character education v1 a

17
CHARACTER EDUCATION VI Date: _________________ I. Layunin: Nagbibigay ng mga tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami batay sa ginawang pagsusuri. II. Paksang Aralin: Karunungan tungo sa maunlad na buhay B.P. : Katotohanan K.P. : Mapanuring Pag-iisip Sang. : ELC 1.1 EKAWP VI pah. 9 Kagamitan : Larawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga kilusang ginagawa ng pamahalaan para sa kalinisan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak: Anu-ano ang maidudutot ng wastong desisyon sa paobibigay no posisyon o tungkulin ng isang tao? 2. Paglalahad ng Sitwasyon: Nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez kung sino ang dapat magtanim ng mga halaman sa paligid ng paaralan at kung sino ang dapat maglinis. Sabi ng mga lalaki ay sila ang magtatanirn dahil gawaing panlalaki iyon at ang mga babae ang dapat maglinis dahil iyon ang gawaing pambabae. Ayaw ng mga babae, gusto nila ay pare-pareho nilang gawin arg pagtatanim at paglilinis. Ipinatiwanag nila na ang bawat isa ay may tungkuling pagandahin at linisin ang kanilang paligid. Nakinig and mga lalaki at sama-samang nagtrabaho ang lahat. 3. Pagtalakay: a. Bakit nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez? b. Ano ang dahilan ng mga lalaki sa kanilang pagtatalo? c. Ano ang katwiran ng mga babae sa kanilang pagtatalo? C. Paglalahat:

Upload: reymart-tandang-ada

Post on 30-Jan-2016

56 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

assssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss

TRANSCRIPT

Page 1: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Nagbibigay ng mga tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami batay sa ginawang

pagsusuri.

II. Paksang Aralin:Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1 EKAWP VI pah. 9Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga kilusang ginagawa ng pamahalaan para sa kalinisan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang maidudutot ng wastong desisyon sa paobibigay no posisyon o tungkulin ng isang tao?

2. Paglalahad ng Sitwasyon:Nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez kung sino ang dapat magtanim ng mga halaman sa

paligid ng paaralan at kung sino ang dapat maglinis. Sabi ng mga lalaki ay sila ang magtatanirn dahil gawaing panlalaki iyon at ang mga babae ang dapat maglinis dahil iyon ang gawaing pambabae.

Ayaw ng mga babae, gusto nila ay pare-pareho nilang gawin arg pagtatanim at paglilinis. Ipinatiwanag nila na ang bawat isa ay may tungkuling pagandahin at linisin ang kanilang paligid. Nakinig and mga lalaki at sama-samang nagtrabaho ang lahat.

3. Pagtalakay:a. Bakit nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez?b. Ano ang dahilan ng mga lalaki sa kanilang pagtatalo?c. Ano ang katwiran ng mga babae sa kanilang pagtatalo?

C. Paglalahat: Maari tayong sumang-ayon sa pasiya ng nakararami kung ito’y nakabubuti sa lahat.

D. Paglalapat:Ano ang nararapat gawin upang ang tamang desisyon ay para sa kabutihan ng nakararami?

IV. Pagtataya:1. Ano ang nararapat gawin upang makapagbigay ng tamang desisyon?2. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng pagtatalo ng mga mag-aaral?

V. Kasunduan:Sisikapin kong masuri muna nang mabuti ang anumang gawain bago magbigay ng mga desisyon.

Page 2: Character Education v1 A
Page 3: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Pagsusuri muna nang mabuti bago magbigay ng desisyon.

II. Paksang Aralin:Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 9Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang polusyon sa hangin at tubig?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

a. Sino sa inyo ang nakagawa ng tirador?b. Bakit kayo gumawa nito?c. Nasisiyahan ba kayong magtirador ng mga ibon?

2. Pag-aalis ng sagabal Insekto, buto, tirador

3. PagtatahadBasahin ang kwento "Ang Tirador" pah.62

4. Pagtalakay1. Ano ang gagawin ni Rodrigo sa mga sanga ng bayabas?2. Ano ang sinabi ni Oscar sa kanya?3. Nakinig ba si Rodrigo sa mga sinabi ni Qscar?

C. Paglalahat: Ano ang dapat nating gawin bago gumawa ng desisyon?

D. Paglalapat:Tayo ay makatututong sa magsasaka kung iiwasan natin ang pagpatay ng mga ibon. Alam

natin na sila ay kumakain ng mga maliliit na insektong sumusira sa mga tanim at tumutulong na maikalat ang raga buto no mga tanim.

IV. Pagtataya:Pitiin ang titik ng tamang sagot:1. Nasalubong mo ang kaibigan mo na may dalang tirador. Sinabi niya na gagamitin niya ang

tirador sa paghuli ng ibon. Ano ang gagawin mo?a. Sasama ka sa kanya sa paghuhuli ng ibon.b. Kunin ang kanyang tirador at itaponc. Takutin siya na may malaking ahas sa mga kahoy.d. Ipaliwanag sa kanya na ang mga ibon ay kaibigan ng tao.

Page 4: Character Education v1 A

2. Paano kayo makakatutong sa mga magsasaka?a. Huwag patayin ang mga ibon.b. Hulihin at paglaruan ang mga ito.c. Pabayaang pinapatay no ibang hayop ang ihon.d. Kunin ang mga itlog ng ibon.

V. Kasunduan:Sisikapin kong masuri muna nang mabuti ang anumang gawain bago magbigay ng mga desisyon.

Page 5: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Sumasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung ito'y nakabubuti.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1.1 EKAWP VI, GMRC To Children p. 111-112Kagamitan : Larawan ng mga batang nagpupulong

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:1. Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon?2. Naging modelo ka na ba sa isang mabuting desisyon? Ibahagi sa lahat.

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad:

Pagbasa ng kwento "Ang Manok"Naglatakad papunta sa paaralan sina Rey, Nilo at Marco. Napagkasunduan nilang

maglaro sa parke bago magpunta sa paaralan. Nang makita ni Rey ang oras na sampung miuto na lamang bago mag bell para sa flag ceremony nagpasya na siya para pumunta sa paaralan. Hinikayat siya nina Nilo at Marco na huwag nang dumato sa flag ceremony.

Nagdesisyon si Rey na mag-isa at nanaig sa kanya na dumalo sa flag ceremony. Kaya't siya'y pinagtawan at pinangalanang manok, manok!!

3. Pagtalakay:1. Anong ginawa nila Nilo, Marco at Rey bago pumunta sa paaralan?2. Bakit nag-aalala si Rey sa kanilang ginagawa?3. Kung ikaw si Rey, gagawin mo rin ba and ginawa niya?

C. Paglalahat: Magbigay ng isang sitwasyon na kayo rin ang kailangang magdesisyon para sa inyong

kabutihan at kabutihan ng lahat o nakararami.

IV. Pagtataya:Ibigay ang katangian ng mga sumusunod ayon sa naging sitwasyon no kwento.1. Rey -2. Nilo -3. Marco -

V. Kasunduan:Gumawa ng isang dula-dulaan na naglalaman ng pagpapakita ng pagsang-ayon sa pasiya pang

nakararami para sa ikabubuti.

Page 6: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.2 EKAWP VI, pp.10Kagamitan : Larawan ng mga batang nagpupulong

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Bakit kabutihan ng nakararami ang ating pahahalagahan sa pagbibgay ng desisyon?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Saan tayo dapat makakuha ng wastong impormasyon tungkol sa isang bagay?

2. Paglalahad ng GawainAng aralin sa klase ni Bb. Reyes ay tungkol sa mga uri ng pataba sa lupa. Pinagtatalunan

nila kung alin sa mga pataba ang nababagay sa palay. Hindi sila makakagawa ng tamang desisyon. Tumayo si Elena at binasa ang tungkol sa mga pataba. Ayon sa aklat, ang pinakamabisang pataba sa patay ay 14-14-14. Sinabi rin sa aklat ang kagandahang dulot ng patabang ito. Matapos basahin ni Elena ang impormasyon, napagkasunduan ng marami na iyon ang gagamitin o pataba sa palay.

3. Pagtatakaya. Ano ang aralin sa klase ni Bb. Reyes?b. Ano ang pinagtatalunan sa kanyang klase?c. Sino ang tumayo upang magbigay ng wastong impormasyon?d. Kung kayo si Elena, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?

IV. Pagtataya:Ano ang nararapat nating gawin upang makagawa tayo ng tamang solusyon batay sa wastong

impormasyon?

V. Kasunduan:Sisikaping magkaroon ng paaralan sa pagbabasa ng mga aklat na kanaisnais para sa wastong

impormasyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Page 7: Character Education v1 A

Date: _________________

I. Layunin: Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.2 EKAWP VI pah. 10Kagamitan : laruang aso, sipi ng suliranin, larawan ng isang aso

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang maaring ilunsad o itatag laban sa paggawa ng mga bagay o produktong may

masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Tungkutin ba nating tingnan ang kabutihan o kapakanan ng nakararami? Bakit?

2. Paglalahad:Ipakita ang larawan ng isang aso, pag-usapan Pagtanghalin ng isang piping patabas ang ilang mga piling mag-aaral. Sisikaping

maihanda bago pa dumating ang araw ng palabas.

3. Pagtalakay:1. Sino ang tunay na may-ari ng aso?2. Paano ito tratuhin ni Tony?3. Bakit ayaw isauli ni Toto ang aso kay Tony?

C. Paglalahat: Ano ang kahalagahang ipinakikita ng ating ginawa?

IV. Pagtataya:Lutasin ang mga suliranin. Ibigay ang mga naging batayan ng iyong solusyon. a. Kapwa lumapit sa iyo na umiiyak ang dalawa mong pinsan na nag-aangkinan ng isang laruan.

Alam mo na ito ay kay Ana na walang ingat sa kanyang gamit. At ngayon ay napulot ni Betty na masinop. Kanino mo ito ibibigay? Bakit? Ano ang iyong gagawin upang walang magdamdam na sino man?

b. Nagkagalit sina Pepe at Lito. Naunag maghamon ng away si Lito dahil sinabi ni Boy sa kanya na hindi kapani-paniwala ang matataas na marka ayon kay Lito. Nauwi sa malaking away ang lahat. Sino sa kanila ang may kasalanan? Bakit?

V. Kasunduan:(Buuin mula sa mga mag-aaral)1. Pag-aralan munang mabuti ang suliranin bago gumawa ng pasiya.2. Alamin muna ano mga kanilang impormasyon bago gumawa ng solusyon.

Page 8: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga apektado sa paggawa ng pasiya.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang ginagawa ninyo para mapalinis ang lugar na tinitirhan ninyo?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

a. Anu-ano ba ang rnga sakit na kumakalat sa inyong Lugar?b. Ano ang naging sanhi nito?

2. Pag-aalis ng sagabalPolusyon

3. PaglalahadPag-aralin natin ngayon ang mabuting gawain ng isang mamamayan upang maging

malinis at maayos ang kanyang kapaligiran.

4. PagtatalakaySa pamamagitan ng kwento, alamin ang dalawang uri ng polusyon at ang epekto nito sa

atin?

5. PaglalahatAng polusyon sa hangin at tubig ay maiiwasan kung iiwasan din ang pagtatapon ng

basura at mga patay na hayop sa tubig o saan mang bakanteng lugar.

C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalapat

Pagtapon o paglagay ng mga dumi at mga patay na hayop sa butas o basurahan.

IV. Pagtataya:Sagutin and mga sumusunod:1. Anu-ano ang posibleng epekto no polusyon sa hangin at tubig?2. Anu-ano ang kakalat na sakit kung marumi ang kapaligiran?3. Ano ang mangyayari kung tinatambakan ang daanan no tubig ng mga basura?

Page 9: Character Education v1 A

V. Kasunduan:(Buuin muta sa mga mag-aaral. )1. Pag aralan munang mabuti ang suliranin bago gumawa ng pasiya.2. Alamin rnuna ang mga kanilang impormasyon bago gumawa ng solusyon.

Page 10: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Nakapagbibigay ng wasto at angkop na pasiya.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ni Elena upang makagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Ano ang pakiramdam mo kapag ikaw ay naging makatwiran batay sa wastong impormasyon?

2. Paglatahad ng GawainSa klase ni Gng. Cruz, ang mga batang nasa ika-anim na baitang ay may pulong na

ginaganap tungkol sa gagawing palabas na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ang unang pangkat ay nagmungkahi na sayaw ang gagawin nila, ng isang pangkat naman ay magdudula-dulan samantalan ang ibang pangkat ay nagpasyang tumul. Ngunit ang mga batng nasa ika-anim ay kailangang maghandog ng isang bilang tamang at ito ay isang dula-dulaan. ……Manwal ng Guro pah.72

3. Pagtatatakay1. Anong pagdiriwang ang pinaghandaan ng mga batang nag-aaral sa ika-anin na baitang?2. Anu-anong palabas ang iminungkahi ng bawat pangkat?3. Anong palabas ang pinaghandaan ng klase? Bakit?

C. Paglalahat: Paano ipinakikita ni Efren aug kanyang pagiging pantay sa pagbibigay ng pasya?

D. Paglalapat:Ipinagbilin ng guro na ilista niya ang mga maiingay sa klase. Nagkataon na ang namumuno

sa pag-iingay ay best friend niya. Ano ang kanyang gagawin?

IV. Pagtataya:Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Efren bilang pangulo ng klase?

V. Kasunduan:Sumulat ng karanasan na ipinakikita mo ang pagiging pantay sa pagbibigay ng pasya.

Page 11: Character Education v1 A

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin: Naipapakita ang pagiging makatwiran at pantay sa pagtingin sa pagbibigay ng pasiya.

II. Paksang Aralin:Pasiya Para sa Nakararami

B.P. : KatotohananK.P. : Mapanuring Pag-iisipSang. : ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10Kagamitan : Larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang mabuting dulot ng pagsasabi ng katotohanan sa iyong kapwa?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Ilahad ang isang kaisipan at ipaliwanag ito sa mga bata.

2. Paglalahad Ilahad ang isang maikling kwento:

Magpasiya Ka!Si Diana ay lider ng grupo ng mag-aaral sa HEKASI. Nalalaman niyang mayroong

proyektong gagawin sa HEKASI subalit nasabay naman ito sa paggawa nila ng report sa SCIENCE Nais niyang maipasa ito sa takdang oras, ngunit di niya malaman kung ano ang uunahin. Nag-isip siya at pinag-aralan rnuna niya kung alin ang mahirap gawin at iyon ang kanila munang tatapusin. Nagpasiya siya at umayon naman ang grupo na unahin ang report sa SCIENCE dahil ito ay masalimuot gawin at pagkatapos saka nila gagawin ang proyekto sa HEKASI. Naipasa nila ito ng araw na ibinigay ng kanilana guro.

3. Pagtatalakay a. Ano ang dapat mong gawin bago magbigay ng pasya?b. Dapat ba nating isipin ang kabutihang dulot nito bago magbigay ng pasiya?c. Kung kayo si Diana, ganito rin ba ang gagawin ninyo? Bakit?

C. Paglalahat: Paano mo maipapaklta ang pagiging makatwiran at pantay sa pagtingin sa pagbibigay ng

pasiya?

IV. Pagtataya:Ano ang dapat mong gawin kung:a. Nagkagalit ang iyong kamag-aral dahil naiss ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-

aaral sa kabilang pangkatb. Maaari kang makagalitan ng iyong guro dahil sa pagkakaila mo sa nawawalang kagamitan sa H.

E.

Page 12: Character Education v1 A

V. Kasunduan:Maglahad ng sariling karanasan tungkol sa katatapos na aralin at isulat ito sa papel.

Page 13: Character Education v1 A