ang nakatagong aninag ni hesukristo sa mukha ng mga ofw

7
1 Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW Dahil sa tindi ng kahirapan at kawalan ng oportunidad upang umunlad at guminhawa ang pamumuhay sa ating bansa dumarami ang mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ayon sa estatistika mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang OFW. Sila’y matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil lumalaki ang kanilang bilang at ang mga bilang ng mga umaasa sa kanila. Sila ay isang makabagong sector sa lipunang Pilipino. Ang sektor na ito ay may naiibang kulturang Pilipino dahil sa natatanging kalagayan. Kung sinasabi natin na ang Pilipino ay maka-pamilya at segurista sa buhay subalit sa sector ng OFW ang ating makikitang kaugalin ay ang pakikipagsapalaran kahit iwan ang mahal sa buhay. Ang Pilipino ay handang makipagsapalaran para sa kanyang mahal sa buhay. Subalit ang iwan ang mahal sa buhay ay napakasakit para sa isang Pilipino. Parang iniuumpog siya ng dalawang bato. Ito ba’y kapalaran na isinulat ng tadhana. O baka naman tulak lang ito ng pangangailangan. Anong katangian or kaugalian meron ang Pilipino na ito’y gawin. Ang makipagsapalaran sa ibang bansa at iwan ang pamilya ay tila kasalungat ng ating pagpapahalaga sa pamilya. Suriin natin ito. Ang pakikipagsapalaran ay isang paglalakbay na puno ng di katiyakan, meron panganib at oportunidad. Panganib dahil bagong lugar, at ang Pilipino ay isang dayuhan, di taga-doon. Maraming

Upload: sirvic2013

Post on 28-Apr-2015

70 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Theological reflection on Contextual Theology using Filipino Language

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW

1

Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW

Dahil sa tindi ng kahirapan at kawalan ng oportunidad upang umunlad at guminhawa

ang pamumuhay sa ating bansa dumarami ang mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang

bansa. Ayon sa estatistika mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang OFW. Sila’y

matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Dahil lumalaki ang kanilang bilang at ang mga bilang ng mga umaasa sa kanila. Sila ay

isang makabagong sector sa lipunang Pilipino. Ang sektor na ito ay may naiibang kulturang

Pilipino dahil sa natatanging kalagayan. Kung sinasabi natin na ang Pilipino ay maka-pamilya

at segurista sa buhay subalit sa sector ng OFW ang ating makikitang kaugalin ay ang

pakikipagsapalaran kahit iwan ang mahal sa buhay.

Ang Pilipino ay handang makipagsapalaran para sa kanyang mahal sa buhay. Subalit

ang iwan ang mahal sa buhay ay napakasakit para sa isang Pilipino. Parang iniuumpog siya ng

dalawang bato. Ito ba’y kapalaran na isinulat ng tadhana. O baka naman tulak lang ito ng

pangangailangan. Anong katangian or kaugalian meron ang Pilipino na ito’y gawin. Ang

makipagsapalaran sa ibang bansa at iwan ang pamilya ay tila kasalungat ng ating

pagpapahalaga sa pamilya. Suriin natin ito.

Ang pakikipagsapalaran ay isang paglalakbay na puno ng di katiyakan, meron panganib

at oportunidad. Panganib dahil bagong lugar, at ang Pilipino ay isang dayuhan, di taga-doon.

Maraming bagay-bagay ang hindi niya alam na maaaring maging mitsa ng pagkakamali at

kaguluhan. Oportunidad sapagkat bago siya sa lugar panibagong simulain Samakatwid naroon

ang pag-asa na maka-ipon at gaganda ang kapalaran. Subalit ang agam-agam ng Pilipino ay

hindi lang sa dahil sa bago ang lugar na patutunguhan kundi ang pag-aalala sa kanyang mga

mahal sa buhay na maiiwan. Ano ang maaaring mangyari habang wala siya? Paano kung may

panganib na naka-amba sa pamilya habang siya’y malayo. Tiyak na hindi niya maipagtatanggol

sila. Napakabigat nitong alalahanin.

At kung ang kalagayan ay kabahagi ng ating pagteteyolohiya ano ang mensahe meron

ang mga OFW? Aking na itanong ito dahil naalala ko ang aking karanasan ng ako'y

nagpapastor sa isang bayan sa Laguna noon 1988. Ako'y tutol na tutol sa manpower export ng

goyerno. Aking naranasan noon na anyayahan sa mga handaan para sa mangingibang bansa.

Inaasahan pa ng pamilya na ipanalangin ko ang aalis. Noon atubile ako dahil para sa akin ang

mga nangingibang bansa ay naghahanap lang ng kwarta. Kung may mangyari sa kanilang di

maganda bakit sila umalis ng bansa.

Page 2: Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW

2

Subalit nagsimula ang aking pagbabago ng pananaw ng masaksihan natin ang reaksyon

at pagkilos ng ating kababayan ng bitayin Flor Contemplacion noon Marso 17, 1995. Sa

panahong iyon sko'y wala na sa parokya. Nagtuturo na ako sa Seminaryo. Nagsimula na rin

akong makinig sa mga kwento ng mga pamilyang OFW. Di naglaon aking naunawan na hindi

dahil sa materyal na bagay kaya sila nakikipagsapalaran kundi bagkus sa labis na pagmamahal

sa pamilya. Nakipagsapalaran sila alang-alang sa iba. Hindi ba ito ang sinabi ni Hesus sa

kanyang mga disipulo. “Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling

buhay alang-alang sa kayang mga kaibigan” (Juan 15:13).

Kaya tuloy ng mabasa ko sa pahayagan ang tungkol kay Angelo dela Cruz, isang OFW,

na bihag ng mga militanteng Iraqi naging hamon sa aking na mabigyan ito ng isang pang-

teyolohiyang pagninilay-nilay.

Pakikipagsapalaran para sa Iba: Ang Aninag ni Kristo sa Mukha ng OFW

Alam natin na ang buhay ay batbat ng panganib at ang iba’y di inaasahan. Kaya ang

sambit ng iba’y ang buhay ay pakikipagsapalaran. Kaya tuloy ang mga Pilipino ay nakasandig

sa kanyang pamilya at mga kamag-anak para may katiyakan kahit papaano. Sublit kung ang

katiyakan at seguridad ng pamilya ang nanganganib handang haharapin ng isang kapamilya ang

panganib at makipagsapalaran alang-alang sa mga mahal sa buhay.

Ang pagkikipagsalaparan ng mga Pilipino ay isang magandang ugali na dapat linangin.

Sapagkat ito’y nagtuturo sa ating ng kahalagan ng paglilingkod para sa iba. Ating kamilitan

marinig na paliwanag ng mga OFW nakaya sila nangibang bansa ay hindi para sa sarile kundi

para sa iba, sa mga mahal sa buhay. Handang itaya ng mga OFW ang kanilang pang-sariling

interest para lamang sa iba ay isang kahangahangang pag-uugali. Kaya tama lamang na sila’y

taguriang mga bagong bayani. Ang bayani ay nag-aalay ng sarile para sa iba. Siguro ito ang

kailangan natin sa mga pulitiko, mga taong handang pag-lingkuran ang iba kaysa ang sarile.

Subalit ang kanilang pakikipagsapalaran ay nagdudulot na mabigat na pagdurusa't

pagpapakasakit sa mga OFW at sa kanilang kapamilya. Sa katunayan ang pinakamainit na

balita ngayon ay ang pagkaka-hostage ng isang Pinoy ng mga militanteng Iraqi na nagbanta na

kanilang bibitayin si Angelo dela Cruz kundi aalisin ang tropang Pinoy sa Iraq. Hindi ito

bagong balita natatandaan ba natin ang kwento ni Flor Contemplacion. Ang pagtatangka

gahasain na si Sarah B. Siguro kung may kilala kayong pamilyang OFW meron kayong

napakinggan kuwento ng pagdurasa ng kanilang kapamilya sa ibang bansa.

Page 3: Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW

3

Tunay na pakikipagsapalaran ang maging OFW. Wasto lamang na sila'y tawaging mga

bagong bayani. Di ba ang bayani ay pinapatay? Samakatwid ang mga OFW ay isinasakripisyo

para mabuhay ang iba. Sa aking obserbasyon ang ganitong posibilidad at panganib ay batid na

ngayon at tinatanggap ng ating mga kababayan na nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa aking pagmumuni-muni ang karanasan ng mga OFW at ang kanilang paghihirap ay

salamin ng paghihirap ni Hesus. Siya ang dakilang nakipagsapalaran para sa iba. Ang kanyang

pagkakatawan tao at paghuhubad ng pagka-diyos ay mauunwaan natin kung isasalamin sa

pakikipagsapalaran ng mga OFW na iniwan ang seguridad ng pamilya at ng bansa upang

mabigyan ng maganda kinabukasan ang iba.

Naalala ko ang sinabi ni Propeta Isaias tungkol sa nagdusang taga-paglingkod (suffering

servant). Paumanhin naman kay Propeta Isaias dahil sa akin gagawin pagbabago sa ilang

bahagi ng kanyang isinulat (53:7,8):

“siya'y pinagmalupitan at nagpakaaba, ngunit hindi nagbuka ng bibig,

Tulad ng OFW dinadala sa patayan,at tulad ng isang mahinhin na DH walang-imik ng hinahagupit,

hindi siya nagbuka ng bibig.

Hinuli siya at hinatulan, siya'y kinuha't hinostage.Dahil sa siya'y dayuhan at nakipagsapalaran lamang

At sino'ng makakaisip ng kanyang sinapit?Inihiwalay sa lupain ng mga buhay

at pinarusahan dahil sa “pangangailangan daw” ng kanyang bayanPara kumita ng dollar para bayad utang inilibing sa libingan ng mga masasama

Ibinaon sa libingan ng mga maniniil

Hindi ba nasasalamin natin sa mga mukha ng OFW ang pagdurusa ni Hesukristo! Mas

mauunawaan ng ating kababayan ang pagibig ng Diyos at ang inkarnasyon ni Hesus kung

ihahalintulad iyon sa pakikipagsapalaran ng OFW at ng iba pang Pilipino alang-alang sa iba. Si

Hesus ay nakipagsapalaran para sa sanlibutan. Si Hesus ay nakipagsapalaran para sa bayan

Pilipinas. Si Hesus ay nakipagsapalaran para sa inyong panimalay. Si Hesus ay

nakipagsapalaran para sa atin lahat.

At gayun din naman ang pagdurusa't paghihirap ng OFW ay ating masasalamin sa

pasyon at krus ni Hesus. Ang itinuro sa atin ng Simbahan ay ang pasyon at kamatayan sa krus

ni Hesus ay kabayaran sa ating mga kasalanan. Hindi ba ang pagdurusa at pag-aalay ng buhay

ng OFW ay kabayaran sa pagkakautang ng pamilya at ng pamahalaan Pilipino. Sinabi ng mga

ekonomista na kung di sa mga dolyares na pinapadala ng mga OFW matagal ng bumaksak ang

Page 4: Ang Nakatagong Aninag ni Hesukristo sa Mukha ng mga OFW

4

ating kabuhayan. Ang pawis, dugo at buhay ng OFW ang bumubuhay sa Pilipinas. Subalit batid

natin na ang ginawa ni Hesus ay minsanan at para sa lahat (once and for all). Ito ang

pinakamithiin ng Amang Diyos na mapasaatin ang kapatawaran at kaginhawaan nagmumula sa

Kanya. Samakatuwid hindi mga OFW ang maglilitas sa ating mga pagkakasala. Ibinubunyag

ng krus ay ang ganap na pagibig ng Diyos sa kanyang sangnilikha.

Pero ang krus ni Hesus ay nagbulbugar din sa kasamaan at kawalang-katarungan. Kung

atin nasisilayan ang aninag ni Hesus sa mga mukha ng OFW ito’y isang paghatol sa kawalan-

katarungan sa ating bansa at panimalay. Isang kabalbalan (scandal) ang marangya't maluhing

pamumuhay ng ating mga pulitiko, ang pag-gamit sa yaman ng bayan sa pan-sariling interest

lamang, at ang pagwaldas sa kaban ng bayan sa mga proyektong walang kahihinatan. Isang

kabalbalan ng pamahalaan na magka-utang ng $56 bilyon dolyares para lang sa ganitong

gawain. At tila walang pugnat na pangungutang ng gobyerna dahil si Gng. Arroyo ay

nagpahayag kamakailan na kailangan daw mangutang ng di kukulanging sa P412-bilyon piso

para mabayaran ang intrest ng pagkakautang ng bansa at sa pang-gastos sa iba't-ibang serbisyo

publiko. Saan aasa ang pamahalaan para mabayaran ang utang? Tiyak sa buwis ng mamayan at

sa dolyares na pinadadala ng mga OFW. Subalit anong silbi ang nagawa ng pamahalaan

katumbas sa pagdurasa't pagpapasakit ng mga OFW. Katarungan ang minimithi ng ating mga

OFW. Sila'y kahalintulad ni Kristo na biktima ng kawalang katarungan.

Dapat din natin bangitin na ang napagdurusa't pagpapakasakit ng OFW ay isang

paghatol sa Kristohanong kapatiran na kung may ginagawa ba tayo para sa iba. Tumutugon

kaya tayo sa mga karaingan ng ating kababayan? Siguro hindi nating nasisilayan ang aninag ni

Hesukristo sa mga mukha ng OFW. Manhid na ba tayo? Patawarin nawa tayo ng Diyos!

Nawa'y hindi natin makalimutan ng bilin ni Hesus: “anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa

maliliit na ito na mga kapatid ko, hindi ninyo ginawa sa akin”(Mateo 25: 45).

Victor AguilanContextual TheologySynthetic ModelJuly 17, 2004