ang paghuhukom nd dios

48
Ang Paghuhukom Ng Dios

Upload: akgv

Post on 21-Aug-2015

40 views

Category:

Spiritual


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang paghuhukom nd dios

Ang PaghuhukomNg Dios

Page 2: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang mensahe na dapat marinig ng lahat ng tao?

Apoc. 14:6 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; 7 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

Page 3: Ang paghuhukom nd dios

Sumasamba sa Dios; 3%

Sumasamba sa diosdyosan; 97%

Sa Asia…

Page 4: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang hinaing ng mga taong inapi, nilapastangan at nagdusa sa kasamaan ng kapuwa?

Apoc. 6:10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

Page 5: Ang paghuhukom nd dios

Papaano ito tinugunan ng Dios? Gawa 17:31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

Page 6: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang suma total ng lahat ng bagay?

Eccl 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama. Ang layunin ng biyaya ng Dios ay ihatid tayo sa pagkatakot sa Dios at pagsunod sa kaniyang mga utos, upang ihanda tayo sa araw ng paghuhukom. Lahat ng gawa, mabuti o masama ay huhukuman ng Dios.

Page 7: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang araw na hindi natin matatakasan- na kinakailangang tayo ay humarap?

2Co 5:10 Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

Page 8: Ang paghuhukom nd dios

Saklaw ba ng paghuhukom kahit sinalita lamang at hindi naman ginawa?

Mat 12:36 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ngpaghuhukom. 37 Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Page 9: Ang paghuhukom nd dios

Ang mga salitang dumurog ng pusoDi na mabubura ang pagkasiphayo

Kaya pakaingat kahit pagbibiroSa bibig at dila'y tumpak ang ituro

Page 10: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang magiging batayan ng paghuhukom?

Sant. 2:8 Gayon man kung inyong ganapin ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti

Page 11: Ang paghuhukom nd dios

Anong set daw ng mga utos ang pinaka dakila sa lahat ng utos?

Mat 22:35 At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin: 36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan? 37 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. 38 Ito ang dakila at pangunang utos. 39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

Page 12: Ang paghuhukom nd dios

Papaano natin iibgin ang ating kapuwa?

Rom 13:8 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan. 9 Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili. 10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Page 13: Ang paghuhukom nd dios

Papaano natin matitiyak na umiibig tayo sa Dios?

1Jn_5:2 Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Page 14: Ang paghuhukom nd dios

Saan ibabatay ang paghatol? - Sa mga aklat

Dan 7:9 Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.

Page 15: Ang paghuhukom nd dios

10 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.

Page 16: Ang paghuhukom nd dios

Ano-ano ang mga aklat na ito?

Aklat ng Alaala - aklat ng ating TalambuhayMal 3:16 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.

Page 17: Ang paghuhukom nd dios

Ang mga luha ng pagsisisi ay itinatala?

Psa 56:8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?

Page 18: Ang paghuhukom nd dios
Page 19: Ang paghuhukom nd dios

Ang mga parti ng ating katawan ay nakatala sa aklat na ito?

Awit 139:15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. 16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,

Page 20: Ang paghuhukom nd dios

Psa 103:14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.

Page 21: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang tawag sa ibang aklat?

Aklat ng buhay

Page 22: Ang paghuhukom nd dios

Ito ang talaan ng mga pangalan ng maliligtas

Apoc 13:8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.

Page 23: Ang paghuhukom nd dios

Ang mga nagpapatuloy sa pagkakasala ay aalisin ang pangalan

sa aklat

Exo 32:32 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo. 33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.

Page 24: Ang paghuhukom nd dios

Lahat ng hindi nakasulat sa aklat ng buhay ay susunugin?

Apoc 20:15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

Page 25: Ang paghuhukom nd dios
Page 26: Ang paghuhukom nd dios

Ang paghatol

sa masama

Page 27: Ang paghuhukom nd dios

Sinumbatan ang mga bayang hindi nagsisi

Mat 11:20 Nang magkagayo'y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi. 21 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Bethsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo. 22 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo.

Page 28: Ang paghuhukom nd dios

23 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo. Ang isa sa malaking kasalanan ay ang hindi pakikinig sa evangelio. Ito lamang ang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas. Sa pamamagitan nito ay binibigyan tayo ng kapangyarihang pumiling muli at maglingkod sa Dios. Wala ng ibang paraan para maligtas kundi ang sumampalataya sa evangelio.

Page 29: Ang paghuhukom nd dios

Ano ang bahagi ng mga banal sa paghatol?

Ang mga banal ay tutulong sa paghatol sa mga makasalanan at mga nagkasalang anghel

Page 30: Ang paghuhukom nd dios

1Co 6:2 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito.

Page 31: Ang paghuhukom nd dios

Ang paghuhukom na ito ay isasagawa sa langit sa nasasakupan ng 1000 taon

Apoc 20:1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. 2 At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, 3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.

Page 32: Ang paghuhukom nd dios

4 At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Page 33: Ang paghuhukom nd dios

Lahat ng hatol ay nakabase sa gawa

Apoc.20:12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.

Page 34: Ang paghuhukom nd dios

May ibat-ibang degree o bahagdan ng pagpaparusa?

Luk 12:47 At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami; 48 Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya

Page 35: Ang paghuhukom nd dios

Walang maidadahilan ang sinoman sa araw ng paghuhukom

Rom 2:12 Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan; 13 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap; 14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

Page 36: Ang paghuhukom nd dios

15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa); 16 Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo. 17 Nguni't kung ikaw na may taglay na pangalang Judio, at nasasalig sa kautusan, at nagmamapuri sa Dios,

Page 37: Ang paghuhukom nd dios

Bakit kailangan

ang paghatol?Upang gantimpalaan ang

mga banal

Page 38: Ang paghuhukom nd dios

Kahit isang sarong malamig na tubig ang ibigay na may pagibig ay hindi mawawalan ng ganti

Mat_10:42 At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.

Page 39: Ang paghuhukom nd dios
Page 40: Ang paghuhukom nd dios

Lahat ng ginawa na may pagibig ay gagantimpalaan

Mat 25:34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama,Manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nangitatag ang sanglibutan: 35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; 36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.

Page 41: Ang paghuhukom nd dios

37 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon,

kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?

38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at

pinaramtan ka? 39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan,

at dinalaw ka namin? 40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang

sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

Page 42: Ang paghuhukom nd dios

May dalawang katanungan na isasaalang-alang sa araw ng

paghuhukom:

• Minahal mo ba ang Panginoon ng buong puso, buong lakas, at buong pagiisip?• Minahal mo ba ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili?

Page 43: Ang paghuhukom nd dios

Rom 13:10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Page 44: Ang paghuhukom nd dios

NAGULAT SA LANGITLaki ng gulat ko pagpasok sa langit

Hindi sa dahilang ito ay marikitAko'y napasigaw sa tindi ng hapisMuntik na nga roong ako ay umalis

Mayrong magnanakaw, mga sinungalingUbod ng sasama't mga masasakim

May lider pa ng gang, at mga drug dealerMay koronang putong kapiling ng anghel

Page 45: Ang paghuhukom nd dios

Panginoong Jesus ako'y nalilitoYang mga taong yan bakit nariritoKailangan ko po ang paliwanag moNagkamali yata ang paghatol ninyo

Makinig ka anak sa sasabihin koTingnan mo sila at nakatingin sa 'yo

Namutla't napipi at biglang nanglumoHindi akalaing ikaw ay narito

Page 46: Ang paghuhukom nd dios
Page 47: Ang paghuhukom nd dios

MAHABAG KA OH DIOS Alfred M. Vitto

Mula sa t'yan ng nanay ko'y hilig na sa kasalananMarupok ang pagkagawa't sadyang hindi magtatagal

Nang iluwal sa daigdig panay na ang panambitanLungkot hirap at pasakit ang s'yang laging kaulayaw

Ang puso ko't pag-iisip lagi na lang naliligawNasaan man ang sumunod sadyang mahina ang laman

Palaging nanghihimagsik sa lahat mong kautusanAko mandi'y mawawaglit kung hindi kahahabagan

Page 48: Ang paghuhukom nd dios

Anong aking ibabayad sa lahat kong kasalananKahit yaman ng daigdig ay di mo kaluluguran

Walang hanggang kamatayan ang hiling ng kautusanPakinggan ang pakiusap ako'y iyong kahabagan

Ang dugo ng iyong Anak sadyang laan na panglinisDahil sa 'king kasalanan doon sa krus ay natigis

Tanggapin mo ang puso ko, upang hapis ay maalisBaguhin mo ang buhay ko, at titigil sa pagtangis

Salamat sa pabalitang ngayon ko lang napakingganAko pala ay waglit na'y hindi ko pa nalalamanSalamat sa pagliligtas lalo na sa bagong buhay

At ang hindi ko malirip, ANG AKO AY KAHABAGAN