ibat ibang uri ng teksto

Post on 22-Jan-2018

4.376 Views

Category:

Education

53 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong

impormatibo ay nagtataglay ng tiyak ng

impormasyon patungkol sa

bagay, tao, lugar, o pangyayari.

Hindi ito naglalaman ng opinyon

kung kaya ang tono nito ay

kadalasang obhetibo.

Ang tekstong

impormatiboIto rin ay kadalasang sumasagot sa

mga tanong na ano, sino,

at paanotungkol sa isang paksa.

Masasabi ring ang tekstong

impormatibo ay hindi nagbibigay ng

opinyong pabor o sumasalungat sa

posisyon o paksang pinag-uusapan.

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Tekstong

Deskriptibo Ang tekstong deskriptibo ay isang

tekstong naglalarawan. Ito ay

naglalaman ng mga impormasyong

may kaugnayan sa mga katangian ng

tao, bagay, lugar, at pangyayaring

madalas nasasaksihan ng tao sa

paligid.

Dalawang Uri ng

Tekstong Deskriptibo

ang teknikal

impresyonistiko.

Deskripsiyong

Teknikal

Naglalayon itong

maglarawan sa

detalyadong

pamamaraan.

Deskripsiyong

Teknikal

Halimbawa:

Ang ngiting matipid ay

bahagya lamang ang

ginagawang pagkibot ng bibig.

Ang ngiting mapagbigay ay

laging nakangiti.

Deskripsiyong

Impresyonistiko

Naglalayon itong

maglarawan ayon sa

pansariling pananaw o

personal na saloobin.

Deskripsiyong

Impresyonistiko

Halimbawa:

Ang matamis na ngiti ay maaaring

maghatid ng kasiyahan at maging

simula ng magandang

pagkakaibigan.

Ang pagngiti ay nakatutulong

upang magmukha kang bata.

Dalawang Anyo ng

Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay

may dalawang anyong

ginagamit. Ito ay

ang karaniwan at masining.

Karaniwan

Ito ay isang paglalarawang

hindi sangkot ang damdamin.

Sa ganitong anyo, ang

paglalarawan ay ayon sa

nakikita ng mata.

Karaniwan (obhetibo)

Halimbawa:

Ang Pilipinas ay isa lamang sa

bansang napaliligiran ng mga

karagatan.

Paliwanag:

Obhetibo ang paraan ng

paglalarawan dahil wala itong

sangkot na damdamin.

Masining(suhetibo)

Ito ay isang paglalarawang

naglalaman ng damdamin at

pananaw ng taong

naglalarawan. Naglalayon itong

pukawin ang guniguni ng

mambabasa.

MasiningHalimbawa:

Patuloy siya sa paglakad nang

pasagsag habang pasan ang

kaniyang anak na maputla pa ang

kulay sa isang papel.

Paliwanag:

Subhetibo ang paglalarawan dahil

naglalaman ng damdamin at

pananaw.

Mahahalagang

KaalamanAng tekstong deskriptibo ay

naglalarawan ng tao, bagay, lugar at

pangyayari.

Ang dalawang uri nito

ay teknikal at impresyonistiko.

Karaniwan at masining naman na

paglalarawan ang dalawang anyo nito.

Mga PaalalaAng teknikal na paglalarawan ay

detalyado ang paraan ng

paglalarawan.

Ang impresyonistiko na

paglalarawan ay naglalaman ng

saloobin ng manunulat.

TekstongPersuweysib

Tekstong

PersuweysibNaglalayon itong manghikayat ng

mga mambabasa o tagapakinig.

Ito ay isa sa mahahalagang uri ng

tekstong ginagamit sa radyo at

telebisyon.

Ito rin ay isang

mahalagang kasanayang dapat

matutunan ng tao.

Tekstong

PersuweysibNararapat na maging maganda ang

nilalaman nito upang makuha ang interes

ng mga mambabasa, manonood, at

tagapakinig.

Ito ay dapat ginagamitan ng mga

salitang nakagaganyak, tulad na lamang

ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang

isang kandidato o kung bakit dapat bilhin

ang isang produkto.

Tekstong

PersuweysibHalimbawa:

Mga advertisement sa radyo at

telebisyon

Talumpati sa

pangangampanya at rally

APELANG ETIKALIpinaalam ng may-akda na dapat

siyang pagkatiwalaan ng mga

mambabasa dahil sapat ang

kaniyang kaalaman sa

isyu.Gumagamit siya ng mga

sangguniang awtoritativ o ng

mga ideya ng mga eksperto.

APELANG ETIKALIpinaalam ng may-akda na dapat

siyang pagkatiwalaan ng mga

mambabasa dahil sapat ang

kaniyang kaalaman sa

isyu.Gumagamit siya ng mga

sangguniang awtoritativ o ng

mga ideya ng mga eksperto.

Tatlong Paraan ng

Panghihikayat Ayon

kay AristotleAyon kay Aristotle, may tatlong

paraan para mahikayat mo ang

iyong mga mambabasa.

1. Ethosnaiimpluwensyahan

ng karakter at kredibilidad ng

tagapagsalita ang paniniwala ng

mga tagapakinig. Sa ganitong

paraan, kailangang nagtataglay

ng sapat na kasanayan sa

pamamahayag ang isang

manunulat o tagapagsalita.

2. Pathospag-apila sa damdamin ng mga

tagapakinig. Ito marahil ang

pinakamahalagang paraan upang

makahikayat. Madaling naaakit ang

isang tao kapag naantig ang

kanyang damdamin kaugnay ng

paksang tinatalakay.

3. Logosparaan ng paghikayat

na umaapila sa isip. Ang

paglalahad ng sapat na

katibayan kaugnay ng paksa ay

labis na nakakaapekto sa

panghihikayat.

Mahahalagang Kaalaman

Ang tekstong Persuweysib ay isang uri

ng sulatin kung saan ang manunulat ay

gumagamit ng mga pananalitang

tumutulong upang mahikayat ang mga

mambabasa at tagapakinig na paniwalaan

ang inihahayag nitong ideya o paniniwala.

Ang halimbawa nito ay ang

mga advertisement at mga talumpating

nanghihikayat.

May tatlong paraan ng paghikayat ayon

kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.

TekstongNaratibo

Tekstong Naratibo

Tekstong naratibo ang tawag sa

isang teksto kung ito ay nasa

anyong nagsasalaysay. Ang

tekstong ito ay tila nagkukuwento

patungkol sa tiyak at

pagkakasunod-sunod ng

pangyayari.

Tekstong NaratiboNilalayon din ng tekstong naratibo na

magbigay-kabatiran, o magbigay ng

kawilihan sa mambabasa.

Ang tekstong naratibo ay nagpapakita at

nagbibigay ng mga impormasyon tungkol

sa isang tiyak na tagpo, panahon,

sitwasyon at mga tauhan.

Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-

iiwan ng isang matibay na kongklusyon.

Tekstong Naratibong Di-

Piksiyon at Piksiyon

Ang tekstong naratibo

ay maaaring piksiyon

o di piksiyon.

Tekstong Naratibong Di-

Piksiyon at PiksiyonDi-Piksiyon

Ang mga naratibong di-piksiyon ay

nakabatay sa personal na karanasan

ng manunulat o maaaring isang

kuwento ng isang tao.

Halimbawa:

anekdota

talambuhay

Mahahalagang KaalamanAng tekstong naratibo ay isang uri ng

tekstong naglalahad at nagbibigay ng tiyak

na impormasyon.

Maaaring ito ay hango sa tunay na

karanasan ng manunulat o di-piksiyon at

maaari din namang bunga ng malikhain at

mayamang pag-iisip ng may-akda o ang

tinatawag na piksiyon.

Ang tekstong naratibo ay maaaring nasa

anyong pasulat o pasalita.

Mga PaalalaTandaan, ang tekstong naratibo ay

nagsasalaysay o nagkukuwento. Kung

gayon, unawain mabuti ang tekstong

binabasa.

Kung ang tekstong binasa ay naglalahad

ng sanhi at bunga, nanghihikayat, o

naglalahad ng proseso ito ay hindi

maituturing na tekstong naratibo.

Mga PaalalaTandaan, ang tekstong naratibo ay

nagsasalaysay o nagkukuwento. Kung

gayon, unawain mabuti ang tekstong

binabasa.

Kung ang tekstong binasa ay naglalahad

ng sanhi at bunga, nanghihikayat, o

naglalahad ng proseso ito ay hindi

maituturing na tekstong naratibo.

Tekstong

Argumentatibo

Tekstong argumentatibo

ay naglalahad ng paniniwala,

pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw

patungkol sa isang mahalaga o

maselang isyu.

Layunin nitong mahikayat ang mga

mambabasang tanggapin ang mga

argumentong inilalahad sa

pamamagitan ng mga

pangangatuwiran.

Tekstong argumentatibo

Ang ganitong uri ng teksto ay

kadalasang sumasagot sa tanong

na bakit.

Layunin din ng ganitong uri ng

teksto na mapatunayan ang

katotohanang ipinahahayag nito.

Mga Bahagi ng Tekstong

ArgumentatiboKagaya ng ibang pormal na pagsulat,

ang tekstong argumentatibo ay

mayroon ding mga pangunahing

bahagi. Bawat bahagi ay

magkakaugnay upang higit na maging

matibay ang mga pangangatuwirang

inilalahad. Ang mga bahaging ito ay

ang panimula, katawan,

at konklusyon.

PanimulaAng panimula ay kailangang maging

mapanghikayat sa paraang mahusay

na mailahad ang pangkalahatang

paksang tatalakayin at ang

proposisyon.

Ang proposisyon ay isang pahayag

na naglalaman ng isang opinyon na

maaaring pagtalunan.

KatawanLahat ng argumento ukol sa inihaing

proposisyon ay kailangang

organisadong maihanay sa katawan

ng tekstong argumentatibo.

Mahalagang may malawak na

kaalaman ang manunulat ukol sa

isyung tinatalakay, nang sa gayon ay

magtaglay ng bigat ang mga

pangangatwiran.

KonklusyonSa bahaging ito, inilalatag ng sumulat

ang kabuuan niyang pananaw ukol sa

kaniyang proposisyon.

Kinakailangang matibay ang

konklusyong binuo batay sa mga

patunay na nabanggit sa katawan ng

teksto.

Mga Paraan ng

Pangangatwiran

Ang paghahain ng mga

pangangatwiran sa tekstong

argumentatibo ay mayroong apat na

paraan. Ang mga ito ay ang:

Mga Paraan ng

Pangangatwiran1.Pagsusuri

ang paraang ito ay iniisa-isa ang

mga bahagi ng paksa upang ang

mga ito ay masuri nang husto

2. Pagtukoy sa mga Sanhi

inuugat ang mga naging sanhi ng

mga pangyayari

Mga Paraan ng

Pangangatwiran

3. Pabuod

sinisimulan sa maliliit na patunay

tungo sa paglalahat

maaaring gawin sa pamamagitan

ng pagtutulad, pagtukoy sa mga

sanhi ng pangyayari, at mga

patunay

Mga Paraan ng

Pangangatwiran

4. Pasaklaw

sinisimulan sa

pangkalahatang katuwiran o

kaalaman at iisa-isahin ang

mga mahahalagang punto

TekstongProsidyural

Tekstong Nagpapakita ng

Pagkakasunod-sunodMay iba't ibang teksto na nagpapakita o

tumatalakay ng pagkakasunod-sunod ng

mga pahayag, pangyayari, o hakbang.

Ito ay may layunin na sumagot sa tanong

na “paano”−paano binuo, paano iluto,

paano buuin, paano gawin, paano

nangyari, at iba pang mga gawain at

pangyayaring lagi nating ikinakabit ang

tanong na paano.

Tekstong Nagpapakita ng

Pagkakasunod-sunod

Ito ay tumutukoy sa mga

pamamaraan o hakbang ng

pagsasagawa ng isang gawain at

pag-iisa-isa ng mga pangyayari.

Nagiging mas maayos, malinaw,

at naiiwasan ang anumang

kalituhan sa tulong ng mga

tekstong prosidyural.

Iba't Ibang Tekstong

Nagpapakita ng

Pagkakasunod-sunodMayroong mga kaayusan sa

paglalahad ng mga

pagkakasunod-sunod ng gawain at

maging ng mga pangyayari. Ang

mga ito ay mahahati sa tatlong

pangkat−sekwensyal, kronolohik

al, at prosidyural.

1.Sekwensyal

Ang sekwensyal ay tumutukoy sa

serye o pagkakasunod-sunod ng

mga bagay o gawaing

magkakaugnay sa isa’t isa.

Karaniwan itong ginagamitan ng

mga salitang una, pangalawa,

pangatlo, pang-apat, kasunod, at

iba pang kagaya.

2. Kronolohikal

Ang kronolohikal ay tumutukoy sa

pagkakasunod-sunod ng mga

pahayag.

Ang paksa ng tekstong ito ay mga tao

o bagay na inilalahad sa isang paraan

batay sa isang tiyak na baryabol na

tumutukoy sa edad, distansya, halaga,

lokasyon, bilang, dami at iba pa.

Ang Kaayusang Prosidyural Bilang

Uri ng Teksto

Ang tekstong prosidyural ay

naghahatid ng pangmatagalang

(lasting) kaalaman ukol sa mga bagay

na kailangang isagawa o ganapin.

top related