ap 7 lesson no. 31-b: nasyonalismo sa indonesia

1
Lesson 31-B: Nasyonalismo sa Indonesia May iba’t-ibang Salik na nakaapekto sa damdaming Nasyonalismo ng Indonesia: Urbanisasyon, Komunismo, Relihiyong Islam, Edukasyon at ang Mass Entertainment. Isa din Salik ay ang pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Dutch sa mga Indonesian kaya umusbong sa kanilang isipan ang pagnanais na makalaya sa mga kamay ng mga Dutch. Budi Otomo – Ito ay tinatawag sa Ingles bilang “The Prime Philosophy”. Ito ay ang kauna-unahang lokal na grupo na naglalayon na makalaya ang Indonesia sa kamay ng mga Dutch. Ito ay naitatag noong Mayo 20, 1908. Ang mga miyembro nito ay ang mga nakakataas na uri sa lipunan, opisyal ng gobyerno at mga intelektwal na tao. Ito ay nalusaw noong taong 1935. Sarekat Islam – Ito ay tinatawag sa Ingles bilang “Islamic Association”. Ito ay unang partido nasyonalista na nakatanggap ng malaking suporta sa masa. Ito ay naitatag noong 1912 ng mga Muslim merchants sa Java. Ang ideyolohiya ng Sarekat Islam ay nakabatay sa mga aral ng relihiyong Islam sa tradisyong moderno. Communist Party of Indonesia – Ito ay ang pinakamalaking non- ruling communist party sa buong mundo. Ang ideyolohiya na ginagamit nila ay ang Communism-Marxism-Leninism. Ito ay dating tinatawag na Indies Social Democratic Association noong 1914. Ang unang henerasyon ng mga komunistang Indonesian ay sinira ng mga Dutch Colonial authorities noong 1927. Idineklara na illegal ang Communist Party of Indonesia noong 1927. Achmed Sukarno – Siya ay ang unang pangulo ng Indonesia, na nanungkulan mula Agosto 18, 1945 hanggang Marso 12, 1967. Siya ang pinuno ng grupong na naglalayon na makalaya sa kamay ng mga Dutch. Siya ang nagtatag ng Indonesian Nationalist Party noong Hulyo 4, 1927, at siya ang nahalal bilang unang pinuno ng organisasyong ito.

Upload: jmpalero

Post on 10-Feb-2017

474 views

Category:

Education


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: AP 7 Lesson no. 31-B: Nasyonalismo sa Indonesia

Lesson 31-B: Nasyonalismo sa Indonesia

May iba’t-ibang Salik na nakaapekto sa damdaming Nasyonalismo ng Indonesia: Urbanisasyon, Komunismo, Relihiyong Islam, Edukasyon at ang Mass Entertainment. Isa din Salik ay ang pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Dutch sa mga Indonesian kaya umusbong sa kanilang isipan ang pagnanais na makalaya sa mga kamay ng mga Dutch.

Budi Otomo – Ito ay tinatawag sa Ingles bilang “The Prime Philosophy”. Ito ay ang kauna-unahang lokal na grupo na naglalayon na makalaya ang Indonesia sa kamay ng mga Dutch. Ito ay naitatag noong Mayo 20, 1908. Ang mga miyembro nito ay ang mga nakakataas na uri sa lipunan, opisyal ng gobyerno at mga intelektwal na tao. Ito ay nalusaw noong taong 1935.

Sarekat Islam – Ito ay tinatawag sa Ingles bilang “Islamic Association”. Ito ay unang partido nasyonalista na nakatanggap ng malaking suporta sa masa. Ito ay naitatag noong 1912 ng mga Muslim merchants sa Java. Ang ideyolohiya ng Sarekat Islam ay nakabatay sa mga aral ng relihiyong Islam sa tradisyong moderno.

Communist Party of Indonesia – Ito ay ang pinakamalaking non-ruling communist party sa buong mundo. Ang ideyolohiya na ginagamit nila ay ang Communism-Marxism-Leninism. Ito ay dating tinatawag na Indies Social Democratic Association noong 1914. Ang unang henerasyon ng mga komunistang Indonesian ay sinira ng mga Dutch Colonial authorities noong 1927. Idineklara na illegal ang Communist Party of Indonesia noong 1927.

Achmed Sukarno – Siya ay ang unang pangulo ng Indonesia, na nanungkulan mula Agosto 18, 1945 hanggang Marso 12, 1967. Siya ang pinuno ng grupong na naglalayon na makalaya sa kamay ng mga Dutch. Siya ang nagtatag ng Indonesian Nationalist Party noong Hulyo 4, 1927, at siya ang nahalal bilang unang pinuno ng organisasyong ito.