ang pinagmulan ng daigdig
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
BALITAAN
KasaysayanArtifacts
Fossils Heograpiya
Ekonomiks Sosyolohiya Sikolohiya
AntropolohiyaAgham Pampulitika
YES OR NO
Anticipation Guide:1.Ang teorya ay mga bagay na haka-haka lamang.2.Sina Pierre-Simon de LaPlace at Immanuel Kant ang nagpasimula ng Teoryang Dynamic Counter.3.Ang Teoryang Dust-Cloud ay ang sistemang solar na nabuo mula sa alikabok ng meteorite sa halip na gas.
4.Ayon sa teoryang BigBang, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog.5. Ayon sa T. Planetissimal,ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. 6. Pitong araw nilikha ng Diyos ang sandaigdigan.
Ano ang Teorya?
Haka- Haka ng mga Pilosopo, mula sa datos
na kanilang nakuha ayon sa siyantipikong
pamamaraan.
Iba’t Ibang Teorya na pinagmulan ng Daigdig
Ipinanukala nina Pierre-Simon de LaPlace at Immanuel Kant ang Teoryang
Nebular
•Nagmula sa mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na
nagmula sa isang mainit na bituin.
•Nagkaroon ng interaksyon ang mga ion sa mga malayang electron sa
ulap at naging dahilan ng pagsabog nitong liwanag sa lahat ng
direksyon.
Teoryang Nebular(1755)
AYON KAY FRED WHIPPLE:
Ang sistemang solar ay nabuo mula sa
alikabok ng meteorite sa halip na
gas.Lumamig at tumigas ang masa nang matuklap ang
balat ng nabuong gas o alikabok sa
pamamagitan ng kondensasyon.Nang
magkaroon ng hangin ang himpapawid ng mundo pumatak ang ulan ng libo-libong
taon.
Teoryang Dust Cloud(1946)
Si George Louis Leclerc Buffon ay isang naturalista na
nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw,
pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang
kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic
Encounter”.
Teorya ng Dynamic Encounter
Ang Teoryang Kondensasyon: Robert Jastrow
•Ang isang araw o bituin ay nagsimula
sa pamumuo ng mga masa ng
hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa
kalawakan na tumatanda,
sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa
at sumasama sa mga bagong
namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay
paulit-ulit at walang katapusan.
Teorya ng Kondensasyon
Max Trauts at William Lewis
•Ayon sa teoryang ito, may naganap na banggaan ng
dalawang bituin sa sansinukob.
Napakalakas ng banggaan kaya maraming tipak
ang tumalsik mula sa mga ito. Ang mga tumalsik ay nagpaikot-ikot sa
sansinukob.
Teorya ng Kolisyon
PROP. THOMAS CHAMBERLAIN at FOREST MOULTON na binago nina
JAMESJEANS at HAROLD JEFFREYS at tinawag itong Teoryang Gaseous Tidal •Batay sa teorya, ang sistemang solar
ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na
sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay
naging pamilya ng planeta.
Teoryang Planetissimal
Ipinanukala ni Sir Fred Hoyle at George Lemaitre
•Ayon sa teoryang ito, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang
malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na Big Bang o Supersonic
Turbulence). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong
taon na ang nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng apoy na ito ay
nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa.
•May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng
maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy
ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng
sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay
puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito,
anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula
sa isang malakas na pagsabog.
Teoryang Big Bang
TEORYANG BIBLIKAL
•Paglikha ayon sa Genesis
Ang paglikha ayon sa Genesis, ang paglalang sa sanlibutan, o kasaysayan ng paglikha ay ang unang salaysay na matatagpuan sa AKLAT NG GENESIS sa LUMANG TIPAN ng BIBLIYA. Ginawa ng Diyos ang MUNDO, ang SANLIBUTAN, at lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay na nasa DAIGDIG. Ayon sa Bibliya, mabuti ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, at idinagdag pa na nasaktan ang lahat ng mga nalalang ng Diyos dahil sa pagkakaroon ng KASALANAN ng TAO o ng mundo, subalit darating ang isang araw na muling gagawing walang-dungis ng Diyos ang kaniyang isinagawang paglalang ng mga bagay.
PAGLIKHA NG DIYOS SA SANLIBUTAN
AYON SA AKLAT NG GENESIS
•GENESIS 1:1-27
"Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at lupa, ang lupa ay walang anyo at walang nabubuhay. Nababalot ng
kadiliman ang kailaliman at aali-aligid ang espiritu ng Diyos sa ibabaw ng mga tubig.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag. Minasdan ng Diyos ang liwanag – at iyon nga ay mabuti – at inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman. Tinawag ng Diyos na “Araw” ang liwanag, at “Gabi” ang
kadiliman. Gumabi at umumaga: ang Unang Araw.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng matibay na sahig sa pagitan ng mga tubig upang paghiwalayin ang mga tubig sa kapwa-tubig.” 7 Sa gayon, ginawa ng Diyos ang sahig na naghihiwalay sa tubig na nasa silong nito at sa tubig na nasa ibabaw nito. At gayon nga ang nangyari. 8 Tinawag ng Diyos na “Langit” ang matibay na sahig. Gumabi at umumaga: ang Ikalawang Araw.
Sinabi ng Diyos: “Magsama-sama ang mga tubig sa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang tuyong lupa.” At gayon nga ang nangyari.Tinawag ng Diyos na “Lupa” ang dakong tuyo, at “Dagat” ang mga tubig na pinagsama-sama. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.Sinabi ng Diyos: “Magbinhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto, at mga puno sa lupa na namumunga ng mga prutas na may buto sa loob, ang bawat isa ayon sa sariling uri.” Gayon nga ang nangyari. Nagbinhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto at mga punong namumunga ng mga prutas na may buto, ayon sa uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. Gumabi at umumaga: ang Ikatlong Araw.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga ilaw sa sahig sa itaas upang ibukod ang araw sa gabi, at magsilbing mga palatandaan ng mga panahon, araw at taon. At magningning ang mga ito sa sahig sa itaas para tanglawan ang lupa.” At gayon nga ang nangyari.
Kaya dalawang malaking ilaw ang ginawa ng Diyos: ang mas malaking ilaw upang pamahalaan ang maghapon, at ang maliit na ilaw para pamahalaan ang magdamag. At ginawa rin ng Diyos ang mga bituin. Inilagay ng Diyos ang mga iyon sa sahig sa itaas upang tanglawan ang lupa, at pamahalaan ang maghapon at magdamag, at ihiwalay ang liwanag sa kadiliman. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. Gumabi at umumaga: ang Ikaapat na Araw.
Sinabi ng Diyos: “Mapuno ng mga buhay na nilalang ang mga tubig at magliparan ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa silong ng matibay na sahig.” Nilikha ng Diyos ang malalaking dambuhala sa karagatan, at lahat ng nabubuhay at lumalangoy sa mga tubig sa dagat, at lahat ng ibong lumilipad, ayon sa sariling uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. Pinagpala ng Diyos ang mga ito at sinabi: “Lumago kayo at magparami, punuin ninyo ang tubig ng mga dagat, at magparami rin ang mga ibon sa ibabaw ng lupa.” 23 Gumabi at umumaga: ang Ikalimang Araw.
Sinabi ng Diyos: “Magsupling ang lupa ng mga buhay na hayop ayon sa sariling uri ng mga ito: mga mababangis na hayop at iba pang mga hayop, at mga hayop na gumagapang sa lupa, ayon sa sariling uri ng bawat isa.” At gayon nga ang nangyari. Nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga hayop: ang mababangis na mga hayop, ang iba pang mga hayop, at lahat ng gumagapang sa lupa ayon sa sariling uri ng mga ito. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.
Sinabi ng Diyos: “Lalangin natin ang tao na ating larawan at kahawig. Sila ang makapangyari sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa lahat ng mababangis na hayop at sa iba pang mga hayop, at sa lahat ng gumagapang sa lupa.”
Kaya nilikha ng Diyos ang tao na kanyang larawan; larawan ng Diyos, siya ay kanyang nilikha; nilikha niya silang lalaki at babae.“: ang IkaAnim na Araw.
Ang Ikapitong Araw. Nagpahinga ang diyos at masayang pinagmasdan ang kanyang nilikha.
Anticipation Guide:Sagutan muli ang mga ss. sa inyong quiz booklet at ilagay kung Yes or No.
1.Ang teorya ay mga bagay na haka-haka lamang.2.Sina Pierre-Simon de LaPlace at Immanuel Kant ang nagpasimula ng Teoryang Dynamic Counter.3.Ang Teoryang Dust-Cloud ay ang sistemang solar na nabuo mula sa alikabok ng meteorite sa halip na gas.
4.Ayon sa teoryang BigBang, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog.5. Ayon sa T. Planetissimal,ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. 6. Pitong araw nilikha ng Diyos ang sandaigdigan.7. Supersonic Turbulence ang isa pang tawag sa Teoryang Bigbang.8.Sa ika-tatlong araw nilikha ang araw at gabi.
9. Ayon kay Sir Fred Hoyle at George Lemaitre,may naganap na banggaan ng dalawang bituin sa sansinukob. Napakalakas ng banggaan kaya maraming tipak ang tumalsik mula sa mga ito. Ang mga tumalsik ay nagpaikot-ikot sa sansinukob.
10. Ang paglalang sa sanlibutan, o kasaysayan ng paglikha ay ang unang salaysay na matatagpuan sa AKLAT NG GENESIS sa Lumang Tipan ng BIBLIYA.
Takdang aralin:1.Maghanda para sa Balitaan.2.Basahin at Unawain:Kabanata 1:Ang Heograpiya ng
Daigdig(Pisikal na Katangian ng Daigdig)
3.Gumawa ng Comic Script ukol sa mga Teorya na pinagmulan ng daigdig.Ilagay ito sa typewriting.
SANGGUNIAN:
KASAYSAYAN NG DAIGDIG III pp.12-20KAYAMANAN III pp.7-11