araling panlipunan private schools

59
ARALING PANLIPUNAN Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo

Upload: jose-salangsang

Post on 24-Oct-2015

499 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

araling panlipunan

TRANSCRIPT

ARALING PANLIPUNAN

ARALING PANLIPUNANInihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo

ANO ANG ARALING PANLIPUNAN?Ito ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isat isa, ang kanilang paniniwala at kultura upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigdig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasiya, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at mabisang komunikasyon

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO SA SIBIKA AT KULTURA (I-III)

Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa; may pagmamalaki sa mga pambansang pagkakakilanlan; nagtatamasa ng mga karapatan at gumaganap ng mga tungkulin bilang Pilipino; may positibong saloobin tungo sa paggawa; may kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran; at may kasanayang makatugon sa mga hamon ng pagbabago ng daigdig

PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (K-3)Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan at komunidad at mga batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon tungo sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa sarili at kapaligiran bilang kasapi ng isang lipunan na may karapatan at pananagutan sa sarili sa kapwa at kapaligiran

INAASAHANG BUNGA SA UNANG BAITANG (SIBIKA AT KULTURA I )

Nagkakaroon ng kamalayan bilang Pilipino na may paniniwala sa Diyos at pagpapahalaga sa kagandahan at kalikasan ng bansa at sa mga karapatang tinatamasa at mga tungkuling dapat gampanan bilang kasapi ng mag-anak, pamayanan at bansa.

GRADE LEVEL STANDARD (GRADE I)

Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pag-unawa sa batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng tahanan at paaralan.

PAKSA SA SIBIKA AT KULTURA I

Pambansang PagkakakilanlanPambansang PagkakaisaPambansang Katapatan

PAKSA SA ARALING PANLIPUNAN GRADE I

Ako ay NatatangiAng Aking PamilyaAng Aking PaaralanAko at Aking Kapaligiran

BILANG NG ORAS SA PAGTUTURO

40 Minuto sa Loob ng Limang (5) Araw

MGA TEMATao, Kapaligiran at LipunanPanahon, Pagpapatuloy at PagbabagoKultura, Pagkakakilanlan at PagkabansaKarapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan

MGA NILALAMAN NG MODYUL

YUNIT I: AKO AY NATATANGIPANIMULASa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang ibat-ibang bagay na nagpapakilala sa kanilang sarili at nagpapatunay na sila ay natatangi. Mauunawaan din nila ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang sariling buhay at paghahambing nito sa buhay ng kanilang mga kamag-aral. Mapapahalagahan din nila ang kanilang sarili bilang bata na may taglay na natatanging katangian at pangarap.MGA PANIMULAUnang Markahan- 13 layunin-Pagkilala sa Sarili*Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,kaarawan, edad, tirahan, paaralan *Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) *Nakagagawa ng simpleng graphic organizer ng batayang impormasyon *Nasasabi ang sariling pangangailangan* Nailalarawan at naiguguhit ang pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid, kamag-anak, kulay, pagkain, damit, laruan, lugar

Unang Markahan-Ang Aking Kwento*Nakabubuo ng inilarawang timeline tungkol sa sariling buhay*Nababasa ang timeline at nakapagsasalaysay ng buhay base rito*Nakapagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod*Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay at sa personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad*Naihahambing ang sariling kwento o karanasan ng mga kamag-aralUnang Markahan-Pagpapahalaga sa Sarili*Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili*Nakapagsasaad ng mga pangarap o ninanais para sa sarili sa pamamagitan ng graphic organizerNaipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga personal na pagnanais para sa sarili

MGA KASANAYANG MALILINANGKomunikasyon - Pagbabahagi ng impormasyon -Pagsasalaysay -Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay -Pakikipanayam - Pagguhit

Mapanuring Pag-iisip

-pagsusuri-paghahambing-pagbubuo ng timeline

Malikhaing Pag-iisip

-paggawa ng collage-pagguhit

Pagpapahalaga

-paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa-pakikiisa ng mga pangkatang Gawain-pagtapos sa gawain sa takdang-oras

Paglahok-pagsasadula -paglalaro--pagsali sa talakayan

YUNIT 2: ANG AKING PAMILYA

Sa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang ugnayan sa mga grupong kanilang kinabibilangan. Pangunahin sa mga grupong ito ang kanilang pamilya. Matutukoy at mailalarawan rin nila ang mga kasaping bumubuo sa kanilang pamilya at ang ibat ibang gawain ng mga kasapi. Mapapahalagahan din nila ang pagsunod sa ibat ibang ibang alituntunin ng pamilya. IKALAWANG MARKAHANLAYUNIN-25- Pagkilala sa mga Kasapi ng PamilyaNatutukoy ang mga kasapi ng pamilyaNailalarawan ang bawat kasapi sa pamamagitan ng isang likhang siningNaipakikita ang ibat ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng isang concept map o graphic organizerNakabubuo ng sariling kwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng mga kasapi ng pamilyaIKALAWANG MARKAHAN- Ang Kwento ng Aking Pamilya*Nakagagawa ng family tree at/o album ng pamilya*Nakabubuo ng inilarawang timeline ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya*Nakapagsasalaysay ng kwento ng pamilya batay sa timeline*Natutukoy ang mga nagbago at patuloy na tradisyon o nakagawiang gawain ng pamilya*Napaghahambing ang mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon*Nakapaghahambing ng kwento ng sariling pamilya sa kwento ng pamilys ng mga kamag-aral*Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilyaIKALAWANG MARKAHAN-Mga Alituntunin sa Pamilya*Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya*Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba-ibang sitwasyon ng pang-araw-araw na buhay ng pamilya*Naikakategorya ang ibat ibang alituntunin ng pamilya*Nauunawaan ang batayan ng mga alituntunin ng pamilya *Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga kamag-aral*Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya

IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya*Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya*Nakaguguhit ng larawan ng sariling pamilya upang makabuo ang klase ng malaking mosaic*Nailalarawan ang batayang pagpapahalaga ng pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga ito*Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya

IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya*Naihahambing ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya*Nakalalahok sa pagbuo ng consensus sa klase tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya*Nakapagbibigay ng halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya*Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kabutihan ng mabuting pag-uugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya

MGA KASANAYANG MALILINANGKOMUNIKASYON

Pagbabahagi ng impormasyonPagsasalaysayPakikinig sa paliwanag, kwento at salaysayPakikipanayamPagsusulat/pagbuo ng lihamPagsusulat ng impormasyon sa chart

MAPANURING ISIPPagsusuriPaghahambingPagbubuo ng timelinePagbubuo ng bar graphPagpapangkat ng mga impormasyonPagsusuri ng mga larawan

MALIKHAING PAG-IISIPPaggawa ng puppetPagguhitPaggawa ng family treePaggawa ng mosaic

PAGPAPAHALAGAPagkilala sa mahahalagang bahaging ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilyaPaggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwaPakikiisa sa mga pangkatang gawainPagtapos sa gawain sa takdang orasPAGLAHOKPaglalaroPakikilahok sa talakayanPagbabasa/pagbibigkas ng tulaPag-awitPagsasadula

YUNIT 3ANG AKING PAARALANPANIMULASa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila.

Mapahahalagahan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mga mag-aaral na matukoy at makasunod sa ibat ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi- isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.Mauunawan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan.

Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.LAYUNIN-19IKATLONG MARKAHANPagkilala sa Aking PaaralanNasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan:pangalan nito, lokasyon, mga bahagi nito at taon ng pagkatatag nito/edadAng Kwento ng Aking PaaralanNailalarawan ang ang timeline ng paaralan o album ng mga larawan ng paaralan sa ibat ibang panahon Ako Bilang Mag-aaraL;Nasasabi kung bakit nag-aaral

IKATLONG MARKAHANMga Alituntunin sa Silid-AralanNasasabi ang mga alituntunin sa silid-aralan at nabibigyang katwiran ang pagtupad nitoPagpapahalaga sa PaaralanNakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang nag-aaral at hindi nag-aaral

MGA KASANAYANG MALILINANGKOMUNIKASYONPagbabahagi ng mga impormasyonPagsasalaysayPakikinig sa paliwanag, kwento at salaysayPakikipanayamPagsusulat/Pagbubuo ng lihamPagsusulat ng impormasyon sa tsartMAPANURING PAG-IISIPPagsusuriPaghahambingPagbubuo ng timelinePagbubuo ng graphic organizerPagpapangkat ng mga impormasyonPagsusuri ng mga larawanPagbubuo ng hinuhaMALIKHAING PAG-IISIPPagguhitPAGPAPAHALAGAPagkilala sa mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhayPaggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwaPakikiisa sa mga pangkatang gawainPagtapos sa gawain sa takdang orasPAGLAHOKPaglalaroPagbabasa/pagbibigkas ng tulaPag-awitPakikilahok sa talakayan

YUNIT 4.AKO AT ANG UGNAYAN NG AKING PAMILYA AT PAARALAN/ AKO AT ANG AKING KAPALIGIRANPANIMULASa yunit na ito, mapapalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo o samahang kinabibilangan niya.

Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga batayang konsepto sa heograpiya. Masisiyasat nila ang kapaligiran ng kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilan sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at paggamit ng mapa upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligid ng kanilang tirahan at paaralan.Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupong kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pag-aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

LAYUNIN-11IKA-APAT NA MARKAHAN- Ako at ang aking Tahanan at Paaralan Nakagagawa ng mapa ng bahayNatutukoy ang nilalaman at gamit sa bahay at klasrum at kung saan ang mga ito matatagpuan ang mga ito (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran)Nakagagawa ng mapa ng klasrum at natutukoy ang distansya ng mag-aaral sa ibang bagay dito

IKA-APAT NA MARKAHAN Pangangalaga sa Kapaligiran

*Naiguguhit ang ibat ibang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran*Naikakategorya ang mga gawain at ugali na nakatutulong at nakasasama sa kapaligiran*Naisasagawa ang mga paraan ng pangangalaga sa kapaligiranMGA KASANAYANG MALILINANGKOMUNIKASYON

Pagbabahagi ng impormasyonPagsasalaysayPakikinig sa paliwanag, kwento at salaysayPagsulat ng impormasyon sa tsart

Mapanuring Pag-iisipPagsusuriPaghahambingPagpapangkat ng mga impormasyonPagsusuri ng mga larawanPagbubuo ng hinuha

Malikhaing Pag-iisipPaggawa ng mapa PagguhitPagpapahalaga Pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikisaya ng mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras

Paglahok Paglalaro Pakikilahok sa talakayan, Pag-awitHULAAN ANG MGA GAWAING ITO

LGOCELA - PINAGSAMA-SAMANG LARAWAN NA NAGPAPAKITA NG ISANG MALAKING IDEYAIsa pa.____ H___R____D___S Ito ay pagpapahula ng isang bagay sa pamamagitan lamang ng paggawa ng aksyon nang hindi nagsasalita Halika ire paIpinakikita sa atin ng isangT_____________E kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung anu-ano ang mga bagay na nagbago Kaya mo pa ito!!!! Isa itong paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan. GOAng Aking Mga Paboritong Bagay

Dagdagan pa natin??? Ito ay pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay, tao at iba paHalimbawa:

Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya SantosMagkatulad na Alituntunin ng aming PamilyaMga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya DimagibaHuli na ito kapatidAno ang tawag sa pinagdikit-dikit na larawan o bagay upang makabuo ng isang hugis o pattern???Banghay-AralinI. Layunin II. Paksang AralinA. TemaB. SanggunianC. KonseptoD.KagamitanE. IntegrasyonIII. PamamaraanA. Panimulang GawainPamukaw Siglang Gawain

B. Panlinang na Gawain1. Paunang Pagtataya /Pagganyak 2. Paglalahad3. Pagtalakay 4. Paglalahat 5. Paglalapat 6. PagpapahalagaIV. Panghuling Pagtataya

V. KasunduanAKO AY GURO NA K-12 SUPPORTERUMULAN BUMAGYOAYOS LANGBASTA BATANG PILIPINOAKING PAGLILINGKURANDAHIL MAHAL KO ANG AKING BAYAN