ang bayot, ang meranao, at ang habal habal sa isang ... filipino - ang... · din na huwag sanang...
TRANSCRIPT
Pahina 1 ng 23
Mahabang Pagsusulit 2 | DULANG PANTANGHALAN 9 | 2017-2018
Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na
Paghihintay Sa Kanto ng Lanao Del Norte
Rogelio Braga
Itinanghal noong Ikaapat na Taon ng Virgin Labfest 2008.
Ang mga nagsiganap:
BAMBI ……………………….. JOEY PARAS
HAMID …………………… ARNOLD REYES
Sa direksyon ni: ……………………… NICK OLANKA
Meranao Translation: Jelanie C. Mangondato
Para kay Abdul Hamid M. Hadji-Omar
*May ilang mga salita sa iskrip ng dulang ito ang kinailangan palitan o baguhin ng paaralan dahil sa mga isinasaalang-alang na edad ng mambabasa.
Pangalan: _________________________________________________
9 - ___________________________
Pahina 2 ng 23
Mga Tauhan:
BAMBI – Early 20’s. Lalaki. Filipino
HAMID (CRIS) – Early 20’s. Lalaki. Meranao Bangsa Moro.
Ang dulang ito ay isinulat ng isang Filipinong mandudula na
nangungusap tungkol sa Bangsa Moro. Hinihiling na sana sa
pagpapalabas ng dula walang imahen ng masjid na masira ng
digmaan, imahen ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao o
nasawing kapatid na Moro dahil sa digmaan o BM freedom
fighters na may hawak na anuman armas pandigma. Wala
sanang gagamiting background music mula sa mga
instrumenting katutubo sa Mindanao at sa mga Moro. Hinihiling
din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa
mga oras ng sambahayang o sala’ah. At tulad ng iba kong akda,
wala akong dula at kuwento na ipalalabas at ilalathala saan man
probinsiya o bahagi ng Lanao del Norte.
Kasalukuyang panahon.
Sa isang kanto sa Lanao del Norte malapit sa Iligan.
Maririnig ang malakas na ringtone ng cellphone. Papasok si
BAMBI may dalang malaking shoulder bag at ilang bungkos ng
mga papel at dokumento. Nakasuot siya ng kahel na baby t-shirt,
mint green na pantalon, pink na Chuck Taylor at sunglasses.
Paminsan-minsan kakikitaan ang hindi pagka-comfortable si
Bambi dahil sa init.
001. BAMBI: (Sa telepono). Yes, madam, nandito
na po ako as promised. Dala ko na po iyung kontrata at
iyong resume at na-review ko na rin and, yes of course I
have my recommendation. Later na lang, madam, medyo
mahabang discussion ito; may jetlag pa po ako. (Tatawa)
Joke lang naman po I know nasa Pilipinas pa rin ako.
Teka, nasa Pilipinas pa nga ba ako? (Tatawa) Opo hindi
po nakakabokot dahil mukha naman pong may ‘peace
and order’ dito. Medyo kampante nap o ako kasi nakita
ko rin po ang Jollibee sa Iligan kanina. Opo, I
understand… I perfectly understood… Hindi
mapagkakatiwalaan, traydor, this is a Christian
community at hindi okay sa LGU at sa mga partner NGOs
na mayroon tayong ganoong hiring policy. Pag-uusapan
po natin iyan mamaya, madam. Sige po see you ‘andito na
ako sa baba…
Lilinga-linga si BAMBI sa paligid at maghihintay ng
masasakyan.
002. BAMBI: (sa sarili) ****! Wala yatang jeep
dito. Sabi sa akin ni Madam ang office daw namin e nasa
itaas. So, bababa raw ako sa Buru-un at sasakay ng habal-
habal. Teka gaano kaya kalayo ang habal-habal dito? My
God what a name for a place ‘habal-habal’?
Tutunog muli ang cellphone ni BAMBI.
Pahina 3 ng 23
003. BAMBI: Hello, Ma! Opo naalala ko po:
stramberry jam, pili nuts, halaya from the Pink Sisters.
Opo, nandito na po kami sa Teacher’s Camp. Opo sobrang
malamig. Don’t worry dala ko na po ang petroleum jelly
and I know when to use and how to apply it… sa lips. O,
sige po mag-uukay-ukay po ako mamaya… Sige jacket…
jacket po. Sige po bye! (sa sarili) Tandaan mo, Bambi,
nasa Baguio ka… Baguio… malamig, may pine trees. Wala
ka sa Mindanao… Wala ka sa Lanao…
Matagal na maghihintay si BAMBI. Palinga-linga at iniiwasan ang
mga tingin ng mga tao sa kanya. Patuloy siya sa pagkalikot ng
cellphone niya.
Papasok si HAMID nakasakay sa habal-habal. Nakasuot ng
sunglasses at nakasando. Hihinto ito sa tabi ni BAMBI. Huhubarin
ni HAMID ang sunglasses at titingnan niya nang diretso sa mata si
BAMBI. Hindi pa rin sila matitinag sa kanilang mga kinasadlakan.
004. HAMID: Ai! Diin ka makadto ‘Day?
005. BAMBI: I’m sorry. I don’t speak French.
Katahimikan. Nakatitig lang si HAMID kay BAMBI.
006. BAMBI: Excuse me bakit mo ako
tinitingnan? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong
sobrang ganda?
007. HAMID: Tagalog ka?
008. BAMBI: Hindi. Taga-Kamuning sa Quezon
City. Ikaw, saang planeta ka galing?
Ngingisi si HAMID.
009. HAMID: Banan planeta?
010. BAMBI: Ewan.
Magkakatinginan silang dalawa.
011. BAMBI: Bakit mo ako tinitingnan nang
ganyan?
012. HAMID: Ah dah, wala. Mukha ka kasing hindi
tagarito.
013. BAMBI: Obvious ba hindi magkapareho ang
fashion sense natin?
Bababa si HAMID sa habal-habal at lalapit kay BAMBI.
014. BAMBI: Siguro naman maaari ka nang
umalis at hindi mo na ako titingnan nang diretso sa mata
dahil naiilang ako, sobra… mga call boy lang sa Quezon
Memorial Circle ang tumitingin sa akin nang ganyan. Sige
po bye!
015. HAMID: Atunaanan akie, ang sungit mo
naman…
Babalik si HAMID sa habal-habal. Mananatili at patuloy pa ring
nakatingin kay BAMBI.
Pahina 4 ng 23
016. BAMBI: Sige, bye! Mag-iingat po kayo sa
pagmamaneho.
Hindi pa rin aalis si HAMID. Mananatili. Tutunog muli ang
cellphone ni BAMBI.
017. BAMBI: Yes madam. Nandito pa rin ako sa
baba. Naghihintay ng jeep o FX pero kanina pa walang
dumaraan e… Oh my God, no kidding! (Mapapatingin kay
HAMID). Madam… bakit hindi niyo man lang sinabi sa
akin? Hindi po ako… hindi po ako sumasakay ng ano nga
po ang tawag niyo roon?
018. HAMID: Habal-habal…
019. BAMBI: Habal-habal… maghihintay na lang
po ako ng jeep. I’m sure may jeep din sa planetang ito.
Just wait for me there… in 15 minutes wala pang
dumaraan… I’ll take that thing…
Katahimikan. Magkakailingan ang dalawa. Paaandarin ni HAMID
ang makina ng habal-habal bilang paanyaya kay BAMBI.
020. BAMBI: (Sa sarili) I’m sure may jeep na
daraan dito anytime. May FX. May FX akong nakita kanina
sa Iligan. It’s impossible for this place na walang jeep.
Kung may kalsada may jeep.
021. HAMID: Ah nah, dito na lang po sa ‘baba
aspaltado ang daan. Pagdating sa itaas lubak-lubak na
ang daan at kalsada.
Lilingunin ni BAMBI ang itaas.
022. HAMID: Habal-habal lang ang makakarating
sa poro. May jeep na dumadaan dito. Kinaba maintain
akie. Patungong Matungao. Pero puno na ‘pag dumaan
dito. Kaya mo bang sumakay sa taplod?
023. BAMBI: Taplod?
024. HAMID: Bubong ng jeep.
025. BAMBI: Hindi.
026. HAMID: Sumabit?
027. BAMBI: Obviously hindi.
028. HAMID: Sa tire? (matatawa)
029. BAMBI: ******* ka!
030. HAMID: Atunahaa, ano’ng sabi mo?
031. BAMBI: Wala. Sabi ko puwede bang
makisilong ng bag ko riyan sa ilalim ng motor mo baka
mag-melt sa init kasi e.
Katahimikan.
032. BAMBI: May sinasabi ka kanina… tungkol sa
kalsada… sabi mo iyong daan sa itaas lubak-lubak na…
Hindi ko akalain na may mga tao pa sa itaas.
033. HAMID: Oway. May munisipalidad pa riyan
sa itaas… Matungao… Meranao.
034. BAMBI: Ha?
035. HAMID: Muslim community. Dito sa ‘baba,
Christian Community.
Pahina 5 ng 23
036. BAMBI: Oh well saan naman dito ang gay
community?
Katahimikan. Tatanawin ni BAMBI ang bandang itaas.
037. BAMBI: Pero mula rito wala na akong
nakikita kundi mga puno at kabundukan… My God hindi
ko alam na nandoon pala ang opisina namin.
038. HAMID: Atunaa, first time mo ba rito sa
Lanao?
039. BAMBI: Oo. Ang init talaga sa planeta niyo
rito.
040. HAMID: Ah! Dito lang iyan akie… pero sa
amin malamig ang klima… parang Baguio.
041. BAMBI: Ha? Saan ba ang sa inyo?
042. HAMID: Dito rin sa Lanao. Pero sa ibang
planeta (Matatawa).
043. BAMBI: Ha?
044. HAMID: Sa amin akie malamig ang hangin.
045. BAMBI: Teka saan nga ba ulit ang sa inyo?
046. HAMID: Oway bah! Dito rin.
047. BAMBI: Hindi ka naman malabong kausap
ano? Don’t tell me bawa’t communities iba’t iba ang
temperature ng hangin.
Katahimikan.
048. HAMID: Ano, sasakay ka na?
Paaandarin ni HAMID ang makina.
049. BAMBI: Sorry. Hindi ako sumasakay diyan.
Paano kung sumemplang?
050. HAMID: Hindi ito akie sesemplang. Sanay
akong magmaneho.
051. BAMBI: Ayaw ko pa rin. Sa Maynila
nagkakalat sa kalsada ng EDSA ang pira-pirasong utak ng
mga namamatay sa pagsakay sa ano nga ba ulit ‘yan?
052. HAMID: Habal-habal akie…
053. BAMBI: Tama… habal-habal… Hindi pa ako
nakakasakay diyan. Wala bang traysikel dito?
054. HAMID: Wala. Nakita mo pataas ang
kalsada? Hindi puwede ang traysikel dito.
055. BAMBI: E, di maghihintay ako ng daraang
jeep dito.
Tutunog ang mobile phone ni BAMBI.
056. BAMBI: (Sa kausap sa mobile phone) Hello,
Madam, pasensiya ka na nandito pa rin ako sa ibaba.
Wala pong dumaraan na habal-habal. Maghihintay po ako
ng jeep… may dumaraan naman po atang jeep dito…
opo… opo… naiintindihan ko po (Mapapatingin kay
HAMID. May takot.)… Naku ganun po ba? Diyos ko
nakakatakot naman iyang sinasabi niyo… Akala ko ba
sabi niyo huwag akong ma-afraid dito dahil may ‘peace
and order’ po… Opo… Opo… Sige hihintayin ko na lang po
Pahina 6 ng 23
ang habal-habal doon na lang po ako sasakay… sige po
hihintayin ko na lang po ang habal-habal…
057. HAMID: Sinungaling ka. Ano’ng tawag mo
rito? Di ba habal-habal ito?
058. BAMBI: Excuse me, nakikinig ka kanina? My
God, manners please… Maghihintay pa rin ako ng jeep
kahit na anong sabihin ni Madam. Hindi talaga kaya ng
powers ko ang sumakay diyan… sorry kahit na harangan
mo ako ng itak.
059. HAMID: Ah? Sabi? Bakit, ano’ng sabi ko ba
iyon?
060. BAMBI: Ni Madam… sabi niya huwag daw
akong sasakay ng jeep dahil mga Meranao daw ang
sumasakay dun papuntang Matungao… totoo ba ang
tsismis…
061. HAMID: Atunaa’y tsismis?
062. BAMBI: Sabi ni Madam hindi daw sila
civilized… ang mga Meranao dahil nagsisigarilyo raw sila
sa loob ng jeep…
063. HAMID: Ha? Taga-saan ba iyang boss mo?
064. BAMBI: Taga-Davao City.
065. HAMID: Atunaa pangalan niya?
066. BAMBI: Bakit kailangan mong malaman?
067. HAMID: Bakit sa Maynila ba hindi
nagsisigarilyo ang mga tao sa loob ng jeep?
068. BAMBI: Nagsisigarilyo. Bastos pa ang ilan na
nagpapakita pa ng **** nila sa loob ng jeep at nag*******.
Ewan. Hindi ko alam. Minsan hindi ko alam kung
maniniwala pa ako kay Madam… parang gusto niya lang
akong i-pursuade e.
069. HAMID: Atunaa persuade?
070. BAMBI: Sorry, English iyon…
071. HAMID: Oo naman alam ko naman ang ibig
sabihin ng ‘persuade.’ Atunaa mo naman sa akin.
072. BAMBI: (Sa sarili) In fairness kakaiba ang
tricycle driver dito… kakaiba. Hindi gumi-give up sa
pagpe-persuade…
073. HAMID: Alam ko kung saan ang office niyo
akie. Iyan iyong NGO riyan sa ‘taas, di ba?
074. BAMBI: Oo. Teka sikat pala ang project
namin dito. Sabagay we are helping the community you
know.
075. HAMID: Oway. Iyan iyong namimigay ng
baboy sa mga beneficiaries dito sa amin. (Kakanta) ‘Gusto
ko ng baboy! Ba-ba-baboy!’
076. BAMBI: Teka, alam mo ang kantang iyan?
077. HAMID: Oway ba nah. Radioactive Sago
Project. Astig.
078. BAMBI: Sandali lang nagno-nosebleed ako.
Parang nata-Twilight Zone yata ako… **** may common
interest tayo… like ko rin sila…
079. HAMID: Alam ko ang office niyo. Nakapasok
na nga ako sa office niyo riyan.
080. BAMBI: First time kong pupunta roon sa
project area namin. Based ako sa Manila. Pinapunta lang
Pahina 7 ng 23
ako ni Madam dito dahil hindi niya ako ma-persuade sa
phone…
081. HAMID: Hay! Ma-persuade saan?
082. BAMBI: Ewan ko ba. Effort masyado itong
ginagawa ko. Usapan namin dati huwag niya akong
papapuntahin sa Mindanao dahil talagang hindi ako
papayagan ng nanay ko…
083. HAMID: Atunaa ma-persuade saan?
084. BAMBI: Hindi ka naman masyadong ma-
persuade sa hindi mo kakilala ano?
085. HAMID: Ah! Makulit lang talaga ako. Ang
cute mo kasi.
086. BAMBI: Teka, nilalandi mo ba ako?
Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa.
087. BAMBI: Kailangan daw akong makausap ni
Madam nang personal. Mayroon kasi kaming applicant na
ayaw niya. E, gusto ko makapasok. I mean ayaw niya sa
reasons na hindi ako ma-convince na bakit kailangan
niyang awayan. Nag-away kami sa phone. Hayun
magpunta raw ako rito. I’m sure pinapunta ako nun dito
para sabunin nang walang banlawan at ikukula pa after.
088. HAMID: Nag-apply din ako riyan sa NGO
niyo….
089. BAMBI: Really? Hindi namin kailangan ng
habal-habal driver.
Matatawa si HAMID.
090. BAMBI: Bakit natatawa ka?
Iaabot ni HAMID ang kamay niya kay BAMBI. Iiwasan ni BAMBI
ang kamay na inaalok sa kanya.
091. BAMBI: So, ano naman ang inaplayan mo sa
office namin?
Katahimikan.
092. HAMID: Ako nga pala si Christian, akie.
Iaabot na ni BAMBI ang kamay niya. May pag-aalinlangan na kay
HAMID.
093. BAMBI: Bambi…
094. HAMID: Takot ka sa Muslim ‘no?
095. BAMBI: Hindi a… Medyo. Sabi kasi sa akin ni
Madam at ng mga kasama ko rito sa project area na mga
taga-Iligan na… Teka, wala akong resume na natanggap
sa Manila na Christian ang pangalan…
096. HAMID: Basta nag-apply ako sa’n. Hindi ‘ata
ako natanggap kasi hindi nila ipinadala ang resume akun
sa Manila. Sayang lang kun sa bayad sa LBC.
097. BAMBI: Resume? At kailan pa nagkaroon ng
resume ang habal-habal driver?
098. HAMID: Raket akun lang ito… madakul este
marami pa akong raket.
099. BAMBI: Raket?
Pahina 8 ng 23
100. HAMID: Oway. Nagpapa-load ako ng
cellphone. Mayroon din akong tindahan ng cellphone sa
Iligan, akie. Maliit lang naman. O believe ka dun sa akin?
101. BAMBI: Aba! Businessman ito.
102. HAMID: Hindi naman akie garie. Bored lang
sa buhay. Buti naman kinakausap mo na ako ngayon.
Ikaw nalaman mo lang na Christian pangalan ko…
103. BAMBI: Inaakusahan mo ba akong may
prejudice against Muslims?
104. HAMID: Tawagin mo lang akong Cris akie.
Nah, sakay na… marami pa akong darating…
Hindi pa rin aalis si BAMBI sa kinatatayuan niya.
105. HAMID: Huwag kang matakot akie. Christian
naman ang pangalan ko di ba? (ngingiti).
106. BAMBI: ****. Hindi ako marunong sumakay
niyan.
107. HAMID: Ah talaga? Ano sinasakyan mo arie –
kalesa?
108. BAMBI: MRT, LRT, FX, jeep, airconditioned
bus – my dear, medyo ibang level ang backwardness ng
transportation sa mga liblib at masusukal na lugar sa
probinsya namin sa Maynila.
109. HAMID: Ang yabang naman ng tarabusaw na
ito. Ang condenscending.
110. BAMBI: Pasensiya na tao lang! Sorry. Next
time huwag kang manukat dahil ikaw na ang sukatin
baka hindi ka sumapat. Anyway basta ayaw ko lang
mamatay na basag ang bungo at panget sa kabaong kaya
hindi ako sasakay ng jabal-jabal anetch…
111. HAMID: Eh, patay ka dun paano mo
malalaman na maganda ka?
112. BAMBI: A, basta sa lamay ko ako lang dapat
ang pinakamaganda. Ako ang ‘Star’ – Sa akin lahat ng
atensiyon! Teka, bakit ba kita kinakausap? Close na tayo?
113. HAMID: (Pabulong) Dayukan katawan ruka.
Ikaw lang itong salita nang salita. Hay arie, ano sasakay
ka?
114. BAMBI: Hindi. Kaya umalis ka na. Goodbye
at mag-ingat ka na lang sa biyahe, Christian.
Hindi matitinag si HAMID sa kanyang lugar. Nakatingin pa rin
siya kay BAMBI.
115. HAMID: Ganito na lang… Alam mo arie… teka
ano nga ulit ang ngalan ka?
116. BAMBI: Bambi.
117. HAMID: Ganito na lang, arie. Dahil mabait
akong tao at ikaw naman e bisita dito sa lugar namin e
hihintayin ko muna ang pagdaan ng jeep bago kita
iwanan? Kapag dumaan ang unang jeep at hindi ka
nakasakay dito ka sa habal-habal ko sasakay? Deal arie?
118. BAMBI: Teka…
119. HAMID: Deal dun?
120. BAMBI: Teka mag-iisip ako…
Pahina 9 ng 23
121. HAMID: Atunaa? Sa unang jeep na dumaan at
hindi ka nakasakay – dito ka sa habal-habal ko sasakay…
Nah deal dun?
122. BAMBI: O sige! Sige! ****** *** ** ang galing
mo mang-persuade!
123. HAMID: Katawan ka nah, mga kalahati
hanggang isang oras ang hihintayin natin para sa
susunod na jeep.
124. BAMBI: Oh well, maghihintay ako.
125. HAMID: Nah miyada ka! Paano si Madam
mo?
126. BAMBI: Maghintay siya, **** siya. Hindi
naman niya sinabi sa akin na struggle pala sa planetang
ito ang transportation.
Patlang.
127. BAMBI: ********* talaga struggle sa akin ang
trabahong itong. Struggle sa pagpapaalam sa bahay…
Struggle sa baba ng suweldo… pati ang pagpunta sa
opisina struggle pa rin. Ewan mga wrong decisions sa
career na puwede naman akong mag-call center agent!
128. HAMID: Kausap mo ako akie?
129. BAMBI: Ewan ko sa iyo, ‘**** *** **. (Sa
sarili) Diyos ko ang sarap pa kausap ng mga tao sa paligid
na napaka-emphatic.
130. HAMID: Hoy masaya saya sa amin ano!
131. BAMBI: Masaya nga, puro giyera dito!
132. HAMID: (Matatawa) Atuna giyera? Sa utak
mo lang ‘yan kasi taga-Maynila ka. May nakita ka bang
tangke rito? May naririnig ka bang putukan? May ‘peace
and order’ dito sa amin… sa Iligan arie…
133. BAMBI: ********************! Hindi ko alam
kung bakit na-trap ako dito at ikaw ang kausap ko! Basta
ang alam ko magulo rito sa inyo.
134. HAMID: Armed struggle bah?
135. BAMBI: Parang ganoon. Ewan. Masyadong
masaya ang mga tao rito sa inyo. Trigger happy.
136. HAMID: E, hindi naman talaga armed
struggle ang totoong struggle dito sa amin.
137. BAMBI: So?
138. HAMID: Ang totoong struggle dito e sa
transportation.
139. BAMBI: Napansin ko nga. Sorry kung
nagtatangka ka na namang i-convince ako na sumakay
diyan – wala kang mapapala.
140. HAMID: Kahit saan ka magpunta rito habal-
habal ang sasakyan mo. Nakita mo ang kalsada na iyan?
Papunta iyan doon sa itaas, sa Matungao. Aspaltado di
ba? Doon sa ‘taas lubak-lubak na ang kalsada na iyan.
Maputik kapag tag-ulan. Jeep lang at habal-habal ang
puwedeng dumaan. Kaso sabi nga ng boss mong taga-
Davao City at mga kasama mong taga-Iligan huwag kang
sasakay ng jeep!
141. BAMBI: So?
Pahina 10 ng 23
142. HAMID: Nagtatapos ang aspaltadong kalsada
rito sa amin kung saan nagsisimula ang Muslim
community. Nakasakay sa habal-habal ang buong
Mindanao, so no choice ka. O, ano aangkas ka na?
Tatanggi pa rin si BAMBI.
143. HAMID: So ngayon magbonding muna tayo…
Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa.
144. BAMBI: Excuse me mag-aatempt ka bang
landiin ako?
Maglalabas ng sigarilyo si HAMID. Aalukin si BAMBI.
145. BAMBI: Sorry. Non-smoker. Masama iyan sa
akin.
146. HAMID: So, Bambi, married, in a
relationship, domestic partner, o single ka pa?
147. BAMBI: Teka ano’ng care mo?
148. HAMID: Ako? Medyo… ‘It’s complicated’.
149. BAMBI: Ano iya, Friendster?
150. HAMID: May Friendster ka?
151. BAMBI: May Friendster ka, **********!
Sandali lang hindi na ‘ata ito simpleng nosebleed lang
hemorrhage na ‘ata ito.
152. HAMID: Sandali…
153. Kukuha si HAMID ng bolpen. Isusulat ang email
address niya sa palad ni BAMBI.
154. HAMID: Sige invite mo ako para Friendster
na tayo. Pasensiya ka naka-‘selfish mode’ ang account ko.
155. BAMBI: Meaning?
156. HAMID: Hindi mabu-view ang profile ko
unless i-approve kita.
157. BAMBI: (Sa sarili) ‘********* ** ang *****…
158. HAMID: Don’t worry i-approve ko ang
request mo (ngingiti at kikindat).
159. BAMBI: (Habang binabasa ang email) Ano
ba ito ‘[email protected]’… Single pa ako.
160. HAMID: Wala kang syota?
161. BAMBI: Excuse me?
162. HAMID: Syota?
163. BAMBI: Alam mo ba ang ibig sabihin ng
‘syota’ sa Tagalog ha ‘Dong? ‘Short time.’ Disente lahat
ang naging boyfriends ko.
164. HAMID: ******** ***** ka ngayon?
165. BAMBI: Teka, are you trying to insinuate a
conversation with ********** **********? I’m sorry hindi
ko pinag-uusapan ang ************ sa hindi ko boyfriend.
166. HAMID: Ano ang pangalan ng first boyfriend
mo?
167. BAMBI: Bantogen… Noong high school.
168. HAMID: Ang bantot naman.
169. BAMBI: Hindi po iyon ang tunay niyang
pangalan. Albert. Tawagan lang namin iyon sa isa’t isa.
170. HAMID: Ikaw naman si Lawanen?
171. BAMBI: Nabasa mo na ang epic?
Pahina 11 ng 23
172. HAMID: Hindi a. Ang boring nu’n. Mga
matatanda lang ang may gusto nu’n. Sa malalayong
communities. Sa amin hindi na uso…
Katahimikan.
173. HAMID: ‘Pag nag-apply ba ako sa iyo diretso
tatanggapin mo na ako?
174. BAMBI: Kailangan ko ‘yung may skills. At
graduate ng college.
175. HAMID: Teka, may skills ‘ata ito. At graduate.
176. BAMBI: Halata nga.
177. HAMID: Graduate ako ng Social Work.
Licensed pa. Sa MSU-Main.
178. BAMBI: Talaga lang ha? Sige na nga
maniniwala na ako para mayroon lang tayong mapag-
usapan… ang tagal ng ****** jeepang!
179. HAMID: Totoo… sabi ko sa iyo raket ko lang
itong habal-habal e…
180. BAMBI: Sorry, hindi ka pa rin puwede.
Naglabas kasi ako ng memo na fifty-fifty percent ang staff
namin dito.
181. HAMID: Fifty-fifty?
182. BAMBI: Oo. Fifty percent Muslim. Fifty
percent Christians. Puro na mga Christians from Iligan
ang tao doon sa office namin.
183. HAMID: Teka, parang discrimination yata
yan! Tinatanggap mo ang applicant based on religion?
Mali yan!
184. BAMBI: Hello world pati ba naman ikaw
may issue sa hiring policy ko? Oh well, naniniwala kasi
ako sa equal employment opportunities.
185. HAMID: Hindi ka nga tagarito.
Katahimikan.
186. BAMBI: ******-*** **.
187. HAMID: Ano?
188. BAMBI: Sabi ko ******-*** ** hayop ka.
189. HAMID: Teka, mag-ingat ka sa pananalita
mo… baka biglang umasim ka menthol naman itong yosi
ko?
190. BAMBI: Iyan din ang sinabi sa akin ni
Madam sa telepono. I’m sure ‘yan din ang sasabihin niya
sa akin mamaya – ‘Hindi ka tagarito. Hindi mo alam. Wala
kang nalalaman, taga-Maynila ka kasi.’ E, hindi mo naman
kailangan na maging tagaroon sa isang lugar para
malaman mo kung ano ang tama at mali. Siguro naman
kahit saan ka magpunta mali ang mag-discriminate.
191. HAMID: Matigas siguro ang ulo mo?
192. BAMBI: Are you making a comment sa
shampoo ko? Crabtree and Evelyn ‘yan, Vanilla scent…
193. HAMID: Sobrang sakit siguro ng ulo ng boss
mo sa iyo ano?
Pahina 12 ng 23
194. BAMBI: Ganito ba talaga rito sa inyo?
195. HAMID: Ang alin?
196. BAMBI: Ang ganito!
197. HAMID: Ang alin nga?
198. BAMBI: Basta hindi ko masabi. Baka ma-
offend ka…
199. HAMID: Ano? Na nakakatakot ang mga
Muslim? Na dapat layuan ang mga Meranao?
200. BAMBI: Ewan. Katulad ka rin siguro nila.
201. HAMID: Ninong nila?
202. BAMBI: Nila – ni Madam… iyong mga
kasama ko riyan sa office na dumadalaw minsan sa
Maynila at nakakausap ko.
203. HAMID: Bakit ano ba sila?
204. BAMBI: Basta. Hindi ko alam kung
paniniwalaan ko ang sinasabi nila. Kung totoo nga ba ang
sinasabi nila.
205. HAMID: Na alin?
206. BAMBI: Basta.
207. HAMID: Na alin nga ***********!
208. BAMBI: ****** ka, galit ka, minumura mo
ako?
209. HAMID: Wala sabi ko ang ganda mo sobra!
210. BAMBI: Thanks – but no thanks. Mayroon
kasi kaming applicant. Ipinadala sa akin ang resume.
Okay naman siya. May pinag-aralan, may experience, nag-
evaluate ng projects ng UNDP, YOS volunteer, dapat for
interview na sa akin pero…
211. HAMID: Pero…
212. BAMBI: Pero ayaw ni Madam… Ayaw ng
mga kasama ko riyan sa itaas…
213. HAMID: Bakit Muslim daw… Meranao?
214. BAMBI: Oo. Pero nangatwiran ako –
215. HAMID: Pero ano’ng sabi nila?
216. BAMBI: Hindi raw ako tagarito… Hindi ko
raw alam dahil taga-Maynila naman daw ako… ******-***
nila ano’ng akala nila sa akin, bobo? Alam mo ba iyong
feeling na- pa-yosi nga nate-tense na naman ako…
217. HAMID: Sige na, ituloy mo nakikinig ako…
feeling na ano ‘yan?
218. BAMBI: Basta.
219. HAMID: ******-*** ang labo mong kausap,
bayot ka talaga!
Katahimikan.
220. BAMBI: Na ganitong feeling… ngayon lang
nararamdaman ko ngayon lang… ulitin mo nga ang sinabi
mo…
221. HAMID: ‘******-***’?
222. BAMBI: Hindi iyan… iyong susunod…
223. HAMID: ‘Bayot ka talaga’?
224. BAMBI: Tumpak ka riyan, boylet! Alam mo
iyong feeling na hindi pinahahalagahan ang mga desisyon
mo sa opisina, binabastos ka, tinatawanan ka kapag
nakatalikod, minamaliit ang trabaho mo dahil sa kung
Pahina 13 ng 23
ano ka? Sa pagkatao mo? Kung sinabi ko noon na sana
buksan natin ang organisasyon sa mga Muslim dahil may
muslim communities naman sa areas natin walang
naniniwala sa akin dahil sabi mo nga: ang labo mong
kausap dahil bayot talaga ako. Nararamdaman ko iyon: sa
harap ni Madam, sa mga kasama namin dito kapag
kausap ko sila… kapag kaharap ko sila… ngayon sa harap
mo ******* ka.
225. HAMID: Kaya ipinatapon ka rito – hindi ka
siguro nakikinig?
226. BAMBI: Minsan nagtalo talaga kami ni
Madam. Sabi ko kailangan tanggapin natin ang isang ito
dahil iba ang level ng skills and we will promote a
culturally diverse organization sa community. ‘Hindi siya
puwede rito. Hindi puwede.’ Sabi ko bakit naman? ‘Dahil
Muslim siya. Bambi. Paano siya magdi-disperse ng baboy
sa mga beneficiaries?’
227. HAMID: O tama nga naman ang boss mo!
228. BAMBI: Mali iyon, Christian. Mali… ‘******,
madam, that’s foul. Foul! Para niyo na ring sinabi na hindi
puwede maging receptionist ang negra dahil negra siya. E
di bigyan natin siya ng ibang trabaho… pagawin ng
reports, magdisperse ng baka… o kambing’
229. HAMID: Oo nga naman… ang pangit nga
naman ng negra.
Matatawa si HAMID. Hindi kikibo si BAMBI.
230. BAMBI: Minsan naisip ko kung ang Muslim
hindi puwede sa opisina namin dito sa Lanao del Norte
dahil hindi puwede mag-disperse ng baboy – makinig ka
sa moment ko, ‘Dong, mahalaga itong line ko – paano pa
kaya ako na lalaki na nagkataong mahilig din sa lalaki?
Babastusin ako ng mga probinsyanong tulad mo dahil
tingin mo pink ang sapatos ko. May maniniwala rin ba sa
akin?
231. HAMID: Ang ***** mo naman… pero sige
lang, gusto kitang maging kaibigan.
232. BAMBI: Bakit naman? Bayot ako de vah?
233. HAMID: Dahil wala akong kaibigang bayot –
na katulad mo.
234. BAMBI: Hindi ba uso ang bayot dito sa
planeta niyo? …Sabagay ilang milyong langoy mula rito
ang Puerto Galera at mukhang it will take a hundred
years of solitude para itayo rito ang Folded and Hung
Lanao del Norte branch.
Katahimikan.
235. BAMBI: Hindi rin ba uso ang Muslim dito sa
planeta niyo?
236. HAMID: Uso.
237. BAMBI: Ganito talaga rito sa inyo?
238. HAMID: Na alin?
239. BAMBI: Na masama ang ugali ng mga
Kristiyano?
Pahina 14 ng 23
240. HAMID: Di ba Christian ka rin?
241. BAMBI: Katoliko ako to be exact, sir. Pero
lately hindi na ako nagsisimba. Haggard na ako pag-
Linggo.
242. HAMID: Hindi naman lahat. May mga settlers
din na…
243. BAMBI: Excuse me ano iyong term?
244. HAMID: ‘Settlers’?
245. BAMBI: Narinig ko na rin ang term na iyan
sa mga kasama ko sa office kapag dumadalaw sila sa
Manila… Kay Madam… Iyan ba iyong mga Meranao dito
sa Lanao del Norte… mga ‘settlers’?
246. HAMID: Ha? Sandali lang paki-explain
parang nagno-nosebleed ako…
247. BAMBI: Sabi kasi sa akin ni Madam dati ang
mga Meranao daw ang nandito sa ibaba, sa Iligan… tapos
ayaw nilang magpa-convert sa Kristiyano kaya nagpunta
sila sa itaas. Tapos may ilan sa kanilang nakapunta sa
Maynila… nakapag-aral at nalaman nila na maganda pala
sa kapatagan kaya gusto na nilang kunin e wala naman
silang titulo. Gusto nilang kunin ang hindi kanila kaya
hindi sila mapagkakatiwalaan.
248. HAMID: Hindi ka nga tagarito.
249. BAMBI: ******-*** mo ulit.
250. HAMID: Bambi… ang mga settlers e iyong
nang-aagaw ng lupa… iyong mga dayuhan.
251. BAMBI: So totoo nga ang hinala ko?
252. HAMID: Na alin?
253. BAMBI: Na nagsisinungaling si Madam?
254. HAMID: Ay totoo…. totoong nagsisinungaling
siya.
255. BAMBI: Buti na lang bayot ako. Hindi
sinungaling.
Patuloy ang pagtawa ni HAMID. Nang-aasar. Tatapikin ni HAMID
nang malakas si BAMBI sa balikat. Maiirita si BAMBI.
256. BAMBI: ******-*** **, hayop ka – settler!
257. HAMID: *********** ka – bayot!
Katahimikan.
258. HAMID: Hindi ako Christian. Meranao ako.
Muslim…
259. BAMBI: Oh well, hindi ako bayot. Babae ako.
*****. Wala kang karapatan na insultuhin ako nang
ganyan. Bakla ako pero hindi ako bobo.
260. HAMID: Madakel a salamat at ipinaalam mo
sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ako hindi
natanggap sa organisasyon niyo. ***** ka rin.
Katahimikan. Ilalabas ni BAMBI ang mga dokumento niya at
makikita ang resume ni HAMID.
261. BAMBI: Ikaw? Mr. Hamid…
262. HAMID: Ako nga. Ang guwapo sa personal, di
ba arie?
Pahina 15 ng 23
263. BAMBI: E ********* ka pala sabi mo kanina
Christian ang pangalan mo?
264. HAMID: Dah akie. Gusto lang kitang
pagtripan. Ang cute mo kasi.
265. BAMBI: Sabagay kung sasabihin mo na
Meranao ka hindi na ako magsasabi sa iyo ng totoo. Hindi
na kita kakausapin nang totoo. Hindi na ako haharap sa
iyo ng totoong tao.
Matitigilan si BAMBI. Matatakot.
266. BAMBI: ****, tsutsugihin mo na rin ako?
267. HAMID: Arie? Takot ka na rin sa Muslim
ngayon? Magsasabi ka na rin ng masasamang bagay
tungkol sa mga Meranao?
268. BAMBI: Oo. Siguro…
269. HAMID: Hindi na kita puwedeng tawaging
‘hindi tagarito.’ Tagarito ka na sa amin…
270. BAMBI: Bakit mo pala gustong mag-apply sa
organisasyon namin e marami ka namang business?
271. HAMID: Dahil nakita ko unfair kayo. Wala
ang baranggay dito sa munisipalidad na ito pero nandon
lang kayo sa limang baranggay dito sa ibaba, sa mga
Kristiyano. Minsan nakita ko nagpamisa pa kayo sa
opisina niyo. Baboy pa ang mga ipinamimigay ninyo.
Naisip ko puwede naman kayo mag-disperse ng kambing.
I can offer discounts kung sa akin kayo kukuha.
272. BAMBI: Excuse me, NGO po kami. Hindi po
kami business enterprise. Oh well …tanggap ka na. Final
interview na ito. Job offer na tayo.
273. HAMID: Thanks but no thanks. Bakit ko ba
kailangan ng trabaho mula sa inyo.
Tutunog ang mobile phone ni BAMBI. Matataranta na si BAMBI.
274. BAMBI: Si Madam…. nagagalit na siguro…
Katahimikan. Patuloy ang pagtunog ng cellphone.
275. BAMBI: Oh well, Hamid, I’m sorry.
276. HAMID: Sorry sa atunaa?
277. BAMBI: Sa pagpapamisa namin sa Center…
sa pamimigay ng baboy sa community… Napakawalang
galang… napakawalang respeto… para kaming nagpa-gay
beauty pageant na may mga babaeng contestants.
Katahimikan.
278. BAMBI: At sorry hindi ka natanggap sa office
dahil… siguro gano’n talaga, may mga eksena sa
mundong ibabaw na hanggang sorry na lang…
Katahimikan.
279. HAMID: O sige na, you are forgiven arie.
280. BAMBI: Hindi naman ako masyadong
prangka, ha pero medyo lang naman may pagka-***** ka,
presko, at feeling God’s gift to gaykind.
Pahina 16 ng 23
281. HAMID: Ah nah pasensiya na sobrang effort
sa akin ang pagiging humble these days lalo na’t alam
kong ipinanganak na talaga akong guwapo.
282. BAMBI: Ewan. Hamid, paupo naman diyan
nangangalay na kasi ako.
Susubuking maupo ni BAMBI sa habal-habal. Ilang beses siyang
magtatangka hanggang sa mahulog sa habal-habal. Hindi siya
tutulungan ni HAMID.
283. HAMID: Tayo suhkita!
284. BAMBI: Wish ko lang tulungan mo akong
makatayo di ba?
Iaabot ni BAMBI ang kamay niya ngunit titingnan lang ito ni
HAMID.
285. HAMID: Arie, matuto kang tumayo mag-isa
kapag nahulog ka sa habal-habal.
Makakatayo si BAMBI. Magtatangka ulit siyang maupo sa habal-
habal.
286. HAMID: Ibuka mo kasi iyang paa mo. Iyang
isang paa sa kabila.
287. BAMBI: Ayaw ko nga bumukaka nang
nangyan!
288. HAMID: Ah nah paano magkaka-balance
arie?
Susubukan ni BAMBI. Mailalagay niya ang isang paa sa kanila.
289. BAMBI: Kailangan ba ganyan kalaki ang
bukaka? Diyahe…
290. HAMID: Kailangan malayo kasi iyang mga
binti mo rito sa tambutso… mapapaso iyan… peklat anan!
Katahimikan.
291. BAMBI: Hamid, ilan ang puwedeng sumakay
sa habal-habal mo?
292. HAMID: Mga anim kasama na akun.
293. BAMBI: Anim? **** paano kung sumemplang
e pataas pa naman itong daan at lubak-lubak pa?
294. HAMID: Basta nakabukaka nang maayos
lahat hindi ito sesemplang. May balance kasi… Kapag may
balance tatakbo nang maayos ang habal-habal arie…
295. BAMBI: Puwede bang mamili ng pasahero?
296. HAMID: Ha? Ano? Kung Muslim o Christian
lang ang puwedeng sumakay?
297. BAMBI: Hindi, ano ba? Gusto ko kasi pag-
sisiksikan na puwede ba iyong pasaherong susunod sa
akin e lalaki… guwapo…
298. HAMID: Sige. Sakun e bahala. Mamimili tayo
ang pasaherong susunod sa iyo…
299. BAMBI: Hamid, puwede bang magtanong?
Iyong honest question lang ha huwag kang mai-
imbiyerna.
300. HAMID: Okay. Shoot.
Pahina 17 ng 23
301. BAMBI: Bakit may eksenang gulo dito sa
Mindanao?
302. HAMID: Ang hirap naman ng tanong mo. Di
naman lahat ng lugar dito sa Mindanao magulo. May
peace ang order naman sa ibang lugar. Sa Iligan
halimbawa.
303. BAMBI: E, bakit winawarlah ng mga Muslim
ang gubyerno?
304. HAMID: Winawarland?
305. BAMBI: Ang ibig kong sabihin bakit kaaway
ng gubyerno ang mga Muslim?
306. HAMID: Matanda pa sa ating dalawa ang
sagot diyan. Mahirap ipaliwanag.
307. BAMBI: Iyan din ang sabi nila sa akin bukod
sa hindi ako tagarito – hindi ko raw maiintindihan. So,
siguro shut your mouth and know your roles na lang ba
tayo ganun ba ‘yun?
Katahimikan.
308. BAMBI: O heto na lang: bakit Meranao ang
Meranao, Hamid?
309. HAMID: Ano bang tanong ‘yan? Hindi naman
kita tinanong kung bakit naging bayot ang bayot?
310. BAMBI: E, wala namang mawawala sa iyo
kung itatanong mo iyon sa akin. Oh well naging bayot ang
bayot dahil bongga kami. Ikaw, bakit nga Meranao ang
Meranao?
311. HAMID: Dahil Muslim kami?
312. BAMBI: E, kahit sino naman puwede maging
Muslim. (Mag-iisip) Sabagay kahit sino naman puwedeng
maging bayot ‘yun nga lang hindi lahat puwedeng maging
bongga. So, Hamid, bakit nga naging Meranao ang
Meranao?
Mag-iisip si HAMID.
313. HAMID: Dahil sa maratabat?
314. BAMBI: Anetch?
315. HAMID: Pride… honor… pagkakaisa… parang
ganon. Iyung magtutulong-tulong kayo para hindi
masakop. Maging malaya. Parang ganoon…
316. BAMBI: (Patawa) Ang labo, aminin mo hindi
mo ma-define. Sabagay parang may ganyan din sa amin
na hindi mo ma-define; kailangan mo lang ma-feel at put
into action.
317. HAMID: Talaga?
318. BAMBI: Oo. Ang tawag naman namin dun e…
‘Bongga’.
319. HAMID: Bongga?
320. BAMBI: Oo. ‘Bongga’ …minsan naman
“Bonggang-bongga’! hindi mo ma-defne di ba? Sabi nila
kung keri ang attitude at style bongga na. Minsan
maganda manamit pero pangit ang ugali hindi pa rin
bongga. Kung fashionista ka at mahal ang mga damit mo
habang wala namang makain ang mga tao sa paligid mo –
Pahina 18 ng 23
iyon hindi iyon bongga. Minsan naman may tinatawag na
‘bonggang bongga!’ Mahirap din i-define tingnan mo na
lang ang katawang lupa ko.
321. HAMID: Minsan naging bayolente raw ang
Meranao kapag nasasaktan ang maratabat niya. Pero
hindi lahat ganon.
322. BAMBI: Sa amin naman hindi ganoon. Kapag
hindi bongga – nilalait. Walang patumanggang okrayan.
Pero hanggang dutchihan lang. At least totoo kami sa isa’t
isa at nag-aagree kami kung sino ang bongga, ang
bongga-bongga, at ang chaka. Nakaka-deglamourized
kami ang violence.
Katahimikan.
323. HAMID: Bakit natahimik ka?
324. BAMBI: Wala lang. Naisip ko lang na kahit
pala sa panahon natin ngayon may mga tao pa palang
naniniwala at nagpapahalaga sa ano nga bang chenes
niyo ulit iyon?
325. HAMID: Maratabat…
326. BAMBI: Bonggang maratabat. Siguro kaya
mahirap ang Pilipinas dahil wala nang maratabat ang
mga tao.
327. HAMID: Ano, kasalanan na naman ng mga
Meranao kung bakit mahirap ang Pilipinas?
328. BAMBI: *****. Ang ibig kong sabihin
imaginin mo kung ang lahat ng Filipino may maratabat sa
palagay mo ba may mga corrupt na pulitiko? May
echoserong kumag na magnanakaw sa gubyerno? May
mga taong harap-harapan na silang nanakawan deadma
pa rin to the world? Kung may maratabat walang
domestic helper, walang maruming lansangan, lahat
magsisikap, lahat may bisnis dahil walang
mangangamuhan. Bonggang bongga di ba?
329. HAMID: E, sa paanong paraan mababago ng
maratabat ang kawatan? Sasabihin mo sa kanya na wala
kang maratabat mag-resign ka na lang?
330. BAMBI: At bakit mo naman sasabihin sa
kanya na wala kang maratabat, mag-resign ka na?
Lilinga si BAMBI na parang may hinahanap sa malayo.
331. BAMBI: Nakita mo iyon?
Ituturo ang isang bahagi ng tanghalan, sa isa sa mga manonood.
332. HAMID: Saan?
333. BAMBI: Iyon! Iyong babaeng iyon sa
kabilang kanto. Iyong pangit at tingnan mo kahit malayo
halata mong buhaghag ang buhok. Iyon… iyong naka-
****** shorts.
334. HAMID: Nakikita ko. Si Gloring yan iyong
pokpok diyan sa Timoga. So?
335. BAMBI: Kunwari siya ang president ng
Pilipinas na korap. Tapos nandito ako nakatayo. Ganito
kami kalayo.
Pahina 19 ng 23
336. HAMID: Atunaa gagawin mo?
337. BAMBI: Stay put ka lang diyan.
Mamuwestra si BAMBI at huhugot ng hangin at sisigaw habang
dinuduro sa malayo ang babae. Sisigaw.
338. BAMBI: (Sa babae sa malayo) Psst! Gloging!
Oo ikaw! Ikaw nga, hija! Hi. (Galit. Hysterical) ******-***
**** president ka! Oo, ikaw! Wala kang maratabat!
Magnanakaw! Magnanakaw! Wala kang maratabat!
Matataranta si HAMID at pilit nabubusalan ang bibig ni BAMBI.
339. BAMBI: Ganoon ang gagawin ko. Tapos uupo
ako, babalik ang poise ko na parang wala akong ginawang
bonggang bonggang eksena. Dahil bonggang bongga ang
maratabat. Ganoon! Echosan lang with the president.
Sorry, Gloring!
Mananatili si HAMID at nakatingin pa rin sa malayo.
340. BAMBI: O, bakit nakatayo ka pa riyan?
Mamuwestra si HAMID at huhugot ng hangin.
341. HAMID: *********** ka, Gloring, ****** ng
Timoga! Hindi ka bonggang bongga!
Pilit na aawatin ni BAMBI si HAMID. Magtatawanan silang
dalawa pagkatapos.
342. BAMBI: Pero kahit gawin natin iyon sa
harap ng telebisyon at mapanood ng buong Pilipinas –
wala pa rin effect. Kayo na lang ‘ata ang naniniwala pa sa
maratabat.
343. HAMID: Ang patronizing mo naman.
Lumalaki na ulo ko.
344. BAMBI: ****. I am just being myself.
Katahimikan.
345. BAMBI: Pero hindi mo pa rin nasasagot ang
tanong ko: Sa TV, sa mga balita… bakit magulo rito kung
nagiging Muslim lang ang Muslim… Kung nagiging
Meranao lang ang –
346. HAMID: Isipin mo lang, Bambi, bakit ka
nandito. Bakit ka nakaupo riyan sa saktong inuupuan mo
(sa habal-habal) – iyan na siguro ang pinakamalapit na
sagot sa mga tanong mo. Okay na ba?
Katahimikan.
347. BAMBI: Simula sa araw na ititch, wiz na
aketch maniniwala sa mga salitang ‘peace and order’ na
iyan ni Madam.
348. HAMID: May peace and order kami rito… sa
Iligan. Wala lang pakialam sa isa’t isa.
349. BAMBI: Peace and order para kanino?
Katahimikan.
Pahina 20 ng 23
350. HAMID: Hindi ka tagarito. Huwag mo kaming
pakialaman…
Bababa si BAMBI sa habal-habal at kukunin ang mga gamit niya
at aktong aalis.
351. HAMID: Sige umakyat ka na… ihahatid na
kita sa office niyo roon sa itaas kahit walang bayad.
Hindi pa rin matitinag si BAMBI sa kanyang kinatatayuan.
Patuloy ang pagtunog ng mobile phone ni BAMBI.
352. BAMBI: (sa telepono) Opo… Opo… With all
due respect, Madam, I refuse to ride the habal-habal in
Lanao del Norte. Hindi talaga kaya ng powers ko and I
really don’t trust that vehicle. Maglalakad na lang ako
papunta riyan. (Ibababa ang telepono)
353. HAMID: Pataas iyon. Mahirap maglakad. 45
minutes.
354. BAMBI: Okay lang. Naka-Chuck Taylor
naman ako. At kailangan ko ring mag-burn ng fats.
Aalis na si BAMBI.
355. HAMID: Sandali arie…
356. BAMBI: Babarilin mo ba ako nang patalikod
tulad ng sinasabi nila sa akin sa opisina at ni Madam dahil
sa mga sinabi ko? Hindi ako tagarito. Wala dapat akong
comments. Hindi dapat ako makikialam.
357. HAMID: Di. Bakit ko gagawin sa iyo iyon? Sa
palagay ko mabuti kang tao…
358. BAMBI: Sa palagay ko ***** ka… pero mabuti
ka ring tao.
Aktong aalis si BAMBI.
359. HAMID: Sandali huwag ka munang umalis.
360. BAMBI: Hindi ako tagarito. Hindi kita kilala.
Marami akong hindi alam. Sa mga tao. Sa lugar. Ang sabi
lang nila sa akin noon sa opisina na kapag dumalaw ka
rito huwag akong makikipag-usap sa Meranao. Kailangan
kilala ko ang Meranao na sasamahan ko. Hindi ko alam
kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo… Pasensiya na
sa mga nasabi ko kanina hindi ko alam na Meranao ka.
Katahimikan.
361. HAMID: Ano’ng paborito mong kanta ng
Radioactive Sago Project, Bambi?
Katahimikan. Matagal na magkakatinginan sina HAMID at
BAMBI. Walang matitinag.
362. BAMBI: ‘Bisikleta’
363. HAMID: Sandali…
Pahina 21 ng 23
Ilalabas ni HAMID ang MP4 niya at hahanapin ang binabanggit
na kanta. Iaalok ni HAMID ang isang earplug kay BAMBI. Sa una’y
may pagdadalawang-isip si BAMBI.
364. BAMBI: Hindi mo ako…
365. HAMID: Bakit? ….
Patuloy pa ring inaalok ni HAMID ang isang earplug
366. BAMBI: Ilang gig iyang Nano mo?
367. HAMID: 4 gig.
368. BAMBI: Astig. 1 gig lang sa akin. Sabi mo
kanina ‘It’s Complicated’ ang status mo sa Friendster…
Bakla ka ba, bi, o tripper?
369. HAMID: May syota – may girlfriend ako sa
Iligan. Pero ang pakakasalan ko taga-amin. Sa Marawi.
370. BAMBI: Complicated nga. Matagal-tagal na
ring ‘single’ ang status ko sa Friendster.
371. HAMID: E, nasaan na si Bantogen?
372. BAMBI: May iba nang Lawanen na isang call
center agent.
373. HAMID: Don’t worry, pagari. Makakahanap
ka rin ng bagong Bantogen.
Matatawa silang dalawa.
374. HAMID: Bilis baka matapos na ang kanta…
Aabutin ni BAMBI ang earplug at ilalagay sa kanyang tenga.
Makikinig silang dalawa sa kanta.
375. BAMBI: Hamid, bakit ganun?
Katahimikan.
376. HAMID: ‘Wag ka nang magtanong, Bambi.
Hindi na rin ako nag-iisip…
377. BAMBI: Sige… hindi na rin ako mangungulit.
Patuloy silang makikinig sa kanta.
378. HAMID: Ano ang konting alam mo sa Lanao,
Bambi?
379. BAMBI: Na dalawa ang Lanao – del Sur at del
Norte?
380. HAMID: Iisa lang ang Lanao. Sige bukas
babalikan kita sa office niyo at ipakikita ko sa iyo ang
Lanao. Ang unang katotohanan na dapat na malaman mo
sa Lanao at dapat mong paniwalaan ay mayroon itong
isang magandang lake. Iyon hindi iyon kasinungalingan –
ang lake. Du’n sa ‘taas. Ang lake na ito ang dumadaloy sa
lahat ng ilog ng Lanao – del Sur man or del Norte. Kaya
iisa lang ang Lanao. Ang Ranao.
381. BAMBI: Talaga? Gusto kong makita ang
sinasabi mo… Hindi ako tagarito pero I’ll appreciate the
hospitality.
Pahina 22 ng 23
382. HAMID: Nah arie, sumakay ka na. Dadalhin
muna kita sa office niyo. Hiniintay ka na ng boss mo. Baka
makagalitan ka noon. Promise bukas I’ll show you the
ride of your life… ipakikita ko sa iyo ang lawa…
Matitigilan si BAMBI. Mag-aalangan.
383. HAMID: Atunaa?
384. BAMBI: Hindi ako sasama sa guy na walang
maratabat. (Patlang) May maratabat ka ba, Hamid?
Paaandarin ni HAMID ang makina bilang tugon. Ngingiti si
BAMBI at sasakay sa habal-habal.
385. BAMBI: (Kabado) Teka saan ba ako puwede
kumapit sa iyo? Sa mga balikat mo or dito sa ilalim ng
mga ribs mo?
386. HAMID: Sukadun, bahala ka kung saan mo
gusto.
387. BAMBI: O siya dito na lang sa ilalim ng ribs…
siguraduhin mo lang na wala kang kiliti. (Kakapit sa
magkabilang ribs ni Hamid.) Teka, muscle ba itong
nakakapa ko…
388. HAMID: Ah nah, nilalandi mo ba ako?
389. BAMBI: Ikaw naman masyadong assuming.
Saan na tayo pupunta nito?
390. HAMID: Sa office mo akie –
391. BAMBI: Deadma na. Dalhin mo na lang ako
pabalik ng Maynila baka masampal ko lang iyang si
Madam – ******* ***** matanda iyan kasing complicated
ng ****** niya ang hypocrisy sa katawan… ibang level…
Matatawa silang dalawa.
392. HAMID: Ah, kung gayon dalhin na lang kita
sa amin akie…
393. BAMBI: Sa’n ba sa inyo?
394. HAMID: Roo sa Marawi… Sa may magandang
Lake… Magugustuhan mo roo akie… Malamig roon
parang Baguio kasi nasa itaas siya.
395. BAMBI: Sigurado ka riyan? Baka tsugihin mo
ako roon? Sabi sa akin ni Madam tray –
396. HAMID: Trust me arie…
Katahimikan.
397. BAMBI: Sige na nga I’ll trust you cute ka
naman… O siya larga! …Sandali!
398. HAMID: Atunaa, ano na naman?
399. BAMBI: May strawberry jam ba sa Marawi?
O may branch ang Pink Sisters at makabili ng halaya para
kay nanay para medyo convincing na sa Baguio nga
talaga ako nanggaling… Medyo effort kasi kung sasabihin
kong galing akong Baguio at ang mga pasalubong ko
marang, durian, at mga malong.
400. HAMID: Sabihin mo sa nanay mo arie
nagpunta ka talaga ng Marawi City. Alis na tayo… hawak
ka nang maigi akie.
Pahina 23 ng 23
Paaandarin ni HAMID ang makina.
401. BAMBI: Sandali…
402. HAMID: Atunaa?
403. BAMBI: Teka ang sunblock ko mabibilad
tayo sa araw… ******-***** lugar ito; ang init, parang si
Satanas na lang ang kulang impiyerno na.
-TELON-