aking mka wt kaibigang ';,-$- c.2&&$&!. 6i: -1 aeta - sil.org · nakadaragdag pa...

Post on 20-Sep-2019

16 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Aking Mka ,. r,-II '.we, wT Kaibigang . -?-:* ';,-$- - 1 c.2&&$&!. v'T, 6i:

Aeta

Ang Aking Mga Kaibigang

Aeta

Story

by Joanne Green

Connie Carandang-Laconsay

Summer Institute of Linguistics Publisher

1991

Published in cooperation with

the Institute of Philippine Languages and the Department of Education, Culture and Sports

Manila, Philippines

Additional copies of this publication are available from:

Book Depository P.O. Box 2270 CPO

1099 Manila

We wish to express appreciation to the Program for Asian Projects, the Ramon Magsaysay Award Foundation, and the Rockefeller Brothers Fund for their assistance in the produc- tion of this publication.

Tagalog Storybook about the Aeta 92.1-991 -2C 52.1 20P-916030B

ISBN 971-18-0183-3

Printed in the Philippines

Ang Pilipinas ay isang bansang rnayaman sa ganda at pagkakaiba-iba. Ang mga nakatira sa 300,000 kilometro kuadradong lupaing ito ay may mahigit na 150 salita at ang bawa't isa ay may pagkakaiba, malaki man o maliit, na nakadaragdag pa sa kagandahan ng kabuuan ng bansang Pilipinas.

Sa buong kasaysayan ng ating bansa, napananatili ng rnga pamayanang kultural ang kanilang sariling katangian at sa ngayon ay hinihimok silang panatilihin ang kanilang mayamang pamana.

Ang aklat na ito ay ginawa para rnapaunlad ang pag- kakaunawaan at pagpapahalaga ng rnga Aeta. Ito ay ang minoryang kultural, na nakatira sa rnga lugar ng Pampanga, Tarlac, Zarnbales at Bataan. May humigit-kumulang na 15,000 Aeta ang nagsasalita ng naiiba sa rnga hindi Aeta. Ang Aeta ay isang malaking grupo ng ilang Negrito na pinaniniwalaang ilan sa rnga unang tao sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ni Paolo sa aldat na ito ang rnga kabataan ay tinutulungang malaman ang pagkakaiba-iba ng tradisyon at uri ng pamumuhay bilang pagkakataon upang mapagyaman ang kanilang sariling pamumuhay. Habang tinatanggap at ikinagagalak ng rnga kabataan ng bansang ito ang kanilang pagkakaiba, rnagsisilaki sila na may rnatibay na pang-unawa sa kahalagahan ng pagkakaisa ng rnga Pilipino.

Ang Summer Institute of Linguistics sa pakikipagtulun- gan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Pampalakasan, ay marangal na ipinakikilala ang aklat na ito bilang isa sa in- aasam na serye ng rnga aklat na naglalarawan ng uri ng pamumuhay ng ilang grupong kultural sa Pilipinas.

Ito ay pagsubok na edisyon. Tinatanggap namin ang kahit anong puna o mungkahi na makapagpapabuti sa edisyong ito.

Special thanks to

Danton and Ann Sherwood for their support and assistance,

especially in arranging artwork for this book.

Ako si Paolo. Nakatira ako at ang aming mag-anak sa bayan. Marami akong kalaro.

Tuwing Sabado pumup~inta kami sa bahay ng lolo at lola ko sa bukid.

Malapit sila sa bundok at sa mga bahay ng mga Aeta.

Marami rin ang mga kalaro ko roon.

Isa na rito si Ornat. Kami ay mag- kasamang umiigib.

Pagkatapos, sumasama ako sa pagpapas- to1 ni Ornat ng kanilang kalabaw.

"Halikayo," tawag ng tatay ni Ornat. "pumunta tayo sa ilog at manisid tayo ng isda."

Dahil sanggo1 pa ang kapatid ni Ornat, siya ay inilalagay sa isang sakbat para hindi siya mahulog kapag sila ay bumaba patungo sa ilog.

Sumisid kami ni Ornat sa ilog.

Si Ornat ay marunong gumamit ng salaming pandagat. Maraming isda siyang nasibat.

Isinukat ko rin ang kaniyang salaming pandagat.

Nang tapos na kaming mangisda, nagutom kami. Kaya, nag-ihaw na kami ng ilan. "Masarap ang inihaw na isda," ang rlasabi namin.

Habang pabalik na kami sa barrio nadapa ako at nasugatan.

Hinugasan nila ang sugat ko ng pinaglagaan ng dahong bayabas.

Kahit wala silang maraming pera, ipinakita nila sa akin ang kanilang pagmamahal.

Talagang mga kaibigan ko sila kaya masaya ako tuwing pupunta kami sa barrio ng mga Aeta.

Alam mo ba ... "Negrito" ang pangalan ng mga taong may maitim na balat, kulot ang buhok at pandak.

Maraming grupong Negrito sa Pilipinas. Marami rin ang mga pangalan nila. May Aeta/Aytal, Agta, Atta, Ati, Batak, Dumagat, Mamanwa at iba pa.

LUZON n Aria

Kababayan nating Pilipino ang mga Negrito.

166 Ayta" ang tawag nila sa sarili nila. "Aeta" ang tawag ng iba.

17

top related