bihilya para sa mga yumao
DESCRIPTION
This vigil guide is intended to pray for the souls of the dead and the departed.TRANSCRIPT
APOSTOLADO NG PANALANGIN KABATAAN
Diyosesis ng Antipolo
Parokya ng Inmaculada Concepcion
Pambansang Dambana ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Katedral ng Antipolo
BIHILYA PARA
SA MGA
YUMAO
PAGBATI
NAMUMUNO: Mga minamahal na kamag-anak, kaibigan ng yumao at lahat ng natitipon dito, nasa ating harapan ang walang buhay at katawan ni ____________________________ na atin ngayong ipagdarasal upang ang kanyang kaluluwa ay tanggapin ng Diyos sa kanyang sinapupunan. Hilingin natin na naway ipagkaloob sa ating kapatid ang kapahingahang walang hanggan.
PAMBUNGAD NA AWIT
BUKSAN ANG AMING PUSO
INTRO: Em-B7-Em
Em B7 Em E7 Am
I. Buksan ang aming puso, turuan mong mag-alab;
B7 Em Am B7 Em
Sa bawat pagkukuro, lahat ay magkayakap.
B7 G B7 G
II. Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag
B7 Em Am F# B7
Nang kusang matangkilik, tungkuling mabanaag.
Em B7 Em E7 Am
III. Buksan ang aming palad, sariliy maialay;
B7 Em Am B7 Em
Tulungan mong ihanap kami ng bagong malay.
NAMUMUNO: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
BAYAN: Amen
NAMUMUNO: Mga kapatid, sa inyong kalumbayan at pangungulila nakikiramay ang buong bayan ng Diyos, sa binyag ang ating kapatid na si ______________________________ ay nabahaginan ng pagkamatay ni Kristo, ngayon naman
sa kanyang kamatayan ay nagtamo ng buhay na walang hanggan. Tandaan natin ang sinasabi ng Panginoon: Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling magsasama-sama sa piling ng ating Amang nasa langit.
PANALANGIN
NAMUMUNO: O maawaing Ama, Diyos na walang hanggan dinggin Mo ang aming panalangin para sa anak Mo na si _______________________________ na tinawag Mo sa kabilang buhay.
Pagkalooban Mo siya ng liwanag, kaligayahan at kapayapaan. Loobin Mo siyang makaraang maluwalhati sa pinto ng kamatayan upang magtamasa ng buhay na walang hanggan sa piling ng iyong mga banal at ng aming amang si Abraham.
Ipag-adya Mo siya sa lahat ng masama at sa araw ng muling pagkabuhay, gantimpalaan Mo siya na kasama ng mga banal.
Patawarin Mo ang lahat ng kanyang mga kasalanan at pagkukulang.
Bigyan siya ng buhay na walang hanggan.
BAYAN:Amen.
ANTIPONA
TUGON:Sa mga panganib, ikay ililigtas, nitong Panginoon, Siyang mag-iingat.
NAMUMUNO: Sa gawi ng bundok, tumingin ako, saan manggagaling ang aking saklolo? Ang hangad kong tulong, sa Diyos nagmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. (TUGON)
NAMUMUNO: Sa gitna ng paghihirap, tinawag koy Panginoon, kaya, Panginoon akoy dinggin pagkat akoy tumataghoy, dinggin Mo ang pagtawag kot paghingi ng Iyong tulong. (TUGON)
NAMUMUNO: Sabik akong naghihintay sa tulong Mo Panginoon, pagkat akoy tiwala sa pangako Mong pagtulong. Yaring aking pananabik Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. (TUGON)
NAMUMUNO: Ang tagapagtanggol ng bayan ng Israel, hindi natutulog at palaging gising! Ang Diyos na si Yahweh, Siyang nagbabantay, laging nasa piling, upang magsanggalang, di ka magdaramdam sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. (TUGON)
NAMUMUNO: Magtiwala ka Israel, magtiwala sa Iyong Diyos, matatag at di kukupas ang pag-ibig Niyang dulot. Lagi Siyang naghahandang sa sinuman ay tumubos. Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga hirang, ililigtas Niya sila sa kanilang kasalanan. (TUGON)
NAMUMUNO: Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo
BAYAN:Amen.
AWIT NG PAGHAHANGAD
INTRO: G/A-D/A-G/A-D/A-G-M9-D/F#-Em7-CM7-Asus-A
D A/C# Bm D/A G D/F# E/G# A
I. O Diyos, Ikaw ang laging hanap loob koy Ikaw ang laging hangad
D A/C# Bm D/A G D/F# Em C G/A
Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng Yong pag-aaruga.
II. (Do chords of 1)
Ikay pagmamasdan sa dakong banal nang makita ko ang Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay magagalak na await Ng papuring iaalay.
CHORUS:
G A/G F#m7 Bm7 Em7 A D D7
Gunita koy Ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulog Mo sa twinay taglay
F#m G A/G F#m7Bm7 G D/G Em C A
Sa lilim ng iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak.
III. (Do chords of I)
Aking kaluluway kumakapit Sayo kaligtasay tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari ang Diyos Syang dahilan
Ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan. (Chorus)
CODA:
G D/F# Em7 E/F# G D/F# Em7 G/A GM9
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.
D/F#-Em7-D/F#-GM9-D/F#-Em7-Asus4-D
PAGBASA
NAMUMUNO: Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan.
Ang mga kaluluwa ng mga banal ay nasa kamay ng Diyos, at hindi pa maabot ng pagdurusa. Sa paningin ng hangal, silay mukhang mga patay, at ang kanilang pagpanaw ay ituturing na isang kapighatian, at ang kanilang paglisan sa atin, ganap na pagkawasak. Ngunit silay nasa kapayapaan.
Sapagkat kung sa harap ng taoy tunay nga silang naparusahan, datapwat ang kanilang pag-asa ay puno ng buhay na walang hanggan. Bahagyang naparusahan, silay pagpalain ng malaki sapagkat sinubok sila ng Diyos at napatunayang karapat-dapat sa kanilang sarili.
Tulad sa gintong nasa apuyan, sila ay sinubok nilang wariy mga alay sa paghahain, silay kinuha Niya sa Kanyang sarili. Sa panahon ng pagdalaw sa kanila silay magningning at silay sisiklab tulad ng kislap sa dayami.
Hahatulan nila ang bansa at pangangasiwaan ang bayan at ang Panginoon ang kanilang magiging hari magpakailanman. Ang nagtiwala sa Kanyay nasa Kanyang piling sa pamamagitan ng pag-ibig. Sapagkat kalinga at habag ang taglay ng kanyang mga hinirang.
NAMUMUNO: Ito ang salita ng Diyos.
BAYAN:Salamat sa Diyos.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
SALMO
TUGON:Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan
NAMUMUNO: Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan; kanino ako matatakot? Ang Panginoon ay tanggulan ng aking buhay: kanino ako masisindak? (TUGON)
NAMUMUNO: Kung sinusunggaban ako ng masama upang paslangin, mabubuwal ang aking kaaway at kalaban. Harapin man ako ng isang hukbo, di matatakot ang aking puso. (TUGON)
NAMUMUNO: Kahit lusubin ako, mapanatag pa rin ako, maniniwala akong madarama ko ang kabutihan ng Panginoon sa lupain ng mga buhay. (TUGON)
NAMUMUNO: Masigasig mong hintayin ang Panginoon; pasiglahin ang iyong puso at hintayin ang Panginoon. (TUGON)
ALELUYA
INTRO: Am-Em/G-Em-Am-Dm-G-Csus-C
Am Em/G FM7 G/F Em7
Alelu-ya, ale lu-ya
C/E Dm7 Dm/C Gsus-G Am Em/G
Kami ay gawin Mong daan ng Iyong pag-ibig,
EM7 G/F Em C/E Am Em/G Em Am Dm-G Csus-C
Kapayapaan, at katarungan, aleluya
EBANGHELYO
NAMUMUNO: Pagbasa sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Mateo
BAYAN: Papuri sa Iyo, Panginoon.
Nang panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao ay umahon sa bundok. Pagkaupo Niya ay nagsilapit ang kanyang mga alagad. At nagsalita Siya upang turuan sila.
Mapapalad ang mga dukha sa Espiritu sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
Mapapalad ang mga maamo sapagkat tatamuhin nila ang lupa
Mapapalad ang mga hinahapis sapagkat aaliwin sila
Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa matuwid na pamumuhay sapagkat bubusugin sila
Mapapalad ang nga maawain sapagkat makakamit nila ang awa
Mapapalad ang mga may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos
Mapapalad ang mga tagamayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos
Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng Diyos
Mapapalad kayo kung dahil sa akin ay alimurahin at usigin kayo ng mga tao at pagwikaan kayo ng lahat ng masama dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya sapagkat malaki ang iyong gantimpala sa langit.
NAMUMUNO: Ito ang mabuting balita ng kalitasan
BAYAN:Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo
PAGNINILAY SA MABUTING BALITA
Ipakita Mo ang Iyong awa sa mag-anak na ito sa kanilang kalumbayan, Ikaw sana ang maging tagapagligtas nila na magdulot sa kanila ng lakas ng loob.
Sa kamatayan at pangungulila, ipadama Mong naririto Ka sa piling nila upang aliwin sila.
Ang kamatayan ay nilupig ng anak Mong si Hesukristong Panginoon naming ng Siyay mamatay dahil sa amin, at ibinalik sa amin ang buhay ng muling pagkabuhay.
Ipagkaloob Mong matanggap kami sa Kanyang kaharian at pagkatapos ng buhay na ito ay makapiling muli ang aming kapatid na yumao na, doon ay mapapawi ang lahat ng hirap at hapis.
Isinasamo namin ito alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
HULING PAMAMAALAM
Buong pitagan nating dalhin ang marupok na katawan ng ating kapatid na si ________________________ sa huling hantungan ng lahat ng tao.
Manalangin tayo ng may matibay na pananalig sa Diyos, na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay upang ang marupok na katawan ng ating kapatid ay muling mabuhay pagdating ng panahon na puspos ng lakas at papuri ng mga anghel at mga banal sa kalangitan.
Sa paghuhukom naway magdalag awa sa kanya ang Panginoong Hesukristo at patawarin siya ng lahat ng kanyang nagawang kasalanan.
Naway ihatid siyang maluwalhati ni Kristong mabuting pastol upang magtamasa ng kapayapaan at kaligayahang walang hanggan sa piling ng ating Ama, na Siyang Hari ng buhay at kamatayan.
TUGON:Tanggapin ang kanyang kaluluwa at iharap sa kataas-taasang Diyos
NAMUMUNO: O mga banal ng Diyos, halina, O mga anghel ng Panginoon, salubungin ninyo siya. (TUGON)
NAMUMUNO: Naway kupkupin ka ni Kristo, na tumawag sa iyo sa
binyag, at ihatid ka ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham. (TUGON)
NAMUMUNO: Pagkalooban Mo siya, Panginoon, ng pamamahingang walang hanggan. At tumanglaw sa kanya ang Iyong liwanag magpakailanman. (TUGON)
O maawaing Ama, sa Iyong pagkandili ay ihatid ang aming kapatid na si _______________________ na yumao na. nananalig kami sa tulad ng mga namatay ay muli siyang mabubuhay na kasama ni Kristo sa huling araw.
Nagpapasalamat kami sa Iyo sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Mo sa kanya bilang tanda na Iyong pagmamahal sa aming lahat at aming pakiki-isa sa lahat ng banal sa kalangitan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin, upang makapasok sa paraiso ang Iyong lingkod, aliwin kami sa aral ng pananampalataya, upang pagdating ng panahon ay muli naming makasama ang aming kapatid, salubungin kami ni Kristo at makapiling Ka sa kabilang buhay.
Naway ihatid ka ng mga anghel sa Panginoon: sa iyong pagdating, tanggapin ka ng mga martir at dalhin sa banal na lungsod, ang makalangit na Herusalem.
Alang-alang kay Kristong aming Panginoon, Amen.
Panginoon naming Diyos, pakinggan Mo po ang hinihiling naming sa Amang mapagpatawad at masintahin, sa kaginhawaan ng tao. Hinihiling naming na patawarin Mo na, ang kaluluwa ni _________________________ at ang mga kaluluwa sa purgatoryo, ng mga magulang, kamag-anak, kapatid nitong katipunang nangamatay, na sa tulong ng palagi ni Santa Maria at ng lahat ng Santo, Diyos Amang sumakop sa lahat ng nagsisisampalataya at nagsisamang palagi, nakarating sa langit sa Iyong kaluwalhatian. Makamtan niya ang indulhensiyang ninanasa niyang parati alang-alang at pakundangan sa buhay Mot kaharian magpasawalang hanggan. Siya nawa.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
N Ama naming mapagmahal, inihahabilin namin sayo si __________________________ na pumanaw na sa buhay na ito. Huwag mo siyang pababayaan at pamaligiin mo siyang buhay sa iyong piling. Alang-alang sa iyong awa at pag-ibig, patawarin mo na sana ang kanyang mga pagkukulang at nagawang pagkakasala dala ng kanyang kahinaan.
Manatili nawa siyang maligaya sa iyong piling kasama ng iyong Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B AMEN.
NAMUMUNO: Pagkalooban Mo po siya Panginoon ng kapahingahang walang hanggan.
BAYAN:Bigyan Mo sila ng liwanag at ilaw na walang katapusan.
NAMUMUNO: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan
BAYAN:Siya nawa.
(Ama namin. Aba Ginoong Maria.. Luwalhati..)
N At pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
B AMEN.
HINDI KITA MALILIMUTAN
Hindi kita malilimutanHindi kita pababayaanNakaukit magpakailanmanSa 'king palad ang 'yong pangalan
Malilimutan ba ng inaAng anak na galing sa kanya?Sanggol sa kanyang sinapupunanPaano niya matatalikdanNgunit kahit na malimutanNg ina ang anak niyang tanganHindi kita malilimutanKailanma'y di pababayaanHindi kita malilimutanKailanma'y di pababayaan
(The LORD is my shepherd; I shall not want. He makes me to lie down in green pastures: he leaded me beside the still waters. He restored my soul: he leaded me in the paths of righteousness for his name's sake. Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for thou art with me; thy rod and thy staff they comfort me. Thou prepare a table before me in the presence of mine enemies: thou anoint my head with oil; my cup runneth over. Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life: and I will dwell in the house of the LORD for ever.Psalm 23:1-6)
(ANG KALULUWA KOY NAUUHAWKATULAD NG LUPANG TIGANG, WALANG TUBIG, A-KOY NAUUHAW / O, DYOS HANGAD KITANG TUNAY / SA IYO AKOY NAUUHAW.KAYA IKAY MINAMASDAN DOON SA IYONG DALA-NGINAN / NANG MAKITA KONG LUBUSAN LAKAS MO AT KALUWALHATIAN.//: ANG KALULUWA KOY NAUUHAW / SA IYO, O, PANGINOON KO / ANG KALULUWA KOY NAUUHAW / SA IYO, O, PANGINOON KO.ANG KAGANDAHANG-LOOB MO AY HIGIT SA BUHAY SA MUNDO / KAYA AKOY NAGPUPURI, NGALAN MOY AKING SASAMBITIN. ://)
(SALMO 23Koro:Ang Panginoon ang aking PastolHindi ako magkukulang.Ako ay kanyang pinagpapahingaSa mainam Nyang pastulan.Inakay ako sa tahimik na batisAt dulot Nyay bagong lakasTapat sa pangakong akoy sasamahanNiya sa tuwid na landas. (koro)Daan may puno ng dilim o ligaligHindi ako mangangambaTungkod Mot pamalo ang syang gagabaysakin at sasanggalang twina. (koro))
AMA NAMIN
INTRO: Em-C/E-D/F#-G-CM7-Bm7-Esus4-Em
Em C/E D/F# G C Bm7 Esus Em
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo
Em7 Bsus4-B Em Em/D Bsus4
Mapasaamin ang kaha-rian Mo, sundin ang loob Mo
B7 C Am Bsus4 E G#m7 A F#m7 B E E/D#
Dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
C#m C#m/B F#sus4 F#7 F#m/E G#sus4 G# C#m G#sus4 G#7 C#m
At patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin
G#sus4 G# A Em C/E D/F G C
Sa nagkakasala sa amin. At hwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
Bm7 Em Em/D CM7 Bm7 Esus4 Em
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
PANALANGIN NG BAYAN
TUGON: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
NAMUMUNO: Muling binuhay ng Diyos Amang makapangyarihan ang Kanyang anak na si Kristong Panginoon. Buong pananalig nating hingin sa Kanya na ligtas ang kanyang bayan. Sa binyag ang ating kapatid na si ___________________________ ay tumanggap ng pangako na magkamit ng buhay na walang hanggan. Panginoon, isama Mo siya sa piling ng iyong mga anghel magpakailanman. (TUGON)
NAMUMUNO: Idinadalangin namin ang aming kapatid, kamag-anak, lahat ng mahal sa amin at gumawa ng mabuti; Panginoon, gantimpalaan Mo sila dahil sa kanilang kabutihan. (TUGON)
NAMUMUNO: Idinadalangin namin ang lahat ng yumao na umaasang muling mabubuhay; Panginoon, tanggapin Mo sila sa iyong kaharian. (TUGON)
NAMUMUNO: Idinadalangin naming ang lahat ng naririto ngayon na sumasampalataya; Panginoon, pag-isahin Mo kami sa pananampalataya at pag-ibig. (TUGON)
SINO AKO
I.
C Am Dm G G7 F
Hiram sa Diyos ang aking buhay. Ikaw at akoy tanging handog lamang
Am Dm G G7 C Dm G
Di ko ninais na akoy isilang, ngunit salamat dahil may buhay
II.
C G C
Ligaya ko nang akoy isilang, pagkat tao ay mayroong dangal
Am Dm
Sinong may pag ibig, sinong nagmamahal
G G7 F C C7
Kundi ang taong Diyos ang pinagmulan
C Am
Kung di ako umibig, kung di ko man
Fm Dm
bigyang halaga. Ang buhay koy handog
F C Dm G C
Ang buhay kong hiram sa Diyos, kung di ako magmamahal sino ako.
PARA SA MGA KAMAG-ANAK NG YUMAO
Manalangin Tayo:
O Ama, na puspos ng awa, Diyos ng lahat ng kaaliwan, sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa, ang dilim ng kamatayan ay ginawa Mong bukang liwayway ng panibagong buhay.
(HUWAG KANG MANGAMBA-Batay sa Isaias 43Onofre Pagsanghan Manoling Francisco, SJKORO1:Hwag kang mangamba. di ka nag-iisa.Sasamahan kita saan man magpuntaIkay mahalaga sa King mga mataMinamahal kita, minamahal kita.1. Tinawag kita sa yong pangalan. Ikaw ay Akin magpakailanman.Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tagapagligtas mo at Tagatubos. (Koro1)2. Sa tubig kitay sasagipin, sa apoy ililigtas man din.Ako ang Panginoon mo at Diyos, tagapagligtas mo at Tagatubos. (Koro2)KORO2:Hwag kang mangamba. di ka nag-iisa.Sasamahan kita saan man magpuntaIkay mahalaga sa King mga mataMinamahal kita, minamahal kita,Mi - - - - namahal kita.)