ap7 q2 m1 sinaunangkabihasnansaasya v3

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 3,W5-6: Politikal na Pakikilahok Name of Learner: Grade & Section: Name of School: 10

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 3,W5-6:

Politikal na Pakikilahok

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School:

10

00

0

Page 2: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Julieta Tamayo, Wilfredo A. Ello & Pevie P. Gumiala Editor: Tagasuri: Roasario D. Quiñanola Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Oliver A. Manalo Tagapamahala: Virgillio P. Batan Jr. Schools Division Superintendent

Lourma I. Poculan Asst.Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero Chief Education Supervisor, CID Nur N. Hussien Chief Education Supervisor, SGOD Ronillo S. Yarag Education Program Supervisor, LRMS Monina R. Antiquina Education Program Supervisor, EMD, AP Leo Martinno O. Alejo Project Development Officer II, LRMS

Araling Panlipunan – Grade 10

Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikaapat na Markahan – Modyul 3 : Politikal na Pakikilahok Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Zamboanga del Norte, 7100

Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818

E-mail Address: [email protected]

Page 3: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

1

Alamin Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahaok ng mamamayan sa mga

gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan (AP10PNP- IVg-7)

● Naipapaliwanag ang mga gawain na naglalayon ng pakikilahok ng

mamayan sa kabuhayan, politika at lipunan.

● Napahalagahan ang papel ng mamayan sa pakikilahok tungo sa

mabuting pamamahala.

● Natutukoy ang epekto ng pagsasagawa ng participatory governance sa

mamamayan..

Balikan Gawain 1

Panuto: Isulat ang mga dokumento na nakapaloob sa bawat karapatang

pantao batay sa kontekstong historikal sa pangalawang kolum.

⚫ Declaration of the Rights of Man and of the Citizen ⚫ Bill of Rights

⚫ Petition of Rights

⚫ First Geneva Convention

⚫ Universal Declaration of Human Rights

Page 4: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

2

Tuklasin

Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa

mga ito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga larawan.

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan? 2. Ano ang iyong reaksiyon sa larawan?

Suriin

Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto

tungkol sa Politikal na Pakikilahok at pagkatapos mong basahin

ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na

gawain.

Page 5: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

3

Ang politikal na pakikilahok ang paraan na nagbibigay ng kapangyahrihan sa mamamayan para makamtan ang tinatamasang mabuting pamamahala.

Sa katunayan ayon sa artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “ Ang Pilipinas isang estado republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay

angkin ng sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan. Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang estado ay wala

sa pamahalaan at sa mga taong bomoto nito, Sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Katulad ng nabanggit na, ang mga mamamayan ay dapat na aktibong

nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at mga mamamayan ang

soluyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan mangyayari lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan at mas mahalaga

rito ang pagtugon mismo ng mamamayan, isa na rito ang pakikilahok sa gawaing politikal, may ibang paraan para maging makilahok dito tulad ng pagboto ang pinakapayak na

paraan ng pakikilahok o maaaring sa mga masidhing mga aksiyon para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. Ang pagboto ay isang obligasyon at

karapatang polotikal ayon sa Atikulo V ng saligang batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay a.) mamamayan ng Pilipinas, b.) Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng

batas c.) 18 taong gulang pataas, d.) tumira sa Pilipinas nang higit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bomoto

Nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon. Sa pamagitan ng pagboto, dito maipakita ng mamamayan na siya ang pinanggalingan ng kapangyarihan ng mga halal na

opisyal na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa pwesto kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kinilang sinumpaang tunkulin. Sa pamamagitan ng pagboto,

tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan. Ayon nga sa constitustionalist na si Fr. Joaquin Bernas(1982), ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa

mga opisyal para mamuno bagkos ang nag pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.

Mga Diskwalipikadong bomoto 1.)Ang mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makabuto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niya matapos ang parusang inihatol sa kanya. 2.) Mga taong nasentinsyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-suversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. 3.) Mga taong idiniklara ng mga eksperto bilang baliw. Paglahok sa Civil Society

Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkakaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ang pagboo ng mga samahang direktang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan na tinatawag na civil society. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Government Organization, Peoples Organizations. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at magiit ang accountability( Kapanagutan) at transparency(katapatan) mula sa estado( Siliman,1998).

Sa katunayan kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran: “ the state encourage non-govenrmental, community based or sectoral organizations to effetive and reasonable participation at all levels of social, politikal and economical decision making”.

Page 6: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

4

Ang mga bomoboo ng civil society ay nahahati sa dalawang katigorya: ang mga grassroots organizations o people’s organizations(POs) at ang non- government organizations (NGOs). Ang mga POs ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito tulad ng sectoral group kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda at mga cause-oriented group. Sa kabilang banda, ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s organization.

Magkakaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan ngunit magkapariho naman ang kanilang gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya, sa pagsasagawa ng mga kampaniya at lobbying at pakikilahok sa gawain sa lipunan.

Sa Pilipinas, nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Noong ika-21 ng Agosto 1983, umusbong ang mga samahang direktang tumutuligsa sa pamahalaan. Tulad ng Justice for Aquino, Justice for All(JAJA), Kongreso ng mga mamamayang Pilipino( KOMPIL) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Ayon sa Local Government Code of 1991, kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilunsad nito. Sinasaad din sa batas na ito ang paglunsad ng mga local development council sa bawat lokal na pamahalaan. Layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan. Isa itong patunay na hindi lamang nililimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa. Tungkulin ng NGO at PO

Maraming iba’t ibang NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at may kani-kaniyang tungkulin.(Putzel, 1998).TANGOs ( Traditional NGOs)- nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap; FUNDANGOs ( Funding-Agency NGOs)- nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan; DJANGOs(Development, justice, and advocacy NGOs)-nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay na ligal at medikal na serbisyo; PACO(Professional, academic and civic organizations)- binubuo ng mga professional at ng mga galing sa sektor ng akademiya; GRIPO(Government-run and inititated by POs)- mga POs na binuo ng pamahalaan; GUAPO(Genuine, authonomous POs)- itinatayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.

Ayon kay Larry Diamond(1994) mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa ganitong samahan dahil patunay ito ng mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba at pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao. Mga Tatlong mahalagang tungkulin ng NGO at PO

Una, ang paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan; Pangalawa, nagsasagawa ng mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan; Panghuli, malaki ang papel ng samahang ito sa derektang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga naisip na programa at batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan.

Page 7: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

5

Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa

mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa. Una, binubuo ng Economist Unit. Pinag-aralan nito ang ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo batay sa limang kategorya tulad ng electoral Process, civil liberties, functioning of government, polotical participation, at political culture.

Ang Pilipinas ay itinuturing na flawed democrascy. Ibig sabihin may malayang halalan ang nagaganap at nererespeto ang mga karapatan ng mga mamamayan nito. Pinakamalaking hamon na kinakaharap ng mga Pilipino ay ang katiwalian o korapsyon sa paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. Ayon ky Co at mga kasama(2007) ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan, at bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, pagbibigay ng disisyon at kawalan ng kapanagtan. Hindi maganda ang estado ng pilipinas kung katiwalian ang pag-uusapan. Ang Corruption Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian ng isang bansa. Tong 2016 nakakuha ng pinakamataas ,90/100 ang marka ng bansang Denmark at New Zealand samantalang ang Somalia naman ang nakakakuha ng pinakamababang marka na 10/100. Ang pilipinas ay nakakakuha lamang ng markang 35/100 at ika 101 sa 176 bansa sa mundo. Maituturing ng pagsusuri ng transparency International na ang dahilan ng mababang marka sa Asya-Pasipiko ay ang hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan, at lumiit na espasyo para sa civil society. Kaya naman mahalaga sa ngayon na kumilos ang mamamayan para tugunan ang mga isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan ang pagbabagong ating hinahangad. Participatory Governance. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng solusyon sa suliranin ng bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamahalaan dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov & Sisk, 2003)

Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan , civil society at mga mamamayan na isang mahalagang elemento ng isang demokrasya at mabuting pamamahala. Isang paraan ng participatory governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan halimbawa nito ay pagdalo sa mga public hearing, pagsasagawa ng mga survey, at pagsama sa mga mamamayan sa mga consultasyon tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Sa paraang ito, magkatuwang na ginagawa ng mamamayan at pamahalaan ang mga programa nito at ,maituturing na pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa nito (Koryakov & Sisk,2003).

Pagsasagawa ng participatory Governance Ang sumusunod ay dalawang halibawa kung paano isinasagawa ang participatory

Governance. Ang isa ay mula sa Porto Alegre, Brazel at ang ikalawa naman ay kung paano ito isinasagawa sa ating bansa.

Page 8: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

6

Case Study #1: PorPapel ng mamamayan sa pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala Taong 1989 nang nagpasimula ng pamahalaang lokal partikular na ang participatory

budgeting. Isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan sa pagbalangkas ng badyet. Sa pamamagitan nito, naiparating ng taumbayan ang kanilang pangangailangang nararapat paglagakan ng sapat na badyet. Nagkakaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala.. Taliwas sa tradisyonal na proseso na ang nasa pamahalaan lamang ang magdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat paglaanan ng sapat na pundo. Hinati ng pamahalaan ang lungsod salabing-anim na regional assemblies at mga thematic assemblies. Ang una ay batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli naman ay mga asembliyang nakatuon sa partikular na aspekto ng lipunan; pampublikong transportasyon, kultura, pagbubuwis at kaunlaran, edukasiyon, urban, social development at kalusugan. Proseso ng Participatory budgeting

Maraming hakbang ang isinasagawa ng participatory budgeting sa Porto Alegre, Brazil. Mayroon ito ng tatlong elemento: ang regional/Thematic Assemblies, For a Delegates, at Council of Participatory budgeting. Makikita sa tatlong ito ang papel ng mamamayan sa pagbuo ng badyet ng Porto Alegre.

Ang mga nahalal na miyembro ng Fora at Delegates ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga mamamayan at sa Council ng Participatory Budgeting. Kanila ring subaybayan ang pagpapatupad ng inaaprobahang investment plan.Tungkulin rin ng mga miyembro ng COP ang pagtatakda ng mga pamantayan sa pag-alam kung saan ilalagak ang pondo ng kanilang lunsod. Nagdudulot to ng pag-unlad sa antas ng pamumuhay ng kanilang mamamayan.Nakapagbigay rin ng mas maraming serbisyo ang pamahalaan lokal sa mamamayan tulad nang mas maayos na pangungulikta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay ng mga ilaw sa daan, bumaba ang antas ng mortality rate at maging ang bilang ng mga natigil sa pag-aaral.Nakabuti sa pamumuhay nila dahil ang pundo ng bayan ay inilagak sa mga proyektong pinakakailangan ng mamamayan. Case Study #2: Participatory Governance ng Pilipinas

Ang Local Government Code of 1991 ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala(Blair,2012)Binaba ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan ang ilang tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad ng serbisyo sa kalusugan, edukasyon, imprastruktura at mga pampublikong pamilihan. Binibigyang diin na hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksiyon sa halip ay isang pang-araw-araw na tungkulin sa bawat isa sa atin. Isa sa magandang halimbawa ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde nito, ang yumaong Kng. Jesse Robredo noong 1995 nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nag-anyaya sa lahat na mga NGO sa bayan na lumahok sa Naga City People’s Council. Mula sa mga miyembro ng NGO ay pipili ang konseho na mga magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing -apat na espesyal na kawanihan ng lokal na pamahalaan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa talakayan, bomoto, magpanukala sa mga batas at ordenansa sa mga komite ng konseho(Blair 2012)

Bukod dito, nagpapatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga programa tulad ng productivity improvement program na nag-ayos sa benepisyo na makukuha ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Pinatatag ang Merit & Promotion Board ng lungsod upang maalis ang patronage system. Ang participatory governance ng Naga ay nakaangkla sa sumusunod na prisipyo( ANGOC,2016):

* Progressive development perspective- tumutukoy sa paniniwalang kayang magbago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.

*Functional partnerships- Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na ang mga opisyal nito sa pagbabago ng programa para sa mamamayan.

*People’s participation- kinikilala nito ang mga napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung walang suporta ng mamamayan.

Page 9: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

7

Gawain 1

Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang dalawang paraan ng

pakikilahok ng mamayan sa pamamahala. Sa bilang na 2

ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.

Gawain 2

Panuto: Itala mo sa baawat kahon ang iba’t ibang uri ng NGO at

PO sa Pilipinas na may kanya-kanyang tungkulin sa bayan.

Pagkatapos, sagutan mo ang mga sumusunod na katanungan.

Isulat ito sa iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan.

1. Ano-ano ang mga civil society organization na matatagpuan sa

inyong komunidad?

2. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?

3. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito?

Page 10: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

8

Pamprosesong mga Tanong

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.

4. Ano-ano ang mga civil society organization na matatagpuan sa

inyong komunidad?

5. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?

6. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito?

Gawain 3 Panuto:Tukyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na

pangungusap

________ 1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos

protesta,mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.

________ 2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.

________ 3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga grassroots organization.

________ 4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga

NGO at PO.

_________5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para

tumulong sa mga nangangailangan. _________6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay

ng ligal at medikal na mga serbisyo. _________7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.

_________8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.

_________9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit ang

kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.

_________10.Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng kababaihan at

kabataan. Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong mga gawain ang naglalayon ng mahalagang

konsepto ng politikal na pakikilahok?

2.Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa mga samahan?

3.Ano-ano ang mahalagang tungkulin ng mga NGO at Po sa Pilipinas sa kasalukuyan?

Page 11: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

9

Pagyamanin

Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat

ang iyong sagot sa sagutang kawaderno sa Araling Panlipunan 10.

1. Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan bilang obligasyon at karapatang politikal.

P__ G __ __ __ O

2. Sa kanila nagmula ang lahat na mga awtoridad ng pamahalaan.

__ __ __ B A __ __ Y __ N

3. Ito ay tumutukoy sa isang sektor na lipunan na sa hiwalay sa estado.

C __ V __ L __ O __ __ __ T __

4. Binuboo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang

pagkilos at non-government Organizations/People’s Organizations.

__ __ __ I __ S __ C __ __ __ Y

5. Isang mahalagang paraang mamamayan para maisakatuparan ang ating iginiit

na pagbabago sa pamahalaan.

P __ __ T I __ __ P __ __ O __ __ G __ __ __R __ __ __ E

6. Tumutukoy sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino na makikita sa

Artikulo III ng 1987 Saligang batas.

B __ __ L OF __ __ G __ __ S

7. Isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa

kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo.

__ E M __ C R __ __ Y IND __ X

8. Layunin nito ay ang makapagbigay ng kapangyarihan sa mga

makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.

__ AGB __ T __

9. Esensiya ng demokrasya sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa

pagboto.

P __ K __ K __ __ __ H __ __

10. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at

magiit ang accountability o( kapanagutan )at _____________ mula sa estado.

KA __ __ P__ __ AN

Gawain.One Minute Essay

Panuto: Gamiting gabay ang sumusunod na katanungan sa

pagsulat ng iyong one-minute essay.

Page 12: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

10

Gawain: Compare and Contrast Matrix

Kumpletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng participtory

governance na ginawa sa Porto Alegre,Brazil at sa Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang

mga criteria na nasa unang kolum sa paghahambing sa dalawang paraa ng participatory

governance.

Pamprosesong mga tanong

1. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang paraan ng participatory governance ng Porto

Alegre at lungsod ng Naga?

2. Ano ang kalakasan at kahinaan ng dalawang paraan ng participatory governance?

PORTO ALEGRE( BRAZIL) LUNGSOD NG NAGA

(PILIPINAS)

Layunin

Paraan ng Participatory

Governance

Epekto

Papel ng mamamayan

Papel ng Pamahalaan

Page 13: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

11

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa Araling Panlipunan.

1.Ano ang naging epekto ng pagsasagawa ng participatory governance sa

mamamayan sa mga lugar na nagsasagawa nito? 2.Bakit mahalagang ang papel ng mga mamamayan sa pakikilahok sa pamamahala ng isang komunidad?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong

na may kaugnayan sa politikal na pakikilahok. Isulat ang titik na

tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan. Bilang regalo sa

kaniyang sarili, nagtungo siya sa COMELEC (Commission on Elections) sa kanila upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar.

Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan? A. Magparehistro at bumoto

B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

2. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong

samga programa ng mga grassroots organization? A.civil society C. people’s organization B. non-governmental organization D. trade union

3.Ano ang binalangkas na karapang pantao sa UDHR?

A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR. B. Ang mga karapatang pantao ay nakatala sa UDHR. C. Nakapaloob sa UDHR ang pagpapahalaga nito sa mga karapatan ng mga bata.

D. Limitado ang karapatanng mga bata batay sa UDHR.

4.Si Lina ay isang magsasaka na mag isang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang samahan na nagtataguyod sa mga magsasakang katulad niya. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations

B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

Page 14: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

12

5.Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong. Anong proseso ang ipinapakita ng

diyagram?

A. Participatory Budgeting ng Naga B. Participatory Governance ng Naga

C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre

6.Basahin at unawain ang talata sa ibaba:

Dahil mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang payo ng aking magulang, Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,

Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan

Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Makabayan. Anong katangian ng

isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?

A. produktibo C. mapanagutan B. makatao D. malikhain

7. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil

dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?

A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan. B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging produktibo at makiisa sa mga

produktibong gawain. C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na

nagaganap sa lugar. D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan.

8.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?

A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upanmapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.

B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon. C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa.

D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

NGO

People’s

Council

Paglahok sa iba’t ibang

konsehong panlungsod

Paglahok sa

talakayan, pagpanukala, at pagboto sa mga

batas

Page 15: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

13

9.Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?

A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.

B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang participatory governance.

C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito.

D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.

10. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?

A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.

B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga

karampatang solusyon sa hamon ng lipunan. C. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa

mga opisyal ng pamahalaan. D. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan.

11. Anong sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta,mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.

A. CPAR B. Civil Society C. PO D. FAR

12. Anong POs ang itinatayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan?

A. GUAPO b. GRIPO C. TANGOs d. PACO

13.Ang sumusunod ay mga mahalagang tungkulin ng NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan maliban sa isa. Ano Ito?

A. Paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan.

B. Nagsasagawa ang mga NGO ng pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban

C .Diriktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang kanilang mga hinaing.

D. Nakikipaglaban para sa sariling kapakanan.

14. Alin sa sumusunod ang mayroong adbokasiyang pagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo?

A. TANGOs B. FUNDANGOs C. DJANGOs D. Pos

15. Anong mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang igigiit na pagbabago sa pamahalaan?

A. Participatory governance C. Humungi ng tulong sa pamayanan

B. Pagboto sa mayayaman D.Pagtulong sa nangangailangan

Page 16: ap7 q2 m1 SinaunangKabihasnanSaAsya v3

14

Karagdagang Gawain Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang kuwaderno sa

aralingpanlipunan

1. Paano matiyak ng mamamayan kung nananaig ang good governance sa isang lipunan?

Susi sa Pagwawasto

Tayahin 1. A

2. B 3. C 4. D

5. B 6. C

7. D 8. A 9. D

10.B 11.B 12.A

13.D 14.C

15.A

Gawain 3

1. Civil Society 2. POs 3. NGOs

4. Local Gov”t Code of 1991

5. FUNDANGOs 6. DJANGOs 7. PACO

8. GRIPO 9. Local Dev’t Council

10.POs.

Pagyamanin

1. Pagboto

2. Sambahayan 3. Civil society 4. Civil society

5. Participatory governance

6. Bill of Rights 7. Democracy Index

8. Pagboto 9. Pakikilahok

10.Katapatan

Balikan 1. Petition of Rights 2. First Geneva

Convention 3. (UDHR) Universal Declaration of Human

Rights 4. Bill of Rights

5. Declaration of the Rights of Man & of the Citizen