ap 7 lesson no. 31-c: nasyonalismo sa myanmar

1
Lesson 31-C: Nasyonalismo sa Myanmar Ang bansang Myanmar ay napasailalim sa kamay ng mga British dahil ito ay malapit sa India, na hawak na ng Imperyong British Noong pagpasok ng ika-19 na siglo, nagsimula na ang damdaming Nasyonalismo sa mga Mamamayan ng Myanmar dahil sa mga polisiya ng administrasyon at pamamalakad ng mga Briton General Council of Burmese Associations – Ito din ay tinatawag na “Great Burma Association”. Ito ay binuo noong 1920. Ang layunin ng organisasyon na ito ay lalong i-presyur ang mga Briton na bigyan na ng karapatang makalaya at makabuo ng sariling pamahalaan ang Burma na hiwalay sa mga British Noong 1920, ang unang protesta ng estudyante sa kasaysayan ng daigdig ay nangyari dahil sa bagong akto na pinatupad ng mga Briton, ang University Act. Ito ay isang akto na nagpapabago sa estado ng Rangoon College patungo sa Rangoon University. Pero nakita ng mga estudyanteng Burmese na ito ay isang exclusionist na akto para sa mga Briton at sa mga mayayamang tao, kaya nagwelga sila. U Ottama – Isa siyang Burmese Theravada Buddhist na monghe at pinuno ng British independence movement noong panahon ng Imperyong British. Siya ang unang tao sa British Burma na nakulong dahil sa isang pulitikong talumpati. Siya ay isang tagasunod ng mga gawain ni Mahatma Gandhi. Siya ay kauna- unahang totoong martir ng Nasyonalismong Burmese Rangoon University Student’s Union – Ito ay isang union na pinangungunahan nina U Aung San, U Nu, U Thein Pe, atbp. Sila ang namuno sa ikalawang malawakang protesta ng mga estudyante laban sa mga British noong 1935. Noong 1936, ang unang conference ng mga estudyante ay isinagawa sa Rangoon. U Aung San – Siya ang tinaguriang “Ama ng Burma” at siya rin nagtatag ng Communist Party ng Burma. Siya ay nag-aral sa Rangoon University. Siya rin ang president ng Anti-Fascist People’s Freedom League, isang kilusang binuo upang kalabanin ang mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Upload: jmpalero

Post on 10-Feb-2017

849 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: AP 7 Lesson no. 31-C: Nasyonalismo sa Myanmar

Lesson 31-C: Nasyonalismo sa Myanmar

Ang bansang Myanmar ay napasailalim sa kamay ng mga British dahil ito ay malapit sa India, na hawak na ng Imperyong British

Noong pagpasok ng ika-19 na siglo, nagsimula na ang damdaming Nasyonalismo sa mga Mamamayan ng Myanmar dahil sa mga polisiya ng administrasyon at pamamalakad ng mga Briton

General Council of Burmese Associations – Ito din ay tinatawag na “Great Burma Association”. Ito ay binuo noong 1920. Ang layunin ng organisasyon na ito ay lalong i-presyur ang mga Briton na bigyan na ng karapatang makalaya at makabuo ng sariling pamahalaan ang Burma na hiwalay sa mga British

Noong 1920, ang unang protesta ng estudyante sa kasaysayan ng daigdig ay nangyari dahil sa bagong akto na pinatupad ng mga Briton, ang University Act. Ito ay isang akto na nagpapabago sa estado ng Rangoon College patungo sa Rangoon University. Pero nakita ng mga estudyanteng Burmese na ito ay isang exclusionist na akto para sa mga Briton at sa mga mayayamang tao, kaya nagwelga sila.

U Ottama – Isa siyang Burmese Theravada Buddhist na monghe at pinuno ng British independence movement noong panahon ng Imperyong British. Siya ang unang tao sa British Burma na nakulong dahil sa isang pulitikong talumpati. Siya ay isang tagasunod ng mga gawain ni Mahatma Gandhi. Siya ay kauna-unahang totoong martir ng Nasyonalismong Burmese

Rangoon University Student’s Union – Ito ay isang union na pinangungunahan nina U Aung San, U Nu, U Thein Pe, atbp. Sila ang namuno sa ikalawang malawakang protesta ng mga estudyante laban sa mga British noong 1935. Noong 1936, ang unang conference ng mga estudyante ay isinagawa sa Rangoon.

U Aung San – Siya ang tinaguriang “Ama ng Burma” at siya rin nagtatag ng Communist Party ng Burma. Siya ay nag-aral sa Rangoon University. Siya rin ang president ng Anti-Fascist People’s Freedom League, isang kilusang binuo upang kalabanin ang mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.