34 panahong amerikano eko

Post on 22-Jun-2015

11.380 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Panahong Amerikano: Konsolidasyong Pangkabuhayan

Takdang-aralin

• Basahin pah. 186 – 197, 207-212. Ipaliwanag ang mga patakarang pampulitikal sa loob ng mga sumusunod na batas sa hindi hihigit sa 4 na pangungusap.

• 1902 Philippine Organic Act• 1916 Batas Jones• 1933 Batas Hare-Hawes-Cutting• 1935 Batas Tydings-McDuffie• Mga layunin ng Pamahalaang Komonwelt

Pagrerepaso sa Nakaraang Sesyon

• ang mga pamanang sosyo-kultural ng mga Amerikano sa Pilipinas.

• ang epekto ng mga pamanang kultural.

Pagsilip sa Sesyon Ngayon

• ang mga batas pangkabuhayan ng Estados Unidos sa Pilipinas

• relasyong ekonomiko sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas noon at ngayon

• mabubuti at masasamang epekto ng relasyong ekonomiko sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas noon na may kaugnayan ngayon.

Kasunduan ng Paris 1898

• most favored nation act • Nakasaad rito na sa loob ng 10 taon,

mananatili ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.

Batas 1903 at 1907

• 1903 Batas Lupang Pampubliko – lupa sa halagang P20

• 1907 Friar Lands Act– Biniling lupa mula sa Vatican

• Ano ang epekto ng pagbili ng mga Pilipino ng lupa mula sa pamahalaang itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?

1909 Batas Payne-Aldrich

• malayang makapapasok sa Pilipinas at sa Estados Unidos ang mga kalakal ng dalawang bansa, maliban sa bigas.

• free trade.

Free Trade

• isang sistemang pang-ekonomiko • karapatan sa merkado na gumalaw na hindi

pinakikialaman ng pamahalaan. • walang buwis na ipinapataw sa mga

produktong pumapasok sa dalawang bansa.

• Sa ganitong sistema ng patakaran, may mas nakikinabang ba?– Mas mayamang bansa,

mas mahinang bansa, o pareho lang na nakikinabang?

Free Trade na may Quota

• May quota ang mga produkto mula Pilipinas pero walang quota ang Estados Unidos. – Tariff-Rate Quota:

Kapag hindi lumampas sa dami ng limitasyon ang produkto, papatawan ng taripa (parang buwis) ang produkto

• Sa 1909 Batas Payne-Aldrich, aling bansa ang tunay na nakinabang?

1913 Batas Underwood-Simmons

• tinanggal na ang sistemang quota. • Naging patas na ba?

• hindi naman naging malaki ang pagluwas ng produkto ng mga Pilipino sa Estados Unidos bago at matapos ang 1913.

• hindi naging malaki ang epekto ng mga produktong Pilipino sa ekonomiya ng Estados Unidos.

• Sa kabilang banda, ano naman kaya ang epekto ng patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas?

May mabuting epekto

• Paglakas ng agrikultura• Pagkakaroon ng mga uri ng negosyo• Pagdagdag ng kita ng Pamahalaan ng Pilipinas• Pagsasaayos ng mga imprastraktura para sa

masmainam na pangangalakal

May masamang epekto

• Pagdagsa ng napakaraming produktong yari sa Estados Unidos at pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga ito

• Pagkatali ng ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipag kalakalan sa Estados Unidos lamang

1935 Batas Tydings-McDuffie

• 10 taon bago makalaya ang Pilipinas, na magbabayad na ng buwis panluwas ang Pilipinas at magbabayad na ng taripa sa mga produktong papasok sa Estados Unidos.

• Malaki pa rin ang pagkakahawig nito sa kalagayang pangkabuhayan sa kasalukuyan.

Pagsusuri

• Anu-ano ang mga produkto na galing Estados Unidos na ginagawa dito sa Pilipinas na tayo rin mismo ang bumibili?

• Anu-ano ang mga produktong tinatangkilik mo na orihinal na gawang Pilipino?

• Bakit kaunti lamang ang mga orihinal na gawang Pilipino na tunay na lumalaban sa mga gawang dayuhan?

Hamon

• Paano natin matutulungan maiangat ang husay ng Pilipino sa mundo?

• Ano ang maimumungkahi mo sa pamahalaan upang mapalakas ang kalagayang pangkabuhayan sa Pilipinas?

Paglalahat

• Tuwiran at hindi tuwiran ang mga pagbabagong pangkabuhayan na dala ng mga Amerikano. Naibigay at naiparamdam ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang napakaraming mabuting epekto ng mga patakarang pangkabuhayan sa bansa. Dahil dito, hindi lubusang napagtuunan ng bansa ang sariling mga industriya kaya patuloy na nakatali ang Pilipinas sa mga dayuhang patakaran.

Pagninilay

• Hamon sa atin na tangkilikin ang mga produktong gawa sa atin at orihinal na gawang Pilipino. At huwag kailanman mamaliitin ang anumang pinagsikapang gawin ng karaniwang Pilipino.

top related