alamat ng mga alamat

5
Alamat Ng Mga Alamat Noong unang panahon, sa baba ng kabundukan ng Mae Lwin, ay may naninirahang tribong nagngangalang Shan. Bago pa man sumikat ang araw, nagising si Nok Lek, ang datu ng tribo. Lumabas siya sa kanyang silid at tumungo sa tabing ilog at naupo sa isang malaking bato. Nagising ang kanyang asawa na si Khin Myo at sinundan si Nok Lek sa may ilog. “Mahal ko, pasensya na kung nagising kita”, sabi ni Nok Lek sa kanyang asawa. “Ayos lang. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na para bang may bumabagabag sa isip mo. Maari ko bang malaman iyon?”, tanong ni Khin Myo. “Wala naman. Naisip ko kasi na parang hindi ko naiintindihan ang mga bagay-bagay dito sa mundo. Kung saan ba sila nagmula, kung may lumikha ba sa kanila o wala. Gusto kong mabigyang linaw kung bakit namumulaklak ang mga bulaklak, kung paano naging matataas na lupa ang mga bundok, kung bakit napakataas ng langit. Para bang may istorya sa likod ng lahat ng bagay na hindi natin alam, pati na sa ating mga tao at gayun din ang mga hayop at halaman.” Nahinto sa pagsasalita ang datu. Tiningnan niya ang kanyang asawa na ngayo’y nakatitig sa kabundukan. “Ah…”, sabi ni Nok Lek. “Pasensya na kung napakadami kong saloobin na ngayon ko lamang naibahagi sa’yo.” “Naiintindihan ko. Minsan din ay napapaisip ako tungkol sa mga bagay na iyan. Nais ko rin maunawaan ang lahat, mahal ko.” Sagot ni Khin Myo sa asawa. Dahang dahang inilagay ni Nok Lek ang kanyang braso sa balikat ni Khin Myo. Sumandal sa kanya si Khin Myo. Magkahawak kamay nilang pinanuod ang unti unting pagsalubong ng araw sa kalangitan. Nang araw din na iyon, naisipan ni Nok Lek na umpisahan ang pagsulat ng mga istorya tungkol sa mga bagay sa paligid niya. Mula sa mga bagay na nasa lupa hanggang sa mga bagay na nasa langit. Itinago niya ang mga ito sa isang baul. Naisipan niya na

Upload: grace

Post on 08-Apr-2015

417 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat Ng Mga Alamat

Alamat Ng Mga Alamat

Noong unang panahon, sa baba ng kabundukan ng Mae Lwin, ay may naninirahang tribong nagngangalang Shan. Bago pa man sumikat ang araw, nagising si Nok Lek, ang datu ng tribo. Lumabas siya sa kanyang silid at tumungo sa tabing ilog at naupo sa isang malaking bato. Nagising ang kanyang asawa na si Khin Myo at sinundan si Nok Lek sa may ilog. “Mahal ko, pasensya na kung nagising kita”, sabi ni Nok Lek sa kanyang asawa. “Ayos lang. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na para bang may bumabagabag sa isip mo. Maari ko bang malaman iyon?”, tanong ni Khin Myo. “Wala naman. Naisip ko kasi na parang hindi ko naiintindihan ang mga bagay-bagay dito sa mundo. Kung saan ba sila nagmula, kung may lumikha ba sa kanila o wala. Gusto kong mabigyang linaw kung bakit namumulaklak ang mga bulaklak, kung paano naging matataas na lupa ang mga bundok, kung bakit napakataas ng langit. Para bang may istorya sa likod ng lahat ng bagay na hindi natin alam, pati na sa ating mga tao at gayun din ang mga hayop at halaman.” Nahinto sa pagsasalita ang datu. Tiningnan niya ang kanyang asawa na ngayo’y nakatitig sa kabundukan. “Ah…”, sabi ni Nok Lek. “Pasensya na kung napakadami kong saloobin na ngayon ko lamang naibahagi sa’yo.” “Naiintindihan ko. Minsan din ay napapaisip ako tungkol sa mga bagay na iyan. Nais ko rin maunawaan ang lahat, mahal ko.” Sagot ni Khin Myo sa asawa. Dahang dahang inilagay ni Nok Lek ang kanyang braso sa balikat ni Khin Myo. Sumandal sa kanya si Khin Myo. Magkahawak kamay nilang pinanuod ang unti unting pagsalubong ng araw sa kalangitan.

Nang araw din na iyon, naisipan ni Nok Lek na umpisahan ang pagsulat ng mga istorya tungkol sa mga bagay sa paligid niya. Mula sa mga bagay na nasa lupa hanggang sa mga bagay na nasa langit. Itinago niya ang mga ito sa isang baul. Naisipan niya na ipapasa niya ito sa kanyang anak at ipapasa ng kanyang anak ang mga ito sa kanyang apo, at sa apo ng kanyang mga apo. Nais niyang magkaroon ng kahulugan ang lahat ng bagay. Naisip din niya na balang araw, gagawa din ang kanyang mga magiging apo ng sarili nilang kwento tungkol sa mga bagong bagay na makikita at matutuklasan nila.

Nagiisa lang ang anak na babae nila Nok Lek at Khin Myo. Iyon ay si Mala. Masayahin ang batang ito. Palabiro, palakaibigan, kung minsan ay pasaway ngunit mabait. Matalino rin siya. Kakaiba ang talino at husay niya

Page 2: Alamat Ng Mga Alamat

sa ibang batang kasing edad lang niya. Anim na taon pa lang siya ngunit marunong na siyang magsulat na kasing ganda at kasing linis ng sa mga manunulat. At napakagaling din niyang tumula, kamangha mangha talaga. Nais pa sanang sundan ng datu at reyna ang panganay nila ng isang anak na lalaki ngunit hindi sila biniyayaan ng diyos. Ikinalungkot ito ng magasawa ngunit nakuntento na lamang sila sa saya na dulot ng kanilang nagiisang anak. Lumaki si Mala bilang isang maganda at matalinong babae. Bukod sa pagiging maganda, magaling din si Mala sa paghawak ng mga armas at pakikidigma. Tutol man ditto ang kanilang mga magulang, nais talaga ni Mala na matuto tungkol sa iba’t ibang bagay.

Tradisyon na ng tribo na bago pa man sumapit ang ika-dalawampung taon ng isang dalaga ay dapat na itong magpakasal. “Anak, dalawang taon na lang at kailangan mo ng maghanap ng asawa. Kung hindi, walang magmamana sa aking trono. Kailangan mo ng gampanan ang tungkulin mo bilang prinsesa.”, paalala ng kanyang ama sa kanya habang kumakain sila ng hapunan. Alam ni Mala ang tungkol sa bagay na iyon ngunit wala lang talaga siyang matipuhang lalaki sa kanilang tribo. Kinagabihan, habang namamahinga sa kanyang silid, inisip niya ang tungkol sa bagay na ito hanggang sa makatulog siya. Nang gabi na din na iyon, nanaginip siya tungkol sa isang mysteryosong hayop. Lumapit sa kanya ang hayop at namalayan niyang ito’y isang dragon. Nabasa ng dragon ang kanyang isip. “Ako si Seing To, ang dakilang tagapag bantay ng inyong tribo. Nais kong iparating sa inyo na dadating ang tagtuyot sa baying ito tatlong araw makalipas ang panaginip mo na ito.”, sabi ng dragon. “Wala na bang ibang paraan para maligtas ang aking bayan?”, tanong ni Mala. “Sabi ko na nga ba na tatanungin mo iyan. Syempre meron. Kailangan niyong magalay ng isang dalaga.”, sagot ng dragon. “Dalaga? Sinong dalaga? Saan?”

“Anak! Gising. Nananaginip ka. Mala?! Mala!” Biglang napatayo si Mala mula sa kinahihigaan niya. Nang matauhan, nakita niya ang kanyang ina na nasa tabi niya. “Anak ko, anong nangyari? Ayos ka lang ba?” “Opo ina. Ina... Ang tribo natin… Daranas ng matinding tagtuyot… Kailangan… Mag-alay ng isang dalaga.”, sabi ni Mala habang hinahabol ang kanyang hininga. “Mala, ano ba yang sinasabi mo?”, tanong ng kanyang ina. Kinuwento ni Mala sa kanyang ama’t ina ang nangyari sa kanyang panaginip. Nangamba ang kanyang ama. Hindi niya nais na may magdusang pamilya ngunit mas lalong hindi niya nais na mamatay ang lahat ng kanyang nasasakupan. Kinunsulta ng datu ang isang orakulo tungkol ditto, tinanong kung may iba pa bang solusyon. “Ang mga ganitong bagay ay hindi na mapipigilan pa. Kung ano lang ang solusyon na sinabi ng elementong iyo, yun lang ang tanging

Page 3: Alamat Ng Mga Alamat

makapipigil sa pangyayari.” Kinagabihan ng ikalawang araw, nanaginip ulit si Mala. “Kailangan niyo ng magalay bukas, kung hindi dadating na ang tagtuyot sa susunod na araw.”, sabi ni Seing To. Naisip ni Mala na kung siya na lang ang mag-aalay ng kanyang buhay, hindi na mahihirapan pa ang kanyang tribo… ang kanyang bayan. “Ako na lang ang mag-aalay ng aking sarili.”, sabi ni Mala. “Kung gayon,” tugon ng dragon, “tumungo ka sa ilog ng Salween at doon kita susunduin.”

Kinabukasan, tumungo si Mala sa ilog. Hindi niya ito sinabi sa kanyang ama at ina, pati na rin sa kahit na sino sa tribo nila. Medyo malayo layo ang lalakarin niya. Nang mapagod siya, namahinga siya sa ilalim ng isang malaking puno… nakatulog. Nagising siya nang may marinig siyang kaluskos ng dahon. Sa ‘di kalayuan, may isang lalaking nakatayo, iniipon ang mga kahoy na makita sa paligid. “Ang paligidd…”, bulong ni Mala sa kanyang sarili. Tumingin siya sa kalangitan, “Gabi na pala.” “Gising ka na pala. Alam mo bang delikado para sa isang kagaya mo ang maiwang mag-isa dito sa gitna ng gubat? Anong ginagawa mo dito?”, tanong ng lalaki.”Ako nga pala si Matsuo. Isa akong prinsipe mula sa tribo ng Mongnai.” Hindi nakasagot si Mala, sa halip ay napatitig lamang sa mat ng lalaki. Matagal bago nagsalita muli ang lalaki at iniwas ang tingin. “Ikaw, sino ka? At bakit ka nandito?” “Ako si Mala, prinsesa mula sa tribong Shan. Nandito ako upang magtungo sa ilog ng Salween. Ngunit sa palagay ko ay nakatulog ako dito habang ako’y namamahinga.”, sabi ni Mala. Nakwento rin ni Mala ang tungkol sa panaginip niya at ang tungkol sa pag-aalay ng kanyang sarili sa dragon. “Hindi maaari. Hindi ka maaaring mamatay.” “Ngunit bakit?”, tanong ni Mala. “Papunta sana ako sa inyong tribo, upang pakasalan ang prinsesa. Ngunit heto, nakita kita dito, at ako’y nabighani sa iyong kagandahan. Nang malaman kong ikaw ang prinsesa, nahulog lalo ang loob ko sa iyo.” Natahamik ang prinsesa, umiiyak. “Sa palagay ko’y nahulog na rin ang loob ko sa iyo. Dahil sa kabaitan mo, at dahil sa hangad mong ako’y mailigtas. Ngunit hindi na mababago ang kapalaran.”, uniiyak na tugon ni Mala. Niyakap siya ni Matsuo, mahigpit na niyakap. Ngunit bumitiw si Mala, “Kinakailangan ko ng magmadali at tumungo sa ilog.” “Sasama ako sa’yo.” “Ngunit paano ang pamilya mo?” “Tanging ikaw na lang ang mahalaga sa mga oras na ito.”

Nagmadali silang tumungo sa ilog. Kakilangang makarating sila doon bago mag-umaga. Ilang beses nadapa si Mala dahil sa madilim sa loob ng kagubatan at tanging ay liwanag lang ng buwan ang gumagabay sa kanila. Naghihintay sa ilog ang dragon. “Nandito na ako.”, sabi ni Mala. “Halika na at sumama ka na sa akin.”, sambit ng dragon. Kinuha ng dragon ang kaluluwa nito mula sa katawan ni Mala hanggang sa bumuwal siya. Nasalo

Page 4: Alamat Ng Mga Alamat

agad ni Matsuo ang katawan ni Mala. “Mala, sinta huwag mo akong iwan. Isama mo ako sa iyo.” “Maaari kang sumama.”, sabi ng dragon. “Kung gayon sasama ako sa inyo, sasama ako kay Mala.” Kinuha rin ni Seing To ang kaluluwa ni Matsuo gaya ng ginawa niya kay Mala. Nakahimlay ang katawan ng dalawa sa tabi ng ilog, yakap ni Matsuo ang katawan ni Mala.

Nang umaga na, dito na natagpuan ng mga taga-Shan at taga-Mongnai ang katawan ng kanilang prinsesa, kasama na ang katawan ng prinsipe. Hindi lubos na maisip ni Nok Lek at Khin Myo ang nangyari, pati na rin ang ama’t ina ni Matsuo. “Anak ko,”, umiiyak na sabi ni Nok Lek,”Hindi mo kinailangang gawin ito. Ngayon ang lahat ay wala na.” Niyakap niya si Khin Myo. Isinagawa nila ang ritual para sa mga patay at sinunog ang katawan ng dalawa, magkasama, habang dumadaloy sa ilog ang bangkang sinasakyan ng mga ito. Pagbalik sa tribo, inilabas ni Nok Lek ang baul na naglalaman ng iba’t ibang storya at tinipon ang lahat ng mga Shan, kasama na rin doon ang mga taga-Mongnai. “Itong baul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang kwento tungkol sa iba’t ibang bagay. Pagsasama samahin ko itong lahat at tatawagin ko itong mga alamat, mula sa pangalan ng aking anak na si Mala, at ang kanyang mahal na si Matsuo.” Ang mga alamat na ito ngayon ay naibahagi na sa iba’t ibang mga tao at, ang iba, ay pinaniniwalaan ang mga ito.