aralin 6~ bayang nagdurusa
DESCRIPTION
Acknowledgements: Nikoru M.TRANSCRIPT
Aralin 6: Bayang Nagdurusa
ASKALS (Pangkat 1)
Pang-unang Pagsusulit
Direksyon: Isulat sa puwang ang inilalarawan sa bawat pahayag.
________1. Reynong kasamaan ang namamayani.________2. Taong may hangarin sa korona at
yaman ng bayan ng bayan ni Florante.________3. Ang ginagawa sa mga magagaling at
mababait.________4. Ang hinihiling ni Florante sa Diyos.________5. Ang isinubsob sa mga taong sukab
na may asal-hayop.
Nilalaman
11 Dangan doo’y walang Oreadas Ninfas, gubat na Palasyo ng masidhing Harpiasnangaawa disi’t naakay lumiyagsa himalang tipon ng karikta’t hirap.
12 Ang abang uyamin ng dalita’t sakit –ang dalawang mata’y bukal ang kaparis;sa luhang nanatak at tinangis-tangis,ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
Nilalaman
13 “Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?
ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;bago’y ang bandila ng lalong kasam-ansa Reinong Albania iwinawagayway
14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi,kaliluha’y siyang nangyayarinng hari,kagalinga’t bait ay nalulugami,ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Nilalaman
15 “Ang magandang asla ay ipinupukosa laot ng dagat ng kutya’t linggatong;Balang magagaling ay ibinabaonAt inililibing na walang kabaong.
16 “Ngunit ang lilo’t masasamang-loobSa trono ng puri ay iniluklok;At sa balang sukab na may asal-hayopMabangong insenso ang isinubsob.”
Nilalaman
17 Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayoat ang kabaita’y kimi’t nakayuko;santong katuwira’y lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo
18 “At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan,Agad binibiyak at sinisikanganNg kalis ng lalong dustang kamatayan.”
Nilalaman
19 “O, taksil na pita sa yama’t mataas!O, hangad sa puring hanging lumipas!ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahatat narinig nasapit na’kahabag-habag.
20 “Sa korona dahila gn Haring Linceoat sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,ang ipinangangahas ng Konde Adolfosabugan ng sama ang Albaniang Reyno
Nilalaman
21 “Ang lahat ng ito, maawaing Langit, iyong tinutungha’y ano’t natitis?mula Ka ng buong katuwira’t bait,pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
22 “Makapangyarihang kamay Mo’y ikilos,papamilansikin ang kalis ng poot;sa Reynong Albania’y kusang ibulusokang Iyong higanti sa masamang-loob
Nilalaman
23 “Bakit kalangita’y bingi Ka sa akin,ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?diyata’t sa isang alipusta’t iring,sampung tainga Mo’y ipinangunguling
24 “Datapwat sino ang tatarok kayasa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?walang nangyayari sa balat ng lupa,di may kagalingang Iyaong ninanasa.
Nilalaman
25 “Ay! Di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tingis-tangis,kung ayaw na ngayong diringgin ng Langitang sigaw ng aking malumbay na boses!”
A. Pagpapaunload ng Talasalitaan
Direksyon: Piliin ang mga salitang magkatulad ang kahulugan sa bawat pahayag. Salungguhitan ang mga ito pagkatapos ay gamitin sa sariling pangungusap.
1. Kagalinga’t bait ay nalulugamiininis sa hukay ng dusa’t pighati
2. Nguni, ay ang lilo’t masamang loobsa trono ng puri ay iniluklok
3. Sanotng katuwira’y lugami at hapoang luha na lamang ang pinatutulo
4. Agad binibiyak at sinsikanganng kalis ng lalong dustang kamatayan
5. Kaliluha’t sama ang ulo’y ngatayoat ang kabaita’y kimi’t nakayuko
B. Pagpapalawak sa Teksto
1. Ano ang naghahari sa bayan ni Florante? Ibigay ang mga saknong na magpapatunay na iyong kasagutan.
2. Anu-ano ang mga kinsangkapan ni Adolfo sa pagsasabog ng sama sa Albania? Bakit niya ito ginawa?
3. Ipaliwanag ang nangyayari sa isang bayan kapag kasamaan ang namamayani.
4. Kanino humihingi si Florante ng tulong?5. Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos na
makaranas ng kasamaan ang isang bayan tulad ng Albania?
C. Pagbibigay ng Mungkahi
Mga dapat malaman sa pagbibigay ng mungkahi:› Dapat may sapat na kaalaman sa isyu o problema› Maging mapanuri o objective sa pagtingin at pag-unawa
sa suliranin› Gumamit ng ekspresyon na nagsasaad ng
pagmumungkahi tulad ng Maaari po ba akong makapagmungkahi… Mas mabuti siguro kung… Sa aking palagay, bakit di natin… Batay sa, aking mga nabasa at narinig, mas angkop na… at
iba pa› Isaalang alang ang mga damdamin ng mga taong
binibigyan ng mungkahi› Alaalahanin na ang layunin mo ay makatutulong
Tayutay na Paradoks o Pabaligho
Ito ay isang uri ng tayutay na nagpapahayag ng isang bagay na taliwas na pagkukro ngunit nagaganap
Ito ay pahayag na tila salungat sa likas na tunay na pag-iisip subalit nagpapakita ng katotohanan.
Suriin at hanappin ang mga pahayg na waring salungat sa likas na pag-iisip ngunit nagsasaad ng katotohanan.
Saknong 13“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?
ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;bago’y ang bandila ng lalong kasam-ansa Reinong Albania iwinawagayway
Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________________
Suriin at hanappin ang mga pahayg na waring salungat sa likas na pag-iisip ngunit nagsasaad ng katotohanan.
Saknong 15“Ang magandang asal ay ipinupukolSa laot ng dagat ng kutya’t linggatong,Balang magagaling ay ibinabaon.At inililibing nang walang kabaong
Sagot:
_____________________________________________________________________________________________________________________
Gumawa ng pangkat sa lima. Gumawa ng isang grid na nagpapakita ng krimen at sanhi nito. Pagkatops, bilang isang kabataan, mamungkahi ng posibleng solusyon sa mga naitalang problema. Iulat sa klase.
Krimen/Kasamaan Sanhi Posibleng Solusyon
Panghuling Pagsusulit
A. Direksyon: Isulat ang salitang dapat ipuno sa patlang.
1. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi __________ siyang nangyayaring hari.”
2. “Ngunit, ay ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay __________.”
3. “At ang balang bibig na ___________ ng sabing magaling at katotohanan.”
4. “Sa korona dahil ng Haring Lincco at sa __________ ng dukeng ama ko.”
5. “Ang lahat ng ito, maawaing ___________, tinuitunghaga’y ano’t natitis?
B. Basahin at suriing mabuti ang bawat saknong. Hanapin ang ginagamit na paradoks sa saknong. Salungguhitan ang mga ito.
Saknong 16“Ngunit ang lilo’t masasamang-loobSa trono ng puri ay iniluklok;At sa balang sukab na may asal-hayopMabangong insenso ang isinubsob.”
B. Basahin at suriing mabuti ang bawat saknong. Hanapin ang ginagamit na paradoks sa saknong. Salungguhitan ang mga ito.
Saknong 18“At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan,Agad binibiyak at sinisikanganNg kalis ng lalong dustang kamatayan.”