bsu-pagsasalaysay

14
PAGSASALAYSAY PARAAN SA PAGDEBELOP NG SULATIN

Upload: eunice-kryna-verula

Post on 30-Oct-2014

219 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: bsu-pagsasalaysay

PAGSASALAYSAY

PARAAN SA PAGDEBELOP NG SULATIN

Page 2: bsu-pagsasalaysay

Pagsasalaysay!

Gamit ang dinalang isang bagay na mahalaga sa inyo, mangyaring isalaysay kung bakit yan ang inyong napiling bagay sa pamamagitan ng malikhaing pagsasalaysay.

Page 3: bsu-pagsasalaysay

-pinakagamitin o pinakamadalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa.

- layunin nito’y magkwento ng isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari.- anyo ng pagkukwento tungkol sa

sariling karanasan o tungkol sa karanasan ng ibang tao.

- pahayag na may layuning magkuwento ng mga kawil-kawil na mga pangyayari

Page 4: bsu-pagsasalaysay

Uri ng Pagsasalaysay

Page 5: bsu-pagsasalaysay

Maikling Kwento

- ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

- ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.

Page 6: bsu-pagsasalaysay

Anekdota

- Mga likhang-isip lamang ng manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa.

- Maaaring ito ay kwento ng mga hayop o bata.

Page 7: bsu-pagsasalaysay

Tula- higit na mahalaga ang bawat kataga o mga salita.

- pagkakaltas at pagkukulong ng isang salita ay magiging dahilan o mauunawaan ang nais ipahayag ng makata.

- isang pagbabagong-hugis ng buhay

- paglalarawan na likha ng guni-guni’t ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma sa taludturan.

Page 8: bsu-pagsasalaysay

Alamat

- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

- Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

Page 9: bsu-pagsasalaysay

Epiko- Ito’y isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan, kung minsa’y hango sa mga karaniwang pangyayari ngunit kadalasa’y ukol sa mga di-karaniwang tao na may mga pambihirang katangian (Pineda at Ongco, 1972:6).

- Isinasalaysay nito ang kagitingan ng isang tao: ang mga tagumpay niya sa digmaan, pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ang hindi kapani-paniwala sapagkat may kababalaghang napapaloob (Sauco, et al., 1978:10).

Page 10: bsu-pagsasalaysay

Kwentong Bayan - ay nahahati sa tatlong kaanyuan: mito, alamat at salaysayin.

- nagmula sa mga taong-bayan.

- kwentong kumakatawan sa mga bagay na napag-alaman ng mga tao noong kapanahunan ng ating mga ninuno na hindi alam kung sino ang may likha.

Page 11: bsu-pagsasalaysay

Balita

- mga pagpapahayag ng mga pangyayari sa araw-araw na ibinabahagi sa mga tao upang sila ay magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa kanilang paligid.

Page 12: bsu-pagsasalaysay

Kahingian ng Epektibong Naratib1. Orihinal at kawili-wiling paksa

3. Mapangganyak na Panimula a. Pagbuo ng nakakatawag-paning pangungusap b. Dayalogo c. Paglalarawan ng tauhan o tagpuan d. Pagtatanong f. Sipi o Kasabihan

2. Mapanghikayat na Pamagata. Maiklib. Orihinalc. Angkopd. Sinaliksike. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakasf. Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala

namang layuning magpatawa.

Page 13: bsu-pagsasalaysay

Elemento ng Isang Naratib

1.Banghay- istruktura ng naratib2.Tauhan- gumaganap sa kwento3.Suliranin- pagsubok na pinagdadaanan 4.Himig- o ang mood ay tumutukoy sa damdamin

ng may akda sa kanyang paksa5.Solusyon- tumutukoy sa mga pangyayaring

nagbigay-daan sa pangwawakas ng suliranin 6.Kasukdulan- kapanapanabik7.Resolusyon- nagbibigay-daan sa pagtatapos ng

kwento8.Wakas- katapusan ng kwento.

Page 14: bsu-pagsasalaysay

Gawain

Gumawa ng isang kwento mula sa hand-out na puno ng mga larawan. Siguraduhing bigyan ito ng sarili ninyong pamagat ng kwento. Idikit ang mga larawan sa istilong dyornal.