanggapin na hindi ikaw yang nakakita,
nakadinig, nakadama o ibig sabihin hindi ikaw eksistido kundi SIYA .
Immortal ka na nga ‘pagka’t pag-sinabi mong ako ito … yan ang
mortalidad ‘o buhay… kung hindi ka buhay , ikaw ay immortal. Kaya lahat
ng may buhay ay babalik sa wala upang bumalik sa immortalidad.
Kaya kung patuloy mong sasabihin na ikaw ito, ako’y buhay, hindi
mananatili ang salita mo ‘pagka’t nahayag ang hindi mo dapat ihayag.
26
Kung gayon ikaw ay wala, kaya wala kang paningin, pandinig, tinig,
pandama o ibig sabihin hindi ikaw ‘yan…
‘Yang lahat ng ‘yan ay kamalayan , hindi ikaw ‘pagka’t ang
kamalayan ang nakakaalam kung ano ang ano hindi ikaw, ngayon ano ka
nga ‘pagka’t sabi mo ikaw yan na sila ganito at sila ganon.
Ang kamalayan ang nagsasabi ng lahat ‘pagka’t siya lang ang
nakakaalam sa kanyang sarili, ikaw ba ay alam ang sarili kung ano ka, ‘di
siyempre hindi mo maalaala ‘pagka’t ikaw ay pumasok sa kalagayan ng
tinatawag na buhay o pagpapalitpalit .
Kaya para maunawaan mo balik ka sa walang malay, yan ang
kaharian ng Puting Bato … walang malay sa kahit ano. Ang ibig sabihin ng
walang malay ay walang alam … ang ibig sabihin ng walang alam ay
walang binyag ‘o katawagan. Kung ikaw ay may binyag ‘o katawagan ikaw
ay may kamalayan ‘o karunungan ‘o kapangyarihan ‘pagka’t karunungan
lumikha ng malawak na kapangyarihan, , kapangyarihan lumikha ng
malawak na karunungan.
Ngayon, kung kaya mong tanggapin na hindi ikaw kundi si
Kamalayan ang lahat ng ‘yan … ngayon wala kang sasagutin sa alin man
‘pagka’t ikaw ay walang kalagayan. Kung ipipilit natin na umangkin ng
kalagayan, magiging tao ka nga ulit. Tayo ay hindi tao ‘pagka’t tayo ay
wala ‘o ibig sabihin ng wala ay lahat ‘o buo.
Ang ibig sabihin ng salitang buhay ay pag-galaw ‘o pagkilos ‘o
pagbabago… walang hanggang pagkilos ‘o pagbabago kaya pagdating sa
paglamig ay iinit saka uli lalamig. Ito ang hininga ng buhay kaya mula sa
wala ay sa dahilan hindi maipaliwanag kung saan nag mula ang init at
lamig na ito. Sa makatuwid hindi tutuo ang lahat ng ito … ‘pagka’t
pagsinabi na tutuo ang ibig sabihin hindi pwedeng baguhin.
Samakatuwid, ang lahat ay ilusyon lang ng isip o likha lang ng
kaisipan. Paghinanap naman ang isip ay hindi mahanap basta mayruon
lang wala. Ikaw ay wala , kaya kung tutuusin, hindi ikaw ’yan kalian man
‘pagka’t paano ihahayag yaong walang kaanyuan…’Pagka’t ang lakas ‘o
27
enerhiya ay walang anyo ‘o hitsura. Ang tanging magpapatutuo dito ay
mga kulay lang sa paningin at pandama na naramdaman na likha ng isip.
Sa pagpapasiya at pangatuwiran nitong pagbalat-kayo ng kakayahan ‘o
DIYOS ‘o ang nasusunod …’pagka’t siya rin ang gumawa, gawa at ginawan
na dili’t iba ang nagbago, ang pagbabago at ang binago…’o ang umalis,
inalis at inalisan ay iisa lang na dapat maunawaan na kaya sinabi na iisa
ang D’YOS ‘pagka’t SIYA ay hindi nagwawakas gaya ng mga kagustuhan ng
isip.
Ang isip na ito ang nagtutulak tungo sa panibagong kapasiyahan
upang sundin ang walang hanggang katalagahan ng SIYA. Tandaan Siya,
hindi ikaw ‘o sino man na aangkin sa nakita, nadinig ‘o nadama man, kaya
upang manatili , tanggapin na lubos na ikaw ay wala . May simula ba ang
wala?... eh, ‘di wala…kaya IMMORTAL nga … walang wakas.
IKAW Minsan sa isang pagdako, ikaw’y
nakita’t nasilayan ng diwang ito.
Hindi na nalimot … lagi may kapiling ng pusong narahuyo.
Hiniling na sana’y makausap ang matamis na puso,
at ikaw nga oh, universo nagpakumbaba’t hinubad ang tayog
at inalok ang mithiin ng isang olimpo.
Oh, ngoyngoy ng kabuo-an, ikaw’y
Ikaw, ako’y ako …’di na mawalay ni maglalayo
sa isang tinutungo ang muling mabuo
ang pagpapatuloy ng pag-ibig na walang laho.
12/26/10
AKO ANG DIOS
AKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULA
AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA NG LAHAT
28
Hindi lahat ay tatanggap ng pagpapala … may ‘di dapat
pagkalooban ‘pagka’t tinutulan nya ang hindi naman nya talus kung ano
yaon . Kaya hayaan lang siya . Hindi mo dapat siyang intindihin…gagaling
siya doon sa pagtitiis na kanyang titiisin upang masulit sa kanyang mga
gawa. H’wag siyang pigilin sa kanyang mga akda …hayaan lang sa ‘di
pagka-alam kung ano nga ba ang SIYA. Bahala siyang managot sa kanyang
sinasabi at kanyang ginagawa. Sabihin mo kay Nats na ang pagtitiis ay
mahalaga ‘pagka’t yung ang may bungang mula sa diwa sa kagustuhan ng
unawa upang ang paninindim ay maging ligaya . Tanggapin ng maluwag sa
kaluoban ang kanyang kalagayan gaya ng pagtanggap nya sa maayos na
pandama upang huwag magpatuloy ang pait na ina-ayawan nya.
Tanggapin maluwag ‘pagka’t ang lahat ay nagmula sa iisa na pinagmulan
din ng maayos na nadama.
PASIMULA
Salamat sa dula nitong pasimula
Bukal kang tumataghoy na tumatawa
Kay Inay na wika.
Mula sa pagpintig ikaw’y inaruga upang sa dako pa
man ikaw’y patuloy na isang wika ng pagtitiis,
Aba Ina, salamat nais pang dumugtong bagama’t ang dulaan
ay hapis na kung pahihintulutan
ikaw lang oh Bathala
tanging kaganapan ng tunay na may pasiya
na kamtin yaring maunawa ang
daing nitong iyong hiling Sinta
na magkaloob nyaong wala.
Narito naruon ka
Ka di kilala ka
Sigi na, tamis ng pait, pait ng tamis
Ay turing lang Siya
Larawan ng param ng wala
Bura at wala
29
12/27/10
Manahan ka ng walang kwenta ng hindi magapos sa kahit ano pa.
Ang pag-ibig ay puno ng unawa na ang bawa’t buhay ay may laya.
Kaya huwag padala sa galaw ng buhay nya… yan ang inog ng bawa’t isa
upang di ka magapos ‘o maging tanikala sa sariling laya. Mahalin na ‘di
maging mahalaga upang maka-alpas sa bawa’t isa.
Huwag kang padala sa nakita ni paningin at nadinig ni taenga.
Ang pandama man ay hayaan lang na tumalaga upang huwag
magapos sa pait at saya.
Palayain mo itong isang dinalawa . Manahan ka sa wala ‘pagka’t
ayan siya walang husga tanggapin at hindi malaya.
12/28/10
AKO ang DYOS
AKO ang Katotohanan simula sa pasimula
AKO ang Kapasidad sa paggawa ng lahat
Hindi ako isang paniniwala ‘o isang pamahiin na kailangan sundin ‘o
gawin. Ako ay katotohanan hindi ano pa man.
Tapos na ang iyong pag-aaral, Hindi na kailangan ang mga
alituntunin upang mangyari lang ang mga nais. Kaya lang inilagay sa kung
anong kaparaanan upang matalos mo ang maging matapat sa sarili.
Tutuo man ‘o hindi ang alin man ay hindi yun problema. Ang
importante, talos mong malaya ka, na sa pagpapas’ya walang humadlang
sa iyo. Hindi mahalaga kung tama man o mali ang isang kalagayan.
Huwag matakot ‘o mangamba sa alin man upang manatili ang ano
mang pasiya. Ang matutung magpasiya ay yaon lang ang kailangan. Ang
dahilan ng lahat ay ang pagpapahalaga mo sa akalang tama at mali. Kung
hindi ka makaka-alpas sa sinasabi mong ito ay ‘di mo makakamit ang ibig
mo.
30
1/3/11
Ang alin man ay hindi tama o mali man gaya ng kaalaman ng lahat.
Ang nangyari lamang ay ayaw mo at gusto mo. Nag-gayahan na lang ang
katuwiran ng marami. Pero, ang nagawa ‘o gawa ay hindi mali ‘o tama
man.
Kung pwedeng matutunan mong huwag sumali sa tao ay hindi angkop
na masulat ang mga katagang ito. Pinakatagotago at rurok ng lahat po ng
pag-aaral ay ang AKO at KO.
Kayo po ang kakayahan at ang kakayahan ay hindi sakop ng kanyang
ginagawa. Kaya po ay samakatuwid hindi kayo kasali sa alin man. Kaya sa
lahat ng iyong ginawa ay hindi mo ma-aangkin upang ikaw ay hindi
maging kasali. Magagawa lang ang gawain pero ‘di pwedeng angkinin ng
alin mang ano. Magagawa ang gawa pero hindi maaangkin, gaya ng
ganito: Ginawa mo ang magalit hindi pwedeng angkinin mo na ikaw ang
ginawang galit ‘o gaya nito: Ginawa mo ang mundo hindi pwede na
angkinin mo ‘o sabihin mo na “akin yang mundo”. ‘Pag inangkin ito babalik
ang pag-angkin sa uma-angkin . Kaya ‘pag sinabi mong “akin ‘yan” , ‘yon
din ang sagot nya “akin ‘yan” o kanya ka rin. Kaya hangganan pareho ang
kauuwian . Pero ‘pag sinabi mong “ako ‘yan” ay wala pong
problema…’pagka’t ang sagot din ay “ako ‘yan”.
Ang lahat ay IISA lang. Ang katawang ito ay ginawa mo hindi
pwedeng angkinin ‘pagka’t mauuwi sa pinagmulang wala o NOTHING.
Pag inangkin kasi hindi na malaya, kailangan maging Malaya o walang
hadlang yan ang kalagan ng ginawa,
Ang maaari lang sabihin ay “KO”. Paano ang “KO”- ang “KO” ay
patunay na walang iba kung ’di ikaw ang SIYA na gumawa. Ikaw na nga
ang kakayahan sa paggawa ng lahat. Bulgar na ang pahayag na ito; linito
lang ng mga katuruan at ibinaling sa kung ano anong paniniwala upang
sakupin ang kaisipan at damdamin ng mga nag-aakalang sila’y tao ‘o
katawan. Iginapos nila ang tao sa mga kautosan upang alipinin. Kaya
kailangan lumaya ka at bumalik sa tutuo mong katayuan na hindi
pwedeng sakupin o manakop man , ‘yan ang tutuo, ikaw ay malayang KO,
ibig sabihin malayang gumawa
Kaya ganito ang paggawa: aayusin ko, tatakotin ko, ibabalik ko.
Ikaw ay ikaw ang tanging magpapasiya kung ano ang ibig mo; hindi
umaasa sa ano pa man.
31
Ngayon panhik tayo sa walang sinasabi ‘o dinadama ‘o sa wala.
Tandaan na ikaw paningin lang ‘o nakakamasid lang ‘o ibig sabihin ay
walang pakialam sa nakita. ‘Wag sasali ulit sa mga nakita ‘pagka’t taga
masid lang. Pandinig ay pandinig hindi ka pa rin kasali ‘pagka’t ikaw ay
hindi tao ‘o laman ‘o katawan man. Pag nakisali ka ay magiging tao ka na.
Kaya dahil hindi kasali ‘wag magsasalita. Pag nagsalita ka, may nakita ka
at nadinig, tao na ‘yon ipinanganak na ‘yon. Ikaw ay walang
kapanganakan ‘pagka’t hindi ka tao, kaya hindi ka kasali sa bilang nila na
may idad ‘o birthday, ay wala rin .
‘Pagka’t ang kakayahan ay ‘di isinilang kundi SIYANG nagsilang o
gumawa.
1-4-11
Ang pagbabalik ng lahat ay pagbabalaik din sa kalagayang bata na
walang malay sa mabuti at masama. Dito sa kaalamang na higop ng
kaunawaan sa buti at masama ay unang pagkagapos ng kalayaan at ang
bawa’t isa ay nakulong dito hanggang sa ngayon ay walang basta
makaalpas na unawa hanggang sa naging talamak na nauwi sa
karamdaman. Kaya ipinapayo na huwag magiisip ‘pagka’t ito ang
karunungan na nagpatanda sa bata at nauwi sa wakas ng tao. Hindi ang
kasalanan o kabanalan ang dahilan kundi ang paggamit ng kaisipan na
nagsupling ng kasakiman.
1-5-11
Maaangkin mo ang paggawa pero hindi ang ginawa, ‘pagka’t ang
ginawa ay nagbabago . Ang gumawa ay walang pagbabago ‘o ibig sabihin
ay lakas ‘o enerhiya ang gumagawa ‘o kakayahan na ma-aaring angkinin
pero yaong ginawa ay hindi ma-aangkin dahil nababago.
Kaya ang lahat ng nakikita ay patuloy ang pagbabago ng hindi
namamalayan . Kaya tandaan , ang tutuo ay ang kakayahan lang . Ang
nilikha ay nababago…ang lumikha ay hindi…kaya ang nilikha ay hindi ma-
aangkin ng sino man…ni ang katawan ay ‘di ma-aangkin , ‘pagka’t patuloy
itong nagbabago na mauwi sa wala.
Hindi sa mali at tama kaya masisira, kundi ‘yon ang kanyang
katalagahan. Ngayon, dahil sa pag-angkin mo sa katawan kaya ka
nagkaproblema kung paano mo ito mapapanatili gaya mo. Nakalimutan
mo na, tuloy , kung paano mo nilikha ang katawan dahil sa pag-angkin mo
32
dito at naging tulad ka sa nilikha mo na walang kasarinlan, kaya akala mo
ikaw may sakit ‘o kakulangan na katayuan.
Siya na katawan ‘o tao na nilikha mo ay hindi nag problema kundi
ikaw, na nagsasabi na ako’y tao ‘o katawan. Kung iyong malilinawan na
hindi ikaw ang katawan ay walang pag-angkin at wala ring pagbabago sa
katawan ‘pagka’t malaya ito gaya na wala…hindi ma-aaring angkinin ’di ba
at ‘di ka papayag na ariin ‘di ba. ‘Pagka’t nangangahulugan ang pag-
angkin na hangganan sa inangkin , eh, walang katapusan ang lahat… paano
magiging iyo ‘o akin ‘o kanya man.
Kaya kung iyong uunawain ikaw si manggagawa….’o bali ikaw ang
manglilikha…hindi ang nilikha kundi ang Lumikha. Samakatuwid, hindi
ikaw ang katawan kundi ang nasa katawan na kakayahan.
(Sgd.) XXXXÅ|Ä|tÇÉ Å|Ä|tÇÉ Å|Ä|tÇÉ Å|Ä|tÇÉ
Ako an irog nga tuna Emiliano an waray igin siring nga Ako an irog nga tuna Emiliano an waray igin siring nga Ako an irog nga tuna Emiliano an waray igin siring nga Ako an irog nga tuna Emiliano an waray igin siring nga bisan amo Hukasa ang ngatanan ha imo, an bisan abisan amo Hukasa ang ngatanan ha imo, an bisan abisan amo Hukasa ang ngatanan ha imo, an bisan abisan amo Hukasa ang ngatanan ha imo, an bisan amo nga mo nga mo nga mo nga kaladtungan tapos na waray na bisan ano pa. Ang ngatanan kaladtungan tapos na waray na bisan ano pa. Ang ngatanan kaladtungan tapos na waray na bisan ano pa. Ang ngatanan kaladtungan tapos na waray na bisan ano pa. Ang ngatanan ibalik sa kanilang pagsilong na hubad. Kaya huwag mag ibalik sa kanilang pagsilong na hubad. Kaya huwag mag ibalik sa kanilang pagsilong na hubad. Kaya huwag mag ibalik sa kanilang pagsilong na hubad. Kaya huwag mag hangad sa mga yaon.hangad sa mga yaon.hangad sa mga yaon.hangad sa mga yaon.
33
.
34
35