banghay aralin sa ap iv patk
DESCRIPTION
Banghay Aralin sa AP IV PatKTRANSCRIPT
BANGHAY PAMPAGKATUTO PARA SA IKAAPAT NA TAONAraling Panlipunan 1VPetsa: Marso 11, 2014
PAKSA : PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
Sanggunian: Kayamanan IV(Ekonomiks), Consuelo M. Imperial
p. 119-122MGA LAYUNIN:
1. Naaayos ang mga materyal na bagay batay sa sariling pagpapahalaga at pagnanais na makamit
2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan
3. Natatalakay ang mga salik na nakakaapekto sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
4. Napahahalagahan ang mga bagay na sumusuporta sa pangangailangan at kagustuhan ng tao
5. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang herarkiya ng mga pangangailangan--------INTRODUKSYON---------
GAWAIN A: BALITAAN TAYO!
*Pipili ang guro ng dalawang mag-aaral (opsyonal) na maglalahad ng napapanahong balitang
may kaugnayan sa pag-aaral ng ekonomiks.
A. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga ganitong balita?
B. Magbigay ng leksyong natutunan sa iniulat.
GAWAIN B: MAIKLING BALIK-ARAL!
*Paglalahad ng mag-aaral sa nakaraang leksyon
GAWAIN C: AYUSIN MO!
*May mga materyal na bagay na ipakikita ang guro sa mga mag-aaral.
Tanong:
1. Ayusin ang mga materyal na bagay sa itaas ayon sa iyong pagpapahalaga at nais na makamit.
2. Bakit ganoon ang iyong naging pag-aayos?
3. Nahirapan ka ba na ayusin ang mga materyal na bagay na inilista? Bakit?--------INTERAKSYON--------
GAWAIN D: PAGLALAHAD NG PAKSA
*Paghambingin ang PANGANGAILANGAN at KAGUSTUHAN
GAWAIN E: BAYANIHAN TAYO!
*Hahatiin ng guro ang klase sa (5) limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang salik na
nakakaapekto sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao na pag-uusapan at tatalakayin sa
harap ng klase.
*Iuulat ng isang miyembro ng bawat grupo ang salik na naibigay sa kanila.
Gabay na Tanong:
1. Bakit dapat isaalang-alang at pahalagahan ang mga salik na nakakaapekto sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao?-------INTEGRASYON--------
Takdang Aralin: SURIIN NATIN!(Indibidwal)
*Bigyan ng sariling interpretasyon ang kilalang hirarkiya ng mga pangangailanagn ni Abraham
Harold Maslow
-Inihanda ni: Bb. Krizza D. SangcapTirahan
Pagkain
Kotse
Cellphone
Damit
Paliwanag:
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pangangailangan
Kagustuhan
Pangangailangan at Kagustuhan
Salik
Edukasyon
Kita
Hanapbuhay
Panlasa
Edad
Interpretasyon:
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________