narkotiko at mga uri nito

Post on 21-Aug-2015

1.504 Views

Category:

Education

6 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ANG NARKOTIKO AT ANG GAMIT

NITO

Ang NARKOTIKO ay hango sa Narcosis, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “pagtulog o pagkaantok.”

Ang kalagayang ito ay nagiging sanhi ng

panghihina ng pandama bagama’t ito ay

nakapagbibigay ng masigla at magandang pakiramdam

sa gumagamit.

Ginagamit ito sa medisina bilang:1. Pampakalma2. Pampatulog3. Pampapawi ng Matinding Kirot na dulot ng Operasyon.4. Nakapagdudulot ng katiwasayan sa may sakit.

Subalit ang madalas na pag gamit ng narkotiko ay

humahantong sa pangkatawan at pang

kaisipang pagkagumon

OPIYUM

Ang Opiyum ay inang gamot ng lahat ng

Opiates. Hango ito sa mala gatas na katas

galing sa hilaw na balat ng Opium poppy

Maitim, makunat, mapait at mabaho ang opiyum sa hilaw nitong anyo. Kadalasang ay

hinihithit ito mula sa Pipa.

CODEINE

Ang Codeine ay kadalasang ginagamit bilang gamot sa ubo.

Pinahihinto nito ang pag-ubo, pinapapayapa ang pasyente at pinapatulog

ito nang mahimbing

Nakaaalis din ito ng sakit kapag mas mataas ang

dosa. Ang pag aabuso sa pag gamit ng Codeine ay

lubhang mapanganib. Ito ay maaaring maging sanhi ng

pagkasugapa.

MORPINA

Ang morpina ay isang puti at pinong bulbos na

may mapait na lasa kapag puro. Ginagamit itong solusyon pang-ineksyon sa medisina kung saan binansagan

itong “gamot ng awa” ng mga doktor.

Ang maliliit na dosa ng morpina ay mabisang

pang-alis ng sakit tulad ng kirot na dulot ng kanser, pampatulog

naman kapag malalaking dosa.

HEROINA

Ang Heroina ay pulbos na malakristal sa puti at

madaling malusaw. Galing ito sa morpina

kung kaya’t halos magkatulad ang dalawang ito.

Sa mga gamot na nag mula sa Opyo, ito ang may pinakamalakas na

bisa. Sa katunayan, isang sukat na heroina ay katumbas ng tatlong

morpina kung epekto ng gamot ang

pinaguusapan.

Ang tuloy-tuloy na gamit nito sa loob

lamang ng 14 na araw ay nagdudulot ng pagkagumon.

Nagbubunga din ito ng karamdaman o maging

kamatayan

Walang gamit sa medisina ang Heroina.

Kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang

pagbili o pag titinda nito sa mga pharmacy. Kilala rin ang heroina sa tawag

na H, smack at Junk.

PAREGORIC

Hindi katapangan ang gamot na ito bagama’t mula rin ito sa opiyum.

Pinababagal nito ang pag igting ng mga smooth

muscles sa katawan kaya mabisa itong gamot sa mga

karamdaman sa sikmura tulad ng pag tatae.

METHADONE AT DEMEROL

Ang mga ito ay sintetikong narkotikong

ang epekto ay katulad ng sa morpina. Ginagamit

ang mga ito bilang kahalili ng morpina na pampahupa ng sakit.

top related