ang 1986 edsa people power

5
Ang 1986 EDSA People Power

Upload: jetsetter22

Post on 25-Jun-2015

172 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang 1986 edsa people power

Ang 1986 EDSA People Power

Page 2: Ang 1986 edsa people power

Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986 bunga ng mithiin ng mga mamamayang mgakaroon ng pagbabago sa bansa. Ang People Power o Lakas ng Bayan ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, Minister of National Defense, at si Hen. Fidel V. Ramos ang vice-chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tumiwalag sa administrasyong Marcos.

Page 3: Ang 1986 edsa people power

Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng taumbayan kundi si Cory Aquino kaya’t noong ika-22 ng Pebrero, 1986 ay nanawagan silang magbitiw na sa tungkulin si Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng Radyo Veritas ay nanawagan sila sa mga mamamayang suportahan sila at bigyan ng proteksiyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan…

Page 4: Ang 1986 edsa people power

Sa pangyayaring ito, nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko na at itigil na ang kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa ginawa nilang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito “Butz” Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino, Jr. na magpunta ang mga tao sa EDSA( Efifanio Delos Santos Avenue) saa paligid ng Camp Crame

Page 5: Ang 1986 edsa people power

at Camp Aguinaldo kung saan nagtatago sina Enrile at Ramos kasama ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang at dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA. May dala-dala silang pagkain para sa mga sundalo. Dito ganap na nagsimula ang tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA 1.