ang pamahalaan ng sinaunang lipunang pilipino: barangay

15
Aralin I: Paraan ng Pamamahala

Upload: jetsetter22

Post on 05-Dec-2014

5.433 views

Category:

Education


8 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Aralin I: Paraan ng Pamamahala

Page 2: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Ang ating bansa ay may sarili nang paraan ng pamamahala at masasabing maayos na kalagayang panlipunan noon pa man. Hindi nga lamang ito nakilala kaagad dahil pampamayanan lamang ang sistemang umiiral noon. Ibig sabihin nito, sa bawat lugar o tribo ay may kani-kaniyang sistema at walang pambansang pamhalaang matatawag.

Page 3: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Kilalanin rin natin ang mga kasingkahulugan ng mga sumusunod na mga salita sa kahon upang higit na maging madali para sa ating maunawaan ang araling ito.

Page 4: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

batas – alituntunin ng kagandahang-asal o pamantayang kinikilala at sinusunod sa isang komunidad na ipinatutupad ng mga namumuno rito.

teritoryo- lawak ng lupang pag-aari ng isang pamahalaan o mamamayan

tagapagpatupad- kapangyarihan ng pinunong ipatupad o ipagawa sa mga mamamayang ang nagwang batas.

Page 5: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

tagapagbatas – kapangyarihang ng pinunong gumawa o lumikha ng batas na makakatulong sa kaunlaran ang mga nagawang batas.

tagahukom- kapangyarihan ng pinunong maglitis o humatol sa sinumang nasasakuoang lumabag o nagkasala sa batas

Page 6: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Ang Barangay…

Page 7: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Ayon sa kasaysayan, may isang bangkang Malay na dumating sa Pilipinas. Balangay ang tawag sa bangkang ito. May paniniwalang sa bangkang ito sumakay ang mga unang taong nakarating sa ating bansa. Sinasabi na ang bangka ay nakakapagsakay ng 60-90 katao. Sakay ng bangka ang isang pamilyang binubuo ng mga magulang, mga anak, kamag anak, at mga alipin. Pumili sila ng panahanan sa kapuluan at nagsimulang magtatag ng isang lipunan.

Page 8: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Balangay

Page 9: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Mula sa lipunang ito natatag ang isang uri ng pamahalaan na tinawag nilang barangay.

Barangay ang tawag sa pamahalaan ng mga unang Pilipino.

Page 10: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino, ang bawat barangay ay may sarili at malayang pamamahala kaya’t walang matatawag na hari o pinakapinuno ng lipunan. Ang bawat barangay ay may kani-kaniayang pinuno at batas na umiiral.

Page 11: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Datu ang tawag sa pinuno ng barangay.

Raja o Lakan naman ang namumuno sa higit na malaking barangay.

Page 12: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Ang datu ang nagsisilbing tagapagbatas, tagapagpaganap at tagahukom.

Siya rin ang itinuturing na punong militar sa pamayanan.

Katulong ng datu ang matatandang kasapi ng barangay.

Page 13: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Sa pagpili ng datu, tinitignan ang lakas, tapang, at tatag ng loob ng isang tao upang matiyak ang kakayahan nitong ipagtanggol ang kanyang barangay sa mga kaaway.

Ang pagiging datu ay maaaring mamana. Kapag ang datu ay namatay na walang anak na babae o lalaki, ang mga tao sa barangay ang pipili ng bagon datu ngunit siya ay dapat na….

Page 14: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

pinakamayaman, pinakamakisig, pinakamatapang, at pinakamatalino.

Sapagkat ang datu ang pinakamataas, iginagalang siya ng lahat. Makakaasa siya sa paglilingkod ng mga alagad sa panahon ng digmaan, paglalayag, pagbubungkal ng lupa, pangingisda at paglalayag.

Page 15: Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay

Magkahalong lupit at kabutihan ang uri ng pamamahala ng datu. Dahil sa kanyang kapangyarihan, maaari niyang ipatapon ang isang alagad o kunin ang ari-arian nito. Sa kabilang dako, nagpapamalas din siya ng kabaitan at pakikipagkapwa sa mga nasasakupan. Lagi niyang ipindarama sa kanyang mga alagad ang kahalagahan ng pagtulungan at pagkakaisa.