ang maliwanag na bituin - the beacon academy · malungkot ang batang bituin. "bakit kaya ako...

8
Ang Maliwanag na Bituin guhit at akda ni Ina Kole at Martha Yupangco

Upload: others

Post on 21-Jan-2020

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

A n g Ma l i wa n a g n a Bi tu i n

g uh it at ak da n i I n a Kole at M ar th a Y upan g co

Isang gabi sa kalawakan, nagsimulang magningning ang mga bituin. Maliban sa isa.

 

Malungkot ang batang bituin. "Bakit kaya ako lang ang hindi maliwanag?" tanong niya sa sarili.

Lumapit siya sa Buwan. "Manong Buwan, alam niyo po ba kung bakit hindi ako nagniningning?" "Ay, hindi ko alam. Huwag mo nga akong guluhin," sabi ng Buwan.

Nagtanong siya kay Mars na noon ay abala. "Bakit po hindi ako nagliliwanag?" "HINDI KO ALAM!" sigaw ni Mars, na lalong namula sa galit.

Nilapitan niya ang iba pang mga planeta, kagaya ng Mundo, Saturn, Mercury, Jupiter at Venus. Pero hindi rin nila alam. Malungkot ang batang bituin. "Wala bang makakatulong sa akin?" tanong niya sa sarili.

Pumunta siya kay Haring Araw, na siyang pinakamalaki at pinakaliwanag na bituin. "Bakit po lahat ng ibang bituin ay nakikita ko ang labis na liwanagmaliban po sa akin?"

"Batang bituin," sabi ng Haring Araw, "hindi ka man nagniningning ay importante ka pa rin. Kung minsan ay maganda ring maging naiiba."  "Talaga po?" "Oo, bituin. Hindi ka kailangang laging maging katulad ng mga kasama mo."

 

"Salamat po!" Naging sobrang saya ang batang Bituin sa sinabi ng Araw.

At bigla, nagningning siya.