alamat ng alon

15
ALAMAT NG ALON SA DAGAT

Upload: claire-maevelle-angeles-laxamana

Post on 24-Jan-2016

449 views

Category:

Documents

17 download

DESCRIPTION

Alamat ng mga alon sa dagat

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat ng alon

ALAMAT NGALON SADAGAT

Page 2: Alamat ng alon

Noong unang panahon may isang kaharian sa ilalim ng dagat ang kanilang Hari na si Dinagat ay minamahal ng marami, siya ay isang mabuti, mabait, at magaling na pinuno, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng naninirahan sa karagatan. Meron siyang asawa, ang

Reyna ng Dagat na si Dana. At kanyang pinakamamahal na mga anak, ang panganay na si

Prinsesa Ahana ay mahinhin at mahilig makihalubilo sa lahat. At ang bunso na si Lonala, ay matalino at

mapagmahal. Masayang namumuhay ang mga sirena at isda sa kaharian. Payapang payapa ang dagat at

wala silang nararamdamang kapahamakan.

Page 3: Alamat ng alon

Isang araw, masamang balita ang gumimbal sa buong karagatan. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Hari Dinagat at unti-unti siyang nanghihina. Nagpatawag ng isang babaylang isda ang hari. "Bakit ako nagkaroon ng sakit? At pakiramdam ko ay nanghihina na ako", tanong ng Hari sa babaylan, "Dahil ito sa mga tao mahal na hari, hindi na maganda ang ginagawa nila sa mga anyong tubig, sinisira nila ito at tila wala na silang pakialam sa maaring mangyari, dahil ditto anomang oras, maaari ka na pong mamatay at ito na rin ang hudyat ng paglaho ng ating kaharian", sagot ng manggagamot . Napaisip si Reyna Dana, "Mahal kong asawa, kailangan nating gumawa ng paraan upang pigilan ang tao sa ginagawa nilang pagsira sa ating tahanan, kung hindi, tuluyan ka nang mawawala sa aming piling at hindi namin kakayanin iyon."

Page 4: Alamat ng alon

Pinatawag ng Haring Dinagat ang kaniyang tatlong anak upang sila ang gumawa ng paraan upang mailigtas ang buong karagatan. "Ahana at Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para sa isang mahalagang misyon, batid ninyo ang kalagayan ko at ang maaring maging kapalaran ng ating kaharian, nais ko kayong ipadala sa lupa, at maganyong tao upang pigilan sila sa kanilang masamang gawain, ngunit isang paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong umibig sa kahit sinumang tagalupa at bawal magdikit ang inyong mga balat dahil kayo ang maglalaho" wika ng Hari. "Gagawin po naming ang lahat Amang Hari, ako na lamang po ang mauunang pumunta sa lupa." Sambit ni Ahana.

Page 5: Alamat ng alon

Sa pagdating ni Prinsesa Ahana sa lupa, dinatnan niyang nagtatapon ng basura ang ilang mga tao sa dagat. "Pakiusap, huwag ninyo itapon ang mga iyan sa dagat, malalason ang mga isda!" Ngunit parang walang narinig ang mga tao at pinagpatuloy pa rin ang kanilang ginagawa. "Nagmamakaawa ako sa inyo wag ninyo dumihan ang tubig" wika ng prinsesa. Di nagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana at di na niya kinayang makita pa ang masamang gawain ng mga tao. Umuwi na ito at humingi ng tawad sa kanyang pagkabigo. Siya ay lumuhod "Mahal kong Amang Hari, humihingi ako ng kapatawaran dahil ako ay nabigong baguhin ang gawi nila sa tubig." "Wag ka nang humingi ng kapatawaran, alam kong mahirap ang pinagagawa ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan." sabi ng Hari.

Page 6: Alamat ng alon

Sa mga sumunod na araw, Si Prinsesa Lonala naman ang pupunta sa lupa upang pakiusapan ang mga tao. Sa paglalakbay ni Prinsesa Lonala, lahat ng tao na makakakita sa kanya ay nabibighani sa kanyang kagandahan, ngunit sa sumunod na mga araw bumungad sa kanya ang madumi at mabahong dagat. Nalungkot siya at sinabing, "dapat magtagumpay ako sa misyong ito, dapat siguro ay kilalanin ko muna ng husto ang mga tao at kaibiganin sila upang makuha ko ang loob nila at sila'y magtiwala saakin." Di nagtagal, nagtagumpay nga siya sa kaniyang plano na kunin ang loob ng mga tao at pagtiwalaan siya.

Page 7: Alamat ng alon

Umiibig na rin siya sa isang tagalupang si Alor na mahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila nakalimutan na ni Prinsesa Lonala ang babala ng kaniyang Ama. Alam ni Alo na isa siyang sirena pero tila umiibig na rin siya sa Prinsesa sa kabila ng katotohanan na iba ito sa kaniya. Sa kabutihang palad, hindi pa rin nagdidikit ang kanilang mga balat. Tinulungan siya ni Alo na kausapin ang mga tao at ipaisip sa kanila na masama at di nakakabuti kanino man ang ginagawa nila sa dagat. Ilang buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan ang lahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila. Tulong tulong na inayos at nilinis ng mga tao ang dagat at di lumaon ay bumalik sa dating ganda ang karagatan, lahat ay nagbunyi lalong lalo na ang mga nilalang sa kaharian ng dagat.

Page 8: Alamat ng alon

Pinauwi na ng Hari si Lonala upang bigyan siya ng karangalan bilang bayani ng kanilang kaharian. Ngunit tila ayaw umuwi ng Prinsesa dahil sa ayaw niyang iwan ang kaniyang pinakamamahal na si Alo. Hindi pumayag si Hari Dinagat sa nais ng kaniyang anak at pinaalala sa kaniya ang mangyayari kapag pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Sinabi ni Prinsesa Lonala ang masamang balita kay Alo, ngunit ipinangako nila sa isa't isa na magmamahalan sila habang buhay at wala silang pakialam kahit hindi pa sila naghahawak at kahit kailan hindi sila pwede magkadikit.

Page 9: Alamat ng alon

Hindi kinaya ni Hari Dinagat ang sama ng loob at sakit sa puso na kaniyang nararamdaman sa pagsuway ng kaniyang anak at ito'y kaniyang ikinamatay. Nang malaman ito ni Lonala, walang tigil siyang umiyak at sinisisi ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang mahal na Ama. Nagpasiya itong bumalik sa kanilang kaharian. "Alo, patawarin mo ko ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian upang makita ang aking Ama sa bago lamang siya kunin ng Bathala." sabi ni Lonala kay Alo. "Hindi ako makapapayag! Sasama ako kung kinakailangan, ayoko mawala ka saakin." sabi ni Alo.

Page 10: Alamat ng alon

Ngunit tumakbo ng mabilis si Lonala nang hinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para pigilan. Biglang sabay na naglaho ang magkasintahan sa karagatan, nang magkaroon ng pagumbok ng tubig na humahampas sa dalampasigan. Ng mapansin ito ng mga tao na nakasaksi sa pagmamahalan nila Alo at Lonala, tinawag nila itong Alolon bilang pagalala sa wagas na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at di naglaon naging Alon.

Page 11: Alamat ng alon

Page 12: Alamat ng alon

Page 13: Alamat ng alon

Page 14: Alamat ng alon

Page 15: Alamat ng alon