basura

34
Prepared By: Edilberto DB. Santos Medicine II – B

Upload: rombergs-sign

Post on 18-Nov-2014

6.866 views

Category:

Documents


39 download

TRANSCRIPT

Prepared By:

Edilberto DB. Santos

Medicine II – B

Pakikisama sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura Ang pagdami ng basura ay may malaking

epekto sa ating pangkabuhayan at kalikasan. Ito ay isang mabigat na paksa para sa mga mamamayan. Dulot ito ng maling paraan ng pagtapon ng basura. Makiisa po tayo sa pamamagitan ng tamang pagtapon ng basura para sa epektibong paggamit ng likas yaman at malinis na siyudad . Ating isa-isip na ang koleksyon ng basura sa bawat siyudad at lugar ay ibat-iba.

Responsibilidad ng bawat Lungsod at Munisipalidad Ang bawat lungsod at munisipalidad ay

kailangang magtatag ng isang mahusay na sistema ng pagkulekta, paglipat at pag-ayos ng mga kalat at basura sa kanikanilang sakop na naaayon sa mga “local health authority” o sa mga tao na namamahala at nakakaalam ng tamang pamamaraan ng pag-ayos ng mga basura.

Code of Sanitation

PD # 856 Ang kalusugan ng mga tao, dahil sa

matinding kahalagahan nito, ay nararapat na bigyan ng serbisyong pampubliko na pumapatungo sa kaligtasan at pangangalaga nito.

Wastong Pagtapon ng Basura Ito ay ang tamang koleksyon, paglipat,

pagproseso, at pagsubaybay ng mga basura.

Kahalagahan ng wastong pagtapon ng basura:1. Isang paraan ng pagtulong sa

kalikasan.2. Isang paraan ng pagsira ng tirahan ng

mga insektong nagdadala ng sakit.3. Paraan ng pagpigil ng pagkalat ng

kontaminasyon ng tubig na ginagamit ng mga tao sa pagpaligo, paglaba at pang-inom.

4. Isang paraan ng paglikom ng pera mula sa paggawa ng pampataba ng lupa at pag”recycle”.

“Garbage”/Basura

- pagkaing hindi naubos

- parte ng mga nabulok na hayop at isda- mga gamit na nabubulok- Mga gamit na nagbibigay ng

masangsang na amoy

“Rubbish”/Dumi

- Dumi- Botelyang walang laman- Mga hindi nabubulok- Lata

2 Sistema ng Pagtapon ng Basura1. Lungsod / Komunidad na antas

2. Bahay / Tirahan na antas

Lungsod / Komunidad

Pagtambak ng Basura / “Dumping”Kailangang sunugin ang basura ng dahan-

dahan upang kumonti ang dami.Maaring gawin ngunit kailangang malayo sa

lugar kung saan nakatira ang mga tao.

Pagbaon ng Basura / “Sanitary landfill”Hukayin ang lupa pagkatapos ito ay

tambakan muli.Ang lupa ay huhukayin muna at doon

ilalagay ang basura, pagkatapos ay tatabunan ito ulit ng lupa.

Pagsunog ng Basura / “Incineration”Kailangang itambak ang basura sa isang

malayong lugar at ito ay sunugin ng sabay-sabay.

Bahay / Tirahan

Pagsunog / “Burning” ang mga bagay tulad ng plastics ay

kailangang ihiwalay at ibigay sa mga tagakolekta ng basura, ito ay hindi dapat sunugin dahil ito ay maaaring makasama sa tao at sa kalikasan.

PagbaonAng mga bagay na nabubulok ay maaring

ibaon sa lupa

Paggawa ng pataba sa lupa / “Composting”May mga bagay na maaaring gawing pataba

sa lupa, gaya ng mga dumi ng mga hayop.Malaking pakinabang sa mga magsasaka

Plano para sa Wastong Pagtapon ng Basura1. Pagsasaayos (Sorting)

2. Paghahawak (Handling)

3. Pagtatago (Storage)

4. Huling pagtatapon (Final Disposal)

Pagsasaayos (Sorting)

Ito ay ang wastong paghihiwalay ng mga bagay na nabubulok sa mga bagay na di nabubulok, sa mga bagay na maaring “irecycle” at mga bagay na di maaring “irecycle”.

Paghahawak (Handling)

Ito ay ang wastong paghahawak o pag “hahandle” at pagtatapok ng mga nakamamatay at delikadong mga basura.

Kailangan ng maiging pag-iingat sa paghawak ng mga matutulis na bagay tulad ng karayum sapagkat ito ay maaring pagmulan ng di sinasadyang impeksyon at sakit.

Pagtatago (Storage)

Kailangang itago ang mga basura sa isang lalagyan na nakasara o may takip at hindi sa isang lugar na nakabukas sa publiko.

Sinusundan ito kaagad ng huling pagtapon at pag-alis ng basura.

Huling Pagtatapon

Mga tuyo at buong basuraIbaonSunuginIlipat sa mga pasilidad pangbasura

Mga basang basuraMga panglinisKailngang gumamit ng damit

pangproteksyon tulad ng gloves at sapatos

Huling Pagtapon (Final Disposal) Matutulis na bagay

Kailangang ilipat sa mga pasilidad na sumusunog sa ganitong klaseng mga bagay

Gumamit ng makakapal na gloves

Mga karagdagang kaalaman Likas kayamanan

Bote, lata, plastic na bote, diyaryo, magasin, papel, kardbord, damit at plastik ay mga halimbawa ng likas kayamanan.

Mga papel at damit ay di dapat ilabas sa panahong tag-ulan

Basurang nabubulok at nasusunogBasura sa kusina, mantika, sapatos, goma,

diapers(tanggalin ang dumi sa loob),papel, unan, laruang gawa sa damit ay mga halibawa nito.

Tanggaling maigi ang tubig sa basurang galing kusina.

Ang sukat ng mga basurang nasusunog ay di dapat lalampas ng 30 sentimetro .

Para sa mas malalaki, ito ay nabibilang sa malalaking basura na dapat itapon sa araw ng koleksiyon ng malalaking basura

Basurang di nabubulok at di nasusunogMga bakal na bagay katulad ng kaldero at

kawali, bote ng pampaganda, plorera, masetera(maseterang gawa sa putik) , pampatuyo ng buhok, skeleton ng payong, lata ng pintura, de-kuryenteng gamit(rice cooker, microwave oven, radio cassette recorder, stove <baterya ・ tanggalin ang langis>, clearner at iba pa salamin, bombilya, at mga kutsilyo( ang talim ay dapat balutan ng papel)

Malalaking basuraMalalaking gamit na de-

kuryente(microwave oven, elektrik pan, kotatsu, lutuan, lampas sa 50cm na lutuan)、malalaking muebles (kabinet, kama, upuan), karpet, kumot, kutson, karitela ng bata, ski bord, sampayan, bisikleta.

Basurang nakakapinsalaBateryang tuyo (Kailangang ilagay sa

tamang lagayan)、mahabang ilaw, baterya, tanke ng pamatay sunog, layter, di sprey na lata, tanke ng gas na portable (kailangang ubusin ang laman), mercury na termometro at salamin.

Basurang di kinokolekta ng siyudadKompyuter (Alamin ito sa kompyuter recycle

law. Pwede kayong sumangguni sa tindahan ng mga elektroniks ), TV, eyrkon, washing machine, pridyedeyr( Ang apat na ito ay sakop ng home electronics law.

Pwede kayong sumangguni sa tindahan ng elektroniks) , motorsiklo, gulong, tanke ng gas, bat-tab, gamot, puno ng kahoy at ugat, langis, baterya, langis ng sasakyan, tanke ng pamatay sunog at bloke ng semento at iba pa.

~ Salamat ~