tula: katuturan at elemento

Tags:

Post on 01-Nov-2014

510 Views

Category:

Documents

18 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Ano ang tula?Anu-ano ang mga elemento nito?

TRANSCRIPT

Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan at mga karapatan. Ito ay isang katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng alinmang langit.

Ang tula ay panggagagad ng mga tinig at kamalayang nagpapasigasig. Ang diwa o tema nito ay batay sa mga karanasan sa buhay, sa mga pambansang isyu at mga pangyayari sa lipunang kinagagalawan ng tao, atbp.

SUKAT – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.

Hal. Wawaluhing pantig

“ noong mga unang araw, na ayon sa kasaysayan, ang Berbanyang kaharian, ay may Haring hinangaan.”

TUGMA- ito ay tumutukoy sa pagkakasintunugan na huling salita ng mga taludtod.

Hal.“kung siya mong ibig na ako’y magdusa,Langit na mataas, aking mababata.Ako’y minsan-minsang mapag-alaalaIsagi mo lang sa puso ni Laura.”

MAKABULUHANG DIWA- tinutukoy nito ang

pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng diwa ng tula, pinupukaw ng makata ang damdamin ng mga mambabasa, pinapaganda niya ang mga pangit na bagay sa paningin ng mga tao; binibigyan niya ng kabuluhan ang mga karanasang sa palagay natin ay walang halaga.

ANG KAGANDAHAN o KARIKTAN

- tinutukoy ng sangkap na ito ang paggamit ng mga piling salita sa tula upang ito’y maging maganda. Ang mga salitang ginagamit ng makata ay tumutulong sa pagpapatingkad ng diwa ng tula, pumupukaw sa mayamang guni-guni ng mambabasa, at bumubuo ng mga buhay na larawang-diwa sa tula.

MATANDANG TULA o MAKALUMANG TULA

yaong binubuo ng mga taludtod na may sukat at

tugma.

MALAYANG TALUDTURAN O FREE VERSE

yaong tulang walang sukat at tugma.

1. TULANG PANDULAAN- naglalarawan ng mga pangyayaring

naihahalintulad sa tunay na buhay. Ito’y isinusulat upang itanghal.

2. TULANG PANDAMDAM- nagsasaad ng masisidhing damdamin ng

makata, gaya ng kaligayahan, kasawian, kalungkutan, kabiguan, poot, tagumpay, galak, atbp.

3. TULANG PASALAYSAY o BUHAY

- naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. Kabilang sa ganitong uri ng tula ang epiko, awit, kurido, atbp.

4. TULANG SAGUTAN

- naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran ng dalawang mambibigkas.

top related