bonifacio

4
Virgilia Soriano 10915478 BONIFACIO: Isang Sarsuwela 1. Komunikasyong verbal ang pinaka-karaniwang uri ng komunikasyong ginamit sa palabas. Dahil isa sa mga pangunahin layunin ng Bonifacioay ang pagtalkay sa makasaysayang aspekto ng buhay at pagkamatay ni Andres Bonifacio, mga dayalogo ang pangunahin midyum para ihatid ang mensahe. Ilang mga halimbawa nito ay ang mga diskusyon ni Andres Bonifacio at ng kanyang mga kasapi sa Katipunan upang magplano ng kanilang pagsalakay sa mga Kastila. Kabilang din dito ang ritwal na isinagawa nina Emilio Aguinaldo at Emilio Jacinto na tinawag na ‘pacto de sangre’. Ito ay nagsimula sa isang verbal at pasulat na kontrata at nagtatapos sa paglagda nito gamit ang sariling dugo. Ang isa pang halimbawa ng verbal na komunikasyon ay ang pagpapasa-pasa ng impormasyon ukol sa pagkilos ng mga Katipunero at ng mga sundalong Kastila. Dahil nagiingat ang mga Filipino sa mga telegram o pasulat na abiso, verbal o oral ang paraang ginagamit para makapaghatid ng mensahe sa iba’t ibang tao. Dahil punung puno ng makabuluhang dayalogo ang sarsuwela, hindi malayong isipin na ang extra-verbal na komunikasyon ay madalas din gamitin para pagpahiwatig ng kaisipan. Ang pinaka- hindi malilimutang halimbawa ng extra verbal na komunikasyon ay nangyari noong pagkukumpisal traitor na si Teodoro Patino kay Fr. Mariano Gil. Bagamat iisa lang ang salitang “Ha?”na paulit-ulit na binibigkas ni Fr. Gil, pataas naman nang pataas ang kanyang

Upload: gilia-marie-soriano

Post on 27-Oct-2015

59 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

a play on bonifacio

TRANSCRIPT

Page 1: Bonifacio

Virgilia Soriano

10915478

BONIFACIO: Isang Sarsuwela

1. Komunikasyong verbal ang pinaka-karaniwang uri ng komunikasyong ginamit sa

palabas. Dahil isa sa mga pangunahin layunin ng Bonifacioay ang pagtalkay sa makasaysayang

aspekto ng buhay at pagkamatay ni Andres Bonifacio, mga dayalogo ang pangunahin midyum

para ihatid ang mensahe. Ilang mga halimbawa nito ay ang mga diskusyon ni Andres Bonifacio

at ng kanyang mga kasapi sa Katipunan upang magplano ng kanilang pagsalakay sa mga Kastila.

Kabilang din dito ang ritwal na isinagawa nina Emilio Aguinaldo at Emilio Jacinto na tinawag na

‘pacto de sangre’. Ito ay nagsimula sa isang verbal at pasulat na kontrata at nagtatapos sa

paglagda nito gamit ang sariling dugo. Ang isa pang halimbawa ng verbal na komunikasyon ay

ang pagpapasa-pasa ng impormasyon ukol sa pagkilos ng mga Katipunero at ng mga sundalong

Kastila. Dahil nagiingat ang mga Filipino sa mga telegram o pasulat na abiso, verbal o oral ang

paraang ginagamit para makapaghatid ng mensahe sa iba’t ibang tao.

Dahil punung puno ng makabuluhang dayalogo ang sarsuwela, hindi malayong isipin na

ang extra-verbal na komunikasyon ay madalas din gamitin para pagpahiwatig ng kaisipan. Ang

pinaka-hindi malilimutang halimbawa ng extra verbal na komunikasyon ay nangyari noong

pagkukumpisal traitor na si Teodoro Patino kay Fr. Mariano Gil. Bagamat iisa lang ang salitang

“Ha?”na paulit-ulit na binibigkas ni Fr. Gil, pataas naman nang pataas ang kanyang tono at lakas.

Ito ay nangangahulugang palala nang palala ang kanyang pagkabahala at yamot sa pagpapalakas

ng Katipunan. Mapapansin din na sa tuwing may kumakausap kay Tandang Sora (Melchora

Aquino) malulumanay ang mga boses ng mga tao bilang tanda ng paggalang sa nakakatanda.

Ang panghuling uri ng komunikasyon, di verbal, ay litaw na litaw din sapagkat ang

palabas ay isang sarsuwela o dula na nangangailangan ng eksaherasyon ng kilos at damdamin

upang ihatid ang saloobin ng mga tauhan. Para sa akin, ang pinakamahahalagang halimbawa nito

ay ang pagiibigan ng mag-asawang Gregoria De Jesus at Andres Bonifacio at sa pagitan din nina

Emilio Aguinaldo at ang asawang si Hilaria del Rosario. Sadyang hindi binigyan ng maraming

dayalogo ang mga mag-asawa dahil komunikasyong di-verbal ang mas pinairal. Noong eksenang

kakakilala pa lang ng binatang Bonifacio at dalagang Oriang, tanging pagpapakilala lang ng

sarili ang kanilang naibigkasngunit kitang-kita na may atraksyon at pa-sibol na pagiibigan ang

nangyayari.

Page 2: Bonifacio

2. Naniniwala ako na ang panunood ng dula ay epektibong paraan ng pag-intelektwalisa ng

wika. Sa aking karananasan, mas mahirap na maintindihan at ma-appreciate ang mga libro, lalo

na kung ang paksa ay ukol sa kasaysayan at may kalumaan o kalaliman ang mga salitang

ginagamit. Ang pagsasadula ay lubos na nagpapadali at nagpapabilis ng pagkaintindi ng teksto

dahil sinamahan pa ito ng kanta, emosyon, ekpresyon, at mas malinaw na mensaheng dala ng

tamang interpretasyon ng mga kataga.

3. Ang wika ay masasabing talaan ng kultura ng isang bansa. Ito ay arbitraryo at nagbabago

kasama ng interes at estado ng lipunan. Totoong magkaugnay nga ang wika at kasaysayan dahil

sinasalamin ng ginagamit na wika kung sino ang gumagamit nito at kung aling pangkat ng

lipunan ito nabibilang. Halimbawa, ang mga Caviteno sa dula ay gumagamit ng ‘Kastilang

palengke’ o pinaghalong Tagalog at Kastila. Makikita ito sa eksenang tila nag-piyesta ang mga

Caviteno dahil sa pagsisimula ng rebolusyon. Ito ay nangangahulugang lubos na tinanggap ng

mga Caviteno ang lenggwahe ng Kastila at mas malalim ang pag-impluwensiya sa kanila. Kung

tingnan naman ang mga dayalogo ng mga orihinal na Katipunero sa Manila, purong Tagalog ang

ginagamit. Maaring ang ibig sabihin nito ay hindi lubos ang pagtanggap nila sa banygang wika o

sadyang hindi sila natuto ng husto. Ang isang halimbawa sa dula kung saan maituturing na

naging bahagi ng kasaysayan ang wika ay ang napaka-madamdaming monologue ni Bonifacio

habang nanghihikayat sa mga Katipunero na pagtibayin ang kanilang loob at maghanda sa

anumang hamon, alang-alang sa pagamahal sa bayan.

4. Matapos ang dula, napatunayan kong hindi nagtatapos ang pagintelektwalisa ng wika sa

loob ng silid aralan at hindi kailangan nakapag-aral na sa mataas na antas ang mga makikilahok

dito. Sa katunayan, mas mainam at mas praktikal kung i-aaply ang intelektwalisasyon sa mga

paraang tulad ng dula. Ang mga magaaral sa loob ng silid aralan ay may spesipikong mindset

kung saan lahat ng impormasyong inilalahad sa kanila ay tinatanggap nang sapilitan o dahil lang

bahagi ito ng curriculum. Ang dula ay uri ng sining at hindi purong akademiko ang dahilan sa

panonood nito. Habang nanonood, naaaliw at nalilibang ang mga mag-aaral at nagiging mas

madali ang pagtanggap ng mensahe. Pagkatapos ng dula, matagumpay na makakamit ang

layunin ng intelektwalisasyon at nasiyahan pa ang mga tumangkilik nito.