ap 7 lesson no. 31-f: nasyonalismo sa vietnam

2
Lesson 31-F: Nasyonalismo sa Vietnam Ang bansang Cambodia ay napabilang sa tinaguriang “French Indochina”, ito ay ang Katawagan sa bansang Laos, Vietnam at ang Cambodia noong Panahon ng Imperyong Pranses. Ang Nasyonalismo sa Vietnam ay may kalakip na iba’t-ibang ideyolohiya upang masuportahan ang iba’t-ibang gawain paukol sa pagpapakita ng Nasyonalismo ng mga Vietnamese Nguyen Van Vinh – Siya ang naglimbag ng Dong Duong Tap Chi (Indochinese Review), isang anti-traditional pero pro-French na journal. Ito ay naging instrumento upang maipalaganap ang maalab na Nasyonalismo ng mga Vietnamese. Ang mga dahilan ng Nasyonalismo sa Vietnam ay ang mga sumusunod: 1. Ang sobrang pagpataw ng buwis sa mga pesante o mga mahihirap na Mamamayan ng Vietnam upang pondohan ang mga maanomalyang proyekto ng mga Pranses 2. Pagkakaroon ng sapilitang paggawa sa mga plantasyon ng mga goma, tsaa at kape 3. Pagpapakilala ng mga French sa opyo na naging dahilan ng pagiging addict ng mga Vietnamese 4. Pagkasira ng tradisyunal na ekonomiya ng Vietnam 5. Pagkakaroon ng sistema ng pampublikong edukasyon na nabigay- daan sa pagkakaroon ng maalab na damdaming Nasyonalismo Thai Nguyen Mutiny – Ito ay isang rebelyon na pinangunahan ni Sergeant Trinh Van Can at kanyang mga sundalo. Ito ay nangyari noong Agosto 31, 1917 sa Tonkin, Vietnam. Pinatay ng mga sundalo ni Van Can ang komander ng mga Pranses at nagnakaw ng mga amunisyon at mga kagamitan. Ngunit noong Setyembre 4, nakuha at Natalo ng mga Pranses ang hukbo ni Sergeant Trinh Van Can kaya napilitan sila umurong sa mga kalapit na mga bundok. Ho Chi Minh (Nguyen Sinh Cung) – Siya ay isang Vietnamese rebolusyonaryo na nanguna sa damdaming Nasyonalismo sa Vietnam.

Upload: jmpalero

Post on 10-Feb-2017

753 views

Category:

Education


20 download

TRANSCRIPT

Page 1: AP 7 Lesson no. 31-F: Nasyonalismo sa Vietnam

Lesson 31-F: Nasyonalismo sa Vietnam

Ang bansang Cambodia ay napabilang sa tinaguriang “French Indochina”, ito ay ang Katawagan sa bansang Laos, Vietnam at ang Cambodia noong Panahon ng Imperyong Pranses.

Ang Nasyonalismo sa Vietnam ay may kalakip na iba’t-ibang ideyolohiya upang masuportahan ang iba’t-ibang gawain paukol sa pagpapakita ng Nasyonalismo ng mga Vietnamese

Nguyen Van Vinh – Siya ang naglimbag ng Dong Duong Tap Chi (Indochinese Review), isang anti-traditional pero pro-French na journal. Ito ay naging instrumento upang maipalaganap ang maalab na Nasyonalismo ng mga Vietnamese.

Ang mga dahilan ng Nasyonalismo sa Vietnam ay ang mga sumusunod:1. Ang sobrang pagpataw ng buwis sa mga pesante o mga mahihirap na Mamamayan ng Vietnam upang pondohan ang mga maanomalyang proyekto ng mga Pranses2. Pagkakaroon ng sapilitang paggawa sa mga plantasyon ng mga goma, tsaa at kape3. Pagpapakilala ng mga French sa opyo na naging dahilan ng pagiging addict ng mga Vietnamese4. Pagkasira ng tradisyunal na ekonomiya ng Vietnam5. Pagkakaroon ng sistema ng pampublikong edukasyon na nabigay-daan sa pagkakaroon ng maalab na damdaming Nasyonalismo

Thai Nguyen Mutiny – Ito ay isang rebelyon na pinangunahan ni Sergeant Trinh Van Can at kanyang mga sundalo. Ito ay nangyari noong Agosto 31, 1917 sa Tonkin, Vietnam. Pinatay ng mga sundalo ni Van Can ang komander ng mga Pranses at nagnakaw ng mga amunisyon at mga kagamitan.

Ngunit noong Setyembre 4, nakuha at Natalo ng mga Pranses ang hukbo ni Sergeant Trinh Van Can kaya napilitan sila umurong sa mga kalapit na mga bundok.

Ho Chi Minh (Nguyen Sinh Cung) – Siya ay isang Vietnamese rebolusyonaryo na nanguna sa damdaming Nasyonalismo sa Vietnam. Siya ay nakatanggap ng edukasyong Pranses at Confucian. Siya ay naging katulong sa mga bansang Estados Unidos at Gran Britanya.

Noong pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, pinaki-usapan ni Ho Chi Minh kasama ang kanyang mga kaalyado ang France, na wakasan na pananakop nila sa Vietnam.

Noong 1924, nakapag-aral si Ho Chi Minh sa Communist University of the Toilers of the East. Ginamit niya ang ideyolohiyang Komunismo sa pag-alab ng nasyonalismo ng Vietnam.

Viet Minh – ito ay isang koalisyon pangkalayaan na binuo noong Mayo 19, 1941. Ang layunin nila ay mapalaya ang Vietnam sa kamay ng mga Pranses, pati na rin ang pagpapalayas sa mga tropa ng Estados Unidos at Timog Vietnam noong Digmaang Vietnam.