rtfsdf vermicomposting · paggawa ng abono sa tulong ng mga bulate na kabilang sa grupo na...

Post on 29-Jan-2020

92 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

rtfsdfVERMICOMPOSTING

Agricultural Training Institute

INTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRYISO 9001:2015 Certified

Vermicomposting------------------------------------------

2 Uri ng Substrates

Paggawa ng abono sa tulong ng mga bulate na kabilang sa grupo na tinatawag na Epigeics o “litter species” katulad ng Tiger worm, Indian blue worm at African night crawler worm.

Kailangang mabulok muna ang mga substrates (pre-decomposed) upang ito ang magsilbing pagkain ng mga bulate.

Ang buong proseso ay kalimitang nagtatagal ng 2 buwan.

Ang naaaning abono ay tinatawag na vermicast at vermicompost.

Carbohydrate Source (C)→ By-products ng mga halaman galing sa bukid (katawan ng mais, saging, dayami, bagaso)→ Kalat sa kusina→ Mga damo

Note:Bawal ang dumi ng tao, hayop na katulad ng aso at pusa sa pangamba ng pagkakaroon ng E. Coli. Ang dumi mula sa manok ay mataas sa ammonia content na panganib para sa mga bulate.

Nitrogen Source (N)→ Tuyong dumi ng mga hayop (baka, kalabaw, kambing at baboy)→ Mga legumbre (kakawate, ipil-ipil)

2. Pagkatapos ay diligin tatlong beses sa isang linggo. Pwedeng gumamit ng mga concoctions tulad ng FPJ, FFS o LABS sa pandilig ng mga substrates.

Proseso ng Vermicomposting

Anaerobic (nakatakip)2-3 linggo

Hakbang

1. Paghaluin ang tinadtad na dahon o damo at tuyong dumi ng hayop sa lalagyang may sukat na 3m2 (3 metro ang haba at 1 metro ang lapad) at may taas ng 2 layers ng hollow blocks. Ito ang standard size, pero pwedeng palakihin para sa madamihang produksyon.

3. Takpan ng sako o plastic. Ginagawa ito para mag-init ang mixture ng substrates sa loob, paraan para mas mapadali ang pagpapabulok.

4. Alisin ang takip at pasingawin. Kapag ang substrates ay mala-anyong lupa na (soil- like), hudyat na tapos na ang anerobic stage.

Aerobic Stage (nakasingaw / wala nang takip)1 buwan – 1 ½ buwan

Hakbang

1. Lagyan ng bulate ang substrate.1 kg bulate: 1 m2

Kung ang sukat ng lalagyan ay 3m2, kailangang maglagay ng 3 kg bulate.

2. Diligin (60-80% Moisture). Tamang pagsuri ng moisture content: Dumakot ng compost, pigain, dapat may 4-5 tulo lamang ng tubig.

4. Ilipat ang bulateng natira pagkatapos anihin ang vermicast at vermicompost. Ibunton sa nakahanda na ring pinabulok na substrates.

3. Anihin ang vermicompost at vermicast. I-airdry hanggang may 15% MC na taglay. Ikumin ang compost sa palad. Bilugin. Kapag nabuo ang parang bola, sapat ang taglay na MC (15%). ‘Pag naging buhaghag, hindi pa sapat ang MC.

Ulitin lamang ang proseso.Anaerobic 2 - 3 linggo at Aerobic 1 buwan.

ATI-ITCPHLearning by doing.

Produced by: ATI ITCPHContent by: Technical Staff

Multimedia Artist: Carol Nicole Cueto

@InternationalTrainingCenterOnPigHusbandry

@atiitcph

RUTH S. MICLAT-SONACO, DVSMCenter Director

ATI-International Training Center on Pig HusbandryMarawoy, Lipa City, Batangas 4217 Philippines

Tel. Nos.: (+63) (43) 756-1987; 756-1996; Fax Nos.: (+63) (43) 756-1995Mobile No. (+63) 918-903-0121

e-Extension Hotline: (+63) 928-508-0379Email Add.: atiitcphrecords@gmail.com

Website: www.atiitcph.com

Your home away from home...

Learning by doing...Do it the #ITCPHway

atiitcph.com

@atiitcph1985

top related