ang aking tulambuhay
TRANSCRIPT
ANG AKING TULAMBUHAY
Mula kay ama’t ina ang aking buhayBunga ng pagmamahalan nilang walang humpayNapawi ang lungkot,nawala ang lumbayDahil sa pangakong binitawang tunay
Dumating ang araw ng aking kapanganakanSa Makati,Maynila pa noon ang tirahanKaya’t sa ospital na rin doon ang puntahanNang lola’t kamag-anak na syang nagdatingan
Ika-8 ng Marso ang aking kaarawanAt aking pangalan ay sadyang pinag-isipanAng sabi ni ina’y “Graciella” aking ngalanNgunit ngalang “Joyce” ang syang karagdagan
Bumabalik sa gunita ang awit ni inaAwit na kinakanta nung ako’y bata paGamit na panghele tuwing ako’y tutulog naAng siyang hinahanap ko lagi sa tuwina
Sa kanilang aruga, tiyaga’t kasipaganAkong anak nila’y matamang naalagaanSubsob silang kapwa upang ako’y SubaybayanMapalaki akong wasto sa tamang paraan
Sa ika-anim na taon ko sa elementaryaAking pagtitiyaga’y sadya ngang nagbungaDahil sa pagtatapos nakakuha ng medalyaNa siyang ikinarangal at kinasiya ni ina
Nung un’t ikalawang taon ko sa sekondaryaMga gurong mapagmahal aking nakilalaAt mababait na kaibigan aking nakasamaKaramay sa problema at nagbigay saya
Umunlad Ang Aming buhay ang nais ni inaKaya’t sa ibang bansa siya’y naghanapbuhayPara rin sa pag-aaral kaya’t inilaanUpang maramdaman angkop na kaligayahan
Wala akong maiganti sa hirap ni inaSa pagmamahal at kalingang ipinadamaKundi ang pag-ibig, panalangin sa tuwinaNa palaging maging ligtas at maging masaya
Makatapos ng pag-aaral ang aking hangarinUpang baling araw ay makapaghanapbuhay na rinNg makakatulong kay ina sa mga gawainKaya’t kakayahan aking pagyayamanin
Aming buhay ay sadyang simple lamangBasta’t ang mahalaga kami ay sama-samaKaya’t maraming salamat sa’yong pakikiisaAking tulambuhay nagustuhan mo sana.