sipon, trangkaso o covid?
Post on 26-Nov-2021
9 Views
Preview:
TRANSCRIPT
SIPON, TRANGKASO O COVID?
WWW.SNOHD.ORG/COVID WWW.SNOHD.ORG/FLU
Tagalog SIPON TRANGKASO COVID
MGA PALANTANDAAN AT SINTOMAS
Maaaring magkakaiba ang mga sintomas sa bawat tao. Hindi lahat ay magkakaroon ng bawat sintomas. Tandaang kahit ang isang sintomas ay maaaring magpahiwatig ng pagkakaroon ng sakit.
LAHAT: Ubo • Pananakit ng lalamunan • Tumutulong sipon o baradong ilong • Kahirapan sa paghinga • Labis na pagkapagod • Pananakit ng kalamnan o katawan • Posibleng pagsusuka o
pagduduwal
TRANGKASO AT COVID: Lagnat o panginginig • Pananakit ng ulo
Bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy
GAANO KATAGAL ITONG NAKAKAHAWA?
1-2 araw bago magsimula ang mga sintomas, at
nananatili itong nakakahawa hanggang may mga
sintomas
Pinakanakakahawa sa unang 3-4 na araw;
maaaring nakakahawa 1 araw bago at hanggang
7 araw pagkatapos magsimula ang mga
sintomas
Hanggang 2 araw bago at hanggang 10 araw (minsan ay mas mahaba)
pagkatapos magsimula ng mga sintomas
GAANO KATAGAL MANANATILI SA BAHAY?
*Sundin ang mga tagubilin sa pagbubukod (isolation)/pag-quarantine mula sa iyong medikal na provider o
tauhan ng pampublikong kalusugan.
SIPON AT TRANGKASO: Hanggang sa wala nang lagnat (hindi gumagamit ng gamot) sa loob ng hindi bababa sa
24 na oras at bumuti ang iba pang sintomas
Hanggang sa wala nang lagnat (hindi gumagamit ng gamot) sa loob ng hindi
bababa sa 24 na oras AT bumuti ang iba pang sintomas AT 10+ araw na mula noong nagsimula ang mga sintomas o ang petsa ng
pagsusuri. Kung nakasalamuha ang isang kumpirmadong kaso, bumukod sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pinakahuling pakikisalamuha. Kung nabakunahan at
natukoy bilang malapit na nakasalamuha ng isang positibong kaso: magbantay para sa mga sintomas at magpasuri sa loob ng 3-5 araw pagkatapos ng pagkakalantad (Hindi kailangang mag-quarantine maliban kung
magkakaroon ng mga sintomas).*
PAANO ITO KUMAKALAT?
LAHAT: Pinakakaraniwang kumakalat mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng mga patak na galing sa pag-ubo, pagbahing, o pagsasalita ng mga taong may sakit. Maaaring
mapunta ang mga patak sa mga bibig o ilong ng mga malalapit na tao o posible itong malanghap papasok sa baga. Maaaring mapunta ang mga patak sa mga ibabaw o patungang hinahawakan
ng mga tao, at pagkatapos ay mailipat ang mga ito kapag humawak sila malapit sa kanilang bibig, mga mata, o ilong. Maaaring maihawa sa iba bago sila magpakita ng mga sintomas.
MGA TAONG MAY MATAAS NA PANGANIB NA MAGKAROON NG
MALALANG SAKIT*Hindi sigurado kung mataas ang iyong panganib?
Makipag-usap sa iyong medikal na provider.
LAHAT: Mga mas nakakatandang nasa hustong gulang • Mga taong may mga partikular na umiiral na medikal na kondisyon* gaya ng sakit sa baga o puso, diabetes, o labis na katabaan • Mga
buntis • Mga sanggol • Mga taong may mahinang immune system
Mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng
mga komplikasyon sa malulusog na bata para
sa trangkaso kumpara sa COVID-19
Ang mga pumapasok na bata na may COVID-19 ay nasa mas mataas
na panganib na magkaroon ng Multisystem Inflammatory Syndrome in
Children (MIS-C)
MGA KOMPLIKASYON
Strep throat (impeksiyon sa lalamunan) • pag-atake ng hika
TRANGKASO AT COVID: Pulmonya • Paghina ng sistema ng paghinga • Acute respiratory distress syndrome • Sepsis • Mga atake sa puso • Stroke • Paghina ng maraming organo • Paglala ng mga pangmatagalan at hindi gumagaling na medikal na kondisyon • Pamamaga ng mga tisyu sa puso, utak o kalamnan • Mga sekundaryang impeksiyon na dulot ng bakterya
SIPON AT TRANGKASO: Mga impeksiyon sa sinus at tainga • Bronchitis • Pulmonya
Mga namuong dugo sa mga vein at arterya (mga daluyan ng dugo) ng mga baga, puso, mga binti o utak • Multisystem Inflammatory
Syndrome in Children (MIS-C)
MGA PAGGAMOT AT BAKUNA
Pansuportang pangangalaga para paginhawain ang mga sintomas. Walang available
na bakuna
Available ang mga bakuna sa trangkaso bawat
taon. Mga inireresetang gamot laban sa virus para
gamutin ang trangkaso
Kasalukuyang may tatlong bakuna sa COVID-19 na awtorisado ng FDA. Makipag-usap sa iyong provider ng
pangangalagang pangkalusugan tung-kol sa mga posibleng paggamot kung
positibo sa COVID-1
top related