ang masining na pagpapahayag

Post on 24-May-2015

2.382 Views

Category:

Education

25 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Masining na Pagpapahayag

TRANSCRIPT

ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAGAng Tayutay

LAYUNIN:

a) Malalaman ang iba’t- ibang uri ng tayutay;b) Makapagbigay ng pangugusap na

ginagamitan ng mga tayutay.

Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o pariralang ginagamit upang maging mabisa at kaakit- akit ang ating pagpapahayag.

MGA URI NG TAYUTAY

Pagtutulad (Simile)

Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari.

Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, atb.

Halimbawa: Ang iyong mata ay mistulang kristal sa

ganda.

Pagwawangis/ Metapora ( Metaphor)

Ito’y tiyakang paghahambing pero HINDI ginagamitan ng mga salitang gaya ng, parang, atb.

Halimbawa: Ikaw ay dyosa ng kagandahan.

Pagbibigay- Katauhan/ Pagsasatao (Personification)

Ito’y pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng isang tao sa mga bagay- bagay sa ating paligid.

Halimbawa:

Yumuko ang mga halaman sa pagdaan nya.

Pagpapalit- tawag (Metonymy)

- Metonymy- ang ibig sabihin ng meto ay “panghalili o pangpalit”

Ito’y paggamit ng mga salitang panumbas o pampahiwatig ng kahulugan.

Halimbawa:

/Naghanda sila ng mga masasarap na pagkain para sa mga bisita./

Naghanda sila ng magandang mesa para sa mga bisita.

/ Ang sanggol na isinilang ni Aling Maria ay malusog./

Ang anghel na isinilang ni Aling Maria ay malusog.

Pagpapalit- saklaw (Synechdoche)

Ito’y maaaring gamitin sa pagbanggit ng bilang sa pagtukoy sa kabuuan o maaari rin namang ang isang taoy kumakatawan sa isang pangkat.

Halimbawa:Siya ang Rizal sa kanilang pamilya.Sampung bibig ang umaasa kay Pedro.

Pagtawag/ Panawag (Apostrophe)

Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag- usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang harapan ngunit wala naman.

Halimbawa:

Kamatayan nasaan ka? Wakasan mo na ang buhay ko.

Pagmamalabis (Hyperbole)

Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa:Bumaha ng luha sa mga baryong

nasalanta ng bagyo.

Pagtatambis (Antithesis)

Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng mga bagay na magkasalungat upang lalong mangibabaw o mas lalong maging mabisa ang isang natatanging kaisipan.

Halimbawa:

Ang buhay ng tao ay may liwanag at may dilim; panalo at pagkatalo.

Pagsalungat (Epigram)

Dalawang magkasalungat na kaisipan ang pinagsasama upang maipakita ang kanilang kaugnayan.

Halimbawa:

Pag- uyam (Irony/ Sarcasm)

Paggamit ng salitang mapangutya o mapang- uyam bagaman tila masarap pakinggan kung titingnan ang literal na kahulugan.

Halimbawa:Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo

yan makikita.

Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.

Pagtanggi (Litotes)

Ang mga pahayag na ito ay karaniwang ginagamitan ng panangging “hindi” upang bigyang- diin ang makabuluhang pagsang- ayon sa sinasabi.

Halimbawa:

Paghihimig (Onomatopeia)

Paggamit ng mga salitang ang tunog ay parang nagpapahiwatig ng kahulugan nito.

Halimbawa:Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong

kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.

Pagdaramdam (Exclamation)

Ang pagpapahayag na ito ay nagsasaad ni masidhi o di- pangkaraniwang damdamin.

Halimbawa: O, araw na lubhang kilabot! Araw na

sinumpa ng Diyos!

Mabuhay! Mabuhay ang Pilipinas!

Pagtatanong (Rhetorical Question)

Ginagamit upang tanggapin o di- tanggapin ang isang bagay.

Wala itong inasahan na sagot.

Halimbawa:

Bakit napakahigpit sa akin ang kapalaran?

May bukas pa kaya para sa akin?Mababago ko ba ang nakatanhana sa

atin?

top related