ang pulitika ng jaywalking kapag ang lansangan ay naging
TRANSCRIPT
Ang Pulitika ng Jaywalking Kapag ang lansangan ay naging eksklusibo sa
sasakyan
Rekisito para sa Kursong PS 198
Ipinasa ni
Julie Ann B. Tolentino 2008-45860
Ipinasa kay Prof. Clarinda Berja
Marso 22, 2013
University of the Philippines, Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
Abstrak
Ang paggawa ng batas at pagbibigay kapangyarihan sa awtoridad na ipatupad
ito ay isang pamamaraan upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan sa pamamagitan
ng pamamahala sa public behavior. Lahat ng batas ay nangangailangan ng pagsunod
ng mamamayan, kagaya rin ng interes ng mamamayan na rebyuhin ang mga batas
para matukoy kung ito ba ay ipinatutupad ng naaayon sa inilathalang layunin.
Karaniwan na ang pagrerebyu ng mga batas sa bansa, subalit karamihan sa mga ito ay
mga batas na ang saklaw ay ang pang-nasyonal na interes.
Ang pag-aaral na ito ay bunga ng pagnanais na makapagrebyu ng isang
ordinansa, isang batas na ang sakop lamang ay isang lokalidad. Ang konsepto ng
jaywalking ay hindi bago sa pandinig ng bawat Pilipino, subalit nagkukulang tayo sa
kaalaman patungkol sa tunay na kahulugan nito at pagiging instrumento nito upang
ideklarang dominante ang awtomobil sa mga lansangan. Ang konseptong ito ay laban
sa karapatan ng pedestrian dahil binibigyang katwiran nito ang awtomobil sa pagtaboy
sa tao sa lansangan, at pagkukulong sa mga ito sa sidewalks, crosswalks, at
footbridges sa ngalan ng “kaligtasan” at “kaayusan”.
Ang MMDA Anti-Jaywalking Ordinance ay isang halimbawa ng pamamahala ng
pedestrian behavior. Naglalayon ang batas na ito na mabigyang kaligtasan ang
pedestrian, at maibsan ang trapiko sa panahon na patuloy ang paglobo ng bilang ng
mga sasakyan sa Metro Manila. Maganda ang layon ng batas na ito, at bagaman
nabanggit na anti-pedestrian ang paggamit sa konsepto ng jaywalking, dinidikta ng mga
kasalukuyang sirkumstansya na sa labanan sa pagitan ng awtomobil at tao para sa
dominanteng karapatan sa paggamit ng lansangan, higit na dehado ang tao dahil sa
horsepower, pinansyal na interes na sumusuporta sa awtomobil at usapin ng
urbanisasyon. Bunga nito, ang pagtingin sa ordinansang nagbabawal sa jaywalking ay
hindi dapat tignan bilang negatibo. Bagkus ang dapat tignan ay kung tama ba ang
pagpapatupad ng batas patungkol dito, at kung tunay bang napoprotektahan ng batas
na ito ang pedestrian.
Sa pagtukoy kung paano mapasusunod ang tao sa Anti-Jaywalking Ordinance,
nararapat na siyasatin ang mga dahilan kung bakit, una sa lahat, ginagawa ito ng tao.
Sinuman ay nakagawa na nito minsan man o palagi sa kabuuan ng kanilang buhay. Isa
itong konsepto na may ma-pulitikang pinagmulan, at walang tinatangi, lahat ay
stakeholder dito.
Nauudyukan ang tao na mag-jaywalk dahil sa mga dahilang may kaugnayan sa
eksternal na salik sa kanyang kapaligiran at normatibong pananaw niya sa batas na ito
at sa pagpapatupad nito. Sa pagsiyasat sa Anti-Jaywalking Ordinance, nakita ng pag-
aaral na ito na kulang ang preparasyon bago ipinatupad ang batas na ito dahil naging
makitid ang pagtingin nito sa konsepto ng jaywalking. Inakala nito na sa pamamagitan
ng pagparusa sa “jaywalkers” ay matitigil na ang tao sa paggawa nito. Pero kung
hahalungkatin natin ang kalaliman ng mga dahilan ng tao sa pag-jaywalk, makikita natin
na hindi lamang simpleng pagparusa ang kinakailangan.
Panimula
Urbanisasyon sa Metro Manila
Ang Metro Manila, sa nagdaang isang siglo, ay nakaranas ng modernisasyon sa
transportasyon, magmula sa panahon ng calesa hanggang sa nagdadamihang
sasakyan sa kasalukuyan. Bagaman nagkaroon ng modernisasyon sa transportasyon,
hindi naman ito nasabayan ng paghulma sa kinakailangang regulasyon sa kawalan ng
disiplina ng motorista at pedestrian (Arangkada Philippines, 2012). Gayundin, bagaman
nakikitang paborable ang pag-unlad sa transportasyon, kaakibat naman nito ang
pagtaas ng kaso ng mga aksidenteng pantrapiko (Lamm et al., 1999 na tinukoy ni ADB-
ASEAN, 2012).
Ang pinagsamang haba ng mga kalsada sa Metro Manila ay tinatayang nasa
4,800 kilometro. Dulot ng pag-unlad ng mga syudad rito at pagiging sentro ng
ekonomiya ng bansa, mataas ang migrasyon buhat sa mga probinsya. Pangunahing
dahilan ng migrasyon patungong Metro Manila ay ang oportunidad na makapagtrabaho
rito. Sa paglobo ng populasyon sa mga syudad na tinatayang may 7 milyon na sa
kasalukuyan, lumaki rin ang bilang ng tao na gumagamit ng mga lansangan. Ayon kay
Sigua at Palmiano (2005), higit na mataas ang kaso ng aksidenteng pantrapiko sa
Pilipinas sa dalawang rason: una ay ang hindi pagbibigay prayoridad ng gobyerno sa
“road safety”, at pangalawa, ang mabilis na pagdami ng mga sasakyan dahil sa
pagtingin ng mga Pilipino na ang pag-aari ng sasakyan ay isang pangangailangan na,
hindi isang luho.
Ang Metro Manila bilang isang ‘Automotive City’
Ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ay lumalago ng 5.5% kada taon
samantalang ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan ay 4.4% kada taon, dagdag pa
rito ang 8.2% na pagtaas sa dami ng mga motorsiklo. Tinatayang ang bilang ng mga
sasakyan sa bansa ay mahigit dumoble na sa loob ng isang dekada (1.88 milyon noong
1992 at 4.19 milyon noong 2002) (Sigua & Palmiano, 2005). Samantala mahigit
170,000 na kotse ang naibenta sa bansa nitong 2010, tinatayang 27.2 porsyento
kaagad ang pagtaas buhat 2009 kaya naman hindi na kataka-taka na sa kasalukuyan
ay mayroon ng humigit-kumulang dalawang milyong nakarehistrong sasakyan sa
Maynila o isang kotse sa bawat anim na tao sa syudad (Macaraig, 2011).
Halos 80% ang domestic passenger traffic at 60% naman ang freight traffic sa
mga lansangan (ADB-ASEAN, 2004). Sinasabi na marami sa ating mga kalsada ang
naabot na ang hangganan ng kanilang kapasidad sa pag-akomoda sa mga sasakyan
kung kaya’t pangkaraniwan na ang mabagal na daloy ng trapiko (ADB-ASEAN, 2012).
Mababatid na halos naokupa na ng mga sasakyan ang ating mga lansangan, at
kaunting espasyo na lamang ang nagagalawan ng pedestrian. Dahil rito,
pangkaraniwan na ang aksidente sa mga lansangan na kinapapalooban pareho ng
motorista at pedestrian. Ayon nga sa Philippine National Injury Survey na pinondohan
ng UNICEF noong 2003, nangunguna sa kanilang listahan ng pagkamatay dulot ng
pinsala sa katawan ang road traffic accidents (ADB-ASEAN, 2012), at pinakabulnerable
rito ang pedestrians kung saan 25% ang namamatay at 40% ang seryosong
nasusugatan kung saan karamihan pa ay mga batang 15 taong gulang pababa (ADB-
ASEAN, 2004). Kaugnay nito, ang 54% pedestrian-related accidents ay sinasabing
pangunahing dulot ng jaywalking ayon sa MMDA (Carcamo, 2012).
Ayon kay Norton (2008), maituturing ang isang syudad bilang ‘automotive city’
kapag awtomobil na ang may dominanteng presensya dito dulot ng pananaw ng
karamihan na ang awtomobil ay isa ng pangangailangan at hindi ‘pleasure car’ na
lamang kaya naman ang mga syudad na ito ay pangkaraniwang papabor sa pag-
akomoda sa mga sasakyan. Sa isang ‘automotive city’ dagdag pa niya, ang
kapabayaan sa lansangan ay hindi na lamang ibinibintang sa motorista kundi pati sa
pedestrian kaya may konsepto ng ‘road safety’ at ‘urban highway engineering’. Bukod
rito, sa ganitong klasipikasyon ng syudad ang pedestrian ay walang puwang sa
lansangan kaya may sidewalks, crosswalks, at mga ordinansa na naglilimita sa kanilang
paggamit sa lansangan.
Sa pagkokonsidera sa mga katangiang ito ng isang ‘autmotive city’, malinaw na
maituturing nga natin ang Metro Manila bilang isang ‘automotive city’ kung kaya naman
may ordinansa gaya ng Anti-Jaywalking na diumano ay naglalayon na madisiplina ang
tao sa paggamit ng lansangan para makaiwas sa aksidente at pagsikip ng trapiko.
Ang Anti-Jaywalking Law sa Metro Manila
Ang Anti-Jaywalking Law o MMDA Ordinance No. 1 Series of 1995 ay unang
isinabatas noong panunugkulan ni Jejomar Binay. Ito ay may layuning paluwagin ang
masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila. Taong 1999, muling binuhay ang batas at
binago ang ilang probisyon nito. Ang Seksyon 1 ng batas ay dinagdagan ng item (d) na
nagsasaad na ipinagbabawal na rin ang paglalakad sa center island at highway na
maaaring makasikip, makasagabal, o makaharang sa daloy ng mga sa sasakyan.
Bukod rito, dinagdagan rin ang parusa para sa mahuhuling lumabag sa batas. Sa
MMDA Regulation No. 99-013, nakasaad na pagbabayarin ng P150 ang mahuhuli
kasabay ng pagtanggap nito ng Traffic Violation Receipt (TVR) at ang hindi
magbabayad sa loob ng pitong araw mula sa araw ng pagkahuli ay maaaring
sampahan ng kasong legal sa hukuman. Dagdag pa rito, sakaling piliin ng nahuli na
hindi magbayad, ang isa pang opsyon ay ang community service sa loob ng isang araw
at pagdalo sa isang seminar/training patungkol sa kahalagahan ng Anti-Jaywalking
Ordinance. Maaari namang makasuhan ang hindi magbabayad ng multa o lalahok sa
community service na pwedeng humantong sa hanggang tatlong araw na
pagkakakulong. Ang pangalawang bersyon ng batas na ito ay naglalayon pa rin na
maibsan ang masikip na trapiko sa Metro Manila.
Bilang pagkilala rin sa jaywalking bilang isang seryosong paglabag, itinakda ng
MMDA Regulation No. 99-013 ang pagtatayo ng Anti-Jaywalking Unit sa ilalim ng Traffic
Operations Center.
Mapapansin na noon pa man ay umiiral na ang batas na ito subalit tila ay hindi
pa rin ito nagbunga ng positibo dahil diumano ay patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang
ng namamatay dulot ng jaywalking. Sa pamunuan ng kasalukuyang MMDA Chairman
na si Atty. Francis Tolentino, muli na namang inamendyahan ang batas laban sa
jaywalking dahil giit niya ay talamak na ang paglabag ng pedestrians sa batas na ito.
Ang ikatlong bersyon ng batas na ito (MMDA Regulation No. 12-001) ay
naglalayon na palakasin pa ang pagsugpo sa jaywalking sapagkat ito diumano ay
nagdudulot ng problemang pantrapiko at mga aksidente sa lansangan. Ang batas na ito
ay may layon na protektahan ang mga motorista at pedestrian. Kaiba sa naunang
dalawang bersyon ng batas, ang bersyon na ito ay nagdagdag ng karagdagang
depinisyon sa jaywalking. Nakasaad sa item (e) ng Seksyon 1 ng batas na nararapat
hulihin ang sinuman na maglakad sa labas ng bangketa at sa daanan ng sasakyan na
magpapahirap sa sasakyan na iwasan pa ang pedestrian. Dagdag pa rito, ayon sa
inamendyahang Seksyon 4 ng batas, ang parusa sa mahuhuli ay itinaas sa P200 na
maaari agad bayaran kapag natanggap na nito ang Pedestrian Violation Receipt (PVR).
Gaya sa mga naunang bersyon, ang multa na ito ay nararapat bayaran hanggang
pitong araw buhat sa pagkakahuli dahil kung hindi ito maisagawa, ang violator ay
mahaharap sa kasong legal. Ang pangalawang opsyon naman na ibinibigay sa nahuli
ay ang paglahok sa isang community service na hindi lalagpas sa isang araw at may
paksa na Disaster, Flood Preparedness and Public Safety Training. Sa kasalukuyan,
ang seminar o training na ito ay patungkol na lamang sa kahalagan ng Anti-Jaywalking
ordinance dahil daw sa opinyon ng mga tao na wala namang kaugnayan ang paksang
Disaster Preparedness sa jaywalking. Kadalasan rin na ang seminar na ito ay tumatagal
lamang ng hanggang 15 minuto.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin ang dahilan ng mga tao sa
kanilang paglabag sa batas na ito, at kung may kakulangan ba sa pagpapatupad nito.
Interesanteng malaman ang rason ng mga tao sa kanilang hindi pagsunod at
pagwawalang-bahala sa batas na kung tutuusin ay noong 1995 pa unang ipinatupad.
Nais rin malaman ng pag-aaral na ito kung nararapat ba na ipagbawal ang jaywalking,
at ang kaangkupan ng batas na ito sa Metro Manila.
Pakay ng pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na mga katanungan
upang mabigyang liwanag ang isyu ng pagsuway ng tao sa Anti-Jaywalking law sa
Metro Manila.
Katanungang Pampananaliksik
Bakit marami ang lumalabag sa Anti-Jaywalking Law?
1. Ano ang pagtingin ng tao sa Anti-Jaywalking Law?
2. Paano ipinatutupad ang Anti-Jaywalking Law?
3. Ano ang dahilan ng jaywalkers sa paglabag sa Anti-Jaywalking Law?
4. Ano ang kahinaan ng mga patakaran at regulasyon ng MMDA patungkol sa
jaywalking ayon sa pagtingin ng mamamayan, at paano ito nakakaapekto sa
kanilang pagsunod sa Anti-Jaywalking Law?
5. Nararapat ba na ipagbawal ang jaywalking? Kung oo, paano mapapasunod ang
tao?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mainam na malaman ng pag-aaral na ito kung ano ang pagtingin ng mga tao sa
konsepto ng jaywalking, maging sa batas na nagbabawal dito at ang kanilang pagtugon
sa batas na ito. Ang isyu na ito ay napapanahon lalo na’t ang Metro Manila ay
sumasailalim sa proseso ng urbanisasyon at patuloy na paglobo ng bilang ng mga
sasakyan sa Metro Manila. Nauna nang naisaad na marami sa mga Pilipino ang
tumatanaw sa pag-aari ng sasakyan bilang isang pangangailangan, hindi isang luho na
lamang. Kung kaya’t naipakita sa istatika na parami nang parami ang mga sasakyan sa
Metro Manila at hindi na sapat ang mga lansangan rito upang maokupa lahat ng
sasakyan. Ang resulta tuloy ay mabagal at masikip na trapiko at aksidente. Mahalagang
masagot ang katanungan kung ang batas na ito nga ba ay naangkop at kung natutupad
ba nito ang mga layunin nito na iligtas ang pedestrian buhat sa aksidenteng pantrapiko
at maibsan ang masikip na daloy ng trapiko ng mga sasakyan.
Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura
Jaywalking: Ang Mapulitikang Nakaraan
Isa nang pangkaraniwang usapin ang isyu ng jaywalking para sa mga Pilipino.
Subalit, kung ihahambing sa ibang bansa, ito ay bago lamang sa ating lipunan. Lingid
sa pananaw ng karamihan, ang jaywalking ay umusbong lamang sa kasaysayan simula
nang unang gumamit ang tao ng mga sasakyang de-makina, at unti-unting napuno ang
ating mga lansangan. Ayon kay Norton (2008), ang mga sasakyan ay nagsimulang
sakupin ang mga lansangan mula 1915 at naglunsad ng rebolusyunaryong pagbabago
sa paggamit ng lansangan at istrukturang naangkop sa sasakyan noong 1920 upang
maibsan ang trapiko at maiwasan ang aksidente.
Wala pa halos isang siglo magmula nang sakupin ng mga sasakyang de-makina
ang mga lansangan subalit nagawa na nitong mapanganib ang pagtawid ng mga tao
bagaman nauna nang ipinabatid sa kasaysayan na may pantay na karapatan ang tao at
sasakyan sa paggamit nito (U.S. Dept. of Transportation, 2004; Norton, 2008).
Ang mga taong tumatawid sa lansangan, lalo sa mga lugar kung saan marami
ang sasakyan, ay tinaguriang “jaywalkers” (Norton, 2008) bagaman sa katunayan, ang
terminong jaywalking ay isa lamang panakip-butas na katwiran sa dominanteng
presensya ng mga sasakyan sa lansangan na sumasalamin sa panlipunang pagkiling
laban sa mga taong wala sa sasakyan. Sa madaling sabi, may panig na kinakampihan
ang jaywalking (Vanderbilt, 2009) at iyon ay pabor sa mga taong may sasakyan.
Sa Pilipinas, walang eksaktong literatura ang tumutukoy sa pinagmulan ng
jaywalking sa bansa, at kung paano ito naging parte ng ating sistema sa lansangan.
Kagaya sa ilang lipunan, mahihinuha na kaalinsabay ng pagdami ng mga sasakyang
umookupa sa lansangan ang pagsulpot ng isyu ng jaywalking.
Ayon kay Norton (2008), hanggang 1920s ang mga sasakyang de makina ay
itinuturing pa na “uninvited guests” sa mga lansangan dahil ang pagtingin sa mga
makinang ito ay “unruly intruders”, nakakagulo at mapanganib para sa mga tao at
calesa na nauna nang may pantay na karapatan sa paggamit ng mga lansangan.
Sa pagpasok ng motor age at pagiging automotive city ng maraming syudad,
partikular na ang American cities, sumulpot ang konsepto ng jaywalking na may layon
na palakasin ang dominanteng presensya ng awtomobil sa lansangan sa pamamagitan
ng pagtaboy sa pedestrians buhat dito. Sa loob lamang ng isang dekada buhat ng
ipakilala ng motordom ang jaywalking, marami sa ‘jaywalkers’ na nahuli ay tinanggap na
na sila ay nag-jaywalking kontra sa paniniwala nila noon na sila ay naggigiit lamang ng
kanilang karapatan sa paggamit ng lansangan.
Ayon sa pagkakabuo ng motordom (grupo na bumabandera sa automotive
interest) sa terminong “jay-walker”, maituturing na jaywalker ang isang street user
kapag siya ay nakakasagabal sa trapiko ng mga sasakyan dahil sa hindi niya paggamit
sa crosswalks at pagsuway sa batas pantrapiko patungkol sa pagtawid (Norton, 2008).
Ayon pa rin kay Norton (2008), ang opisyal na depinisyon ng jaywalker ay
“…any pedestrian who undertakes to cross the stream of vehicular traffic on his own responsibility when there is a signal or a policeman at the corner to start and stop automobiles, or one who crosses in the middle of a block under any circumstances not involving an emergency.” (Location 939, Kindle edition)
Para sa pedestrian noong panahong nagsisimula pa lamang ang Motor Age, ang
konseptong ito ay mapaniil sa kanilang personal na kalayaan na tumawid saan man sa
lansangan. Ang pasuway sa batas na nagbabawal dito ay kanilang pamamaraan upang
igiit ang kanilang dominanteng karapatan sa paggamit ng lansangan na kanila nang
kinamulatan. Para naman sa motorista, ang pagpasok ng Motor Age ay sumisimbolo sa
pagbabago kaya naman ang nakagawiang pag-aari ng pedestrian sa lansangan ay
iginiit nilang dapat nang kalimutan para magbigay daan sa pagtataguyod ng isang
Automotive City.
Sosyal na Konstruksyon ng Paggamit sa Lansangan: Tunggalian sa Karapatan
Dahil sa mga naunang regulasyon na naglilimita sa paggamit ng awtomobil gaya
ng paglilimita sa pinakamabilis na takbo ng awtomobil (4mph sa country, 2mph sa town)
at pagpapatupad sa “red flag regulation” kung saan itinakda na kailangan ang bawat
drayber ng sasakyan ay may kasamang tagahawak ng pulang bandera na
magpapahiwatig sa publiko na dadaan ang sasakyan sa London noong mga unang
taon ng Motor Age (Leandro, 2011), sinikap ng grupo ng automobile advocates o
‘motordom’ na tutulan ang mapanikil na pagtrato sa kanila bilang minorya sa lansangan
at ‘intruders’ na nagdudulot ng aksidente. Dala na rin ng pangkomersyal na interes, ang
motordom at mga kumpanya na gumagawa ng awtomobil ay inapela sa gobyerno ang
pagbasura sa mga naunang nabanggit na regulasyon laban sa kanila (Leandro, 2011).
Dagdag pa rito, binanggit nila na ang pagpasok ng awtomobil sa lansangan ay
sumisimbolo sa pagpasok ng ‘motor age’ kaya’t ang naunang sosyal na konstruksyon
ng lansangan bilang nagbibigay ng pantay na karapatan sa paggamit ng pedestrian at
sasakyan ay dapat na bigyang prayoridad ang paggamit ng awtomobil (Norton, 2008).
Ipinaglaban ng motordom na magkaroon ng mga regulasyon na naaangkop sa
‘motor age’. Isa na nga rito ang unti-unting paglimita sa paggamit ng lansangan ng
pedestrians. Kung noong hindi pa napuno ng awtomobil ang mga lansangan, ang mga
bangketa ay para sa “aesthetic, recreational, and hygienic purposes” (p. 21) lamang; sa
pagpasok ng motor age, itong mga bangketa ay naging importanteng instrumento
upang ibukod ang pedestrians para diumano sa kanilang kaligtasan (Leandro, 2011).
Patungkol naman sa usapin ng “road safety”, iginiit ng motordom na hindi ang
motorista ang tanging may responsibilidad nito dahil marami rin ang pabayang
pedestrians. Sa paglala ng isyu ng aksidente sa mga lansangan at pagsikip ng daloy ng
trapiko, madalas na nasisisi ang mga motorista kaya bilang kanilang tugon sa
“juggernauts” at “speed demons” na bansag sa kanila, binansagan nilang “jay-walkers”
ang pedestrians (Norton, 2008).
Hindi naglaon ay nagtagumpay nga ang motordom na angkinin ang paggamit sa
kalsada, at ibaling ang naunang mainit na isyu ng “congestion or accidents” sa isyu ng
“order”. Taong 1920 nang magtagumpay ang adbokasiya ng motordom na makuha ang
“rights for street use” dahil nga sa kanilang suporta mula sa mga komersyal at pinansyal
na grupo, ang kanilang horsepower na nakakapagtaboy sa pedestrian buhat sa
lansangan, at ang tagumpay ng kanilang kampanya sa pagpapalaganap ng
terminolohiyang ”jaywalking” (Norton, 2008).
At saksi nga ang kasaysayan, ang pagkawagi ng motordom noon para sa
dominanteng karapatan sa lansangan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang
mas naunang dominanteng karapatan ng pedestrian sa paggamit ng lansangan,
maging ang kanilang pagnanais sa pantay na karapatan, ay unti-unting nabaon sa limot
kaalinsabay sa pagnormalisa sa paggamit ng konsepto ng jaywalking.
Ang Street User bilang Jaywalker: Ang Posibleng Kadahilanan
Kumpara sa paggamit ng awtomobil, mas kakaunti ang regulasyon para sa
pedestrian na kadalasan ay may kaugnayan lamang sa pagtawid o kaya ay pagbaybay
sa mga lansangan pero karamihan naman sa mga regulasyon na ito sa pedestrian
behavior ay hindi sinusunod ng karamihan (King et al., 2009). Hindi ang kawalan ng
kaalaman sa pedestrian rules ang isyu bagkus pinipili lamang talaga ng tao na tumawid
kung saan maginhawa at mas mabilis para sa kanya (Gårder, 1989; Hamed, 2001;
Holló et. al., 1995; Sisiopiku and Akin, 2003, na binanggit ni King et al., 2009).
Kadalasan ang salik na nagtutulak sa isang pedestrian na mag-jaywalk ay ang
katangian ng kanyang kapaligiran. Ilang literatura sa pedestrian safety ang nagpakita na
ang “environmental and socioeconomic factors” kagaya ng disenyo ng mga lansangan
at tawiran, katangian ng mga kalapit na istruktura o kaya naman ng urban sprawl sa
lugar ay may importanteng kaugnayan sa tindi ng pinsala sa pedestrian sakaling may
aksidente (Retting, Ferguson, and McCartt, 2003, na binanggit ni Leandro, 2011).
Dagdag pa ni Leandro (2011), kapag ang kapaligiran ay nag-aakomoda lamang ng
limitadong oportunidad para sa paglalakad at mas paborable ang katangian ng
lansangan para sa awtomobil, mas malala ang magiging pinsala sa jaywalker dahil sa
ganitong sitwasyon ay mas mataas ang pagkakataon ng motorista na magmaneho
nang hindi listo sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.
Napag-alaman rin na marami sa pedestrian crossing facilities ang hindi maayos
na nailapat sa mga lansangan na pinapatunayan nga ng tendensiya ng pedestrians na
tumawid saan man sa lansangan (King et al., 2009).
Sa Metro Manila, kapag pinag-usapan ang regulasyon patungkol sa pagtawid,
ang mga karatulang “Bawal Tumawid Dito, Nakamamatay”, “Bawal Tumawid, May
Namatay na Dito”, “Unggoy Lang Ang Tumatawid Dito” at iba pa ang matingkad na
halimbawa. Matingkad na indikasyon ang mga ito na ipinagbabawal ang pagtawid sa
isang partikular na lugar subalit nagiging paksa lamang ang mga ito ng katatawanan at
hindi siniseryoso ng karamihan.
Ayon sa pag-aaral ni Villegas (2010), ang mga karatulang inilagay ng MMDA sa
ilalim na pamumuno ni dating Chairman Bayani Fernando gaya ng “Bawal tumawid rito,
nakamamatay” ay lalo lamang nag-uudyok sa mga tao na mag-jaywalk bagkus na
makatulong dahil tila nang-aakit ito sa isang bagay na bawal. Gayundin ang ipinalit ng
sumunod sa kanya bilang MMDA chairman na si Oscar Inocentes na karatulang “Bawal
tumawid dito. May namatay na” ay bagaman mas makatotohanan ay hindi rin nakapigil
sa jaywalkers. Bukod rito, napag-alaman rin niya mula sa kanyang obserbasyon sa
jaywalkers sa EDSA na mas marami ang hindi gumagamit ng footbridges, at walang
habas na tumatawid sa lansangan na puno ng mga nagbibilisang sasakyan gayong
may nakapaskil na paalala hinggil sa pagbabawal sa pagtawid rito. Sa kanyang mga
nakapanayam, ang kalimitang rason ng jaywalkers ay ang kanilang pagmamadali kaya’t
mas pinipili nila na mag-jaywalk kaysa maggugol ng maraming oras sa paggamit ng
footbridges. Sa kanyang eksperimento napatunayan niya na ang paggamit ng
footbridge ay kakain lamang pala ng 7 minuto taliwas sa pag-jaywalk na kakain ng 10
minuto. Isa pang rason na ibinigay ng kanyang mga nakapanayam na jaywalkers ay
ang nakakapagod na paggamit ng footbridges dahil sa taas ng mga baitang nito.
Sa kaparehong pag-aaral naman na isinagawa sa Amerika ni Denison (2012),
napag-alaman nya na ang mga rason ng tao sa pag-jaywalk ay ang sumusunod: ang
kawalan o maling kinalalagyan ng crosswalks, at di sapat na oras na ibinibigay sa
pedestrians para tumawid. Sa Massachusetts halimbawa, inaabot ng 2-3 minuto ang
paghihintay at 15 segundo lamang ang nakalaan sa pagtawid. Sa pagitan naman ng
Park St. at Boston St. ay 7 segundo ang inilalaan ng Walk Signal sa pedestrians para
tumawid. Dagdag pa rito ang pagkalito hinggil sa “right of way” sa pagitan ng pedestrian
at sasakyan sa lansangan, pedestrian-unfriendly engineering gaya ng hindi
istratehikong paglalapat ng crosswalks at kawalan ng harang (Vanderbilt, 2009; U.S.
Dept. of Transportation, 2004).
Ang traffic control devices gaya ng traffic signs at markings na matatagpuan sa
Metro Manila ay sumusunod sa pang-internasyunal na pamantayan dahil ang bansa ay
nakalagda sa Vienna Convention noong 1968, subalit may ilan pa ring eksepsyon dito
gaya ng mga karatula na hindi sumusunod sa internasyunal na pamantayan sa kulay at
hugis (ADB-ASEAN, 2012) . Ang bansa ay nagkukulang sa traffic signs at ang ilan pa
ay hindi nakaayon sa itinakdang kulay at sukat kung kaya’t hindi madaling napapansin
ng motorista at pedestrian lalo na dahil karamihan sa mga ito ay malapit sa
naglalakihan at agaw-pansin na billboards (ADB-ASEAN, 2012). Ang traffic lights
naman na nasa mga interseksyon ng lansangan ay walang eksklusibong display
phases para sa pedestrian. Pinalala pa ito ng eskema na ipinatupad ng MMDA na
nagsara sa ilang mga interseksyon at nagtanggal sa traffic signals para maibsan ang
masikip na trapiko subalit nagtanggal ng pagkakataon para sa mga tao na tumawid sa
mga interseksyon. Diumano ang eskemang ito ay di isinaalang-alang ang kaligtasan ng
pedestrian mula sa mga sasakyan na mapanganib na gumagamit ng U-turn slot (ADB-
ASEAN, 2012).
Ilan pang puna na napansin sa istrukturang pantrapiko gaya ng sidewalks at
overhead pedestrian bridges na kakaunti ang bilang sa Metro Manila ay ang pag-okupa
ng mga nagtitinda rito. Maliban rito, napansin rin na hindi madaling gamitin ang bridges
na itinayo para sa pedestrians lalo na para sa mga nakatatanda at mga bata (ADB-
ASEAN, 2012).
Karamihan sa mga aksidente sa lansangan ay nagaganap sa gabi dahil sa
kakulangan sa ilaw sa mga lansangan, kawalan ng warning devices, at intensyunal na
pagsasawalang-bahala sa traffic signals (Sigua & Palmiano, 2005; ADB-ASEAN, 2012).
Dagdag pa rito ang kapabayaan ng drayber gaya ng pag-idlip, paggamit ng nakasisilaw
na head lights, kalasingan na mas madalas mangyari sa gabi, paglabo ng paningin
dahil sa usok ng smoke-belchers, at pati ang night blindness ng mga drayber na kulang
sa nutrisyon (Sigua & Palmiano, 2005).
Kawalan ng Disiplina at Hindi Pagsunod sa Batas
Bukod sa kahinaan ng mga istrukturang pantrapiko sa Metro Manila, ilang pag-
aaral ang nagsasabi na ang laganap na jaywalking ay nakaugat sa kawalan ng disiplina
(Dubouzet, 2011; Cascaro, 2011). Nakikita rin na ang pagpapatupad ng pedestrian
regulations ay para sa pedestrians lamang at hindi sumasakop sa mga motorista
gayong responsable rin sila sa ilang pedestrian accidents dulot ng kanilang
pagmamaneho habang lasing, mabilis na pagpapatakbo, beating the red light, at pag-
angkin sa “right of way” ng pedestrians (U.S. Dept. of Transportation, 2004).
Ipinababatid nga ni King et al. (2009) na kumpara sa pagmamaneho, ang paglalakad ay
sakop lamang ng kakaunting batas patungkol sa pagtawid at paglakad sa lansangan.
Nauna nang binanggit na hindi ang kawalan o kakulangan ng kaalaman sa pedestrian
rules ang problema kundi ang kagustuhan ng tao na tumawid kung saan “convenient”
para sa kanya at hindi makakaantala sa kanyang lakad (Gårder, 1989; Hamed, 2001;
Holló et al., 1995; Sisiopiku & Akin, 2003, na tinukoy ni King et al., 2009).
Dagdag pa rito ang pagtingin ng tao sa batas laban sa jaywalking bilang hindi
kinakailangan (Schonfeld & Musumeci, 2003, na tinukoy ni King et al., 2009), at ang
batas na ito ay nakakasikil lamang sa galaw ng taong tumatawid para sa kanyang
kaligtasan na hindi naman kadalasan nangyayari (King et al., 2009).
Ayon sa pag-aaral ng Arangkada Philippines (2012), ang mga Pilipino ay hindi
sumusunod at hindi rin istriktong ipinatutupad ang mga batas pantrapiko sa Pilipinas.
Patunay na nga rito ang kaso ng mga drayber sa Pilipinas kung saan ayon kay Mercado
(1994) ang tsuper ng dyip ay itinuturing ang mga batas pantrapiko bilang konkretong
batas na nag-aaplay lamang depende sa tao. Halimbawa nya ang pagsasawalang-
bahala ng mga tsuper sa traffic lights sa gabi kung kalian maluwag ang trapiko, at
pagmamaneho ng naaayon sa pag-obserba ng ibang sasakyan sa lansangan
(Mercado, 1994). “Catch me if you can approach” at “cattle-herding approach ang traffic
management mindset ng tagapagpatupad ng batas pantrapiko kaya naman hindi nila
epektibong nadidisiplina ang mga pasaway na tsuper (Arangkada Philippines, 2012).
Wala rin diumano tayong pagrespeto sa lane markings, isinasawalang-bahala ang
traffic signs at signals, at hindi disiplinadong nagmamaneho (Arangkada Philippines,
2012). Sa kabilang banda naman, ang pedestrians ay tumatawid na lamang kung saan
nila maibigan.
Ang mga bagay na ito bagaman ay nagdudulot ng mabigat na trapiko at
aksidente ay hirap tayo na baguhin dahil natanggap na natin ito na normal sa ating
sistema. Kung kaya naman sapagkat nakasanayan na ang mahinang pagpapatupad ng
batas pantrapiko, “law of the jungle” ang umiiral sa mga lansangan ng Metro Manila
kung saan malaya ang tsuper na magmaneho ng ayon sa kanyang gusto (Arangkada
Philippines, 2012).
Bago tumawid ang isang pedestrian, siya ay nagsasagawa ng internal na
pagdedesisyon. Ayon sa Gap Acceptance Theory (Palamarthy, Mahmassani et al.,
1994, na binanggit ni King et al., 2009), ang isang pedestrian ay kadalasang nagtatakda
ng “minimum critical gap and associated safety margin” bago siya tumawid at habang
papalapit ang awtomobil ang kanilang gap o headway ay dinedetermina ng pedestrian
kung paborable o hindi (King et al., 2009).
Sang-ayon din sa Seksyon 2, pangungusap c ng R.A. 4136 ng Pilipinas (An Act
to Compile the Laws Related to Land Transportation and the Traffic Rules, To Create a
Land Transportation Commission and for Other Purposes), sa usapin ng “right of way”
ang motorist ay itinakda ng batas na magbigay daan sa pedestrian na tumatawid sa
crosswalk maliban sa interseksyon na minamanduhan ng traffic enforcer o ng traffic
signal. Samantala, sa pagtawid naman sa labas ng crosswalk sa lansangan sa loob ng
business or residential district ang “right of way” ay dapat nasa pabor ng motorista.
Subalit salungat dito, ayon sa pag-aaral ni King et al. (2009), 43% lamang ng motorista
ang sumusunod sa ganitong uri ng paghihintay sa pedestrian na matapos ang pagtawid
sa crosswalk bago paandarin ang sasakyan. Sa ganitong sirkumstansya, kadalasan
ang “right of way” ay nagiging kompromiso sa pagitan ng motorista at pedestrian kung
saan pareho ang dalawa na nagnanais ng ginhawa at mabilisang pagsasakatuparan ng
kilos.
Epekto ng Jaywalking at Pagtugon ng Gobyerno
Sa Amerika, humigit-kumulang 71,200 ang naiulat na kaso ng pagsagasa sa
pedestrians noong 1993, at 75% rito ay naganap sa mga siyudad kung saan ang daloy
ng mga taong tumatawid ay mas marami (U.S. Dept. of Transportation, 2004). Dagdag
pa rito, 59% ng kabuuang datos sa buong US ang naganap sa mga lugar kung saan
walang access ang mga tao sa “crosswalks”, at ang pangunahing dahilan na tinukoy ng
gobyerno ay jaywalking (Vanderbilt, 2009) kung saan ang pedestrians ang responsable
sa 43% ng mga kaso ng pagsagasa samantalang 35% ang isinisisi sa mga drayber
(U.S. Dept. of Transporation, 2004). Buhat rito, matatanto na marami ang namamatay
sa jaywalking maging sa developed countries gaya ng US gayong higit na tumutugon
ang kanilang gobyerno sa problema ng road safety kumpara sa ASEAN countries na
ayon kay Sigua at Palmiano (2005) ay lumalala dahil higit na prayoridad ng gobyerno
ng mga bansang ito ang pagpapaunlad sa imprastraktura at pag-iibsan ng masikip na
trapiko.
Samantala sa Pilipinas, ayon sa tala ng MMDA-Metro Manila Accident Reporting
and Analysis System (MMRAS), halos 15 pedestrian-related na aksidente ang
nagaganap araw-araw, at humigit-kumulang 5,348 ang naitalang aksidente sa
nakaraang taon mula sa 4,951 noong 2010, at 174 dito ang namatay (Morelos, 2012;
Villas, 2012).
Malaki ang epektong naidudulot ng jaywalking sa mga tao. Hindi lamang ito
kumikitil sa buhay, may kalakip din ito na malaking pang-ekonomiko at sosyal na epekto
(ADB-ASEAN, 2004). Partikular na sa pang-ekonomikong epekto nito ang pinansyal na
problema ng pamilya ng namatayan at ng nakasagasa na nararapat magbayad, at ang
pagkawala ng taong namatay bilang human asset sa pwersang paggawa ng bansa at
gayundin ang pamilya nitong maaring mag-asikaso ng insurance at kaso laban sa
nakasagasa (Sigua and Palmiano 2005). Bukod rito, may sosyal na epekto rin ito sa
porma ng pagkaantala o pagsikip ng trapiko dahil sa aksidente at kasunod na
imbestigasyon nito.
Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa lansangan na
kinakasangkutan ng jaywalkers ang nag-udyok sa MMDA na pag-ibayuhin pa ang
kanilang kampanya laban sa jaywalking. Simula 1995, ay puspusan na ang kampanya
ng MMDA laban rito. Ayon sa MMDA Ordinance 1 Series of 1995 o ang “Anti-jaywalking
Ordinance” pinapatawan ng multang Php150 at isang araw na community service ang
mga mahuhuling jaywalkers, na siya namang muling pinaigting noong 1999 hanggang
taong 2007. Sa panunungkulan ni Bayani Fernando, siya ay nagpalagay ng footbridges
at mga karatulang nagsasabing “Bawal tumawid dito, nakamamatay” sa ilalim ng
kanyang “Metro Gwapo Program”. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang
pakikipagpatintero ng mga tao sa mga sasakyan sa lansangan at pagsasawalang-
bahala sa footbridges.
Sa kasalukuyang pamunuan ni MMDA Chairman Francis Tolentino, muling
pinaingay ang kampanya laban sa jaywalking. Ayon sa kanya, ang tumataas na bilang
ng namamatay at pagiging matigas ng ulo ng tao sa di paggamit ng footbridges ang
nag-udyok sa kanya na paigtingin (Frialde, 2012; Sulat, 2012) at baguhin ang ilang
probisyon ng batas Ang multa na Php150 ay itinaas sa Php200 at ipinalit ang paglahok
sa 15 minutong disaster preparedness seminar sa dating community service. Dagdag
pa rito ay nagpakalat ng “Men in Red” sa C5-Libis area, Ramon Magsaysay sa Cubao,
Kalayaan Avenue sa Makati-Pasig boundary areas, University Belt sa Maynila, EDSA-
Ortigas, EDSA-Balintawak, Pasay-TAFT, Monumento sa Caloocan, Commonwealth
Avenue sa syudad ng Quezon (Sulat, 2012) at ilan pang lansangang may madaming
jaywalkers.
Balangkas ng Pag-aanalisa
Ang jaywalking ay inilalarawan sa dalawang paraan: una ay ang pagtawid sa
labas ng crosswalk (20 metro ang layo) at pangalawa, ay ang pagtawid sa loob ng
crosswalk subalit sa “DON’T WALK phase” ng pedestrian signal (King et al., 2009).
Ito ay isang lantad na suliranin sa Pilipinas na pinatutunayan ng mataas na datos
ng mga namatay dahil sa pagtawid sa hindi tamang tawiran. Ayon nga kay Norton
(2008), nag-umpisang maging isyu ang jaywalking kaalinsabay ng pagdami ng mga
sasakyang de makina sa mga lansangan noong 1920s na sinusugan pa ng
matagumpay na pag-okupa ng mga motorista sa mga lansangan, ang “right of way” na
naunang pangunahing karapatan ng pedestrian o kaya naman ay pantay na karapatan
ng dalawang panig ay kumiling sa mga motorista.
Bunga ng pagbabagong ito ang konsepto ng jaywalking. Nabuo ang
terminolohiyang jaywalking bilang instrumento ng motordom sa pagpapalawig ng
kanilang dominanteng presensya sa lansangan. Ginamit nila ito noong 1920s upang
ilantad ang nakakaistorbong presensya ng pedestrians sa mga lansangan (Vanderbilt,
2009).
Ang pagbabahid ng negatibong konotasyon sa pedestrians ay ginamit na
instrumento ng mga motorista at mga samahang may interes sa pagpapalaganap ng
paggamit ng mga sasakyan upang igiit ang kanilang pumapaibabaw na presensya sa
mga lansangan. Giit nga ni Vanderbilt (2009), kumikiling ang ating lipunan sa mga
motorista higit sa mga taong wala sa sasakyan.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tumingin sa pagtrato ng lipunan sa isyu ng
jaywalking na di lingid sa kaalaman ng karamihan ay malaking usapin lalo’t higit sa
kalakhang Maynila. Ayon sa datos ng MMDA ay halos 200 ang namamatay kada taon
dulot ng di pagtawid sa tamang tawiran. Isa sa mga dahilan na itinuturo ay ang kawalan
ng disiplina ng mga Pilipino ukol sa pagsunod sa batas. Isa sa mga napag-alamang
kapintasan sa karakter ng mga Pilipino ay ang kawalan ng disiplina ng mga ito. Ang
mga Pilipino ay may katigasan ang loob sa istriktong pagsunod sa mga alituntunin
(ADB-ASEAN, 2012; Licuanan, 2012) na nagreresulta sa ating kawalan ng
“standardization at quality control”, at pagsasawalang bahala sa batas (Licuanan,
2012). Ang Los Angeles, New York, at London ay pareho rin na nakararanas ng masikip
na daloy ng trapiko na dulot ng madaming sasakyan, hindi dahil sa kawalan ng disiplina
ng pangkaraniwang drayber.; ang kaibahan pa nila sa trapiko sa Pilipinas ay ang
maayos nilang sistema dahil sa disiplinang self-imposed at enforced sa tao (Arangkada
Philippines, 2012).
Sa pag-unawa sa disiplinang self-imposed at enforced, maaari nating gamitin
ang lente ng “The Letter of the Law versus the Spirit of the Law” ni Matt Gordon (n.d.)
na nagpapaliwanag sa ugnayan ng batas, social norms, at fairness sa isang lipunan.
Ayon dito, ang letter of the law ay tumutukoy sa pormal na kodigo, kautusan, o
regulasyon na nag-aatang ng responsibilidad sa mamamayan na sundin ang
pamahalaan o awtoridad. Samantala, ang spirit of the law ay nilikha ng social norms
ayon na rin sa sosyal at moral na consensus ng tao patungkol sa pag-intindi sa
nakalathalang batas o letter of the law. Sa usapin ng enforced law, may namamagitan
na awtoridad na nagbibigay ng kautusan na dapat sundin ng nasasakupan at ang
kautusan na iyon ay malinaw na nakasaad sa letter of the law. Ang self-imposed
discipline naman ay naiimpluwensyahan ng social norms at sapagkat magkakaiba ang
social norms patungkol sa bawat batas, ang isang batas halimbawa sa murder ay
iniinterpreta ng tao bilang lehitimo, importante at inviolable, hindi tulad ng batas laban
sa jaywalking (Gordon, n.d.) na sa pagtingin ng iba ay hindi kinakailangan.
Dagdag pa rito ang “kanya-kanya syndrome” ng mga Pilipino kung saan mas
pinipili ng Pilipino ang pagkamtan sa nakikita nitong nakalulugod sa kanyang
pansariling kapakanan kaysa sa pagbibigay importansya sa bagay na higit na
nakabubuti para sa lahat (Licuanan, 2012). Gayundin ang “Bahala na” habit ng mga
Pilipino na tumutukoy sa pag-aatang sa kapalaran ng kahihinatnan ng kanyang aksyon.
Bagaman maaari itong ikonsidera na isang passive tendency, may mga indikasyon na
nagtutulak pa ito sa mga Pilipino na maging matapang sa pagharap sa isang
alanganing sitwasyon (Saito et al., 2010).
Napag-alaman sa pag-aaral ni Mendoza (2012) sa mga drayber, na may
intensiyon ang mga ito na lumabag sa batas dahil mataas ang kanyang risk acceptance
o ang desisyon ng tao na tanggapin ang anumang peligro na magigng bunga ng
kanyang aksyon. Itong “risk acceptance” na ito na makikita natin sa “Bahala na” na
kaugalian ng Pilipino ay nare-reinforce lalo’t higit ng kanyang social environment kung
saan madami rin ang gumagawa ng kaparehong paglabag, wala sa kanyang paningin
ang traffic enforcers, at sa pagtingin niya ay magiging ayos ang lahat kahit pa labagin
niya ang isang batas.
Ayon nga kay Mullen (1990, na tinukoy ni Gordon, 2010), ang jaywalking ay
hindi lamang nauudyok ng sosyal o subconscious na aspeto bagkus isa rin itong
internal conflict sa isang tao dahil sa pagtitimbang nya sa konsekwensya at benepisyo
nito. Halimbawa nito ang pagtatanong sa sarili ng “Masasagasaan kaya ako?”,
“Mahuhuli ba ako sa lakad ko pag di ako nag-jaywalk?”,(Gordon, 2010) at iba pa na
klarong nagpapakita ng hindi madaliang pagpapasya kung nararapat ba mag-jaywalk.
Subalit sapagkat madami ang gumagawa ng kaparehong paglabag at ang mga
istrukturang pantrapiko na dapat ay pipigil sa pag-jaywalk ay maraming kakulangan,
tumataas ang risk acceptance niya ng tao na huwag sundin ang batas. Kumbaga
nauudyukan ng kanyang social environment ang internal na desisyon ng tao sa pag-
jaywalk, at nabibigyang katwiran pa nito ang kawalan ng disiplina ng tao, ng Pilipino
partikular, na lumabag sa batas. Ayon nga sa instrumental na perspektibo ni Tyler
(1990), ang pagsunod sa batas bilang isang porma ng pag-uugali ay
naiimpluwensyahan ng mga eksternal na salik. Ang tradisyunal na teoryang sosyal ay
umiikot sa hinuha na sumusunod sa batas o alituntunin ang tao dahil sila ay
nauudyukan ng “rewards and punishments” (Tyler, 1990). “Rewards” sa porma ng
convenience at hindi pagkaantala sa lakad ng tao, at “punishments” naman sa porma
ng aksidente at parusa sa kamay ng awtoridad. Ang aksyon ng tao ay hindi lamang
produkto ng kanyang sariling desisyon kundi ay higit rin na naiimpluwensyahan ng
eksternal na kapaligiran (Fishbein & Ajzen, 1975; Friedman, 1975; Muller, 1979; Wrong,
1980, na tinukoy ni Tyler, 1990). Ayon pa kay Tyler (1990), maaari rin nating silipin ang
usapin ng pagsunod sa batas ng tao sa normatibong pamamaraan. Sa ganitong
perspektiba, ang pagsunod ng tao sa batas ay naaayon sa kanyang “internalized norms
of justice and obligation” o sa kanyang personal na pagtanaw sa moralidad ng batas o
sa pagiging lehitimo ng awtoridad na nagpapatupad nito (Tyler, 1990). Dagdag pa ni
Tyler (1990), ang normatibong perspektiba ay inilalarawan ng sikolohikal na teorya ng
hustisya kung saan ang tao ay tumitingin sa “justice of outcomes” o distributive justice
at ang proseso sa pagkakamit ng hustisya o procedural justice. Ang distributive justice
ay nagsasaad na nais ng tao na makatanggap ng parusa para sa isang oagkakamali sa
patas na pamamaraan. Sa madaling sabi, kung ano ang naging parusa niya, nanaisin
niya na ganoong sukat rin ang maranasan ng ibang tao na makagagawa rin ng kanyang
pagkakamali. Sa kabilang banda, ang procedural justice naman ay tumitingin sa
proseso ng pagkakamit ng hustisya, hindi sa resulta nito. Halimbawa na rito ang
kagustuhan ng isang tao na nagkasala na madinig ng awtoridad ang kanyang panig
bago siya patawan ng parusa.
Maaaring ang behavioral at structural na mga dahilan na sisipatin sa pag-aaral
na ito sa instrumental at normatibong perspektiba na ipinakilala ni Tyler (1990) ang mga
pangunahing salik sa hindi pagsunod ng mga tao sa anti-jaywalking law. May
kakulangan sa disiplina ang mga Pilipino at may kahinaan naman ang mga istrukturang
inilalapat sa ating lansangan na sinasabing tugon sa anti-jaywalking law. Nare-reinforce
ng problema sa mga istrukturang pantrapiko ang kawalan ng disiplina ng tao. Bukod
rito, kulang ang assessment ng ating mga batas at istrukturang pantrapiko dahil may
kaugalian tayo na mahilig tayong mag-shortcut. Anumang alituntunin ang nakikita ng
ating gobyerno na ginagamit sa ibang bansa ay kinokopya nito at agarang ipinatutupad
sa atin bago pa siguruhin kung lapat ba iyon sa ating lipunan. Bihira ang pagsasagawa
ng masinsinang pag-aaral sa mga polisiya at kaangkupan nito sa umiiral nating political
culture bago ito ipatupad kung kaya’t ang implementasyon ng batas ay nagiging isang
eksperimentasyon kung saan hindi tukoy ang kahihinatnan nito. Patunay na nga rito
ang papalit-palit na sistema ng kampanya laban sa jaywalking, buhat sa paglalagay ng
mga karatulang may diretsahang pagbabantang mensahe sa tao hanggang sa ngayon
na pagpapakalat ng “Men in Red”. Ayon sa pag-aaral ng ADB-ASEAN (2004), ang mga
ahensya ng gobyerno ay may research units subalit kaunti lamang sa kanila ang tunay
na nagsasagawa ng pananaliksik dahil sa kakulangan sa pondo at pagbibigay
prayoridad nila sa consultancy imbes sa pananaliksik.
May kakulangan na nga sa disiplina ang Pilipino pagdating sa pagsunod sa
batas pantrapiko, may deperensya pa ang mga istrukturang pantrapiko na dapat ay
mangangalaga sa kanila gaya na lang ng sirang automated pedestrian-crossing lights
(Arangkada Philippines, 2012), pag-aalis sa islands at traffic signals na dati ay
nagbibigay proteksyon sa mga tumatawid sa interseksyon na hindi naman pinalitan ng
mga pedestrian overpass (Regidor and Tiglao, 2007). Ayon nga sa pag-aaral ng
Arangkada Philippines (2012), isa itong kaso ng “What’s the point of following the
rules?” para sa mga tao na tumatawid sa di tamang tawiran dahil wala naman silang
ligtas na alternatibo.
Pigura 1. Relasyon sa pagitan ng mga salik na nagpapaliwanag sa jaywalking
Eksternal na salik (instrumental na
perspektiba)
People's Internalized norms
of justice and obligation
(normatibong perspektiba)
Dahilan ng Pilipino sa pag-jaywalk at pagsuway
sa Anti-Jaywalking Ordinance
Pigura 2. Komposisyon ng eksternal na salik
Eksternal na salik (instrumental na
perspektiba)
Kahinaan ng mga
istrukturang pantrapiko
"Catch me if you can"
enforcement
isyu ng "right of way" sa pagitan ng motorista at
pedestrian
social environment o katangian ng
lansangan
Anti-Jaywalking Ordinance
bilang isang "Daytime Law"
Pigura 3. Komposisyon ng Normatibong salik
People's internalized
norms of justice and obligation (normatibong perspektiba
Pansariling interes (pagmamadali)
perceived fairness from authorities
(distributive justice, procedural
justice)
perceived legitimacy of
enforcers/MMDA Men in Red
perceived appropriateness
of the law
"Bahala na" mentality/risk
acceptance
Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Nilalayon ng pagsasaliksik na ito na maunawaan ang mga dahilan kung bakit
bagaman masigasig na ipinatutupad ang batas na ito ay lumalabag pa rin ang mga tao.
Para sa pag-aaral na ito, parehong kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan ang
ginamit.
Bago ang pagpalaot sa pagkalap ng primaryang datos, tiniyak muna na may
malawak na kaalaman sa isyu. Sa pagsasakatuparan nito, kinailangan ng masinsinang
pag-aaral sa mga sekundaryang datos, kabilang na ang pag-monitor sa balita patungkol
dito.
Sapagkat may mga impormasyon na hindi sapat na naisasalarawan sa mga
sekundaryang datos, personal rin itong inobserbahan ng mananaliksik para na rin sa
layon na makabuo ng naaangkop na mga katanungan na ibabato sa mga taong
kakapanayamin, maintindihan ang implikasyon nito sa pansariling aktibidad sa
lansangan, malaman ang mga posibleng kaugnay na abala o ginhawa nito, at makabuo
ng aking sariling pananaw sa programa na siya namang ihahambing sa pananaw ng iba
para sa pagpapatotoo ng datos.
Sa umpisa ay pinlano ng mananaliksik na magsagawa ng participant observation
sa pag-aaral na ito dahil sa hinuha na mailalarawan ng mananaliksik ang
inoobserbahang kapaligiran, mga pangyayari rito, mga taong nasasaklaw sa
kapaligirang ito at kanilang mga aktibidad, lahat sa perspektiba ng mga taong
inoobserbahan kung ang mananaliksik mismo ay magpapahuli, pero nabatid naman sa
huli na hindi na ito kinakailangan na gawin. Dalawa ang rason sa likod nito, una ay pag-
iwas na masabi, lalo na ng MMDA, na ginawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito
dahil sa personal grudge sa pagkakahuli; pangalawa, sa pagsasagawa lamang ng
covert and overt observation, nakita at naunawaan na ng mananaliksik ang mga
impormasyong kailangan para sa pag-aaral na ito. Para mapatotoo ang obserbasyon,
isang tao ang isinama na para obserbahan ang parehong sitwasyon.
Pagkalap ng mga datos at Teknik sa data sampling
Sinimulan ang pananaliksik sa pagkalap ng sekundaryang datos na may
kaugnayan sa paksa. Nanggaling ang mga datos sa aklat, journals, artikulo, pahayagan
at internet. Kinolekta ang mga datos na ito sa buwan ng Disyembre at, pahapyaw na
sinisugan noong Pebrero nang may nakitang mga bago at interesanteng sungganian.
Maliban pa doon, inantabayanan at binasa rin ang mga balita na may kaugnayan sa
progreso ng kasalukuyang Anti-Jaywalking law na umiiral. Matapos ito ay iniorganisa
ang mga datos at hinanap ang mga impormasyon na bibigyang patotoo sa
pamamagitan ng pagpalaot sa pangangalap ng primaryang datos.
Una ay nagsagawa ng isang covert observation na ayon kay Patton (1990) ay
mas makakaunawa sa tunay na pangyayari sa tao at kapaligiran na inoobserbahan.
Ang pag-oobserba ay hindi ko ipinaalam sa MMDA upang maobserbahan sila sa normal
nilang pagkilos at partikular iyon na isinagawa sa EDSA-Shaw, Ortigas Avenue, at
Pasay-Taft. Ang kanilang Anti-Jaywalking Unit ay binubuo ng 5 grupo: Team 1 sa SM
Centerpoint, RMB, Jose Abad Santos, Recto, Blumentritt (Roving Manila), Team 2 sa
EDSA-Shaw boulevard, Team 3 sa EDSA, Ortigas, POEA, Team 4 sa EDSA-Taft, at
Team 5 sa EDSA/Quezon Avenue. Dagdag pa ng isang enforcer na nakausap ng
mananaliksik, may mga pagkakataon raw na anim sila na grupo depende sa utos sa
kanila na magbantay sa partikular na lugar na maraming tumatawid.
Pinili ang tatlong lugar na iyon base sa datos na nakuha ko sa opisina ng Anti-
Jaywalking Unit sa MMDA, at sa payo ng tagagabay ng pag-aaral na ito patungkol sa
maaring gawing sample size. Ang pag-obserba ay isinagawa sa mga araw ng Lunes,
Huwebes, at Biyernes, kung saan makikita ang dami ng tao sa lansangan dahil sa
trabaho, pagpasok sa paaralan, at ilan pang gawain. Ang obserbasyon ay ginawa bago
ang oras ng operasyon ng Men in Red sa nabanggit ng tatlong lugar at pagkatapos ng
kanilang operasyon sa lugar na iyon.
Bukod rito ay ngsasagawa rin ng isang structured survey na may kakaunting
opsyonal na interview questions dahil sa pagsasaalang-alang sa limitadong oras na
maibibigay ng subjects ng pag-aaral na ito, at para na rin sa madaling pag-oorganisa at
pagkakategorya ng kanilang mga kasagutan. Ang interview questions ay ginawang
opsyonal na lamang dahil marami ang tumanggi na sagutan ito dahil sila raw ay
nagmamadali o kaya naman walang makabuluhang masasabi. Ang mga tanong na
ipinaloob sa questionnaires ay nagbuhat sa mga nakalap na datos mula sa
obserbasyon at paghahalungkat ng mga primaryang datos mula sa mga naiakdang
pag-aaral ukol sa isyung ito o anumang kaugnay na literatura.
Ang mga sumagot sa survey ay mula sa mga nahuling jaywalkers sa lansangan
na piniling lumahok sa seminar. Ang pagpili sa kanila ay random dahil pare-pareho
naman sila na may karanasan sa jaywalking at nilalayon lamang ng survey na alamin
ang dahilan nila sa pagjaywalk at saloobin o pananaw nila sa batas laban dito. Ang mga
sumailalim sa survey ay pinili sa pamamagitan ng simple random sampling dahil ang
kainaman nito ay nakakagawa ng generalisasyon sa pagkuha ng sampol na
nagrerepresenta sa populasyon (Patton, 1990). Binalak ng mananaliksik na ang mga
subjects sa isang populasyon ay piliin sa pamamagitan ng pag-estima sa kanilang
bilang sa oras ng pagsasagawa ng sarbey,at pagkuha ng tugmang numero o subset
buhat sa populasyon (Frerichs, 2008). Halimbawa kung siyam ang nahuli sa oras ng
pagsasagawa ng sarbey, tatlo ang kukunin buhat sa kanila. Ang pagpili ay sa
pamamagitan ng random number generator o random number table (Freirichs, 2008).
Pero hindi ito naisakatuparan dahil marami ang tumanggi na magsagot sa sarbey dahil
nakita nila ito bilang abala, at nagturuan sila kung sino ang sasagot. Sa tulong ng
MMDA enforcers, ang lahat ng nahuli sa oras ng pagsasagawa ng sarbey ay
napasagot.
Sa paggawa ng survey form, isinaalang-alang ng mananaliksik ang kanilang
limitadong oras kaya 16 na tanong lang ang ginawa, at hindi rin ipinilit na sagutan nila
ang bawat tanong dahil isinaalang-alang ng mananaliksik ang kanilang karapatan na
malayang sagutan ang mga tanong na nais nila.
Nagsagawa rin ang mananaliksik ng key informant interview (K.I.I.) sa traffic
enforcers na kasalukuyang nasa area of operation at sinikap rin na mahingi ang
ekspertong opinyon ng kanilang head na si Mr. Rey Arada subalit hindi siya
nakapagpaunlak ng interbyu sa dahilang hindi na niya binanggit. Bilang paggalang na
rin sa karaptan ng impormante na tumanggi sa paanyaya para sa isang interbyu, hindi
na ipinilit pa na kunin ang kanyang opinyon. Tumawag at nagpadala rin ang
mananaliksik ng liham sa opisina ng MMDA Chairman para humiling ng interbyu sa
taong may kaalaman sa paksa ng aking pag-aaral, subalit wala rin silang tugon.
Dahil sa hindi pagpapaunlak ng head ng kanilang unit sa paanyaya, sinikap na
lamang ng mananaliksik na maitanong ang mga tanong na dapat sana ay para kay Mr.
Arada sa traffic enforcers na humiling na itago ang kanilang identidad dahil ayaw nilang
makaapekto ang kanilang mga kasagutan sa kanilang trabaho. Giit nila, ‘trabaho lang,
walang personalan’.
Pag-aanalisa ng datos
Matapos makalap ang mga primarya at sekundaryang datos, sila ay
pinaghambing at ikinategorya. Partikular na ginamitan ito ng triangulation sa
kadahilanang ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pananaliksik
gaya ng observation, key informant interview, document analysis at sarbey.
Napapalakas ng triangulation ang isang pag-aaral dahil pinagsasama-sama nito ang
iba’t ibang pamamaraan, maging kwaletatibo o kwantetatibo man ito (Patton, 2002). Sa
pamamagitan ng triangulation, nakakakuha ang mananaliksik ng iba’t ibang perspektiba
sa isyu. Ang mga ideyang nagbuhat sa oberbasyon, panayam, at sarbey ay tiningnan
ng mananaliksik kung papatotohanan ba nito ang datos buhat sa mga sekundaryang
pinagkunan para makita kung may lulutang na consistency at pagkakaiba (Olsen, 2004;
Patton, 1990).
Para sa kwantitabong aspeto ng pag-aaral na ito, ginamit ang SPSS software at
Microsoft Excel. Pumili ang mananaliksik ng 20 kaso sa bawat lugar kung saan
nagsagawa ng sarbey. Ang pagpili ay ibinase sa kakumpletuhan ng kanilang sagot sa
sarbey. Tanging ang mga sumagot lamang ng kompleto, o iyong may isa hanggang
dalawa lamang na laktaw ang isinama sa sampol. Sa kabuuan, 60 kaso ang ginamit.
Para naman sa kwalitatibong aspeto, gumamit ang mananaliksik ng manual
coding para maiorganisa at mabigyang-pakahulugan ang mga sagot ng informants.
Mga Isasaalang-alang na Etika
Isinaalang-alang ng mananaliksik ang maaring kalakip na peligro ng pag-aaral na
ito lalo na sa MMDA enforcers na natatakot na maimpluwensyahan ng kanilang sagot
ang kanilang tungkulin, kung kaya’t ipinabatid ng mananaliksik sa kanila ang pang-
akademikong layunin ng pag-aaral na ito taliwas sa iniisip nila na pagiging ‘Anti-
government’ nitong pag-aaral. Para naman sa mga sumagot ng sarbey, ginawang
opsyonal ang paglalagay nila ng pangalan. Siniguro rin na mapangalagaan ang
identidad at kompedensyalidad ng kanilang mga kasagutan.
Sa mga lumahok sa sarbey, siniguro ng mananaliksik ang kompedensyalidad ng
kanilang kasagutan at pagkatao sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa kanila na ang
mga sagot na makakalap ay tanging para sa lamang sa pag-aaral na ito, pagbibigay
laya sa kanila na isulat ang kanilang pangalan o personal na impormasyon o itago na
lamang ang kanilang identidad sa pamamagitan ng codename o alyas. Dagdag rito,
isinaad rin sa survey form ang identidad ng mananaliksik, paksa at layon ng pag-aaral
Hindi rin ipinilit na sagutan nila ang mga tanong na ayaw nila.
Bago isinagawa ang interbyu sa traffic enforcers o Men in Red, ipinabatid sa
kanila ang pagiging boluntaryo ng kanilang partisipasyon. Bukod rito, ipinaalam rin sa
kanila ang maaring maging konsekwensya ng kanilang sagot. Siniguro rin ng
mananaliksik na mapangalagaan ang kanilang identidad. Sa pagpayag para sa isang
panayam, hiniling ng mananaliksik sa partisipante na basahin, magtanong o sumang-
ayon sa FPIC na ibinigay sa kanya bago ang panayam. Hiniling rin sa kanya na lagdaan
ito bilang patunay na boluntaryo ang kanyang partisipasyon. Ipinagbigay-alam at
hiniling rin sa partisipante na payagan ang mananaliksik na irekord ang buong
panayam.
Sa pagsasagawa ng key informant interview, ipinaliwanag ng mananaliksik sa
partisipante ang layunin ng paghingi sa kanyang opinyon o ideya hinggil sa isyu,
ipinabatid rin sa kanya ang paksa, layunin at kahalagan ng pag-aaral na ito at
ipinangako sa kanya na ito ay para sa pang-akademikong paggamit lamang.
Nakasaad sa FPIC ang mga importanteng impormasyon ng mananaliksik, ang
paksa, layunin at kahalagahan ng pag-aaral, at ang kanyang karapatan na tumanggi o
ipatanggal ang alinmang sagot na ayaw niyang mapasama sa panayam.
Ipinabatid rin na walang anumang kapalit o kompensasyon ang maipapangakong
maibibigay ng mananaliksik sa mga partisipante bagkus isang taus-pusong
pasasalamat at pangako na mabibigyan siya ng kopya ng pag-aaral sakaling kanya
itong hilingin o kailanganin.
DATOS NA KAILANGAN PAMAMARAAN/TEKNIK SA
PANGONGOLEKTA
PAGMUMULAN NG DATOS
• Mga datos na may kaugnayan sa
konsepto ng pagbubuo ng batayang
batas, kahalagahan nito at pamamaraan
ng implementasyon nito
• Pagbabasa ng sekondaryang datos
gaya ng libro, pahayagan, online
articles, at interbyu sa isang abogado o
eksperto sa batas
• Libro, pahayagan, online articles,
panayam sa isang abogado o eksperto
sa batas
• Kopya ng Anti-jaywalking law, at
eksplanasyon sa istruktura at
pagpapatupad nito
• Pagkuha ng kopya ng batas sa
MMDA o pagdownload online, at
pakikinayam sa MMDA patungkol sa
istruktura ng batas at pamamaraan ng
implementasyon rito
• Panayam sa MMDA (key informant
interview), sekondaryang datos gaya
ng online articles at pahayagan, kopya
ng batas
• Obserbasyon • Covert observation sa EDSA-Shaw,
Ortigas Ave., Pasay-Taft sa piling oras
ng operation ng Men in Red, at sa
piling oras pagkatapos ng kanilang
operation
• Pakikipag-usap sa mga tinder sa
lugar tungkol sa kanilang obserbasyon
• Obserbasyon
• Pananaw, kaalaman, reaksyon, at
dahilan sa paglabag ng jaywalkers sa
batas na ito
• Sarbey na kapapalooban ng
jaywalkers bilang partisipante
• Tugon ng jaywalkers sa sarbey
Survey (pagpili sa partisipante ay sa
pamamagitan ng simple random
sampling)
20 participants in each area (EDSA-
Shaw, Ortigas Avenue, Pasay-Taft)
• Reaksyon o paliwanag ng MMDA sa
tugon ng mga na-sarbey, obserbasyon sa
pedestrian structures na may kaugnayan
sa pagpapatupad ng anti-jaywalking law
• Panayam sa MMDA, obserbasyon o
pag-aaral sa pedestrian structures
• Panayam sa MMDA, obserbasyon o
pag-aaral/paggamit ng sekondaryang
datos na may pag-aaral sa pedestrian
structures sa kalakhang Maynila
Key informant interview (in-depth,
formal, structured)
Talahanayan 1. Buod ng Pamamaraan ng Pananaliksik para sa pag-aaral na ito
Resulta
Sa sarbey na sinagutan ng mga partisipante, ilang katangian ang nakalagay
kagaya ng kasarian, edad, trabaho at tirahan na tutukuyin sa pag-aaral na ito kung may
kaugnayan sa kalimitan ng kanilang pag-jaywalk. Ihahambing ang mga nabanggit na
katangian sa kalimitan ng pag-jaywalk, hindi sa tanong kung sila ba ay nag-jaywalk
sapagkat ang mga partisipante ay buhat sa grupo ng mga nahuling “jaywalkers”.
Paghahambing sa Kasarian at Kalimitan sa Pag-jaywalk
Kasarian * Kalimitan ng pagjaywalk Crosstabulation
Kalimitan ng pagjaywalk Total
Palagi Madalas Minsan Unknown
Kasarian
Lalaki
Count 1 3 26 4 34
% within Kasarian 2.9% 8.8% 76.5% 11.8% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 75.0% 56.5% 50.0% 56.7%
% of Total 1.7% 5.0% 43.3% 6.7% 56.7%
Babae Count 1 1 20 4 26
% within Kasarian 3.8% 3.8% 76.9% 15.4% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 25.0% 43.5% 50.0% 43.3%
% of Total 1.7% 1.7% 33.3% 6.7% 43.3%
Total
Count 2 4 46 8 60
% within Kasarian 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 100.0% 100.0% 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
Ayon sa datos, 56.5% sa kalalakihan ang nagsabi na minsan lang ang kanilang
pag-jaywalk samantalang 43.5% naman ng kababaihan ang sumagot ng din nito.
Chi-Square Tests
Value df Asymp. Sig. (2-
sided)
Pearson Chi-Square .729a 3 .866
Likelihood Ratio .761 3 .859
N of Valid Cases 60
a. 6 cells (75.0%) have expected count less than 5. The minimum
expected count is .87.
In 3 degrees of freedom, the p-value (.866) is greater than the alpha-value .05.
Therefore, the null hypothesis is retained meaning”kasarian” and “kalimitan ng
pagjaywalk” are not related or independent from each other.
Walang kaugnayan ang kasarian sa kalimitan ng tao sa pag-jaywalker ibig
sabihin, ang jaywalking ay hindi nagtatangi ng kasarian.
Edad at Kalimitan ng pag-jaywalk
Edad * Kalimitan ng pagjaywalk Crosstabulation
Kalimitan ng pagjaywalk Total
Palagi Madalas Minsan Unknown
Edad
.00
Count 0 0 2 0 2
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 0.0% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 0.0% 3.3%
16.00
Count 0 1 0 0 1
% within Edad 0.0% 100.0% 0.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 25.0% 0.0% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 1.7% 0.0% 0.0% 1.7%
17.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
18.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
19.00
Count 0 0 2 0 2
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 0.0% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 0.0% 3.3%
20.00
Count 0 0 4 0 4
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 8.7% 0.0% 6.7%
% of Total 0.0% 0.0% 6.7% 0.0% 6.7%
21.00
Count 0 0 4 1 5
% within Edad 0.0% 0.0% 80.0% 20.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 8.7% 12.5% 8.3%
% of Total 0.0% 0.0% 6.7% 1.7% 8.3%
22.00
Count 0 0 2 1 3
% within Edad 0.0% 0.0% 66.7% 33.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 12.5% 5.0%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 1.7% 5.0%
23.00
Count 2 1 2 1 6
% within Edad 33.3% 16.7% 33.3% 16.7% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 100.0% 25.0% 4.3% 12.5% 10.0%
% of Total 3.3% 1.7% 3.3% 1.7% 10.0%
24.00
Count 0 1 2 1 4
% within Edad 0.0% 25.0% 50.0% 25.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 25.0% 4.3% 12.5% 6.7%
% of Total 0.0% 1.7% 3.3% 1.7% 6.7%
25.00
Count 0 0 1 1 2
% within Edad 0.0% 0.0% 50.0% 50.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 12.5% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 1.7% 3.3%
26.00
Count 0 0 3 0 3
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 6.5% 0.0% 5.0%
% of Total 0.0% 0.0% 5.0% 0.0% 5.0%
27.00
Count 0 1 2 0 3
% within Edad 0.0% 33.3% 66.7% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 25.0% 4.3% 0.0% 5.0%
% of Total 0.0% 1.7% 3.3% 0.0% 5.0%
28.00
Count 0 0 2 0 2
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 0.0% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 0.0% 3.3%
29.00
Count 0 0 2 0 2
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 0.0% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 0.0% 3.3%
30.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
31.00
Count 0 0 6 1 7
% within Edad 0.0% 0.0% 85.7% 14.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 13.0% 12.5% 11.7%
% of Total 0.0% 0.0% 10.0% 1.7% 11.7%
32.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
33.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
34.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
35.00 Count 0 0 2 0 2
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 4.3% 0.0% 3.3%
% of Total 0.0% 0.0% 3.3% 0.0% 3.3%
36.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
38.00
Count 0 0 0 1 1
% within Edad 0.0% 0.0% 0.0% 100.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 0.0% 12.5% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 0.0% 1.7% 1.7%
39.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
41.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
46.00
Count 0 0 1 0 1
% within Edad 0.0% 0.0% 100.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 2.2% 0.0% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 1.7% 0.0% 1.7%
53.00
Count 0 0 0 1 1
% within Edad 0.0% 0.0% 0.0% 100.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 0.0% 0.0% 12.5% 1.7%
% of Total 0.0% 0.0% 0.0% 1.7% 1.7%
Total Count 2 4 46 8 60
% within Edad 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 100.0% 100.0% 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
Sa edad naman, karamihan sa mga sumagot na minsan lang sila mag-jaywalk
ay edad 25 pataas kung saan pinakamarami ang edad 31
Chi-Square Tests
Value Df Asymp. Sig. (2-
sided)
Pearson Chi-Square 65.600a 78 .841
Likelihood Ratio 46.522 78 .998
N of Valid Cases 60
a. 107 cells (99.1%) have expected count less than 5. The
minimum expected count is .03.
In 78 degrees of freedom, the p-value (.841) is greater than the alpha-value .05.
Therefore, the null hypothesis is retained meaning “edad” and “kalimitan ng pagjaywalk”
are not related or independent from each other.
Ibig sabihin lamang nito na wala ring kaugnyan ang edad sa kalimitan ng pag-
jaywalk ng isang tao. Mapapansin rin dito na napakaunti ng bilang ng menor de edad o
iyong may edad na bababa sa 18 anyos dahil sa seminar kung saan isinagawa ang
sarbey na ito, ayon sa patakaran ng MMDA Anti-Jaywalking Unit ang menor de edad at
senior citizen ay hindi dapat hinuhuli
Trabaho at Kalimitan ng Pag-jaywalk
Trabaho * Kalimitan ng pagjaywalk Crosstabulation
Kalimitan ng pagjaywalk Total
Palagi Madalas Minsan Unknown
Trabaho
Skilled worker
Count 0 1 7 3 11
% within Trabaho 0.0% 9.1% 63.6% 27.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 25.0% 15.2% 37.5% 18.3%
% of Total 0.0% 1.7% 11.7% 5.0% 18.3%
Unskilled worker
Count 1 2 16 1 20
% within Trabaho 5.0% 10.0% 80.0% 5.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 50.0% 34.8% 12.5% 33.3%
% of Total 1.7% 3.3% 26.7% 1.7% 33.3%
Unknown
Count 1 0 20 4 25
% within Trabaho 4.0% 0.0% 80.0% 16.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 0.0% 43.5% 50.0% 41.7%
% of Total 1.7% 0.0% 33.3% 6.7% 41.7%
Student
Count 0 1 3 0 4
% within Trabaho 0.0% 25.0% 75.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 25.0% 6.5% 0.0% 6.7%
% of Total 0.0% 1.7% 5.0% 0.0% 6.7%
Total
Count 2 4 46 8 60
% within Trabaho 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 100.0% 100.0% 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
Patungkol naman sa trabaho at kalimitan ng pag-jaywalk, makikita sa datos na
pinakamarami ang nagsagot na “unknown” o hindi binanggit ang uri ng kanyang
trabaho. Ito ay nasa 41.7% na sinusundan naman ng nagsagot ng “unskilled work” ang
uri ng trabaho na nasa 33.3%. Pinakamarami rin sa nagsagot na minsan lang ang
kanilang pag-jaywalk sa grupo ng mga taong “unknown” ang trabaho at sinusundan ng
“unskilled worker” sa 34.8%. Bagaman ito ang pinakikita ng datos, dapat rin natin
isaalang-alang na karamihan sa mga nahuling ang trabaho ay maituturing na nasa
“skilled work” ay mas pinipiling magbayad na lamang ng P200.
Ayon nga sa enforcers, madami sa skilled workers o professionals na nahuhuli
nila ang pinipili na lamang na magbayad dahil umano mas madalas nagmamadali ang
mga ito at afford naman nila. Subalit, hindi naman nangangahulugan ito na kakaunti na
ang skilled workers na nahuhuli dahil ayon nga sa isang enforcer, “Kung tutuusin nga
mas marami pa iyong mga professional dahil sa sobrang pagmamadali talaga. “
(Men in Red 1)
Chi-Square Tests
Value df Asymp. Sig. (2-
sided)
Pearson Chi-Square 8.435a 9 .491
Likelihood Ratio 10.176 9 .336
N of Valid Cases 60
a. 13 cells (81.2%) have expected count less than 5. The
minimum expected count is .13.
In 9 degrees of freedom, the p-value (.491) is greater than the alpha-value .05.
Therefore, the null hypothesis is retained meaning “trabaho” and “kalimitan ng
pagjaywalk” are not related or independent from each other.
Makikita sa datos na wala ring kaugnayan ang uri o klasipikasyon ng trabaho ng
isang tao para siya ay malimit o madalang na mag-jaywalk.
Tirahan at Kalimitan ng Pag-jaywalk
Tirahan * Kalimitan ng pagjaywalk Crosstabulation
Kalimitan ng pagjaywalk Total
Palagi Madalas Minsan Unknown
Tirahan
Metro Manila
Count 0 3 20 6 29
% within Tirahan 0.0% 10.3% 69.0% 20.7% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 0.0% 75.0% 43.5% 75.0% 48.3%
% of Total 0.0% 5.0% 33.3% 10.0% 48.3%
Outside Metro Manila
Count 1 0 18 2 21
% within Tirahan 4.8% 0.0% 85.7% 9.5% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 0.0% 39.1% 25.0% 35.0%
% of Total 1.7% 0.0% 30.0% 3.3% 35.0%
Unknown
Count 1 1 8 0 10
% within Tirahan 10.0% 10.0% 80.0% 0.0% 100.0%
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 50.0% 25.0% 17.4% 0.0% 16.7%
% of Total 1.7% 1.7% 13.3% 0.0% 16.7%
Total Count 2 4 46 8 60
% within Tirahan 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
Makikita naman sa datos na ito na 43.5% ng mga taga-Metro Manila ang nagsabi na
minsan lamang sila mag-jaywalk samantalang 39.1% naman ang mga nakatira sa labas ng Metro
Manila ang sumagot ng kaparehong kasagutan.
Chi-Square Tests
Value df Asymp. Sig. (2-
sided)
Pearson Chi-Square 7.786a 6 .254
Likelihood Ratio 10.747 6 .097
N of Valid Cases 60
a. 9 cells (75.0%) have expected count less than 5. The minimum
expected count is .33.
In 6 degrees of freedom, the p-value (.254) is greater than the alpha-value .05.
Therefore, the null hypothesis is retained meaning “tirahan” and “kalimitan ng
pagjaywalk” are not related or independent from each other.
Makikita sa datos na ito na wala ring kaugnayan ang tirahan ng isang tao sa
kanyang kalimitan sa pag-jaywalk.
% within Kalimitan ng
pagjaywalk 100.0% 100.0% 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 3.3% 6.7% 76.7% 13.3% 100.0%
Bilang ng Pagkakahuli
Bilang ng pagkakahuli
Frequency Percent Valid Percent Cumulative
Percent
Valid
Unang beses 56 93.3 93.3 93.3
Pangalawang beses 1 1.7 1.7 95.0
Pangatlong beses o higit pa 2 3.3 3.3 98.3
No Answer 1 1.7 1.7 100.0
Total 60 100.0 100.0
Tinanong rin sa sarbey kung pang-ilang beses na ng partisipante ang pagkahuli
niya na iyon. Lumabas sa datos na pinakamarami o 93.3% ang nagsabi na unang
beses nila iyon na nahuli. Buhat rito mahihinuha na sa tala ng MMDA na 64,037 na
jaywalkers na nahuli nila buhat June 4 hanggang December 14, 2012, karamihan sa
mga ito ay nahuli sa unang beses.
Pagpansin ng mga Partisipante sa Sarbey sa mga Istrukturang Pantrapiko
Nakakita ng pedestrian lane o/at footbridge
Frequency Percent Valid Percent Cumulative Percent
Valid
Oo 46 76.7 76.7 76.7
Hindi 14 23.3 23.3 100.0
Total 60 100.0 100.0
Sa mga na-sarbey, 46 o 76.7 ang nagsabi na nakakakita sila ng pedestrian lane
o kaya naman ay footbridge sa paligid kung saan sila nag-jaywalk.
Nakakita ng walk signal light
Frequency Percent Valid Percent Cumulative Percent
Valid
Oo 32 53.3 53.3 53.3
Hindi 26 43.3 43.3 96.7
Walang
sagot 2 3.3 3.3 100.0
Total 60 100.0 100.0
Sa mga sumagot ng sarbey patungkol sa tanong kung nakakita ba sila ng walk
signal light sa lugar malapit kung saan sila nag-jaywalk, 53.3% ang tumugon na
nakakita nga sila samantalang 43.3% ang nagsabi na hindi.
Nakakita ng traffic enforcer
Frequency Percent Valid Percent Cumulative
Percent
Valid
Oo 42 70.0 70.0 70.0
Oo pero di ko sinunod 7 11.7 11.7 81.7
Oo pero hindi
nakakatulong sa
pedestrian
2 3.3 3.3 85.0
Hindi 9 15.0 15.0 100.0
Total 60 100.0 100.0
Sa tanong naman kung ang partsipante ba ay nakakita ng traffic enforcer sa
paligid kung saan siya nag-jaywalk, 70% ang sumagot n goo samantalang 11.7% ang
sumagot ng hindi.
Mga Dahilan ng Partisipante sa Pag-jaywalk
EDSA-Shaw
Nangungunang rason ng mga nahuli sa EDSA-Shaw ang pagmamadali (68%).
Apat o 18% ang nagsagot na ang tanging rason nila sa pag-jaywalk ay ang kawalan nila
ng kaalaman na pinagbabawal pala ito sa lugar na iyon. Tatlo o 14% naman ang
nagbigay ng ibang kasagutan kagaya ng “nalito sa instruksyon ng traffic enforcer
na bagtasin lang ang daan”, “Hindi ko alam na itinuturing na jaywalking ang
Nagmamadali
Hindi ko alam na bawal ang jaywalking
Ibang sagot
paglakad sa gilid ng metal na harang sa labas ng sidewalk”, at “Hindi napansin
ang sign”.
Ortigas
Samantala, sa Ortigas 35% ng mga sumagot sa sarbey ang nagsabi na
nagmamadali sila kaya sila nag-jaywalk. 18% naman ang nagsabing dahil wala
masyadong sasakyan, 18% din ang nagsabing hindi nila alam na bawal ang jaywalking
sa lugar na iyon, at 12% ang nagsabi na walang pedestrian lane o/at malayo ang
footbridge. Ang ilan naman ay dahil sa kahinaan at kakulangan sa pantrapikong
istruktura. 6% naman ang nagbanggit ng ibang rason gaya ng “Nadamay lang ako sa
Nagmamadali
Wala masyadong sasakyan
Walang pedestrian lane o/at malayo ang footbridge
Hindi ko alam na bawal ang jaywalking
Hindi naman kasi iginagalang ng motorista ang 'right of way' ng pedestrian sa lanes kaya walang rason na gamitin ko ang pedestrian lanes Hindi komportable gamitin ang footbridge
Hindi ko alam ang paggamit sa pedestrian lane o/at walk signal light
Ibang sagot
mga taong nagjajaywalk”, at “Mali ang pagkakahuli dahil hindi naman ako
tumawid o bumaba sa maling babaan”.
Pasay-Taft
. Sa Pasay-Taft naman, 40% ang nagsabi na nagmamadali sila kaya sila
nakapag-jaywalk. Samantala, 25% ang nagsabi na hindi nila alam na bawal ang
jaywalking sa lugar na iyon, 5% ang nagsabi na dahil hindi naman ginagalang ang ‘right
of way’ ng pedestrian sa lanes kaya walang rason na gamitin pa ang pedestrian lanes,
5% rin ang sumagot na malayo ang pedestrian lane o/at footbridge. 25% naman ang
nagbigay ng ibang rason gaya ng “Hindi napansin ang sign”, at “Ibinaba ng driver
sa maling babaan”.
Nagmamadali
Walang pedestrian lane o/at malayo ang footbridge
Hindi ko alam na bawal ang jaywalking
Hindi naman kasi iginagalang ng motorista ang 'right of way' ng pedestrian sa lanes kaya walang rason na gamitin ko ang pedestrian lanes Ibang sagot
Dapat ba ipinagbabawal ang jaywalking
Frequency Percent Valid Percent Cumulative
Percent
Valid
Oo 54 90.0 90.0 90.0
Hindi 6 10.0 10.0 100.0
Total 60 100.0 100.0
Sa mga sumagot sa sarbey, 90% ang sang-ayon na nararapat na ipagbawal ang
jaywalking samantalang 10% sumalungat.
Dapat ba ipinagbabawal ang jaywalking * Nararapat ba may Anti-jaywalking law Crosstabulation
Nararapat ba may Anti-jaywalking
law
Total
Oo Hindi
Dapat ba ipinagbabawal
ang jaywalking
Oo
Count 52 2 54
% within Dapat ba
ipinagbabawal ang
jaywalking
96.3% 3.7% 100.0%
% within Nararapat ba may
Anti-jaywalking law 91.2% 66.7% 90.0%
% of Total 86.7% 3.3% 90.0%
Hindi
Count 5 1 6
% within Dapat ba
ipinagbabawal ang
jaywalking
83.3% 16.7% 100.0%
% within Nararapat ba may
Anti-jaywalking law 8.8% 33.3% 10.0%
% of Total 8.3% 1.7% 10.0%
Total Count 57 3 60
% within Dapat ba
ipinagbabawal ang
jaywalking
95.0% 5.0% 100.0%
% within Nararapat ba may
Anti-jaywalking law 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 95.0% 5.0% 100.0%
Sa tanong sa sarbey patungkol sa pagtingin ng partisipante kung nararapat ba
ipinagbabawal ang jaywalking at kung nararapat ba na may batas na nagbabawal dito,
96.3% ng partisipante ang sumang-ayon. Ipinakikita lamang nito na marami ang pabor
na ipagbawal ang jaywalking at nararapat na may batas patungkol dito.
Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
Frequency Percent Valid Percent Cumulative
Percent
Valid
Oo 46 76.7 76.7 76.7
Hindi 11 18.3 18.3 95.0
Walang
sagot 3 5.0 5.0 100.0
Total 60 100.0 100.0
Patungkol naman sa palagay ng partisipante sa kaayusan sa pagpapatupad ng
Anti-Jaywalking Ordinance, 76.7% ang nagsabi na maayos itong ipinatutupad
samantalang 18.3% ang nagsabi na hindi ito maayos na ipinatutupad.
Dapat ba ito pag-ukulan ng atensyon ng gobyerno * Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito Crosstabulation
Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito Total
Oo Hindi Walang sagot
Dapat ba ito pag-ukulan ng
atensyon ng gobyerno
Oo
Count 43 8 2 53
% within Dapat ba ito pag-
ukulan ng atensyon ng
gobyerno
81.1% 15.1% 3.8% 100.0%
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 93.5% 72.7% 66.7% 88.3%
% of Total 71.7% 13.3% 3.3% 88.3%
Hindi
Count 3 3 1 7
% within Dapat ba ito pag-
ukulan ng atensyon ng
gobyerno
42.9% 42.9% 14.3% 100.0%
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 6.5% 27.3% 33.3% 11.7%
% of Total 5.0% 5.0% 1.7% 11.7%
Total
Count 46 11 3 60
% within Dapat ba ito pag-
ukulan ng atensyon ng
gobyerno
76.7% 18.3% 5.0% 100.0%
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 100.0% 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 76.7% 18.3% 5.0% 100.0%
Tinanong rin ang partisipante kung sa tingin ba nito ay kung maayos na
ipinatutupad ang batas nararapat ba na pag-ukulan ito ng atensyon ng gobyerno. 81.1%
ang sumagot ng oo samantalang 15.1% ang sumalungat.
Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito * Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno Crosstabulation
Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno Total
Oo Hindi 3
Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
Oo
Count 40 5 1 46
% within Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
87.0% 10.9% 2.2%
100.0%
% within Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno
80.0% 55.6% 100.0%
76.7%
% of Total 66.7% 8.3% 1.7%
76.7%
Hindi
Count 9 2 0 11
% within Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
81.8% 18.2% 0.0%
100.0%
% within Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno
18.0% 22.2% 0.0%
18.3%
% of Total 15.0% 3.3% 0.0%
18.3%
Walang sagot
Count 1 2 0 3
% within Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
33.3% 66.7% 0.0%
100.0%
% within Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno
2.0% 22.2% 0.0%
5.0%
% of Total 1.7% 3.3% 0.0%
5.0%
Total Count 50 9 1 60
% within Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito
83.3% 15.0% 1.7%
100.0%
% within Dapat ba ito pag-ukulan ng pondo ng gobyerno
100.0% 100.0% 100.0%
100.0%
% of Total 83.3% 15.0% 1.7%
100.0%
Sa tanong naman tungkol sa kaugnayan ng pagiging maayos ng pagpapatupad
sa batas na ito sa nararapat na pagbibigay pondo dito ng gobyerno, 87% ang sumang-
ayon. Ika nga sa komento patungkol dito ilang partisipante “Oo [nararapat pag-ukulan
ito ng pondo] para makapaglagak ng mas maraming karatula”.
Maayos ba na ipinatutupad ang batas na ito * Muli bang magjajaywalk Crosstabulation
Muli bang magjajaywalk Total
Oo Hindi
Maayos ba na ipinatutupad
ang batas na ito
Oo
Count 5 41 46
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 10.9% 89.1% 100.0%
% within Muli bang
magjajaywalk 62.5% 78.8% 76.7%
% of Total 8.3% 68.3% 76.7%
Hindi
Count 2 9 11
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 18.2% 81.8% 100.0%
% within Muli bang
magjajaywalk 25.0% 17.3% 18.3%
% of Total 3.3% 15.0% 18.3%
Walang sagot Count 1 2 3
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 33.3% 66.7% 100.0%
% within Muli bang
magjajaywalk 12.5% 3.8% 5.0%
% of Total 1.7% 3.3% 5.0%
Total
Count 8 52 60
% within Maayos ba na
ipinatutupad ang batas na ito 13.3% 86.7% 100.0%
% within Muli bang
magjajaywalk 100.0% 100.0% 100.0%
% of Total 13.3% 86.7% 100.0%
Patungkol naman sa pagiging maayos sa pagpapatupad nito at sa potensyal na
muling ma-jaywalk ang partisipante sa hinaharap, tugon ng 89.1% sa mga partisipante
na dahil maayos naman sa kanilang pagtingin ang pagpapatupad ng batas na ito, hindi
na sila muling mag-jajaywalk sa hinaharap. Ayon pa sa isang nakapanayam sa pag-
aaral na ito, “Oo, pinapapangako namin. Ipinatataas namin iyong kanang kamay
para manumpa na huwag na nila ulitin iyong kanilang ginawa” (Men in Red 1).
Pangamba sa aksidente
Frequency Percent Valid Percent Cumulative
Percent
Valid
Oo 48 80.0 80.0 80.0
Hindi 8 13.3 13.3 93.3
Bahala na 2 3.3 3.3 96.7
HIndi 2 3.3 3.3 100.0
Total 60 100.0 100.0
Sa katanugnan kung nag-aalala ba ang partisipante na baka siya maaksidente
kapag nag-jaywalk, 48 o 80% ang nagsabi na nangangamba siya sa aksidente.
Chi-Square Tests
Value df Asymp. Sig. (2-
sided)
Pearson Chi-Square 8.050a 9 .529
Likelihood Ratio 5.770 9 .763
N of Valid Cases 60
a. 13 cells (81.2%) have expected count less than 5. The minimum
expected count is .07.
Kung ihahambing naman ang pangamba sa aksidente at kalimitan ng pag-
jaywalk ng pedestrian, makikita na wala silang kaugnayan.
Diskusyon
Instrumental na Perspektiba: Pagtingin sa mga Eksternal na Salik
Ang instrumental na perspektiba sa pagsiyasat sa pagsunod ng tao sa batas
tumitingin sa pagsunod bilang tugon ng tao sa eksternal na salik na nag-uudyok sa
kanyan na sundin nga ang batas (Tyler, 1990). Mahalagang sa paggamit ng lente na ito
ay makonsidera ang epekto ng resources na ginagamit ng awtoridad upang mapasunod
ang tao.
Ayon kina King et al. (2009), ang peligrong kaakibat ng jaywalking ay mataas
ang kaugnayan sa konteksto, kasama na ang legal na depinisyon, engineering
practices at katangian ng lugar. Dagdag pa ni Leandro (2011), Kadalasan na tinitingnan
ang usapin ng pedestrian-car collision bilang kombinasyon ng personal na desisyon at
personal na katangian ng partisipante, bagaman ito ay totoo, kadalasan ay mahirap ito
matukoy kaya naman mainam rin na tingnan ang konstektwal na katangian ng
pinangyarihan ng aksidente (Leandro, 2011). Kabilang na rito ang katangian ng
lansangan, kaangkupan ng mga istrukturang pantrapiko, ang daloy ng trapiko, at
maging ang kapal ng tao sa lugar.
Kahinaan ng mga pasilidad na pang-pedestrian
Naipakita sa sarbey na 76.7% ang nakakita sa pedestrian lanes o kaya naman
ay footbridges o maari ring pareho. Samantala, 53.3% naman ang nakakita sa walk
signal light at 70% ang nakakita ng traffic enforcer. Mapapansin na marami sa
partisipante ang nakakita ng pedestrian facilities, subalit nagjaywalk pa rin sila.
Mahihinuha rito na may kakulangan ang pedestrian facilities kaya di nila ginamit ang
mga ito.
Sa isinagawang obserbasyon ng mananaliksik sa Pasay-Taft, EDSA-Shaw, at
Ortigas Avenue kung saan nakakalat ang Men In Red, napansin na madalang ang
pedestrian lanes, sa halip ang nasa lugar ay mahahabang footbridges na nagkokonekta
sa magkakalayong destinasyon. Isa iyon sa mga reklamo ng ilang pedestrian na
nagsabing hindi raw komportable ang paggamit ng footbridge lalo na kung makitid lang
naman ang daan na kailangan mong tawirin, at madalas pa ang footbridge ay
ginagawang palengke ng mga tindera. Katwiran ng isang enforcer dito, “Eh hindi na
po kasi namin sakop iyon pong vendors. Ang humuhuli po niyan yung mga
sidewalk clearing po natin, scope po nila iyon. Kami po pangtao lang. Kung ano
po ang ibinigay sa amin na trabaho iyon lang po ang tatrabahuhin namin“ (Men in
Red 1). Patungkol naman sa pedestrian lanes, giit pa ng isang nakapanayam na “Pag
sa EDSA, MMDA. Pero pag sa parting papunta roon, papunta rito, sa locals na
iyan. Katulad nito, Mandaluyong, sa Mandaluyong na iyan” (Men in Red 2).
Patungkol naman sa walk signal lights halimbawa sa EDSA-Shaw,
naobserbahan ng mananaliksik na mahaba ang paghihintay ng pedestrian bago
makatawid kaya pinipili ng iba na huwag na lamang hintayin ang Walk Phase ng walk
signal light. Ang paghihintay na kailangan gugulin ng pedestrian ay humigit-kumulang 4
na minuto samantalang 20-30 segundo lamang ang pag-flash ng Walk Phase.
Isinangguni ito sa Men in Red na sumasakop sa lugar na iyon at ang tugon niya (Men in
Red 2) ay
“Kagaya yang sa lugar na iyan, iyang side na yan mas kaiba pa yan dito eh. Kasi pag nag-go ito, di ba may kumakaliwa, pag nagstop naman ito at nag-go naman iyon, may kumakanan kaya ang traffic light doon wala talaga siya, wala siyang premise na kung para saan ang oras na para sa tao kasi pag nagstop naman iyong dalawa, ito naman ang go.” “Hindi pa talaga nabibigyan ng ano iyan. Kaya ang ginawa namin, manual lang muna kami. Inaassist namin sila. Pag nag-go na ito, halimbawa nag-go ito rito, ito ang binibigyan naming ng priority. Pag nag-go ito, stop yung tao. Pero kapag ito ang naka-go, tapos yung sa kabila hindi, inii-stop muna naming iyong sasakyan at pinapatawid naming iyong tao.” “Siguro matagal na rin nai-request yan pero hindi pa lang siguro nabigyan ng aksyon dahil sa dami rin ng ginagwa naming. Siguro wala pa ring budget kaya hindi pa nagawan ng aksyon iyan. “
Masasabi na ang mga kakulangan sa istrukturang pantrapiko sa Metro Manila ay
dulot rin ng kawalan ng koordinasyon, una sa pagitan ng iba’t ibang operation units sa
MMDA, at pangalawa sa pagitan ng MMDA at ng lokal na pamahalaan ng iba’t ibang
lungsod sa Metro Manila. Aminado ang awtoridad na hindi nga nila nabigyang atensyon
ang pagsasaayos sa mga istrukturang para sa pedestrian dahil walang koordinasyon sa
ibang departamento o ahensya. Ginagawa lamang daw nila ang tungkulin na iniatang
sa kanila, at iyon ay ang paghuli lamang sa jaywalker.
Limitadong Bisa ng Batas
Ang Anti-Jaywalking Ordinance bilang isang Daytime Law
Bawat batas ay nilikha para sundin ng tao, subalit may mga batas kagaya ng
Anti-Jaywalking Ordinance na nasusunod lamang kapag visible ang awtoridad, at iyon
ay tuwing oras lamang ng kanilang operasyon. Nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro
Manila ang Men in Red—sa EDSA-Shaw boulevard, EDSA/Ortigas/POEA,
EDSA/Pasay-Taft, EDSA-Quezon Avenue at mayroon ding lumilibot sa Maynila
partikular na sa SM Center Point, RMB Jose Abad Santos, Recto at Blumentritt. Minsan
rin ay dumadako sila sa ibang lugar depende sa bigat ng trapiko sa lugar at sa dami ng
taong tumatawid. Nagsisimula ang kanilang operasyon alas-7 ng umaga hanggang
alas-4 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, subalit minsan napapaiksi ang oras
na ito ayon na rin sa ilan sa kanilang kadahilanan. Halimbawa na lang ang salaysay ni
Men in Red 2 na “Ang oras talaga namin 7 to 4. Yung talaga ang oras namin. Pero
minsan halimbawa mula umaga hanggang hapon, dito kami nagsimula ng umaga kapag
nakita namin na marami pa rin ang tumatawid hanggang alas 4 kami”.
Kadalasan na nangyayari ang aksidente sa gabi dahil sa nauna na ngang nabanggit sa
pag-aaral na ito na kakulangan sa ilaw sa mga lansangan, kawalan ng warning devices,
at intensyunal na pagsasawalang-bahala sa traffic signals (Sigua & Palmiano, 2005;
ADB-ASEAN, 2012). Dagdag pa rito ang kapabayaan ng drayber gaya ng pag-idlip,
paggamit ng nakasisilaw na head lights, kalasingan na mas madalas mangyari sa gabi,
paglabo ng paningin dahil sa usok ng smoke-belchers, at pati ang night blindness ng
mga drayber na kulang sa nutrisyon (Sigua & Palmiano, 2005). Bukod dito, maraming
opisina sa Metro Manila ang nagpapalabas ng kanilang empleyado pasado alas-4 ng
hapon o mas kilala sa bansag na “rush hour”. Kataka-taka na kung kalian mas posible
ang pagkakaroon ng pedestrian-related accident, saka naman wala nang Men in Red
na nagbabantay sa lansangan.
Sinagot ito ni Men in Red 2, “Kasi pag 4 na umaalis na kami, wala nang
kapalit sa amin. “ Mahihinuha sa sagot niya na kulang sila sa tao na magbabantay 24
oras buong linggo. Si Men in Red 1 nga sa katunayan ay nagbanggit na “…hindi ko
naman po area ito eh, sa traffic po talaga ako. Syempre gusto ko ng malipat kasi
hindi naman ito yung inapplyan kong trabaho pero sa ngayon wala tayong
magawa kasi sumusunod lang po tayo sa opisina.”
Paghuli sa pedestrian sa pamamagitan ng “Catch me if you can” approach
Nauna na ngang nabanggit na kulang sa tao ang MMDA para magbantay o kaya
naman ay manghuli sa jaywalkers kaya aminado naman sila na hindi nila nahuhuli lahat
ng lumalabag sa batas na ito. Ayon nga kina King et al. (2009), dahil sa sukat ng
populasyon ng pedestrian, maging ang pagkakaiba nila sa katangian gaya ng edad at
pisikal na kakayahan mahirap na matukoy ang pag-uugali ng bawat isa. Ang nangyayari
tuloy sa pagpapatupad ng batas na ito ay hinuhuli lamang nila ang violator na nakita
nila o kaya naman ay nahabol nila.
Ayon nga kay Men in Red 2, ang paraan ng kanilang panghuhuli ay “Halimbawa
kasi, kagaya nyan may tao ka naka-assign dun. Syempre nakikita mo na. Katulad
po nyan marami po (ang tumatawid). Ang tao namin na naka-assign dyan ay iisa
lang. Pag tumawid lahat iyan, hindi mo kayang hulihin iyan. Kaya ang hinuhuli
namin iyong unang tumawid” dahil diumano ay iyong tao na iyon ang pasimuno kaya
marami ang nagsigayahan.
Ang isyu ng “right of way” sa pagitan ng pedestrian at motorist
Ayon kay Norton (2008), ang paggamit ng pedestrian sa crosswalks ay hindi
indikasyon ng kanyang pagiging masunurin bagkus dahil ninanais lamang niya na
maging ligtas buhat sa peligro ng sasakyan. Sapagkat hindi naman natutupad tuwina
ang kasunduan na nararapat magbigay daan ang motorista sa tumatawid na pedestrian
sa crosswalk, nagiging kaakit-akit na opsyon sa pedestrian ang jaywalking dahil hindi
na rin naman nasisiguro na ang paggamit niya ng crosswalk ay magbibigay sa kanya ng
proteksyon mula sa peligro ng sasakyan.
Sa katunayan ayon sa pag-aaral ni Wang (2009), 43% lamang ng mga drayber
ang “fully complied” na ibigay sa tumatawid ang “right of way” sa crosswalk
samantalang 30.7% lang ng mga drayber ang naghihintay na makatapos sa pagtawid
ang pedestrian bago niya paandarin ang sasakyan (De Veasuuse, Kim et al., 1999, na
tinukoy ni Wang, 2009).
Sa Ortigas, 3% o isang partisipante ang nagsabi na ang dahilan ng kanyang pag-
jaywalk ay ang hindi paggalang ng motorista sa “right of way” ng pedestrian kapag
tumatawid sa crosswalk kaya naman wala ring saysay na gamitin pa ito. Kaparehong
tugon din ang ibinigay ng 5% o isang partisipante sa sarbey na isinagawa sa Pasay-
Taft. Sa EDSA-Shaw walang nagbigay ng ganitong kasagutan dahil kung tutuusin, base
sa obserbasyon ng mananaliksik ay wala namang pedestrian lane malapit sa lugar kung
saan nanghuhuli ang Men in Red. Sa halip ay may mga karatula lamang na nagtuturo
kung saan ang tawiran.
Katangian ng kapaligiran/lansangan (social environment)
Isa pa sa mga pangunahing dahilan ng kanilang pag-jaywalk na isinagot ng mga
partisipante sa sarbey ay ang kawalan ng madaming sasakyan noong oras na sila ay
nag-jaywalk at nahuli. Sa Ortigas, anim o 18% ang nagbigay ng ganitong sagot.
Pangkaraniwan na katangian ng halos lahat ng pedestrian ang kanilang “intolerance for
delay” (Wang, 2009). Kaya naman marami sa kanila ang nauudyukan na tumawid
kapag madalang lamang ang dumadaang sasakyan o kaya naman ay sa kanilang
pagtingin ay may sapat na segundo sila sa para bagtasin ang tawiran.
Ang Gap Acceptance Theory (Palamarthy, Mahmassani et al., 1994, an binanggit
ni Wang, 2009) ay nagpapaliwanag lung bakit pinipili ng pedestrian na tumawid sa daan
kapag madalang ang sasakyan kahit pa ipinagbabawal ito. Ayon sa teoryang ito, bago
tumawid ang pedestrian ay nagtatakda ito ng headway o minimum critical gap at safety
margin sa pagitan niya at ng papalapit na sasakyan at tatawid kapag nakita niya na
mayroon siyang sapat na bilang ng segundo para isakatuparang ang kanyang aksyon
(Wang, 2009).
Normatibong Perspektiba: Ang Papel ng Pansariling Pananaw ng Tao sa Hustisya
at Obligasyon sa Pagsunod sa Batas
Self-interest (Pagmamadali)
Naipakita sa sarbey na ang pangunahing rason sa pag-jaywalk ng mga nahuli ay
ang kanilang pagmamadali. Hindi na ito nakapagtataka pa dahil kagaya ng mga
motorista, prayoridad din ng pedestrian na makarating sa kanilang destinasyon sa
pinakamabilis na paraan. Ayon nga kay Norton (2008), ang signal timings ay hindi dapat
balewalain ang indibidwal na interes ng pedestrian dahil kapag nakita ng pedestrian na
hindi na ito tumutugon sa kanyang pangangailangan o pinagdadamutan na siya ng
kanyang ‘free share of street space’, mag-uudyok ito na mag-jaywalk. Tumatawid ang
pedestrian kung saan maginhawa para sa kanya lalo na kung makitid lang naman ang
dapat tawirin, wala masyadong sasakyan, at naantala ang kanyang pagkilos dahil
halimbawa sa kawalan ng pedestrian facilities na papabor sa pangangailangan ng
pedestrian na maiwasan ang pagkaantala.
“Bahala na” mentalidad/risk acceptance
Isinaad sa kaugnay na mga literatura ng pag-aaral na ito na isa sa mga rason
kung bakit hindi sumusunod ang drayber sa batas pantrapiko ay dahil sa kanyang risk
acceptance o pagtanggao sa peligro na maaaring maidulot ng kanyang aksyon.
Halimbawa na rito ang pagtawid sa kalsada nang hindi nag-aalala sa maaring
makasangkutan na aksidente. Bagaman 80% ang nagsabi na nag-aalala sila nab aka
sila ay maaksidente sakaling mag-jaywalk naipakita naman na wala itong kaugnayan sa
kalimitan ng kanilang pag-jaywalk.
Pagiging Patas ng Awtoridad (Teorya ng Distributive Justice at Procedural Justice)
Nabanggit sa instrumental na perspektiba na “catch me if you can” ang nagiging
approach ng Men in Red sa jaywalkers dahil sa kakulangan nila sa tauhan na
magbabantay at dahil na rin sa hirap sa pagdetermina sa pag-uugali ng pedestrian dahil
sa pagkakaiba-iba ng katangian ng bawat isa. Ang nahuli ay kadalasan iniisip na hindi
patas ang naging paghuli sa kanya dahil pinalagpas lang naman din ang pagkakamali
ng iba. Siya lamang ang naparusahan sa pagkakamali na marami din naman ang
gumawa. Ayon nga sa ilang nagbigay komento sa pagkakahuli sa kanila, “Nadamay
lang ako sa mga taong nagjajaywalk” at “Mali ang pagkakahuli dahil hindi naman
ako tumawid o bumaba sa maling babaan”. Ang ilan naman ay binanggit na hindi
naging patas ang pagbibigay-parusa sa kanila (procedural justice) dahil hindi man lang
nakinig sa kanilang katwiran ang Men in Red. Ayon sa kanila “Dapat kinakausap
muna nila bago sila mag-isyu ng tiket na maaari pa nilang pagkakitaan.” Hindi rin
diumano nagiging patas ang kanilang panghuhuli dahil sa kaibahan ng depinisyon ng
kanilang konsepto ng jaywalking sa depinisyon nito na nalalaman ng tao. Ayon sa
kanila “Hindi ko alam na itinuturing na jaywalking ang paglakad sa gilid ng metal
na harang sa labas ng sidewalk” at “Ibinaba lang ako ng driver sa maling babaan”
kaya hindi nila itinuturing na jaywalking ang kanilang ginawa at tiningnan nila ang
kanilang pagkakahuli bilang hindi patas.
Dahil sa pagtingin ng ilang mga nahuli na hindi naging patas ang awtoridad sa
pagbibigay sa kanila ng distributive and procedural justice, mahihinuha na mawawalan
sila ng respeto sa batas na ito at maaari pa na mag-udyok sa kanila na mag-jaywalk sa
hinaharap bilang paggiit sa kanilang pagtingin sa batas na ito bilang hindi patas at
walang saysay.
Pagtingin sa Kaangkupan ng Batas na Ito
Bagaman may ilang pedestrians na ang tingin sa batas na ito ay hindi patas,
naipakita ng resulta ng survey na karamihan ay pabor sa pagbabawal sa jaywalking at
pagpapatupad ng batas laban dito. Ayon sa ilang pedestrians naanggkop ang batas na
ito “…para maiwasan ang mga aksidente sa kalye” at “…para less traffic.”
Pagiging Lehitimo ng Awtoridad ng Men in Red
Naipakita sa resulta ng survey na mayorya ng partisipante ay nagnanais na
ipagpatuloy pa ng Men in Red ang ginagawa nila sa kasalukuyan. Repleksyon ito ng
“legitimacy” na iniaatang ng tao sa kanila. Pananaw ng tao na nag-aapply ang batas
kapag “visible” ang Men in Red. Kapag wala na sila, balik sa dati.
Ebalwayson sa pagpapatupad ng MMDA sa batas na ito
Kahinaan ng MMDA Anti-Jaywalking enforcement strategies
- Continuity sa ipagpapatupad (Lulubog, lilitaw ang pagpapatupad ng batas na ito)
- -Pagkukulang sa pagpapaalam sa tao ng nilalaman ng batas. Nagiging education
campaign ang kasalukuyang panghuhuli.
- -kakulangan sa koordinasyon sa ibang departamento/ahensya na may
responsibilidad sa pedestrian facilities
- -mababaw na pagtingin sa isyu ng jaywalking
- -ebalwasyon sa tagumpay ng kanilang programa ay sa pamamagitan ng dami ng
nahuli, hindi sa pagbabagong naidulot nito
Kalakasan ng MMDA Anti-Jaywalking enforcement strategies
-inaatangan ng “legitimacy” ng pedestrians
- nakakatulong magpamulat sa pedestrians ng peligro ng jaywalking
- nakakatulong maibsan ang masikip na trapiko
Konklusyon
Ang Metro Manila ay malinaw na isa nang “automotive city” sa kasalukuyan.
Napakarami ng sasakyan ang umookupa sa mga lansangan ng Metro Manila at dahil sa
pagtanaw ng Pilipino na ang pag-aari ng isang sasakyan ay hindi na lamang maituturing
na isang luho, at sa pagiging madali na rin ng pagbili ng sasakyan dahil sa kaliwa’t
kanang car loans, hindi na nga kataka-taka na madalas ang masikip na daloy ng trapiko
sa ating mga lansangan. Ayon sa MMDA, ang pagpapatupad nila ng Anti-Jaywalking
law ay para sa kaligtasan ng pedestrians at para maibsan na rin ang trapiko. Iginiit nila
na napapanahon na na muling paigtingin ang pagpapatupad ng batas na ito dahil
napakaraming tao ang binabalewala na lamang ang footbridges.
Bagaman maganda ang layunin ng batas na ito, dahil kung tutuusin mahirap
nang ibalik ang pantay na ‘right of way’ ng pedestrian at motorista sa kalsada dahil una,
sa horsepower pa lamang ng sasakyan, agrabyado na ang isang pedestrian kaya
madali talagang naitataboy ang mga ito buhat sa kalsada. Pangalawa, sapagkat tayo
ngayon ay nasa “motor age” na, hindi na rin maiiwasan na tayo ay sumunod sa mga
batas na naangkop sa panahon na ang awtomobil na ang dominanteng gumagamit sa
mga lansangan. Pangatlo, ang mga kasalukuyang istrukturang pantrapiko sa ating mga
lansangan ay mas paborable para sa mga motorista. Malinaw na ang pagtingin sa
pedestrians, lalo na sa jaywalkers ay tagadulot ng pagsikip ng trapiko kaya nga
mapapansin natin na ang pedestrians ay ihinihiwalay sa kalsada sa pamamagitan ng
footbridge at mga bangketang may rehas na bakal na nagpapaalala na ‘Bawal ang Tao
Dito’.
Lumabas sa aking sarbey na karamihan sa mga nahuli ay pabor sa batas na
nagbabawal sa jaywalking, at nagsabi na dapat na ipagpatuloy ng MMDA ang ginagawa
nila sa kasalukyan. Dapat nga lamang repasuhin ang ilang butas sa batas na ito, gaya
na lamang sa hindi tugmang depinisyon ng jaywalking at mababaw na pagtingin nito sa
isyu ng jaywalking gayong malalim ang ugat nito. Pinagsamang eksternal na salik at
normatibong pagtanaw ng tao sa kanyang pagtanggap sa batas na nagbabawal sa
jaywalking gayundin ang obligasyon niya sa pagsunod ditto ang nagdedetermina kung
bakit patuloy ang pag-jaywalk ng tao.
Dagdag pa rito, upang lalong mapalakas ang batas, tila nararapat lang na may
“corresponding structures” na nakita sa pag-aaral ay nagkukulang, na susuporta rito.
Mainam na pag-aralang mabuti ang mga katangian ng lansangan sa Metro Manila na
nakakapag-udyok ng jaywalking. Gayundin nararapat bigayng atensyon at pondo ang
street facilities na makakapag-promote ng interes ng pedestrian dahil ang Anti-
Jaywalking law ay nararapat lamang na tumupad sa layunin nito na maprotektahan ang
pedestrian nang hindi naman naantala ang kanyang mobilisasyon.
Talasanggunian ADB-ASEAN Regional Road Safety Program. (2004 January). Philippine Road Safety Action Plan. Retrieved October 15, 2012 from http://www2.adb.org/Documents/Reports/Arrive-Alive/Action-Plans/action-plan-07-phi.pdf ADB-ASEAN Road Safety Safety Program. (n.d.) Road Safety in the Philippines. Retrieved October 15, 2012 from http://www.roadsafety.am/publication/pub_int/ctry-rep-07-phi.pdf Arangkada Philippines. (2012, April 19). Traffic Solutions for Metro Manila: A Realistic Approach. Retrieved October 15, 2012 from http://www.investphilippines.info/arangkada/traffic-solutions-for-metro-manila-a-realistic-approach/ Carcamo, Dennis. (2012, June 6). Most road accidents caused by Jaywalking-MMDA. The Philippine Star. Retrieved October 16, 2012 from http://www5.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=200&articleid=814578 Cascaro, Lorie Ann. (2011). Decriminalizing Jaywalking: To be, or not to be?. Edge Davao. Retrieved June 20, 2012 from http://www.edgedavao.net/images/Edge-V3/edge48.pdfwhen? Denison, Charlie. (2012, June 12). Why We Jaywalk (and What We Can Do About It). Somerville Patch. Retrieved from June 20, 2012 http://somerville.patch.com/blog_posts/why-we-jaywalk-and-what-we-can-do-about-it Dubouzet, Joseph. (2011, February 12). Jaywalking… what law? Sun Star Davao. Retrieved June 19, 2012 from http://www.sunstar.com.ph/davao/opinion/jaywalking-what-law Frerichs, R.R. (2008). Simple Random Sampling. Retrieved October 23, 2012 from http://www.ph.ucla.edu/epi/rapidsurveys/RScourse/RSbook_ch3.pdf
Frialde, Mike. (2012, June 8). Men in Red: MMDA Starts Apprehendiing Jaywalkers in Metro Manila. Philippine Headline News Online. Retrieved October 15, 2012 from http://www.newsflash.org/2004/02/hl/hl111869.htm Gordon, Kessiah (2010). Jaywalking: Cannon Fodder for the Urban Lifestyle. Retrieved October 15, 2012 from http://people.lib.ucdavis.edu/~davidm/xcpUrbanFeel/gordon.html Gordon, Matt (n.d.). The Letter of Law vs. The Spirit of Law. Retrieved January 26, 2013 fromhttp://www.lsa.umich.edu/UMICH/orgstudies/Home/Current%20Students/OS%20Honors/Past%20OS%20Honors%20Theses/Matt%20Gordon_Honors%20Thesis.pdf King, Mark J. and Soole, David W. and Ghafourian, Ameneh (2009) Illegal pedestrian crossing at signalised intersections : Incidence and relative risk. Accident Analysis and Prevention, 41(3). pp. 485-490. Retrieved October 15, 2012 from http://eprints.qut.edu.au/28711/1/c28711.pdf Leandro, Mauricio (2011). Ecobehavioral Dimensions of Jaywalking: Jaywalker- Car Collisions as a Function of the Socio-Spatial Context. Dissertation. Retrieved September 23, 2012 from http://udini.proquest.com/view/ecobehavioral-dimensions-of-pqid:2524406221/ Licuanan, Patricia (n.d.). A Moral Recovery Program: Building a People—Building a Nation. Values in Philippine Culture and Education. Retrieved July 13, 2012 from http://www.crvp.org/book/Series03/III-7/contents.htm Macaraig, Mynardo (2011 January 13). Metro Manila Traffic Woes Worsen as Car Sales Boom. ABS-CBN News Online. Retrieved February 21, 2013 from http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/01/13/11/metro-manilas-traffic-woes-worsen-car-sales-boom Mendoza, Aurora. (n.d.). Applications of Psychology to the Understanding and Modification of Road User Behavior. Retrieved October 16, 2012 from http://ncts.upd.edu.ph/old/roadsafety/docs/5th_psychology.pdf Mercado, Leonardo. (1994). The Filipino Mind: Philippine Philosophical Stuides II. Cultural Heritage and Contemporary Change Series III, Asia, Vol. 8. Manila: The Council for Research in Values and Philosophy and Divine Word Publications. Morelos, Miko. (2012, June 6). Scare Tactics for Jaywalkers. The Inquirer News. Retrieved June 20, 2012 from http://newsinfo.inquirer.net/207447/scare-tactics-for-jaywalkers Norton, Peter. (2008). Fighting Traffic: The Dawn of the Motor Age in the American City. London: The MIT Press. Kindle Edition.
Olsen, Wendy. (2004). Triangulation in Social Research: Qualitative and Quantitative Methods Can Really Be Mixed. Developments in Sociology. Retrieved October 23, 2012 from http://ccsr.ac.uk/staff/Triangulation.pdf Patton, Michael Quinn. (1990). Qualitative Evaluation and Research Methods 2nd edition. Newbury Park, London: Sage Publication. Patton, Michael Quinn. (2002). Qualitative Research and Evaluation Methods 3rd Edition. California: Sage Publications, Inc. Regidor, Jose Regin and Tiglao, Noriel Christopher. (2007). Alternative Solutions to Traffic Problems: Metro Manila in Retrospect. Retrieved October 22, 2012 from http://ncts.upd.edu.ph/old/research/docs/research/papers/jrfregidor20070614-WCTR.pdf Saito, Isamu, Imamura, Taiko and Miyagi Mariko. (2010). Filipino Personality Traits and Values for Social Support: FOW as human resources for work life balance in Japan. Retrieved October 16, 2012 from http://ris-shinri.jp/publication/pdf/laboratory/08.pdf Sigua, Ricardo and Palmiano, Hilario Sean. (2005). Assessment of Road Safety in the ASEAN Region. Proceedings of the Eastern Asia Society for Transportation Studies, Vol. 5, pp. 2032 – 2045. Retrieved October 22, 2012 from http://www.easts.info/on-line/proceedings_05/2032.pdf Sulat, Tony. (2012, June 8). Men In Red. Retrieved October 15, 2012 from http://thephilippines.ph/tag/jaywalking/ Tyler, Tom. (1990). Why People Obey the Law. New Haven and London: Yale University Press. U.S. Department of Transportation. (2004). A Review of Pedestrian Safety Research in the United States and Abroad. Georgetown, Vancouver: Research, Development, and Technology Turner-Fairbank Highway Research Center. Retrieved June 15, 2012 from http://www.walkinginfo.org/training/collateral/resources/ReviewofpedsafetyresearchinUSandAbroad.pdf Vanderbilt, Tom. (2009). In Defense of Jaywalking: Banning the Practice Won’t make Pedestrians Safer. In Slate [online]. Retrieved June 15, 2012 from http://www.slate.com/articles/life/transport/2009/11/in_defense_of_jaywalking.single.html Villegas, Dennis. (2010, April 1). Walang tawiran, nakamamatay!. Philippine Online Chronicles. Retrieved July 14, 2012 from http://www.thepoc.net/thepoc-features/buhay-pinoy/buhay-pinoy-features/5410.html
Wang, Roy. (2009). Simulation Based Evaluation on the Effects of Jaywalking. Master’s
thesis. Retrieved September 23, 2012 from
http://www.ce.udel.edu/UTC/Presentation%2009/RoyWang%20thesis.pdf