ang lihim na pagtingin ng haring pabo

4
“ANG LIHIM NA PAGTINGIN NG HARING PABO” Sa isang magandang kagubatan na ang pangalan ay Engkantadia, May iasang hari ang pinapangarap mapangasawa ng lahat at ito si Haring Pabo at ang kanyang mga taga paglingkod na si Ibonna, Usanna, Dagatong. Haring Pabo- Kailan kaya ako makakahanap ng tunay na Pag-ibig? Ibonna- Wag mong hanapin mahal na hari dahil kusa itong dadating sa tamang panahon. Usanna- Tama si Ibonna mahal na hari! Dagatong- May naisip ako para hindi na kayo malungkot, Maglibot tayo sa Engkantandia! Usanna- Magandang ideya dagatong . Tara na! Sa paglilibot nila may dalawang Mag kaibigan na matagal ng nagmamasid sa mahal na hari at ito si Asolin at Pusania na laging nagtatalo. Nasa tabi sila ng patong patong na puno. Asolin- Sobrang lakas talaga ng dating ng ating hari! Pusania- Tama ka diyan at balang araw ako ang kanyang magiging reyna! Asolin - Nangangarap ka ata Pusana! ( Biglang tulak) Dagatong- Mukhang may iba pang hayop ang narito, Tara’t silipin natin! Kaagad hinawi ng haring pabu ang tumpok tumpok na dahon sa Puno at nakita niyang nakayuko si Asolin at Pusania. Asolin- Patawarin niyo po kami mahal na hari! Matagal na po kaming may lihim na pagtingin sayo. Pusania- Tama po mahal na hari. Usanna- Marahil yan siguro ang dahilan ng inyong pagtatalo. Ibonna- May naisip akong paraan bakit hindi kayo magpaliksahan upang mapatunayan ninyong kayo ay karapatdapat para sa pag-ibig ng hari.

Upload: aj-magno

Post on 11-Dec-2015

234 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

This is an archived document about a Filipino tale about Haring Pabo or King Pabo.

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Lihim Na Pagtingin Ng Haring Pabo

“ANG LIHIM NA PAGTINGIN NG HARING PABO”

Sa isang magandang kagubatan na ang pangalan ay Engkantadia, May iasang hari ang pinapangarap mapangasawa ng lahat at ito si Haring Pabo at ang kanyang mga taga paglingkod na si Ibonna, Usanna, Dagatong.

Haring Pabo- Kailan kaya ako makakahanap ng tunay na Pag-ibig?

Ibonna- Wag mong hanapin mahal na hari dahil kusa itong dadating sa tamang panahon.

Usanna- Tama si Ibonna mahal na hari!

Dagatong- May naisip ako para hindi na kayo malungkot, Maglibot tayo sa Engkantandia!

Usanna- Magandang ideya dagatong . Tara na!

Sa paglilibot nila may dalawang Mag kaibigan na matagal ng nagmamasid sa mahal na hari at ito si Asolin at Pusania na laging nagtatalo. Nasa tabi sila ng patong patong na puno.

Asolin- Sobrang lakas talaga ng dating ng ating hari!

Pusania- Tama ka diyan at balang araw ako ang kanyang magiging reyna!

Asolin - Nangangarap ka ata Pusana! ( Biglang tulak)

Dagatong- Mukhang may iba pang hayop ang narito, Tara’t silipin natin!

Kaagad hinawi ng haring pabu ang tumpok tumpok na dahon sa Puno at nakita niyang nakayuko si Asolin at Pusania.

Asolin- Patawarin niyo po kami mahal na hari! Matagal na po kaming may lihim na pagtingin sayo.

Pusania- Tama po mahal na hari.

Usanna- Marahil yan siguro ang dahilan ng inyong pagtatalo.

Ibonna- May naisip akong paraan bakit hindi kayo magpaliksahan upang mapatunayan ninyong kayo ay karapatdapat para sa pag-ibig ng hari.

Dagatong- Pumapayag ka ba haring pabo?

Haring Pabo- Oo pumapayag ako!

Si Asolin at pusania ay Masaya sakanilang narinig, Napatalon sila sa saya at bigla nalang nagtalo.

Pusania-Siguradong sigurado ako na ang pipiliin ng mahal na hari!

Asolin- Malalaman natin yan!

Page 2: Ang Lihim Na Pagtingin Ng Haring Pabo

Usanna- Unang pagsubok ay dapat masiyahan ang mahal na hari sa mga linyang gagamitin ninyo!

Asolin- Mahal na hari PABO ka ba?

Haring Pabo- Oo, Bakit?

Asolin- Kasi PABOrito kitang pag masdan.

Haring pabo- Magaling! Salamat!

Agad agad namang bumawi si Pusana ….

Pusania- Hindi na po ako makakita mahal na hari! Tulungan niyo po ako!

Haring Pabo- Oh bakit?

Pusania- Wala na po akong makitang hihigit pa sayo

Haring Pabo-( Kaagad itong ngumiti)

Ibonna- Ang pangalawang pagsubok ay dapat mabilis kayong makatawid sa Dagat.

Si Asolin at Pusania ay kaagad Lumusong sa tubig at nangunguna na si asolin at sa kasamaang palad ay naipit ang paa ni pusania sa isang bato sa dagat, Malapit nang manalo si aso lin ngunit kaagad siyang lumangoy pabalik kay pusania para ito’y sagipin, agad agad niya itong pinasan sa kanyang likod mula sa pagkalunod nito. Natuwa ang mahal na hari at bigla itong nagpasya.

Haring Pabo- Tapos na ang paliksahan! At nakamit ninyo ang walang katumbas na pagmamahalan bilang magkaibigan.

Agad agad nagyakapan si asolin at pusania at agad itong nagbati at nagpasalamat sila sa mahal na hari dahil sa kanilang mga natutunan na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakamagandang bagay sa mundo.

Bumalik ang mahal na hari at ang kanyang mga taga paglingkod sa palasyo at tila natahimik ang mahal na hari.

Ibonna- Bakit po kayo tahimik mahal na hari?

Haring Pabo- May iniisip lamang ako

Ibonna- Kung ano pa man yan malamang ay tungkol parin ito sa inyong pag-ibig?

Haring Pabo-At mukhang alam mo ang nararamdaman ko ibonna, Sana nga ay iyong alam.

Dagatong- bakit hindi ninyo po sabihin mahal na hari?

Ibonna- Piliin niyo po yung hayop na hindi ka hahanapan ng wala sayo mahal na hari

Page 3: Ang Lihim Na Pagtingin Ng Haring Pabo

Haring Pabo-At dahil dyan kaya kita nagustohan ibonna, Ang totoo ay matagal na akong may lihim na pagtingin sa iyo.

Ibonna- Matagal na din po akong may lihim na pagtingin sayo mahal na hari ngunit hindi ko ipinagtapat dahil ako hamak na tagapaglingkod lamang

Haring Pabo- Hindi Mahalaga kong anong meron ka ang mahalaga mahal kita hindi dahil sa iyong kagandahan ngunit dahil sa iyong kabutihang taglay.

Dagatong-Ano pang hinihintay natin! Ayusin na natin ang inyong kasal mahal na hari!

Masayang ikinasal si ibonna at ang mahal na haring pabo kasama pa ang iba’t ibang hayop na nagdiwang ng Masaya sa engkantadia .

At dito nagtatapos ang istorya…

---

Angelica Muffy T. Tibayan

Rommeliza Francisco

Aldrin Panikan