araling panlipunan - znnhs
Embed Size (px)
TRANSCRIPT
Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa Hamon ng Estabilisadong
Institusyon sa Lipunan.
Republic of the Philippines
8
Araling Panlipunan – Grade 8 Support Material for Independent Learning Engagement(SMILE) Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
sa Hamon ng Estabilisadong Institusyon sa Lipunan Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
E-mail Address: [email protected]
Gumawa at Sumulat ng Modyul
Manunulat: Richel B. Kagatan, Rona S. Bicoy and Arnold N. Arnesto
Editor: Juhaira I. Hussien
Tagalapat:
Tagapamahala:
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero- Chief, CID
Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP
Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS
Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang
mag-aaral ay inaasahang;
MELC: Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng establisadong institusyon ng lipunan. ( AP8AKD-IVi-9)
Inaasahan din na ikaw ay:
Natutukoy ang konsepto ng ideolohiya at ang iba’t ibang kategorya nito;
Nakapagbibigay ng mga uri ng ideolohiyang politikal at
ekonomiko; at
Balikan
Gawain 1: Simbolo, Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba, sagutin ang mga pamprosesong tanong at isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
2. Ano ang pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito?
3. Paano napanatili ng United Nations ang pagsusulong ng kapayapaan at
pagkakaisa sa daigdig?
Gawain 2: Shout Out Mo!
Panuto: Isulat sa loob ng graphic organizer ang mga salitang mabubuo galing sa salitang ideolohiya. At sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
_______________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Ano ang iyong mahihinuha sa pagbuo ng konsep na ito galling sa
salitang ideolohiya? _______________________________________________________________________________
Ideolohiya
3
Suriin Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga
ideolohiyang lumaganap sa daigdig pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod
na gawain na may kinalaman sa mga ideolohiya.
Ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito
sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Ito ang nagsisilbing
kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika
ng isang bansa, pamahalaan o kilusan. Ito rin ang nagbibigkis sa mga mamamayan
upang maging isang nagkakaisang lakas. Ideolohiya rin ang nagsisilbing gabay ng
bawat pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito.
Aralin 6
Iba’t Ibang Kategorya ng Ideolohiya:
1. Ideolohiyang Pangkabuhayan – nakasentro ito sa mga patakarang pang-
ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para
sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang maka-
pagnesgosyo, mamasukan, makapagtayo ng unyo, at magwelga kung
hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.
2. Ideolohiyang Pampolitika – nakasentro naman ito sa paraan ng pamu-
muno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pama-
mahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng
kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na
bumuo at magpahayag ng opinion at saloobin
3. Ideolohiyang Panlipunan – tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng
mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing
aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng
mga kaisipan o ideya.
1. Kapitalismo – tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung
saan ang produksiyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng
mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang
ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
Mga katangian:
a. binigyang-diin nito ang pag-iipon ng kapital upang higit na
mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan
b. pinahintulutan ditto ang kompetisyon ng mga negosyante para higit
na mapahusay ang kalidad ng bawat produkto at serbisyo sa
pamilihan
c. naniniwala rin ito sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari bilang
karapatan ng mamamayan
Ayon sa kapitalismo, bunga nga kagustuhan ng mga kapitalista na
magkamal na malaking kita para sa sarili nitong kapakanan kaya higit
nitong paghuhusayin ang sistema ng paggawa upang mapataas ang
kabuuang kalidad ng mga produkto at serbisyo. Dahil dito, mas mara-
ming maaaring pagpipiliang produkto at serbisyo ang mga mamimili.
Ang ganitong uri ng ideolohiya ay magkaugnay sa ideolohiyang pampolitikal na Liberalismo. Ang mga bansang yumayakap nito ay Esta-
dos Unidos, Canada at iba pang bansang may sistemang kapitalismo.
2. Sosyalismo – isang doktrinang nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Makikita ito ng pantay, sama-sama at maka-taong
pamamalakad. Mga Katangian:
pangangasiwa ng lupa, kapital at mekanismo ng produksiyon.
b. ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng
kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan.
c. hangad nito ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan
pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa
d. binigyang-diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang
industriya ay pag-aari ng pamahalaan
Halimbawa ng ganitong ideolohiya ang namayani sa China, Cuba, North Korea at Vietnam. Subalit ang China at Vietnam sa kasalukuyan ay yumakap muli sa prinsipyo ng kapitalismo.
5
3. Demokrasya – ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatupad sa lahat ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi,
kasarian o relihiyon.
Mga Katangian:
a. ito ay pinamunuan ng mga kinatawang pinili ng mamamayan sa
pamamagitan ng malaya at matapat na halalan.
b. ang mamamayan ay may karapatan tulad ng bumoto, tumakbo bilang
kandidato at maluklok sa posisyon tuwing halalan
c. may karapatan ang bawat isa na bumuo ng mga samahan, malayang
magpahayag ng saloobin, pagmamay-ari ng mga ari-arian, karapatang
sibil, atbp.
d. ang mga organisasyon ay may mahalagang papel sa pagpapatibay at
pagpapalawig ng demokrasya tulad ng mga samahan ng magsasaka,
manggagawa at katutubo.
Ang bansang may ganitong ideolohiya ay ang Pilipinas.
4. Awtoritaryanismo – isang uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno
ay may lubos na kapangyarihan.
Mga Katangian:
a. may pinakamalawak na kapangyarihan ang pinuno na sinusu nod ng
mga mamamayan tulad ng sa bansang Iran na kung saan ang pinuno
ng pamahalaan ay siya ring pinuno ng relihiyon-Islam.
b. mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung
saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas
tulad ng pamumuno ni Pang. Ferdinand Marcos sa Pilipinas noong
1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
5. Totalitaryanismo – ito ay may ideolohiyang pinaniniwalaan at may parti-
dong pagpapatupad nito.
a. karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan
b. limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos,
pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan
6
c. ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang ayunan
ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal
d. lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa
kamay din ng isang grupo o ng diktador
e. nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan
ng bansa at mga industriya
Halimbawa nito ang pamahalaan ni Adolf Hitler sa Germany at ni
Benito Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
mamamayan sa lipunan. Ideyang likha ni Karl Marx.
Mga katangian:
a. sa ilalim nito, ang mga kagamitan sa produksyon ay kolektibong
pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng lahat ng mamamayan
b. lahat ay pantay-pantay ang katayuan sa buhay at sama-samang
nakikinabang sa produksyon ng ekonomiya
c. sumasang-ayon ito sa armadong pakikidigma upang lansagin ang
kasalukuyang pamahalaag kontrolado ng naghaharing uri.
d. tinuligsa nito ang maluho, makasarili, at materyosong pamumuhay na
umiiral sa kapitalismo
Pinaiiral ang ideolohiyang ito sa China, Cuba, Vietnam at North
Korea.
7. Konserbatismo -pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraan kaysa
makabagong sistema ng inaakala nito na walang malinaw na direksiyon. Ito ay ideyang nagmula kay Edmund Burke, isang Irish na mambabatas, manunulat at
pilosopo. Mga Katangian:
a. pangunahing katangian nito ang layuning mapanatili ang nananaig na
kaayusan (status quo)
b. mahalaga dito ang papel na ginampanan ng moralidad bilang
pamantayan ng pagpapasya, pamamahala at pakikipag-ugnayan
c. higit na kinikilala nito ang mga mas nakatataas at makapangyarihan sa
lipunan ang karapat-dapat na mamuno sa pamahalaan at lipunan sa
pangkalahatan
d. ito ay may prinsipyo ng kaayusan, pagkamakabayan, moralidad at
katapatan
7
Ang Konserbatismo ay umiiral noong Middle Ages sa Europe. Ito ang pinairal ni Margaret Thatcher, dating punong ministro ng United Kingdom
bilang panuntunan at patakaran dito.
Halimbawa nito ay ang pagpapanatili sa namayaning sa negosyo at ang paghina ng impluwensyaya ng unyon ng manggagawa sa ilalim ng kanyang
panunungkulan. Bukod dito, mariin din ang kanyang pagtutol sa komunismo.
8. Liberalismo - kinikilala ng ideolohiyang ito ang kakayahan ng isang
indibidwal na maka ambag sa lipunan sa iba’t ibang paraan, kapasidad at antas.
Mga Katangian: a. kinikilala nito ang kakayahan ng isang indibidwal na mapaunlad ang
kanyang sarili b. tinitiyak ng pamahalaan na maisasakatuparan ang pag-unlad ng
tao sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga natatanging
kakayahan at pagbibigay sa kanya ng iba’t ibang pagkakataon upang
linangin ang
1. utilitarismo – sumusuporta sa batayang prinsipyo ng
“pinaka mabuti para sa nakararami (the greatest good
for the greatest number) 2. laissez faire economics – na naniniwala na mas
makabubuti
sa pamilihan na maging Malaya ito mula sa anumang anyo ng
kontrol o manipulasyon ng pamahalaan
Pinangunahan ito ng mga bansang United States, Canada, Japan, atbp.
9. Pasismo - nakabatay sa paniniwalang napasailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at interes ng estado.
Mga Katangian:
ng isang partido (Karismatik o Diktador)
b. tutol ito sa anumang uri ng oposisyon
c. kontrolado ang lahat ng uri ng mass media at gumamit ng propa-
ganda upang isulong ang interes ng partido at namumuno nito
Pinaiiral ng Germany at Italy.
8
Pagyamanin
Gawain 3: Talahanayan, Punan Mo! Panuto: Ilarawan ang katangian ng iba’t ibang kategorya ng ideolohiya sa
loob ng matrix diagram. Isulat din ang mga uri ng ideolohiya ng nakapaloob sa
bawat kategorya. At sagutin ang pamprosesong tanong sa inyong sagutang papel.
Iba’t Ibang Kategorya ng Ideolohiya
Pangkabuhayan
Pampolitika
Panlipunan
10. Peminismo – tumutukoy sa ideolohiya na nagsusulong ng kagalingan ng
kababaihan at ang kanilang pagtatamasa ng mga karapatang taglay ng
kalalakihan.
a. itinataguyod nito ang mga karapatang bumoto, kumandidato at mahalal
b. isinulong din ng mga peminista ang kababaihan sa ari-arian (property
rights) at sa karapatang reproduktibo (reproductive rights)
c. pinagtuunan din nila ang proteksiyon ng kababaihan sa lahat ng uri ng
karahasan at diskriminasyon
Itong ideolohiyang ito ay makikita sa mga bansang may kalayaan ang mga mamamayan o demokrasyang uri ng pamamahala.
9
1. Ano ang tatlong kategorya ng ideolohiya at uri nito? 2. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
3. Paano nakapekto ang idelohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?
Gawain
Gawain 5: Datos…Datos…Datos… Panuto: Punan ang data retrieval chart ng mga kasunod na impormasyon.
Magbigay ng limang (5) uri ng ideolohiya at ang bansang nagtata-
guyod nito.
Mga Ideolohiya
Bansang Nagtaguyod
Panuto: Dugtungan ang pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng
pagbibigay ng iyong sariling konklusyon at pagpapahalaga.
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.
10
Tayahin
1. Anong salita ang tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya? A. Armistice C. Ideya
B. Ideolohiya D. Pilosopiya 2. Anong kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa paraan ng pamumuno at
pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala?
A. Pangkabuhayan C. Pampolitika B. Panlipunan D. Panrelihiyon
3. Anong ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng panya na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon?
A. Demokrasya C. Kapitalismo B. Liberalismo D. Sosyalismo
4. Lahat ng pahayag sa ibaba ay mga mahalagang katangian ng isang ideolohiyang demokrasya na nararanasan ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas,
MALIBAN sa?
A. May karapatang makaboto C. May karapatan sa edukasyon B. May kalayaan sa pananampalataya D. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
5. Anong ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya at paraan ng
paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan? A. Pangkabuhayan C. Pampolitika
B. Panlipunan D. Panrelihiyon
6. Alin ang tamang pangungusap na tumutukoy sa ideolohiyang panlipunan? A. Hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas.
B. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa ilalim ng batas at sa iba pang aspekto ng pamumuhay.
C. Pagkakapantay-pantay sa harap ng angkan o lahi. D. Makikita Ang pangunahing aspeto ng pamumuhay.
7. Anong uri ng ideolohiya na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao?
A. Awtoritaryanismo C. Totalitaryanismo
B. Sosyalismo D. Demokrasya
8. Anong ideolohiya na nakatuon sa pagmamay-ari ng estado sa lahat ng mass media ng bansa?
A. kapitalismo C. sosyalismo B. pasismo D. konserbatismo
9. Sino ang nagpasimula ng ideolohiya bilang isang agham?
A. Karl Marx C. Destutt de Tracy
11
B. Margaret Thatcher D. Adolf Hitler 10. Anong ideolohiya ang nagbigay-diin na ang pag-iipon ng kapital ay higit na kailangan
upang na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan? A. Demokrasya C. Kapitalismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo
11. Aling ideolohiya sa ibaba na mas pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraan kaysa makabagong sistema ng inaakala nito na walang malinaw na direksyon?
A. Demokrasya C. Kapitalismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo
12. Anong uri ng ideolohiya na ang pangkat ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa
pangangasiwa ng lupa, kapital at mekanismo ng produksiyon? A. Sosyalismo C. Demokrasya
B. Kapitalismo D. Liberalismo
13. Anong bansa ang nangunguna sa pagpapatupad ng ideyang Liberalismo? A. Canada C. Japan
B. United Kingdom D. United States 14. Sa hinuha mo, anong uri ng ideolohiya ang ipinatutupad sa Pilipinas?
A. Sosyalismo C. Komunismo B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
15. Anong kategorya ng ideolohiya ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng
mga mamamayan?
12
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang kasunod na ladder web, isulat ang kahalagahang ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.
Batayan sa Pagmamarka
KASAYSAYAN NG DAIGDIG. Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014, pp. 497- 501.
KASAYSAYAN NG DAIGDIG. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Ikatlong na Taon. Bagong Edisyon 2012,
pp. 337--343.
https://www.google.com/imgres?imgurllogo.jpg&imgrefurl
Destutt de Tracy. Kinuha sa. https://alchetron.com/Antoine-Destutt-de-Trac
Tayahin 1. B 2. C 3. A 4. D 5. A 6. B 7. B 8. B 9. C 10.C 11. B 12. A 13. D 14. D
15. C