compilati(on fildlar
TRANSCRIPT
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
1
Tulang Liriko
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
2
Si El Hombre Pudiera Decir
Ang tulang “Si el hombre pudiera decir” ay sinulat na may temang pag -ibig. Ipinakita
dito ang kahalagahan ng makita and makasama ang taong ating minamahal upang
tayo ay talagang mabuhay. Ginamit ng istilong Saling Panggramatika ang nagsalin
upang maipakita ang nilalaman na mensahe ng orihinal na teksto. Ang tulang ito ay
nanggaling sa website na http://cherryball.wordpress.com/2010/06/26/berso-sa-
metro/
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
3
Si El Hombre Pudiera Decir
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito:
Kung ‘di kita nakilala, ‘di sana ako nabuhay;
Kung ako’y mamamatay nang ‘di kita nakilala,
hindi ako mamamatay,
dahil hindi ako nabuhay.
ni Luis Cernuda (Sevilla, 1902 – México, 1963
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
4
Centinaia di amici
Ang tulang “Kaibigan ng Sanlibutan” ay isinulat na may istrukturang AA BB CC DE. Sa
tulang ito ay makikita natin na ang ginamit na tema ng manunulat ay kaibigan. Sa
bagsa ng tulang ito ay makikita natin kung ano ang opinyon ng manunulat sa
pagkakaroon ng kaibigan. Ang ginamit na istilo ng pagsasalin ay Saling
Panggramatika kung saan isinalin ang teksto upang maipakita ang mensahe ng
manunulat. Ito ay nanggaling sa website na http://www.articlesbase.com/poetry-
articles/filipino-translation-of-afzal-shauqs-poetry-vilma-zaballero-1198510.html kung
saan makikita ang iba pa niyang mga tula na naisalin sa wikang Filipino.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
5
KAIBIGAN NG SANLIBUTAN
Sa paki wari koy, ikaw ang nakatingin sa akin
Sa paki wari koy, ikaw ang nakangiti sa akin
Ako'y nasasabik sa iyo
Ako'y naghahanap sa iyo
Sa paki wari ko, ay ikaw 'yon
Sa paki wari ko, ikaw ay nandodo on
Sa paki wari ko, ikaw ay naririto
Sa paki wari ko, ikaw ay nasa lahat
At sa pagtingin ko, ikaw lang ang nakikita
At dahil dito, naging kaibigan ko ang san libutan
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
6
Arog Kaini Palan
Ang tulang “Ganito nga Pala” ay hango sa Bikolanong tulang pinamagatang “Arog
Kaini Palan” na siyang isinulat at isinalin rin ni Abdon M. Balde, Jr. Ang manunulat ay
gumamit ng tulang tugmaan kung na kung saan ay mapapansin natin na ang
mayroong pagkakatulad sa pagbikas o sa pagtunog ng mga huling pantig ng bawat
taludtod. Gayundin sa isinaling bersyon ng tula. Makikita rin natin na kahit ito ay
naisalin na sa wikang Filipino, nandoon pa rin ang pagkakatugma-tugma ng bawat
huling pantig sa bawat taludtod. Ang pagsasalin na isinagawa dito ay saling -tapat o
ang pagsasalin na tahasan mula sa orihinal na wika. Kung ano ang katumbas na
wikang Filipino, gayundin ang nakalagay sa nakasalin. Ang pangunahing nilalaman ng
sulating ito ay ang mga bagay bagay na nararanasan na ng mga matatanda sa
kanilang edad. Ang orihinal at isinalin na bersyon ng tulang ito ay parehong makikita
sa website na http://www.panitikan.com.ph/regional.htm na kung saan makikita ang
iba’t-ibang likha ng mga Pilipinong manunulat mula sa orihinal na wika nito pati na rin
sa isinaling wika nito.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
7
Ganito Nga Pala
ni Abdon M. Balde, Jr.
Ganito nga pala
kapag tumanda na;
paggising sa umaga,
natutuwa at buhay pa;
ngunit sa unang kilos
ay parang nakagapos;
pagbangon sa higaan
ang mga buto’y naglalagutukan;
Pag-ihi sa kubeta
ay kailangang umupo pa,
dahil pag nakatayo
sa paa tumutulo.
Ang lugaw na agahan
ay abot nang pananghalian.
Kahit itlog pag nilaga
ay hirap na sa pagngata.
Natitinik lagi sa isda
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
8
kahit sardinas na nga.
Ang malunggay na kinain
kung lumabas ay malunggay din.
Nakakainom pa rin sa totoo
pinakuluang pito-pito.
Umiiwas sa ambon,
sa lamig ng panahon;
dahil pag sinipon
ay hindi na makabangon.
Pag napaupo nang bigla
ay tuloy napapatihaya.
Sa hagdan, kahit pababa
sa pagod ay lawit ang dila.
Kapag tumatawid sa daan,
tumitigil lahat ng sasakyan.
Inaantok sa sinehan
kahit ang palabas ay bakbakan;
Pag nakakita ng bulaklak
ay ataol ang hinahanap.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
9
Sa kaarawan, pag may handa
wala nang panauhing kababata;
kaya lahat nang dumadalo
ay isa-isang nagmamano.
Pagdating ng takipsilim
ang pag-asa’y dumidilim
na makasungkit pa rin
ng kahit na isang bituin.
Kung kalamigan ang gabi,
ay nangangarap pa rin ng katabi
habang yakap-yakap ang sarili.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
10
Kabalintunaan
Ang tulang “Kabalintunaan” ay ang Tagalog na bersyon ng tulang Bikolano na
pinamagatang “Baliktad” na siyang isinulat at isinalin sa wikang Filipino ni Abdon M.
Balde, Jr. Ang tulang ito ay gumamit ng istilong may sukat. Kapansin pansin na sa
bawat taludtod ay may naaalinsunod na bilang ng bawat pantig. Kung ating
bibilangin ang bawit pantig, mayroon itong labing-dalawang pantig kada isang
taludtod. Ang isa pang istilo na ginamit ng manunulat ay ang tugma. Mapapansin din
natin na may pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng bawat taludtod. Ganun din
naman sa isinaling bersyon. Mayroon pa rin itong labing-dalawang sukat ng pantig sa
Tagalog na bersyon at may tugmaan pa rin sa kabila ng pagkakasalin nito. Sa wikang
Tagalog, kapansin-pansin din ang ang pagkakaroon ng talinghagang sangkap ng tula.
Ang talinghaga ay nangangahulagan na mayroon pang nakatagong kahulugan sa
ilang pahayag ng tulang ito. Saling-tapat din ang pagkakasalin nito. Kung ano ang
katumbas na wikang Filipino, gayundin ang nakalagay sa nakasalin. Ang tu lang ito ay
tumatalakay sa opinyon ng nagsasalita kung bakit baliktad ang mga pangyayari sa
mundo. Ang orihinal at isinalin na bersyon ng tulang ito ay parehong makikita sa
website na http://www.panitikan.com.ph/regional.htm na kung saan makikita ang
iba’t-ibang likha ng mga Pilipinong manunulat mula sa orihinal na wika nito pati na rin
sa isinaling wika nito.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
11
Kabalintunaan
ni Abdon M. Balde, Jr.
Bakit kung kailan ika’y tumatanda
saka ang paligid lalong bumabata?
Saan man bumaling, mukhang bathaluman
ang nakapaligid na kababaihan.
At ang masakit pa sa ulo’t sa puso
kapag nasagi mo o kaya’y nahipo
ay hindi iiwas, hindi man kikibo;
iirap pang tila nanunuksong lalo.
Nakikilatis ba o naaaninag
na ikaw ay sadyang wala nang kamandag?
Bakit kung kailan may tago kang yaman
saka nilalamgam ng mga ka-angkan?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
12
Laksang kamag-anak ang nagkakasakit
at kapitbahay na biglang nagigipit;
Kahit ang dating sa iyo’y nangungutya
maamong aamot ng konting pabuya.
Maski katulong na ibig mag-asawa
ay ikaw ang ninong na pinupuntirya.
Nasasalat kaya o naaamoy ba
ang pinaghirapan mo’t inipong pera?
Kay daling masaid ng kasaganaan;
kay tagal sumiping ng karalitaan.
Ang inililihim ay s’yang nalalantad
Walang pumapansin sa inilaladlad.
Ang dating minahal ay ayaw lumisan
ang gustong mahalin ay kay ilap naman.
Ang ugat ng lakas kapag kailangan,
Saka naluluoy nang walang dahilan.
Ang pinagyayama’y laging nawawala.
Bakit ba ang buhay laging balintuna?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
13
The Road Not Taken
Isa sa mga inilathala ni G. Robert Frost ay ang tulang “The Road Not
Taken.” Inilathala niya ito noong 1915 at isinama niya ito sa isa sa marami niyang
koleksyon ng mga tula; ang Mountain Interval. Ang tulang ito ay isa sa kanyang mga
tanyag na akda. Ito ay nailathala na rin ng maraming beses sa mga aklat at
babasahing ginagamit sa paaralan lalo na sa elementary.
Ang tula ay may iskemang A, B, A, A, B. Ang tula rin ay may limang linya sa
bawat apat na istanza. Ipinapakita nito na ang manunulat ay may pakialam sa porma
at regularidad ng tula. Ang istilo naman na ginamit ng nagsalin ay saling-angkop.
Hindi isinalin ang bawat salita sa Ingles sa direktang katapat na salita nito sa Pilipino.
Ginamitan ng mas nararapat o naaangkop na salita sa Pilipino ang mga salitang
Ingles. Ang pinagkuhanan naman ng salin sa Pilipino ay isang blog.
Malalim ang kahulugan ng tulang ito. Sinasabing ito’y tungkol sa buhay ng
isang tao. Inilalarawan nito ang “paglalakbay” ng isang tao. Ibig din nitong ipahayag
kung gaano kahirap ang magdesisyon lalung lalo na kung ito’y nakadepende sa
magiging kahihinatnan ng isang tao sa kanyang buhay. Hindi lamang ang mga
naunang nasabi ang nais ipahayag ng may-akda sa mambabasa. Marami pang
maaaring matutunan sa simpleng tulang ito.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
14
Ang Pagpili ng Daan
ni Robert Frost
Dalawang daang naghiwalay sa may kakahuyan
Ako’y nanghihinayang dahil dapat pamilian
Sa paglalakbay, matagal akong nakatayo’t nakatanaw
Napatingin sa pinakamalayo ng unang daan
Di ko maaninag nang husto ang sa dulo’y nakaliko
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
15
Kagyat kong pinili ngayon itong pangalawa
Dahil siguro mas makabubuting landasin kesa sa isa
Ito’y madamo at wari ko’y sobrang napaglumaan na
Subalit sa pagpili sa daang magkasanga
Mapagtatantong sila’y magkahawig din pala
O, sa umagang yun sila ay parehong
Walang bakas ni isang pares ng paa!
Sabi ko, “bukas ko na lang tingnan yung una”
Kahit alam kong sa paglalakbay na ito
Mahirap nang bumalik pa sa umpisa
Balang araw mapagtatanto ko rin nang may buntong hininga
Minsan nakaraan na ang ilang taon
May dalawang kalsada akong pinamilian
Aking tinahak ang di masyadong napupuntahan
At malaking pagbabago na mula doon.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
16
Un Recuerdo Mi Pueblo
Ang tulang ito ay isa sa mga natatanging gawa ni Dr. Jose Rizal, ang ating
pambansang bayani. Sinasabing isa rin ito sa maraming tulang kanyang nailat hala
habang siya’y nag-aaral at nananatili pa sa Ateneo Municipal de Manila o mas kilala
ngayon bilang Ateneo De Manila University, noong 1876. Sinasabi rin na naisulat niya
ito noong siya’y labinlimang taong gulang pa lang. Iprinisenta ito ng isang binatang
Rizal sa pagpupulong ng Akademya ng Panitikan nagaganap sa Ateneo Municipal
tuwing Linggo.
Ang ginamit na istilo ni Dr. Rizal ay simple lamang. Walang regularidad ang
kanyang istilo dahil hindi lahat ng istanza ay may walong linya. Ang ginamit naman na
istilo ng pagsalin ay hindi basta-basta. Ang mga ginamit na salita ng nagsalin ay may
kalaliman. Hindi siya gumamit ng mga simpleng salita. Makikita talaga na pinag -
isipang mabuti ang mga gagamiting salita sa pagsasalin mula sa orihinal na texto. Ang
pinagkuhanan naman ng salin ay mula sa isang websayt na iniaalay ng mga gumawa
para kay Dr. Jose Rizal .
Sa tulang ito, inalala ni Dr. Jose Rizal ang kanyang karanasan sa Kalamba noong
bata pa siya. Ipinahayag niya sa tulang ito ang kanyang pagmamahal sa kanyang
kinalakhang lugar at sa kapaligiran.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
17
Isang Alaala Ng Aking Bayan
ni Dr. Jose Rizal
Kung magunita ko yaong mga araw
Na unang namasid niring kabataan
Sa tabi ng pampang na kulay luntian
Ng isang dagatang may bulong na taglay
Kung nagunita ko ang hingang mahinhin
Niyong si Favonyong sa noo ko'y hain
Ang mabining simoy ng tangi kong aliw
May lamig na dulot na kagiliw-giliw
Kung minamasdam ko ang liryong maputing
Pinamumukadkad ng hanging bati
Saka, pagkaraan ng kanyang lunggati'y
Natutulog naman sa buhanging tipi
Kung sinasagap ko sa mga bulaklak
Ang kanilang bangong makalango't sukat
Na inihihinga kapag ang liwanag
Ng bukang-liwayway pangiting ninikat
Nagugunita kong may kahalong lungkot
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
18
Ikaw, kabataang sakbibi ng lugod
Na nagisang inang magiliwing lubos
Ay siyang nagbigay ng iyong alindog
Nagugunita ko yaong isang bayan
Nagging ligaya ko't aking sinilangan
Sa tabi ng lawang may lamig na laya
Pugad ng lahat kong pag-ibig sa buhay
Ang mga paa kong kulang pa sa tatag
Sa mga gubat mo'y mayroon din bakas
Sa mga baybayin ng ilog mong lahat
Nakatamo ako ng aliw at galak
Nagdasal din ako sa iyong dambana
Nang buong taimtim noong ako'y bata
At sa iyong simoy na dugis ma'y wala
Yaring aking puso'y natigib ng tuwa
Kita ko ang Diyos sa angking kalakhan
Ng mga gubat mong nangagtatandaan
Kailanma'y di ko natikman minsan man
Ang pait ng palad sa iyong kandungan
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
19
Samantala, iyang bughaw na langit mong
Aking minamalas, minsan ma'y di ako
Kinulang sa lingap na galling sa iyo't
Sa katalagaha'y nukal ang aliw ko
Kamusmusang mura, bayan kong maganda
Masaganang bukal ng mga ligaya
At mga aliw-iw ng kundimang tila
Nakapaglalayo sa sariling dusa!
Mangagbalik kayo sa aba kong puso
Magsibalik kayo oras kong maamo
- magsibalik kayong parang libong dapo
Sa mga bulaklak kapag sumasamyo
Ngunit ay! Paalam! Nawa ay ingatan
Ang kaaliwan mo't ang kapayapaan
Wani ka ng galing, na sa kabutiha'y
Siyang naggagawad ng pala sa tanan
Dahilan sa iyo, ang aking pag-asa
Na may matutuna't ang langit man sana'y
Mayag na kupkupin ang yumi mo't ganda
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
20
Ang Huling Paalam
Ang “Huling Paalam” ay hango mula sa huling tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal na
pinamagatang “Mi Ultimo Adios”. Ito ang tula na itinago ni Rizal sa isang ‘cocinilla’ o
isang lutuang alcohol na siyang ibinigay niya sa kapatid niyang si Trinidad. Isa si
Andres Bonifacio sa mga unang nagsalin ng Mi Ultimo Adios sa wikang Filipino. Ang
manunulat ay gumamit ng istilong tugmaan kung saan ang mga huling pantig ng
bawat taludtod ay nagtutugmaan. Ang pagsasalin naman dito ni Andres Bonifacio ay
saling-tapat lang na kung ano ang pagkagamit nito sa wikang orihinal, ay gayundin
ang katumbas nito sa wikang pinagsalinan. Ang pangunahing nilalaman ng tulang ito
ay ang pamamaalam ni Rizal sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito. Ang “Mi Ultimo
Adios” ay galing sa website na http://www.carayanpress.com/ultimo.html kung saan
ipinakita ang kabuuan ng nasabing tula at ang salin nito sa wikang Ingles. Samantala
ang “Huling Paalam” na siyang isinalin sa wikang Filipino ni Andres Bonifacio ay mula
sa website na http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/huling-
paalam-ni-rizal.html kung saan matatagpuan ang Tagalog na bersyon ng “Mi Ultimo
Adios”. Makikita rin sa website na ito ang iba’t-ibang mga literatura, musika, kultura,
at iba pang mga ambag ng mga Pilipino sa mundo sa wikang Filipino.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
21
HULING PAALAM
Ni Dr. Jose Rizal
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.
Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
22
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
Ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Na tuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
23
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
24
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
25
Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
26
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
27
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
28
A La Juventud Filipina
Ang
tulang ito ay isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal nang siya ay
labinwalong taong gulang pa lamang. Ito ay kanyang iniaalay sa kabataang Pilipino. Kanyang
tinalakay rito ang paggamit ng wasto ng mga kabataang Pilipino sa edukasyon. Ang tulang
ito ay kinuha sa website na http://kapitbisig.com/philippines/poems-written-by-dr-jose-
rizal-sa-kabataang-pilipino-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-of-a-la-juventud-filipina.611.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
29
Sa Kabataang Pilipino Ni Dr. Jose Rizal
Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na't lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
30
Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.
Ikaw na ang himig ay lalong mairog
Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot
at mabisang lunas sa dusa't himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng lungkot
Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan
matigas na bato'y mabibigyang-buhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo'y nagiging walang kamatayan.
Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
31
Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
32
Nilisang Pugad
Ang tulang Nilisang Pugad ay orihinal na isinulat ni Albert Casuga . Tinatalakay ng
tulang ito ang pagsikat ng araw na may pahiwatig ng kabagalan at kalungkutan.
Tinalakay rito ang pagmamahal ng may-akda sa kanyang ina. Matutuklasan natin ang
ganitong matinding pagdaramdam dahil sa linyang, " O Inang. Pinakamamahal kong
Ina!
NILISANG PUGAD
Nagliparan na ang mga ibon,
at iniwanan na ang kanilang pugad,
tulad ng maagang pagdating
ng tag-lamig sa iyong buhay.
Tignan ninyo, Inang! Masdan ninyo!
Malalakas na ang mga ibong kamakaila’y
sisiw pa lang --- sila’y nagliparan na
patungong kung saang isang dipang langit
at di malamang malayong sulok
upang di na muling magbalik sa pugad
ng kalungkutan, pugad na nilisan,
isang bahay na wala nang laman.
O Inang. Pinakamamahal kong Ina!
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
33
Ang Malungkot na Araw
Ang tulang Ang Malungkot na Araw ay orihinal na nakasulat sa wikang Binukid na
nanggaling pa sa Bukidnon. Tinatalakay ng tulang ito ang pagsikat ng araw na may
pahiwatig ng kabagalan at kalungkutan. Gumamit din ng tayutay ang may-akda. Isa
na rito ang pagsasabuhay o pagsasakatao ng mga bagay na walang buhay -
personipikasyon. Matutuklasan natin ang ganitong identidad dahil sa mga linyang,
"Na ang dapit-tanghali ay nagdalamhati", "Ang tanghaling tapat ng umiyak", "Ang
dahilan ng kanyang lubos na kalungkutan", at marami pang iba. Masasabi din na ang
tula ay isinulat sa malayang paraan (free verse) - walang pagkakatugma sa hulihang
salita.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
34
Ang Malungkot na Araw
Ako ay dumungaw sa bintana
Ng araw na ito
Ako ay tumanaw sa may dungawan
Na humarap sa silangan
Na nakaharap sa silangan
Ako ay nagtataka
Nagsimula nang sumikat
Ang makinang na araw
Nagsimula na siyang sumikat
Naging mabagal ang kanyang pagtaas
Sana sisigaw na tanghaling tapat
Sa malimlim na dapit-tanghali
Pumaitaas sa nagsisigaw
Na dapit-tanghali
Ngunit ako ay nagkamali
Kung bakit ako ay nagtaka
Ang dahilan kung bakit ganoon
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
35
Na ang dapit-tanghali ay nagdalamhati
Ang tanghaling tapat ng umiyak
Ang dahilan ng kanyang lubos na kalungkutan
Ay ang mga taong naninirahan
Sa ibabaw ng mundo
Ang labis na ikinalulungkot niya
Ay ang mga taong nakatira
Sa ibabaw ng nilikhang lupa
Katulad ng buhok hindi nagkaisa
Ang mga tao sa ibabaw
Katulad ng buhok na hindi nagkaisa
Ang mga tao sa mundong ibabaw
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
36
Takipsilim
Ang tulang Takipsilim ay nagmula rin sa Bukidnon na may dayalektong Binukid. Itong
tula ay tumatalakay pa rin sa kaganapan ng araw na nagpapahiwatig ng mga
malalalim na emosyon ayon na rin sa isinulat ng may-akda. Sinasambit ng mga linya
ng Takipsilim ang pagkadalisay at pagkalma ng panahon. Ang layunin ng tulang ito ay
maipakita ang kagandahan ng kalikasan lalo na sa ganitong kaganapan - takipsilim.
Hinayag din sa katapusan ng tula ang pag-asa para sa kinabukasan - bagong araw,
bagong bukas. Ang tula ay isinulat din sa malayang paraan (free verse).
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
37
Takipsilim
Hindi humihingang umawit
Ang sikada sa kagubatan
Umawit nang walang paghinga
Ang sikada sa gilid ng gubay
Ang sikadang nakadapo
Sa punong may makapal na dahon
Ang sikadang doon nakadapo
Sa malaking puno na may mga dahon
Na parang nagduduyan
Sa gilid ng bangin
Na matibay ang pagkatirik
Sa gilid ng bundok
Na naroon sa bandang kanluran
Na nilulubugan ng araw
At nanghihinayang na mabigo
Kung ang araw ay lulubog
Kung magtatago na ang araw
Na si Amembed Bakayawan
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
38
At bilang palaisip
Ako'y nagsimulang mag-isip
Naging dahilan ng kanyang pag-aalala
At naging dahilan upang siya'y magulo
Dahil hindi ito masunod
Sa daraang gabi
Hindi ito masundan
Sa daraang madilim na gabi
Pero ang araw ay tataas uli
Ang madaling-araw ay babalik uli
Magdadala ng pangalan
Magbabalik ang maliwanag na pangala
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
39
Al Perdete Yo A Ti
Ang tulang “Al Perdete Yo A Ti” ay may pangunahing tema na pag -ibig. Nilalaman ng
tulang nito kung gaano kasakit ang pagkawala ng iyong minamahal dahil hindi
mapapantayan nino man ang pag-ibig na naibigay niya sa iyo. Ang tagapagsalin ay
gumamit ng Saling Panggramatika upang madaling maintindihan ng mambabasa ang
mensaheng ipinapahiwatig ng tula.
Al Perdete Yo A Ti
Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan
Ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan
At ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal
Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan
Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo
Ngunit ika’y ‘di mamahalin tulad ng kung paano kita minahal.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
40
Panlibay Hu Bata
http://larawangpinoy.blogspot.com/2008/06/test.html
Ang “Panlibay Hu Bata 2” ay isang tula mula sa Bukidnon. Ito ay tungkol sa isang ina na
nagbibigay ng payo sa kanyang sanggol na ipagpatuloy ang buhay kahit na naghihirap na sila
at nawawalan na ng pag-asa. Gumamit ng Saling Panggramatika ang may akda upang
mapanatili ang malakas na emosyon na tinataglay ng tula.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
41
Oyayi
Maawa ka, mahal na anak
Maawa ka, aking sanggol
Pakiusap, matulog ka na
Giliw ko matulog ka na
Gawain ko’y iyong inaabala
Ako’y iyong pinag-alala
Dahil ako’y iyong ina
Ako’y iyong magulang
Marami pa akong gagawin
Maraming bagay pa akong gagawin
Kaya’t kung ikaw ay matutulog
Kung pagbubutihin mo ang pagtulog
Nang ika’y lumaki
Matulin ang paglaki mo
Ika’y mabilis tumangkad
At nang kayo’y makabayad
Ang utang mo sa iyong mga magulang
Ang pagtitiis ng iyong mga magulang
Ang pakikibaka sa taong nagbigay-buhay sa’yo
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
42
Buwan ng Agosto
http://1x.com/photos/street/35725/
Ang tulang Bulan sa Agosto at Bulan sa Noviembre ay dalawang tulang Hiligaynon na
nagkukwento tungkol sa mga gawain at mga pangyayari sa mga nasabing buwan.
Naisalaysay tuwing buwan ng Agosto ang uri ng panahon gaya ng pagulan ang
pagdidilim. Sa Bulan naman ng Noviembre naikwento ng may akda ang tungkol sa
pagibig kay Inday na badiday. Parehong tula ay ginawa ni Flavio Zaragosa na makikita
sa librong Sugilanon: mga piliing maikling kwentong hiligaynon. Ang may-akda sa
nasabing libro ay si Lucero, Rosario Cruz.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
43
Buwan ng Agosto Ni: Flavio Zaragoza Cano
Isalaysay ko sa inyo
sa bayan ng Cabatuan
maraming ilog na tila
nagtatakbuhan
mayroon sa Tibuan
may galing sa Tigum
at sa Janipaan…
Dumadaloy ang ilog
sa Pamul-ogan
papunta sa Tiring
simula sa Bakan
at may dumadaloy
dumaan sa Tigbauan
dumaan sa Nasuli
na walang dahilan…
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
44
Sakaling ang bundok
totoong dumilim
aambun-ambon at
uulan ang langit
sa ilog ang tao
maraming totoo
na lumalay
at tumatakbo…
At saka hindi tumitigil
ang ulan,
masakit ang patak
parang mangangagat
ang ilog dumadaloy
papunta sa dagat…
sa langit may ulap
kaagad kumidlat…
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
45
Buwan ng Nobyembre Ni: Flavio Zaragoza Cano
Gumising ka’t magbangon
Inday na Badiday
damhin ang ginaw
nitong bukang liwayway
gumigising ng kaluluwa at
kalooban
at nagpapainit
ng ating panagimpan…
Sabay sa akin
gumising ka Inday
magpatabing dagat
harapin ang araw
mamuhay tayo
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
46
sa laking kasiyahan
sasayaw tayo
at mag-iindakan
Tayo’y magsasayawan
at mag-awitan
upang ang lamit
ay hindi maramdaman
damhin ang pag-ibig
na puno ng kasiyahan
naroon sa ating puso
na sa kaibutuarn…
Malamig ang hangin,
maaiwalas ang kalangitan,
ang sikat ng araw ay
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
47
hindi maalinsangan…
lumapit ka sa akin
dahil napakaginaw
upang sa iyong paningin
mukha mo’y maaninaw
Inday na badiday
na minumtya ko,
ang init ng iyong dibdib ay
yapusin ko;
lumapit ka sa akin
ng walang alinlangan
dahil ngayon ay Nobyembre
Ikaw’y aking hahalikan!
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
48
Tu Risa
http://www.superstock.co.uk/stock-photos-images/1589-131218
Ang Tu Risa ni Pablo Neruda ay ukol sa pag-ibig. Sinasaad sa tula ang pagmamahal ng
isang binata sa kanyang sinisinta at sinasabing ayos lang na mawala ang lahat, huwag
lang ang ngiti ng iniibig. Para ring kinakausap ng lalake ang babae at sinasabihan
siyang ayos lang na tumawa sa kung anu-anong mga bagay ang sinisinta—katulad ng
sa gabi, araw, at buwan—at ayos lang din na mapagkaitan siya ng mga bagay—
huwag lamang ang tamis ng ngiti ng kanyang babaeng sinisinta.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
49
Tu Risa
Ni Pablo Nureda
Pagtawanan mo ang gabi,
ang araw, ang buwan
Pagtawanan mo ang liku-likong
landas sa isla,
Pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
Ngunit kapag bubuksan ko
at isasara ang aking mga mata,
Kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik
Ipagkait mo na sa akin ang tinapay,
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
Huwag lamang ang iyong ngiti
Dahil ito’y aking ikasasawi
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
50
Tula ni Melissa Sena
http://www.4givewallpapers.com/romantic-couple/
Ang tula ni Melissa Sena ay naisulat noong 1973 gamit ang Espanyol na wika.
Ito ay isang tulang nagsasaad ng matinding pagmamahalan. Sa kabuuan, sinasaad
dito na ang nagmamahal ay di raw kayang mabuhay ng wala ang kanyang minamahal.
Ito raw ay dahil ang buong buhay niya ang inaalay lamang niya sa kanyang sinta. At
ngayon na wala na ang iniibig, ay wala na ring kuwenta ang buhay niya.
Tula Ni Melissa Sena
Mistulang alak na nakalalasing
Magkahalong tamis at pait
Ang dulot sa bawat pagsimsim
Paikot-ikot, paulit-ulit
Kailan lalaya sa iyong pagkapiit?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
51
Pananambitan
Ni Lilia Realubit
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan
Mga mahihirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
May kapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang na loob mula sa mahihirap
Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana
Nasaan Diyos ko, ang sinasabi mo
Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin mo, Poon ko, panambitang it
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
52
Pananghalian
Salin ni Bryan Mari Argos
M ababawasan na ang aking sinaing
Kahit puno ang bigasan.
Ang ulam na dalawang pantat
Magiging isa na lang kahit
Puno ng semilya
Ang ating pantatan.
Pano kasi at ibig mong paapawin
Ang ating bigasan, at ang pantatan
Gawing bangusan,
Kaya, pinili mo na mananghalian
Sa malayong mesa, kung saan
Ang sinaing ko,
Ang ulam,
Matitikman na lang
Sa alaala.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
53
Tula Ni Ernesto Cardinal
Nang maw ala ka sa akin,
Ikaw at ako'y nawalan:
Ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan
At ikaw dahil ako ang sa iyo'y lubusang nagmahal.
Ngunit sa dalawa
Ay ikaw ang higit na nawalan:
Dahil pwede kong mahalin and iba tulad ng pagmamahal ko sa 'yo
Nguni't ika'y di na mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
54
Sabong
Salin ni Bryan Mari Argos
Tay, paano mag-alaga ng tandan g na pansabong?
Hindi ba’t hinihimas-himas ito lagi,
Sa umaga,
Tanghali,
At bago matulog?
Sabi ni Kiryong na boy natin, Tay
Pwede na raw ipangsabong
Ang aking tandang,
Kaya’t araw-araw niya
Hinihimas-himas,
Sa umaga,
Sa tanghali,
At kung ika’y natutulo
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
55
Maikling Kuwento
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
56
Nasilaw na Kaginhawaan
Ang “Nasilaw ng Kaginhawaan” ay isinalin sa wikang Filipino ni Ma Crisanta S.
Nelmida mula sa orihinal na kwentong Pangasinense ni Eufemia Villamil na
pinamagatang “Aseleng na Inawa”. Ang manunulat ay gumamit ng istilong madali
lang maiintindihan ng mga mambabasa bagkus, ang manunulat ay gumamit din
naman ng ilang mabibigat na mga salita na siya namang makapagdadagdag sa
kagandahan ng kwento. Samantala, gumamit naman ng iba’t-ibang metodo ng
pagsasalin ang nagsalin ng kwento ngunit kapansin-pansin ang saling-malaya na
ginamit nito sa mga salitang nakasulat pa rin sa wikang Ingles sa kabila ng pagsasalin
nito. Ang kwentong orihinal at ang isinalin na kwentong ito ay parehong nagmula sa
website na http://www.panitikan.com.ph/regional.htm kung saan makikita ang iba’t -
ibang likha ng mga Pilipinong manunulat mula sa orihinal na wika nito pati na rin sa
isinaling wika nito.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
57
Nasilaw ng Kaginhawaan ni Eufemia Villamil
Sinalin sa Filipino ni Ma. Crisanta S. Nelmida
D
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
58
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
59
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
60
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
61
Binibining Phatuphats
Ang binibining Phatuphats ay hango sa maikling kwento ng mga Kapampangan. Ito
ay isang kwento ng babaeng nais at nagpupumilit na maging banyaga na taliwas sa
kanyang pagiging isang Pilipino. Ito ay nanggaling sa website na
http://lehcsirk0literature.blogspot.com/2008/11/si-miss-phathupats.html
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
62
Binibining Phathupats
Isinalin ni Lourdes H. Vidal
P
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
63
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
64
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
65
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
66
t
Si Boyet
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
67
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
68
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
69
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
70
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
71
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
72
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
73
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
74
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
75
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
76
Si Pungaan
http://laughing1wolf.blogspot.com/2009/08/boy.html
Ang maikling kwentong Si Pungaan ay nanggaling pa sa probinsyang bukidnon na
may dayalektong Binukid. Ang kwento ay umiikot sa mga gawain ni Pungaan na may
halong katangahan, ayon sa kanyang ina. Ito ay may temang nakakatawa at seryoso.
Dito hinahayag ang mga disgrasyang nagawa ni Pungaan sa kanyang paligid, sa
kanyang pamilya, at pati na rin sa kanyang sarili. Dahil na rin sa katangan ni Pungaan,
nagkakaroon ng kakatwang mga pangyayari ang kwento.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
77
Si Pungaan
I
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
78
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
79
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
80
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
81
Ang Kwento ng Buhok
U
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
82
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
83
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
84
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
85
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
86
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
87
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
88
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
89
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
90
Naratibong Tula
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
91
Epiko ng Ibalon
Ang “Ibalon” ay isang epiko na nagmula sa rehiyon ng Bicol. Ito’y ginawa ni Fray
Bernando de Melendreras, subalit hindi pa rin nakikita ang orihinal na teksto na
ginawa niya. Kaya naman ang bersyon ni Fray Jose Castaño na nasa wikang Espanyol
ang kinikilala na orihinal na bersyon sa ngayon. Ginamitan ng Salin Panggramatika
ang epikong ito at ito ay nasa paraang naratibo.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
92
Epiko ng Ibalon
ni Fr. Jose Castaño
Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni
Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway
na palaging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain.
Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.
“Pagod nang lumaban ang mga tao, anak” sabi ng kanyang ama. “Gusto nila ng
payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayo ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay
mamamatay tayong lahat sa gutom.”
“Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama?” tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.
“Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.”
Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang
kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama’t ina. Siya din ay nalungkot.
“Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka
pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.”
Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar na tinatawag na
Kabikulan. Marami na rin siyang narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung
makakahanap siya ng lugar kung saan sila ay maninirahan habang-buhay. Sa malawak
na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa
kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago
niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
93
Sinimulan niyang galigarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at
Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakagilid sa bundok ng Asog, Masaragam,
Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya
at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga
halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop.
Para itong lupain ng gatas at pulot.
“Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan.” sabi ni Baltog sa
kanyang sarili.
Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang
buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at
isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang
Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng
buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo
niya lahat buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang
sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.
Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila.
Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga
mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
94
Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang
magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay.
Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang
gutom ay naging alaala lamang ng nakaraan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
95
Biag ni Lam-Ang
Ang “Biag ni Lam-Ang” ay isang epiko ng mga Ilokano. Ang istoryang ito ay
ipinasa-pasa muna sa napakaraming henerasyon gamit ang bibig bago it naisulat
bangang 1640. Dahil dito, nagkaroon ito ng iba’t ibang bersyon. Ang bersyon na
nakuha namin ay sinulat ni Leopoldo Y. Yabes. Ang salin na bersyon ay sinulat nina
Zenaida Villanueva at Rachel San Miguel. Ang metodo ng pagsalin na ginamit nila ay
saling-panggramatika. Nagmula ang orihinal na bersyon sa
www.ilocandiarealtor.com. Matatagpuan sa website na ito ang napakaraming
impormasyon tungkol sa lugar ng Ilocos. Ang pinagmulan naman ng sinalin na
bersyon ay isang libro may pamagat na “Mga Piling Epiko ng Pilipinas”. Matatagpuan
sa librong ito ang mga ilan sa mga epikong nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
96
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
97
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
98
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
99
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
100
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
101
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
102
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
103
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
104
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
105
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
106
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
107
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
108
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
109
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
110
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
111
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
112
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
113
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
114
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
115
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
116
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
117
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
118
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
119
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
120
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
121
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
122
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
123
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
124
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
125
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
126
Florante at Laura
Ang nagsulat ng kuwentong ito ay si Francisco Baltazar o mas kilala sa ngalang
Francisco Balagtasr. Nailathala niya ang Florante at Laura noong siya'y kinulang sa
maling akusa. Ang istilong ginamit niya ay medyo mahirap intindihin. Ang bawat
istanza ay puno ng tayutay. Ito rin ay may apat na linya bawat istanza at may
labindalawang "syllables" bawat linya. Meron rin itong AAAA na iskema. Ang
ginawang pagsasalin ay simple lamang. Hindi masyadong iniba ang mga salita dahil
ang pinanggalingan rin na orihinal na texto ay ang ginagamit na tagalog noong unang
panahon lamang. Ang epiko ang tungkol kay Florante, isang prinsipe at ang mga
pinagdadaanan niyang mga pagsubok. Ang orihinal at naisalin na teksto ay
nanggaling sa website nahttp://ia700506.us.archive.org/17/items/floranteatlaura1584
5gut /15845- h/15 845-h. ht m# SA_ BA BASA_ NIT O at http://jaypeeonline.net/asides/florante-at-laura/ na isinalin
nila May Lim at Arlene Lim.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
127
Florante at Laura Ni: Francisco Balagtas
1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang
dumalaw sa loob ng lubhang masukal.
2
Malalaking kahoy-ang ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.
3
Tanang mga baging namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi’t malapit.
4
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
pinakamaputing nag-uungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5
Karamiha’y Cipres at Higerang kutad
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.
6
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
128
Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
karamiha’y Sierpe’t Basilisco’y madla,
Hiena’t Tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa.
7
Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa’y dinidilig
ng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho’y kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.
9
Baguntaong basal na ang anyo’t tindig,
kahit natatali-kamay paa’t liig,
kundi si Narciso’y tunay na Adonis,
mukhang sumisilang sa gitna ng sakit.
10
Makinis ang balat at anaki’y burok
pilikmata’y kilay-mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.
11
Dangan doo’y walang Oreadas Nimfas,
gubat ng Palasyo ng masidhing Harpias,
nangaawa disi’t naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta’y hirap.
12
Ang abang uyamin ng dalita’t sakit-
ang dalawang mata’y bukal ang kaparis;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
129
sa luhang nanakit at tinangis-tangis,
ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
13
“Mahiganting langit! bangis mo’y nasaan?
ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;
bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albania’y iwinawagayway.
14
“Sa loob at labas ng bayan ko sawi,
kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
15
“Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya’t linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
16
“Nguni ay ang lilo’t masasamang-loob
sa trono ng puri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.
17
“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
at ang kabaita’y kimi’t nakayuko;
santong katuwira’y lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.
18
“At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
130
19
“O, taksil na pita sa yama’t mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag!
20
“Sa korona dahil ng Haring Linceo
at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
ang ipinangangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.
21
“Ang lahat ng ito’y maawaing Langit,
Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?
mula Ka ng buong katuwira’t bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
22
“Makapangyarihang kanan Mo’y ikilos,
papamilantikan ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob.
23
“Bakit Kalangita’y bingi Ka sa akin,
ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
diyata’t sa isang alipusta’t iring,
sampung tainga mo’y ipinangunguling?
24
“Datapuwa’t sino ang tatarok kaya
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.
25
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
131
“Ay! di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!
26
“Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura–
ako’y minsan-minsang mapag-alaala.”
27
“At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,
malawak na lubhang aking tinawid,
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibidib.
28
“Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya
nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa;
higit na malaking hirap at dalita,
parusa ng taong lilo’t walang awa.
29
“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
na tinatagisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.
30
“Kung apuhapin ko sa sariling isip,
ang suyuan namin ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako’y may hapis,
nagiging ligaya yaring madlang sakit.
31
“Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan …
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
132
kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
ay humuhilig na sa ibang kandungan?
32
“Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito?”
33
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
kinagagapusang kahoy ay nadilig.
34
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
nalimbag ang bangis ng kapighatian;
at ang panibugho’y gumamit ng asal
na lalong marahas, lilong kamatayan.
35
Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,
kung ito’y makita magmamahabagin;
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma’y pilit hahapisin.
36
Sukay na ang tingnan ang lugaming anyo
nitong sa dalita’y hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata’y itulo.
37
Gaano ang awang bubugso sa dibdib
ng may karamdamang maanyong tumitig,
kung ang panambita’t daing ay marinig
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
133
38
Halos buong gubat ay nasasabugan
ng dinaing-daing lubhang malumbay,
na inuulit pa at isinisigaw
sagot sa malayo niyong alingawngaw.
39
“Ay! Laurang poo’y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki’y pangako;
at pinagliluhan ang tapat na puso,
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?
40
“Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
na di maglililo sa aking pag-ibig?
ipinabigay ko naman yaring dibdib,
wala sa gunita itong masasapit!
41
“Katiwala ako’t ang iyong kariktan,
kapilas ng langit anaki’y matibay;
tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan.
42
“Hindi ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin;
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.
43
“Di kung ako’y utusang manggubat
ng hari mong ama sa alinmang Ciudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata’y nanalong ng perlas?
44
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
134
“Ang aking plumahe kung itinatahi
ang parang korales na iyong daliri,
buntunghininga mo’y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.
45
“Makailan Laurang sa aki’y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot;
ibinibigay mo ay naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok.
46
“Baluti’t koleto’y di mo papayagang
madampi’t malapat sa aking katawan,
kundi tingnan muna’t baka may kalawang
ay nanganganib kang damit ko’y marumhan.
47
“Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
na kung sayaran man ng taga’y dumulas;
at kung malayo mang iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo’y makilala agad.
48
“Pahihiyasan mo ang aking turbante
ng perlas, topasyo’t maningning na rubi;
bukod ang magalaw na batong d’yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang L.
49
“Hanggang ako’y wala’t nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
manalo man ako’y kung bagong nanasok,
nakikita mo na’y may dala pang takot.
50
“Buong panganib mo’y baka nagkasugat,
di maniniwala kung di masiyasat;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
135
at kung magkagurlis nang munti sa balat,
hinuhugasan mo ng luhang nanatak.
51
“Kung ako’y mayroong kahapisang munti,
tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi.
52
“Hindi ka tutugot kung di matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas;
dadalhin sa hardi’t doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak.
53
“Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko’y kusang isasabit;
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
pag-uupandin mong lumbay ko’y mapaknit.
54
“At kung ang hapis ko’y hindi masawata,
sa pilikmata mo’y dadaloy ang luha;
napasaan ngayon ang gayong aruga,
sa dala kong sakit ay di iapula?
55
“Halina, Laura ko’t aking kailangan
ngayon, ang lingap mo nang naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay–
ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.
56
“At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humahanap ng maraming luha;
sukat ang kapatak na makaapula,
kung sa may pagsintang puso mo’y magmula.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
136
57
“Katawan ko ngayo’y siyasatin, ibig,
tingnan ang sugat kong di gawa ng kalis;
hugasan ang dugong nanalong sa gitgit
sa kamay ko, paa’t natataling liig.
58
“Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan,
ang hindi mo ibig dumamping kalawang:
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan.
59
“Ang mga mata mo ay iyong ititig
dini sa anyo kong sadlakan ang sakit,
upang di mapigil ang takbong mabilis
niring abang buhay sa ikapapatid.
60
“Wala na Laura’t ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako’y muling mabubuhay!
61
“Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
wala na si Laurang laging tinatawag!
napalayu-layo’t di na lumiliyag,
ipinagkanulo ang sinta kong tapat.
62
“Sa abang kandunga’y ipinagbiyaya
ang pusong akin na at ako’y dinaya;
buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
nilimot ang sinta’y sinayang ang luha.
63
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
137
“Alin pa ang hirap na di sa akin
may kamatayan pang di ko daramdamin?
ulila sa ama’t inang nag-angkin,
walang kaibiga’t nilimot ng giliw.
64
“Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
palasong may lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko’y tunod na tumimo,
ako’y sinusunog niring panibugho.
65
“Ito’y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko’y siyang magsasadlak
sa libingang laan ng masamang palad.
66
“O, Konde Adolfo, inilapat mo man
sa akin ang hirap ng sansinubukan,
ang kabangisan mo’y pinasasalamatan,
ang puso ni Laura’y kung di inagaw.”
67
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
na umalingawngaw sa loob ng gubat;
tinangay ang diwa’t karamadamang hawak
ng buntunghininga’t luhang lumagaslas.
68
Sa puno ng kahoy na napayukayok;
ang ibig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula’t ang kulay ng burok
ng kanyang mukha’y naging puting lubos.
69
Nagkataong siyang pagdating sa gubat
ng isang gererong bayani ang tikas,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
138
putong na turbante ay kalingas-lingas
pananamit moro sa Persyang siyudad.
70
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
anaki’y ninitang pagpapahingahan,
di kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan
ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay.
71
Saka tumingala’t mata’y itinirik
sa bubong ng kahoy na takip sa Langit,
istatuwa manding nakatayo’y umid,
ang buntunghininga niya’y walang patid.
72
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
sa puno ng isang kahoy ay umupo,
nagwikang “O palad!” sabay ang pagtulo
sa mata ng luhang anaki’y palaso.
73
Ulo’y ipinatong sa kaliwang kamay
at saka tinutop ang noo ng kanan;
isang mayroong ginugunamgunam–
isang mahalagang nalimutang bagay.
74
Malao’y humilig, nagwalang-bahala,
di rin kumakati ang batis ng luha;
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang: “Flerida’y tapos na ang tuwa!”
75
Sa balang sandali ay sinasabugan
yaong buong gubat ng maraming “Ay! Ay!”
na nakikitono sa huning mapanglaw
ng panggabing ibong doo’y nagtatahan.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
139
76
Pamaya-maya’y nabangong nagulat,
tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag;
nalimbag sa mukha ang bangis ng furias–
“Di ko itutulot!” ang ipinahayag.
77
“At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
at di ang ama kong dapat na igalang,
hindi ko masabi kung ang pikang tangan–
bubuga ng libo’t laksang kamatayan!
78
“Bababa si Marte mula sa itaas
at kailalima’y aahon ang Parcas;
buong galit nila ay ibubulalas,
yayakagin niring kamay kong marahas!
79
“Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
ang kabiyak niring kaluluwang angkin;
liban na kay ama, ang sinuma’t alin
ay di igagalang ng tangang patalim.
80
“O, pagsintang labis ng kapangyarihan,
sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw;
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang!
81
“At yuyurakan na ang lalong dakila–
bait, katuwira’y ipanganganyaya;
buong katungkula’y wawal-ing-bahala,
sampu ng hininga’y ipauubaya.
82
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
140
“Itong kinaratnan ng palad ko linsil
salaming malinaw na sukat mahalin
ng makatatatap, nang hindi sapitin
ang kahirapan kong di makayang bathin.”
83
Sa mawika ito luha’y pinaagos,
pika’y isinaksak saka naghimutok;
nagkataon namang parang isinagot
ang buntunghininga niyaong nagagapos.
84
Gerero’y namangha nang ito’y marinig,
pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makita’y hinintay umulit,
di man nalao’y nagbangong humibik.
85
Ang bayaning Moro’y lalo nang namaang,
“Sinong nanaghoy sa ganitong ilang?”
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntunghininga’t pinakimatyagan.
86
Inabutan niya’y ang ganitong hibik:
“Ay, mapagkandiling amang iniibig!
bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
ako’y inulila sa gitna ng sakit?
87
“Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin
ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
parang nakikita ang iyong narating…
parusang marahas na kalagim-lagim.
88
“At alin ang hirap na di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
141
ikaw ang salamin – sa Reyno – ng bait,
pagbubuntunan ka ng malaking galit.
89
“Katawan mo ama’y parang namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo’y berdugo ng sukab.
90
“Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,
kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang naglibing na tao.
91
“Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan
kung kampi sa lilo’y iyong nang kaaway;
ang di nagsiayo’y natatakot namang
bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.
92
“Hanggang dito ama’y aking naririnig,
nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis;
ang panambitan mo’t dalangin sa Langit,
na ako’y maligtas sa kukong malupit.
93
“Ninanasa mo pang ako’y matabunan
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.
94
“Pananalangin mo’y di pa nagaganap,
sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang Adiyos bunso’t buhay mo’y lumipas.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
142
95
“Ay, amang ama ko! kung nagunamgunam–
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian–
luha niring pusong sa mata’y nunukal.
96
“Walang ikalawang ama ka sa lupa
sa anak na kandong ng pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
97
“Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko’y hindi na malaong hihintin
ako’t sa payapang baya’y yayakapin.”
98
Sandaling tumigil itong nananangis,
binigyang-panahon luha’y tumagistis
niyong naawang morong nakikinig…
sa habag ay halos magputok ang dibdib.
99
Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
“Kailan,” aniya, “luha ko’y bubukal
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?
100
“Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.
101
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
143
“Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko’y sa hinayang mula–
sa mga palayaw ni ama’t aruga–
malaking palad ko’t matamis na luha.
102
“Ngunit ang nanahang maralitang tubig…
sa mukha’t dibdib kong laging dumidilig,
kay ama nga galing datapuwa’t sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.
103
“Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin,
agawan ng sinta’t panasa-nasaing
lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
104
“May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha?
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka’y nawala!”
105
Napahinto rito’y narinig na muli
ang pananambitan niyong nakatali,
na ang wika’y “Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ng pighati.”
106
“Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng di mo esposang katipan;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan
ng kasing nilimot at pinagliluhan.
107
“Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
144
at kung mangyayari hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”
108
Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos ng paglakad,
siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.
109
Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala’t parang nakikinig
sa di lumilikat na tinangis-tangis.
110
Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ang dalawang hayop,
na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog–
isang kamatayang kakila-kilabot!
111
Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap;
puso ko’y nanlambot sa malaking habag
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.
112
Sino’y di mahapis na may karamdaman
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;
lipos ng pighati saka tinutunghan
sa laman at buto niya ang hihimay!
113
Katiwala na nga itong tigib-sakit
na ang buhay niya’y tuntong na sa guhit;
nilagnat ang puso’t nasira ang boses,
di na mawatasan halos itong hibik.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
145
114
“Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan;
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,
sa iyo’y malaki ang panghihinayang.
115
“Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.
116
“Kinasuklaman mo ang pangako–
sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo;
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka’y maubos tumulo.
117
“Pagkabata ko na’y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga;
di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa.
118
“Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
dapuwa’t sa iyo’y magpapasalamat
kung pakamahali’t huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.
119
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa tapat ng dibdib;
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw na isip!
120
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
146
“Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.
121
“Nasa harap ko na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang lahing kamatayan;
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan.
122
“Sa abang-aba ko! diyata, O Laura…
mamamatay ako’y hindi mo na sinta!
ito ang malapit sa lahat ng dusa,
sa akin ay sino’ng mag-aalaala!
123
“Diyata’t ang aking pagkapanganyaya,
di mo tatapunan ng munti mang luha;
kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala,
di babahaginan ng munting gunita!
124
“Guniguning ito’y lubhang makamandag,
agos na luha ko’t puso ko’y maagnas
tulo kaluluwa’t sa mata’y pumulas,
kayo aking dugo’y mag-unahang matak.
125
“Nang matumbasan ko ang luha, ang sakit
nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis.”
126
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero’y hindi na napigil ang habag,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
147
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.
127
Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik
sa dagok ng lubhang matalas na kalis;
moro’y di tumugot hanggang di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.
128
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw
niyong pagkatungo sa kalulunuran;
siyang pagkataas sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.
129
Nang malapit siya’t abutin ng sulyap
ang sa pagkatali’y linigid ng hirap,
nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,
katawan at puso’y nagapos ng habag.
130
Malaong natigil na di nakakibo,
hininga’y hinabol na ibig lumayo;
matutulog disin sa habag ang dugo,
kundangan nagbangis leong nangagtayo.
131
Naakay ng gutom at gawing manila,
nag-uli sa ganid at nawalang-awa;
handa na ang ngipi’t kukong bagong hasa
at pagsasabayan ang gapos ng iwa.
132
Tanang balahibo’y pinapangalisag,
nanindig ang buntot na nakagugulat;
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
148
133
Nagtaas ang kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira;
nang darakmain na’y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.
134
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin sa Serp’yente Piton;
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pamutol.
135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay
at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya di nalao’y nangagumong bangkay.
136
Nang magtagumpay ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ng loob.
137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo’y nang matingnang nunukal sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi’y nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.
138
Kaya ang ginawa’y inagapayanan,
katawang malatang parang bagang bangkay;
at minsang pinatid ng espadang tangan
walang awang lubid na lubhang matibay.
139
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
149
Umupo’t kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga’y natulog;
hinaplos ang mukha’t dibdib ay tinuptop,
nasa ng gerero’y pagsaulang-loob.
140
Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay
na kanilang kalong kalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.
141
Namamangha naman ang magandang kiyas,
kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas;
mawiwili disin ang iminamalas
na mata, kandungan sa malaking habag.
142
Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob,
nguni’t napayapa ng anyong kumilos
itong abang kandong na kalunus-lunos,
nagising ang buhay na nakakatulog.
143
Sa pagkalungayngay mata’y idinilat,
himutok ang unang bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
“Nasaan ka Laura sa ganitong hirap?”
144
“Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin,
kung mamatay ako’y gunitain mo rin.”
pumikit na muli’t napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.
145
Ipinanganganib ay baka mabigla,
magtuloy mapatid hiningang mahina;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
150
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.
146
Nang muling mamulat ang nagitlaanan,
“Sino? sa aba ko’t nasa Morong kamay!”
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari’y nagngalit na lamang.
147
Sagot ng gerero’y “Huwag kang manganib
sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib;
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.
148
“Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan
nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.
149
“Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako’y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.
150
“Moro ako’y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng Langit;
dine sa puso ko’y kusang natititik-
natural na ley-ing sa aba’t mahapis.
151
“Anong gagawin ko’y aking napakinggan
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita’t pamumutiwanan
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan.”
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
151
152
Nagbuntunghininga itong abang kalong
at sa umaaaliw na Moro’y tumugon,
“Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon.
153
“Payapa na naman disin yaring dibdib,
napagkikilalang kaaway kang labis;
at di binayaang nagkapatid-patid
ang aking hiningang kamataya’t sakit.
154
“Itong iyong awa’y di ko hinahangad,
patayin mo ako’y siyang pitang habag;
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap.”
155
Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang Morong may awa’t luha’y tumagistis;
siyang itinugon sa wikang narinig
at sa panlulumo’y kusang napahilig.
156
Anupa’t kapwa hindi nakakibo
di nangakalaban sa damdam ng puso;
parang walang malay hanggang sa magtago’t
humilig sa Pebo sa hihigang ginto.
157
May awang gerero ay sa maramdaman,
malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas na pinagdaanan,
dinala ang kalong sa pinanggalingan.
158
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
152
Doon sa naunang hinintuang dako
nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
sa isang malapad, malinis na bato,
kusang pinagyaman ang lugaming pangko.
159
Kumuha ng munting baong makakain,
ang nagdaralita’y inamong tumikim,
kahit umaayaw ay nahikayat din
ng sabing malambot na pawang pang-aliw.
160
Naluwag-luwagan ang panghihingapos,
sapagka’t naawas sa pagkadayukdok,
hindi kinukusa’y tantong nakatulog,
sa sinapupunan ng gererong bantog.
161
Ito’y di umidlip sa buong magdamag,
sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat;
ipinanganganib ay baka makagat
ng ganid na madlang nagkalat sa gubat.
162
Tuwing magigising sa magaang tulog,
itong lipos-hirap ay naghihimutok,
pawang tumitirik na anaki’y tunod
sa dibdib ng Morong may habag at lunos.
163
Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
munting napayapa sa dalang hilahil;
hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,
walang binitiwang himutok at daing.
164
Ito ang dahilang ipinagkasundo,
limang karamdamang parang hinahalo;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
153
ikinatiwasay ng may dusang puso,
lumakas na muli ang katawang hapo.
165
Kaya’t nang isabog sa sansinukuban
ang doradong buhok ng masayang araw,
nagbangong hinaho’t pinasalamatan
sa Langit ang bagong lakas ng katawan.
166
Sabihin ang tuwa ng gererong hayag,
ang abang kinalong ay biglang niyakap;
kung nang una’y nukal ang luha sa habag,
ngayo’y sa galak na ang inilagaslas.
167
Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kinandili;
kundangan ang dusa’y sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.
168
Sapagka’t ang dusang mula sa pag-ibig
kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,
kisapmata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.
169
Kaya hindi pa rin halos dumadapo
ang tuwa sa lamad ng may dusang puso
ay itinakwil na ang dalitang lalo
at ang tunod niya’y siyang itinimo.
170
Niyapos na muli ang dibdib ng dusa,
hirap yatang bathin ng sakit sa sinta!
dangan inaaliw ng Moro sa Persya,
natuluyang nanaw ang tangang hininga.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
154
171
“Iyong natatanto ang aking paglingap,”
anitong Persyano sa nababagabag;
“mula ng hirap mo’y ibig kong magtatap
at nang kung may daa’y malagyan ng lunas.”
172
Tugon ng may dusa’y “di lamang ang mula
niring dalita ko ang isasalita,
kundi sampung buhay sapul sa pagkabata,
nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.”
173
Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
ang may dalang habag at lipos-linggatong,
saka sinalitang luha’y bumabalong,
buong naging buhay hanggang naparool.
174
“Sa isang dukado ng Albanyang syudad
doon ko nakita ang unang liwanag,
yaring katauha’y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo, ay ama kong liyag!
175
“(Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,
sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.)
176
“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Krotona,
masayang Siyudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa?
177
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
155
“Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan
ng Haring Linceo sa anumang bagay;
pangalawang puno ng sangkaharian,
may gintong ugali at iginagalang.
178
“Kung sa kabaita’y uliran ng lahat
at sa katapanga’y pang-ulo sa syudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.
179
“Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
malayaw na tawag ng ama kong poon.
noong ako’y batang kinakandung-kandong,
taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.
180
“Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,
nagisnan sa ama’t inang nag-andukha;
pamagat na ambil sa lumuha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.
181
“Buong kamusmusa’y di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin
kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.
182
“Ang sabi ni ina ako’y natutulog
sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.
183
“Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,
nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
156
ngala’y Menalipo-may taglay na pana–
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.
184
“Isang araw namang bagong lumalakad,
noo’y naglalaro sa gitna ng salas
may nasok na Arco’t biglang sinambilat
Kupidong diamanteng sa dibdib ko’y hiyas.
185
“Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol;
sakbat ang palaso’t ang busog na kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
186
“Sa tuwing umagang bagong naglalatag
ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga alagad.
187
“Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.
188
“Aking tinitipon ang ikinakalat
na masayang bango ng mga bulaklak,
inaaglahi ko ang laruang palad,
mahinhing amiha’t ibong lumilipad.
189
“Kung ako’y mayroong matanaw na hayop
sa tinitingalang malapit na bundok,
biglang ibibinit ang pana sa busog,
sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
157
190
“Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,
unang makarampot ng aking napatay;
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam,
palibhasa’y tuwa ang nakaakay.
191
“Sukat maligaya sinumang manood
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod;
at kung masunduan ang bangkay ng hayop,
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.
192
“Ang laruang busog ay kung pagsawaan,
uupo sa tabi ng matuling bukal,
at mananalamin sa linaw ng kristal
sasagap ng lamig na iniaalay.
193
“Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig
ang nangagsasayang Nayades sa batis;
taginting ng Lirang katono ng awit,
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.
194
“Sa tamis ng tinig na kahalak-halak
ng nag-aawitang masasayang Nimfas
naaanyayahan sampung lumilipad–
sarisaring ibong agawan ng dilag.
195
Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay,
sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na Hentil ay nagluluksuhan,
ibo’y nakikinig ng pag-aawitan.
196
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
158
“Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko’t malawig na lubha;
pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.
197
“Pag-ibig anaki’y aking nakilala,
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.
198
“Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpos,
mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis…
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
199
“Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni’y, di na matutuhang bathin.
200
“Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho’y malalanta munting di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.
201
“Munting kahirapa’y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa’y di gawing magbata;
ay bago sa mundo’y bawat kisapmata,
nang tao’y mayroong sukat ipagdusa.
202
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
159
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
203
“Sa taguring bunso’t likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata’y nunukal;
ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.
204
“Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,
kaya nga ang luha ni ina’y hinamak;
at ipinadaka ako sa Atenas–
bulag na isip ko’y nang doon mamulat.”
205
“Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol
sa isang mabait, maestrong marunong;
lahi ni Pitaco–ngala’y si Antenor–
lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.
206
“May sambuwan halos na di nakakain,
luha sa mata ko’y di mapigil-pigil,
nguni’t napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.
207
“Sa dinatnan doong madlang nag-aaral
kaparis kong bata’t kabaguntauhan,
isa’y si Adolfong aking kababayan,
anak niyong Konde Silenong marangal.
208
“Ang kaniyang tao’y labis ng dalawa
sa dala kong edad na lalabing-isa;
siyang pinopoon ng buong eskwela,
marunong sa lahat na magkakasama.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
160
209
“Mahinhin ang asal na hindi magaso
at kung lumakad pa’y palaging patungo
mabining mangusap at walang katalo,
lapastanganin ma’y hindi nabubuyo.
210
“Anupa’t sa bait ay siyang huwaran
ng nagkakatipong nagsisipag-aral;
sa gawa at wika’y di mahuhulihan
ng munting panira sa magandang asal.
211
“Ni ang katalasan ng aming maestro
at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lihim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo.
212
“Akong pagkabata’y ang kinamulatan
kay ama’y ang bait na di paimbabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui’t igalang.
213
“Sa pinagtatakhan ng buong eskwela
bait ni Adolfong ipinakikita,
di ko malasapan ang haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko’t ina.
214
“Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,
aywan nga kung bait at naririmarim;
si Adolfo nama’y gayundin sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.
215
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
161
“Araw ay natakbo at ang kabataan
sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw;
bait ko’y luminis at ang karunungan,
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.
216
“Natarok ang lalim ng pilosopiya,
aking natutuhan ang astrolohiya,
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.
217
“Sa loob ng anim na taong lumakad,
itong tatlong dunong ay aking nayakap;
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas,
sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.
218
“Ang pagkatuto ko anaki’y himala,
sampu ni Adolfong naiwan sa gitna;
maingay na pamang tagapamalita,
sa buong Atenas ay gumala-gala.
219
“Kaya nga at ako ang naging hantungan,
tungo ng salita ng tao sa bayan;
mulang bata’t hanggang katanda-tandaan
ay nakatalastas ng aking pangalan.
220
“Dito na nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo;
kahinhinang-asal na pakitang-tao,
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
221
“Natanto ng lahat na kaya nanamit
niyong kabaitang di taglay sa dibdib
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
162
ay nang maragdag pa sa talas ng isip
itong kapurihang mahinhi’t mabait.
222
“Ang lihim na ito’y kaya nahalata,
dumating ang araw ng pagkakatuwa;
kaming nag-aaral baguntao’t bata,
sarisaring laro ang minunakala.
223
“Minulan ang gali sa pagsasayawan,
ayon sa musika’t awit na saliwan;
larong buno’t arnis na kinakitaan
na kani-kaniyang liksi’t karunungan.
224
“Saka inilabas namin ang trahedya
ng dalawang apo ng tunay na ina
at mga kapatid ng nag-iwing amang
anak at esposo ng Reyna Yocasta.
225
“Papel ni Eteocles ang naging tungkol ko
at si Polinice nama’y kay Adolfo;
isang kaeswela’y siyang nag-Adrasto
at ang nag-Yocasta’y bunying si Minandro.
226
“Ano’y nang mumulan ang unang batalya
ay ang aming papel ang nagkakabaka,
nang dapat sabihing ako’y kumilala’t
siya’y kapatid kong kay Edipong bunga.
227
“Nanlisik ang mata’y ang ipinagsaysay
ay hindi ang ditsong nasa orihinal,
kundi ang winika’y ‘Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!’
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
163
228
“Hinanduolong ako, sabay nitong wika,
ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako’y nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.
229
“Ako’y napahiga sa inilag-ilag,
sinabayang bigla ng tagang malakas;
(salamat sa iyo, O Minandrong liyag,
kundi ang liksi mo, buhay ko’y nautas!)
230
“Nasalag ang dagok na kamatayan ko,
lumipad ang tanging kalis ni Adolfo;
siyang pagpagitan ng aming maestro
at nawalang-diwang kasama’t katoto.
231
“Anupa’t natapos yaong katuwaan
sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo’y di na namin nabukasan,
noon di’y nahatid sa Albanyang bayan.
232
“Naging santaon pa ako sa Atenas,
hinintay ang loob ng ama kong liyag;
sa aba ko’t noo’y tumanggap ng sulat
na ang balang letra’y iwang may kamandag.
233
“Gunamgunam na di napagod humapis,
di ka naianod ng luhang mabilis;
iyong ginugulo ang bait ko’t isip
at di mo payagang payapa ang dibdib!
234
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
164
“(Kamandag kang lagak niyong kamatayan
ng sintang ina ko’y di nagpakundangan;
sinasariwa mo ang sugat na lalang
na aking tinanggap na palasong liham!)
235
“(Tutulungan kita ngayong magpalala
ng hapdi sa pusong di ko maapula;
namatay si ina’y laking dalita,
ito sa buhay ko ang unang umiwa.)
236
“Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!
237
“May dalawang oras na nakamalay
ng pagkatao ko’t ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay di mo na ako nakasalitaan.
238
“Nang mahimasmasa’y narito ang sakit,
dalawa kong mata’y naging parang batis;
at ang Ay! ay, ina! kung kaya napatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit.
239
“Sa panahong yao’y ang buo kong damdam
ay nanaw sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
ang kinakabaka’y sarili kong buhay.
240
“Hinamak ng aking pighating mabangis
ang sa maestro kong pang-aliw na boses;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
165
ni ang luhang tulong ng samang may hapis
ay di nakaawas sa pasan kong sakit.
241
“Baras na matuwid ay nilapastangan
ng lubhang marahas na kapighatian;
at sa isang titig ng palalong lumbay,
diwa’y lumipad, niring katiisan.
242
“Anupa’t sa bangis ng dusang bumugso,
minamasarap kong mutok yaring puso;
at nang ang kamandag na nakapupuno,
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.
243
“May dalawang buwang hindi nakatikim
ako ng linamnam ng payapa’t aliw;
ikalawang sulat ni ama’y dumating,
sampu ng sasakyang sumundo sa akin.
244
“Saad sa kalatas ay biglang lumuhan
at ako’y umuwi sa Albanyang bayan;
sa aking maestrong nang nagpapaalam,
aniya’y ‘Florante, bilin ko’y tandaan.
245
“Huwag malilingat at pag-ingatan mo
ang higanting handa ni Konde Adolfo;
pailag-ilagang parang basilisko,
sukat na ang titig na matay sa iyo.
246
“Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha’t may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
166
siyang isaisip na kakabakahin.
247
“Dapuwa’t huwag kang magpapahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasandatahi’y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.’
248
“Nang mawika ito, luha’y bumalisbis
at ako’y niyakap na pagkahigpit-higpit;
huling tagubilin: ‘bunso’y katitiis
at hinihintay ka ng maraming sakit.
249
“At mumulan mo na ang pakikilaban
sa mundong bayaning punong kaliluhan.’
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.
250
“Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,
tanang kaeskwela–mata’y lumuluha;
si Minandro’y labis ang pagdaralita,
palibhasa’y tapat na kapuwa bata.
251
“Sa pagkakalapat ng balikat namin,
ang mutyang katoto’y di bumitiw-bitiw
hanggang tinulutang sumama sa akin
ng aming maestrong kaniyang amain.
252
“Yaong paalama’y anupa’t natapos
sa pagsasaliwan ng madlang himutok;
at sa kaingaya’t gulo ng adiyos,
ang buntunghininga ay nakikisagot.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
167
253
“Magpahanggang daong ay nagsipatnubay
ang aking maestro’t kasamang iiwan;
umihip ang hangi’t agad nahiwalay
sa Pasig Atenas ang aming sasakyan.”
254
“Bininit sa busog ang siyang katulad
ng tulin ng aming daong sa paglayag,
kaya di naglaon paa ko’y yumapak
sa dalampasigan ng Albanya Syudad.
255
“Pag-ahon ko’y agad nagtulo sa Kinta,
di humihiwalay katotong sinta;
paghalik sa kamay ng poon kong ama,
lumala ang sakit nang dahil kay ina.
256
“Nagdurugong muli ang sugat ng puso,
humigit sa una ang dusang bumugso;
nawikang kasunod ng luhang tumulo:
Ay, Ama! kasabay ng bating Ay, bunso.
257
“Anupa’y ang aming buhay na mag-ama,
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng Bayang Krotona.
258
“Nakapanggaling na sa Palasyo Real
at ipinagsabi sa hari ang pakay;
dala’y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkong kaniyang biyenan.
259
“Humihinging tulong at nasa pangamba,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
168
ang Krotonang Reyno’y kubkob ng kabaka;
ang puno ng hukbo’y balita ng sigla–
Heneral Osmalic na bayaning Persya.
260
“Ayon sa balita’y pangalawa ito
ng Prinsipe niyang bantog sa sangmundo–
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.”
261
Dito napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad;
aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag.
262
“At saka madalas ilala ng tapang
ay ang guniguning takot ng kalaban;
ang isang gererong palaring magdiwang,
mababalita na at pangingilagan.
263
“Kung sa katapanga’y bantog si Aladin,
may buhay rin namang sukat na makitil;
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasam-ang-palad at dalang hilahil.”
264
Sagot ni Florante, “Huwang ding maparis
ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaaway ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking napagsapit.
265
“Natanto ni ama ang gayong sakuna-
sa Krotonang Baya’y may balang sumira,
ako’y isinama’t humarap na bigla
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
169
sa Haring Linceong may gayak nang digma.
266
“Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan
ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
ay sumasalubong na ang haring marangal,
niyakap si ama’t noo’y kinamayan.
267
“Ang wika’y ‘O Duke, ang kiyas na ito
ang siyang kamukha ng bunying gerero;
aking napangarap na sabi sa iyo,
magiging haligi ng setro ko’t reyno.
268
“Sino ito’t saan nanggaling na syudad’
ang sagot ni ama…’ay bugtong kong anak
na inihahandog sa mahal mong yapak,
ibilang sa isang basalyo’t alagad.’
269
“Namangha ang hari at niyakap ako,
‘Mabuting panahon itong pagdating mo;
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
sa Bayang Krotonang kinubkob ng Moro.
270
“Patotohanan mong hindi iba’t ikaw
ang napangarap kong gererong matapang
na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan.
271
“Iyong kautangan paroong mag-adya
nuno mo ang hari sa Bayang Krotona;
dugo kang mataas ay dapat kumita
ng sariling dangal at bunyi ng gyera.’
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
170
272
“Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,
umayon si ama, kahit mapait man,
na agad masubo sa pagpapatayan
ang kabataan ko’t di kabihasaan.
273
“Ako’y walang sagot na naipahayag
kundi Haring poo’t nagdapa sa yapak;
nang aking hahagkan ang mahal na bakas,
kusang itinindig at muling niyakap.
274
“Nag-upuan kami’t saka nagpanayam
ng balabalaki’t may halagang bagay,
nang sasalitin ko ang pinagdaanan
sa Bayang Atenas na pinanggalingan.
275
“Siyang pamimitak at kusang nagsabog
ng ningning ang talang kaagaw ni Venus–
Anaki ay bagong umahon sa bubog,
buhok ay naglugay sa perlas na batok.
276
“Tuwang pangalawa kung hindi man langit
ang itinatapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buko ng ninibig
pain ni Cupidong walang makarakip.
277
“Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan
kay Pebo kung anyong bagong sumisilang;
katawang butihin ay timbang na timbang
at mistulang ayon sa hinhin ng asal.
278
“Sa kaligayaha’y ang nakakaayos–
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
171
bulaklak na bagong winahi ng hamog;
anupa’t sinumang palaring manood,
patay o himala kung hindi umirog.
279
“Ito ay si Laurang ikinasisira
ang pag-iisip ko tuwing magunita,
at dahil sa tanang himutok at luha–
itinotono ko sa pagsasalita.
280
“Anak ni Linceong Haring napahamak,
at kinabukasan ng aking pagliyag;
(Bakit itinulot, Langit na mataas…
na mapanood ko kung di ako dapat!)
281
“(O Haring Linceo, kung di mo pinilit
na sa salitaan nati’y makipanig,
ang buhay ko disi’y hindi nagkasakit
ngayong pagliluhan ng anak mong ibig!)
282
“Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil,
aywan ko kung ano’t lumimot sa akin!
ang palad ko’y siyang alipusta’t linsil,
di laang magtamo ng tuwa sa giliw.
283
“(Makakapit kaya ang gawang magsukab
sa pinakayaman ng langit sa dilag?
kagandaha’y bakit di makapagkalag
ng pagkakapatid sa maglilong lakad?)
284
“(Kung nalalagay ka, ang mamatuwirin,
sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,
dili ang dangal mong dapat na lingapin,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
172
mahigit sa walang kagandaha’t ningning?)
285
“(Ito ay hamak pa bagang sumansala
ng karupukan mo at gawing masama,
kung ano ang taas ng pagkadakila,
siya ring lagapak naman kung marapa.)
286
“O bunying gererong naawa sa akin,
pagsilang na iyong nabagong bituin,
sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw,
inagaw ang pusong sa ina ko’y hain.
287
“Anupa’t ang luhang sa mata’y nanagos
nang pagkaulila sa ina kong irog,
natungkol sa sinta’t puso’y nangilabot,
baka di marapat sa gayong alindog.
288
“Hindi ko makita ang patas na wika
sa kaguluhan ko’t pagkawalang-diwa,
nang makiumpok na’y ang aking salita,
anhin mang tuwiran ay nagkakalisya.
289
“Nang malutas yaong pagsasalitaan
ay wala na akong kamaharlikahan;
kaluluwa’y gulo’t puso’y nadadarang
sa ningas ng sintang bago kong natikman.
290
“Tatlong araw noong piniging ng hari
sa palasyo real na sa yama’t bunyi
ay di nakausap ang punong pighati
na inaasahang iluluwalhati.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
173
291
“Dito ko natikman ang lalong hinagpis,
higit sa dalitang naunang tiniis;
at binulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
292
“Salamat at noong sa kinabukasan,
hukbo ko’y lalakad sa Krotonang Bayan,
sandaling pinalad na nakapanayam
ang prinsesang bumihag niring katauhan.
293
“Ipinahayag ko ng wikang mairog,
ng buntunghininga, luha at himutok,
ang matinding sintang ikinalulunod
magpahanggang ngayon ng buhay kong kapos.
294
“Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik;
dangan ang kaniyang katutubong bait
ay humadlang disin sinta ko’y nabihis.
295
“Nguni’t kung oo’y di man binitiwan,
naliwanagan din sintang nadirimlan;
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan
ng may hiyang perlas na sa mata’y nukal.
296
“Dumating ang bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
dini sa puso ko’y alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng kaniyang kalis?
297
“May sakit pa kayang lalalo ng tindi
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
174
na ang sumisinta’y mawalay sa kasi?
guniguni lamang di na ang mangyari,
sukat ikalugmok ng pusong bayani.
298
“(O, nangag-aalay ng mabangong suob
sa dakilang altar ni kupidong diyos,
sa dusa ko’y kayo ang nakatatarok
noong maulila sa Laura kong irog!)”
299
“At kung hindi luhang pabaon sa akin,
namatay na muna bago ko naatim;
dusang di lumikat hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.
300
“Kuta’y lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang talagang pangwalat,
siyang paglusob ko’t ng hukbong akibat,
ginipit ang digmang kumubkob sa syudad.
301
“Dito’y ang masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal
sa paggapas nila’t pagkitil ng buhay
ng naghihingalong sa dugo’y naglutang.
302
“Makita ng piling Heneral Osmalic
ang aking marahaas na pamimiyapis,
pitong susong hanay na dulo ng kalis,
winahi ng tabak nang ako’y masapit.
303
“Sa kaliwa’t kanan niya’y nalaglag
mga soldados kong pawang mararahas;
lumapit sa aking mata’y nagniningas,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
175
Halika, aniya’t kita ang maglamas.
304
“Limang oras kaming hindi naghiwalay,
hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
nagluksa ang langit nang aking mapatay…
habag sa gererong sa mundo’y tinakpan.
305
“Siya nang pagsilid ng pangingilabot
sa kalabang hukbong parag sinasalot
ng pamuksang tabak na Minandrong bantog…
ang kampo’t biktorya’y napa-aming lubos.
306
“Tagumpay na ito’y pumawi ng lumbay
ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso’y naging katuwaan,
ang pinto ng syudad pagdaka’y nabuksan.
307
“Sinalubong kami ng haring dakila,
kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula
sa di magkawastong nagpupuring dila.
308
“Yaong bayang hapo’t bagong nakatighaw
sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang,
malapit sa aki’t damit ko’y mahagkan.
309
“Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,
vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong salamat, nagtanggol sa amin–
dininig sa langit ng mga bituin.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
176
310
“Lalo ang tuwa nang ako’y matatap
na apo ng hari nilang nililiyag;
ang monarko nama’y di-munti ang galak,
luha ang nagsabi ng ligayang ganap.
311
“Nagsiakyat kami sa palasyong bantog
at nangapahinga ang soldadong pagod;
datapwa’t ang baya’y tatlong araw halos
na nakalimutan ang gawaing pagtulog.
312
“Sa ligaya namin ng nuno kong hari,
nakapagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
malaon nang lanta’y nanariwang muli.
313
“Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya’t tali nang nakasunod–
makapitong lumbay o hanggang matapos.
314
“Naging limang buwan ako sa Krotona
nagpilit bumalik sa Reynong Albanya;
di sinong susumang sa akay ng sinta
kung ang tinutungo’y lalo’t isang Laura?
315
“Sa gayong katulin ng aming paglakad,
naiinip ako’t ang nasa’y lumipad;
aba’t nang matanaw ang muog ng syudad,
kumutob sa aking puso’y lalong hirap!
316
“Kaya pala gayo’y ang nawawagayway
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
177
sa kuta’y hindi na bandilang binyagan,
kundi Medialuna’t reyno’y nasalakay
ni Alading salot ng pasuking bayan.
317
“Ang akay kong hukbo’y kusang pinahimpil
sa paa ng isang bundok na mabangin,
di kaginsa-ginsa’y natanawan namin,
pulutong ng Morong lakad ay mahinhin.
318
“Isang binibini ang gapos na taglay
na sa damdam nami’y tangkang pupugutan;
ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.
319
“Kaya di napigil ang akay ng loob
at ang mga Moro’y bigla kong nilusob;
palad nang tumakbo at hindi natapos
sa aking pamuksang kalis na may poot!
320
“Nang wala na akong pagbuntunang galit,
sa di makakibong gapos ay lumapit;
ang takip sa mukha’y nang aking ialis,
aba ko’t si Laura! may lalo pang sakit?
321
“Pupugutan dahil sa hindi pagtanggap
sa sintang mahalay ng Emir sa syudad;
nang mag-asal hayop ang Morong pangahas,
tinampal sa mukha ng himalang dilag.
322
“Aking dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang awa at pitagan;
mga daliri ko’y naalang-alang
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
178
marampi sa balat na kagalang-galang.
323
“Dito nakatanggap ng lunas na titig
ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;
araw ng ligayang una kong pagdinig
ng sintang Florante sa kay Laurang bibig.
324
“Nang aking matantong nasa bilangguan
ang bunying monarka’t ang ama kong hirang;
nag-utos sa hukbo’t aming sinalakay
hanggang di mabawi ang Albanyang Bayan.
325
“Pagpasok na namin sa loob ng reyno,
bilanggua’y siyang una kong tinungo;
hinango ang hari’t ang dukeng ama ko
sa kaginooha’y isa si Adolfo.
326
“Labis ang ligayang kinamtan ng hari
at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.
327
“Pangimbulo niya’y lalo nang nag-alab
nang ako’y tawaging Tanggulan ng Syudad,
at ipinagdiwang ng haring mataas
sa palasyo real nang lubos na galak.
328
“Saka nahalatang ako’y minamahal
ng pinag-uusig niyang karikitan;
ang Konde Adolfo’y nagpapakamatay–
dahil sa Korona’t–kay Laura’y makasal.”
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
179
329
“Lumago ang binhing mula sa Atenas
ipinunlang nasang ako’y ipahamak;
kay Adolfo’y walang bagay na masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.
330
“Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa
at pasasalamat sa pagkatimawa,
dumating ang isang hukbong maninira
na taga-Turkiyang masakim na lubha.
331
“Dito ang panganib at pag-iiyakan
ng bagong nahugot sa dalitang bayan,
lalo na si Laura’t ang kapangambahan
ang ako ay sam-ing palad sa patayan.
332
“Sapagkat heneral akong iniatas
ng hari sa hukbong sa Moro’y lalabas;
nag-uli ang loob ng bayang nasindak,
puso ni Adolfo’y parang nakamandag.
333
“Niloob ng Langit na aking nasupil
ang hukbo ng bantog na si Miramolin;
siyang mulang araw na ikinalagim
sa Reynong Albanya ng Turkong masakim.
334
“Bukod dito’y madlang digma ng kaaway
ang sunod-sunod kong pinagtagumpayan;
anupa’t sa aking kalis na matapang,
labimpitong hari ang nangagsigalang.
335
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
180
“Isang araw akong bagong nagbiktorya
sa Etolyang Syudad na kusang binaka,
tumanggap ng sulat ng aking monarka,
mahigpit na biling umuwi sa Albanya.
336
“At ang pamamamahala sa dala kong hukbo,
ipinagtiwalang iwan kay Minandro;
noon di’y tumulak sa Etolyang Reyno,
pagsunod sa hari’t Albanya’y tinungo.
337
“Nang dumating ako’y gabing kadiliman,
pumasok sa reynong walang agam-agam;
pagdaka’y kinubkob… (laking kaliluhan!)
ng may tatlumpong libong sandatahan.
338
“Di binigyang-daan akin pang mabunot
ang sakbat na kalis at makapamook;
buong katawan ko’y binidbid ng gapos,
piniit sa karsel na katakut-takot.
339
“Sabihin ang aking pamamangha’t lumbay,
lalo nang matantong monarka’y pinatay
ng Konde Adolfo’t kusang idinamay
ang ama kong irog na mapagpalayaw.
340
“Ang nasang yumama’t haring mapatanyag
at uhaw sa aking dugo ang yumakag
sa puso ng konde sa gawang magsukab…
(O, napakarawal na Albanyang Syudad!)
341
“(Mahigpit kang aba sa mapagpunuan
ng hangal na puno at masamang asal,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
181
sapagka’t ang haring may hangad sa yaman
ay mariing hampas ng Langit sa bayan.)
342
“Ako’y lalong aba’t dinaya ng ibig,
may kahirapan pang para ng marinig
na ang prinsesa ko’y nangakong mahigpit
pakasal sa Konde Adolfong balawis?
343
“Ito ang nagkalat ng lasong masidhi
sa ugat ng aking pusong mapighati
at pinagnasaang buhay ko’y madali
sa pinanggalingang walang magsauli.
344
“Sa pagkabilanggong labingwalong araw,
naiinip ako ng di pagkamatay;
gabi nang hangui’t ipinagtuluyan
sa gubat na ito’t kusang ipinugal.
345
“Bilang makalawang maligid ni Pebo
ang sandaigdigan sa pagkagapos ko,
nang inaakalang nasa ibang mundo,
imulat ang mata’y nasa kandungan mo.
346
“Ito ang buhay kong silu-silong sakit
at hindi pa tanto ang huling sasapit…”
mahabang salita ay dito napatid,
ang gerero naman ang siyang nagsulit.
347
“Ang pagkabuhay mo’y yamang natalastas,
tantuin mo naman ngayon ang kausap;
ako ang Aladin sa Persyang Syudad,
anak ng balitang Sultang Ali-Adab.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
182
348
“Sa pagbatis niring mapait na luha,
ang pagkabuhay ko’y sukat mahalata…
(Ay, ama ko! bakit…? Ay, Fleridang tuwa!)
katoto’y bayaang ako’y mapayapa.
349
“Magsama na kitang sa luha’y maagnas,
yamang pinag-isa ng masamang palad;
sa gubat na ito’y hintayin ang wakas
ng pagkabuhay tang nalipos na hirap.”
350
Hindi na inulit ni Florante naman,
luha ni Aladi’y pinaibayuhan;
tumahan sa gubat na may limang buwan,
nang isang umaga’y naganyak maglibang.
351
Kanilang nilibot ang loob ng gubat,
kahit bahagya nang makakitang landas;
dito sinalita ni Alading hayag
ang kanyang buhay na kahabag-habag.
352
Aniya’y “Sa madlang gyerang dinaanan,
di ako naghirap ng pakikilaban
para nang bakahin ang pusong matibay
ni Fleridang irog na tinatangisan.
353
“Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa’y,
si Diana’y sa gitna ng maraming Nimpa,
kaya’t kung tawagin sa Reynong Persya,
isa si Houris ng mga propeta.
354
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
183
“Anupa’t pinalad na aking dinaig
sa katiyagaan ang pusong matipid;
at pagkakaisa ng dalawang dibdib
pagsinta ni ama’y nabuyong gumiit.
355
“Dito na minulan ang pagpapahirap
sa aki’y ninasang buhay ko’y mautas;
at nang magbiktorya sa Albanyang Syudad,
pagdating sa Persya’y binilanggo agad.
356
“At ang ibinuhat na kasalanan ko,
di pa utos niya’y iniwan ang hukbo;
at nang mabalitaang reyno’y nabawi mo,
noo’y hinatulang pupugutan ng ulo.
357
“Nang gabing malungkot na kinabukasan,
wakas na tadhanang ako’y pupugutan,
sa karsel ay nasok ang isang heneral,
dala ang patawad na lalong pamatay.
358
“Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,
huwag mabukasan sa Reyno ng Persya;
sa munting pagsuway-buhay ko ang dusa…
sinunod ko’t utos ng hari ko’t ama.
359
“Nguni’t sa puso ko’y matamis pang lubha
na tuloy nakitil ang hiningang aba,
huwag ang may buhay na nagugunita–
iba ang may kandong sa langit ko’t tuwa.
360
“May anim na ngayong taong walang likat
nang nilibut-libot na kasama’y hirap…”
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
184
napatigil dito’t sila’y may namatyag–
nagsasalitaan sa loob ng gubat.
361
Napakinggan nila’y ganitong saysay
“nang aking matatap na papupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan
nagdapa sa yapak ng haring sukaban.
362
“Inihinging-tawad ng luha at daing
ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya’y di patatawarin.
363
“Anong gagawin ko sa ganitong bagay?
ang sinta ko kaya’y bayaang mamatay?
napahinuhod na ako’t nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal!
364
“Ang di nabalinong matibay kong dibdib
ng suyo ng hari, bala at paghibik,
naglambot na kusa’t humain sa sakit
at nang mailigtas ang buhay ng ibig.
365
“Sa tuwa ng hari, pinawalan agad
ang dahil ng aking luhang pumapatak;
datapwa’t tadhanang umalis sa syudad
at sa ibang lupa’y kusang mawakawak.
366
“Pumanaw sa Persya ang irog ko’t buhay
na hindi man kami nagkasalitaan;
tingni kung may luha akong ibubukal
na maitutumbas sa dusa kong taglay!
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
185
367
“Nang iginagayak sa loob ng reyno
yaong pagkakasal na kamatayan ko,
aking naakalang magdamit-gerero
at kusang nagtanan sa real palasyo.
368
“Isang hatinggabi kadilima’y lubha,
lihim na naghugos ako sa bintana;
walang kinasama kung hindi ang nasa–
matunton ang sinta kung nasaang lupa.
369
“May ilan nang taon akong naglagalag
na pinapalasyo ang bundok at gubat;
dumating nga rito’t kita’y nailigtas
sa masamang nasa niyong taong sukab…”
370
Salita’y nahinto sa biglang pagdating
ng Duke Florante’t Prinsipe Aladin;
na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso’y di mapigil-pigil.
371
Aling dila kaya ang makasasayod
ng tuwang kinamtan ng magkasing irog?
sa hiya ng sakit sa lupa’y lumubog,
dala ang kaniyang naputol na tunod.
372
Saan kalangitan napaakyat kaya
ang aking Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?
373
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
186
Anupa nga’t yaong gubat na malungkot,
sa apat ay naging paraiso’t lugod;
makailang hintong kanilang nilimot
na may hininga pang sukat na malagot.
374
Sigabo ng tuwa’y nang dumalang-dalang,
dininig ng tatlo ang kay Laurang buhay;
nasapit sa reyno mula nang pumanaw
ang sintang nanggubat; ganito ang saysay…
375
“Di lubhang nalaon noong pag-alis mo,
O, sintang Florante sa Albanyong Reyno,
narinig sa baya’y isang piping gulo
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.
376
“Ngunit di mangyaring mawatas-watasan
ang bakit at hulo ng bulung-bulungan;
parang isang sakit na mahulaan
ng medikong pantas ang dahil at saan.
377
“Di kaginsa-ginsa, palasyo’y nakubkob
ng magulong baya’t baluting soldados;
(O, araw na lubhang kakila-kilabot!
araw na sinumpa ng galit ng Diyos!)
378
“Sigawang malakas niyong bayang gulo:
‘mamatay, mamatay ang Haring Linceo
na nagmunakalang gutumin ang reyno’t
lagyan ng estangke ang kakani’t trigo.’
379
“Ito’y kay Adolfong kagagawang lahat
at nang magkagulo yaong bayang bulag;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
187
sa ngalan ng hari ay isinambulat
gayong ordeng mula sa dibdib na sukab.
380
“Noon di’y hinugot sa tronong luklukan
ang ama kong hari at pinapugutan;
may matuwid bagang makapanlulumay
sa sukab na puso’t nagugulong bayan?
381
“Sa araw ring yao’y naputlan ng ulo
ang tapat na loob na mga konseho;
at hindi pumurol ang tabak ng lilo
hanggang may mabait na mahal sa reyno.
382
“Umakyat sa trono ang kondeng malupit
at pinagbalaan ako nang mahigpit,
na kung di tumanggap sa haing pag-ibig,
dustang kamataya’y aking masasapit.
383
“Sa pagnanasa kong siya’y magantihan
at sulatan kita sa Etolyang Bayan,
pinilit ang pusong huwag ipamalay
sa lilo-ang aking kaayawa’t suklam.
384
“Limang buwang singkad ang hininging taning,
ang kaniyang sinta’y bago ko tanggapin;
ngunit ipinasyang tunay sa panimdim
ang magpatiwakal kundi ka dumating.
385
“Niyari ang sulat at ibinigay ko
sa tapat na lingkod nang dalhin sa iyo;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
188
di nag-isang buwa’y siyang pagdating mo’t
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.
386
“Sa takot sa iyo niyong palamara
kung ikaw’y magbalik na may hukbong dala,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka
ng may selyong sulat at sa haring pirma.
387
“Matanto ko ito’y sa malaking lumbay
gayak na ang puso na magpatiwakal
ay siyang pagdating ni Minandro naman,
kinubkob ng hukbo ang Albanyong Bayan.
388
“Sa banta ko’y siyang tantong nakatanggap
ng sa iyo’y aking padalang kalatas,
kaya’t nang dumating sa Albanyang Syudad,
lobong nagugutom ang kahalintulad.
389
“Nang walang magawa ang Konde Adolfo
ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
dumating ang gabi umalis sa reyno
at ako’y dinalang gapos sa kabayo.
390
“Kapagdating dito ako’y dinadahas
at ibig ilugso ang puri kong ingat;
mana’y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab…”
391
Sagot Flerida: “Nang dito’y sumapit
ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko’y binibigyang-sakit,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
189
nahambal ang aking mahabaging dibdib.
392
“Nang paghanapin ko’y ikaw ang nataos,
pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata’t bininit sa busog
ang isang palasong sa lilo’y tumapos…”
393
Di pa napapatid itong pangungusap,
si Minandro’y siyang pagdating sa gubat;
dala’y ehersito’t si Adolfong hanap,
nakita’y katoto… laking tuwa’t galak!
394
Yaong ehersitong mula sa Etolya,
ang unang nawika sa gayong ligaya:
“Biba si Floranteng Hari sa Albanya…
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!”
395
Dinala sa reynong ipinagdiriwang
sampu ni Aladi’t ni Fleridang hirang,
kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
magkakasing sinta’y naraos nakasal.
396
Namatay sa bunying Sultan Ali-Adab,
nuwi si Aladin sa Persyang Syudad;
ang Duke Florante sa trono’y naakyat
sa siping ni Laurang minumutyang liyag.
397
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
190
Sa pamamahala nitong bagong hari,
sa kapayapaan ang reyno’y nauwi;
dito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati.
398
Kaya nga’y nagtaas ang kamay sa langit,
sa pasasalamat sa bayang tangkilik;
ang hari’t ang reyna’y walang naiisip
kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
399
Nagkasama silang lubhang mahinusay
hanggang sa nasapit ang payapang bayan…
(Tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
sa yapak ni SELYA’T dalhin yaring Ay!… AY!)
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
191
Hudhud Ang Kuwento ni Aliguyon
(Epiko ng mga Ifugao)
Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa
pananampalataya.
Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang
mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni
Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa
tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang
matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang
trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa
kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na
matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na
babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.
Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng
matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at
matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang
panahon.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
192
Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng
loob.
Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa
matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-
handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at
hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan
kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad
ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang
maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan. Kaya anak sa anak ang
nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa
paghawak ng sibat.
Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan
ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang
kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang
dibdib.
Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at
nagmistulang awit sa hangin.
Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang
humahanging sibat. “Saksakin mo siya, Dinoyagan!”
Sasawayin sila ng binata, “Kasinggaling ko siya sa labanang ito.”
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
193
Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo,
ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-
lundag, patalun-talon sa mga taniman.
Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila
ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ng
sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo.
Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng
pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si
Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng kanilang
ama. Nagdiwang ang lahat.
Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si
Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak ng dibdib ni
Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon
sila namuhay nang maligaya. Doon lumaki ang kani-kanilang mga supling.
Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng
pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung sila’y sumasayaw. Kung
mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din sila sa pagsasayaw.
Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
194
Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa
marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at
pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay
ng mga Ipugaw ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi
mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang
mandirigma.
Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga
dakilang mandirigma.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
195
Mga Orihinal na Teksto ng Tula,
Maikling Kuwento at Epiko
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
196
Tulang Liriko
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
197
Si el hombre pudiera decir
Original Language (Spanish):
Tú justificas mi existencia:
Si no te conozco, no he vivido;
Si muero sin conocerte, no muero,
porque no he vivido
Centinaia di amici
Original Language (Italian):
L’uno…
mi guarda
sembra che tu…
L’uno…
sorride dolcemente
sembra che tu…
Sempre
la sensazione
qualcosa che manca…
L’uno…
Tu.
E lo dico…
Questo sei tu…
Che siete voi…
Qui si…
Ci sei tu…
E іn
questo e quello
Sono diventato
Amico di centinaia
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
198
AROG KAINI PALAN (Ganito Pala)
ni Abdon M. Balde, Jr.
Arog kaini palan
pagka naggugurang:
Pagmuklat pagkaaga
ugma man ta buhay pa,
alagad sa enot na gios
garing nakagapos;
pag biglang minabuhat
mga tulang minaragaak!
Maihi man sana
minatukaw pa sa kubeta,
ta pag tindog na nagtiris
narurupit an bitis.
An linanot na pamahawan
sakob na an pangudtuhan.
Maski bunay pag linaga,
masakit na an pagsapa.
Sa sira mag malasugi
o sardinas nadudugi.
An kinaon na kalunggay
minaluwas luhay-luhay,
kalunggay man giraray.
Nakakainom pa man
linaga na lakad-bulan.
Takot na sa santol
ta masakit ma-tubol.
Likay sa tagiti,
sa tunog kan banggi,
ta pag sinipon
dai na makabangon
Pag biglang napalapiga
dagos napapatihaya.
Pababa man sa hagyanan
halhal sa kapagalan.
Pag nagbalyo sa tinampo
gabos na awto minapundo.
Nangingiturog sa sinehan
dawa an pasali bakbakan.
Pag nakahiling ki burak
taol an pighahanap.
Pag-abot kan kumpleanyo
dai nang kakuntemporanyo;
kaya gabos na nagbibisita
saro-sarong nagbibisa.
Pag-abot kan sinarom
nagdidiklom an paglaom
na makatukdol ki bitoon
sa mga panganoron.
Kun malipot an banggi
ranga pa man salampati
mientras kugos an sadiri
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
199
BALIKTAD (Kabalintunaan) ni Abdon M. Balde, Jr.
• Nata kun nuarin ika guminurang
Saka kaakian an kapalibutan?
Sain man kumiling, gari mga Dyosa
An nakapalibot na mga daraga.
Dangan an makulog sa puso, sa payo
Pagka naduotan o nasa’gidan mo
Dai man malikay, dai man maribok
Gari nanunuksong sagin man mali’od.
Namamati daw o naaagimadmad
Kun talagang ika dai nang kamandag?
Nata kun nuarin nagkakwartang bigla
Ribong kamidbid an biglang
minabutwa?
Dakul na paryentes an naghihirilang
Buda kataraning na may kaipuhan.
Dawa katabang na boot nang mag-
agom
Ika an puntiryang gibuhon na ninong.
Pati su dati nang nagtutuyá-tuyá
May katikapuhan, biglang minalumyá.
Napaparong kaya, nasasaridsid daw
Kun igwang biyayang kwartang
nasasaray?
An kayamanan daw madaling
mapugrot
Katikapuhan an pirming minasampot
Su tago-tago mo iyong nalalantad
Daing nagmamangno sa gustong
ilaladlad.
Su dating namu’tan habo nang
maglayas
Su gustong bukudon iyo man an layas.
Kun nangangaipo ki kusug kan lawas
dangan malayumay, habong
magbungkaras.
Su pinagpadaba iyong nabalisngag.
Ano daw an buhay ta pirming baliktad?
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
200
The Road Not Taken (Ang Pagpili ng Daan)
By: Robert Frost
Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;
Then took the other, as just as fair,
And having perhaps the better claim
Because it was grassy and wanted
wear,
Though as for that the passing there
Had worn them really about the same,
And both that morning equally lay
In leaves no step had trodden black.
Oh, I marked the first for another day!
Yet knowing how way leads on to way
I doubted if I should ever come back.
I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a wood, and I,
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
201
Un Recuerdo Mi Pueblo (Isang Alaala ng Aking Bayan)
ni Dr. Jose Rizal
Cuando recuerdo los días,
Que vieron mí edad primera
Junto á la verde ribera
De un lago murmurador;
Cuando recuerdo el susurro
De Favonio que mi frente
Recreaba dulcemente
Con delicioso frescor;
Cuando miro en blanco lirio
Henchir con impetus el viento
Y el tempestuoso elemento
Manso en la arena dormir;
Cuando aspiro de las flores
Grata esencia embriagador
Que exhalan cuando la aurora
Nos comienza á sonreir;
Recuerdo, recuerdo triste
Tu faz, infancia preciosa,
Que una madre cariñosa
¡Ay! Consiguió embellecer.
Recuerdo un pueblo sencillo,
Mi contento, dicha y cuna,
Junto á la fresca laguna
Asiento de mi querer.
¡Oh! Si mi insegura planta
Holló tus bosques sombríos,
Y en las costas de tu ríos
Hallé grata diversion;
Oré en tu rústico templo
De niño, con fe sencilla
Y tu brisa sin mancilla
Alegró mi corazón.
Ví al Creador en la grandeza
De tus selvas seculares;
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
202
En tu seno los pesares
Nunca llegué á conocer;
Mientras tu azulado cielo
Miré, ni amor ni ternura
Me faltó, que en la Natura
Se cifraba mi placer.
Niñez tierna, pueblo hermoso,
Rica fuente de alegrías,
De armoniosas melodias
Que ahuyentan el pesar!
¡Volved mis horas suaves,
Volved, cual vuelven las aves
De las flores al brotar!
Mas¡ ay! Adiós! Vele eterno
Por tu paz, dicha y reposo,
Genio del bien, que bondoso
Sus dones da con amor;
Por tí mis fervientes votos,
Por tí mi constante anhelo
De aprender, y¡ plague al cielo
Conservase tu candor!
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
203
Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)
By: Jose Rizal
Adiós, Patria adorada, región del sol querida,
Perla del mar de oriente, nuestro perdido Edén!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante, más fresca, más florida,
También por ti la diera, la diera por tu bien.
En campos de batalla, luchando con delirio,
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio,
Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.
Yo muero cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el día tras lóbrego capuz;
si grana necesitas para teñir tu aurora,
Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora
Y dórela un reflejo de su naciente luz.
Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,
Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
204
Fueron el verte un día, joya del mar de oriente,
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor
Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
¡Salud te grita el alma que pronto va a partir!
¡Salud! Ah, que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.
Si sobre mi sepulcro vieres brotar un día
Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acércala a tus labios y besa al alma mía,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría,
De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.
Deja a la luna verme con luz tranquila y suave,
Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cántico de paz.
Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
205
Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;
Deja que un ser amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mí alguien ore,
¡Ora también, oh Patria, por mi descanso a Dios!
Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por ti que veas tu redención final.
Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio
Y solos sólo muertos queden velando allí,
No turbes su reposo, no turbes el misterio,
Tal vez acordes oigas de cítara o salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.
Y cuando ya mi tumba de todos olvidada
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan a formar.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
206
Entonces nada importa me pongas en olvido.
Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré.
Vibrante y limpia nota seré para tu oído,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,
Constante repitiendo la esencia de mi fe.
Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adiós.
Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.
Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía,
Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso día;
Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría,
Adiós, queridos seres, morir es descansar.
José Rizal, 1896
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
207
A la juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)
By: José Rizal
Alza su tersa frente,
Juventud Filipina, en este día!
Luce resplandeciente
Tu rica gallardía,
Bella esperanza de la Patria Mia!
Vuela, genio grandioso,
Y les infunde noble pensamiento,
Que lance vigoroso,
Mas rápido que el viento,
Su mente virgen al glorioso asiento.
Baja con la luz grata
De las artes y ciencias a la arena,
Juventud, y desata
La pesada cadena
Que tu genio poético encadena.
Ve que en la ardiente zona
Do moraron las sombras, el hispano
Esplendente corona,
Con pia sabia mano,
Ofrece al hijo de este suelo indiano.
Tu, que buscando subes,
En alas de tu rica fantasía,
Del Olimpo en las nubes
Tiernisima poesía
Más sabrosa que néctar y ambrosía.
Tu, de celeste acento,
Melodioso rival Filomena,
Que en variado concento
En la noche serena
Disipas del mortal la amarga pena.
Tu que la pena dura
Animas al impulso de tu mente,
Y la memoria pura
Del genio refulgente
Eternizas con genio prepotente.
Y tu, que el vario encanto
De Febo, amado del divino Apeles,
Y de natura el manto
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
208
Con mágicos pinceles
Trasladar al sencillo lienzo sueles.
Corred! que sacra llama
Del genio el lauro coronar espera,
Esparciendo la fama
Con trompa pregonera
El nombre del mortal por la ancha espera.
Dia, dia felice,
Filipinas gentil, para tu suelo!
Al Potente bendice
Que con amante anhelo
La ventura te envia y el consuelo.
Isang Antolohiya:
Literatura ng Buong Mundo, Salin sa Pilipino
209