pagtugon sa hamon

Post on 16-Aug-2015

114 Views

Category:

Education

13 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Pagtugon sa HamonK to 12 Filipino

Mga Layunin:

Nauunawaan ang mga bahagi at nilalaman ng Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 4

Naipapaliwanag ang mga pamamaraan at estratehiya na maaaring gamitin sa pagtuturo at pagtatasa sa Filipino

Gawin

Sa loob ng sampung minuto, pag-usapan ang sagot sa tanong na ibibigay. Iulat ang mga napag-usapan sa loob ng limang minuto.

Paano ba itinuturo ang asignaturang Filipino?

Ganito rin kaya ang dapat gawin sa pagtuturo ng Filipino sa K to 12 Curriculum?

Video ng pakitang turo

Suriin Ano ang mga hakbang na ginawa ng guro upang malinang ang kasanayan para sa araw na iyon?

Ano-anong domains ang nalinang sa kaniyang aralin?

Ano-anong kasanayang pang ika-21 siglo ang natugunan sa pakitang turo? Paano?

Suriin Paano niya tinasa ang natutuhan ng kaniyang mag-aaral? Sapat ba ito?

May nakita ba kayong natatangi sa kaniyang pagtuturo? Ano ito?

Ano-anong pangangailangan ng mga mag-aaral ang kaniyang natugunan?

Suriin Ano ang naramdaman mo habang

nanonood? Pagkatapos mapanood ang pakitang turo? Pangatwiranan ang sagot.

Ganyan din kayang magturo ang mga guro sa inyong paaralan?

Paano kaya natin sila higit na matutulungan upang makatugon sa hamon ng bagong kurikulum?

Isang PagsilipPatnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral

cover

yunit

Patnubay ng Guro

Isang kagamitan na magsisilbi mong gabay sa pagtuturo ng mga aralin sa Filipino 4 lalo na ng mga bagong batayang kasanayan

TANDAAN: Ito ay isang gabay lamang. Ang mga gawain dito ay maaaring baguhin ayon sa pangangailangan ng iyong mga mag-aaral.

1Pagbibigay ng

Mahalagang TanongPaunang Pagtataya

Pakikinig (Story book)

2 Pagsasalita

3GramatikaGramatika

4 Estratehiya sa Pag-aaral

5Hindi Natutuhan

Natutuhan

6Pagbasa (Levelled text)

7Pag-unawa sa Binasa

8Gramatika

9Pagsulat/Estratehiya

10Pagsagot sa Mahalagang Tanong

Gawaing PantahananPagtatapos

Panlingguhang Pagtataya

Linggo Tema

Mga layunin sa loob ng sampung araw

Araw

Layunin sa isang araw

Mga Bahagi

Mahalagang Tanong. Mga pagganyak na tanong at panimulang tanong na mag-uugnay sa araling tatalakayin.

Paunang Pagtataya. Maikling pagsubok sa iskima ng mga mag-aaral.

Pagbabaybay. Sa bahaging ito,

magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang kasanayan sa pagbabaybay ng mga salitang natutuhan nila sa Filipino at maging sa ibang asignatura.

Paghawan ng Balakid. Ginagawa ito bago makinig o magbasa ng isang teksto. Kikilanin dito ang mga salita o konsepto na sagabal sa lubos na pagkaunawa ng mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang pakikinggan o babasahin.

Pagganyak. Isang tanong o gawain na pupukaw sa interes ng mga mag-aaral kaugnay ng inihandang aralin.

Balikan. Isang tanong o

gawain na magbabalik-tanaw sa kaalaman ng mga mag-aaral sa dating aralin upang magamit nila sa pagtuklas o pag-aaral ng bagong kaalaman.

Pagganyak na Tanong. Isang tanong na may kinalaman sa mapapakinggan o babasahing teksto.

Gawin Natin. Sa bahaging ito, lilinaning ang aralin sa pamamagitan ng mga tanong at gawain na gagawin mo kasama ng iyong mga mag-aaral.

Paglalahat. Isang tanong o gawain upang matiyak ang natutuhan ng mga mag-aaral sa aralin.

Paglalapat. Isang gawain na lilinangin ang kaugalian at kagandahang asal.

Gawin Ninyo. Pagsasanay na gagawin nang pangkatan upang malinang ang kasanayan

Gawin Mo. Pagsasanay na gagawin nang isahan upang malinang pa ang kasanayan.

Subukin Natin. Isang pagtataya na

susukatin ang natutuhan ng mga mag-aaral. Kukuhanin mo ang index of mastery nito upang makapagdesisyon ka kung tutuloy ka sa bagong aralin o bibigyan mo pa ng ibayong pagsasanay ang mga mag-aaral.

Index of Mastery

Mga Gawain para sa Hindi Natutuhan.

Mga gawain na ibibigay mo sa mga mag-aaral upang mas malinang pa ang kanilang kakayahan.

Natutuhan. Mga gawain ng

ibibigay mo naman sa mga mag-aaral na nahihirapan sa araling inihanda.

Gawaing Pantahanan. Mga gawaing ibibigay mo sa mga mag-aaral upang isagawa nila sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang pamilya.

Pagsagot sa Mahalagang Tanong

Pagtatapos. Isang gawain na maglalagom ng lahat ng aralin sa buong linggo.

Karagdagang Babasahin. Listahan ng mga

aklat at iba pang kagamitan na maaaring gamitin upang malinang ang batayang kasanayang nililinang ng partikular na aralin.

Panlingguhang Pagtataya. Susukatin ang mga natutuhan ng mga mag-aaral sa buong linggong pag-aaral.

Lagumang Pagsusulit

Buklatin ang Aralin 1 na makikita sa Patnubay ng Guro.

Nakita mo ba ang mga nabanggit na bahagi?Ano-anong domains ang nalinang sa bawat bahagi? Ano-anong kasanayang pang ika-21 siglo ang nalinang sa araling ito?

Kagamitan ng Mag-aaral

yunit

Linggo na binubuo ng sampung araw

Tema para sa buong linggo

Mahahalagang Tanong

Tuklasin Mo. Sa bahaging ito,

lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangang malaman ng mga mag-aaral upang lubos na maunawaan ang mapapakinggan o mababasa ng mga teksto.

Basahin Mo. Dito mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin sa pagtalakay ng aralin.

Gawin Ninyo. Pangkatang-

gawain upang ang mga kasanayan at kaalaman ay malinang ng kasama ang kanilang kapuwa mag-aaral at matulungan ang bawat isa upang maunawaan ang aralin.

Gawin Mo. Isahang gawain upang higit na mapaghusay ang kakayahan at mapayaman pa ang mga natutuhan sa aralin.

Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin ang mga natutuhan ng mga mag-aaral sa mga araling pinag-aralan.

Isulat Mo Sa bahaging ito, ipakikita ng mag-aaral ang kanilang pang-unawa sa binasa sa pamamagitan ng iba’t ibang sulatin.

Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa mga mag-aaral upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan nila sa bawat aralin.

Bokabolaryong Pang-akademiko. Dito makikita ang talaan ng mga salitang binasa at pinag-aralan sa bawat yunit. Maaari itong gamitin sa mga pagsasanay upang mapaunlad ang talasalitaan ng mga mag-aaral.

Kalendaryo ng Pagbabasa. Ito ay isang buwang kalendaryo ng mga gagawin ng mga mag-aaral kaugnay ng isang babasahing pambata na kaniyang napili. Maaari mo itong gawin sa bawat buwan ng taon. Ang kalakip ng KM ay isang halimbawa, malaya ka pa rin na ito ay isaayos ayon sa pangangailangan ng iyong mga mag-aaral

Karagdagang Gawain Ipakikita sa pamamagitan ng pagtatala ang pamagat ng mga pambatang kuwento na natapos na basahin.

Paggawa ng Book Report. Ito ay isang gabay kung paano isasagawa ng mga mag-aaral ang isang report ng chapter book na kanilang natapos basahin.

Buklatin ang Aralin 1 na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Nakita mo ba ang mga bahaging nabanggit?

Patnubay ng Guro Kagamitan ng Mag-aaral

Mahalagang Tanong Mahalagang TanongPaunang PagtatayaPagbabaybayPaghawan ng Balakid Tuklasin MoPagganyak/BalikanPangganyak na Tanong

Basahin Mo

Gawin Natin Gawin Ninyo Gawin NinyoGawin Mo Gawin Mo

Patnubay ng Guro Kagamitan ng Mag-aaral

Paglalahat Isaisip Mo

Paglalapat Isapuso Mo

Isulat Mo

Subukin Natin

Mga Gawain - Hindi Natutuhan - Natutuhan

Gawaing Pantahanan

Pagsagot sa Mahalagang Tanong

Pagtatapos

Panlingguhang Pagtataya

Karagdagang Babasahin

Bokabularyong Pang-akademiko

Kalendaryo ng Pagbabasa

Paggawa ng Book Report

Energizer

Differentiated Instruction

Energizer

Classroom-based Assessment

Pumili ng isang aralin mula sa PG at KM. Magbigay ng mungkahi kung paano ito mapagbubuti batay sa natutuhan sa mga talakayang ginawa. Isulat din kung paano susukatin ang mga natutuhan ng mga mag-aaral sa araling ito. Gawin ito sa loob ng 30 minuto.

Gamitin ang format.

Aralin : __________Araw : __________

Layunin : _______________________

Sanggunian : PG : _____ KM : _____

Gawain sa Kagamitan Mungkahing Gawain(Differentiated Activity)

Mungkahing Paraan ng Pagtatasa

     

     

Gumawa ng puso mula sa ibinigay na papel. Sa loob nito, kompletuhin ang ibibigay na pangungusap. Gawin ito sa loob ng limang minuto.

Kompletuhin. Mula ngayon, bilang isang tagasanay sa Filipino, sisikapin kong _________________ upang __________.

Tagumpay ng bawat kabataang PilipinoTagumpay ng bayanTagumpay nating lahat!

04/17/2023

…para sa Kabataang Pilipino

Salamat po!

71

top related