satur gihapon ni

Post on 19-Jun-2015

1.097 Views

Category:

Documents

6 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Repormasyon at Kontra Repormasyon

RepormasyonAng Repormasyon ay isang kilusang

naglalayong baguhin ang pamamalakad ng Simbahang Romano Katoliko. 

Ang Repormasyon laban sa Simbahang Romano Katoliko ay nagsimula sa Yuropa noong ika 16 na siglo na pinamunuan ni Martin Luther sa Alemanya at ni Juan Calvin sa Geneva, Switzerland. Ang sigaw ng repormasyon ay binubuo ng 5 bahagi. Ito ay ang mga sumusunod; 

SOLA SCRIPTURA (Tanging Kasulatan Lamang) Ang walang kamaliang Kasulatan

ay ang tanging pinagmumulan ng nasusulat na banal na kapahayagan, na siyang tanging makagagapos ng konsiyensya. Ang Biblia lamang ang nagtuturo ng lahat na kinakailangan para sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at ang pamantayan ng sukatan ng pag-uugali ng lahat ng kristiano. 

Aming itinatanggi na anumang paniniwala, kapulungan o indibiduwal ay maaaring makagapos sa konsiyensya ng kristiano, na ang Espiritu Santo lamang ang maaaring mangusap ng ukol o kaya'y salungat sa itinakda ng Biblia, o ang personal na karanasang espirituwal ay maaring maging daan para sa isang kapahayagan. 

SOLA GRATIA (Biyaya Lamang) Sa kaligtasan, tayo ay nasagip mula sa galit ng Dios

sa pamamagitan lamang ng Kanyang biyaya. Ito ay ang di pangkaraniwang gawa ng Espiritu Santo na nagdadala sa atin kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapalaya sa atin mula sa pagkagapos sa kasalanan at pagbuhay sa atin mula sa kamatayang espirituwal tungo sa espirituwal na buhay. 

Aming itinatanggi na ang kaligtasan sa anumang paraan ay gawa ng tao. Ang mga makataong pamamaraan o sistema lamang ay hindi maisasakatuparan ang ganitong pagbabago. Ang pananampalataya ay hindi bunga ng patay pa nating likas na pagkatao. 

SOLA FIDE (Pananampalataya Lamang) Ang pagpapawalang-wala ay sa biyaya lamang

sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ng dahil kay Cristo lamang. Sa pagpapawalang-sala, ang katuwiran ni Cristo ay inilagay o ikinabit sa atin bilang tanging kasiyahan ng ganap na katarungan ng Dios. 

Aming itinatanggi na ang pagpapawalang-sala ay batay sa ating kagalingan o kahusayan o sa pagkakakintal ng katuwiran ni Cristo sa atin, na ang isang samahan na nagsasabing isang iglesia ngunit itinatanggi o tinututulan ang sola fide o pananampalataya lamang, ay maaaring kilalanin bilang tunay na iglesia. 

SOLUS CHRISTUS (Kay Cristo Lamang) Ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng

gampanin ni Cristo bilang Tagapamagitan ayon sa kasulatan. Ang walang-sala Niyang pamumuhay at ang kamatayan Niyang nagtakip sa mga kasalanan ng mga hinirang lamang ay sapat sa pagpapawalang-sala at pakikipag-kaisa ng mga pinili sa Dios Ama. 

Aming itinatanggi na ang ebanghelyo ay tunay ngang naipangaral kung ang gampanin ni Cristo naman bilang Kahalili at Tagapagpalubag-loob sa galit ng Dios ay hindi ipinahahayag at ang pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa ay hindi hiningi. 

SOLI DEO GLORIA (Kaluwalhatian ng Dios Lamang) 

Ang kaligtasan ay sa Dios at natapos na ng Dios, ito ay para sa Kanyang kaluwalhatian at dapat natin Siyang laging luwalhatiin. Ang ating buong buhay ay dapat nating isapamuhay sa harapan ng Dios, sa ilalim ng Kanyang pamamahala at kaluwalhatian lamang. 

Aming itinatanggi na maluluwalhati natin ng tama ang Dios kung ang ating pagsamba ay mapagkamalian nating pang-aaliw, kung ating balewalain ang mga Utos at Ebanghelyo sa ating pangangaral, o kung hinahayaan natin ang pagpapaunlad sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, o ang pansariling kasiyahan ay gawing pamalit sa ebanghelyo ng Dios. 

Ang Repormasyon ay nabuo at naitatag dahil sa paglaganap ng mga bibliyang naisalin sa wikang katutubo. Ang Bibliya noon ay ipinagbabawal basahin at ipalaganap ng simbahang Romano Katoliko, at ito ay nakasulat sa wikang latin na kung saan ay ang mga mayayaman lamang at may pinag aralan noong panahong yaon ang nakaka intindi. 

REPORMASYON Ang mga sumusunod ang sinasabing

dahilan ng pag-usbong ng repormasyon

1. paghina ng kapangyarihan ng mga Santo Papa dahil narin sa pagtutunggalian ng mga kautusan2.pagmulat ng mga tao bunsod ng panahon ng renaissance3.pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado sa kapangyarihan ng Santo Papa at ng simbahan.

Unang Pinuno ng Repormasyon

Dahil na rin sa maraming isyung lumutang laban sa simbahan, tinuligsa ito ng maraming tao sa lipunan . Pangunahin sa mga ito ang mga sumusunod :

Si john Wycliffe ay isang guro sa Unibersidadng Oxford. Tinuligsa niya ang Kapangyarihan ng Santo Papa at ng mga Obispo . Ayon sa kanya , kinakailang mamuhay ng simle ng mga pari . Iminungkahi niyang gamitin ng lahat ng tao sa bibliya bilang gabay sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay . Isinalin rin niya sa ingles. Ang mga tagasunod niya ay tinatawag na LOLLARDS.

John Wycliffe

Isang pari sa Bohemia naging rektor ng Unibersidad ng praque . Sinusuportahan ni huss ang mga aral at tuntunin ni John Wycliffe. Tinuligsa nya ang karangyaan ng mga pinuno ng simbahan at pagbebenta ng indulhensiya .

John Huss

Isang mongheng domikano na tumuligsa sa labis na karangyaan ng mga maharlikang mamamayan . Dahil sa kanya , na paalis ang pamilyang MEDICI sa italya. Ang ari-arian ng mayayamang mamamayan ay sinunog . Hindi nagtagal ,humina nag impluwensiya ni Savanarola dahil na rin sa ginawa niyang pagtuligsa kay Alexander VI , ang Santo Papa , siya ay nahatulang mabitay noong 1498

Girolamo Savanarola

Saint Peter’s Basililica Pope Leo X

Indulhensiya

Johann Tetzel

MARTIN LUTHER

Isang mongheng Augustinian na isinilang sa Alemanya . Siya ay nakatapos sa unibersidad ng Eufurt at naging propesor sa Unibersidad ng Wittenberg . Ang unang –una niyang tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa . Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng indulhensiya ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo.

95 THESES

ADDRESS TO CHRISTIAN NOBILITY

THE BABYLONIAN CAPTIVITY OF THE CHURCH

Charles V Diet of worms

SECOND DIET OF SPIRES (1529)

Nabahala ang simbahan at itinawalag si Luther mula sa kanilang hanay . Si federick the wise , ang tumulong ka Luther . Itinago niya ito sa kastilyo ng Wartburg sa panahon ng pag- iisa at pagmumuni-muni, isinalin ni Luther ang Bibiliya sa Wikang Aleman . Ito ang naging paraan upang lalong makahikayat ng mga miyembro si Luther .

Martin Luther

Martin Luther’s Room in Wartburg

King francis of france Diet of Augsburg in 1555

CHARLES V Kahit na ipinagbawal ni

charles V ang pagbabasa sa mga sulat ni luther ,dumami parin ang tumuligsang ito ay nagsilbing protesta laban sa simbahan, kung saan binansagan ang mga lutherano na protestante , at ang kilusan ay tinawag na protestantismo sa poland, bohemia, hungary, norway , sweden , denmark ,finland at maraming lugar sa europa.

HULDREICH ZWINGLI

Si Huldreich ang itinuturing na tagapagtatag ng Protestantismo sa Switzerland . Naging panuntunan ni zwingli ang kalayaan . Para sa kanya , ang bibliya ang sumasang-ayon sa debosyon sa mga santo at sa pagbibigay ng malaking kapangyarihan ng Papa. Si zwingli ay namatay noong 1531 sa isang digmaan sa pagitan ng protestante at katoliko

JOHN CALVIN Si john calvin ay isang

abogadong pranses. Siya ay nakapag-aral sa mahuhusay ma paaralan. Sa paris naimpluwensyahan siya ng pilosopiya ni Erasmus. Sinulat niya ang Institute of the Christian Religion naging batayan ng mga imahen ng mga santo at krusipho. Itinuring siayng pinuno ng repormasyon sa Geneva . Nakarating din at lumaganap ng Cavinismo sa Alemanya , lalo na nang sakupin ni frederick II ang nasabing bansa .

ANG KONTRA REPORMASYON

ANG KONTRA REPORMASYON

Dahil sa malawakang pagtuligsa ng mga tao sa simbahan, isinakatuparan ng mga mananampalataya ng katolisismo ang kontra repormasyon noong 1534

ANG KONSEHO NG TRENT Ang konseho ng trent ay itinuring na malaking

hakbang sa Repormasyon Katoliko na ipinatawag ni Papa Pablo III noong 1545

1 Ang kasulatan at tradisyon ay kapwa tanggap ng panggagalingan ng doktrina Katoliko. 2 Itinuturing na mahalagang bahagi ng simbahan ng banal na Misa, mga sakramento , paggalang sa mga santo at iba pang doktrina. 3 Ang pagtakda sa mataas na antas ng kasalanan .

top related