ang kahalagahan ng kolaboratibong pagsusulat
TRANSCRIPT
Kahalagahan ng Kolaborasyon
HOMAPON HIGH
SCHOOL
Homapon, Legazpi City
Ni: ROCHELLE S. NATO
GuroSanggunian: FILIPINO SA PILING
LARANGAN (TECH-VOC)
Christian George C. Francisco, et.al
Layunin
Mabigyan ng kahulugan ang salitang
Kolaborasyon.
Matalakay ang apat na yugto ng
Kolaborasyon
Maipaliwanag ang bawat yugto ng
kolaborasyon bilang
maestratehiyang paraan ng
Pagpaplano
Susi sa isang matagumpay na proyekto ang
pagkakaroon ng kolektibo at kolaboratibong
pagkilos. Masasaksihan ang komunikasyong
teknikal sa lahat ng larangan. Upang maging
matagumpay ang mga ito, ang mga organisasyon o
kompanya.
Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong gawain ay
ang sumusunod:1.Nakasentro sa kalakasan ng bawat
miyembro
2.Napapalulutang ang pagkamalikhain
3.Napalalakas ang paniniwalang
pansamahan
Nakasentro sa kalakasan ng bawat
miyembro
Napahahati-hati nito ang kompleks na
gawain sa pamamagitan ng wastong
distribusyonNapapalutang ang
pagkamalikhainNagagawa nitong mabigyang-ddin ang
magkakaibang perspektiba ng bawat
miyembro na nagpapalakas sa
kaalamang panggrupo.Napalakas ang paniniwalang
pansamahan
4 na yugto ng Kolaborasyon
Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay an
pagtatakda ng tunguhin at layunin na nais
matamo ng isnag oorganisasyo o grupo.
Kung kaya, naririto ang pundametal na
yugto sa mahusay na kolaborasyon.
FORMING
Ang pagbibigay-buhay sa
misyon, pagtatakda ng mga
layunin, pagtukoy sa mga
responsibilidad, at pagmamapa
ng iskedyul
STORMING
Tumutukoy sa wastong
pamamahala ng mga tunggalian,
tensiyon sa pamumuno at
pamamahala at pagkadismaya
NORMING
Pagtasa sa kaisahan ng grupo,
sa napagkasunduan, pagpapakinis
ng mga itinakdang layunin,
pagpapatibay ng samahan at
pagpokus sa papel na
ginagampanan ng bawat miyembro.
PERFORMING
Ang pagbabahagi ng
tunguhin, paghahati-hati ng
gawain, pagtugon sa mga
tunggalian, at pagkakaiba-iba ng
pananaw ng bawat miyembro.
Ang forming at
storming, ang
grupo ay higit na
nakadepende sa
lider nito tungo sa
wastong pag
gabay.
Ang norming at
Performing ay
nagpapakita na ng
kalakasan ng bawat
miyembro dahil sa
pagkakaroon na nila
ng ganap na pagka
unawa sa kabuuang
proyekto.
6 na hakbang sa Forming bilang
Maestratehiyang Paraan ng Pagplano
Pagtukoy samIsyon at Layuinin
ng Proyekto
Pagtukoy sa Kalalabasan ng
Proyekto
Pagtukoy sa Responsilidad
ng mga miyembro
Pagbuo ng Plano
Pagsang-ayonsa pagresolbang Tunggalian
Paglikha ng Iskedyul ng
proyekto
Matapos ang yugto ng forming,
agad na iinaasahan ang
storming. Ito ang yugto kung
saan nagkakaroon ng
negosasyon aat hindi
pagkakaunawaan ang buong
grupo. Masasaksihan sa yugtong
ito ang sumusunod na mga
sitwasyon.
Storming: Mga Wastong pamamahala sa
tunggalian
Variation ng mungkahi tungo sa
ikakaganda ng proyekto
Bahagyangpagdududa kung
magigingmatagumpay ang
proyekto
Kompetensiya saisa’t-isa
Hindi pagkilala saideya ng ibang
miyembro
Pagbabago nanauna nang
itinakdang layunin
Mga isyung may kaugnayan sa etika
Hindi pantay napaghahati ng gawain
Gabay sa Pagsasagawa ng
Mabisang Pulong
1. Pumili ng wastong tagapamuno ng pulong.
2. Magtakda ng tiyak na adyena na sasang-ayunan ng lahat.
3. Magsimula at magwakas ng pulong sa takdangoras.
4. Tumugon sa bawat adyena.
5. Makilahok sa usapan
6. Kilalanin ang mga nag-uumugang pananaw
7. Magkaroon ng kaisahan
8. Magtala ng mga napagpasyahan
9. Ulitin ang mga napag-usapan at napagpasyahan
10. Talakayain ang iba pang usapin.
Ang norming bilang pagtukoy sa
Gampanin ng mga miyembro
Sa yugtong ito, inaasahan ang
pagkakaroon ng kaisahan sa lahat ng
miyembro. Bawat isa ay may
pagtanggap sa inaasahang
responsibilidad na iniatang sa kanila.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Parerebisa ng mga layunin at
kalalabasan ng proyekto.
2. Pagtukoy sa papel na ginagampanan
ng bawat miyembro.
Gampanin ng bawat miyembro
GampaningPantao
• Koordineytor
• Tagapagsiyasat
• Tagapag-ayos
Gampaning may Kahingian ng Kilos
• Tagahubog
• Tagapagpatupad
• Tagapag-tapos
GampaningPangkaisipan
• Tagamonitor
• Tagapag-isip
• Espesyalista
• Tagabuo ng iskedyul
• Tagapatala
• Tagadokumento
Ang Performing bilang tagapagpanatiling kalidad ng proyekto
Ito ang yugtong mahusay na
tinitingnan ang kalidad ng
ginawang proyekto bago pa
man io maisapinal. Karaniwan,
mayy isang tagapamahala ukol
sa total quality management
nang sa gayon ay masiguro
kung natamo ang mga
naitakdang layunin ng grupo.
Ano nga ba ang
ibig sabihin ng
Kolaborasyon?
Kolaborasyon- Ay mabisang sistema sa alinmang
uri ng proyekto lalo’t higit naipamalas ng
bawat indibidwal ang kasanayan at
kakayahang taglay nila na nagsisislbi na
ring ambag nila sa grupo.
- Mabisang susi rin ng
kolaboratibong pagdulog ang
pagkakarroon ng wastong pamamahala at
katiyakan ng papel na ginagampanann ng
lahat ng miyembro.
Bumuo ng grupong may tatlong miyembro at
sundin ang prosesong nakatala sa ibaba upang
makasulat ng isang sanaysay tungkol sa hilig o interes
ng inyong kaklase. Maaring ito ay may kaugnayan sa
kanilang paboritong kasuotan, musika, palabas, laro at
iba pa.
1. Magsagawa ng impormal na sarbey o panayam sa
buong klase upang matukoy ang panlahat na
interes
2. Pagsasama-samahin ang mga nakuhang datos
3. Magpasya ang ggrupo kung alin sa mga ito ang
gagawan ng sanaysay.
4. Simulan ang pagsulat ng sanaysay. Gawin itong
mapanghikayat
5. Balangkasinn ang magiging daloy ng sanaysay
6. Ilahad ito sa klasrum