banghay aralin sa araling panlipunan iii sa disyembre 5

3
Disyembre 5, 2012 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III I. Mga Layunin Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. natutunton ang kasaysayan ng pagtatag ng Islam; 2. natatalakay ang mga mahahalagang simulain at gawain ng Islam; at 3. napahalagahan ang mga aral ng Islam. II. Nilalaman A. Paksa Ang Pasimula ng Relihiyong Islam B. Kagamitan Talahanayan1 , Activity Sheet 1 C. Sanggunian Kasaysayan ng Daigdig, pp. 127-128 III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Anu-anong mga bansa kung saan nangingibabaw o karamihan sa mga naninirahan ay Muslim? B. Paglinang ng Aralin 1. Pagbasa sa aklat, pp. 127 - 128 2. Pagtatalakay sa pundasyon ng relihiyong Islam Kilalanin si Muhammad. Ipakuwento ang simula ng kanyang pangaral. Ano ang dahilan ng kanyang pagtakas sa Mecca? 3. Pangkatang-gawain. Ipapangkat ang mga bata sa dalawa upang talakayin at sagutin ang Activity Sheet 1. Panuto: Lagyan ng tsek() sa patlang kung ito ay isa sa mga pangunahing aral ng Islam at ekis(X) kung hindi.

Upload: johanna-christine-caballes

Post on 22-Jan-2016

532 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan III Sa Disyembre 5

Disyembre 5, 2012

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

I. Mga Layunin

Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutunton ang kasaysayan ng pagtatag ng Islam;

2. natatalakay ang mga mahahalagang simulain at gawain ng Islam; at

3. napahalagahan ang mga aral ng Islam.

II. Nilalaman

A. Paksa Ang Pasimula ng Relihiyong Islam

B. Kagamitan Talahanayan1 , Activity Sheet 1

C. Sanggunian Kasaysayan ng Daigdig, pp. 127-128

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Anu-anong mga bansa kung saan nangingibabaw o karamihan sa mga

naninirahan ay Muslim?

B. Paglinang ng Aralin

1. Pagbasa sa aklat, pp. 127 - 128

2. Pagtatalakay sa pundasyon ng relihiyong Islam

Kilalanin si Muhammad. Ipakuwento ang simula ng kanyang pangaral.

Ano ang dahilan ng kanyang pagtakas sa Mecca?

3. Pangkatang-gawain.

Ipapangkat ang mga bata sa dalawa upang talakayin at sagutin ang

Activity Sheet 1.

Panuto: Lagyan ng tsek() sa patlang kung ito ay isa sa mga pangunahing aral ng Islam at

ekis(X) kung hindi.

____1. Paniniwala na walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang propeta.

____2. Pagdarasal sa mga santo.

____3. Pagdarasal ng limang ulit sa isang araw nang nakaharap sa Mecca.

____4. Paglilimos sa mahihirap. Tinatawag na zakat ang limos na ito.

____5. Pagdiriwang ng mahal na araw at pasko.

____6. Pagbili ng mga mamahaling imaheng panrelihiyon.

____7. Pangingilin sa buwan ng Ramadan at pagpapahayag ng Koran.

____8. Paglalakbay sa banal na lupaing Mecca. Tinatawag na Hadji yaong mga

nakapaglakbay na sa lupaing ito.

Page 2: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan III Sa Disyembre 5

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbubuod

Ilarawan ang relihiyong Islam at ang pasimula nito.

2. Pagpapahalaga/Aplikasyon

Ano ang Islam?

Ano ang pangunahing aral ng Islam?

Anu-ano ang “Limang Haligi ng Islam”?

3. Ebalwasyon

Panuto : Isulat ang titik ng tamang sagot.

____1. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mga taong tagasunod at

sumampalataya ni Allah?

a. Islam b. Muslim c. Cebuano d. Sultan

____2. Sinong anghel ang pumili kay Muhammad upang maging propeta sa

pagtatag ng bagong relihiyon?

a. San Miguel b. San Rafael c. San Gabriel d. San Pedro

____3. Ano ang tawag sa mga Muslim na nakapaglakbay na sa Mecca?

a. Señor b. Hadji c. Sultan d. Datu

____4. Alin sa mga sumusunod ang ipinagbabawal sa mga Muslim?

a. Magkaroon ng hanggang apat na asawa.

b. Igalang ang kanilang mga magulang.

c. Mahalin ang kapwa tao.

d. Kumain ng karne ng baboy.

____5. Paano naipakikita ng mabuting Muslim ang pagpapahalaga sa kanyang

relihiyon?

a. Pagsira sa kapwa tao.

b. Pagsamba sa mga santo

c. Paniniwala na si Allah lang ang Diyos

d. Gumawa ng imaheng panrelihiyon

IV. Takdang Aralin

Isulat ang mga sagot sa kwaderno.

1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Islam sa literatura?

2. Anu-ano ang mga pamana ng kabihasnang Islam sa daigdig?