paggagalugad sa tarlac

Tags:

Post on 28-Oct-2014

134 Views

Category:

Documents

8 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Paggagalugad

sa TarlacLocal Tour 2012

“Bago dayuhin at hangaan ang ibang lupain, pasyalan, itangi at ipagmalaki

muna ang lupang tinubuan ”

:Bamban

Bamban Ang Bamban ay dating masukal na lugar na kung saan nakatira ang mga Ita, Zambal at ilang Kristiyano na galing sa Pampanga at ilang lalawigan ng Katagalugan. Ito ay isa sa mga bayan ng Pampanga noon.

Ang pinagmulan ng pangalan ng Banaba ay sa mga puno ng Banaba na marami noon sa lugar na ito.

:Concepcion

ConcepcionAng bayan ng Concepcion at Magalang ay dating iisang bayan na kung tawagin ay San Bartolome. Pagkalipas ng tat-long taon (1863) ang dating bayang San Bartolome ay nawasak ng malaking baha. Ito ang dahilan ng paghihiwalay ng mga nakatira rito upang pumili ng kanilang panahanan.

Nagmula ang pangalan ng Concepcion sa Immaculate Conception na pinaniniwalaang may kontrol sa mga ahas na napakarami sa lugar.

: Capas

CapasDalawa ang sinasabing pinagmulan nang pangalan nang bayan, ang una ay mula sa gulay na Capas-Capas at ang pangalawa'y sinasabing nangaling sa unang tatlong titik nang mga apilyidong Capitulo, Capunfuer-za, Capunpue, Capili, Capongga, Capunpun, Capati, Capadosa, Capil and Capuno atbp. at dinagdagan nang -as.

:Mayantoc

Mayantoc     Ang Mayantoc ay tinaguriang Summer Capital of Tarlac sa dahilang mataas na lugar ito at malamig. Ang pangalang mayantoc ay galing sa salitang yantok o kawayan. Ito ay dating baryo ng Camiling ngunit naging ganap na bayan noong Enero 1, 1917. Ang nagtatag at kinikilalang patron ng Mayantoc ay si Don Francisco Pascual Santos.  

:Camiling

Camiling Ang Camiling ay dating sitio ng

Paniqui. Ito ay naging ganap na bayan noong 1838. Ngunit bago ang pagiging bayan nito ay tinatawag itong San Jose de Camiling. Pinaniniwalaang ang pangalan ng Camiling ay galing sa Kamiring, isang puno na nagdudulot ng pangangati sa balat kapag nasagi ang dahon nito.

:Ramos

RamosBani ang lumang pangalan ng

Ramos na dating bahagi ng bayan ng Paniqui. Ito ay naging bayan noong Enero 1,1921 at naging Ramos bilang pagkilala kay Geminiano Ramos at gobernador Alfonso Ramos. Ang mga unang lumakad sa pagiging bayan ng Ramos ay sina Carlos Fileu, Vicente Mauricio at Magdaleno Linsao.

Mga Dapat Tandaan Suot -Kumpletong uniporme/class shirtOras ng Pagdating at Pagbabalik sa DBTI

- 6:00 am sa Court 1(Assembly) - 5:00 pm (Departure from Ramos)Mga dadalhin - camera/c.p - pera para sa pagkain at snacks - extra shirt/towel - payong - Rosaryo

Punan ang DYORNAL. Ito ang magsisilbing proyekto para sa Ikatlong Markahan.

Basahin ang mga impormasyon sa Dyornal upang magkaroon ng kabatiran sa mga pupuntahan.

Makinig sa Socio-Cultural Guide para sa mga panuto.

Mga dapat na ASAL Maging mapagmasid sa paligid para sa higit na pagkatuto.

Maging maingat sa mga personal na kagamitan at mga kasangkapang makikita sa mga pupuntahang lugar.

Magpanatili ng kalinisan sa bus at kapaligiran.

Makitungo ng maayos sa mga taong makikilala.

MAGDASAL para sa masaya at ligtas na

pamamasyal.

God bless our Local Tour!

top related