baby thesis - fil2a

27
“URI NG MGA MUSIKANG PALASAK SA MGA KABATAAN NG KASALUKUYANG HENERASYON” Isang Pananaliksik Ipinasa kay Gng. Lorna F. Santos Kolehiyo ng Pag-iinhinyero at Teknolohiya Unibersidad ng New Era ilang Pagt!gon sa Pangangailangan ng "signat!rang FILIPIN# $% Pagbasa at Pags!lat T!ngo sa Pananaliksik Ika-$ Se&estro' T.". $()*-$()+ Isin!&ite nina% alatero' ,ikaela Lo!ise #li eros' aren "ngela )S S / ) ,arso $()+ New Era University No. 0 entral " en!e' New Era' 1!e2on ity' Philippines

Upload: mikki-balatero

Post on 01-Nov-2015

153 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

New Era UniversityNo. 9 Central Avenue, New Era, Quezon City, Philippines

URI NG MGA MUSIKANG PALASAK SA MGA KABATAAN NG KASALUKUYANG HENERASYON

Isang PananaliksikIpinasa kay Gng. Lorna F. SantosKolehiyo ng Pag-iinhinyero at TeknolohiyaUnibersidad ng New Era

Bilang Pagtugon sa Pangangailangan ng AsignaturangFILIPINO 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa PananaliksikIka-2 Semestro, T.A. 2013-2014

Isinumite nina:Balatero, Mikaela LouiseOliveros, Caren Angela 1BSCS 1

Marso 2014

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan ng wala ang mga taong gumabay at tumulong sa amin. Ito ay taos-puso naming inihahandog unang-una sa aming mga magulang na patuloy na sumusuporta sa amin. Ikalawa, sa mga taong tumulong lalo na sa aming guro at sa lahat ng aming mga kamag-aral.At higit sa lahat sa ating Poong Maykapal na Siyang nagsilbi naming gabay upang matapos ang pag-aaral na ito.

i

PAGKILALA AT PAGPAPASALAMAT Lubos at taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong, at naging bahagi sa pagtatagumpay ng aming isinagawang pananaliksik.

Sa aming mabait at mapagpasensyang propesor na si Gng. Lorna Santos para sa kaniyang paggabay sa paggawa namin ng pananaliksik na ito at sa pagbabahagi ng kaniyang mga kaalaman at karanasan sa paggawa ng aming mga pag-aaral. Kami rin ay nagpapasalamat sa kaniyang paglalaan ng oras sa pagtuturo sa amin, maging sa pasensya at pagsisikap sa pagbibigay ng mga suhestyon para sa ikabubuti ng pag-aaral na ito.

Sa mababait, masisipag, at matutulungin naming mga kaibigan at kapwa kamag-aral ng New Era University na nakasama namin sa paggawa ng pananaliksik na ito at sa anomang paraan ay nakatulong sa amin.

Sa aming mga kamag-anak, higit sa aming mga magulang, nagpapasalamat kami sa walang sawa nilang pagsuporta sa amin, mapag-materyal o emosyonal man. Sa kanilang pagtulong sa amin sa ano mang paraan upang matapos ang proyektong ito. At higit sa lahat, sa kanilang walang sawang pagmamahal at pagmamalasakit na siyang inagawa naming inspirasyon sa upang magawa ang lahat ng bagay.

Higit sa lahat ay sa ating Panginoong Diyos, na Siyang nagbigay sa atin ng kamalayan, sa Kaniyang patuloy na pagbibigay ng buhay at lakas. Sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw. Sa pagbibigay Niya sa amin ng karunungan at kaalaman na nagagamit namin sa aming mga pag-aaral, lalo na sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. Higit sa lahat, nagpapasalamat din kami sa Ama sa patuloy Niyang paggabay sa amin patungo sa bawat landas na aming tatahakin.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi po namin mapagtatagumpayan ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa inyo.

M.L.B. & C.A.O. ii

TALAAN NG NILALAMAN

Pagahahandog iPagkilala at Pagpapasalamat..ii

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito...1Panimula....1Layunin ng Pag-aaral.2Kahalagahan ng Pag-aaral.3Paglalahad ng Suliranin.3Saklaw at Limitasyon5Depinisyon ng Terminolohiya...5Kabanata II: Rebyu sa Literatura.....8Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik9Disenyo ng Pananaliksik9Respondente.......9Instrumento ng Pananaliksik..9Tritment ng mga Datos..10Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ..11Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon..17

Bibliyograpiya20Apendiks.21Biograpiya..22

1

KABANATA I:ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig sa pakikinig ng musika. Wala itong pinipiling kasarian. Mapa-babae man o lalaki, bata o matanda, ang musika ay isang malaking bahagi na ng ating mga buhay.

Malaki ang nagagawa nito sa katauhan ng isang tao. Nagbibigay ito ng emosyon lalo na kung natutugma ito sa ating nararamdaman. May mga masasayang awitin na maaaring magbigay sa atin ng kasiyahan, o di kaya ay alalahanin ang mga masasayang sandali ng ating buhay. May mga tinatawag na love songs na awitin ng mga taong nagmamahal at nakakapag-paalala sa atin ng ating mga iniirog at minamahal sa buhay. Mayroon ding mga malulungkot o senti na mga kanta kung tayo ay nalulungkot at nais mapag-isa, kung saan nakakapagpaalala sa atin ng mga malulungkot na pangyayaring nagdulot sa atin ng mga pasakit at kapighatian. At may mga awitin din na masigla at nakakakuha ng pansin ng mga tao, lalo na ang mga kabataan. Ito ang mga tipong kapag narinig natin ang awiting ito, hindi na natin mapipigilan ang mga sarili nating umindak at sumabay sa pagkanta.

Tunay nga na may malaking bahagi ang musika sa buhay natin. Sa hirap ng buhay ngayon, musika na ang isa sa mga nagpapagaan ng ating mga kalooban at nagdudulot ng kasiyahan sa atin. Itoy isang bagay na kahit lumipas man ang panahon ay hinding-hindi kumukupas. Ika-nga sa awiting Musika Ang Buhay ng grupong Asin:

Musika ang buhay na aking tinataglayIto rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay.

2Gayunpaman, kagaya ng panahon na nagbabago at nag-iiba, ang musika ay may kanya ring henerasyon na matatawag. Ang musika ng makabagong henerasyon ay may malaking pagkakaiba sa musika ng makalumang henerasyon. At sa ibat-ibang henerasyon ay nagbabago ang panlasa ng tao sa uri ng musikang kaniyang pinapakinggan.

Sa pamamagitan ng aming munting pananaliksik ay matutuklasan natin ang mga uri ng musikang pumapatok sa kasalukuyang henerasyon, at mga dahilan kung bakit nagbabago ang panlasa ng mga tao sa pakikinig ng musika.

LAYUNIN NG PAG-AARALAng pananaliksik na ito ay naglalayong alamin kung anong mga uri ng musika ang sikat o popular sa kasalukuyang henerasyon at mga dahilan kung bakit nagbabago ang panlasa ng tao sa musika. Ito rin ay naglalayong:1. Malaman kung anong uri o genre ng musika ang madalas pakinggan ng mga tao ngayon.

2. Malaman kung anong lenggwahe ng kanta ang madalas nilang pakinggan?

3. Malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang pinapakinggan?

4. Mabatid kung anong henerasyon ng musika ang mas gustong pakinggan ng mga tao?

5. Malaman kung gaano katagal o kabilis nagbabago ang pagkahilig ng tao sa isang uri ng musika?

3KAHALAGAHAN NG PAG-AARALAng uri ng musika noon, ngayon at bukas ay magkakaiba. Ito ay nangyayari dahil na rin sa uri ng mga tao sa kanya-kanyang henerasyon. Dahil dito, mahalaga na mapag-aralan ang musika na palasak sa bagong henerasyon upang matukoy natin kung saan tayo patungo, ang damdamin at iniisip ng bawat tao. Nagbabago na ang teknolohiya at hindi din malayong ang musika ay higit pang mababago at mag-iiba ayon na rin sa pamumuhay at pag-iisip ng tao.Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Uri ng mga Musikang Palasak sa mga Kabataan ng Kasalukuyang Henerasyon ay magiging mahalaga at makatutulong ng malaki sa mga sumusunod na indibidwyal:1. Sa mga kabataan Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa pagdami ng mga kabataang nahihilig sa ibat ibang uri ng makabagong musika.

2. Sa mga musikero Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay nila upang alamin kung anong uri ng musika ba ang pumapatok sa madla ngayon, partikular sa mga kabataan, at upang mas paigtingin ang kaledad ng OPM sa ating bansa at lalo pang tangkilikin ng mga Pilipino.

3. Sa mga mananaliksik Ang pag-aaral na it ay magbibigay rin sa mga mananaliksik ng karagdagang kaalaman ukol sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang panlasa ng tao sa musikang kanyang pinapakinggan, at sa gayon ay makakatulong ang mananaliksik upang mabigyang kaalaman ang mga mambabasa sa pag-aaral na ito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN1. Anong uri o genre ng musika ang madalas pinapakinggan ng mga tao ngayon?1.1. Pop 1.2. Rock 41.3. Dubstep 1.4. Country1.5. K-pop 1.6. Pop-ish love songs1.7. Metal1.8. Classical1.9. Hip-hop1.10. Iba pa

2. Anong lenggwahe ang madalas nilang pakinggan?2.1. Filipino2.2. English2.3. Japanese2.4. Korean2.5. Iba pa

3. Para sa kanila, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang pinapakinggan?3.1. Lyrics 3.2. Beat o rhythm 3.3. Artista 3.4. Kasikatan ng kanta3.5. Melody o tono3.6. Mensahe ng kanta3.7. Iba pa

4. Anong henerasyon ng musika ang mas gustong pakinggan ng mga kabataan?4.1. Makabago (21st century)4.2. Makaluma (Bago mag-2000s)

5. Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig ng tao sa isang uri ng musika?

55.1. Kada-araw5.2. Kada-linggo5.3. Kada-buwan5.4. Kada-taon5.5. Bihira

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARALAng pokus ng aming tisis ay upang matukoy ang Uri ng mga Musikang Palasak sa mga Kabataan sa Kasalukuyan Henerasyon. Kaya ang gagamiting impormasyon ay magmumula o magbabase lamang sa resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga kalahok na respondente ay mula sa Unibersidad ng New Era, partikular sa mga estudyanteng nasa unang taon ng kolehiyo. Nagbigay kami ng dalawampung (20) sarbey-kwestyonaryo sa mga estudyante ng nasabing unibersidad, mapa-babae man o mapa-lalaki. Ang mga kaugnay pang pag-aaral ay manggagaling sa internet, mga babasahin at sa mga sariling karanasan.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Musika Ito ay isang uri ng pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melodya o melodic tune. Pinagsasama dito ang vocal at instrumental na tunog sa paraan na makabubuo ng kagandahan sa uri at anyo ng musika.

Genre Ito ay kategorya ng mga artistikong komposisyon, tulad nalang ng musika o panitikan, na mailalarawan sa pamamagitan ng pagkakatulad sa anyo, istilo, o asignatura.

6 OPM Tinatawag ding Pinoy Pop o Filipino Pop, ito ay tumutukoy sa kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang Pinoy Pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa mas malawak na uri ng musika, angOriginal Pilipino Music (OPM).

Klasikal Napalaganap noong ika-11 na siglo sa Europa, ito ay isang uri ng musika na tinutugtog ng grupo ng mga tao na may ibat-ibang instrument tulad ng violin, cello, drum, flute, at marami pang iba. Sa bawat tugtugin ng klasikal, may ipinapakilala itong ekspresyon na nakadepende sa tunog ng tugtugin.

Hip-hop Ang Hip-hop ay napalaganap noong dekada-70 ng mga African-America sa New York City. Isa ito sa mga sikat na uri ng kanta ngayon. Ilan sa mga kilalang tao na kumakanta ng Hip-hop ay sina Wiz Khalifa, Lil Wayne, at Chris Brown.

Pop Ang musikang pop (pinaikling salita mula sa salitang "popular") ay isang uri ng musika na nasimula noong kalagitnaan ng dekada 1950 bilang isang malambot na alternatibo sa rock 'n' roll at musikang rock sa kalaunan. Nakatuon ito sa pangkalakalan (commercial) na pagrekord, kadalasang nakikibagay patungo sa kabataang merkado, kadalasang sa pamamagitan ng maikli at payak na awiting para sa pag-ibig. Sa kasalukuyan ay napakasikat ang mga kanta na ito lalo na sa mga mahihilig tumugtog ng gitara.

Rock n Roll Tinatawag ding rock, ang musikang ito ay ang orihinal na inihahalintulad sa Pop. Napalaganap ito noong ika-40 na dekada sa Amerika. Kadalasang umiikot ang tunog ng rock sagitarang de-kuryente ogitarang akustika, at gumagamit ng malakas nabackbeat(kumpas na pantay) na binabalangkas sa pamamagitan ng isang ritmong seksiyon ng elektrikong gitarang baho,tambol, at mga instrumentong de-tiklado katulad ng organo,piyano, o, simula noong dekada 1970,sintetisador. Ang bandang The Beatles ang isa sa mga kilalang banda na tumutugtog nito.7 R&B - Ang rhythm and blues na kilala din bilang R&B o RnB ay isang uri ng popular na musika na pinagsasama ang jazz, gospel, at impluwensiyang blues, unang ginampanan ng mga Aprikanong Amerikanong artista.

Country music Ang country music ay isang uri ng American popular music na nagmula sa mga rural ng rehiyon ng Katimugang Estados Unidos noong 1920s. Madalas ay binubuo ito ng mga balad at tunog pangsayaw na sa pangkalahatan ay may simpleng anyo at armonya, kadalasang sinasabayan ng mga instrumentong string gayang banjo, electric at acoustic guitars, fiddle, at harmonica.

K-pop Ang K-pop(daglat ng Korean pop) ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit.

8KABANATA II:REBYU SA LITERATURA

Sa layuning maihanda ang mga sarili sa pag-aaral na isasagawa, kami, ang mga mananaliksik, ay bumasa ng ibat ibang aklat at artikulo na may kaugnayan sa pag-aaral na napili. Tumunghay rin kami ng iba pang babasahing sa tingin naming ay makatutulong sa pananaliksik na gagawin.Ayon sa aklat ni Rivadelo (1986), ang musika ay paraan na kung saan ipinapakita ang ating nararamdaman na kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig sa bayan, pagsisisi at papuri. Ito ay tumutukoy din sa mahinahon, kalugud-lugod, nakagagaling na musika at naaayon sa pagkakasunod-sunod at patuloy na gumaganap hanggang sa katapusan.Bagamat ang mga kabataan ay kadalasang mahihilig sa musika, sila din ay nagkakaiba sa pagkagusto sa isang uri ng musika. Ang mga sosyal na kadahilanan tulad ng lahi (ethnicity), klaseng panlipunan (social class), kultura ng kabataan, pati ang indibidwal na mga kadahilanan ay ilan sa mga naimungkahi na may kinalaman sa pagkakaiba ng pagkahilig sa musika ng mga kabataan (Rentfrow at Gosling, 2003; Zillman at Gan, 1997).Sa isang artikulo din sa internet na may titulong Getting Older Often Means Getting Softer In Respect To Music (2013), sinasabing isang bagong pag-aaral ng mga sikologo ng University of Cambridge ang nakapagtala ng ibat ibang uri ng musika sa buong henerasyon, at natuklasan na habang ang musika ay nananatiling importante sa ating mga buhay, ang mga panlasa natin sa musika ay umaangkop sa mga partikular na hamon na kinakaharap natin sa ibat ibang yugto ng ating mga buhay. Ayon din sa mga mananaliksik ng United Kingdom, ang mga tao ay karaniwang unang namumulat sa musika sa panahon ng kanilang kabataan upang makatuklas ng pagkakakilanlan at kinamamayaay gamitin upang makapagtatag ng social group at makahanap ng kaibigan o kapareha. 9KABANATA III:DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga naging kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong ginamit, mga pamamaraan sa pangangalap ngdatos at mga istatistikal na tritment na ginamit bilang interpretasyon sa mga nalikom na datos. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Ang mga datos na aming nakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na aming pinasagutan sa 20 na respondente mula sa Unibersidad ng New Era. Nangalap din kami ng mga impormasyon, artikulo at akda na nagmula sa internet, mga pag-aaral sa literatura at iba pang pananaliksik, at ito ang naging hanguan naming sa pagsasagawa ng pag-aaral.

RESPONDENTEAng mga napili naming respondente ay mga estudyante ng New Era University na nahati sa labing-dalawang (12) babae at walong (8) lalaki. Sila ay mga kolehiyo at kolehiyala. Random na pinili ang mga respondente sa kadahilanang sila ay mga kabataang kinakikitaan ng pagkahilig sa musika na pangunahing dahilan ng pananaliksik na ito. Ang mga estudyanteng ito ang siyang tumugon ng sagot sa mga tanong na ginawa namin upang magtagumpay ang aming isinasagawang pananaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIKAng pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng sarbey-kwestyonaryo. Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng limang (5) tanong na may kinalaman 10sa uri ng musikang palasak sa kabataan ng kasalukuyang henersayon. Bawat respondente ay nagsagot ng limang katanungan sa pamamagitan ng pagbilog ng titik. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat ibang hanguan tulad ng mga aklat, tisis at iba pa. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon mula sa mga artikulo sa internet, maging sa mga opinion ng ibang respondente.

TRITMENT NG MGA DATOS Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang matinding pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng kompleks na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga respondente sa bawat aytem sa sarbey ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, pagta-tally lamang at pagkuha ng porsyento ang kinailangang gawin.

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento:

11KABANATA IV:PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grap 1: Kasarian ng mga Respondente

Sa grap na ito nakikita ang distribusyon ng sarbey sa mga respondente ayon sakanilang kasarian. Ang pagbibigay na ito ay ginawa ng walang sadyat eksaktong bilangng mga respondenteng kalalakihan o kababaihan. Ito ay ginawa sa isang random napamamaraan.Anim na pung porsyento (60%) ang mga respondenteng babae at nilaan namanang natitirang apatnapung (40%) porsyento sa mga respondenteng lalaki.

12

Grap 2: Edad ng mga Respondente

Kung pagbabasehan ang grap na ito, makikitang karamihan ng mga respondent ay nasa edad na labing-pitong (17) taong gulang. Nahahati ang grap sa porsyentong ito: Limampung porsyento (50%) sa mga labing-pitong (17) taong gulang, dalawamput limang porsyento (25%) sa mga labing-anim (16) na taong gulang, dalawampung porsyento (20%) sa mga labing-walong taong gulang, at limang porsyento (5%) sa dalawampung (20) taong gulang.

13

Grap 3: Anong uri ng musika ang madalas mong pinapakinggan?

Sa grap na ito pinapakita ang distribusyon ng panayam ng mga respondente ukolsa kanilang panlasa sa musika. Pitumpung porsyento (70%) para sa Pop, labing-anim (60%) na porsyento para sa Rock, sampung porsyento sa Dubstep, at tatlumpung porsyento (30%) bawat isa ang Country, K-pop, at Pop-ish love songs. Labing-limang (15%) porsyento para sa Metal, tatlumput limang porsyento (35%) sa Classical, sampung porsyento para sa Hip-hop, at limang porsyento (5%) naman bawat isa ang Pop-rock, Instrumental, OPM, 8-bit, Techno, Orchestral, Renaissance, at Emo.

14Grap 4: Anong lenggwahe ang madalas mong pakinggan?

Ayon sa grap na ito, makikita ang panayam ng mga respondent sa lenggwahe ng mga awiting kanilang pinapakinggan. Siyamnaput limang porsyento (95%) ang nakikinig ng Ingles/English, apatnaput limang porsyento (45%) ang nakikinig ng Filipino, dalawamput limang porsyento (25%) ang nakikinig ng Korean, maging ng Japanese na may dalawamput limang porsyento (25%) din, at limang porsyento (5%) ang nakikinig ng German, Mandarin, at Thai na lenggwahe.

15Grap 5: Mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang pinapakinggan

Hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang pinapakinggan, pitumpung porsyento (70%) ang tumutugon sa mensahe ng kanta, animnapung porsyento (60%) sa melody o tono, sero porsyento (0%) naman para sa kasikatan ng kanta, sampung porsyento (10%) naman sa artista, animnapung porsyento para sa beat o rhythm ng kanta, at limampung porsyento (50%) naman para sa lyrics.

Grap 6: Anong henerasyon ng musika ang mas gusto mong pakinggan?

16Ayon sa grap na ito, pantay lamang ang boto ng mga respondente hinggil sa henerasyon ng musika na mas gusto nilang pakinggan. Mayroong limamput limang porsyento (55%) para sa makalumang awitin (bago mag-2000s), at limamput limang porsyento (55%) rin para sa makabagong awitin (21st century).

Grap 7: Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig mo sa isang uri ng musika?

Sa grap na ito pinapakita ang distribusyon ng panayam ng mga respondente ukol sa kadalasan ng pagbabago ng kanilang hilig sa isang uri ng musika. Limampung porsyento (50%) ang nagsabing bihira sila magbagong hilig, tatlumput limang porsyento (35%) ang nagsabing kada-buwan, sampung porsyento (10%) ang nagsabing kada-araw, limang porsyento (5%) na nagsabing kada-linggo, at sero porsyento (0%) ang nagsabing kada-taon sila magbago ng hilig.

17KABANATA V:LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga saloobin at pananaw ng bawat estudyante ng Unibersidad ng New Era tungkol sa kung ano bang uri ng musika ang palasak sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyonaryo na pinasagutan sa dalawampung (20) random na respondent. Nangalap din ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon mula sa internet at ibang mga artikulo.

KONGKLUSYON

Malaki ang nagagawa ng musika sa katauhan ng isang tao. Maaari tayong pasayahin, alalahanin ang masasayang sandali sa ating buhay o kaya naman ay palungkutin at isipin ang mga pangyayaring nagdulot sa atin ng mga pasakit at pighati. Ngunit kagaya ng panahon na nagbabago at nagiiba, ang musika ay may kanya rin henerasyon na matatawag. At sa pagbabago ng henerasyon ay nagbabago rin ang panlasa ng tao sa musika.

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a) Hilig ng mga kabataan ngayon ang makinig sa mahihimig o masisiglang kanta tulad ng Pop at Rock, kesa sa mga malumanay na mga awitin.

18b) Bagamat sikat na sa panahon ngayon ang tinatawag na K-pop at J-pop, mas marami pa ring kabataan ang nakikinig ng mga awiting Ingles at Filipino. Ilan sa mga respondente ang nagsabi na mas masarap at nakakatuwang pakinggan ang isang awitin kung naintindihan mo ang lenggwahe nito.

c) Sa pagpili ng kantang kahihiligan, importanteng salik ang mga lyrics at mensaheng nakapaloob sa isang awitin. Masarap pakinggan ang isang awitin kung naiuugnay mo ang lyrics nito sa iyong iniisip at nararamdaman. Tulad ng sinabi ng isang respondente, may mga bagay na hindi natin masabi o maipadama kung kayat sa pamamagitan ng isang awiting tumutugma ang lyrics at mensahe sa nararamdaman ay maipapahayag mo ang iyong saloobin.

d) Isa ring importanteng salik ang tono at ritmo ng isang musika. Ang ritmo ang pinaka-importanteng elemento ng musika. Ito ang nagdadala ng kanta, nagpapaandar at nagpapatakbo nito. Ito ang unang nakakakuha ng atensyon ng mga tao sa pagpili ng kanta at kung maganda ang tono ng kanta ay sadyang mapupukaw ang atensyon mo dito.

e) Sa henerasyon naman ng musika, parehong makabago at makaluma ang pinapakinggan ng mga kabataan ngayon. Naaayon lamang sa mga salik ng musika tulad ng mensahe at tono ang pagka-humaling ng isang tao sa isang uri ng awitin.

f) Napag-alaman naming kung hindi kada-buwan, ay bihira magbago ang panlasa ng musika ng mga kabataan.

Sa pagpili ng musika o awiting pinapakinggan, hindi basehan ang kasikatan ng kanta o ang artistang kumanta nito. Nakabase ito sa kung ano ang ideya o tono ng kanta na pumupukaw sa ating mga atensyon at damdamin.

s

19REKOMENDASYONBuong-pagpapakumbaba naming inihahandog ang ilang mga rekomendasyong itogamit ang aming pag-aaral bilang batayan.:1. Bagamat palasak na sa panahon ngayon ang mga dayuhang kanta, huwag pa rin nating kalilimutan ang sarili nating musika o ang OPM (Original Filipino Music). Ito ay isang bagay na dapat nating tangkilikin at ipagmalaki.

2. Sa pagkakaroon ng problema ng isang tao, amin ding inirerekomenda na sa halip na gumawa ng bisyo tulad ng paninigarilyo o pag-iinom, mainam na makinig na lamang ng musika o awiting makakapagpagaan ng ating kalooban.

20BIBLIYOGRAPIYA

Zillmann, D. & Gan S. (1997). Musical taste in adolescence. Sa D.J. Hargreaves at A.C. North(Eds.) http://www.ababasoft.com/music/teory04.html. Why is rhythm so important?http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Blog:Musika_para_sa_Bagong_Henerasyon. Musika Para sa Bagong Henerasyon, Pebrero 17, 2008.http://www.redorbit.com/news/science/1112975408/music-preferences-change-with-age-101513/. Getting Older Means Getting Softer In Respect to Music, Oktubre 15, 2013.http://www.shira.net/music/why-know-lyrics-meaning.htm. Why Is It Important to Know What the Lyrics Mean?, 2009.Wikipedia. (2014). Genre. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/GenreWikipedia. (2014). Pinoy Pop. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://tl.wikipedia.org/Pinoy_popWikipedia. (2014). Musikang Klasiko. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Musikang_klasikoWikipedia. (2014). Hip hop. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/Hip_hopWikipedia. (2014). Pop Music. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/Pop_musicWikipedia. (2014). Rock and roll. Retrieved March 14, 2014, from http://en.wikipedia.org/wiki/Rock_and_rollWikipedia. (2014). Pop Music. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/Pop_musicWikipedia. (2014). Rhythm and blues. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/Rhythm_and_bluesWikipedia. (2014). K-pop. Retrieved March 14, 2014, fromhttp://en.wikipedia.org/K-pophttp://prezi.com/e1c_owtgjpz7/ang-ibat-ibang-uri-ng-musika. Ang Ibat ibang Uri ng Musika, Disyembre 13, 2012.

21APENDIKSNew Era UniversityCollege of Engineering and TechnologyFIL2A

Pangalan: _____________________________ Edad: _______ Kasarian: ________ Questionnaire #: _____Kurso: _______________ Taon at Seksyon: ____________ MGA TANONG:

1. Anong uri o genre ng musika ang madalas mong pinapakinggan?A. Pop F. Pop-ish love songsB. Rock G. MetalC. Dubstep H. ClassicalD. Country I. Hip-hopE. K-pop J. Iba pa, ________________________

2. Anong lenggwahe ang madalas mong pakinggan?A. Filipino C. KoreanB. English D. Iba pa, ________________________C. Japanese

3. Para sayo, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang pinapakinggan?A. Lyrics E. Melody o tonoB. Beat o rhythm F. Mensahe ng kantaC. Artista G. Iba pa, ____________________D. Kasikatan ng kanta

4. Anong henerasyon ng musika ang mas gusto mong pakinggan?A. Makabago (21st century)B. Makaluma (Bago mag-2000s)

5. Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig mo sa isang uri ng musika?A. Kada-arawB. Kada-linggoC. Kada-buwanD. Kada-taonE. Bihira

22BIOGRAPIYA

Si Mikaela Louise Balatero ay ipinanganak sa Lungsod ng San Pablo noong ika-23 ng Setyembre taong 1997. Siya ay pumasok ng nursery at kindergarten sa NB Alcantara Learning Center. Nagtapos ng anim na taong elementarya sa San Pablo Chung Hua School, taong 2009. Nagtapos naman siya ng hayskul sa Laguna College, taong 2013. Siya ay kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa New Era University ng kursong Bachelor of Science in Computer Science.

Si Caren Angela R. Oliveros ay ipinanganak sa Lungsod ng San Pablo noong ika-1 ng Agosto taong 1996. Siya ay pumasok ng nursery at kindergarten sa NB Alcantara Learning Center. Nagtapos ng anim na taong elementarya sa San Pablo Chung Hua School, taong 2009. Nagtapos naman siya ng hayskul sa Laguna College, taong 2013. Siya ay kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa New Era University ng kursong Bachelor of Science in Computer Science.