ap 7 lesson no. 31-d: nasyonalismo sa thailand

1
Lesson 31-D: Nasyonalismo sa Thailand Ang bansang Thailand ay ang katanging-tanging bansa sa Timog Silangang Asya na hindi nasakop ng mga Kanluranin dahil sa pagiging buffer state nito o bansang nasa gitna ng dalawang magkaibang kapangyarihan o bansa at dahil din ito sa maayos na paggamit ng diplomasya ng mga hari. Ito ang naging paraan ng Nasyonalismong Thailand. Rama V (Chulalongkorn) – Siya ang ikalimang monarko ng Siam. Ang kanyang pamumuno ay naglalarawan bilang isang panahon kung saan nagkaroon ng modernisasyon ang Siam at nagkaroon ng mga reporma patungkol sa pamahalaan at Panlipunan na pamumuhay. Siya ang nagtatag sa Royal Military Academy noong 1887 upang mas hasain ang mga opisyales na Thai sa paraang katulad ng mga Kanluranin. Siya ang unang haring Siamese na nagpadala ng mga prinsipe sa Europa upang doon sila mag-aral. Siya rin ang nagtatag at nagbukas ng Royal Thai Naval Academy noong Nobyembre 20, 1906 upang mas patatagin ang navy ng Thailand. Siya rin ang nagwaksi sa sistemang pang-aalipin sa Thailand. Gustave Henri Rolin-Jaequemyns – Siya ay isang Belgian diplomat at abogado at naging Ministro sa Loob (Minister of the Interior) mula 1878 hanggang 1884. Siya ay naging advisor ni Haring Chulalongkorn. Rama VI (Vajiravudh) – Siya ay ikaanim na monarko ng Siam. Siya ang panganay na anak ni Chulalongkorn at ni Reyna Saovabha. Siya ang unang edukado sa palasyo sa wikang Siamese at Ingles. Siya rin ang nagtatag ng Boy Scouts ng Siam, pero nawala na rin ito sa mga huling parte ng kanyang pamumuno. Siya rin ang kinikilala bilang “Ama ng Nasyonalismong Thai” dahil sa mga kanyang reporma at magandang pamumuno.

Upload: jmpalero

Post on 10-Feb-2017

399 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: AP 7 Lesson no. 31-D: Nasyonalismo sa Thailand

Lesson 31-D: Nasyonalismo sa Thailand

Ang bansang Thailand ay ang katanging-tanging bansa sa Timog Silangang Asya na hindi nasakop ng mga Kanluranin dahil sa pagiging buffer state nito o bansang nasa gitna ng dalawang magkaibang kapangyarihan o bansa at dahil din ito sa maayos na paggamit ng diplomasya ng mga hari. Ito ang naging paraan ng Nasyonalismong Thailand.

Rama V (Chulalongkorn) – Siya ang ikalimang monarko ng Siam. Ang kanyang pamumuno ay naglalarawan bilang isang panahon kung saan nagkaroon ng modernisasyon ang Siam at nagkaroon ng mga reporma patungkol sa pamahalaan at Panlipunan na pamumuhay. Siya ang nagtatag sa Royal Military Academy noong 1887 upang mas hasain ang mga opisyales na Thai sa paraang katulad ng mga Kanluranin. Siya ang unang haring Siamese na nagpadala ng mga prinsipe sa Europa upang doon sila mag-aral. Siya rin ang nagtatag at nagbukas ng Royal Thai Naval Academy noong Nobyembre 20, 1906 upang mas patatagin ang navy ng Thailand. Siya rin ang nagwaksi sa sistemang pang-aalipin sa Thailand.

Gustave Henri Rolin-Jaequemyns – Siya ay isang Belgian diplomat at abogado at naging Ministro sa Loob (Minister of the Interior) mula 1878 hanggang 1884. Siya ay naging advisor ni Haring Chulalongkorn.

Rama VI (Vajiravudh) – Siya ay ikaanim na monarko ng Siam. Siya ang panganay na anak ni Chulalongkorn at ni Reyna Saovabha. Siya ang unang edukado sa palasyo sa wikang Siamese at Ingles. Siya rin ang nagtatag ng Boy Scouts ng Siam, pero nawala na rin ito sa mga huling parte ng kanyang pamumuno. Siya rin ang kinikilala bilang “Ama ng Nasyonalismong Thai” dahil sa mga kanyang reporma at magandang pamumuno.