ang sining ng pagbasa
TRANSCRIPT
Ang Sining ng
PagbasaInihanda nina:Sydel Camille L. Delos Reyes
Shaira G. Bionog
Mga Layunin:1. Naibibigay ang kahulugan,
layunin, kahalagahan, at katangian ng pagbasa
2. Naipapaliwanag ang uri ng pagbabasa
3. Natatalakay ang mga
kasanayang malilinang sa pagbabasa
4. Nailalahad ang mga hakbang at dimensyon sa pagbasa
5. Nasasabi ang mga iba’t
ibang paraan ng pagpapakahulugan sa mga kaisipan.
Kahulugan at Kalikasan ng Pagbasa• Isa sa apat na kasanayang pangwika• Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nalimbag na simbolo
• Proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang sinulat• Isang pangkaisipang hakbangin tungo sa,
pagkilala, pagpapakahulugan, at pagtataya sa mga isinulat ng may-akda.
Proseso sa PagbasaAyon kay William S. Gray (Ama ng Pagbasa):
1. Persepsyon2. Komprehensyon3. Asimilasyon4. Reaksyon
Bakit tayo nagbabasa?
• Upang malibang• Upang humanap ng tiyak na kasagutan sa kanilang mga katanungan• Upang mapaghandaan ang mga talakayan sa klase
Mga Paraan sa Pagbasa
• Malakas• Tahimik• Mabilis• Mabagal
•Malakas malinaw at may kaayusan ang nilalaman ng teksto
ang tindig, lakas ng tinig, tamang bigkas ng mga salita, kontak sa mga tagapakinig,
at tamang paghawak ng aklat ang mga pangunahing kailangan sa ganitong pagbasa
• Tahimik tanging mata lamang ang ginagamit
dapat isaalang-alang ang tamang posisyon ng katawan at ang pook
•Mabilis ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay nakababasa ng 250 – 350 salita bawat minuto
ang magaling na pagbasa ay nasa pagitan ng 500 – 700
salita bawat minuto o kaya’y mas higit pa.
•Mabagal isahang-salitang pagbasa (word-for-word reading)
mabagal na perseptwal na reaksyon
hindi agarang pagkilala at
pagtugon sa babasahin bokalisasyon mahinang mata regresyon na nakamihasnan
kulang sa konsentrasyon
walang praktis sa pagbabasa kawalan ng interes takot na hindi maunawaan ang binabasa kaya matagal ang oras na ibinibigay sa pagbasa ng bawat salita
“habit” na ang mabagal na pagbasa
kahinaan sa ebalwasyon kung ano ang importante sa hindi importante
Mga Teorya sa Pagbasa• Teoryang Bottom-Up• Teoryang Top-Down• Teoryang Interaktib• Teoryang Iskema
• Teoryang Bottom-Up pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response)
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan sa teksto
• Teoryang Top-Down ang pag-unawa ay nagsisismula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa teksto (down)
• Teoryang Interaktib binibigyang-diin ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto
• Teoryang Iskema pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili
ang “background knowledge”ang saligang
kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman
Iskiming (Skimming) pinararaang pagbasa mabilis ang paggalaw ng mata
pahapyaw na pagtingin (glance)
Iskaning (Scanning) paghahanap ng isang tiyak na impormasyon
pag-iimbestiga o paghahanap sa mga pahina ng aklat
Uri ng Pagbasa• Masusing Pagbasa• Masaklaw na Pagbasa• Tahimik na Pagbasa• Mabagal na Pagbasa• Mabilis na Pagbasa
•Masusing Pagbasa tinataglay nito ang pagiging mapanuri at kritikal na pagbasa
•Masaklaw na Pagbasa pag-aaral sa kabuuan ng isang akda
nakatuon sa pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng binasa
• Tahimik na Pagbasa mata lamang ang ginagamit
•Mabagal na Pagbasa sapat na panahon ang dapat sa pagbasang ito
•Mabilis na Pagbasa scanning ito sa Ingles tumutukoy sa pagkuha at pagpili ng mga pangunahin at tiyak na detalye ng pangkaisipan sa akda
Antas ng Pag-unawa1. Unang Dimensyon (Pang-
unawang Literal)2. Ikalawang Dimensyon
(Interpretasyon)3. Ikatlong Dimensyon
(Mapanuring Pag-unawa)
4. Ikaapat na Dimensyon (Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa)
5. Ikalimang Dimensyon (Pagpapahalaga)
• Pang-unawang Literal ang mambabasa ay nasa antas ng paggamit ng “simple recall”
naisasagawa ang sumusunod na kasanayan: pagkilala,
paggunita, at pagbubuo ng kaisipan
• Interpretasyon matapos magbasa at nagkaroon ka sa iyong kamalayan ng mga sariling palagay o hinuha
•Mapanuring Pag-unawa matapos basahin ang akda o anumang sulatin ay nakabuo ka na ng matibay na pagpapasya
• Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa
ang kakayahan mong iugnay sa iyong personal na karanasan, sa mga kasalukuyang isyu at
kaganapan sa lipunan, maging ang sariling kasagutan kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa lugar ng mga tauhan
• Pagpapahalaga alam mo ng ipahayag nang malinaw ang naging damdamin mo sa nilalaman ng seleksyon o akda
Maraming Salamat!!!