slide show region iii
Post on 08-Apr-2015
6.360 Views
Preview:
TRANSCRIPT
GOOD MORNING!!!
REHIYON III GITNANG LUZON
JASLENE JOY B.ARISTORENAS AT MARY CELINE C.ALESNA
REHIYON III REHIYON III GITNANG LUZONGITNANG LUZON
MAPA NG GITNANG LUZON(REHIYON 3)
DAHIL SA MADALAS NA PAG-APAW NG TATLONG PANGUNAHING ILOG SA REHIYON 3 (ILOG AGNO, PAMPANGA, ILOG ANGAT) ANG URI NG LUPA DITO AY ALLUVIAL.
Tinaguriang imbakan ng bigas ng Pilipinas. Ito rin ang pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas. Ito ay may sukat na 21,470 kilometro kwadrado. Pitong (7) Lalawigan ang bumubuo sa Rehiyon 3, ito ay ang mga sumusunod;
LALAWIGAN KABISERA
NUEVA ECIJA PALAYAN CITY
TARLAC TARLAC
ZAMBALES IBA
PAMPANGA SAN PFERNANDO
BULACAN MALOLOS
AURORA BALER
BATAAN BALANGA
ANG REHIYON 3 AY MAY DALAWANG URI NG PANAHON SA LOOB NG ISANG (1) TAON. ITO AY ANG TAG-ULAN NA NARARANASAN SA BUWAN NG MAYO HANGGANG OKTUBRE. AT TAG-ARAWSIMULA BUWAN NG NOBYEMBRE HANGGANG ABRIL.
• HANGGANAN/LOKASYON:
BAHAGI BAYAN / LUGAR
HILAGANG KANLURAN PANGASINAN
KANLURAN DAGAT TSINA
SILANGAN BUNDOK SIERRA MADRE AT LALAWIGAN NG AURORA
TIMOG CAVITE
LIKAS NA YAMAN, INDUSTRIYA AT KABUHAYAN
Ang Gitnang Luzon ay sagana sa ulan, mayaman at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. May maganda ring sistema ng irigasyon sa rehiyon kung kaya’t kahit tag-init ay may sapat na tubig ang mga bukirin. Ang Nueva Ecija ang pinagmumulan ng pinakamalaking ani ng palay sa rehiyon. Nagtatanim din dito ng tubo, mais, melon, pakwan at iba’t ibang uri ng gulay.
Paggawa ng asukal ang pangunahing industriya sa lalawigan ng Tarlac at Pampanga. Mayroon ding malalaking palaisdaan ng bangus, sugpo, at iba pa sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Bataan. Ang Zambales at Aurora ay pinagkukunan ng mga produktong kahoy tulad ng tabla at poste.Matagpuan din sa Zambales ang minahan ng chromite, tanso at guano. Bakal, apog at marmol sa Bulacan at Bataan. Manganese sa Tarlac at buhangin at luad sa Pampanga.
IBA PANG URI NG KABUHAYAN
Bukod sa pagsasaka at panginigisda na pangunahing pinagkakakitaan sa rehiyon, mayroon ding iba’t ibang uri ng hanapbuhay na pantahanan sa iba’t ibang lalawigan nito.Tulad ng paggawa ng silya at basket na yari sa yantok. Paggawa ng sawali sa Tarlac. Gawaan ng alahas at kultihanng balat ng mga hayop, paggawa na kutsilyo, itak, bakya at paso sa lalawigan ng Bulacan
ANG MGA MAMAMAYAN Ang mga mamamayan sa Gitnang Luzon ay nahahati sa apat.
1. Ilocano – ZAMBALES at TARLAC
2. Zambaleño – unti unti ng nawawala dahil sa pangingibabaw ng mga Ilocano.
3. Tagalog – BULACAN, NUEVA ECIJA at BATAAN.
4. Kapampangan – PAMPANGA at ilang bahagi ng TARLAC.
May ilang pamayanang tribal din sa rehiyon tulad ng Ita sa Zambales, Ibaloi at Igorot.
Ang TARLAC ay tinatawag na Melting Pot dahil sa iba’t ibang uri ng naninirahan dito, tulad ng Ilocano, Pampangueño, Pangasinense at Tagalog.
MGA DAKILANG PILIPINONG NAGMULA SA REHIYON 3 Ilan sa mga dakilnag Pilipino ang nagmula sa Rehiyon 3.
Katuald nina Francisco Balagtas, Trinidad Tecson, Marcelo H. Del Pilar, Gregorio Del Pila at Guillermo Tolentino.
Bukod sa tatlong (3) dating pangulo ng Pilipinas na sina Ramon Magsaysay, Diosdado Macapagal, at Corazon Aquino, ang ating kasalukuyang Pangulo na si Gloria M. Arroyo ay nagmula din sa rehiyon.
MAGAGANDA AT MAKASAYSAYANG POOK
Matatagpuan din sa rehiyon ang ilan sa magaganda at makasaysayang lugar sa ating bansa. Tulad ng Barasoain Church kung saan ginanap ang unang Kumbensyong Pang-konstitusyon. Ang Bataan at Corregidor at Caps sa Tarlac ay mga lugar kung saan nagpamalas ng kabayanihan ang ating mga kababayan.
REHIYON 3 SA PAMBANSANG KAUNLARAN
Ang Rehiyon 3 ay nangunguna sa produksyon ng bigas. Ang pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop ay isa rin sa pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ang maganda at makasaysayang pook na nagiging atraksyon sa pagpapaunlad pagpaunlad ng turismo ay malaking tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng rehiyon.
Ang Clark Air Base at Subic na dating base militar ng Amerika ay isa na ngayong pasyalan. Mayaman din ang rehiyon sa kultura, tulad ng Pagoda sa Wawa, Pista ng Kalabaw, Santakruzan at ang pagsasayaw sa Obando ng mga hindi binibiyaan ng anak ay bahagi na ng ating kinaugalian.. Kultura na nagpapamalas ng ating kakayanan at paniniwala. Mga kultura na sumasagisag sa ating pagkamasayahin at magalang. Mga kultura na nagpapatingkad ng ating pagka-PILIPINO.
Ang bawat rehiyon sa ating bansa ay may kanya-kanyang likas na yaman, kultura at uri ng kabuhayan. Ang rehiyon na ating pinagmulan ay isang uri ng ating pagkakilanlan. Subalit dapat lagi din nating isa-isip at isa-puso na hindi ang rehiyon na ating pinagmulan ang makakatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa kundi ang ating pagbibigkis-bigkis at pagtutulungan bilang PILIPINO. Ang paggalang at pagrespeto sa ating kapwa Pilipino bilang kapatid.
MARAMING SALAMAT!!!
JASLENE JOY B. ARISTORENAS
top related