hawak ko ang kinabukasan mo - lrmds.depedldn.com

Post on 12-Nov-2021

21 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

3

Hawak Ko Ang Kinabukasan MoKarapatang Ari 2005

KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTOKagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ngorganisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo

1

Pag-aralan Natin

Paghambingin ang mga larawan.

2

Basahin Natin

Iya : Magandang umaga po! Naghahanap po ako ng bumibili ng

uling.

Gene : Saan ba galing ang uling ninyo?

Iya : Sa kaingin sa tumana. Pero bukas pa po aahunin ang uling

kaya humahanap na ako ng bibili.

Gene : Marami ba? Ilang sako ang makukuha?

Iya : Hindi ko po tiyak. Bukas pa malalaman kung ilang sako ang

makukuha.

Gene : Sige, dalhan mo ako ng sampung sako bilang paghahanda

sa sobrang taas ng LPG.

Iya : Pati rin po ba kayo ay gagamit na rin ng uling?

Gene : Wala tayong magagawa, patuloy kasi ang pagtaas ng LPG.

Kaya lang, nasisira ang ating kalikasan dahil sa pag-uuling.

Nauubos ang mga puno sa kagubatan.

3

Iya : Wala tayong magagawa. Iyan lamang ang paraan para

kumita ng pera. Nakararaos din kami sa pang-araw-araw

na pangangailangan sa malinis na paraan.

Gene : Ngunit...paano ang ating kalikasan?

Iya : Naisip ko na po iyon. Nasisira nga po ang ating kalikasan.

Kaya naggugulayan na po ako. Huli ko na pong pag-uuling

ito.

Gene : Salamat naman kung ganoon. Sana, Iya magtanim ka na

ng puno sa bahaging iyong kinaingin.

Iya : Opo, Ka Gene. Nagtanim na nga po ako ng niyog at atis

doon sa aking kaingin.

4

Halina sa kagubatan

nang ating malaman

mga bagay na wala rito

sa kapatagan

Halina’t sasamahan

ko kayo, nang inyong

madama kagandahan

ng kagubatang ito.

Alamin Natin

A. Magtungo Tayo sa Gubat

Sige na, nang makita

ang mga puno, ibon,

at hayop na doo’y

naninirahan.

Salamat, makikita

ko na rin ang mga

unggoy na kamag-

anak nitong aking

alaga.

5

Iba ang pakiramdam

kapag nasa gubat.

Bakit nga kaya?

Halina! Tayo ay

pupunta sa gubat.

Kukuha tayo ng pulot,

kahoy, pagkain,

halamang-gamot at

kabuti. Mainam ding

magpiknik doon.

Lalanghapin natin ang

sariwang hangin.

Doon makikita ang

malinis na tubig, ang

naggagandahang

mga bulaklak at iba’t

ibang puno. Makikinig

din tayo sa huni ng

mga ibon.

Ang gubat ay isang

malawak at pabagu-

bagong komunidad.

Binubuo ito ng iba’t-

ibang uri ng halaman at

hayop na umaasa sa

isa’t-isa sa maraming

paraan. Ang iba pang

bumubuo ng kagubatan

ay mga lupa, tubig at

ang mga mineral sa

ilalim ng lupa.Ang lahat ay

magkakaugnay at

walang nasasayang

sa gubat. May

perpektong

“ecosystem” ang

kagubatan.

Alam ba ninyo na

ang kagubatan ang

nagsisilbing tirahan

ng libu-libong uri ng

kulisap, halaman at

mga hayop.

B. Ang Kagubatan Natin

6

Tubig, Hangin at Enerhiya sa Kagubatan

7

Ang “Food Chain” sa Kagubatan

Ipinakikita ng “food chain” kung paano naisasalin o naililipat ang

enerhiya, buhat sa isang organismo patungo sa isa pang organismo.

8

Ang “Food Web” sa Kagubatan

Suriin ang “food web” sa larawan. Ipaliwanag kung paano nabubuo ang

“food web”.

Magkakarugtong na “food chain” ang “food web.” Nabubuo ito mula sa magkakaibang “food chain”.

9

Nag-aalaga at

nagpapayaman ng

lupaNagsisilbing

kamalig o tirahan

ng iba’t-ibang

uri ng nilikha.

Pumipigil sa pag-

guho ng lupa at

pagdaloy ng tubig

sa kapatagan

Nagpapadalisay

ng tubigPinagkukunan

ng pagkain at

kagamitan

Binabalanse

ang klima

Nagdudulot ng aliw

dahil sa kanyang mga

puno at hayop

Kahalagahanng Kagubatan

Tandaan Natin

10

Mga yaman mula sa ating kagubatan

troso buhay-ilañg tulad ng baboy-

ramo at labuyo

rattan o uway mga bungang-kahoy

11

mineral mula sa

pagmimina

halamang gamot orkidya

12

Ano ang kalagayan ng kagubatan sa mundo?

Heto ang pandaigdigang mapa ng kagubatan.

Noon, halos walumpung porsiyento (80%) ng kalupaan ay sakop ng mga gubat. Subalit ngayon ito

ay tatlumpu’t anim na porsiyento (36%) na lamang. Ito’y patuloy na lumiliit bawat taon dahil sa

pangangailangan ng mga tao. Napuputol ang mga troso dahil sa pangangailangan ng mga industriya.

Kinakaingin ang kagubatan para sa agrikultura at pangangailangan sa tahanan.

13

Orihinal at kasalukuyang sukat ng kagubatan sa bawat bansa.

5000

45004000

3000

3500

2500

10001500

2000

500

Ba

ng

lad

esh

Bhuta

n

Ca

mb

od

ia

Chin

a

Ind

ia

Ind

on

esia

Iran

La

os

Mala

ysia

Mo

ng

olia

Myanm

ar

Ne

pa

l

Pakis

tan

Papua N

ew

Guin

ea

Ph

ilip

pin

es

Sri L

anka

Thaila

nd

Vie

tna

m

Kasalukuyang sukat (libong km. kuadrado)

Orihinal na sukat (libong km. kuadrado)

Source: Asia Pacific Cultural Centerfor UNESCO (ACCU), 2000

14

Paano mo mapananatiling masigla at malusog ang atingkagubatan?

Maayos na gamitin ang makabagong

teknolohiya sa pagtatanim

Iwasan ang walang humpay na pagtrotroso

Alagaan ang mga itinanim na puno

Magtanim ng mga punong-kahoy

15

Magtanim ng mga puno ng prutas

gaya ng atis, dalandan, langka,

lansones, rambutan at iba pa.Sundin ang batas tungkol sa pagtrotroso

Maging paksa ng mga panayam ang pangangalaga sa kagubatan

16

Basahin Natin

Kalikasan Ay Kayamanan

Sadyang napakapalad ng ating buhay

Maraming biyayang bigay ang Maykapal

Lupa, tubig, hangin at kagubatan

Ang lahat ng mga ito’y dapat pangalagaan.

Ang kagubatan ay s’yang ating inaasahan

Na magbigay ng pagkain at pangangailangan

Subalit kapag ekosistem ay di alagaan

Masisira, mawawasak buong kalikasan.

Masamang epekto dala nito sa ating pamumuhay

Pati na rin ibang bagay na mayroong buhay

Pagkasira ng ekosistem kahirapan ang taglay

Kaya kalikasan ay paunlarin tungo sa tagumpay.

17

Alam Mo Ba?

1. Basahin ang bawat pangungusap. Ipaliwanag ang bawat

pangungusap batay sa pagkasira ng kagubatan.

a. Mga halaman at hayop ay mawawalan ng pagkain at tirahan.

b. Dahil sa pagkawala ng mga puno, ang lupa ay sasama sa baha.

c. Hindi na mapigilan ng mga kalbong bundok ang biglaang

pagbuhos ng ulan na nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig.

d. Ang pagkaubos ng kagubatan ang nagiging sanhi ng

pagtaas ng temperatura o pag-init ng klima sa buong mundo

e. Ang pagkawala ng ugat ng puno na kumakapit sa lupa sa

kagubatan ang sanhi ng pagkaanod ng lupa sa ilog.

2. Anu-ano ang mga dapat tandaan upang mapanatiling maganda

ang ating kagubatan?

18

3. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa

ekosistem.

19

4. Ano ang gagawin mo sa ganitong mga sitwasyon?

a. Naibalita na malakas ang bagyong Lilang, signal #3. Ano ang

iyong gagawin sa mga saging na nasa inyong bakuran?

b. Halimbawa, nakakita ka ng bahay pukyutan. Ano ang gagawin

mo upang makuha mo ang pulot?

5. Magbigay ng pahayag para maipaliwanag ang paksa ng modyul:

“Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo”

top related